Paint Your Bandages (Junior H...

By Seachy

932 62 1

Lie is a beauty care student. He's a head turner and confident of himself. He is the only man in beauty care... More

Paint Your Bandages
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 40

7 1 0
By Seachy

C H A P T E R 4 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Grabe talaga 'yung ngiti kanina ni ate Lia!" nakangiting sabi Olivia na para bang nang-iinggit kay Lie. 

Inis na nilingon niya si Olivia. "Oo na paulit-ulit ka na d'yan, nakakrindi." 

Nginisian siya ng malawak ni Olivia saka nilabas ang dila. "Inggit ka lang eh." 

Inirapan niya ng matalim ito saka tuluyang pumasok sa kwarto niya. Pabagsak siyang umupo sa harapan ng study table niya saka dumiretsyo sa you tube. Agad siyang natulala sa isang video na bumungad pagka bukas niya ng you tube. 

Mabilis siyang napangiti ng malawak ng biglang may pumasok na plano sa isip niya. Mabilis niyang cinopy link ang video na iyon saka sinend sa Instagram ni Lia. 

Natalie: What's that?

Olie: Favorite kong kanta 'yan ngayon!

Natalie: Sml?

Agad na kumunot ang noo ni Lie dahil sa reply sakaniya ni Lia. Akmang mag reply na siya ng bigla na lang nagbukas ng pintuan ng kwarto niya. 

"Hi bebe luvs," malanding bungad ni Cary kaya agad siyang napangiwi. 

"Tumigil ka 'nga, nakakadiri ka!" inis na sigaw ni Lie at hinagisan si Cary ng unan niya upang hindi ito tuluyang makalapit sakaniya. 

"Mainggit ka," nakangising sulpot ni Nate habang hawak ang phone ni Lia. 

Agad nanlaki ang mata ni Lie at matalim na tinignan si Nate. "Ikaw 'yung nag reply ng 'sml?'"

Mas lalong ngumisi si Nate at prenteng sumandal sa pintuan. Habang si Cary naman ay agad na humiga sa kama ni Lie. 

"Yup. Talagang nilamon ka na ng Twice 'no!?" natatawang sabi niya habang umiiling. 

Ngumiti siya ng malawak saka pinag krus ang mga braso. "Magpapalamon pa ko sakanila." 

Malakas na tumawa nag dalawa pero hindi naman nakakaramdam ng inis o kinakahiya na isa siya sa mga nababaliw sa kpop group na Twice. Ipapagmalaki niya pa 'nga iyon sa buong mundo iyon dahil wala naman talaga nakakahiya kung magiging fanboy ka. 

Pero bumalik ang pagkunot ng noo niya ng maalalang na kay Nate pala ang phone ni Lia. 

"Teka, paano niyo 'yan nakuha? Nasaan si Natalie?" 

Agad naman nasagot ang tanong niya ng biglang sumulpot si Lia sa likuran ni Nate. 

"I'm here," she said while slightly smilling. 

Kinuha na ni Lia ang phone niya sa kamay ni Nate saka iyon chineck. 

"Bakit 'nga pala kayo nandito!?" takang tanong ni Lie saka pasimpleng inayos ang damit at buhok niya. 

Mahirap na at baka magmukha siyang pulubi sa harapan ni Lia. 

"Nakalimutan mo na 'yatang bukas na ang moving up natin," masungit na sabi n Cary na ngayon ay naka upo na sa kama niya. 

"So, it's means na ito na ang huling bonding natin bilang high school students!" nakangiting sigaw ni Nate at parang cowboy na iniikot ang panyo sa kamay. 

Napailing na lang sila ng sabay ni Lia dahil sa kabaliwan ni Nate.  

"Dito lang ba tayo sa bahay?" tanong niya saka lumapit sa computer niya upang patayin na iyon. 

"Syempre hindi. Food trip tayo sa labas, ngayon na," nakangising sabi ni Cary at mabilis na tumayo. Sumabay ng tumayo si Lie at sinarado na ang pintuan ng kwarto niya. 

Ng mapalingon siya kay Lia ay palabas na ito sa bahay nila kasam si Olivia na parang tukong naka kapit sa braso niya. 

Naglakad na sila ng sabay-sabay. At dahil gabi na ay kaunting tao na lang ang mga nakakasalubong nila. Nasa likuran silang tatlo habang ang dalawang babae ay nasa harapan nila. Pero hindi iyon hadlang upang mabangayan sina Nate at Olivia. Pa minsan-minsan ay sumasali pa si Cary. 

Nakangiting tinitignan niya lang ang suot ni Lia. Naka cardigan lang ito na kulay kape at naka square pants na kulay black. Ang maalon nitong buhok ay nakalugay lang kaya sa tuwing humahangin ay sumama ito. 

Ng makapsok na sila sa 7/11 ay nag kaniya-kaniya na silang kuha ng mga pagkain. Isang malaking junk food lang ang kinuha ni Lie. Ng makita niya si Lia na mukhang nahihirapan sa maraming bitbit na pagkain ay malalaking hakbang ang ginawa niya upang matulungan ito. 

"Ang dami mo namang bibilihin na pagkain," natatawang sabi niya kaya gulat na napalingon sakaniya si Lia. 

"It's better than being hungry," she simply said, as if money is like paper. 

"Bumili ka lang ng para sa'yo, hindi para sa'aming lahat," sabi niya na parang tatay na ni Lia sa tono ng boses niya. 

"I want to buy all of this," she said, as if she were a puppy, begging her owner to allow her. 

Agad na natunaw ang puso ni Lie dahil sa itsura ngayon ni Lia. Ang mga mata nito ay nagmamakaawa at ang mapulang labi nito ay bahagyang naka nguso. Malakas siyang bumuntong hininga saka pinakalma nag pusong kanina pa tambol ng tambol. 

"Sige na 'nga bilihin mo na."

Napa yes naman bigla si Lia at mabilis na tumalikod upang kumuha ng mga pagkain. Napakamot na lang si Lie dahil parang sakaniya ang perang gagastusin kung pigilan niya kanina si Lia. 

Parang batang nakasunod lamang si Lie sa likuran ni Lia. 

"Let's go to the counter," she said, while her eyes were twinkling with happiness. 

Kahit na nabibigatan sa dala ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil ibang-iba na talaga si Lia sa nakilala niya sa dating Lia. 

Ng makabayad na silang lahat, si Lie na ang nagbuhat ng pinamili ni Lia. Ngayon ay naglalakad na sila papunta sa paboritong lugar ni Olivia. 

"D'ba sabi sainyo eh ang ganda dito!" sigaw ni Olivia habang umiikot. 

Tumakbo naman sila Nate at Cary palapit doon sa dagat habang si Lia ay hinihintay si Lie na makatabi sakaniya. Dahan-dahang binaba ni Lie ang biniling pagkain ni Lia sa tabi ng gamit nila Nate saka mabilis na sumunod sakanila. 

Agad naman siyang umupo sa tabi ni Lia ng umupo na ito sahig. Ngayon ay tanaw na tanaw nila ang mapayapang pag-alon ng dagat. 

"Lagi ka ba ditong tumatambay?" tanong ni Nate habang manghang tinitignan ang tanawin. 

Agad namang tumango si Olivia. "Kaso ito na ang last time makikita ko 'tong magandang dagat na 'to." 

Sabay-sabay naman sila nag kunot ng noo. 

"What do you mean na last time na?" tanong ni Cary. 

Malakas na bumuntong hininga si Olivia saka sumandal sa balikat ni Lia kaya nilihis ni Lia ang buhok niya papunta sa kabilang side. 

"Eh syempre magiging busy na ko sa buhay ko pagdating ng grade 9. Baka minsan na lang ako makapunta dito. Hindi ko pa kayo makakasama that time," nakangusong sabi nito pero ramdam ni Lia ang matinding kalungkutan sa boses nito. 

Marahang hinaplos naman ni Lie ang ulo ng kapatid. "Alam mo, Via. Kahit naman mag senior high na kami ay hindi ibig-sabihin 'nun ay wala na kaming oras para mag bonding tayong lahat. Syempre lahat kami ay maglalaan ng oras para mag kita-kita tayong lahat. Hindi pwedeng hindi." 

Hindi maiwasang mahinang matawa si Lia dahil sa tinuran ni Lie. Halata sa boses nito ang awtoridad. 

"Masyado ka talagang desisyon, kuya," natatawang sabi ni Olivia. 

"Sus. bakit ayaw mo?" nanunuyang sabi ni Lie kaya agad napa-ayos ng upo si Olivia. 

"Syempre gustong-gusto ko," nakangusong sabi niya pero sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang hindi mapakali si Lia sa tono ng boses ngayon ni Olivia. 

"Hey, you look tense," Lie suddenly said while holding her shoulders. 

Agad namang bumalik si Lia sa katinuan at gulat na napatingin sa mukha ni Lie. Malakas siyang bumuntong hininga saka nilingon si Olivia na ngayon ay nakikipag kulitan na sa dalawa. 

"May problema ba?" nag-aalalalang tanong ni Lie kaya bumuntong hininga siya muli. 

Kitang-kita ni Lie na may kung anong gumugulo sa utak ni Lia. Halata rin na hindi ito mapakali kaya hinawakan niya ng marahan ang kamay nito upang pakalmahin ang dalaga. 

At nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang unti-unting kumakalma si Lia. Kumabog ng malakas ang dibdib ni Lie ng malakas ng magtama ang mga mata nila. 

Nagtitigan lamang sila ng ilang minuto. Kitang-kita ni Lie na may gustong sabihin si Lia ngunit nagdadalawang isip siya. 

"May dapat ka bang sabihin sa'akin!?" marahan niyang tanong habang hinahaplos ang maliit na kamay nito gamit ang hinlalaki niya. 

Ilang minutong nakatitig lamang si Lia kay Lie at umiling. "Maybe I'm just mistaken."

Bigla na lamang siyang humarap sa may dagat. Gusto rin ni Lie na titigan ang mahinahong dagat ngunit hindi niya magawa dahil para siyang hinihipnotismo ni Lia na tumitig lang sakaniya. 

"Kuya oh, ako na gagawa ng paraan para ilabas ang hidden talent mo," natatawang sabi ni Olivia at inabot sakaniya ang gitara. 

Sabay naman na kumunot ang noo nila Lia at tinaggap na iyon ni Lie. 

"Saan niyo 'to nakuha?" takang-tanong niya at nilagay sa hita ang gitara saka chineck ang tono. 

"Dala ko 'yan kanina pa. Masyado ka kasing focus kay Lia kaya hindi mo 'yan napansin," nanunuyang sabi ni Nate. 

Napailing na lang si Lie saka tumingin kay Lia na nakatitig na naman sakaniya. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil kaunti na lang talaga ay magiging ice cream na siya at tuluyan na siyang matutunaw. 

"What will you sing?" Lia asked excitedly. 

"Edi kanta ng Twice!" natatawang sabi ni Nate kaya napangisi siya ng malawak. 

"Yun lang naman kabisado ko eh," natatawang sabi ni Lie saka inayos ang gitara sa hita niya. 

"Twice?" takang tanong ni Lia. 

Tumango si Lie. "Ang Twice ay isang kpop girl group." 

Napa-awang ang mapulang labi ni Lia. "You know how to sing Korean songs?" 

Napangisi ng malawk si Lie dahil halata sa boses nito ang pagkamangha. Mas lalo na siya ngayong naging proud sa sarili niya dahil ramdam niya na proud sakaniya si Lia. 

"Medyo lang. Pinag-aaralan ko pa lang kung paano magsalita at ma pronounce ang mga korean words." 

Napangiti ng tipid si lia saka paupong humarap sakaniya. 

"You can sing now," she gave permission when Lie stared at her like he was waiting for the next question. 

Agad na nagsigawan ang tatlo na animo'y isang malaking fan ni Lie. Mahinang natawa naman si Lia bigla itong kumaway-kaway na animo'y sobrang daming taong nanonood sakaniya. 

Tumahimik naman sila agad ng magsimulang mag gitara si Lie. Ang tanging naintindihan lamang ni Lia sa kanta ay ibang mga english words pero nag enjoy pa rin siya dahil sa boses ni Lie. Malamig pero mahahawa ka sa kasiyahan niya habang kumakanta. 

Sa buong pag kanta ni Lie hindi naputol ang pagtiigan nilang dalawa. Malaman ang lahat ng binibigkas ni Lie na para bang sinasabi na para talaga kay Lia ang kinakanta niya. 

"Stuck on you," pagkanta ni Lie sa huling liriko ng kanta. 

Sabay-sabay na nag palakpakan ang tatlo ng matapos na ang kanta. Pero si Lia ay hindi makagalaw sa paraan ng pagtitig sakaniya ni Lie. 

"Picturan mo 'nga silang dalawa, kuya Nate," bulong ni Olivia at binigay ang phone sakaniya. 

Dahan-dahan naman ang kilos nilang tatlo na kuhanan ng picture ang dalawa na animo'y nag-uuspa gamit ang mata. 

Hindi napansin ni Lia na pini-picturan na sila ng tatlo pero si Lie ay alam, pero hindi niya na sinuway dahil kanina niya pa talaga gustong picturan si Lia kasama siya. 

"W-What's the title of the song?" she asked, softly. 

Lie smiled and held her hands softly. "Stuck by Twice." 

Kumabog ng malakas ang dibdib niya dahil parang may malalim na ibig-sabihin ang sinabi sakaniya ni Lie. 

"That song is for you," he said, full of sincerity. His eyes are twinkling while he is staring at Lia's eyes. 

Halos manlambot na si Lia dahil sa paraan ng pagtitig sakaniya ni Lie. Buti na lamang at bigla ng sumingit ang ttalo kung hindi ay baka bumigay na siya. 

"Tara picture tayo!"  malakas na sigaw ni Olivia at tinapat na ang phone niya. 

Lahat naman sila ay halos mag siksikan na upang magkasya sila sa picture. Pero halos hindi na huminga si Lia ng maramdaman na nakapalibot sakaniya ang braso ni Lie paikot sa t'yan at bewang niya. 

"Baka kasi malaglag ka," bulong nito saka inayos ang hibla ng buhok niya na humangin papunta sa mukha niya. 

Napatango na lang si Lia at pinilit ang sarili na huwag doon ituon ang pansin. Pilit niya na ring pinapakalma ang sarili saka tipid na ngumiti ng magsimulang mag bilang si Olivia. 

"Picturan mo 'nga ko, kuya Cary!" sigaw ni Olivia habang tumatakbo palapit sa dagat. 

Tumakbo na silang dalawa habang sina Lie at Lia naman ay tumayo na rin upang sundan ang tatlo. 

Continue Reading

You'll Also Like

18.4K 644 45
Vinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's t...
606K 41.6K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
29.2K 825 67
Hi Series #1 Sunny Amora Esmael is like a sun, a bright sun that gives warm to her love ones, can her rays reach her crush's life? ••• An Epistolary...
211K 12.3K 32
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...