The Ex-Girlfriend's Revenge

Galing kay Sil3ntcry

2.5K 235 38

Kirsten Ophelia Priestley dated the popular guy in college- Pearce Clarence Arthur. Things didn't go well bet... Higit pa

Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 5:

138 15 2
Galing kay Sil3ntcry

Kirsten's POV:

I suddenly laugh out of disbelief in the middle of giving Pearce a razor-sharp look. He's utterly oblivion of his surroundings.

Can you imagine? Kanina ko pa siya binibigyan ng matatalim na tingin, wala man lang ba siyang nase-sense? Kung sabagay, he's inside his office, while I'm at my station.

I'm still in so much incredulity with what happened 2 days ago, nang ihatid niya ako pauwi.

I invited him inside my apartment, diba? I had so much confidence that time, tapos know what he did? I got no answer from him. Isinara niya 'yong bintana tapos pinaharurot 'yong kotse niya paalis.

Like WTF? What was that behavior, Arturo?

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang mapatingin sa gawi ko mula sa loob ng opisina niya. Agad akong napayuko at nagkunwari na may tinitignan sa laptop ko.

Huli pero hindi kulong 'yan, Kirsten?

Hindi ko maintindihan. Ang hirap niya landiin pero nagpapalandi siya sa iba? Ano 'yon? Ano ako kanta? The only exception?

I cautiously looked at Pearce's direction again, at nanigas ang ninang niyo kasi nakatingin pa rin pala sa akin si Pearce kaya nahuli niya ako.

"Come here.", basa ko sa bibig niya.

He even gestured his forefinger na lumapit ako.

"Ano ba 'yan, ano ba kailangan ng kupal na 'to sa akin.", mahinang reklamo ko muna bago ako mapatayo mula sa istasyon ko at tinungo ang opisina ni Pearce.

Kumatok ako sa babasaging pintuan ng opisina niya bago pumasok.

"You called for me?", kunwaring parang walang nangyari na tanong ko sa kanya pero kung alam niya lang, sumasabog na dibdib ko sa kaba.

"Natapos mo na ba pinapagawa ko sayo?", tanong niya na hindi ako tinitignan.

"Have you checked your mails today?", I responded just a second after his question.

Oh diba? Matapang si Ate girl niyo. Sinagot ng isa pang tanong ang tanong ng boss niya. 'Wag tularan hahaha.

Parang napahinto siya sa binabasa niya mula sa screen ng laptop niya, at saka napadako ng tingin sa akin.

"Does that mean a yes?", a tasteless response, with a dull expression evident on his face.

"What do you think so?", I answered with a grin.

Napapikit siya sabay buga ng hangin. A muscle in his jaw twitched. He's losing his patience, I'd love to see that.

"Stop answering my questions, with another question, will you?", he commanded, almost like a hoarse whisper.

Nagkibit balikat lang ako.

Ibinalik niya ang tingin sa screen ng kanyang laptop at may parang may chene-check.

Maya-maya lang ay napatingin ulit siya sa akin.

Kanina pa ako tapos sa pinapagawa niya, I sent the file sa email niya. He should regularly check his mails, hindi 'yong papalapitin pa ako. Mukha ba gusto kong makita siya lagi sa malapitan? Nate-tempt lang akong ibalibag siya papuntang pluto.

Akala ko may ibabato na naman siya sa aking salita nang mapatingin siya sa akin, ngunit bigla na laman siyang napatayo sabay ayos ng jacket niya.

Dumikit ang tingin ko sa necktie niya, maliban sa tabingi ito, ay hindi rim tama ang pagkakatali nito. Ganyan rin necktie niya nang una kaming magkita ulit dito sa loob ng opisina niya.

Hay naku naman talaga Pearce. College pa lang talaga ay hindi na siya marunong magtali ng necktie.

Couldn't he learn how to tie a necktie? Or at least have his fiancee tie it for him? Jeez.

"Come with me somewhere.", lakad niya papalapit sa akin.

Bago niya pa ako malagpasan ay hinawakan ko siya sa braso, dahilan para mapahinto siya sa paglalakad.

He looked over his left shoulder to see me;

"What?", he reacted as his forehead furrows.

Hinigit ko siya ng mahina papunta sa harapan ko, at saka ko inabot ang necktie niya.

"What is it?", hawak nito sa necktie niya.

"Wag kang magulo.", hampas ko sa kamay niya ng mahina, kung kaya't naibaba niya ang mga ito na namimilog ang mga mata.

Gulat yarn? Hahaha

"Did you just hit your superior?!", he kinda exclaimed.

"Ang likot mo kasi, aayusin ko lang naman necktie mo.", irap ko sa hangin na wika.

Napayuko siya ng tingin sa necktie niya;

Tinanggal ko ang pagkakatali nito, and there was just only silence between us.

Pa-sekreto akong napalunok ng laway, napapatingin kasi ako sa adams apple niya. Ba't naman ganyan? Ang attractive tignan.

"Saan tayo pupunta?", imik ko, just to break the silence habang inaayos ko ang pagkakatali ng kurbata niya.

Napalipat siya ng tingin sa akin, sakto naman at tinignan ko siya sa mukha. Our eyes met, at namilog ng kaunti ang aking mga mata.

Napahinto ako sa aking ginagawa. I can feel my lashes flutter while staring at his eyes.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'ng posisyon, basta ako ang naunang umiwas ng tingin para tapusin agad 'yong pagtatali ko sa kurbata niya.

"Done.", mahina kong sabi sabay binitawan ang kanyang necktie.

Bago ko pa maibaba nang tuluyan ang aking mga kamay, ay biglang hinawakan ni Pearce ang kanang kamay ko.

"Bakit?", nakakunot noo kong tanong.

"Whatever your motive is, I want you to stop it. It's not working on me.", he frankly uttered with a pint of irritation in his voice.

It took me a while to digest what he meant, but a grin slowly appeared between my lips after a hit of realization.

So, napapansin niya pala ang mga kilos ko? Is that why he's very obstinate and self-willed?

"Pearce... You wanting me to stop, doesn't that mean it's getting into you?", a mumbled while smirking.

I'm actually quite impressed. The fact that wala pa akong masyadong ginagawa, I just started with my plan at napansin niya agad.

Does that mean binabantayan niya ang mga kilos ko? And that he's being careful with me? Kaya ba he's trying so hard to avoid any physical contact from me?

"Nah. I just think that it'll be such a pity if you lost your job, once a word gets to Carmel na nilalandi mo ang boss mong ikakasal na. Sayang naman ang mga taon na inilaan mo sa kompanyang ito. Itatapon mo lang dahil sa may galit ka sa puso na 'di mo mabitawan."

My smirk faded. What did he say? Galit na hindi mabitawan?

That sounds so unbelievable.

Hinigit ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya at saka ko hinawakan ang kanyang kanang pisngi.

"Pearce... Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko. I also feel this isn't worth it and I'm wasting my time, pero nangingibabaw ang galit ko sayo. You don't just let go of something that easily, especially if that something has ruined my life in a certain way. I had to sacrifice a lot of things because of you.", mahina kong sabi na may diin bawat salita.

Itinaas ko ang isa ko pang kamay at inilapat rin 'yon sa kabilang pisngi ni Pearce.

So basically, I'm cupping his cheeks right now, staring at him intently with so much contempt- trying to hide the pain in my eyes.

I gave a half ass smile, checking his expression.

"I loathe you so much, that I want to destroy you. That's what I feel about you, Pearce.", my voice trembles as my hands shake in anger.

A line appeared between my brows in confusion nang mapangisi si Pearce.

What's he grinning about?

"Is that what you really feel about me?", he asked, with a daring gaze affixed to me.

He tilted his head a bit to the left, still grinning; as if he's mocking me right now.

"I actually don't want to play your game. It's childish, Ophelia. But after hearing your lame sentiments, I might have to change my mind. Do you really want to start a fire with me? Knowing that ikaw lang ang mapapaso at masusugatan?", Pearce.

I hate that playful look. Minamaliit niya ako. He still thinks that I'm that Ophelia from years ago na hindi siya mahihirapan na lokohin.

"Nasugatan na ako, Pearce. Sa tingin mo hahayaan kong masugatan ulit ang sarili ko? Hindi ako gano'n kat*nga."

Natawa siya ng mahina sa sinabi ko.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"You're playing with someone who's way better than you in this game, Ophelia.", biglang laho ng ngiti sa mga labi niya.

"Aray! Aray! Ano ba! Ophelia!", malakas na daing ni Pearce.

"Hala.", gulat kong reaksyon.

Diba nakahawak ako sa magkabilaang pisngi niya? Sa sobrang inis ko siguro hindi ko na namalayan na nakurot ko pala 'yon hahaha. Buti nga sayong walangh*ya ka!

"Nasa tamang pag-iisip ka pa ba? Una hinampas mo kamay ko tapos ngayon kinurot mo mga pisngi ko. Pisikalan ba?", hawak ni Pearce sa mga pisngi niya.

"Oo kasi ang pangit ng mukha mo, nakakabanas tignan.", sagot ko.

Tumawa siya ng saglit.

"Ah talaga? Kaya pala patay na patay ka sa akin noon?", agad na banat niya sa akin.

"Oo talaga! Totoo talaga ang kasabihan na doon mo lang mare-realized kapangitan ng isang tao 'pag 'di mo na mahal pwe! Just so you know kamukha mo 'yong pwet ng manok no'ng kapitbahay namin sa probinsya!"

Kung anu-ano nalang talaga pinagsasabi ko sa kanya basta may maisagot lang ako kasi ayoko magpatalo sa kupal na 'to.

"Talaga ah-mmpppp-", si Pearce.

Hindi na siya nakapagsalita ulit pa kasi tinakpan ko bibig niya. Masyado na siyang maingay, naiirita na ako ng sobra.

"Akala ko ba may pupuntahan tayo? Tara na!", matigas kong sabi bago ko alisin kamay ko sa pagkakatakip sa kanyang bibig at saka siya hinila.

Ayoko ng makipagtalo. Hindi kami matatapos!

Gulat na gulat siya sa ginawa ko, hindi na nakapagsalita ang g*go hahahah.

Hanggang pintuan ng opisina niya ko lang siya hinila. Hindi kami pwedeng lumabas na hinihila ko siya, maliban sa hindi alam ng mga kasamahan namin ang naging nakaraan namin ni Pearce, ay ayoko rin magka-issue na kasama siya.

"Saan nga tayo pupunta?", tanong ko sa kanya ulit kasi nakatayo lang kami tapos nakaharap sa pintuan palabas, para kaming mga timang.

"Sa tingin mo gusto pa kita isama pagkatapos ng mga ginawa mo?", may badya ng pagkainis sa boses niya.

Tinignan ko siya, badtrip na badtrip mukha niyang nakatingin din sa akin.

Habang tinitignan ko siya ay natawa ako, nakakatawa kasi mukha niya;

"Nakakatawa ba?", inis niyang wika.

Huminto ako sa pagtawa, ngunit may ngiti na nanatili sa aking mga labi.

This scene is familiar.

Now that I look back from what we are before... This scene is familiar;

---------
Almost 8 Years Ago

"Nakakatawa ba?", inis nitong sabi sa akin at saka ako inirapan.

"Para ka kasing timang hahaha. Nakikipagtalo ka sa akin dahil lang doon, sabi ko naman sayo hindi ko tinanggap 'yong bulaklak hahaha", ulit ko.

Hindi ko na alam kung ilang ulit ko sinabi sa kanya na wala akong tinanggap na bulaklak galing kanino.

Valentines Day kasi ngayon at hindi naman sa pagmamayabang ay marami talaga akong natatanggap na bulaklak noon pero wala akong tinanggap ngayon kasi nga seloso 'tong boyfriend ko.

Gusto niya 'pag may tatanggapin ako ay either galing sa mga magulang ko, kaibigan at sa kanya lang.

"Eh ano 'yan?", turo niya sa bouquet ng bulaklak na nasa ibabaw ng desk ko.

"Aba ewan! Andiyan na 'yan pagkarating ko eh."

Pinanliitan niya ako ng mga mata.

"Parang t*nga Pearce hahaha halika na nga, dami mong alam.", hila ko sa kanya pero hindi pa pala tapos ang baliw na 'to sa pag li-litanya.

"Sige sab—mmmmppp—", salita niya ngunit tinakpan ko bibig niya.

Effective to promise, hindi na magsasalita 'to sa oras na bitawan ko na bibig niya hahahah.

I checked his expression at naka-poker face siya. Unti-unti kong ibinaba ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

"Tara na. Akala ko ba magde-date tayo ngayon? Sa'n tayo pupunta?", hila ko sa kanya, pero hanggang pintuan lang nitong classroom namin.

Wala ng ibang tao sa loob ng classroom;  hinila niya ako dito para ipakita 'yong bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng desk ko at isinara ang pintuan ng classroom kasi baka may makakita sa amin.

Our relationship is a secret pa muna kasi. Bago naging kami ni Pearce, parang aso't-pusa kami, naglalaban sa top 1 spot ng University. Ayaw namin magulat ang lahat na naging kami nalang bigla.

Nakaharap lang kami sa nakasara na pintuan ng classroom.

Tinignan ko siya kasi hindi siya sumasagot. At ayun! Nakakunot ang noo na nakatingin rin sa akin.

"Saan nga tayo pupunta?", ulit ko.

"Sa tingin mo nasa mood pa ako lumabas?", may pagkairita niyang sagot sa akin.

Natawa na lamang ako. Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to?

I tiptoed at saka ninakawan siya ng halik sa pisngi.

"Nasa mood ka na?", nakangisi kong tanong habang tinitignan ang reaksyon niya.

Napahawak siya sa pisngi niya. A smile slowly appeared between his lips.

Kinikilig ang baliw.

"Lika na nga", iwas tingin niya sa akin na sabi, tapos ngiting-ngiti siya, ayaw niya ipakita.

Binuksan niya ang pinto at gulat ako na hinawakan niya ang kamay ko.

"Pearce?", nagtataka kong tanong na nakatingin pa rin sa mga kamay namin.

"I don't care anymore. Let everyone talk, because all I wanna do is to let them know you're mine.", sabi niya sa akin at saka ako hinila palabas.

I guess it's a secret no more.

-------------
PRESENT
--------------

Napayuko ako ng tingin sa kamay ni Pearce.

Why was it all a lie, 8 years ago? How can someone act so perfectly in love with someone? I really felt na minahal ako ni Pearce.

"I'll give you something else to do, check your mail. I'll leave on my own.", imik ni Pearce kung kaya't napaangat ako ng tingin sa kanya.

Stop reminiscing, Kirsten. 'Wag mong kakalimutan lahat ng pinagdaanan mo dahil sa kanya.

The person in front of you is not the guy you fell in love with years ago. He's a different person now. Sobrang layo sa lalaking minahal mo.

"Ikaw ang bahala.", sagot ko sa kanya at saka iniwan siya doon, lumabas na ako sa opisina niya.

This game is getting interesting.

-----------

Chapter 5 (Epilogue) :

Kirsten's POV:

*9 Years Ago*

Napahinga ako ng malalim out of frustration.

Bwis*t naman oh! Paano ako lalabas nito ngayon? Akala ko talaga nadala ko 'yong extra sanitary pad ko sa bag.

Paano ako magpapalit niyan?

"Ophelia? Nasa loob ka ba?", rinig kong tawag sa akin mula sa labas ng comfort room.

Binuksan ko ang pintuan ng cubicle kung saan ako naroroon at saka sinilip ang ulo ko palabas.

Nakita ko si Pearce na nakasilip din sa pintuan ng comfort room. Nag abot ang mga mata namin.

"Manyak ka ba? Ba't ka sumisilip sa banyo ng mga babae?", inis kong bulyaw sa kanya.

"Ikaw ba nagtago ng bag ko?", kunot noo niyang tanong sa akin.

"Anong pake ko sa bag mo? Nasa banyo ako kanina pa, aanhin ko bag mo dito huh?", irita kong sagot.

Parang baliw 'to. Lahat nalang sa akin sinisisi eh.

Napataas ako ng kilay nang mapatingin siya ng tingin sa paligid. Namilog ang aking mga mata nang pumasok siya bigla sa banyo.

"Hoy! Anong ginagawa mo?", bulyaw ko.

"Tinatago mo siguro bag ko diyan no? Ibigay mo na! Uuwi na ako!", lapit niya sa akin.

Aba naman talaga, ako talaga sinisisi sa pagiging t*nga niya.

Mabilis kong isinara 'yong pintuan ng cubicle, ngunit mabilis niyang iniharang braso niya.

"Wala nga sa akin t*nga ka ba?", pilit kong sara sa pintuan ng cubicle, kaya lang mas malakas 'tong lalaking 'to sa akin kaya nabuksan niya ng tuluyan ang pintuan.

Napayakap ako sa sarili ko.

"Wala nga dito!", malakas kong sabi na nag-echo pa talaga sa kabuuan ng restroom.

He checked the cubicle that I'm in, at nang hindi niya makita ang bag niya ay napatingin siya sa akin.

"Walang modo at ang bastos talaga Pearce.", inis ko giit.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ba't ayaw mo lumabas dito?", nagtataka niyang tanong.

Napalunok ako ng laway sabay idinikit ang likuran ko sa pader nitong cubicle.

"W-wala lang.", tanging nasagot ko kasi wala akong maisip na alibi.

'Di ko naman pwedeng sabihin na natagusan ako, at wala rin akong dalang extra na sanitary pad kaya hindi ako makalabas dito.

Taas kilay na may kasamang pagdududa siyang napatingin sa akin.

Hinubad niya bigla ang suot na varsity jacket at hinagis sa mukha ko, nasalo ko naman iyon.

"Labhan at ibalik mo ha.", diin niyang sabi na parang labag pa sa loob niya.

Tatalikuran na niya sana ako nang lumingon siya sa akin ulit;

"Siguruin mo lang hindi ikaw nagtago ng bag ko, kundi aabangan talaga kita sa labas ng University, makikita mo.", banta niya sa akin bago ako talikuran ng tuluyan at iwan ako sa restroom.

Napayuko ako ng tingin sa varsity jacket ni Pearce. Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko pero inamoy ko 'yon.

Ang bango....

Did he find out na natagusan ako? Kasi why would he give me his jacket? At anong pumasok sa utak niya at tinulungan niya ako?

"Tss...", I hissed with a smile.

"... Goodluck sa paghahanap sa bag mo.", mahina kong sabi as my smile turned into a smirk.

Oo, ako ang nagtago.

----- End of Chapter 5





Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
346K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
438K 16.3K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
7.9K 27 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)