Fire Of The Burning Sands [Is...

By LadyMoonworth

33.5K 863 134

Isla de Provincia #6: Fire Of The Burning Sands Three words to describe Agleya Caleigh Trinidad; mapaglaro, m... More

Isla de Provincia
Disclaimer
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26

Kabanata 23

560 18 0
By LadyMoonworth

KABANATA 23

"So.. P-pareho kayo ng babaeng minahal ni Markus?" tanong ko habang naglalakad kami ngayon sa dalampasigan.

Natapos ang usapan namin ni Markus dahil bigla nalamang siyang tumalikod kanina at umalis. Tila ba nagpunta lamang siya sa kung nasaan kami ni Zarleus para sabihin sa akin ang bagay na iyon.

Sumulyap naman siya sa akin, at tumango. "Uh, yes.."

Sa sinagot niyang iyon ay hindi ko maintindihan ang bahagyang pagkurot nito sa puso ko. Kaya pala ramdam kong parang may alitan silang magpinsan na hindi na nila inilalabas pa. Pero nang dahil sa pagbabago ng desisyon ni Markus ay muli itong nabuksan.

Napabuntong hininga ako saka bahagyang napaisip. "Mahal mo siya, noh?"

".. noon, Agleya." dagdag niya kaya bahagya kong ipinilig ang ulo ko. "Mahal ko siya noon, pero dati na talaga iyon."

"Kaya nga.. Masyado kang defensive," ngiwi ko. Pero nanatili ang pagseseryoso niya kaya hindi ko mapigilang huminto sa paglalakad at talagang tanungin na siya gaya nang balak ko kanina.

"Ano ulit iyon?" tanong niya muli nang magdaan ang maingay na hangin sa aming dalawa.

Huminga naman ako ng malalim. "Ang sabi ko.. Kung mahal mo siya noon, bakit pinakawalan mo pa? Bakit nagparaya ka pa?" Hindi siya sumagot kaya nag-isip naman ako ng dahilan. "Dahil ba kay Markus? Dahil nanaig ang relasyon niyong dalawa sa pagitan ni Neya? O dahil alam mong.. mahal talaga nila ang isa't isa?"

He looked away, and sighed. "I don't care about Markus, Agleya. I can even cut our causin-relationship if i need to.. just to fight my love for Neya. But still, I didn't."

"Kaya nga.. Bakit?"

"I don't know.." He shrugged. "Siguro dahil mas pinakinggan ko 'yung pakiramdam ko.."

"Huh?" reaksyon ko dahil ayun lang ang naging dahilan niya.

Tumango lamang siya kaya mas lalo akong napatanga. Dumiin ang pagtapak ko sa buhanginan habang ang tingin ay pumapalibot na sa kanya.

"Ganun-ganun lang iyon?" hindi mapigilang tanong ko kaya muli siyang napatango. "Yes, ganun-ganun lang iyon Agleya."

"Ang weird mo.." komento ko saka humalukipkip.

Napatunghay naman siya sa naging reaksyon ko. "Why?"

"Parang napakadali lang kase sa'yong i-let go 'yung isang bagay.."

His lips parted in response, and shook his head immediately nang ma-realize ang pinupunto ko.

"Hindi naman sa ganun.." tanggi niya pa.

Malungkot akong napangiti. "Pero ganun ang dating sa akin. Kase kung ako ang nasa posisyon mo, at nagmahal ako ng taong may mahal ng iba.. hindi pa rin ako susuko at magpupurige pa ako hangga't magbago na ang nararamdaman niya. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.. kahit ang kapalit pa 'nun ay isang masakit na kasawiang iniiwasan ng iba." I took a deep sighed saka napatingin nalamang sa kawalan. "Loving someone is not a crime, Zarleus. So when she ask if you love her, admit it. At kung wala namang katugunan 'yung nararamdaman mo, then risk again and fight basta ba deserving 'yung taong 'yon. Pero kung hindi na.. I can say na baka gawin ko rin 'yung ginawa mo kay Neya."

Naramdaman ko ang biglang paninitig niya sa akin. Pero nanatili akong nakatingin sa karagatan. Medyo maalon ang tubig ngayong  gabi na tila ba sumasabay sa malamig na simoy ng hangin. Na maski nga ang mga puno rito malapit sa amin ay nagsisigalawan. Lumilikha ng kalmado ngunit may kaingayang atmosphere that filled our ears.

"Letting someone go is so damn hard lalo na kung mahal mo 'yung tao. Pero kung may mga dahilan ka na para palayain siya at ipaubaya nalamang sa iba.. Siguro wala namang mali hindi ba?" Iginalaw ko ang ulo ko para lingunin na siya matapos bumuntong hininga.

Naabutan ko naman siyang nakatingin pa rin sa akin. Tinitignan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Na tila ba gusto akong basahin pero hindi niya magawa dahil masyadong makatotohanan ang sinasabi ng ekspresyon ko ngayon. At nang magtama na ang mga mata naming dalawa ay hindi ko mapigilang hawakan ang magkabililang pisnge niya.

"Hindi mo na mahal si Neya, hindi ba?" malumanay na tanong ko kaya napabuntong hininga siya.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisnge niya, at pinakatitignan ako. "I don't love her anymore, Agleya."

"Naniniwala ako.. Zarleus," seryosong tugon ko naman na ikinahinga niya ng maluwag.

He pressed his lips together, and close his eyes as if thinking so deeply hanggang sa ipalibot nalamang niya ang braso sa bewang ko.

Hinalikan niya ako sa noo ko. "Please.. Trust me, babe.."

Walang pag-aalinlangan akong tumango kaya napangiti na siya. Nahinto ang tingin ko sa ngiting iyon dahil tila nakapante na siya sa hindi ko maintindihang bagay. Pero hindi ko nalamang pinansin iyon dahil kahit hindi niya sabihin at hingin ang tiwala ko ay alam kong ibinigay ko na.

Buong puso ko nang ipinaubaya sa kanya ang lahat nang mga bagay sa pagitan naming dalawa. Dahil sa lahat ng tao dito sa mundo, na maski nga sa sarili ko.. Naniniwala akong si Zarleus Del Guerre lang ang taong pagkakatiwalaan ko ng totoo.

Sana nga lang.. Hindi niya sirain ang tiwalang iyon.

"Asawa ko.. May tumatawag yata sa'yo." salita ko habang ang tingin ay nasa modules ko.

Mula sa pagkakaupo sa couch ay napatayo siya at napatingin sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin at ininguso sa kanya ang cellphone niyang gaya ng cellphone ko ay nasa side table.

"Oh.." aniya at kaagad na kinuha iyon.

Napailing naman ako saka nagpatuloy sa pagbuklat ng mga modules ko. Napagpasyahan kong rito na tumuloy sa penthouse ni Zarleus gaya ng alok niya sa akin nung nakaraaan.

Nung una ay tumanggi pa ako pero nang maalala kong si Markus nga pala ang nagbabayad ng cabin ko ay napasang-ayon na ako sa kanya.

Ang kapal naman kase ng mukha ko kung sasamantalahin ko pa 'yung pera na ginagastos ni Markus lalo na't may nagbago na sa pagitan naming dalawa, noh.

"I'll just take this call babe.." paalam ni Zarleus na ikakunot ng noo ko.

Tumingin ako sa kanya. "Pwede namang dito ka nalang makipag-usap asawa ko, hindi ako makikinig promise."

He chuckled. "Nah.. Ayokong maistorbo ang pag-aaral mo."

Umusli ang labi ko sa sinabi niya saka pinakatitignan ang module ko.

Kanina ko pa ito tinitignan pero wala akong maintindihan ni isa. O ayaw ko lang talagang intindihin dahil distracted ako sa lalaking kasama ko rito ngayon? Masyado kase siyang gwapo kanina habang nagtatrabaho doon sa couch niya kaya palihim ko siyang sinusulyapan.

"Okay.." sang-ayon ko na.. dahil baka kapag wala na ang presence niyang malapit sa akin ay makapag-concentrate na ako.

Pero hindi ko na narinig pa ang pagtugon niya kaya wala sa sariling napalingon ako sa kinatatayuan niya kanina.

"Oh?!" reaksyon ko dahil mukhang nagtungo na siya pinaka-headquarters niya dito sa underwater penthouse.

Mukhang urgent talaga 'yung tawag ah?

Napailing nalamang ako saka pinagtuunan nalamang nang pansin ang module ko. Ilang beses ko itong binuklat para basahin pero wala pa rin akong maintindihan kaya isinara ko na.

Napakamot ako sa kilay ko. "May bukas pa naman siguro.."

Tumayo ako sa kinasasalampakan ko at itinabi na ito sa drawer na nasa kanan. Katabi nito ay ang mga libro ko, at notebooks na kasama nang iba pang mga gamit sa pag-aaral.

And guess what? Si Zarleus ang naging supplier ko sa lahat ng mga gamit ko ngayon. Nalaman niya kaseng hindi naman ako scholar sa PCC kaya bilang pagganap niya sa pagiging asawa ko 'kuno ay siya na ang bahala sa akin.

Mula sa mga ginagastos ko araw-araw at sa lahat ng mga bagay na maaring siya na ang gumastos. Talagang asikasong asikaso ako ng asawa ko 'bagay na wala nalamang sa akin dahil nasanay na ako.

Might as well.. samantalahin natin hangga't meron, hindi ba?

Napailing ako saka napahikab. Naantok ako. At ayun nga ginawa ko maghapon. Natulog ako ng natulog dahil lagi akong puyat kapag gabi na.

"Saan kaya nagpunta si Zarleus?" nagtatakang tanong ko pagkagising. Tumingin ako sa orasan, at nagulat ako nang makitang almost 10 hours akong tulog.

Tinanggal ko ang comforter na nakatalukbong sa akin saka uminom ng tubig. Isinara ko ang refrigerator at naupo nalamang sa counter.

Maya maya pa ay napagpasyahan kong buksan ang cellphone ko dahil baka nagcall siya or nagtexts na may pupuntahan. Nakakasigurado kase akong hindi na siya bumalik kanina nang sagutin niya ang tawag. Pero wala akong natanggap na kahit ano nang i-check ko na ito.

Bumagsak ang balikat ko saka nangalumbaba. "Kahapon pa siya ganito ah?"

Ipinilig ko nalamang ang ulo ko kahit ang totoo'y gusto ko na siyang kwestyonin. Baka kase talagang marami na siyang inaasikaso kaya ganito siya ngayon. After all, I know how workaholic he is.

Nahinto ang pag-iisip ko kay Zarleus nang mag-beep ang cellphone ko. At nang akalaing siya ito ay napangiti na ako. But wrong I am dahil nanggaling ang mensahe kay Markus.

Napailing ako. At bagaman dismayado ay binasa ko pa rin kung ano iyon.

Hello again, babe. Do you know kung ano ang buong pangalan ni Neya?

Napataas ang kilay ko. These past few days ay purong kalokohan lang ang mga tinetext ni Markus. Kung hindi mga warning towards his cousin ay tungkol naman kay Neya.

'Yung ugali ng babae at kung anong klaseng babae nga ito.. kaya may part na sa akin na parang nakilala muli siya. After all, magkakabata naman kami noon.

At habang binibigyan ko ng oras si Markus para alamin pa ang pagkatao ng babae ay masasabi kong hindi nagkakalayo ang ugali naming dalawa. Palaban rin daw ito, at mataray na gaya ko. Pati nga ang mga bagay na ginagawa ko ay ginagawa rin nito. Even my types and liking, halos wala nang pagkakaiba kaya hindi na rin ako nagtatakang magkaibigan kami noon.

Siguro ngayon, ang pinagkaibahan lamang daw namin ay ang kainosentehan. May pagka-shy type daw si Neya habang ako ay talagang blunt.

Ano nanaman bang sasabihin mo, Markus? Puro ka kalokohan.

Naiiling na text ko, at nagtipa pa ng mensahe para magdagdag.

Atsaka, wala ako sa mood ngayon kaya please lang.. spare me.

Uminom ako ng tinimpla kong kape saka akmang itatago na ang cellphone ko nang tumunog muli ito. Mukhang hindi talaga magpapapigil ang lalaking ito.

Why? Aren't you curious babe? Promise, hindi naman ito kalokohan. Baka nga pasalamatan mo pa ako if ever.

I groaned in annoyance saka hinayaan nalamang siya. That's the new Markus, masyadong playful at tumodo sa pangungulit. Ang hilig niya ring magbigay ng palaisipan sa akin na hindi ko naman pinapansin. Well, sinusubukang hindi pansinin.

Napabuntong hininga ako saka binasa ang text niya ngayon. Sana naman last na ito.

Yours was Agleya right? And hers was Agneya too, Caleigh.

Kumabog ang dibdib ko, at nagsalubong ng todo ang kilay ko. Anong pinagsasabi ng lalaking ito?!

Weird isn't? But it's the truth, babe.

Mrs, and Mr. Nyazre named their only daughter as Agneya Marie Raleigh Nyazre almost same as you. After all, you are Agleya Marie Caleigh Trinidad.. the daughter of their best friends, tita Angeline and Cesàr.

Napakurap kurap ako saka hindi mapigilang basahin ng paulit-ulit ang sinabi niya! Gulat na gulat ako! Paanong hindi manlang nasabi sa akin ni Zarleus na sila Ma'am Agatha pala ang magulang ni Neya.. At bakit—

"Agneya.. At Agleya? Paanong hindi ko manlang ito nahalata?" hindi ko mapigilang mapapikit ng mariin. Parang biglang sumasakit ang ulo sa natutuklasan!

At nang muling mag-beep ang cellphone ko ay kaagad ko itong binuksan.

And now, Agleya. It's time for me to ask you.. Ni minsan ba Agleya lang ang naitawag sa'yo ni Zarleus, o Agneya na?

Nanlaki ang mga mata ko, at hindi mapigilang pagtagisan ng bagang ang kausap kahit sa cellphone lang.

Madali akong nagtipa at akmang sasagutin siya ng "hindi" dahil wala naman akong naalalang ganun—nang bigla namang pumasok sa isipan ko ang bawat eksena kung saan minsan ko na ring natanong ang sarili ko—kung Agleya, o Agneya ba ang tinawag sa akin ni Zarleus.

Wala sa sariling nabitawan ko ang cellphone ko sa counter dahil sa pagkagulat. Nanginig ang mga kamay ko at nagtaas baba ang dibdib ko sa sobrang emosyon.

"H-hindi.." Iniling ko ang ulo ko saka bahagyang natawa, kinakabahang tawa ang pinakawalan ng bibig ko. "Right, baka nagkakamali lang ako ng dinig 'nun."

Pilit kong kinukumbinse ang sarili kong 'baka ako lang iyon. Na guni-guni ko lang at nagkakamali ako ng dinig.. Pero nang maalala ko ang itinawag sa akin ni Zarleus nang makausap namin si Markus nung nakaraang linggo; kung saan ko nalamang si Neya pala ang babaeng minahal niya ay bigla akong nanghina.

"What's up with the both of you, Agneya?"

"What's up with the both of you, Agneya?"

Nanlabo ang mga mata ko. Nanginig ang mga labi ko. Nagwala ang sistem ko pero pinilit kong kumalma saka walang pagdadalawang isip na itunuloy na ang pagsagot kay Markus. At ayun ay ang Hindi.

Naniniwala ako kay Zarleus.. May tiwala ako sa kanya.. At hindi iyon mawawala nang dahil lang sa panggugulo ni Markus.

"That's right Agleya.. Si Zarleus 'yon, at kilala mo na siya.. Alam mong totoo siya sa'yo.. Hindi ka niya lolokohin." pagpapakalma ko sa aking sarili dahil nagsisimula nanamang mag-isip nang mag-isip ang utak ko.

Lagi akong nag-oover think kahit sa maliit na bagay, at aminado ako doon. Pero para kay Zarleus pipilitin kong maging hindi.

I trust him so much..

And I know he won't ruin it.

Wala sa sariling hinawakan ko ang mug saka nilagok na ang kapeng natitira dito. Napagpasyahan ko ring abalahin nalamang ang sarili sa mga bagay-bagay na pwede kong pagtuunan muna nang pansin hangga't hindi pa bumabalik si Zarleus.

Napabuntong hininga ako habang sinasagutan ang module ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang mga sagot ko rito. Eh, halatang halata namang wala roon ang pag-iisip ko. Pero pinilit ko ang sarili ko dahil ito nalamang ang magagawa ko habang naghihintay sa pagbabalik ni Zarleus.

At tama nga ako dahil bahagya nang nawala sa sinabi ni Markus ang isipan ko. Tuluyan nang kinuha ng mga module ko ang atensyon ko kaya naabutan ko nalamang ang sarili kong nagta-take down notes gaya ng ginagawa ko palagi.

Ipinuyod ko ang buhok ko, at akmang itatabi na ang mga modules kong nasagutan na nang mag-ingay ang red mark na nasa pintuan.

"Nandito na siya.." bulong ko, at hinintay na bumukas ang pintuan.

Maya maya pa ay bumukas nga ito kaya napatayo na ako.

Pero nangunot ang noo ko nang makitang pasuray-suray sa paglalakad si Zarleus. He looks so drunk! Mula sa nakatabingi niyang kwelyo at lukot niyang pulo. Magulong buhok, at namumulang tainga paibaba sa leeg.

Malalaki ang hakbang ko siyang nilapitan. "Zarleus, uminom ka?"

He just groaned kaya napangiwi ako. Inilapit ko ang mukha ko sa bibig niya at bahagya itong sininghot. Amoy alak nga siya! Napailing ako saka inalalayan siya sa paglalakad.

Walang imik ko siyang inihiga sa kama, at inasikaso. Tinanggal ko ang sapatos niya sa paa at iginilid ito sa kama. Dahan-dahan ko ring itinupi ang medyas niya dahil malakas ang kiliti niya sa talampakan. Mamaya ay magising ko pa, mahirap na.

Napabuntong hininga ako matapos tumayo. Nagtungo ako sa kusina, at kumuha ng palangga. Nilagyan ko ito ng maligamgam na tubig, at twalya. Matapos 'nun ay muli akong bumalik sa kung nasaan si Zarleus ngayon.

Naabutan ko naman siya roong nakahilata habang tulog na tulog. Mukhang pagod siya galing sa kung saan man siya nagpunta kanina.

"Teka lang boss, pupunasan kita ah?" marahang salita ko nang bahagya siyang lumayo sa akin at itulak ang kamay ko.

"Hmm.." Naka-usli ang labing tugon niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti na.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Pinunasan ko siya sa mukha niya, leeg, dibdib at braso hanggang sa matapos na ako. Tuluyan ko na ring tinanggalan ng botones ang polo niya kaya bumungad sa akin ang matipuno niyang pangangatawan.

Napailing ako at akmang lalayo na sa kanya para kumuha naman ng damit nang hablutin niya ang braso ko.

"Ugh.." daing ko lalo na nang yakapin niya ako.

Nagdikit ang dibdib naming dalawa dahil sa lapit namin! Pero ang asawa ko ay hindi nahinto hanggang sa makita ko nalamang ang pagmulat nang kanyang mga mata.

"B-Babe?" tawag niya, mukhang namukhaan pa ako.

I chuckled. "Yes, asawa ko?"

Tinitigan niya ang mukha ko bago magsalita. "I.. I love you,"

Kumabog ang dibdib ko sa narinig. "Zarleus.."

"I.." he hugged me tighter as I felt him closed his eyes. "I love you.. so damn much babe."

Wala sa sariling napaluha ako habang lulan ng masayang ngiti dahil gaya ng tibok nang puso ko ang tibok ng puso niya.

Ito ang pakiramdam na matagal ko ng gustong maramdam sa kanya..

"C-Can you say it again asawa ko?" I can't help but requested dahil alam kong kahit nakainom siya ngayon ay nasa tamang wisyo pa rin siya. "With my.. name this time?"

He let a sofly hummed, and answered me again. Truthfully this time that made my system go down, and turn my body into lifeless.

"I said.. I love you so much, Agneya ko,"

Agneya ko,

And not Agleya ko..

Napasinghap ako sa sakit na nararamdaman. I didn't expect that the truth I was seeking at.. will made my heart burned into ashes. And slowy, unexpectedly.. It broke my world into pieces as well.

L A D Y  M

Continue Reading

You'll Also Like

79.9K 3.7K 27
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
140K 5.8K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...