Folie A Deux

By iamA103

25.5K 888 166

"Folie A Deux" french for "a madness shared by two" Author's note: MAY or MAY NOT contain SPG scenes. Depende... More

One:
Two
Author's note
Four
Five
Six
Seven.1
Seven.2
Author's Note
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve

Three

1.8K 49 2
By iamA103

"How you feelin?
The day has had its weigh on both of us
And oh, I've got out of my way
But I'm not free
From this pain I'm feeling"
-Ragdoll by Maroon5

Mika's POV

Ugh. Gusto ko magtravel pero takot akong sumakay ng plane -___- buti at halos isang oras lang ang byahe. Halos isang oras din akong nanigas sa upuan ko.

Anyway, sinundo na ako ng isa sa mga van para makapunta sa hotel na pag i-stayan ko. Madaming tao sa van dahil pinagsama sama ang mga tourists na nag avail din ng promo nila. And since wala naman akong kilala, andito lang ako sa isang sulok at walang humpay na nakikinig ng music.

Halos 5pm na nang makarating kami sa hotel at mukhang yung van namin ang last na nakarating. Inaassign na kami sa rooms namin ng biglang walang inassign saking room. Umalis na ang mga nakasama ko sa van para pumunta sa mga naka assign na room sa kanila.

So kahit ako lang walang kasama, di na ko kailangan bigyan ng puwang sa mundo? I mean sa hotel? Ahaha

Lumapit sakin yung crew n nag aassign ng room at pinasunod ako sa counter.

"Ma'am may unting problema po kasi tayo" sabi ng crew na nagpakunot naman ng kilay ko na parang nagtatanong kung anong problema.

Ugh. Wag nyong sabihing wala ng room -_- san naman ako pupulutin nito -_-

"Kasi Ma'am yung natitirang room... Double bed nalang po. Wala na pong separate na single bedroom..." Pagpapatuloy naman nito.

"Ahh eh paano? Bawal ba ako dun? Magbabayad nalang ako ng additional kung kailangan" may matulugan lang, Wag nang pairalin ang pagiging kuripot -_-

"Wala naman pong problema... Actually wala pong kailangan dagdagan ng bayad. Free breakfast eat-all-you can nalang po dito sa restaurant namin for your whole stay and may additional tour po kayo as compensation po... Samin po kasi yung error eh."

Oh yun naman pala eh. Libre na may libre pa... Yehay :)) "ahh sige okay lang ahaha maliit na bagay" sagot ko naman.

"Ang kaso po may makakasama po kayong isa pang solo tourist sa kwarto." Biglang sabi naman nya. Napatigil ako sa pagngiti ko.

"Huh? Eh wala na bang ibang hotel malapit dito? Palipatin nyo nalang sya."

"Di po pwede Ma'am. Malayo na po sunod na hotel dito. Tinawagan na kasi namin yung malalapit. Fully booked nadin sila. Peak season po kasi."

Magsasalita pa sana ako ng bigla ulit syang nagsalita.

"Ma'am ito na po pala yung makakasama nyo sa kwarto." Turo nya sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko... sya. Sya. Si sandwich girl. Ang gwapo at nakashades pa sya ngayon ah. Pero di ko sya crush ah. Eh kahit sino naman yata magsasabi na gwapo sya. Honest kaya ako. At isa pa... Straight kaya ako...

Di nya ako napansin at nagdirediretso lang sya sa counter at nagsalita.

"Miss. Bakit may kashare ako sa room? Ang sabi sa details ng tour..." Di na sya pinatapos ng crew at nagsalita din to.

"Ma'am. Wala na nga po kasing available room. Magkahiwalay naman po yung bed eh."

"Eh kahit na. Dapat inaayos nyo yan! Wala na bang ibang hotel na available?! Dapat responsibility nyo yan ah?"

Woah. Medyo tumataas na po boses nya. Mananapak na yata to eh ahaha.

"Meron po available... Try nyo po. Yung pinakamalapit is 1 hour byahe na from here. Peak season po kasi. Punuan po talaga mga hotels." Medyo inis na sabi din ng staff.

"Eh paano nga yan?!"

"Magkashare po kayo ng room ni Ma'am..." Sabay turo sakin. Lumingon naman sakin si sandwich girl at yung mukha nya... Nagulat po sya mga friends haha

"Ikaw na naman?!"

"Hello!" Sabay ngiti at kaway ko.

Sumimangot lang sya at saka nagbaling ng tuon ulit sa crew.

"As I was saying... Bakit di nyo tantsado dating ng mga tourists nyo eh di sana..." Di ko na sya pinatapos at nagsalita na ako.

"Ah Miss..." Patukoy ko sa crew. "Kunin ko na yung susi. Sana kahit sa susi man lang tig isa kami. Ok na akong share kami ng room. Pero gusto ko na pumunta sa room dahil pagod ako. Dahil mukhang matagal pa tong magrereklamo sayo eh..." Sabay tingin ko sa kanya. Aba't inirapan ako. Taray taray pala nito ni sandwich girl. Pasalamat ka talaga't pagod ako.

"Miss. Wala na bang ibang magagawang..." paninimula na naman ni sandwich girl. Di ko na sya pinakinggan. Umalis na ako at nagtungo sa kwarto namin.

Pagpasok ng kwarto, meron kang makikitang isang kama sa right at isang kama sa left mo naman. Nag ayos ako ng gamit at kinuha ang kama na nasa left side. Super luwag nga nito eh para sa dalawang tao. May bathtub pa yung CR. Daming arte nun ni sandwich girl. Pero pustahan... Dito din bagsak nyan sa kwarto na binibigay samin haha. Wala naman syang magagawa :))

Humiga na ako sa kama at umidlip.

Nagising ako ng mag 8pm palang. Tamang tama mag didinner pa ako. Magsesearch sana ako ng makakainan sa phone ng biglang magring phone ko.

Bethy Girl <3 calling...

"Oh girl?? May problema ba?" Bungad ko sa kanya.

"Tumawag lang, problema agad? Wala noh! Papaalala ko lang sayo. May nireserve akong table for two sa KaLui. Dati ko pa kasi yun pinareserve eh. Bayad nadin yun. Kaya puntahan mo nalang"

"Huh? San ba yan? Masarap ba yan? Pati bakit table for 2?"

"Naman friend! Sikat na restaurant sya sa Palawan. Hindi kumpleto ang Palawan mo kung di ka pupunta dun noh. Kaya DAPAT kang pumunta dun. Sabihin mo lang sa tricycle driver, KaLui, alam na nila yun. For two kasi dapat kasama ko yung anak kong pupunta dyan eh. Eh ayun di nga kami natuloy. Ok lang yan di ka naman nila palalayasin kung mag isa ka lang hahahaha" oo nga pala. Nabanggit nya sakin na may 7-year-old sya na anak. Pero di ko pa to nakikita. Kahit nga bahay nila eh hahaha sadyang dun sa meeting place lang namin kami nagkikita nito ni Beth.

"Loka loka. Sige girl dun nalang ako kakain"

"Aba parang napipilitan pa ah! Libre na nga ahahaha yung reservation naka name sa "Beth" tas bigay mo lang phone number ko. oh sya sige balik na ko sa work. OT ako eh. Enjooooy~"

Bigla akong binabaan ng gaga. Makapunta na nga dun. Gutom na ko...

(Sa KaLui)

"Manong bayad po oh" nag abot ako ng 10 pesos dahil yun lang ang sabi saking ibayad ko sa tricycle. Naglakad na ako papunta sa reception area nila.

"Hi! May reservation po ako under the name of Beth"

"Sandali lang po Ma'am ah... Check ko lang kung available." Saka sya may kinuhang notebook at nagstart na maghanap ng kung ano man.

Tumingin ako sa paligid, ang daming tao grabe. Ang dami ding waiting. Nahagip naman ng attention ko ang kahilera kong babae na kausap ang babae sa kabilang counter. And guess what... Si sandwich girl na naman...

"Eh Miss handa akong magbayad para lang makakain ngayon dito sa KaLui. Kailangan ko daw makakain dyan..." Sabi ni sandwich girl. Kailangan talaga ah? Ahaha ikakamatay? Ahaha

"Eh Ma'am di po pwede eh. Kung gusto nyo po try nyo po sa waiting list namin. Pero I doubt po na makakakain kayo. Pang 19th po kayo sa list eh" sagot ng receptionist.

"Eh wala na ba talagang ibang paraan?" Hala nalungkot sya. Ganito ka gusto nya dito kumain? Ahaha.

Bigla naman nagsalita yung receptionist na naka assign sakin kaya di ko na napakinggan ang sunod nilang pinag uusapan. "Confirmed reservation po under Miss Beth. Pa sign in nalang po dito kasama birthday"

Nagsulat na ako details sa registration sheet nila ng marinig kong magbuntong hininga si sandwich girl. "Hays. So wala nading slot for tomorrow noh? Kainis naman..." lungkot na lungkot nyang sabi.

"Sabi po dito table for two and for two din po yung foods na naka order. San po yung kasama nyo?" Sabi ng receptionist sakin. Tapos ko nadin pirmahan yung form.

"Sya po kasama ko" sabay turo ko kay sandwich girl na bigla naman nagulat nang mapalingon sakin. "Diba? Nagpareserve tayo ng table for two? Tara na" dagdag ko saka ako ngumite. Naguguluhan padin sya kaya binaling ko na yung tingin ko sa receptionist.

"Ahh okay po... This way po Ma'am" sumunod ako sa receptionist at ganun din ginawa ni sandwich girl kahit naguguluhan sya.

Grabe ang ganda talaga ng ambiance. Mas maganda pa pag nakapasok ka na. May mga paintings. Tas dapat naka barefoot ka pag papasok ka. Naka upo sa sahig ang mga kumakain. Ang hirap idescribe ng isa isa pero basta ang ganda nya haha

Nakarating kami sa table namin at hinihintay ang pagkain.

Silence...

"San ka na mag i-stay?" Small talks... Ang ingay kasi ng katahimikan eh.

"Malamang dun sa kwarto mo din" ang taray talaga nito. Unti nalang papalitan ko na tawag ko sa kanyang "sandwich girl" to "babaeng laging meron"

Nagmake face ako sa kanya...

Silence...

"Nakita mo na ba yung kwarto? Malaki sya..." Simula ko na naman ng topic.

"Hindi." Tipid nyang sagot. Mapanis sana laway nito.

Silence...

"Taga san ka pala sa manila?"

"Hey. Let's get something straight. Wala akong balak makipag kilala sa kung sino man during this vacation. So don't ask personal questions" T. A. R. A. Y. plz.

"Okay sige." Saka ko sya inirapan. Dumating naman ang foods at kumain na kami. Ang sarap nga ditoooo :">

Silence...

"Sooo... Bakit hindi hinahanap ng nanay nya si Dora? Kung lagi tong nag eexplore?" Tanong ko. Haha kahit ilang beses ako tarayan nito. Kakausapin ko padin sya noh :)) There's just something in me na gusto syang makilala.

"Huh???" Sagot nya.

"Ahahaha sabi mo kasi no personal questions eh ahahaha di mo naman sinabing bawal makipag usap sayo ahahaha" saka ako tumawa :))

Napangiti naman sya sa sinabi ko pero agad ding binawi. Di ba to nangite ng matagalan? Ahaha."Ewan ko sayo" sagot nya. Pero not in a mataray way na.

Medyo naging light na atmosphere namin pero di padin kami nagsasalita. Di ko pa nga pala alam pangalan nya... But since no personal question daw... Eh di gawan ng paraan ahahahah

"Hi! I'm not cute so you could call me cute. Ikaw?" pagpapakilala ko.

"Huh? Ano na namang trip mo?" Tanong nya nang di nya magets ang pinagsasasabi ko.

"Rule diba? No personal questions. So bawal mo malaman pangalan ko, bawal ko malaman pangalan mo. Eh di mag isip ka ng alias. Basta cute sakin ahahaha" sabay ngiti ko sa kanya ahaha natawa naman sya. Wow lumelevel up ah :))

"Asa ka namang tatawagin kitang cute. Feeler ahaha" kaya naman pala tumawa. Kaso Di naniniwalang cute ako >.< cute ko kaya.

"Hmmm... Alam ko na tatawag ko sayo..." Dugtong nya. Naghintay ako ng sagot nya.

"Dora." -_- dora? Kahit si dora lang tinanong ko kanina yan na tatawag nya sakin?

"Unfair. Bakit ikaw magpapangalan sakin? Nanay kita???"

"Ang ingay mo dora. Papakain kita kay swifer"

"Ugh. Fine. Ako magpapangalan sayo... Hmmm... Ikaw si... Sand..." Sandwich girl sana sasabihin ko pero bigla nalang syang nagsalita.

"Ayoko." Mauubos na pagkain namin at nasa kalagitnaan na kami ng dessert.

"Hmm...smiley?"

"No."

"Ah! Boots!?"

"Hindi." Habang nagpapatuloy lang syang kumain at di nakatingin sakin.

"Eh ano tatawag ko sayo?!" Inis kong tanong.

Tumingin sya sakin at sinabing...

"Batman"

Continue Reading

You'll Also Like

9K 208 61
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
74.4K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
269K 10K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
341K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...