Listen To Your Heart (COMPLET...

Bởi Silent_Vamp

2.2K 136 1

Earthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Eli... Xem Thêm

Disclaimer
LTYH 1
LTYH 2
LTYH 3
LTYH 4
LTYH 5
LTYH 6
LTYH 7
LTYH 8
LTYH 9
LTYH 10
LTYH 11
LTYH 12
LTYH 13
LTYH 14
LTYH 15
LTYH 16
LTYH 17
LTYH 18
LTYH 19
LTYH 20
LTYH 21
LTYH 22
LTYH 23
LTYH 24
LTYH 25
LTYH 26
LTYH 27
LTYH 28
LTYH 29
LTYH 30
LTYH 31
LTYH 32
LTYH 33
LTYH 34
LTYH 35
LTYH 36
LTYH 37
LYTH 38
LTYH 39
LTYH 40
LTYH 42
LTYH 43
LTYH 44
LTYH 45
LTYH 46
LTYH 47
LTYH 48
LTYH 49
LTYH 50
LTYH 51
LTYH 52
LTHY 53
LTYH 54
LTYH 55
LTYH 56
LTYH 57
LTYH 58
Final Chapter
Author's Note
Special Chapter

LTYH 41

11 1 0
Bởi Silent_Vamp

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]






Chapter 41






( Lew’s POV )





Seven o'clock in the morning palang pero nakaayos at naka-ready na ako para sa magiging practice namin ni Prince.






We need to start as early as we can para narin makapagpahina kami ng mas maaga dahil mamayang gabi na ang event.








“Oh, bakit ang aga mong nagising? Hindi ba mamayang gabi pa yung event nyo?” takang tanong ni RyRy sa akin.





Kakadating lang niya galing sa work niya. Pinaupo ko na siya at pinasabay sa pag-aalmusal ko. May nakahanda na rin kasi for him. Umupo naman siya at sumabay na sa pagkain ko.






This is our usual routine everyday. Yung pagre-ready ko para pumasok sa university, ay iyon naman yung time na uuwi siya galing sa work.






Then sa gabi naman yung pagre-ready niya para pumasok sa trabaho ay iyon naman ang pag-uwi ko. Kaya most of time ay sa breakfast at dinner lang kami halos nagkakasama. Except nalang kapag day-off niya.








“Nagkaroon kasi ng konting adjustment para sa prod namin. Kailangan naming ayusin ngayon ng mas maaga para may time pa kami makapagpahinga mamaya” sabi ko at ikwinento ko sa kanya kung ano ang mga nangyari.








“Buti nalang pala at may nakita kayong kapalit agad. Pero Bebe Love, sorry at hindi ako maka attend ha. Alam mo naman na pang gabi yung pasok ko. Pero manunuod ako thru online promise!” sabi ni RyRy.








"That's ok, Ry. I know naman that even you are not there physically, you are always at my back to support me” sabi ko.







“Syempre naman. Love na love kaya kita. Pero matanong ko lang, sinagot mo na ba ang manliligaw mo?” tanong nito.







Alam din naman kasi ni RyRy ang mga nangyayari sa akin. Lagi kasi akong nagkwe-kwento at nag-a-update sa kanya about sa mga nangyayari sa akin.






Ganun kasi talaga kami ka-close sa isa't-isa. At bilang respeto ko na din dahil kami nalang kasing dalawa ang magkasama at wala na kaming kilalang ibang kamag-anak pa. At siya na rin ang tinuturing kong kuya ko, dahil wala din naman akong kapatid.







“Hindi pa 'no! Until now ay single pa din ako.” sagot ko.








“Ang tagal mo naman yata sagutin? Masyado ka na yatang feeling maganda nyan ah. Remind ko lang hindi ka si Cinderella” pang-aasar ni RyRy.






“Tse! Eh maganda naman talaga ako. At saka magandang matagalan ang panliligaw niya, para malaman ko na rin kung seryoso ba talaga siya” sabi ko sabay irap sa kanya.






Kaloka siya!







Hindi man ako si Cinderella, malay natin past life ko pala si Rapunzel.  Haba kaya ng hair ko.... char!🤣







“Hay naku. Bahala ka nga. Pero baka magsawa yun tapos maghanap at makakita ng iba. Tapos ang ending ay iiyak at magsisisi ka” sabi ni RyRy.







Hindi ako nakaimik.







Paano nga ba kung mangyari nga iyon?






Paano kung magsawa nga siya at humanap ng iba?






Kakayanin ko ba na mawala siya?






…[Phone rings: Calling…… Prince]…








“Hello, Prince” sagot ko sa phone.







Nakatingin lang at nakikinig si RyRy habang kumakain ito.








“Good morning, Princess. I’m on my way na to your house. I’m gonna pick you up” sabi nito na ikinagulat ko.







“What?! Paano mo nalaman ang location ng bahay ko?” takang-tanong ko.







Wala naman kasi akong matandaan na sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira. At never pa din naman biya akong sinundo or hinatid man lang before.






“Ah, tinanong ko kay idol last night, then he sent me your location thru GPS, and I’m about 15 minutes ahead to your house” sabi nito.






Ahhh. Kaya pala. Pwede naman kaming sa EMU nalang magkita eh. Nagsasayang lang siya ng gas.






Pero ok na din kasi makakatipid na ako sa pamasahe, iwas haggard din sa mainit at siksikang pagsakay sa jeep.






“Okay sige. Ready na din naman ako eh” sabi ko.








“Okay, good then. Bye Princess” sabi nito.







“Okay, bye” sagot ko naman.





…[Call ended]…





“So , susunduin ka pala nung Prince na yun dito?” sabi ni RyRy.







“Oo eh. On his way na daw siya” sagot ko naman.








“Is he your suitor too?” tanong niya.







Pinanlakihan ko siya ng mata.







“No, RyRy.! We’re just friends. Siya yung tuturuan ko mamaya, kung kinuwento ko” sabi ko.









“Okay, sabi mo eh. Pero, don’t play with their feelings, okay? Huwag mong pagsasabayin. Wala sa lahi natin ang manloloko at two-timer” sabi ni RyRy.







Hindi ko alam kung niloloko niya ba ako or seryoso siya dun sa sinabi niya.









“Hindi ako ganun 'no. At hindi ko nga siya manliligaw.” depensa ko.






“Nagpapaalala lang naman. Pero mabuti pala at pumayag yung Kaizer na kayo lang dalawa nung Prince ang magkasama. Hindi ba sabi mo dati e sobrang seloso nun?” tanong ni RyRy.







“Seloso naman talaga. Kaya nga ayun, sabi niya kagabi nung hinatid niya ako… susunod daw siya sa school mamaya” sabi ko.







“Grabeng seloso pala talaga, ano? Pero tama lang yun. Ibig sabihin ay mahal ka talaga niya. Kailan ko ba makikita at makikilala yun?” sabi nito.







“Hayaan mo, ipapakilala ko din siya. Wala ka na kasi dito sa bahay o kaya naman tulog ka na kapag napunta siya dito eh” paliwanag ko.








…[Beep! Beep!]…








“Oh, mukhang ayan na yung susundo sayo” sabi ni RyRy.







Tumayo ako at sinilip ko kung kotse nga ba ni Prince yun.








“Siya na nga yun, RyRy. Oh ano? Gusto mo siya makilala?” sabi ko habang hinahanda yung bag kong dadalhin.









“Some other time nalang, pagod na din kasi ako at antok. Sige na, umalis ka na. Ako na ang magliligpit ng mga ito mamaya” sabi ni RyRy.








“Okay sige. Salamat. Mamayang hapon naman uuwi din ako. Huwag ka ng mag luto, dadalhan nalang kita, okay?” sabi ko.







“Okay. Sige, ingat ha” sabi nito.







“Sige, bye” sagot ko naman at nagpaalam na ako.








Lumabas na ako at pinuntahan si Prince. Nasa labas lang ito ng kotse niya at hinihintay ako.






Nakita ko na naman ang mga mukha at mahahabang leeg ng mga tsismosa naming kapitbahay.






For sure nagtataka at inggit na naman sila kasi isang gwapong nilalang na naman ang nakita nilang sumundo sa akin.








Isang mala-anghel na nakangiti ang nasa harapan ko ngayon.







Nag beso muna ako at kinuha naman niya ang dala kong bag at nilagay sa backseat.






Ang gentleman naman nito!






Para tuloy akong tunay na prinsesa. Binuksan niya pa ang pinto at pinasakay ako.







Pero hindi ako kiniliiiiig, promiiiiise!







Hahahahahahaha!!!!!








“Bakit parang iba yung way ang dinadaanan natin?” tanong ko kay Prince.








Parang hindi kasi familiar ang daan na 'to sa akin papuntang EMU.









“No, we’re on the right way” nakangiti nitong sabi.







“Sure ka? Hindi naman ito yung dinadaan ko kapag papasok ako eh, baka naliligaw ka ng daan” sabi ko.








Baka kasi hindi pa siya familiar sa mga pasikot-sikot at places dito sa Pinas kasi nga sa ibang bansa naman siya lumaki.








Nakita kong sa GPS lang ng kotse niya siya sumusunod. Baka sira yung GPS!










“We’re not going to EMU. Sa bahay tayo magpapractice” sabi nito na ikinagulat ko.






“What??? S-seryoso ka ba?” gulat na tanong ko sa kanya.







Sa sobrang gulat ko ay napalakas ang boses ko.







Wala naman kasi kaming usapan na sa bahay niya kami pupunta at duon kami magpapractice.







“Chill lang, okay? Wala naman akong gagawin sayong masama. I'm not a rapist nor a killer" natatawang sabi nito.







Ay sayang!
Este! Buti naman at hindi siya rapist at killer!🤣🤣🤣🤣






“Hey! Hindi naman yun ang iniisip ko. Nagulat lang ako dahil ang usapan natin ay dun tayo sa EMU magpapractice.” paliwanag ko.








Pero deep inside, medyo nag-isip din talaga ako na gagwan ako ng kalokohan ng tao na 'to.






Pwedeng rape, or much worst ay gang rape!







Kaloka! Bakit puro rape nasa isip ko?







Yung totoo? Bakit parang gusto ko ma rape?








Natatawa tuloy ako sa mga naiisip ko. Praning na yata ako!









“Honestly, I told to my sister what just happened and my unexpected role to the event. She’s the one who insisted na sa bahay nalang daw tayo mag practice.” paliwanag ni Prince na natatawa pa.









“Oh, Really?” nasabi ko nalang.







Bakit ba kasi gusto pa ng ate niya na sa bahay nila kami magpractice?







“Yup, Princess. See? Kasama ko sa bahay ang sister ko. Nandun din yung mga maids namin. So, you have nothing to be scared of” sabi niya na seryoso.







Tumingin pa siya sa akin saglit at ibinalik ang paningin sa pagmamaneho.







Nakaramdam naman ako ng hiya at guilt dahil sa sinabi niya. Para kasing wala akong tiwala sa kanya base sa naging reaksyon ko kanina. Pero nagulat lang naman talaga ako.









“Hindi naman ako natatakot. I trust you naman. Nagulat lang talaga ako” sabi ko. Ngumiti naman siya.







“Don’t worry. If you really uncomfortable sa bahay, aalis din tayo agad. Pagbibigyan ko lang si ate. ” sabi nito.








“Eh ano bang reason at gusto niya na dun tayo magpractice?” tanong ko. Medyo na curious kasi ako.









“May sariling condo kasi ako and I'm not living in our house with her. Pero once a week ay dinadalaw ko naman siya at sabay kaming mag breakfast, or lunch o kaya naman ay dinner. Nagkataon naman na ngayong araw naka schedule yun. Kaya ang sabi ni ate ay sa bahay na ganapin yung practice para mahaba-haba na din daw yung oras namin na magkasama” mahabang paliwanag niya.







Awwwwww... ang sweet pala naman nilang magkapatid.




“Ahhh. Ganun naman pala. Akala ko naman kung bakit na. Pero tama nga din siya. Kung sa inyo tayo magpapractice ay mahaba-haba nga naman ang bonding nyong dalawa. Ganun ka pala ka love ng kapatid mo noh” sabi ko naman.







Nawala na yung mga agam-agam ko.






"Tsk! Medyo OA na nga din si ate minsan. I want to be independent kaya ako bumili ng condo. But I can't feel it because of her. Over-protective masyado. I know she is doing all of that because she loves me. I love her too... and I understand and appreciate her" sabi niya.







“Pasalamat ka nga kasi may kapatid at pamilya ka pa. Samantalang ako, kami na lang ng pinsan ko ang magkasamang namumuhay” malungkot kong sabi.







Pagdating talaga sa usaping pamilya, kahinaan ko yan.






“Bakit? Hindi ka ba masaya kasama yung pinsan mo?” tanong nito.










“Masaya syempre. Pero iba parin yung may sarili kang pamilya talaga” sabi ko.








“Tsk! Tama na nga ang usapan natin about dyan. Ayaw kong nakikita kang malungkot eh. Basta tandaan mo na parati lang akong naririto. Gusto ko lagi ka lang masaya. Makita lang kitang masaya, masaya na rin ako. Pero kapag malungkot ka, asahan mong doble nun ang nararamdaman ko” seryosong sabi ni Prince.







Ano na naman ba itong sinasabi niya?





Akala ko ba friends kami?








Normal lang ba na maramdaman niya ang mga yun sa isang kaibigan lang?






--------------------------

-----to be continue.......

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
931K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.