Chapter 6

5.1K 212 18
                                    

T.W: SUICIDE
------------------

Chapter 6. Different



Iyon ang eksena sa loob ng dalawang linggo. Paulit-ulit niyang tinatanong sa akin kung ano ba ang mayroon sa nakaraan ko pero mas pinili ko na lang na manahimik at iniiba na lang ang usapan kaya kinalaunan ay hindi na siya nagtanong pa tungkol doon.



Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin ako nakapunta sa condo unit niya dahil masyado akong busy para pumunta roon. I know, if I ever go there, he might fuck me immediately. Naging busy rin naman kami pareho. Nagkikita naman kami araw-araw kaso nga lang, busy talaga kami pareho.



Bumuntong-hininga ako 'tsaka nilabas ang cellphone ko galing sa aking bulsa. My wallpaper is the photo of me with Nephele Rai and Alizeh Noelani. The three of us are hugging each other. Nakatingin kami sa camera at may malawak na ngiti sa aming mga labi. Kendrick was the one who took this photo of me with my friends. He was the one who offered to take a photo of us.



Mapaklang napatawa ako dahil bigla kong naalala ang palagi niyang sinasabi sa akin noon.



"I swear, Stella. I love you, I do."



He was the one who calling me using my first name, rather than that, no one's calling me Stella. If Kendrick really loves me, he won't leave me. Hindi lang ako nasaktan noon, kung 'di napahiya pa ako sa harap ng karamihan dahil sa ginawa niya.



Kendrick and I had a relationship since we were in highschool. I have a crush on him. He's quite popular in campus and also, he is one of the members of STFU band, Strive Together and this Friendship will never end Until forever. That is the meaning of the famous band in the University when I was in highschool.



Kendrick is the main lead and also the guitarist. He taught me how to use an acoustic guitar. Marunong na rin naman ako sa mga chords at hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin ang mga iyon.



Sadly, Kendrick and I already broke up. Ang tanging iniwan niya na lang sa akin ngayon ay ang mga masasayang ala-ala na kasama siya na kahit kailan man ay nahihirapan akong burahin sa isipan ko.



I took a deep breath and let my thoughts blown by the wind. Isinintabi ko na lang ang mga naisip at inabala na lang ang pag-alala sa dalawang kaibigan ko.



Sa loob kasi ng dalawang linggo ay wala akong balita kay Ellai, tini-text ko naman siya kaso hindi pa siya nakapag-reply samantalang si Zani naman ay naging busy na rin sa shootings niya. I decided to text Nephele Rai again, hoping for her reply.



To Ellai: Hey! Wazup, bitch? Nasa'n ka na ba? Hindi ka na nakabibisita sa coffeeshop ko. Don't tell me, tuluyan ka nang nakipagtanan sa kung sinu-sinong lalaki riyan?



This is me. Kung makapag-message ako minsan sa mga kaibigan ko ay medyo may kahabaan pa kaysa mag-usap kami ng personal. Ako ata kasi ang pinakamaikli kung magsalita sa aming tatlo, eh.



Habang nakatitig sa screen ng cellphone ko ay bigla itong nag-vibrate, simbolo na nag-reply si Ellai sa mensahe ko sa kaniya. Kaagad kong binuksan iyon at binasa ang mensahe na galing nga sa kaniya.



From Ellai: Next time. Marami rin naman akong ikukuwento sa 'yo 'tsaka busy rin ako sa schoolworks. I need space rin naman at alam kong busy ka sa ka-fuck buddy mo riyan.



To Ellai: 'Kay bata-bata mo pa ang dami mo nang alam, ano? Sige na, sa susunod na tayo mag-usap. Inaabangan ko ang paliwanag mo, kung bakit ngayon ka lang nakapag-reply.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now