Special Chapter 1

3.6K 105 6
                                    

"Buntis ka, Elle? Congrats!" I congratulated my best friend after she announced that she's pregnant on their second baby. "Ilang buwan na ba?"



She winked at me. "Two months pa lang, Ris!"



"Congrats, bitch," Zani congratulated her, too. "Nakakapagtampo naman si Nero, hindi na mama ang tawag niya sa akin."



Inismaran siya ni Ellai. "'Yong magaling mong kapatid ang sisihin mo, Zan. Aywan ko nga kung ano'ng pinakain niyang si Rence kay Nero kung bakit ang bilis sumunod ng anak namin sa kaniya."



"Ay, I think, Kuya CJ blackmailed and forced Neil Euro," Zani joked.



"Siguro nga, humanda 'yang si Rence sa akin mamaya," banta pa ni Ellai at binanggit ang pangalan ng kaniyang asawa. "Humanda siya sa akin sa kama," dugtong niya at ngumisi sa amin.



"Ay, ang landi," Zani said laughingly.



"Kung kalandian ang pag-uusapan, si Ellai ang panalo riyan," I stated and smirked at Nephele Rai.



She flipped her hair and rolled her eyes playfully. "Ako lang ito, ang kinakainggitan ng lahat."



"Sige, sige nga," si Zani, hinahamon si Ellai.



"Oh?" si Ellai naman, tinaasan ng kilay si Zani.



"Ano nga ang gamot sa kalandian, Elle?" tanong ni Zani sa kaniya.



"Ano pa ba? Eh 'di iyot!"



Sabay kaming tatlo na humagalpak ng tawa dahil sa sagot ni Ellai. Napahampas pa sa braso ko si Ellai at ako naman ay napangiwi dahil sa ginawa niya, napalakas pero mukhang hindi niya yata napansin. Mahirap na, buntis pa naman ang isang 'to.



After my moments with them, I went back to the mansion, I mean, to my mother's mansion. Mom and Tito Gio are living together and that was okay with me. Para naman sa akin, ang mahalaga ay mahal nila ang isa't isa. Nakakatuwa nga dahil hindi nga ako binigo ni tito at pinahalagahan niya nga si mommy.



Bumibisita naman kami ni Treice sa kina mommy paminsan-minsan kasama ang anak naming mag-a-anim na taong gulang na. I named our daughter Strace Varicella Laurent-Evans.



She's beautiful, she inherited her eyes from her father however, she inherited the color of her hair from me and from her grandmother which is my mother, Stacey Mariz. Vari is a great combination of me and Treice. Hindi nga ako makapaniwala na may ipinanganak ako na isang mala-anghel na babaeng anak.



"Good evening, darling," mom greeted me and kissed me on my cheek as I got home. "Mag-isa ka lang bang pumunta rito? O kasama mo ang asawa't anak mo?" she added a question and glanced at my back. "You're alone?"



Tumango ako at hinalikan din siya sa pisngi. "Yes, mom, nasa trabaho kasi si Treice at sinama niya si Vari sa kaniya."



"Ano? Hay naku naman, Steris! Ba't mo hinayaan na sumama ang anak mo sa asawa mo sa trabaho niyon? Alam mo namang napakakulit niyang si Vari, eh," sermon kaagad sa akin ni mommy.



"I'm sorry, mom," I apologized. "Umiiyak kasi at nagpupumilit na sumama kay Treice ka hayun.. walang nagawa ang asawa ko kung hindi isama na lang ang anak namin sa trabaho niya."



"Tsk," she tsk-ed. "Spoiled ang anak ninyo sa inyong mag-asawa kaya hayan ang kinalabasan," naiiling na sambit niya.



"Mom, hayaan n'yo nang in-enoy-in ni Vari ang pagiging bata niya," I said calmly. "Kapag lumaki 'yan, matuto rin 'yan."



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now