Miss Butt-Kicker and The Cold...

By mushroomjjang

21.6K 437 135

What will happen when miss butt-kicker meets the cold-hearted guy? Will they clash or will they prove that op... More

[MBK&CHG PROLOGUE]
[1] Mistaken as someone else
[2] Electric Shock
[3] Chili Con Carne
[4] Strangers again
[5] Nihongo Club
[6] Enchanted
[7] Stuck with each other
[8] Lovers Lane
[9] Signs
[10] Expectation
[11] Angry
[12] Pageant Night
[13] College Representative
[14] Fake Prince
[14.5] Is it a merry christmas?
[15] Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted Guy
[17] Oh you make me smile ♥
[18] The Other Side

[16] The Truth Revealed

601 15 7
By mushroomjjang

Natagalan na naman ako sa pag-update pasensya na po. Marereveal na kasi ang mga sekreto dito eh, magsisimula na din kasi yung new era kaya ayun! ☺ Mehehehe. Eto na po.

[16]

[3rd POV]

"Wag mo ngang kainin yan!!! Bumili ka nga ng pagkain mo! Ang PG mo nakakahiya ka!!" Sigaw ni Raine kay Hiro habang kinakain nito yung burrito ni Raine

"Tinitikman ko lang baka may lason, malason ka pa." 

"Ang sabihin mo, wala kang pambili kasi mahal dito sa Army Navy." Tumayo bigla si Hiro at naglakad papunta sa counter. Pagkatapos umorder, umupo na siya at tinignan lang siya ng masama ni Raine.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang MGA order nito. Dalawang bully boy burger, dalawang steak quesadilla, 1 milkshake at isang latte. 

Nanlaki ang mata ni Raine at tinignan ng masama si Hiro.

"Ano to? Sinong kakain nyan?" 

"Akala ko ba PG ako at walang pambili ng pagkain? Ayan! Para naman hindi mo sabihin sakin na wala akong ipapakain sayo pag mag-asawa na tayo." Namula naman bigla si Raine sa sinabi ni Hiro. Mag-asawa? Mehehehehe.

"Sabi ko naman kasi sayo eh, tinitignan ko lang kung may lason. Dry run palang kasi diba? Baka mamaya may buhok pa dun sa burrito mo." Nagsimula ng kumain si Hiro, si Raine naman uminom lang ng milkshake. (Dry Run palang kasi ng Army Navy sa may UST)

"Tss. Oo na." Hindi mapigilan ni Raine ang mamula sa kilig. Mag-iisang buwan na sila ni Hiro pero hindi padin ito nagbabago, sweet padin pero hindi talaga maaalis sa systema nito ang pagiging masungit niya.

"Ano ba yan Aphrodite, para kang bata!" Tumayo si Hiro at nag-lean paharap kay Raine.

"A-ano b-bang ginagawa--" Pinunasan ni Hiro ang gilid ng labi nito. Lalo namang namula si Raine.

"Picture-an ko kaya yung mukha mo? Mukha ka ng kamatis eh." Nagsmirk lang si Hiro at nagpatuloy sa pagkain habang si Raine ay hindi makasagot dahil nga totoong namumula at kinikilig siya. Iba talaga ang nagagawa sa akin nitong cold-hearted guy na to.

"Itsumademo aishiteiru yo" Nakangiting sabi ni Hiro kay Raine. Hay nako Hiro, nagiging obese na nga ako dahil sa dami ng pinapakain mo, pati ba naman puso ko idadamay mo pa?

[Aki's POV]

(Play music)

Napatingin ako sa may Army Navy at nakita ko si Hiro at Raine. Ganito din kami dati eh. San nga ba nagkamali? Wala naman diba? Ang pagkakamali lang talaga...

ako si Aoi at hindi si Hiro.

♫ ♪Lately I've been thinking, thinking about what we had

And I know it was hard, it was all that we knew, yeah

Ginusto ko naman to diba? Na maging sila? Na maging masaya sila? Pero bakit parang gusto ko siyang bawiin? Bakit parang gusto ko ulit siya ipagdamot kahit hindi na siya sakin? 

 ♫ ♪ Cause nothing can ever, ever replace you

Nothing can make me feel like you do, yeah

Minsan pala, hindi rin maganda na masyado kang mapagbigay. Minsan tama rin palang maging makasarili lalo na't kung ang ibibigay mo sa iba ay parte ng buhay mo.

Pero ayoko din namang maging kontrabida sa buhay ng mga taong mahal ko. Ang tagal kong minahal si Raine kahit alam kong iba ang mahal niya. Kung sana ako nalang diba? 

♫ ♪ There's nothing like us

There's nothing you and me together

Lumabas na yung dalawa at papunta na siguro sila sa medicine auditorium para magpractice sa nalalapit na TSITP. Manalo kaya si Raine? Sabi kasi ni Jeremy maganda daw yung representative ng AB. Pero alam ko naman na kahit anong mangyari, panalo padin siya sa mata ni Hiro at syempre sa mata ko.

Hindi ko na sila sinundan pa sa Medicine Auditorium dahil masyado namang halata. Pumunta nalang ako sa TYK student center para malaman kung kailan pwede mag-exam ang mga transferees. Dito na din kasi ako mag-aaral at kung ano course ko?

[Flashback- 8 years ago]

"Aoi, Ano bang gusto mong maging?" Tanong sakin ni Raine. Hindi ko naman alam isasagot kasi bata pa ako para isipin yun agad.

"Ewan ko pa eh. Ikaw ano gusto mong maging paglaki mo?" Napakamot siya ulo pero ngumiti din.

"Wag mo ako pagtatawanan ah!" 

"Oo naman!"

"Gusto ko lang maging masaya." Nakangiti padin siya. Hay, ang ganda mo talaga Raine. Sana pag matanda na tayo ikaw ang pakasalan ko. 

"Tapos gusto ko yung mapapakasalan ko Engineer o kaya parang si Papa."

"Nagtatrabaho sa office?" Tumango siya.

"Ano mas gusto mo sa dalawa?"

"Basta mayaman!" Tumawa naman kaming dalawa. Practikal talaga magisip eh!

"Kapag ba naging engineer ako, papakasalan mo ako?" Ngumiti lang si Raine at tumawa. 

"Tara na nga! Kain na tayo, tawag na tayo nila Tito at Kuya Ryuu!" Hinila niya lang yung kamay ko at pumunta na kami sa dining room.

[End of Flashback]

Civil Engineering ang kinuha kong course. Nung nawala ako, sa mapua ako nag-aral. Di ako nakikipagkaibigan kasi  baka bigla pang kumalat na buhay pa nga ako pero ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at bigla kong ginustong ayusin lahat kahit  pagsabihan na ako ni Kuya Ryuu na wag na bumalik.

Hay. Para naman to lahat kay Raine eh, para sa ikasasaya niya. Dahil mahal ko siya.

Palabas na ako ng TYK ng biglang makita kong papasok sila Raine at Hiro. Nagabot kami sa may tapat ng entrance. Nanlaki yung mata ni Raine, si Hiro medyo naguguluhan pa.

"A-aki... bakit ka nandito?" Napabitaw si Raine sa pagkakahawak niya kay Hiro. Mukhang nagulat naman si Hiro sa ginawa ni Raine at sa pagkakasabi ng pangalang 'Aki'. Mukhang nagriring-a-bell ata yung pangalang yun sa kanya ah?

"Magta-transfer na ako dito." Nakangiting sabi ko kay Raine.

"B-bakit... bakit dito pa?" 

"Dream school natin to diba? Tsaka sa engineering naman ako. Wag ka magalala. Di ko kayo guguluhin ng....

kapatid ko."

Napatingin na din sakin si Hiro. Si Raine naman hindi maipinta ang mukha. Ano ba tong mga to, ano ako multo? Sinabi ko lang naman yung totoo na kapatid ko si Hiro eh.

"Bakit gulat na gulat ka, bro?"

"Wag mo akong tawaging bro! Di kita kapatid! Tara na nga Aphrodite!" Hinila na ni Hiro papasok ng TYK si  Raine. 

Si Hiro, half-brother ko sa tatay. Pati pala ako sinama sa listahan ng kinalimutan niya. Ano ba naman yun.  May toyo talaga yun kahit kailan. 

Naglakad na ako papunta sa parking at binuksan ang pinto ng kotse. Pinaandar ko na yung makina at nagdrive na papunta sa condo ko.

Tumingin ako sa passenger seat at naalala yung mga panahon na kasama ko pa si Raine at pinipilit akong turuan siyang magdrive o kaya lagi nangungulit na magdrive-thru kami sa mcdo o kaya jollibee. Ngayon nga parang kasama ko parin siya eh. 

Raine, sakin ka nalang ulit pwede ba?

[Flashback sa paguusap ni Tita Heidi at Kuya Ryuu]

[3rd POV]

"Buhay si Aki?" Tanong ni Heidi kay Ryuu. Hindi siya makapaniwala, paano nangyari lahat ng yun?

"Hindi naman talaga siya namatay, Tita." Nakangiting sabi ni Ryuu kay Heidi. Halatang gulong-gulo ito sa nalaman dahil nakita niyang inembalsamo si Aki. Paanong nangyari na hindi ito namatay?

"Pero, inembalsamo siya! Kitang-kita ng mga mata ko!!!" 

"That was not Aki." 

"Hindi kita maintindihan! Ano bang sinasabi mo?!" Gulong-gulo na siya. Pinipilit niyang intindihin ang mga nangyayari pero wala siyang maintindihan.

"Aki was in Japan all along, tita." 

"Kung totoo yan, sino yung namatay? Sino yung kasama ni Raine?!?! Sagutin mo ako!!!"  Galit na galit na si Heidi, kung nasa Japan pa din si Aki. Sino ang kasama ni Raine sa pilipinas?

"That was our--"

[End of Flashback]

[Aphrodite's POV]

Paanong nangyari na kapatid ni Aki si Hiro? Dalawa lang naman ang kapatid niya eh!!! Si Kuya Ryuu lang at si....

[Flashback]

"Ui bata! Okay ka na ba?" Nagkita ulit kami nung batang uhugin sa may reception. Hindi ko padin kasi alam yung pangalan niya eh. Okay na to para maging friends kami diba?

"Hi Raine! Oo, medyo okay na ako. Tinulungan na ako ni Kuya Ryuu gamutin sugat ko." Ngumiti siya sakin. Grabe! Ang cute-cute niya! Pero mas gwapo padin si Aki no!

"Kapatid mo ba si Kuya Ryuu at Aki?" Tanong ko sa kanya. 

"Ah! Oo, kapatid ko sila. Pero half lang eh, pareho lang kami ng Papa." Ngiti nito.

"Ay ang galing! Kaya pala magkamukha kayo no!" Amaze na amaze ako kasi mukha silang kambal. Ang galing nga eh. Pwede pala yun kahit half lang!

"Oo, kasi si Papa yung kamukha namin. Konting-konti lang yung kapareha ko kay Mama eh." Pagkabanggit nung pangalan ng mama niya, parang nalungkot siya. Bakit kaya?

"Okay ka lang bata?"

"Wala na kasi si Mama eh. Kinuha na ni Papa Jesus." Tinapik tapik ko naman yung likod niya para maging masaya siya. Kawawa naman pala siya.

"Gusto mo ako nalang mama mo?"

"Mas matanda pa nga ako sayo eh!" Nag-pout siya. Hihihi. Sarap kurutin ng pisngi!!! ♥

"Kailangan mo lang naman mag-aalaga sayo diba? Ako nalang! Kawawa ka naman kasi e." Napangiti siya at tumango-tango.

"Sige, ikaw nalang mama ko!"

"Eh teka! Ano bang pangalan mo? Mama mo ako tapos di ko alam pangalan ng anak ko?" Tinignan ko siya at napakamot naman ng ulo.

"Ako nga pala si.....

Aoi Atashi."

[End of Flashback]

[Flashback- Tita Heidi and Ryuu's convo]

"That was our half-brother, Aoi."

"Bakit siya nagpanggap na si Aki? Hindi ko maintindihan Ryuu!!!! Nasaan na si Aki?" Sumisigaw na si Heidi. Masyado siyang madaming nalaman, hindi niya na alam kung 

"Kasama niya ngayon si Raine..."

"Ha? Paanong nangyari yun?!!"

"Aki....

is Hiro." 

--------

BIGLANG SABOG NG REVELATIONS DIBA? TEEHEE. Comment naman kayo guys! ♥ Love you all po :* >:D<

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...