Jeepney Overdrive

By CreepyCree

160K 1.3K 663

-- ON GOING --- “LOVE comes from the most UNEXPECTED places...” Sa pagsakay sa isang jeep, puwede, isang ar... More

PROLOGUE
Meet the Characters
J.O Chapter 1
J.O Chapter 2
J.O Chapter 3 part 1
J.O Chapter 3 part 2
J. O Chapter 4
J.O Chapter 5 part 1
J.O. Chapter 5 part 2
J.O Chapter 6
J. O. Chapter 7
J. O. Chapter 8
J. O Chapter 9
J. O. Chapter 10
J. O. Chapter 11
J. O. Chapter 12
J. O. Chapter 13
J. O. Chapter 14
J. O. Chapter 15
J. O. Chapter 16
J. O. Chapter 17
J. O. Chapter 18
J. O. Chapter 19
J. O. CHAPTER 20
Jeepney Overdrive FAQ's
J. O. Chapter 21
J. O. Chapter 22
J. O. Chapter 23 part 1
J. O. Chapter 23 part 2
J. O. Chapter 24 part 1
J. O. Chapter 24 part 2
J. O. Chapter 25
J. O. Chapter 26
J. O. Chapter 27
J. O. Chapter 28
J. O. Chapter 29 Part 1
J. O. Chapter 29 Part 2
J. O. Chapter 29 Part 3
J. O. Chapter 30
J. O. Chapter 31
J. O. Chapter 32
J. O. Chapter 33
J. O. Chapter 34
J. O. Chapter 35
J. O. Chapter 36
J. O. Chapter 37
J. O. Chapter 38
J. O. Chapter 39
J. O. Chapter 40 (CORRECTED)
J. O. Chapter 41
J. O. CHAPTER 42
J. O. CHAPTER 43
J. O. Chapter 44
J. O. Chapter 45
J. O. Chapter 46
An apology
J.O. Chapter 47
J. O. Chapter 48
J. O. Chapter 50

J. O. Chapter 49

574 13 26
By CreepyCree

AUTHORS NOTE:

 

            SORRY PO KUNG DELAYED.

            ENJOY READING, HINDI KO NA ATA KAYA 'YUNG ISANG BAGSAKAN ANG EPISODE SA ISANG CHAPTER ERRR... NAKAKAINIS PLEASE BEAR WITH PA RIN PO SANA...

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 

CHAPTER 49

Finding Nico

 

"Dito niyo na ako ibaba." Nagmamadaling utos ni Justin, pagdating ng sasakyan nila sa tapat ng gate ng G.I.U. Tumigil naman ang sinasakyan niyang kotse, ayon na rin sa sabi niya. "Ayoko sumabay papasok." Nakatingin siya kay Jem nang magsalita. "Una ka na." Bumaba na siya at hindi na pinakinggan pa ang sasabihin ni Jem.


Umiba siya ng daan, maingat at dahan-dahan. Hangga't maari ay ayaw niyang may makakilala na nakasakay siya sa kotseng itim na may convoy na 2 kotseng itim. Binunot niya ang cellphone niya sa bulsa para sana tignan ang oras, bagay na hindi niya ginagawa noon. Oo nga pala. Pero wala siyang nakitang oras dahil nakapatay ang cellphone niya. Ayoko na muna siyang isipin. Binulsa na niya uli ang kaniyang cellphone at naglakad papunta sa paborito niyang tambayan.


"Justin." May tumawag sa pangalan niya na nakilala na niya ang boses.

"Bakit Denver?" Sagot niya dito paglingon niya.


"Ahe! Nakilala mo ako?" Nakataas ang mga palad ni Denver sa gulat.

"Kilala ko ang boses mo." Ngumiti si Justin.


"Sinundan kita mula 'nung bumaba ka sa kotse." Ngumiti kahit takot si Denver.

"Ganun?" Sumama ang tingin ni Justin kay Denver, pero acting lang niya ito. Nais lang niya pag-tripan si Denver. "Kapag pinagkalat mo na pumasok ako sa school sa ganung paraan lagot ka sakin."

"EEH! Hindi ako magdadaldal!" Winagayway ni Denver ang mga palad niya.

Natawa ng bahagya si Justin. "Tera na, puntahan na natin si Doc."


"Ay, si Doc? Wala pa siya sa clinic." Wika ni Denver.''

Tumigil sa paglalakad si Justin. "Wala pa? Late siya?"

Tumango si Denver. "Dumiretso ako doon kasi makikibalita sana ako sayo, pero sarado pa."

"Puntahan na lang natin." Mapilit si Justin.


Naglakad ang dalawa papunta sa clinic, nakalock at patay pa ang mga ilaw sa loob. May emergency siguro siya. "Oh well, mukhang sa bleachers nanaman ako iidlip." Nagkibit balikat si Justin, sabay baling kay Denver na nakapout habang sumisilip-silip sa loob ng clinic. "Pumasok ka na." Sambit niya kay Denver. "May klase ka diba? Matutulog lang ako sa socce field, doon mo na lang ako puntahan mamaya."


"Eh." Napatingin si Denver kay Justin. "Ayoko pumasok eeh."

"Huh? Bakit? May nambubully ba sayo?" Tanong ni Justin.

"W-wala naman." Tinaas uli ni Denver ang mga palad niya at kinaway ito. "Nakakasabay naman ako kahit hindi ako napasok eeh hehe. Sama na lang muna ako sayo."


"Bahala ka." Umiba ng direksyon ng lakad si Justin at tumungo na nga sa soccer field. Maaliwalas ang paligid, walang nakatambay na iba at walang naglalaro. Umakyat siya sa pinaka-tuktok ng bleachers para mas mahangin. "Kung ako sayo, papasok na lang ako." Nakatingin siya kay Denver na nahihirapang umakyat dahil ginagaya nito ang gawi niya sa pag-akyat sa bleachers.


"Kaya ko 'to!" Sigaw ni Denver.

Pinanood ni Justin ang pag-akyat ng kaisa-isa niyang kasama sa school. Ilang saglit ay nakatabi na rin sa kanya si Denver na sobra ang hingal. "Kaya pa?" Natatawa niyang bati dito.

"Oo!" Inilabas ni Denver ang inhaler niya at ginamit ito para mawala ang hingal.

"Sabi ko naman kasi sayo pumasok ka na lang eh haha." Tinawanan siya ni Justin.


"Kamusta nga pala, nakausap mo ba si 1st love mo?" Sinimulan na ni Denver ang paninismis niya.

Ngunit, nakaramdam ng pagkabadtrip si Justin. "Hindi."

"Bakit? Hindi mo siya inabutan sa school? Hindi mo siya pinuntahan sa bahay? Ayaw ka ba niya kausapin?" Sunod-sunod na mga tanong ni Denver.


Inihiga ni Justin ang katawan niya sa bleachers at ginawang unan ang mga braso. "Kahit inabot ako ng siyam-siyam sa pagpunta sa school niya, naabutan ko naman siya. Pero hindi ko siya nakausap dahil hindi naman niya ako pinapansin kaya hindi ko na siya pinuntahan sa bahay." Nakatulala sa langit si Justin.

"Ek? Sigurado ka bang hindi ka niya pinapansin? Baka naman hindi ka lang niya napansin?" Tanong pa rin si Denver, ang mga matatalino ay mahilig talaga magtanong.

"Ewan ko, busy siya sa ibang bagay. Siguro, wala lang talaga ako sa priority niya ngayon." Sumagot pa rin si Justin na bakas sa boses ang lungkot.


Hmm. Sinubukan ni Denver tanawin ang mukha ni Justin. Seryoso ito, malamlam ang mata, tikom ang mga labi at bagsak ang mga kilay. Wala siya sa mood kaya niya ako nasasagot ng maayos. "Galit ka sa kanya?" Hindi siya sinagot ni Justin. "Hmm, alam mo... dapat siguro hindi ka nagagalit ka sa kanya." Hindi pa rin naimik si Justin. "Baka naman hindi niya sinasadya na hindi ka niya kausapin, baka naman hindi niya gusto na hindi ka niya mapansin. Baka mamaya nag-effort rin pala siya na kausapin ka kaso ikaw naman 'yung umiwas bigla. Kawawa naman siya. Pero huwag ka sana magagalit sakin! Nagsasabi lang ako ng nasa isip ko!" Pumikit si Denver at hinarang ang mga braso sa mukha kung sakali 'man mainis sa kanya si Justin.


"Sa tingin mo ba, mali 'yung ginawa ko?" Bumangon si Justin at hinarap si Denver, face to face.

"Eeh... m-medyo! Kahit siguro si Doc Mhel, ang sasabihin 'nun sayo... sana pinuntahan mo sa bahay kung hindi ka niya nakausap sa school." Umatras ng kaunti si Denver, natatakot siya kay Justin.


Mali nanaman ba decision ko. Natulala sa malawak na damuhan si Justin. Kung, hindi nga ba ako nag-iba ng direksyon 'nung narinig ko ang pagtawag niya sakin... nagkaayos kaya kami.


Hala natulala. Bulong ng isip ni Denver. "Pero kung nahihirapan kang kausapin siya, maganda nga siguro... palamig muna kayo sa isa't isa haha. W-wala naman ako sa sitwasyon mo kaya wala ako karapatan magsalita haha." Ina-acting na lamang ni Denver ang tawa niya dahil natatakot siyang masaktan ni Justin.


Tahimik lang si Justin pagkatapos ng mga sinabi ni Denver, matagal siyang nakatulala sa damo na parang malalim ang ininiisip. Alam kong ma-pride ako at sa totoo lang 'yun ang dahilan kaya ayokong pansinin o bigyan 'man lang ng pansin si Jessie. Kaso, sa pagkakataong ito... mukhang hindi ko na kakailanganin pa ang pride ko! "Denver!"


Nagulangtang si Denver. "JUSTIN!"

"Wala naman gagawin ngayong araw dito diba?" Masigla na ang mukha ni Justin nang humarap ito kay Denver.


Kahit naman meron, wala ka naman paki. "W-wala naman ata, last day of classes na ngayon 'eh. Saming mga Sr. High, wala masyado pero hindi ko alam kapag sa inyong mga college kasi diba—-" Ngunit hindi pa nakakatapos si Denver sa kanyang sinasabi ay ngumiti na si Justin, tumayo at tumakabo pababa ng bleachers. "J-JUSTIN!" Humabol na lamang siya dito.


"Aalis ako! Kung hanapin ako ni Doc Mhel, sabihin mo may inaasikaso ako!" Sigaw ni Justin habang bahagyang natakbo.

"S-sige!..." Hinihingal na sagot ni Denver na pilit humahabol kay Justin.


Nakaalis na sila sa soccer field at ngayon ay nasa loob na sila ng school building na may short cut papunta sa main gate. Bahagyang bumagal ang takbo ni Justin dahil maraming mga istudyante ang nakatambay at naglalakad sa hallway ng building. Nakasunod pa rin sa kanya si Denver na medyo may kalayuan ang layo sa kanya. Malapit ng lumiko si Justin papunta sa hallway ng short cut nang may boses ng babae ang tumawag sa pangalan niya.


"Hmm?" Huminto si Justin at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang dalaga na pamilyar sa kanya ang mukha ngunit hindi niya maalala ang pangalan. "Bakit?" Malamig niyang bati sa dalaga.

"A-ah, h-hindi mo pa rin ba ako nakikilala o natatandaan 'man lang?" Dismayado ang tono ng dalaga.


Minasdan mabuti ni Justin sa mukha ang dalaga. "H-hindi?" Pero wala talaga siya maalalang pangalan. "Medyo pamilyar ka pero hindi ko matandaan 'yung name mo, medyo nagmamadali kasi ako 'eh kaya kung wala ka naman sasabihin... aalis na ako." Tinuro ni Justin ang hallway na kanyang lilikuan.


"Aira Jhoy, didn't that ring a bell?" Matigas na medyo inis ang tono ng dalaga.

"Ah! Oi! Aira!" Tinuro ni Justin si Aira na parang batang may bagong natutunan. "Ok, I remember you na. Ikaw 'yung kagabi, right?"

"Yeah." May kasamang tango ang sagot ni Aira, malungkot ang reaksyon ng mukha niya.

"O-ok, sige alis na ako." Tumalikod na si Justin para tumakbo.


"S-sandali!" Pigil ni Aira na biglang napaupo at tila natipalok sa paghabol kay Justin.

"AIRA!" Sigaw ng dalawang dalaga na nasa 'di kalayuan lang.


Huminto si Justin at nilingon uli si Aira, nakaupo ito sa sahig at hinihimas ang binti. Bumuntong hininga siya... Nagmamadali naman ako 'eh, bagi nilapitan ang natipalok na dalaga. "Anong nangyari sayo?"


"H-huh?" Tiningala ni Aira si Justin nakatayo malapit sa kinauupuan niya. "Natipalok lang ako, hahabulin kasi sana kita para sabihin na may assembly meeting ang section natin para sa next sem. Baka gusto mo pumunta para makabalita, pero nagmamadali ka kaya sige na... ok lang ako." Kunot ang kilay pero nakangiti si Aira.


Hindi umiimik si Justin, pinapanood lamang niya si Aira na tinutulungang tumayo ng dalawa nitong kaibigan. "Kaya mo bang maglakad?" Usisa niya ng makatayo na si Aira.


"Kaya ko pa naman." Nakangiti pa rin si Aira.

"Pero Aira, diba ikaw ang secretary ni Sir Vito... baka magalit 'yun kapag nalate tayo." Pag-aalala ng mataba, medyo kayumangi, maliit at mahaba ang buhok na dalaga.

"Oo nga, tama si Danica." Pagsang-ayon ng medyo balingkinitan ang katawan at maputing dalaga na kasama ni Aira.


"Ok lang ako Nica at Ryan... 'wag kayong mag-alala." Sinubukan ni Aira ang maglakad pero na-out of balance siya at muntik nang bumagsak nanaman sa sahig kung hindi nahawakan ni Justin ang braso niya. "Justin." Tumitig si Aira sa gwapong mukha ni Justin na nakatingin sa kanya.


"Pumasan ka na sakin. Kung hindi mo ako ginustong balitaan, hindi ka magkakaganyan. Pasensya ka na." Malumanay ang boses ni Justin pero sa loob niya ay naiinis siya dahil may humarang nanaman sa pagmamadali niya. Ano bang meron sa linggong ito at parang nakikiaayon ang tadhanan na huwag kami magkita ni Jessie. Asar! "Saan ba 'yung meeting?" Kay Nica siya bumaling.


"S-sa second floor! Room 205." Sagot ni Nica.


Hindi naman tumanggi si Aira sa offer ni Justin, tinulungan nina Nica at Rhea na makapasan siya kay Justin upang mas mabilis na makarating sa pupuntahan nila.


Samantala, malapit lang si Denver kina Justin kanina, nakita niya ang buong nangyari pero hindi siya makalapit dahil nauunahan siya ng hiya. Tinanaw niya ang kaibigan na umakyat sa hagdan pasan-pasan ang dalagang hindi niya kilala. "Parang hindi naman natipalok 'yung babae." Nakanguso niyang bulong. "Hmm." Nanliit ang mga mata ni Denver. "Susunod ba ako o hindi..." Tumingin siya sa kisame. "Mas maganda pa rin para sakin si Jessie kahit sa picture ko pa lang siya nakikita! Hindi ko hahayaan na masira ang love team nila!" Nanlaki ang butas ng ilong ni Denver. "Super Denver to the rescueeee!" Habang nakataas ang isang kamao, tumakbo si Denver pasunod sa nilakaran nina Justin kanina.


Bukod kay Denver, may iba pang nakamasid sa mga eksena kanina. "May topak talaga 'tong si Denver." Puna ng isa sa mga nakamasid rin kay Denver na nakita nila kung paano nakipag-usap sa sarili. "Makipag-usap ba naman sa sarili." Humalukipkip siya.


"Melissa kilala mo ba 'yung babae kanina?" Wika ng isa pa sa mga nakamasid.

"Yep." Humalukipkip si Melissa. "Ka-year siya ni Justin at sa class nila, and sa buong batch... she is considered to be the queen bee." Nanisik ang mga mata ni Melissa.

"Kitang-kita naman na acting lang niya lahat 'yung kanina, with the help of those 2 ugly extras."  Humalukipkip rin ang kausap ni Melissa.


"Sinamantala lang talaga nila na nakatalikod si Justin para mauto nila. Kailangan 'to malaman ni Jem, kung kay Jessie nahihirapan siya dahil sa mga nakapaligid na tao. Kay Aira... mahihirapan rin siya dahil sa nakatagong ugali ng babaeng 'yun." Tumalim ang tingin ni Melissa.


"Mukhang kilala mo talaga siya 'ah medyo, ka-level ba natin sila?" Tanong ng kasama niya.

"Before." Lumingon si Melissa sa kausap. "No, Paloma. Pero ngayon... medyo dahil nandiyan si Jem. Hanapin mo si Jem or kontakin mo sina Faith or Judith para ma-meeting agad natin sila.


"H-hindi nga pala makakapasok si Judith." Wika ni Paloma.

"Then kung sino 'man 'yung darating, let's go look for Jem na." Lumakad na si Melissa kasunod si Paloma. Aira Jhoy, sabi na nga ba eeh... may binabalak ka. Dadagdag ka pa sa mga kaagaw ko!


.

.

.


Nakaupo ng pabilog sa sahig ng rooftop sina Ace, Grace, DJ, Aisha at Trixia. Kasama nila kanina si Kirby na nakasubong nila ngunit pinababa nila ito sa room para tawagin si JC at Billy. Nag-sindi ng sigarilyo si Ace kaya sina DJ at Grace ang katabi niya habang malayo naman 'yung dalawa dahil hindi sila sanay sa usok ng sigarilyo.


"Natawagan mo na ba si Ralph para sabihin 'yang balita mo?" Tumingin si Ace kay DJ na masama pala ang tingin sa kanya dahil kanina pa niya ito pinauusukan. Hehe mukha nanamang lukot na papel 'tong si DJ.

"Hindi nasagot si Ralph sa mga tawag ko, malamang naghahanap na 'yun kay Nico. Si Jessie? Bakit ba wala pa siya?" Puwede talagang artista si DJ, basang-basa sa mukha niya ang pagkainis sa mga nangyayari.


"Nabadtrip sa lovelife." Tipid na sagot ni Ace, sabay hits, sabay buga. "Kailangan talaga natin i-man hunt si Nico ngayon, nang hindi iniistorbo si Jessie. Pinatawag ko sina JC at Billy para i-grupo kayo sa mga task na gagawin niyo, ok ba 'yun?"


Kahit pilit sumabay si DJ sa pagtango nina Grace. Ilang saglit lang ay dumating na rin si Kirby kasama ang dalawa niyang tinawag na agents. "Sir!" Sumaludo si Kirby kay Ace bago umupo. "Kumpleto na kami."


"Good, good." Inayos ni Ace ang salamin niya, kinuha niya ang papel na nasa bulsa at ballpen. "JC, Aisha... may mga dala naman kayong laptop diba?"

"Opo sir." Parehas na sagot ng dalawa.

"JC, ma-coconnect mo ba sa database ng mga CCTV footage niyo around the area 'yung laptop mo from here?" Nakatuon ang tingin ni Ace kay JC.


"Naku Sir, kung buong area natin dito sa city... mahirap. Dapat sa bahay dahil doon may kopya na talaga ako ng mga footage everyday hehe." Kumakamot sa ulo na sagot ni JC.

"Ok... so isama mo na lang si Aisha sa bahay niyo." Payo ni Ace habang pasimpleng may kinukuha sa ilong.


"SIR!?" Gulantang si JC. Ginogood time lang ata ako ni Sir eh!!!

"Apat na mata dapat ang naghahanap sa mga footage kung sakaling lumitaw si Nico, kailangan rin siyempre ng taga-tawag sa mga maghahanap sa labas kaya need mo isama si Aisha sa inyo. Bakit? Strict ba parents mo?" Seryoso pero medyo halatang nang-aalaska si Ace. Hehe.


"H-hindi naman po, ok lang ba sayo Aisha na sumama sakin?"  Nahihiyang tumingin si JC kay Aisha.

"Yup, gusto ko 'yung mga ganitong situation hihi." Bahagyang pumalakpak si Aisha.


"Yosh, ok na ang surveilance team. Kirby, Billy... and DJ kayo ang mga maghahanap sa labas." Tinuro isa-isa ni Ace ang tatlo.

"Sige sir! Maasahan mo kami diyan!" Siniko ni Kirby si Billy na nakatawa.

"Hehe opo sir." Pag-sangayon ni Billy.


"Alam kong maasahan ko kayo dahil bukod kay Ralph kayong dalawa ang nakakaalam ng tinatambayan madalas o pinupuntahan ni Nico kapag may problema." Ngumiti si Ace sa dalawa. "May number kayo ni JC diba?"

"Yes, sir!" Masigla si Kirby sa pag-sagot.

"Good." Nagsulat nanaman sa papel si Ace.


"Teka, sandali... bakit kasama ako sa mga maghahanap sa labas." Reklamo ni DJ. "Don't tell me, patatakbuhin mo ako kung saan-saan kasama nila!"

"Tsk, eto naman!" Inakbayan ni Ace si DJ. "May sasakyan ka, siyempre iba rin ang route mo. Friend mo rin si Nico diba, so puwedeng may idea ka kung saan siya puwedeng pumunta. Right?"

Inirapan ni DJ si Ace at tinulak. "Mabuti naman at nilinaw mo."


"At ikaw Trixie, samahan mo ako sa bahay nina Nico. Ok?" Kumindat si Ace kay Trixie.

"Ok po sir." Ngumiti si Trixie.


"Sandali! Anong gagawin ko?" Tumayo si Grace at nagmaktol.

"Dito ka lang." Tumayo na rin si Ace. "Asikasuhin mo 'yung party. Ikaw ang representative ko dito, ikaw na rin nagsabi na mahirap pagkatiwala kay Bianca ang lahat. Nandiyan pa naman sina Nisa, Vicky, Chellie at Mae para tumulong sayo. Umaasa ako Grace na pagdating ng 28... wala tayong problema hehe."


"Hays." Bumuntong hininga si Grace. "Actually alisin mo na 'yung isa." Bulong niya.

"Huh?" Hindi naman ito narinig ni Ace.

"Wala! Gusto ko pa naman tumulong pero ok na rin siguro na dito ako sa school para mapagtakpan ko kayo. Ayusin niyo 'to bago mag 28 'ah! Dapat kumpleto tayo sa party!"


"Haha! Naman!" Nag-thumbs up si Ace. "O siya guys... rest day ang ating super hero kaya tayo-tayo muna." Inumang ni Ace ang kamay niya, pinatong ni Grace ang palad niya dito, sumunod si Trixie, si Aisha, si JC, Billy, Kirby at huli si DJ. At sabay-sabay silang sumigaw, maliban kay DJ ng... "FIGHT GO!"


.

.

.


Nakatapos ng maligo si Jerome, nakaayos na rin siya at pusturang-pustura na para gumala kasama ang kapatid. Ngunit hindi pa rin tapos si Jessie at hindi pa ito nalabas ng kwarto kaya naghintay na lang muna sa sala si Jerome. Sakto naman na nag-ring ang phone nila na agad niyang nasagot.


"Papa!" Maligaya niyang sigaw ng makilala ang boses. "Napatawag po kayo?"

"Mag-papasko na 'eh... gusto ko ng malaman ang mga wish list niyo para sa pag-uwi ko diyan haha!"

"Talaga, Pa!? Uuwi po kayo?"

"Oo anak."

Nabatid ni Jerome ang pagbabago ng tono ng kanyang ama. "Bakit Pa, may nangyari ba?"


...


Wala ako mapili. Nakakalat ang iba't ibang damit ni Jessie sa kwarto niya, suot-hubad ang ginagawa niya. Walang bumabagay sa mood ko ngayon... arrrrgh! Kainis. Hinagis niya ang hawak niyang blouse sa sahig sabay biglang higa sa kama ng naka-underwear lang.


Hindi ka pa rin ba tatawag Justin. Inabot niya ang cellphone niya na nasa side table, wala pa rin mensahe o tawag sa kanya ang binata. Padalhan ko kaya siya ng picture na ganito lang ang suot ko, mapansin na kaya niya. Pasimpleng nag-selfie si Jessie ng nakahiga. Eeek... masyadong sexy tignan! Baka malaswaan siya! Deleetee! Ngunit sa pag-mamadali...


"WAAH!" Bigla siyang bumangon. "NO!!! Please, 'wag ka mag-send... 'wag ka mag-send!" Message sent. "Gaaaaaaaaaah! Nakakahiya!" Hindi niya nabura ang picture bagkus at naisend niya ito sa number ni Justin. "Namaaan 'eh!" Nag-sisipa ang paa ni Jessie. "Sana na lang hindi niya mabasa kundi, nakakahiya ako huhu." Tinakpan niya ng dalawang palad ang mga mata.


Sa siwang ng dalawa niyang daliri, sinilip niya ang mga nakatiklop na damit. Hmmft, bahala na nga... wala ako sa mood pumorma ngayon!


...


"Ah... sige po. Sasabihin ko na lang po kay Jessie." Matamlay at medyo malungkot ang mukha ni Jerome habang nakikipag-usap sa ama. Mahaba-haba rin ang napag-usapan nila habang hindi pa nakakababa si Jessie. "Pasensya na po kayo Pa, sakin."

"Sus, anong pasensya! Sanay na ako sayo! Wala pa ba si Bunso?"

"Naririnig ko na po ang yabag niya."

 

"KUYAAAAA!" Tinalon ni Jessie ang huling baitang ng hagdan. "Sino kausap mo sa phone?"

"Si Papa." Sagot ni Jerome.

"Si Papa? SI PAPA!?" Tumakbo si Jessie palapit kay Jerome at inagaw ang telepono. "PAPA! I MISSSSSSSS YOUUUU NA PO!!!"

 

"BUNSOOO, MISS NA RIN KITA!"

"Hihi... May uwi na po ba kayo sakin this Christmas? Uuwi po ba kayo? Mag-yayakap ko na po ba kayo?"

"Hahaha makulit ka talaga. Gusto nga kitang tanungin ano bang gusto mo pasalubong?"

"Hmm... siyempre bukod po sa inyo, hmm... i-email na lang kita pa! haha."

"Juice ko email! Mukhang shopping list nanaman 'yan!"

"Hihihi! Mura naman po diyan sa Japan eh!"

"Haha, o siya intayin ko 'yang email mo. Aalis daw kayo ng Kuya mo?"

"Opo, Pa! Gagala po kami, treat niya ako."

"Ah, sige-sige. Mamaya tatawag ako uli, patapos na break time dito. Mag-iingat kayong dalawa ah."

"Opo Pa, mag-iingat po kami. Labyu po!"

"Labyu too anak."

 

Masayang ibinaba ni Jessie ang phone kabaliktaran ng mukha ni Jerome habang nakatitig sa kapatid. "Kuya?" Pinisil ni Jessie sa pisngi si Jerome. "Lutang ka?"

"Ha? Hindi." Umiwas si Jerome, kinuha niya ang bag niya na nasa sofa.

"Alis na tayo!" Pagmamadali ni Jessie.


"Bakit ganyan ang suot mo?" Puna ni Jerome kay Jessie na naka pants na itim, t-shirt na medyo panlalaki ang style, nakatupi ang sleeves, bagpack na red na jansport at vans shoes na matagal nang hindi nai-susuot ni Jessie.


"Maayos naman 'ah!" Pagtatanggol ni Jessie sa sarili.

"Mukha kang lalaki." Inakbyan ni Jerome ang kapatid palabas ng pinto.


"Insecure ka lang kasi mas pogi ako sayo, hihi." Medyo naka-loose ang ipit ni Jessie.

"Ewan." Pagkasara ng pinto dinoble lock ito ni Jerome pati na rin ang gate nila. "Sa supermarket muna tayo, dami na nating kulang na supplies 'eh."


"Ikaw bahala kuya hihi."

Pinagmasdan muna ni Jerome ang ngiti ni Jessie sa kanya. 'Di bali na siguro na mahirapan ako, ang mahalaga para sakin ay ang makitang masaya at maginhawa ang kapatid ko. Bahala na si Batman haha. "Hindi ka pa rin ba kino-contact ni Justin?" Naglakad na ang magkapatid papunta sa sakayan ng jeep.


"Ulk!" Nasamid kahit wala namang iniinom si Jessie, naalala niya kasi ang pagkakamali niyang i-send ang isang sexy selfie niya kay Justin. "H-hindi pa Kuya! Hahaha."

"Huh?" Nagtaka tuloy si Jerome. Hindi pa pero natawa? Malala na 'to!


.

.

.


Kagaya ng kanilang napag-usapan, nagkita si Jem at Miggy sa isang liblib na parte ng G.I.U. Kasama pa rin ni Miggy ang mga body guard niya habang nag-iisa lang naman si Jem. Nakaupo si Miggy sa sementadong upuan pero nang makita niya si Jem na papalapit tumayo siya at ngumiti. "Cous!" Binuka niya ang kanyang mga braso na parang nag-hihintay ng yakap.

"Stop it, Miggy." Pinalo niya ng isang braso ni Miggy at saka umupo sa inuupuan nito kanina.

"Wala 'man lang ba akong welcome hug?" Nakangiting nanggagantso si Miggy.


"None." Mataray na sagot ni Jem.

"You're such a hard boiled egg." Umupo na rin si Miggy. "What's wrong with you?"


"Bakit kailangan mo pang mag-sneek in..." Siniringan ni Jem ang nagpanggap na body guard niya kanina na nagtatrabaho talaga para kay Miggy. "Ng isa sa mga body guard mo, sa bahay namin?"

"Why? He did nothing wrong." Nagkibit balikat si Miggy.


"You're just a show offf, gusto mo lang ipagmalaki na magaling ka." Humalukipkip si Jem.


"Haha not really, I just wanted to show the capability of my men. How's Tita? Is she excited to see me?" Dinungaw ni Miggy ang mukha niya kay Jem. "I bet she is."

"Yeah she is and again, kinumpara niya ako sayo." Inunat ni Jem ang mga binti niya. "Anyways, what happened yesterday? I mean... 'yung buong nangyari?"

"Why? Aren't you satisfied with my work?" Nakataas ng onti ang isang kilay ni Miggy.


"Not like that, gusto ko lang malaman lahat." Nakatitig sa malayo si Jem.


"You know, I still dunno your reason why you want Justin to separate ways with that girl. Intelligent wise, lifestyle wise, you are far ahead of her. Well, she is a little bit prettier for me but after all is not a valid reason for you to hate on her." Pumitik si Miggy, isa sa mga body guard ang nagbigay ng sigarilyo sa kanya at ang isa naman ay nagsindi ng lighter para magamit ni Miggy. "Are you jealouse because it seems like you have everything but in reality you have nothing?" Naglabas ng usok si Miggy.


"Shut up, Miggy." Tumayo si Jem at hinarap si Miggy. "Do you investigate on her?"

"Yeah... you wanna know why?" Ngumiti si Miggy.


"Why?" Tinarayan ni Jem ang mukha niya.


"I like her. I like her face, I like her hair, I like the smell of her hair, I like... no... I mean I love her figure. I like her attitude, I think I love everything about her and I love the taste of her lips." Naglabas uli ng usok sa bibig si Miggy. "She is like the epitome of the girl that I am dreaming of to meet."


What the hell!? "Pati ba naman ikaw?" Yamot na ang mukha ni Jem.


"Hmm?" Taka si Miggy sa reaksyon ni Jem.

"And what do you mean by you love the taste of her lips? Pumayag agad siya na halikan mo siya? Anong klaseng babae siya!" Pumadyak si Jem.


"No, in fact wala siyang alam na hinalikan ko siya. She's sleeping and unaware of her enviroment, if we're not in a public place I would have had rape her haha." May kilig na medyo nang-aasar ang tawa ni Miggy.


"Assh*le!" Pinalo ni Jem sa balikat si Miggy. "Wala akong mapapalang maganda sayo, salamat sa ginawa mo pero ayoko ng humingi pa ng tulong sayo!" Tinalikuran na ni Jem ang pinsan niya at naglakad palayo.


"You know... I will steal her away from Justin." Pahabol ni Miggy kay Jem.

What?! Natigil sa paglalakad si Jem pero hindi niya hinaharap si Miggy.


"Yeah, I'll do it but in a fair way. Not like your style."

Lumingon na si Jem kay Miggy. "So you wanna join the game?" Ngisi ang pinakita ni Jem. Tignan natin, kung mananalo ka nga.


Umiling ng nakangiti si Miggy. "I knew it, so you are just playing. Just to remind you Jem, I like her."

"And so?" Pinandilatan ni Jem si Miggy.


"Do not do something I don't like." Humithit si Miggy sa sigarilyo niya at tila binugahan si Jem ng usok.

"I am not scared." Ngumisi uli si Jem. "This is a game with no rules ok? Do what you want and I do what I want. Got it? Ciao~" Kumaway pa si Jem bago siya nagpatuloy sa pag-alis. This a game that I dunno who holds the black jack, nagkaroon pa ng joker card. Damn.


.

.

.


Nakagawa ng paraan sina Ace para makaalis ng St. Claire ng palihim, sa tulong ni Nisa at malapalos na kilos ni MJ. Lumabas sila gamit ang isa pang daan na sina MJ at Nisa lang ang nakaalam, nag-decoy si Grace sa harapan ni Sir D na masakit ang ulo para hindi na ito tumuloy sa room ng Pearl at taktakan nanaman si Ace. Habang pinatay naman ni Nisa ang camera ng mga cctv sa dadaanan nila.


Katulong lamang ang nasa bahay nina JC pagdating nila, isa-isa pa itong nagkantsawan na mayroon na rin girlfriend sa wakas ang senorito nila. Hindi sa kwarto kundi sa attic ng bahay sila dumiretso. Hinihila ang animoy bukasan ng ilaw upang lumabas ang hagdan sa attic. Ginawa ang attic ng tatay ni JC para talaga sa kanya dahil madalas nga silang mag-giyera ng ate niya. "Medyo magulo dito, pasensya ka na." Sinubukan ni JC na bigyan ng maayos na madadaanan si Aisha pero bigo siya dahil kasing gulo ng kwarto ni Jessie ang kwarto niya.


"Haha, ok lang." Nakahanap si Aisha ng mauupuan malapit sa mga computer na naka-set up. "Ikaw lang nag-ayos ng mga cables dito and networking?"

"Oo, hehe." Isa-isa ng binubuksan ni JC ang mga computer. "Lumaki kami ni Ate na expose sa technology, business minded lang si Ate. Computer Technician lang ang Daddy namin before pero ngayon, general manager na siya ng isang IT Company hehe."

"I see, kaya naman pala magaling ka." Papuri ni Aisha.


"H-hindi namam haha." Nahihiyang sagot ni JC. Sinulyapan ni JC ang mukha ni Aisha, nagmamasid ito sa kwarto at mukhang mangha-mangha sa mga nakikita. Type ko talaga siya haha. Napunta sa isang bahagi ng katawan ni Aisha ang mata ni JC. Wooh, sana naman hindi ako makagawa ng masama haha!


"Nag-aalala ako kay Jessie." Wika ni Aisha na sumira sa pantasya ni JC.

"Bakit?" OO nga pala, nandito kami para tumulong!


"Sana ok na siya, ayokong makita na nasasaktan siya eeh. 'Nung down na down ako, siya at si sir Ace lang ang mga taong naglakas ng loob na unawain ako. Tinulungan nila ako makita ang kahalagahan mabuhay at ng buhay ng isang tao." May ngiti ngunit may kirot ito kay Aisha.


"Oo nga pala." Yumuko ng kaunti si JC. "Medyo matagal na pero, condolence sa nangyari sa BF mo."

"Salamat, ok na ako." Ngumiti si Aisha kay JC.


"Malapit ko ng ma-set up 'to, matutulungan na natin si Jessie at sir Ace hehe 'wag kang mag-alala!" Sa ngayon, saka na muna ako magpapantansya haha! Baka sirain pa ni Levi mga gamit ko dito kapag gumawa ako ng mali sa girlfriend niya!


...


"Sabi ni Gerry, nakita nga niya si Nico na pinalayas pero hindi niya alam kung saan pumunta." Magkasamang nagbabahay-bahay ng computer shop sina Kirby at Billy. Sinumulan nila sa malapit sa school hanggang sa makarating na sila sa village nina Camille na naging tambayan na rin nila.


"Billy, alam mo ba kung saan bahay ni Camille?" Nagpunas ng pawis si Kirby, na halos ilang minutong natakbo.

"Banda rito lang 'yun eeh? Teka, sa tingin mo ba doon magtatago si Nico? Lasing ka ba?" Pawisan na rin si Billy pero hindi pa niya trip mag-punas.

"Ungas, gusto ko lang paalam sa kanya na nawawala si Nico. Baka mamaya wala siyang ideya kung nasaan na 'yung ex niya!"

"Bakit pa naman niya aalamin, ex na nga lang niya si Nico 'eh. At saka kita naman sa video diba, hindi pala siya talaga mabait... naloko niya ako pero mabuti na lang nakilala ko na siya!"

"Ang dami mong sat-sat alam mo ba o hindi?" Naiinis na si Kirby sa kausap niyang parang nakainom ng pawis.

"Oo alam ko." Sumagot rin ng matino si Billy.

"Edi puntahan na natin!"


...


Nakasakay sa kanyang aircon na kotse si DJ, hawak ang cellphone at may kausap. "Ninong please! Ngayon lang po, please investigate kung saan galing or kung sino ang pinakaunang nag-upload 'nung video. At I believe kayang mabura from all site kung saan-saan ito naka-upload 'yung video thru your power with the agency. Please Ninong!"

 

"Dan Jacob, it's not that easy hijo!"

"Please Ninong, I will endorse your franchise business for free if you'll do me a favor! I promise~!"

"For free?"

"Yes! Ninong!"

"Ok, let me see what I can do with your problem."

 

"Thank you Ninong!" Natapos na ang usapan nila. Naghanap-hanap pa si DJ sa phone book ng nanay niya kung sino ang mga puwede niyang tawagan para makatulong. "Manong, hindi niyo pa po ba nakikita si Nico or namamtaan?"


"Hindi pa po sir." Sagot ng driver.

"Let's go po sa kabilang district, I don't think magtatago nga dito si Nico since kilala siya dito. Please hurry po." Malumanay ang pag-uutos na ginagawa ni DJ.

"Sige po Sir!"


Hay, saang lupalop ka ba nagsuot Nico. Natutukso na akong sabihin kay Jessie na nawawala siya pero ayoko naman ako pa ang maging dahilan para masira pa lalo 'yung mood niya. Naman-naman-naman!

 

.

.

.


Nasundan ni Denver ang lahat ng kilos ni Justin kasama ang tatlong hitad. Nakita niya kung paano ibinaba ni Justin ang pasan-pasan nitong dalaga, pero imbis na umalis o paalisin na si Justin ay kinausap pa ito ng tatlong babae na lalong mas magpapatagal ng oras ni Justin.


Aba-aba! Mga malalantud! Pasimpleng lumapit si Denver, ilang metro na lang ang layo niya. Mas kitang-kita niya tuloy ang pag-kapit ng mga dalaga kay Justin. Hindi ko sila type, masama ang naamoy ko sa kanila. Kilala ko sila! Paano ko kaya maagawa ang attensyon ni Justin para makaalis na siya? Gayahin ko kaya style 'nung babae, kunyari natipalok rin ako? Ay yak! Wala originality! Isip-isip Denver! "Alam ko na!" huminga ng malalim si Denver sabay...


"JUUUUUUUUUUUUUUUUUSTIN!!!!!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong hallway.

Napalingon sa kanya si Justin. "Denver?"

Effective! "YUUUUUUUUNG CEEEEELLLLPHONE MO!!!!!!!!!!" Sigaw pa rin si Denver.


Cellphone? Hinugot ni Justin sa bulsa ang cellphone niya, binuksan ito at siya namang pasok ng isang mensahe. 1 mms, from Jessie!? Tinignan agad ni Justin ang nareceive na message at dito ay namulat siya sa medyo hubad na katotohanang may kailangan siyang kausapin. Pfft! Jessie naman! Namula ang mukha ni Justin sa nakita.


Eh? Bakit siya namula? Naguluhan bigla si Denver sa reaksyon ni Justin. Namumula kaya siya sa kilig o sa galit sakin?


"Sorry, alis na talaga ako!" Paalam ni Justin kina Aira. Hindi niya pinansin kung may sasabihin pa ang mga ito bagkus ay nilapitan niya si Denver at hinawakan sa braso para isama sa pagtakbo pababa. "Bakit ka ba nasigaw?" Tanong niya sa kaibigan.

"Para kasi mapansin mo ako!" Naku-naku galit nga ata sakin! Kabado na si Denver.

"Hindi ko alam kung paano mo nalaman na may mms sakin si Jessie, pero salamat at tinulungan mo ako makalayo sa kanila." Masaya si Justin, nabuhayan ata talaga siya sa nakitang picture.

"Mag-iingat ka sa kanila!" Paalala ni Denver na hindi na kabado dahil nasa mood na si Justin.

"Salamat talaga kaibigan."


Kaibigan!? Si Denver naman ang namula ang mukha.

Huminto sila sa pagtakbo ng marating na ang daan ni Justin sa pag-cucutting. "Ikaw na lang ang makibalita kung anong meron dito sa school na gagawing pagbabago next sem 'ah." Pinisil ni Justin sa balikat si Denver.


"O-oo!" Nag-senyas ng kamao si Denver.

Ngumiti muna si Justin bago niya talunin ang pader para makaalis na.


"Pupuntahan ba niya si Jessie?" Tanong ng isang binata kay Denver na nakatayo pa rin sa pinagiwanan sa kanya ni Justin.

"Oo 'eh, kakausapin na niya hehe." Sumagot naman si Denver ng hindi tinitignan ang kausap.

"Ah, gf ba niya si Jessie?" Tanong uli ng mahiwagang boses.

"Hmm, ayaw pa umamin ni Justin eh pero oo GF niya si Jessie hehe." Sagot pa rin naman si Denver ng hindi lumilingon dito.


"Oh I see, salamat." Tinapik ng binata sa likod si Denver.

"S-sige hehe." Nakatalikod na ang binata bago pa makalingon si Denver. "T-teka sino ka!?" Hindi siya naka uniform!


"I'm just a passer by." Kumaway kay Denver ang binata na nakatalikod at naglalakad palayo sa kaniya.


Sino kaya 'yun? Kinamot ni Denver ang ulo niya. Kilala niya si Justin at si Jessie, hmm... hindi kaya spy siya? Pulis? Anghel? Multo? Kinilabutan siya mula ulo hanggang paa. "WAAAAAAAAH!" Tumakbo paalis si Denver, takot na takot at sumisigaw.


.

.

.


Wala pa masiyadong tao sa supermarket na nasa loob ng mall pag-pasok nina Jessie at Jerome. Bukod sa katanghalian tapat, 'yung iba ay nasa opisina pa o kaya naman ay nasa iskulahan. Pareho silang may tulak-tulak na cart habang namimili, medyo puno na ang kay Jessie... puros chichiria, chocolate at mga 'beauty regimen' ang laman ng cart niya.


"Hoy, baka naman gusto mo magbawas." Puna ni Jerome na wala pa sa kalahati ang laman ng cart. "Puwede ka naman bumili ng iba diyan sa susunod 'eh."

"Mas mura dito Kuya." Katwiran ni Jessie. "Saka mas tipid kapag isang bilihan na lang!" Kasalukuyang nag-sisight-seeing pa rin ng mga mabibili niya si Jessie.


"Aissh." Paglingon niya kay Jessie natanaw niya ang bilihin ng mga wet goods, gaya ng baboy, manok at isda. "Jessie, doon muna ako sa wet goods." Itinuro ni Jerome ang lugar. "Kung mag-iikot ka, balikan mo ako 'dun kasi marami-rami ako bibilhing supplies natin sa kusina.

"Hmm." Nilingon naman ni Jessie ang tinuro ni Jerome. "Okie, Kuya!"

"Sige, punta na ako." Naglakad na si Jerome palayo kay Jessie.


Ano pa bang kulang ko? Pag-layo ni Jerome, tinitigan ni Jessie ang mga pinamili niya. Parang wala naman na... sa second floor kaya, baka may mabili ako hihi. Tumungo siya sa escalator na flat para makaakyat sa second floor ng supermarket. Dito nakalagay ang mga damit, appliances, furnitures at iba pang madalas makita sa isang department store. Unang umagaw ng pansin ni Jessie ang mga nakasabit na kurtina, iba-ibang kulay at mga design, may flowery pink, vintage blue, purple vector style at iba pa.


Ooh... ang daming maganda! Inusisa niya ang mga nakatiklop at nakasabit na kurtina. Try ko kaya ayusin ang kwarto ko minsan hehe para maiba naman! Umagaw ng pansin rin ni Jessie ang mga pillow cases at bed sheets na malapit rin ang stall sa mga kurtina. Iniwan niya saglit ang dala-dalang cart at lumapit dito. Kiyaah! Puwede ko nga i-remake 'yung kwarto ko. Hinawakan niya ang isang kulay red na bedsheet. Kunin ko na 'to hihi, hindi sana magalit si Kuya!. Bumalik siya sa kanyang cart para ilagay ang bedsheet, paglagay niya may napansin siyang dumaan sa gilid niya. Hmm? Nilingon niya ito. Isang babae na may brownish hair at naka-uniform kagaya ng kay Jem.


Parehas kami ng hairtsyle ah. Saglit lang niya tinitigan ang babae at pagkatapos ay pumunta na sa stall ng mga pang-display sa bahay. Nasa mood talaga ni Jessie na ayusin ang kwarto niya dahil kumuha pa siya ng isang cart para naman paglagyan ng mga pan-display na nagustuhan niya. Wee... sakto walang pasok bukas, makakapag-ayos ako. Nakangiti siya ngunit ng matitigan niya ang isang teddy bear, naalala niya si Justin. Sana katulong ko siya mag-ayos bukas at sana hindi niya nakita 'yung mms ko eeh.


Papunta na sana siya sa escalator nang may marinig siyang ingay pag-tapat niya sa fire exit door. Boses ng babae. Sumilip siya sa salamin ng pinto ngunit malabo kaya dinikit na lang niya ang tenga niya para mas mapakinggan ang dahilan ng ingay.


"Ayoko na nga diba! Ayoko na gawin 'to!" Sigaw ng isang boses ng babae.

"Huwag ka ng maarte! Kung hindi ka susunod sakin, mawawalan ka ng pang-tuition!" Sigaw ng naman ng isang lalaki na medyo matanda.


Hala. Kumabog ang dibdib ni Jessie. Sinubukan pa ulit ni Jessie sumilip, ngayon ay may naaninag na siyang imahe. Parang siya 'yung nakita ko kanina! Malamin na nag-isip si Jessie, tutulong ba siya o babaliwalain na lang ang mga narinig at nakita. Inikot niya ang mata sa paligid niya, walang ibang tao na puwedeng tumulong. Hinimas ni Jessie ang tiyan niya. Busog naman ako 'eh... pero hindi puwede na sumugod ako na ganito ang itsura ko. Malalim nanaman siyang nag-isip, habang nag-iisip nakatitig si Jessie sa maid uniform na medyo french made style.


...


            Paglabas sa fire exit door, kadugtong lang ito ng covered parking ng mall. Malawak ang parking lot at hindi gaano mailaw. Marami rin itong mga poste na naghahati sa mga puwesto na puwedeng pagparkingan ng mga sasakyan. Hindi kagaya sa ipang parte ng mall na hindi nawawalan ng tao, sa parking lot na ito ay madalas walang tao o kaya naman ay patay ang ilaw dahil walang mga sasakyan na nagpapark sa parteng ito. Dito dinala ng isa sa mga naging teacher niya si Judith upang kausapin at dalhin sa mga nag-hihintay niyang cliente.


"Mapapahamak ka kapag hindi ka nakisama sakin Judith!" Hinigpitan ng matandang lalaking medyo nakakalbo ang hawak sa braso ni Judith.


"Ayoko na nga Sir Fred, please naman po... bitiwan niyo na ako." Nanginginig at puno ng pakiusap na si Judith. "Ok lang po sakin na hindi na ako mag-aral sa G.I.U, ok lang rin po sakin na masira ang statis ko. Basta huwag ko lang po ito gawin pa!"


"Paano 'yung nag-iintay na cliente ko!" Pinandilatan sa mukha ni Sir Fred, si Judith. "AH! Alam ko na, kung ayaw mo makisama! Ako na lang muna gagamit sayo! Atleast mapakinabangan 'man lang kita! Halika dito!" Hinila niya si Judith sa isang poste.


"Sir! Huwag po!" Sigaw ni Judith habang pilit niyang tinutulak si Sir Fred na sapilitan siyang hinahalikan sa leeg. "SIRRR!" Puwersado na ang pag-tulak niya pero imbis na lumayo na ang matandang lalaki, mas lalu pa siya nitong isinandal sa poste. "AH!" Masakit ang naging pagtama ng likod ni Judith sa poste.


"Tigilan mo ako! Alam kong sanay ka sa mga ganitong bagay!" Itinaas ni Sir Fred ang palda ni Judith at nilagay ang isa niyang kamay sa maselang bahagi nito. "Akala ko ba ayaw mo, bakit parang may gumugusto dito! Haha." May ginawa ang masamang guro sa maselang parte ni Judith.


"Sir..." Nag-simula ng bumagsak ang luha ni Judith. "Tama na po." Pero matigas ang guro at hindi siya nito pinapakinggan. Ayoko na, gusto ko ng magbago. Pleaaase, sana naman may tumulong sakin... sana naman kahit isa! May mag-malasakit naman sana sakin.


"HOOOOOOOY!" May umalingaw-ngaw na boses ng babae sa parking. "ITIGIL MO 'YAN!"


Napahinto si Fred sa ginagawa niya, nabuhayan naman ng loob si Judith. "HOY! SINO KA!? UMALIS KA DITO!" Sigaw ni Fred.


Tinignan ni Judith ang nagmamagandang loob na tulungan siya, nakasuot ito ng nakatuping pantalon, maid uniform na kulay itim, sombrero na medyo hawig sa suot ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal at may takip na panyo sa bibig. Matutulungan nga ba niya ako?


"SINO AKO!? AKO SI..." Nag-isip ng pangalan ang super hero. Sino nga ba ako? Hmm. "AKO SI... SI AKO! TAGAPAGTANGGOL AKO NG PAG-IBIG AT KATARUNGAN! INUUTUSAN KITANG LAYUAN SIYA! KUNG HINDI... PARURUSAHAN KITA SA NGALAN NG BUWAN!" Ginaya ng super hero ang steps at posing ni Sailor Moon.


"Ha? Pinapatawa mo ba ako?" Namewang si Fred na parang gustong tumawa sa nananakot na super hero. "Kumain ka ba? Kulang ka pa ata sa kape 'eh." Bumunot sa may bulsa sa likod niya si Fred, sa mga sandaling ito medyo kinabahan ang super hero pero laking ginhawa niya ng pitaka ang inilabas ng kaaway. Kumuha ito ng halagang limang libo at hinagis sa sahig. "O 'yan pera, kunin mo at magkape ka! Umalis ka na dito kung ayaw mo mapahamak!"


Mariin na tinitigan ng super hero ang perang nasa sahig. "Hindi ka dapat nagtatapon ng pera." Bulong nito.

"ANO?" Bulalas ni Fred.


"AT HINDI KA RIN DAPAT NANGMOMOLESTIYA NG KABABAIHAN!!!" Tumakbo ang super hero palapit sa matandang lalaki, sinipa niya ito sa tiyan. "ANG MGA KATULAD MO DAPAT PINAPARUSAHAN NG BATAS!" Hinawakan niya sa balikat ang matanda at tinuhuran pa ulit sa tiyan.


"PWAH!" Bumagsak ang matandang lalaki sa semento ng malakas.


"Halika na." Hinawakan ng super hero si Judith, isinama niya ito palabas ng fire exit. Paglabas nila, natanaw niya ang isang grupo ng security guard na may kasamang pulis. "Naku, lagot!" Nagmadali silang pumasok sa loob ng isang fitting stall na medyo malapit sa pinto. "Hehe, dito muna tayo." Inalis na ng super hero ang takip niya sa bibig at humarap sa kanyang iniligtas. "Kamusta ka? Nasaktan ka ba?"


Namangha si Judith sa kaniyang nakita, nakilala at kilala pala niya ang kaniyang hero. "H-huh? Ok lang naman ako, salamat sa pag-ligtas mo sakin." Nangangatog pa ng kaunti ang boses ni Judith.


"Hihi, wala 'yun. Ako nga pala si Jessie." Nakipagkamay si Jessie. "Gawain ko talaga ang tumulong. Pero sa ngayon kailangan ko ng tulong mo." Nakangiti siya kay Judith. "Puwede bang pahila pababa nung zipper sa likod ko hehe, hindi ko naman kasi bibilhin tong uniform sinuot ko lang para matulungan kita."


"Ha? S-sure, sige... tulungan kita."

Tumalikod uli si Jessie kay Judith.


Nakakagulat siya. Bulong ng isip ni Judith habang pinapanood niya si Jessie na naghuhubad ng 'costume'. Tumutulong siya kahit hindi niya alam ang puwedeng mangyari sa kanya o kung dapat ba talaga siya tumulong. Hindi ko na talaga maintindihan si Jem kung bakit galit na galit siya kay Jessie, napakabait pala niyang tao.


"Sandali! Wala akong kasalanan!" Parehas nilang narinig ang isang pamilyar na boses. Kaya palihim silang sumilip sa kurtina na nakatakip sa kanila.


"May nag-alarm sa security kanina, kaya nagfocus sila sa may parking lot. Nakita ng mga guard ang ginagawa mong panghahalay." Paliwanag ng pulis na may hawak sa suspek. "Hindi namin napansin o nakasalubong 'man lang 'yung nambugbog sayo at 'yung dalagang ni-rarape mo pero sana makita namin sila para mahingan ng explanation.


"Wala akong kasalanan! Wala!" Buong pagtanggi ng suspek pero hindi siya pinapakinggan ng mga pulis.


Makalipas ng ilang minuto at ng masigurado na nilang maayos na ang gulo, lumabas na mula sa stall sina Judith at Jessie. Normal na uli ang itsura ni Jessie. "Papasok ka pa ba?" Nakangiti niyang tanong kay Judith na kanina pa natutulala sa kanya.


"H-hindi na, J-jessie. Maraming salamat. Nakalimutan kong makipagkilala, Judith ang pangalan ko. Salamat talaga sa pag-liligtas mo sakin, akala ko kanina... wala na akong pag-asa." Hinawakan ni Judith ang kamay ni Jessie. "Pero gusto ko rin humingi ng paumanhin, patawarin mo ako."


"T-teka!" Nagtaka si Jessie. "Bakit ka nahingi ng tawad sakin? Wala ka naman ginawa sakin hihi."

Akala mo lang wala. "Basta sorry." Giit ni Judith na titig na titig sa mata ni Jessie.


May tumawag sa pangalan ni Jessie, kilala niya ang boses kaya agad niyang nilingon. "KUYA!" Kumaway pa siya kahit nakatingin naman na sa kanya ang kapatid.

"Bakit mo iniiwan 'yung cart mo kung saan-saan?" Kinaltukan ni Jerome si Jessie pagkalapit niya. "At bakit may mga kurtina at bedsheed doon? Nagbabalak ka nanaman ba mag-ayos ng kwarto mo tapos hindi mo nanaman itutuloy ha!?"


"Awtsy, itutuloy ko naman 'yung pag-aayos 'eh! At pano mo nakilala na sakin nga 'yung cart!" Mahilig talaga mangatwiran si Jessie.

"Bukod sa may sales lady ako na napagtungan, obvious naman na cart mo 'yun dahil punong-puno ng kung ano-anong chocolate cookies at kape 'yun." Sagot naman ni Jerome.


"Eh bakit pala umakyat ka? Tapos ka na ba mamili?" Tila gustong ibahin ni Jessie ang usapan nila.

"May nakita akong mga security na umakyat, nag-alala na ako ng hindi kita makita sa baba kaya eto umakyat na ako." Napansin ni Jerome ang katabing babae ng kapatid. "Hoy." Bumulong si Jerome kay Jessie. "Sino 'yan, friend mo namaman?"


"Ah!" Lumingon si Jessie kay Juidth. "Si Judith, naging kaibigan ko hehe." Kumindat si Jessie dito.

"H-hello po." Kumaway ng kaunti si Judith.

"Judith, una na kami 'ah... hihi." Kumaway rin si Jessie sa kanya.

"Sige, ingat kayo."


"Ingat ka rin! Tera na Kuya!" Tinulak na palayo ni Jessie si Jerome.

"Ang hilig mo makipagkaibigan sa mga taga G.I.U." Wika ni Jerome.

"Hihi, ganun talaga!"


Pinapanood ni Judith ang dalawa habang naglalakad. Ang cute nilang magkapatid hihi. Pagkatapos ng ngiti, medyo naging seryoso ang mood ni Judith. Magbabago na ako at gagawin ko ang makakaya ko makabawi lang ako sayo... Jessie. Ngumiti na ulit siya at bahagyang natawa pa ng makita niyang piningot ni Jessie ang matangkad nitong Kuya.


To be continued...

 

ENDING NOTE:

 

            MAIKSI AT MEDYO BITIN, GUSTO KO LANG TALAGA I-UPDATE KAYO HEHE.

            LOVE LOTS SA SUPORTA!

 

 








Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 273K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
22.4K 988 74
a n e p i s t o l a r y Tyler attended a children's party and caught the attention of Luis. A guy with an attitude, and a guy who loves playing aro...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...