Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

De miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... Mai multe

Disclaimer
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 10

33 6 0
De miss_reminisce

Kabanata 10



Kasalukuyang nakababa na kami ni Binibining Miranda sa kalesa ngayon. Sakto lamang ang aming dating sapagkat pasimula pa lamang ang misa, inalalayan ko si Binibining Midanda sa kaniyang pagbaba at sabay kaming nagtungo sa loob.

Nasa ikatlong hanay kami ng upuan at napansin kong palinga-linga si Binibining Miranda sa loob ng simbahan. Wari'y may hinahanap siya "Binibining Miranda tayo'y maupo na" bulong ko sa kaniya. Napatingin ito sa akin at napatango.

Nagsimula na ang pagbasa at nakapokus ang lahat ng tao. Mga huni ng ibon at kaluskos ng mga dahon lamang ang maririnig. Nang aking sulyapan si Binibining Miranda ay nakapako ang tingin niya sa kaliwang hanay ng mga upuan labis akong nagtataka sa mga ikinikilos niya ngayon.

Napatingin ako sa kaniyang tinitignan at nakita kong nakatingin siya kay Ginoong Samuel. Tahimik lamang siyang nakikinig at nakabaling ang tingin sa harapan.

Napabaling ang tingin ko kay Binibining Miranda at napatingin din siya sa'kin. Napangiti lamang siya at ibinalik ang kaniyang tingin sa harapan. Hindi ko mapipigilan ang namumuong pagtingin niya para kay Ginoong Samuel. Nararapat lamang na suportahan ko siya sa binubulong ng kaniyang damdamin.







"ELIANA, dito ba ay may palikuran?" bulong niya. Katatapos lamang ng misa at aking nasisilayan na mas malaki pa ang porsyentong nakatitig siya kay Ginoong Samuel. Nababalik lamang ang tuon niya sa Pari kapag akin itong sasabihan.

"Mayroon Binibini, samahan na ho kita," sambit ko at kami'y nagtungo sa likod ng kumbento. "Hintayin mo na lamang ako doon sa hardin Eliana," wika niya bago tuluyang pumasok sa loob.

Napatango na lamang ako bago nagtungo sa gilid na hardin ng simbahan at naupo sa upuang kahoy doon. Sumasagi sa aking isipan ang sinambit kanina ni Binibining Miranda.

Kanina pa iyon tumatakbo sa aking isipan, posible kayang totoo ang kaniyang sinasabi? Ngunit kung hindi bakit naman niya iyon sasabihin sa liham? At isa pa kung para sa'kin talaga ang liham na iyon, bakit ako nais bigyan ng liham ni Ginoong Samuel?

"Tila ang iyong mukha ay hindi maipinta," agad akong napatayo dahil sa pamilyar na tinig. Nasa harapan ko ngayon si Ginoong Samuel habang nakatingin ulit sa'kin, puti ang suot niyang damit at kulay krema ang pang-ibaba niya. Maaliwas ang mukha niya at bahagyang nakataas ang ayos ng kaniyang buhok.

Napaiwas ako ng tingin "Maganda umaga ho Ginoo" sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniyang mga mata. Narinig ko ang kaniyang pagtikhim "Magandang umaga rin sa iyo Binibini.." pabalik na bati niya, ngumiti ako at yumukod nang bahagya sa kaniya.

Nanatili akong hindi nakatingin sa kaniya at muling napaupo sa upuan. Nahihiwagaan din ako kung bakit nanatiling nakatayo si Ginoong Samuel sa gilid ko.

Napatikhim ako bago magsalita. "M-may nais ho ba kayong sabihin? Nga pala kasama ko rin po ngayon si Binibining Miranda," saad ko at bahagyang ngumiti sa kaniya.

Sandali siyang napatingin sa'kin bago napaiwas ng tingin at akmang ibubuka niya ang kaniyang labi nang marinig namin ang tinig ni Binibining Miranda.

"Ginoong Samuel?" saad niya dahilan upang mapatayo ako sa upuan at mapatingin din sa kaniya si Ginoong Samuel.

"Ikaw nga, magandang umaga sa iyo Ginoo," saad ni Binibining Miranda habang sumisibol ulit ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi.

Napatango si Ginoong Samuel, "Magandang Umaga rin sa inyo, " tugon niya at bahagyang yumuko. "Ginoong Samuel ikaw ay naparito? Ako ba'y iyong hinahanap?" Tanong muli ni Binibining Midanda at itinaas ang abanikong hawak upang hindi masilayan ang kaniyang mumunting ngiti.

"Ako'y napadaan lamang dito binibini ngunit ako'y paalis na rin" tugon ni Ginoong Samuel at panandaliang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tuon kay Binibining Miranda. Napangiti si Binibining Miranda habang hinahawi niya ang kaniyang saya. "Kung gayo'y kami'y sasabay na sa inyo Ginoo" sambit niya at napatingin sa akin.

Napatango si Ginoong Samuel at tipid na napangiti bago niya inilahad ang kaniyang kamay na nagpapahiwatig na mauna nang maglakad si Binibining Midanda. Napangiti si Binibining Miranda at naunang maglakad, sumabay sa kaniya si Ginoong Samuel habang pinili kong tumungo sa kanilang likuran.

Malalaki ang hakbang na ginagawa ni Binibining Miranda upang masabayan niya si Ginoong Samuel sa paglalakad at nanatili lamang ako sa kanilang likuran.

"Ginoong Samuel akin nang nabasa ang iyong liham" narinig kong wika ni Binibining Miranda. Napalingon sa kaniya si Ginoong Samuel at kahit ito'y nakatagilid kita ko ang pagkakunot ng kaniyang noo ngunit napawi rin ito kaagad.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa at bahagyang binagalan ang paglalakad dahil hindi ko nais na manghimasok sa usapan ng iba.

Nakikita ko na patuloy pa rin ang pagbuka ng labi ni Binibining Miranda habang napapatango at napapangiti naman si Ginoong Samuel sa kaniya.

"Binibining Miranda!" napatigil ako at ganoon din ang ginawa nina Binibining Miranda at Ginoong Samuel. Napalingon ako sa isang Binibini na may pagkamestiza ang balat at tila ba namumula ang balat niya sa tuwing masisinagan ng araw. Sa suot pa lamang niyang baro't saya ay akin nang masasabi na siya'y anak mayaman.

"Ate Susmitha ikaw na ba iyan" sambit ni Binibining Miranda habang nakatingin sa Binibini. Sandaling lumapit ang binibini sa aming kinalalagyan at nagbigay ito ng matatamis na ngiti sa amin ni Ginoong Samuel. Napayuko si Ginoong Samuel at bumati sa kaniya at ganon din ang aking ginawa.

"Ako nga ito Miranda" sambit niya habang sumisilay ang mapuputi niyang ngipin. Napatingin ako kay Ginoong Samuel at nakatingin lamang siya sa naglalabasang mga tao galing sa kumbento.

Lumapit sa akin si Binibining Miranda "Eliana ako na lamang ay iyong hintayin sa kalesa sapagkat mayroon lamang kaming pag-uusapan," bulong niya napatango ako at napangiti "Makakaasa po kayo Binibini" sambit ko.

Nagpaalam sa amin sina Binibining Miranda at ang nagngangalang Susmitha at kapwa kami nagpaalam at napangiti sa kanila. Nang makalayo na sila ay binalingan ko ng tingin si Ginoong Samuel.

"Ginoong Samuel, mauuna na ho ako," paalam ko at bahagyang yumuko. Napatingin ito sa akin habang bahagyang napasingkit ang kaniyang mata dahil sa sikat ng araw. "Kasama ko ang aking kapatid na si Solana, siya ba'y hindi mo kukumustahin?" tanong niya.

Bahagyang napaningkit ang aking mga mata at sandaling napaiwas ng tingin. "Hindi na ho siguro Ginoo, naniniwala naman ho ako na marami pang pagkakataon na maaaring mag-usap kami. Maiwan ko na po kayo," wika ko at naglakad paalis ngunit hindi pa man ako gaanong nakalalayo nang mapahinto ako ulit.

"B-bakit? Bakit mo binigay ang liham kay Binibining Miranda?" wika niya dahilan nang pagpintig ng aking puso. Napalingon ako sa kaniya at agad na nagtama ang aming mga mata.

Humakbang siya ng isang beses habang hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Batid mo bang ang liham na iyon ay para sa iyo Binibining Eliana?" patuloy niya habang nakatingin sa'kin.

Napahinga ako nang malalim at napaiwas ng tingin humakbang din ako palayo nang kaunti sa kaniya. "P-paumanhin Ginoong Samuel, ngunit sa palagay ko'y hindi niyo naman ho ako kailangang handugan ng liham." wika ko habang nakatingin sa harapan.

Napayuko ako nang bahagya at pinagmasdan ang aking mga daliring pinaglalapat ko dahil sa kaba. "At isa pa po, wala naman pong matibay na dahilan upang bigyan niyo ako ng liham. Hindi naman ho tayo ganoon na kalapit sa isa't isa at ang tanging alam ko lamang po na ugnayan sa pagitan nating dalawa ay.." tigil ko at napatingin sa kaniya.

"Ay ang aking pagiging soltera at ikaw ay bilang maharlika," wika ko at mapait na ngumiti. Mas mabuti na ito na habang maaga pa lang ay maipakita ko na ang pader na humaharang sa'ming dalawa.

"Ano bang ibig mong sabihin? nais mo bang iparating na hindi kailanman magkakaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng mayayaman at mahihirap?" saad niya dahilan upang mapaiwas ako ng tingin.

"Sa lipunan natin ngayon Binibini, mahalaga ang dalawang antas na iyan. Kailangan niyo kami at kailangan din namin kayo," wika niya at napaiwas ng tingin sa'kin. Nanatili lang din akong nakayuko at hindi malaman kung ano ang dapat kong itugon sa kaniyang sinabi.

Hanggang ngayon ay hinahanap ko kung ano ang nais niyang iparating sa'kin. Bigla siyang humakbang paalis sa'kin at nagtungo sa batang nagtitinda ng sampaguita. Nakita kong bumili siya ng sampaguita at ginulo ang buhok ng batang lalaki bago umalis at humarap sa'kin.

Nakatingin lang ako kay Ginoong Samuel habang papalapit ito sa'kin bitbit ang sampaguitang binili niya. Nahihiwagaan ako sa kakaibang titig niya sa'kin na para bang may mahalaga siyang nais sabihin.

"Ang ibig kong sabihin Binibining Eliana ay nais kong magkaroon tayo nang magandang ugnayan sa isa't isa." saad niya at sandaling napaiwas ng tingin bago ulit binalik ang tingin sa'kin. At dahang-dahang inabot sa'kin ang sampaguitang binili niya.

"Maaari ba tayong maging magkaibigan Binibining Eliana nang magkaroon ng dahilan ang pagbibigay ko sa iyo ng liham?"





PINAGMAMASDAN ko ang sampaguitang binigay sa'kin ni Ginoong Samuel kanina. Tinanggap ko ito na para bang tinatanggap ko na rin ang pagiging magkaibigan naming dalawa.

Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa kung bakit nais akong maging kaibigan ni Ginoong Samuel at ang huling salita sa binatawan niya sa'kin kanina.

Napahinga ako nang malalim bago isinabit ang sampaguita sa rebulto ng Sto. Niño malapit sa aking higaan. Bago lumabas sa aking silid at nagtungo sa  likuran ng mansyon.

Nadatnan ko roon si Rosa na nagsasampay ng mga damit, lumapit ako sa kaniyang kinaroroonan  upang  tulungan siya.

Nang ako'y malapit na sa kaniya ay naaninag ko ang pamilyar na panali ng buhok na kaniyang suot. Bakit nasa kaniya ang panali ng buhok na ibinigay sa akin ni Binibining Solana?

Agad akong lumapit sa kaniya at tumayo sa kaniyang gilid. Bakas sa kaniya ang pagkagulat sa aking presensiya ngunit ipinagwalang bahala niya na lamang ito at nagpatuloy sa pagsasampay.

"Bakit na sa iyo ang bagay na iyan" kalmado kong tanong at itinuro ang panali ng buhok. Sandali siyang napahinto at itinaas ang kaniyang kilay.

Noong una ko pa lamang siyang makita ay ramdan ko na hindi kami madaling magkakasundo sapagkat palagi siyang nakasimangot at mataray ang kaniyang postura. Kung minsa'y panay ang kaniyang pag-irap ng mata at pagsagot nang pabalang.

"Huwag kang madamot Eliana, ito'y akin lamang hihiramin" sambit niya at muling nagsampay ng mga damit. "Hindi naman ako madamot Rosa ngunit sana'y nagawa mo munang magpaalam sa'kin," wika ko. Napatingin siya sa akin at itinaas ang kaniyang kanang kilay.

Ramdam ko sa kaniyang mukha ang irita. "Kung tutuusin ay dapat ang bagay na ito ay sa akin na sapagkat hindi mo ba nakikita na aming inanlaw ang iyong damit!" sambit niya.

Pinagmasdan ko lamang siya sa kaniyang mga mata hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo sa akin ni Rosa. Sinusubukan kong maging maganda ang relasyon naming dalawa ngunit siya ang mailap sa akin at pakiramdam ko malayo ang loob niya sa akin.

Ngumisi siya at pinagkrus ang kaniyang mga kamay. "Sabagay ano nga naman ang aking magagawa sa isang mapapel na tao, hindi ba?" Patuloy niya. Sandali siyang tumigil at tinititigan ang aking mga mata.

"Baka iyong nakakaligtaan na parehas lamang tayong soltera dito kaya huwag kang umasta na para bang kabilang ka sa pamilya Villaflores!" saad niyang muli habang mas lalong nagiging mariin ang tingin niya sa akin.

"Hindi kita maintindihan Rosa, kahit kailan man ay hindi ako mapapel----"

"Talaga?! Nakasisiguro ka ba?" Sambit niya at bahagyang natawa. "Kung gayo'y anong ginagawa mo sa silid ni Don Alonzo noong mga nakaraang araw? At ang mabuting pakikipag-ugnayan mo kay Binibining Solana at Ginoong Samuel? Marahil ay nilalason mo ang kanilang isipan, gagamitin mo rin sila para sa pansarili mong kasiyahan,"  sambit niya habang nanginginig ang kaniyang boses dahil sa galit.

Tinititigan ko na lamang siya sa kaniyang mga mata tulad ng kaniyang nararamdaman ay ganoon na rin ako. Mas umiinit ang tensyon sa aming dalawa, hindi ko batid kung ano ang kaniyang mga pinagsasabi.


"Hindi ko magagawang manglason ng isipan ng ibang tao. At kahit kailanman hindi iyan pumasok sa isipan ko," sambit ko at pinipigilan ang aking sarili sa galit. Ngumisi muli siya ngunit bakas pa rin sa kaniyang mata ang umaapoy na galit.

"Kung sa tingin mo'y ang lahat ng tao ay iyong malilinlang Eliana. Ibahin mo ako! Noon pa lamang ay alam kong mapapel ka na." saad niya at inalis ang panali ng buhok sa kaniyang ulo.

"Ito? Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy kang lumalapit sa pamilya Delos Santos. Gagamitin mo lamang sila," wikang niya at ikinuyom ang kaniyang palad habang nasa loob ang panali ng buhok.

"Rosa.." saad ko nang bigla siyang naglakad at nagtungo sa maliit na batis malapit sa likod ng mansion ng Villaflores.

"Rosa anong balak mong gawin?" wika ko nang tumigil siya sa tapat ng batis. Lumingon siya sa'kin panandalian bago buong lakas na itinapon ang panali ng aking buhok sa batis.

"Rosa ano ba!" saad ko at mabilis na nagtungo roon at mabilis na nilusong ang mababaw na batis.

"Tanda iyan Eliana, tanda iyan na kaya kong pigilan lahat ng meron ka!"

Hindi ko na pinansin pa ang mga huling salitang binanggit niya sa'kin. Inilaan ko ang mga sandaling iyon sa pag-asang makikita ang panali ng buhok na binigay sa'kin ni Solana. Hindi ko kayang mawala iyon sa'kin dahil napakahalaga na rin ng bagay na ito para sa'kin.

Halos mag-init na rin ang gilid ng mata ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang hinahanap ko. Mabilis itong lumubog sa tubig dahil may kabigatan ang disenyong nakabalot sa gilid-gilid nito.

"Eliana!"

Napatigil ako sa paghahanap nang marinig ko ang tinig ni Ginoong Lazaro. Halos manlaki rin ang aking mata nang makita ko si Rosa na nakatayo sa kaniyang likuran habang nakayuko at hindi makatingin sa'kin.








"P-PATAWARIN niyo ho ako Ginoong Lazaro, hindi na ho iyon mauulit," nagmamakaawang saad ni Rosa habang nakayuko at nakaharap kay Ginoong Lazaro.

"Batid mong mali ang iyong ginawa ngunit ginawa mo pa rin," mahinahong saad ni Ginoong Lazaro habang nakatayo ito at nakabaling ang tingin sa bintana.

"Nasaksihan ko ang buong pangyayari at pilit mo pang binabaligtad ang katotohanan," patuloy niya habang nakatingin lamang sa binatana ng kanilang sala.

Napakagat ako ng aking labi habang nakayuko hindi ako makatingin ng diretso kay Ginoong Lazaro dahil sa kakaiba niyang tindig ngayon. Tahimik lamang habang nakaupo si Binibining Miranda sa sala habang tahimik lang din sina Manang Lita at Linda sa gilid.

Kapwa-kapwa silang nagulat kanina sa pangyayari matapos sabihin ni Ginoong Lazaro ang mga nangyari kanina.

"A-alam ko hong nagkamali ako Ginoo at dapat hindi ko iyon ginawa kay Eliana ngunit nais ko hong makita niyo na lubusan ho akong nagsisisi sa aking ginawa," saad muli ni Rosa at bakas na ang nangingilid niyang mga luha.

Tulad ko ay takot din akong makaharap si  Ginoong Lazaro lalo na sa ganitong sitwasyon. "Patawad.." patuloy niya at dahang-dahang napaluhod.

Napatingin ako kay Ginoong Lazaro nang binalingan niya ng tingin si Rosa habang nakaluhod. "G-ginoong Lazaro, hindi naman ho ako sinaktan ni Rosa, kung kaya't bigyan niyo na ho siya ng ikalawang—"

"Maaring hindi ka niya sa pisikal sinaktan ngunit sa damdamin nasaktan ka at wala lang iyong pinagkaiba," napatigil ako at napayuko nang magsalita ulit si Ginoong Lazaro. Mabibigat na yapak ang ginawa niya patungo sa harapan ng pintuan bago isinuot ang kaniyang sombrerong pangheneral bago muling lumingon sa'min at nagsalita.

"Batid niyong heneral ako at hindi ko kailanman maatim na masaksihan ang mga bagay na kinasusuklaman ko. Handa akong ibigay ang nararapat na parusa, kahit pa sa aking kadugo ay magiging pantay ako..." kalmado subalit mariing saad ni Ginoong Lazaro bago siya tumingin sa'kin at naglakad paalis.




Nahihiwagaan,
Eliana

Continuă lectura

O să-ți placă și

21.3M 789K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
11K 1.1K 56
What if you changed the man who was so cold -hearted? | TAGLISH | "A lot has changed in him and he has also learned a lot from her since he met her."...
758K 19.4K 6
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...