Chapter 58

2.6K 90 13
                                    

Chapter 58. You


Nang sumunod na linggo ay umuwi ako sa mansyon na pinatayo ni Treice. Nanatili muna kasi ako ng isang linggo sa mansyon nina Jessica at Phoenix, si Treice ay roon umuuwi pagkatapos ng trabaho. Of course, he slept in my room.


Ayaw na niya talagang mawalay sa akin at gusto pa niya talagang makasama ako, eh. It's up to him anyway, nasa kaniya naman ang desisyon.


Nang umuwi naman ako sa mansyon namin ay halos abot langit ang kaniyang ngiti. Masayang-masaya talaga siya na muli kaming magkasamang dalawa. Ecstacy is written in his eyes and so do I, I am on top of the world every second, every minute, every day, and every time when I am with him.


I already talked to everyone. Basta ayos lang daw kami ni Treice, walang problema sa kanila iyon. Treice also told me that Zani's manager, Aquisha Marandaque, was the one who handled my coffeeshop while I wasn't around.


Nephele Rai and I also talked through video call, she was so glad that I woke up from a coma. And I am happy now that I am slowly recovering from everything, from what happened to me and to my child.


"Sa engineer lang kakalampag!"


I covered my ears when Ellai and Zani exclaimed it in chorus. Napailing ako sa aking dalawang kaibigan dahil sa kakulitan nila.


Magkatabi kami ngayon ni Zani at ka-video call namin si Ellai. Nasa trabaho si Treice kaya napag-iwanan ako rito at mabuti na lang ay nandito si Zani para samahan ako. Kanina pa nila ako tinutukso at inaasar, kanina pa 'yang kakalampag na pinagsasabi nilang dalawa.


"Tumigil kayo, ha," I said warningly.


"Hayan na, napipikon na siya," natatawang sabi ni Ellai at humalakhak pa siya. "Sige na, tama na nga. Anyway, nasaan na ang asawa mo?"


"Pumasok sa trabaho, Elle," tipid kong sagot sa kaibigan. "Uuwi naman siya mamaya, hindi naman siya nagtatagal sa trabaho."


"Gusto pa nga niyang makasama si Steris sa trabaho, eh," dugtong ni Zani sa sinabi ko.


Ellai chuckled and looked at me through the screen of her laptop. "Kung alam mo lang kung gaano kabaliw 'yang asawa mo sa 'yo, Steris. Sa tuwing magkasama kami ay ikaw talaga ang bukang-bibig niya."


"Paano ba kayo naging close?" I asked astonishingly.


Humalakhak si Ellai. "Bakit? Nagseselos ka na naman ba? Basta, ang masasabi ko lang ay bigla lang kaming naging close. Naghihingi lang siya ng mga impormasyon tungkol sa iyo at gusto niya raw na mas mapalapit sa 'yo kaya nilapitan niya ako. Pero really, Steris? Pinagseselosan mo talaga ako? Ang suwerte ko, ha!"


"Sira! Masaya ka pa talaga, ano?" sarkastikong saad ko sa kaibigan.


"Of course! Pinagseselosan kasi ako ng sarili kong kaibigan!" she exclaimed.


I glared at her on the screen of my laptop. "Sige, iiyak ka talaga 'pag ako ang magpapaselos sa 'yo!"


Lumabi siya. "Wala namang ganiyanan, ha. Wala naman akong gusto sa kuya nina Zani at Trevon, eh."


Napatawa kami ni Zani dahil sa biglaang sinabi ni Ellai. She looked so guilty and defensive! Kahit hindi niya man sasabihin, halatang may nararamdaman siya sa kapatid nina Zani, eh!


"Wala kaming sinasabi, Ellai. Why so defensive, bitch?" Zani bitchy asked her and smirked. "Hindi naman halatang wala kang gusto kay kuya CJ. Pero wow, ha. Unexpected na ang dalawa kong kaibigan ang nakabighani sa dalawa kong nakakatandang kapatid!"


Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now