Taming A Beast (Passion Serie...

By marxxter

265K 9.4K 992

PASSION SERIES #1: THE STAR OF THE SEA I've been a selfish and heartless person, preferring to cause pain rat... More

Prologue
Disclaimer
Marxxter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Notes
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 34

2.7K 104 22
By marxxter

Chapter 34. Lying



Nag-uumapaw ang tuwa at ginhawa sa aking dibdib nang makauwi kami ni Treice sa unit niya matapos ang party ni Kendrick. Walang kahit sino ang nagtanong sa akin tungkol sa amin ni Drick noon. Walang kahit sino ang humungkat tungkol doon. Hindi ko alam kung ano ang ginawa o sinabi ni Kendrick sa kanila kung bakit ang tahimik nila.



Nang mag-Biyernes na ay nagkita naman kami ni Kendrick. Hinatid naman ako ni Treice pero hindi siya pumasok sa coffeeshop ko kaya hindi niya nakita ang kaibigan niya. Nasa coffeeshop ko si Kendrick at mukhang naghihintay siya ng order niya kaya naisipan kong umupo sa kaharap niyang silya. Nagulat pa siya nang makita ako ngunit ngumiti na lang siya.



"You're here? Mag-o-order ka rin ba?" marahang tanong niya at akmang tatawag pa ng crew pero pinigilan ko siya.



Tumawa ako. "I forgot to introduce myself, Drick." Nag-abot ako ng kamay sa kaniya. "Manager Stella Maris Laurent Evans, the owner of this coffeeshop."



His lips rose in amusement. Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid bago muling tumingin sa akin at ngumiti. I smiled back at him, of course.



"Wow," he wowed. "I thought, you are an Attorney now? Hindi mo talaga ipinagpatuloy iyon? At pinagpatuloy mo pala ang kagustuhan ng daddy mo? Sayang ang pinag-aralan mo sa pag-aabogasya pero at least... nakapagpatayo ka ng sarili mong negosyo."



Lumabi ako. "I followed my father's lead. Dad knows the best for me. At kung para talaga sa akin ang pag-aabogado, sana pinagpatuloy ko iyon kahit sinabi ng mga magulang ko na mahirap iyon para sa akin. Maybe, I am destined to build a shop for my own business."



Tumango siya. "May punto ka, Stella... Anyway, kumusta pala si tito Jorell? Ang tagal na simula nang hindi kami nagkita. Tito Giordano and tita Stacey are in a relationship, right? Naghiwalay pala sina tito Jorell at tita Stacey kung ganoon?"



"N-No..." Umiling ako at yumuko. "D-Dad... He died, Kendrick," I corrected him shakily.



Napaawang ang bibig niya. "O-Oh... I-I am sorry, I-I didn't know---"



"It was okay, Kendrick," I cut him out. "Wala naman akong magagawa, eh. Kahit na lumuhod man ako sa harapan ng lahat, hindi pa rin maibabalik ang buhay ni dad. Dad rested in peace now. He's my guardian angel."



"P-Paano... Paano namatay si tito Jorell?"



Kinagat ko ang labi ko. "He committed a suicide and... I witnessed it."



"H-How are you now? A-Are you okay?" he gently asked me.



"I hope, I am, Kendrick. But... I already accepted that my father died," I condemned bitterly. "Kasi alam mo, mas lalong bibigat 'yang dibdib mo kapag hindi mo tanggapin ang lahat, lalo na ang mga nangyari na. I loved dad so much, Drick. Pero ayoko nang saktan ang sarili ko kaya tinanggap ko ang pagkawala niya. Hindi naman siguro mali na tinanggap mo na ang nangyari, hindi ba? Hindi naman porket tinanggap mo, kalilimutan mo na."



He smiled at me. "You are right, Stella. I learned to accept also when I realized that I couldn't turn back the time. Hindi ko maibabalik ang oras kung kailan buhay pa si dad. Accepting everything doesn't mean you're forgetting everything. We are now in the same page. Parehong ipinaghiwalay ng tadhana at parehong nawalan ng ama."



Kumibit-balikat ako. "It was okay. Kung hanggang doon na lang ang buhay nila, wala na tayong magagawa. And... tito Gio? He's a great stepfather. Hindi siya katulad ng ibang mga stepfather na ang babastos at walang respeto sa anak ng babae nila. I can see and I can feel that tito Gio really loves my mother. Their relationship is okay with me. Malaki na rin naman sila at ramdam kong mahal naman nila ang isa't-isa. Ayokong maging hadlang sa relasyon nila."



Nag-usap pa kami ni Drick tungkol sa kung anu-ano matapos iyon at kung hindi ako tinawag ng mga crew ay hindi pa ako makapagsimula sa trabaho ko ngayong araw. Naaliw pa ako sa usapan namin ni Drick, lalo na 'yong napag-usapan namin kung gaano kami kasaya noong kami pa.



"Stella, I have your number with me. I will text you later. Magba-bonding sana tayo bukas," pagtatapos ni Kendrick sa usapan namin.



I chuckled. "Saan naman? At hindi rin naman ako busy bukas. Tatawagan ko na rin si Strawberry para makasabay siya sa atin."



Tumango siya at namulsa. "Sure, let's bonding tomorrow, just like the old times. Don't worry, I won't make it a big deal. Alam ko namang may asawa ka na, eh."



Kumamot-batok pa siya. Mahinang tumawa lang ako sa kaniya bago iminuwestra ang daan palabas. Bumaling ang kaniyang tingin doon bago ibinalik ang tingin sa akin na nakaarko ang kilay.



"Tinataboy mo na yata ako, eh," natatawang sabi niya. "Sige na, mauna na ako. See you when I see you, Stella," pagpapaalam na lang niya.



I pressed my lips. "Hindi kita tinataboy, 'no. Baka kasi may gagawin ka pa, eh. Mukhang sinayang ko na ang oras mo."



Mabilis na umiling siya. "Hindi mo sinayang ang oras ko, Stella. Masaya nga ako kasi hindi tayo katulad ng ibang mag-ex na hindi na nag-uusap. I enjoyed my morning with you, Stella."



"Thanks, Drick," I thanked him.



Umalis siya kaagad matapos iyon at nagsimula na ako sa trabaho ko. I helped my staffs to clean the mess on the tables. Si Clourine ang nakatoka sa counter at sina Raiza naman ang tinutulungan ko.



Habang naglilinis ng lamesa ay napatuwid ako ng tayo nang bigla akong nilapitan ni Raiza at mukhang may ichichismis pa. Tumigil ako sa ginagawa at tumingin sa kaniya.



"M-Ma'am," bati niya sa akin bago tuluyang lumapit.



Pinagdikit niya ang kaniyang braso sa akin at naglinga-linga pa siya. Mabuti na lang ay busy ang lahat at may sari-sariling mundo kaya hindi nila napansin na nilapitan ako ni Raiza.



"Ma'am, maitanong ko nga pala..." panimula ni Raiza.



"Ano 'yon?" I astonishingly asked her.



"Hindi naman sa nakikialam ako, ma'am, ha... pero kasi," aniya na tila nag-aalinlangan pa sa sasabihin niya sa akin. "Noon kasi... Nakita ko kayong magkasama niyong kausap mong lalaki kanina and I heard po na... He was your fiancee that time. Nalilito lang po ako, ma'am, but I respect your privacy if you don't want to clear it to me po."



I bit my lower lip before taking a deep breath. "U-Uhm, yes, Raiza. Kendrick was my fiancee and... can you please keep it a secret?"



Mabilis siyang tumango at inangat ang kaniyang palad. "I-I will po, ma'am. S-Sige po, balik na po ako sa trabaho. Nilinaw ko lang po kasi nalilito lang po ako."



Nang gumabi na ay naisipan kong tawagan si Treice dahil hindi siya nakapag-text at nakapag-call sa akin simula kaninang umaga. Tapos na rin ang trabaho at sinara ko na rin ang coffeeshop. Kaaalis lang ng mga staff at ako na lang ang naiwan dito sa labas ng coffeeshop ko.



Hinihintay ko kasi si Treice dahil binanggit niya kaninang umaga na susunduin niya raw ako. Hindi naman ginagabi si Treice sa pagsusundo sa akin at minsan pa nga ay nagtratrabaho pa lang ako, nandiyan na siya, hinihintay ako. Ito ang unang beses na nahuli siya.



"Where are you?" I asked when he finally answered the call after three rings. "I will take a cab, Treice, baka busy ka?" I added.



"No, babe!" agap niya. "Wait for me. Sorry, marami lang talaga akong inasikaso at may pinuntahan pa kasi ako kaya natagalan ako. I am on my way now but it's gridlocked here," he reasoned.



"Okay, I can wait to that bumper-to-bumper. Take care, Treice, I will wait for you here. I love you."



He chuckled on the other line. "I love you, too, Stella Maris. Don't go anywhere, okay? Stay where you are."



Binaba ko kaagad ang tawag matapos iyon at hinintay na lang si Treice. Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang nakarehistro sa screen ang pangalan ni Kendrick. There are unread messages from him. We exchanged numbers earlier that's why he knows my number.



I opened his messages right away.



From Kendrick: Hi, Stella! This is me, Kendrick James! See you tomorrow. Did you already call or text Berry to come with us tomorrow?



From Kendrick: Bonding tayong tatlo, ha. Kita na lang tayo bukas!



To Kendrick: Sure, Drick, I will call Strawberry. Anyway, paano kung hindi siya sasama?



Kendrick replied to my message immediately. Mukhang nasa cellphone niya siya ngayon naka-focus. It was okay to go out with him to have fun. We're now friends anyway. At saka, marami rin akong gustong itanong kay Kendrick. About his life, career and etc.



From Kendrick: Eh 'di tayo lang! Ayaw mo ba niyon? Just like the old times, Stella! At least makapag-usap tayo nang masinsinan, hindi ba? First, you have to ask your husband about this if it's okay with him. Ayokong mag-away kayong dalawa, ha.



To Kendrick: Paano kung hindi niya ako papayagan?



From Kendrick: It's up to him, Stella. Desisyon niya iyon at respetuhin na lang natin kung hindi ka niya papayagan, kaysa namang pagdududahan ka niya, hindi ba?



Hindi na ako nag-reply matapos iyon at naisipang tawagan na lang ang numero ni Strawberry. May sumagot kaagad sa tawag at narinig ko ang boses ni Jake pero nakarinig naman ako ng kaluskos, mukhang ibinigay niya yata ang cellphone sa girlfriend niya.



"Babe, tumatawag si Steris." Rinig kong sabi ni Jake sa kabilang linya.



"Thanks, babe! Hello, Steris?" si Strawberry.



Mukhang nakatapat na sa tainga niya ang cellphone niya at mukhang nasa tabi niya pa rin si Jake. I want our conversation to be private. Hindi naman sa ayokong marinig ni Jake ang usapan namin, pero paano kapag madulas ako at bigla kong mabanggit sa tawag na naging fiancee ko si Kendrick at saktong naka-loudspeak iyon at dinig din ni Jake?



Well, hindi naman sa nag-o-overthing ako, ha. I am just being aware and I should be aware. Sa ngayon, hindi pa ako handang sabihin kay Treice ang namamagitan sa amin ni Kendrick noon. Siyempre kapag marinig ni Jake ang usapan namin, maaaring sasabihin niya kay Treice ang mga narinig niya. Damn. Magkaibigan pa naman silang dalawa.



"Uhm..." I cleared my throat. "Are you with Jake right now? I mean, nasa tabi mo ba siya ngayon?" I asked the obvious on the call.



"Uh-huh. Why?" Strawberry asked me back. "Heto, nakikinig din sa usapan natin. Chismoso kasi ito, eh. Bakit pala?"



Bumuntong-hininga ako. "A-Ah... can we have a private chitchat? If... it's okay with Jake?"



"Sure, okay lang sa kaniya," mabilis na sagot ni Strawberry. "Hoy, okay lang sa 'yo, hindi ba? Sige, sabihin mong hindi, lalayasan kita rito."



Mariin akong napapikit nang marinig ang banta ni Berry, obvious na si Jake ang pinagbabantaan niya.



Jake and Treice was right. Strawberry and I had a lot of similarities. Lalo na kung paano kami magtrato sa kina Treice at Jake. Sanay na rin naman ang dalawa sa mga ugali namin at ganito naman talaga kami noon pa.



"I am here at the balcony. Nasa kuwarto si Jake. Bakit pala, Steris?" ani Strawberry nang tumahimik panandalian ang tawag.



"Kendrick asked me out---"



"What?!" she cut me out shockingly. "Gago? Bakit ka naman niya inanyayahang lumabas? 'Di ba nalinaw na magkaibigan na lang kayong dalawa?"



Umirap ako sa hangin. "You misunderstood, Strawberry. Ang tinutukoy ko ay inanyayahan niya akong lumabas na kasama ka. I called because I want to ask you kung puwede ka ba bukas? Magba-bonding daw tayo ni Kendrick."



"Ano?" Napahalakhak si Strawberry. "Hindi ako free these days, Steris. Bukas kasi ay pupunta si mommy rito para bumisita. I am sorry. Ayos lang ba na hindi ako makasama?"



"H-Ha? Okay lang naman, Berry. Naiintindihan ko, tatawagan ko na lang si Drick at sasabihin sa kaniya na hindi ka makatuloy. Ayos naman siguro na kaming dalawa lang, hindi ba?"



Tumawa si Strawberry. "Oo naman, 'no! Parang sira naman 'to, eh! Anyway, sasabihin mo ba kay Trevon ang tungkol dito? Dapat magpaalam ka muna sa asawa mo para hindi kayo mag-away niyon."



Umiling ako kahit hindi niya naman nakikita. Hindi kasi ako magpapaalam kay Treice, iyon ang plano ko. Baka kasi marami siyang itatanong sa akin. Baka sabihin niya pa na parang kailan lang kami nagkakilala ni Kendrick ay ngayon, close na kaagad kaming dalawa.



"Hindi ako magpapaalam sa kaniya, Berry," maiksi kong sabi.



"Ano? Steris, asawa mo si Trevon. He has a right to know your where about. Sabihin mo na lang kaya sa kaniya na magpapasama sa 'yo si Kenjay para bumili ng groceries o ano?" suhesiyon niya na lang.



"Hindi ganoon kadali iyon, Berry. Treice thought that Kendrick and I are not close. Ano na lang kaya ang sasabihin niya? Parang kailan lang kami nagkita ni Kendrick 'tapos, close na kaagad kaming dalawa?"



"Steris, asawa mo si Trevon," ulit pa niya, mukhang dedepensa. "Hindi tama na maglihim ka sa kaniya---"



"Hahaba nang hahaba ang usapan, Strawberry. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya na fiancee ko noon si Kendrick. Hindi pa ngayon ang tamang oras para roon. Sigurado kasi akong hindi ako tatantanan ni Treice hangga' t hindi niya makuha ang sagot sa kaniyang mga katanungan."



She sighed, sign of giving up. "Bahala ka, basta sinabihan na kita, okay? Consider this as a warning, Steris. Ayoko lang kasi na mag-away kayo ng asawa mo kapag malaman niya mula sa iba na kasama mo ang kaibigan niya nang wala siyang kaalam-alam."



"But still... this is for the better, Berry. Don't worry, kaya ko na 'to. Thank you for the worries."



Doon natapos ang usapan namin ni Strawberry. Hindi niya na ako pinilit at hinayaan na lang ako na magdesisyon. Matapos ang tawag ay tinawagan ko naman ang numero ni Kendrick na naka-save sa cellphone ko.



"Oh? You called, Stella?" bungad ni Drick nang masagot ang tawag ko.



"Uhm... I called to inform you that Strawberry can't come with us tomorrow," I informed him.



"Ha? Bakit daw?" tanong ni Drick.



"Pupunta raw ang mommy ni Strawberry sa kanila, bibisita lang daw," sagot ko. "Tayo na lang yata bukas. Bukas na lang din natin pag-usapan 'to, Drick."



"Nakapagpaalam ka na ba sa asawa mo?" tanong niya, hindi pinansin ang huling pahayag ko. "Para naman malaman niya na ako ang kasama mo bukas," dugtong pa niya.



"N-Not yet," I lied. Wala akong planong magpaalam kay Treice. "Basta, bukas na lang tayo mag-usap---"



"Sino'ng kakausapin mo bukas?"



I got startled and I almost dropped my phone when I suddenly heard the familiar baritone voice of Treice from behind. Napahawak ako sa dibdib ko at ibinaba na lang ang tawag nang hindi nakapagpaalam kay Kendrick. Bumilis ang kabog ng aking dibdib at nangatog ang mga tuhod ko nang unti-unti akong humarap kay Treice.



"Sino?" Treice asked me again, he looked so grave. "Sino ang kakausapin mo bukas, Stella Maris?" muling tanong niya, dinidiin ang bawat pagbigkas ng mga salita.



Dahan-dahan akong umiling. "W-Wala, Treice, si Strawberry lang naman."



He looked at me in the eyes but I avoided his gaze. I couldn't lie to him in eye to eye. He doesn't look convince either. Natatakot ako na mabuking ako ng sarili kong bibig. Hindi niya naman siguro narinig ang usapan namin ni Kendrick, 'di ba?



"Okay," tanging sabi niya lang.



Nakahinga ako nang maluwag nang hapitin niya ako sa aking baywang bago dinala patungo sa kaniyang sasakyan. Tahimik lang ako kahit ramdam ko na ang paghuhuramentado ng sistema ko. Kinakabahan ako kay Treice ngayon, sobrang seryoso niya pa ngayon.



Pinagbuksan niya ako ng pinto. Mabilis akong pumasok sa kaniyang sasakyan at kaagad na sumunod din naman siya.



I sat on the passenger seat while he sat on the driver seat. We fastened our seatbelts together after that. Hindi niya ako tinapunan ng tingin sa pagpasok niya. I swallowed hard before I looked away. Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa labas.



Is he mad at me?



"I know that you're lying to me, Maris," he said in a monotone. "Ang hirap lang, asawa mo ako pero mukhang wala ka man lang tiwala sa akin," dugtong niya at pinaandar ang makina ng kaniyang sasakyan. Hindi na hinintay na rumisponde ako.



- End of Chapter 34 -

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 527 42
Genre: Varies A images book consisting of scenarios of Kpop female idols and such. For example would you rather be seated with Irene or Nayeon? It's...
753 98 6
~•~•~ Stand Alone ~•~•~ Best Friends. Love. Pain. Tears. Vanessa and James have always been best friends since they were kids. Feelings were devel...
108K 2.7K 32
🔞🔞🔞 A one human multiple mates story Bxgxbxb
4.8K 206 7
He was just going to a Cosplay Event, all he wanted was to participate to have fun and feel like he had become the character he likes so much, but th...