Listen To Your Heart (COMPLET...

由 Silent_Vamp

2.2K 136 1

Earthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Eli... 更多

Disclaimer
LTYH 1
LTYH 2
LTYH 3
LTYH 4
LTYH 5
LTYH 6
LTYH 7
LTYH 8
LTYH 9
LTYH 10
LTYH 11
LTYH 12
LTYH 13
LTYH 14
LTYH 15
LTYH 16
LTYH 17
LTYH 18
LTYH 19
LTYH 20
LTYH 21
LTYH 22
LTYH 23
LTYH 24
LTYH 25
LTYH 26
LTYH 27
LTYH 28
LTYH 29
LTYH 30
LTYH 31
LTYH 33
LTYH 34
LTYH 35
LTYH 36
LTYH 37
LYTH 38
LTYH 39
LTYH 40
LTYH 41
LTYH 42
LTYH 43
LTYH 44
LTYH 45
LTYH 46
LTYH 47
LTYH 48
LTYH 49
LTYH 50
LTYH 51
LTYH 52
LTHY 53
LTYH 54
LTYH 55
LTYH 56
LTYH 57
LTYH 58
Final Chapter
Author's Note
Special Chapter

LTYH 32

22 0 0
由 Silent_Vamp

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]




Chapter 32

( Lew’s POV )



“I don’t like him” madiin na sabi ni Kaizer.


“Me, too” sabi din naman ni Phytos.

At ang mga mata nila ay may madidilim na tingin sa nakatalikod at naglalakad na palayo na si Prince.




Kaloka si Prince! Apektadong apektado talaga ang dalawang kumag na ito dahil sa ginawa niya.


“Ano bang meron at nagkakaganyan kayong dalawa?” maang-maangan na tanong ko.


Pero imbes na sumagot ay sinimangutan lalo ako ni Kaizer.




“They are just feel threatened because of that engineering little guy” natatawang sabi ni Oreon.



“No, I'm not! Why should I be threatened? Alam ko namang kami ang mas bagay ni Babe ko?” sabi naman ni Kaizer.


Sabay akbay pa nito sa akin. Si Phytos naman ay tahimik lang.



“Don’t be so sure. Mas compatible tingnan ang dalawa. Pareho silang maputi at skinny, pati din height” dagdag pa ni Oreon.



“Bakit ba kontra ka ng kontra? Sino ba talaga yung tropa mo? Iyon ba o ako? At saka hindi yun ang basehan kung compatible ang dalawang tao. Puso dapat bro! Puso!” sabi ni Kaizer na halos dikdikin na ang puso nito sa pagturo. Napipikon na ito.



“Okay! Chillax! Puso mo, bro!” natatawang sabi ni Oreon.




“Eh ikaw Phytos? Bakit ka naman nakasimangot dyan?” tanong naman ni Oreon kay Phytos.



“Oh? Pagkatapos ni Kaizer, ako naman ang aasarin mo? Banatan kita dyan, gusto mo?!” asar na sabi ni Phytos.





Mainit na talaga ang ulo nito kanina pa, simula pa nung dumating sila hanggang sa ngayon.




“Sus! Ang iinit ng ulo nyo! Masyado kasi kayong mga seloso” pang-aasar ni Oreon.




“I’m not jealous! Wala kong paki! Kanino naman ako magseselos?! Bakit naman ako magseselos?!” inis na sabi ni Phytos.




“Ewan ko sayo. Tanong mo kaya yan sa sarili mo!” sabi ni Oreon.




“Oreon, stop na!. Alam mo nang maiinit na ang mga ulo eh. Kumain na lang din kayo. Gutom lang yan” awat ko.





“Iba pala ang aftershock effect ni skinny cute little guy, Bes!” natatawang sabi ni Pat.





“Whoa! Skinny cute little guy? Cute talaga? Yun na ba ang cute sayo? Nakakatawa ka?!” inis na sabi ni Oreon.





“Eh ano namang pakialam mo?! Talaga namang cute yung tao ah! Ang sarap kaya titigan ng mukha niya. So innocent and so angelic” sabi naman ni Pat na parang nangangarap sa kawalan ang itsura.





“Tsk! Stop dreaming na magustuhan ka nun. Hindi pumapatol ang isang payatot na anghel sa matabang baboy” sabi ni Oreon.





“Excuse me?! I’m not baboy! Malaman lang ako, pero hindi ako baboy! At hindi yun payatot. Skinny lang. At kahit payat yun at least mukhang anghel. Eh ikaw?” mataray na sagot ni Pat dito.





“Ako? Mas cute ako dun! Ay hindi pala! Gwapo ako! Siya cute lang.! Payatot pa!” inis na sabi ni Oreon.




“Eh bakit ka ba nasigaw? Bakit ba galit na galit ka rin dyan? Kanina lang parang kampi ka dun ah!” inis na tanong ni Pat.



Si Oreon naman mukhang nagulat din sa inasta niya. Kumalma nalang ito at tumahimik.




Hmmmmm.. I smell something's fishy…🤔🤔🤔




“Now, look who’s not threatened” natatawang sabi ni Kaizer.



“Gago!” inis na sabi ni Oreon sa kanya.



Natawa na lang kami ni Kaizer.




“Denial!” dagdag naman ni Phytos dito.




“Ulol! Pare-pareho lang tayo!” inis na sabi ni Oreon dito.




Natahimik naman si Phytos.


Tingin ko pareho naman talaga sila ni Oreon eh. Feeling ko kasi denial lang ang mga ito eh. Ayaw pa kasi umamin sa tunay na nararamdaman nila.



Pero nagulat din ako ng sabihin ni Oreon na pareho silang dalawa ni Phytos. Halos kulang na lang ay pormal na aminin na niya ang tunay na nararamdaman niya.

Kaloka lang si Bes Pat! Hindi niya na gets.
Ang hina ng sentido common! ✌😂



“So, pareho pala, ha” nakangising sabi ni Kaizer, pang-iinis kay Oreon.



Parang dun din lang narealized ni Oreon ang sinabi niya.




“A-hmm.! Tsk. Kumain na nga lang tayo! Bahala kayo dyan kung hindi kayo nagugutom.” iwas ni Oreon at umalis na para bumili ng pagkain nito.




Sumunod na din lang si Phytos. Si Pat naman, parang wala lang. Hindi niya talaga naintindihan kung ano ang nangyari. Umalis na rin lang siya para bumili.



“Ikaw, Babe? Anong gusto mong kainin?” tanong ni Kaizer sa akin.


“Hindi na. Nakita  mo naman, di ba? May pagkain na ako.” pagtanggi ko.





“Tsk. Kapag iba ang magbibigay sayo natanggap ka. Pero kapag ako ayaw mo” sabi nito.


Nagtatampo ba siya?

“Tampo agad?” sabi ko.



“Eh ikaw naman kasi eh. Hindi ako kakain kapag ayaw mo” sabi nito.




“Kapag hindi ka kumain, ikaw ang magugutom hindi ako” pang-aasar ko.





“Okay lang magutom. Papanindigan ko 'to!” Sabi niya. Nagtatampo talaga.




“Sige na. Bilhan mo nalang ako ng red velvet cake as my dessert. Okay na ba yun?” tanong ko.



Ngumiti naman ang mokong.



“Your wish is my command” sabi pa nito bago umalis.




Bipolar talaga!
Kanina lang ay galit at nagtatampo. Tapos bigla nalang magiging masaya.🤦‍♂️



“Kanina ka pa tahimik dyan ah” sabi ko kay Lexter.





Kami nalang dalawa ngayon dito. Bumibili na kasi yung iba ng pagkain nila.




“Wala. May iniisip lang. Saka wala naman ako sasabihin din eh. Hindi ko masakyan ang mga trip nyo.” sabi nito.




“Talaga lang ha? O baka naman nag-iisip ka kung sino sa kanila ang pipiliin mo?” biro ko sa kanya.




Lew?! Pati ba naman ikaw, aasarin mo ako?” angal nito. Natawa naman ako.




“Eh, sino ba kasi talaga? Si Prince or Phytos?” tanong ko sa kanya.




“Huwag mo na idamay si Prince. We are just friends. Ganun talaga kaming mag-usap dalawa. Idol daw ako nun eh.” sabi nito.



“Talaga ba? How can you be so sure?” tanong ko.




“He already told me na kaya daw siya nandito, is because of the one that he love” sabi niya.



“Eh paano kung ikaw pala yun?” tanong ko ulit.


“Naah! Imposible. I know him at matagal na kaming magkasama. Mararamdaman ko dapat yun” sabi niya.




“Eh sino naman daw yun?” tanong ko.




Ewan ko ba kung bakit ako nacu-curious na malaman.



“He didn’t say a name. But I guess someone. But I’m not so sure” sabi nito.



“Eh sino naman pala ang hula mo?” tanong ko.



Tinitigan niya ako na parang binabasa.



“Why are you so interested about him?” nakataas ang kilay na tanong nito.



Taray! Taasan ng kilay ang labanan! 🤣




“Why not? Gusto ko lang malaman. Masama ba?” sabi ko.



“Remind ko lang na may Kaizer ka na ha. And he will really get mad, kapag nalaman niya na nagtatanong ka about kay Prince. Nakita mo naman ang reaksyon niya kanina” natatawang sabi nito na may pailing-iling.





“I know. But we are not yet a couple. And wala namang masama kung magtanong ako about Prince, right?.” sabi ko naman.



“Yeah, right! Not yet a couple. So you mean pwede ka pa rin maagaw ni Prince in case na manligaw siya sayo?” sabi nito.


Nagulat naman ako sa tanong niya.



“Huh? What do you mean?” tanong ko.




“Gusto mong malaman, pero naging bingi ka naman nung sinabi ko” natatawang sabi niya sabay ng pag iling-iling ng ulo.



“Can you please just explain what you really mean?” inis kong sabi sa kanya.


Natawa naman siya. Nakakaloko siya 'no?😠



“Okay. As what I just said, I’m not really sure about this. But I think, ikaw yung sinasabi ni Prince na mahal niya. But then again, I’m not so sure” sabi nito.



“Bakit naman sa dinami-dami ng tao dito sa school at sa buong Pilipinas eh ako agad ang naisip mo?” tanong ko.




“Hay naku, Lew! Kung alam mo lang na halos araw-araw niya akong kinukulit para lang ipakilala ko siya sayo. Naiinis na nga din ako minsan eh!
Pero makulit talaga ang tao na yun!" sabi niya na natatawa.




"Honestly, he is the one who asked me na siya ang I refer ko na ipalit sa pwesto ko dati as the president of our department. Para daw magkakilala na kayo at may access siya na makausap ka. He is good naman, and I think qualified naman talaga siya na pumalit sa pwesti ko kaya pumayag ako.” dagdag pa nito.


Hindi ako nakaimik.

Ano bang sasabihin ko?
Hindi ko alam. Hindi kasi ako makapaniwala.




“I already told him to back off, kasi wala siyang panalo kay Kaizer. But he said, talking and being friend with you, is that all he wants and that’s enough for him. But I think he is lying.” Dagdag pa ni Lexter.





“Ganun lang naman siguro talaga ang gusto niya... yung friendships. Maybe you just misunderstood him” sabi ko.




“Hmmm. I guess not. Pero ewan ko din. As what I just said earlier, hindi ako sure kung ikaw nga ba talaga yung tinutukoy niya.” sabi nito.




“Eh, baka nga hindi ako yun” nasabi ko nalang.



“But I’m gonna ask you. If ever na ikaw nga pala talaga yun? Is he has a chance to have you?” tanong nito.



Ano bang klaseng tanong yan? Parang ang hirap sagutin.😕




“I-I don’t know.” sagot ko.


“Really? But if I were Prince, titigil na siguro ako. Kasi halata namang talo na ako, kahit hindi pa man lumalaban. Haay! Kawawang bata. Bagay nga sa kanya yung mala anghel niyang mukha. Angel nga siguro siya na pinababa sa lupa dahil sa pagiging tanga at martir!” pailing-iling na sabi ni Lexter.




Napaisip naman ako dahil sa mga sinabi niya.



Bakit ko pa kasi tinanong?




Nagpagulo lang tuloy siya sa isip ko. Amp!
😕☹😔

But why I have this feeling that he is connected to me?



My heart jumped and beat so fast when our eyes met the day that I first saw him in the meeting few months back.


Pinagsawalang bahala ko na nga lang iyon kahit na nung umpisa ay nagtataka ako kung bakit ko iyon nararamdaman.


Pero sino ba talaga siya?


Kung totoo man na ako yung tinutukoy niyang mahal niya at hinahanap niya, meaning kilala niya ako noon pa?


But how? Did we met before?

---------------------------

-----to be continue.........

继续阅读

You'll Also Like

259K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.3K 106 31
Top #1 in GayXBoy (Completed) "I'm Wilhelm Fierro and I'm falling inlove in a Womanizer." Loving a Womanizer (BXB) Written By Hororochan Book Cover...
10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...