Paint Your Bandages (Junior H...

By Seachy

934 62 1

Lie is a beauty care student. He's a head turner and confident of himself. He is the only man in beauty care... More

Paint Your Bandages
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 30

8 1 0
By Seachy

C H A P T E R 3 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Kung hindi dahil sa'yo, iha. Baka hindi na ko makatayo ng tuluyan dahil sa babaeng 'yun," natatawang sabi ng ina ni Lie. 

Umiling naman si Lia at pinakita ang tipid niyang ngiti. "Walang anuman po." 

Marahan nitong hinawakan ang kamay niya at ngumiti ng malawak. Wala sa sariling napatitig na lamang si Lia sa ngiti nito. Para siya nitong hinahaplos sa buhok upang makatulog siya ng matiwasay. 

"Ang buong akala ko ay hindi ko na makikita ang anak ko na ganito kasaya. Ang akala ko ay tuluyan mo na silang lalayuan, pero doon ako nagkakamali. Kaya hanga ako sa'yo dahil mas pinili mo na huwag isipin ang paparating na problema kapag kinaibigan mo sila. Sobrang tapang mo kaya bilib na bilib ako sa'yong bata ka," natatawang sabi nito. 

Mariiing niyang nakagat ang labi ng magsimulang manikip ang dibdib niya. Ang sarap-sarap pakinggan 'nun sa tenga ni Lia pero at the same time ay nasasaktan siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan na naman siya magiging mahina o malakas. 

Baka bigla na lamang mabigo sakaniya ang nanay ni Lie kaya mas lalong sumikip ang dibdib niya. 

Malakas siyang bumuntong hininga at pinilit ang sarili na mag tipid ngiti sa kaharap. "Thank you so much for saying that po." 

Hinaplos muli nito ang kamay niya. "Walang anuman iha. Ang hjiling ko lang ay sana huwag ka na balikan ng takot mo kung sakaling dumating ang kinakatakot mo. Wag mo na hayaan na umiyak ka na naman at masaktan dahil doon. Hindi mo deserve ang araw-araw umiyak. Nakakapagod 'yun." 

Agad siyang napatango bilang pag sang-ayon. Kahit 'nga ilang minuto lang umiyak ay agad ng mamaga ang mata mo, paano pa kaya kung araw-araw, gabi-gabi ka umiiyak?

"Sobrang lalim naman ng pinag-uusapan niyo d'yan," natatawang sabi ni Lie at inayos ang sarili sa harapan ng salamin. 

Lumabi na naman ang dalaga ng makita niyang mas lalong naging gwapo sa paningin niya si Lie. Ngayon kasi ay pupunta sila sa peryahan. Syempre hindi pa siya nakakapunta doon kaya agad naman siyang pumayag. Pero hindi niya mapapagkaila na nakakaramdam pa rin siya ng kaba. 

Lulubusin niya na ang lahat bago tuluyang magbalik si Hudson. 

Naka white t-shirt si Lie na may print sa likuran at naka black trouser. Kahit na simple lang ang pormahan ng binata pero sigurado siya na marami pa rin siyang mabibighani na babae. 

"Ate!" 

Naputol ang pagtitig niya sa binata ng marinig na sumigaw si Olivia. Nakangiting umikot ito sa harapan nilang lahat at nilagay pa ang kamay sa bewang na animo'y rarampa. Naka dress ito na sleeveless na kulay pula. 

"I'm pretty in this dress, right?" she proudly asked.

Tipid na nakangiting tumango naman si Lia at nag thumbs up pa. Habang si Lie naman ay binatukan lang ang kapatid at ang nanay niya ay lumapit saknaiya at may inayos pa sa dress na suot. 

"You're being harsh on Olivia," nakangiwing sbai niya ng lumapit si Lie sakaniya, 

Nag kibit-baliklat lang siya. "Gano'n talaga kami- Aray!" 

Natigil ang akmang pagkuha ni Lie sa kamay ni Lia ng unahan na siya ni Olivia. Binatukan niya pa si Lie bago agawin si Lia sakaniya. 

"Wag kang mag-alala masyado sa'akin, ate Lia. Kapag bnatukan ako niyan babatukan ko rin siya pabalik."

Sinamaan naman siya ng tingin ni Lie. "Mang-aagaw." 

"Sus, hindi mo lang kaya 'to kay ate Lia eh," nakangising sabi naman ni Olivia at bigla na lamang pinagsiklop ang kamay nila. 

Imbis na mainis ay mahina pa siyang natawa. Halata kasi ang pagkainis sa mukha ni Lie habang masamang nakatingin sa kamay nilang magkasiklop/ 

"Oh anong tinitingin-tingin mo d'yan, kuya? Tara na. Baka kanina pa naghihintay sila kuya Nate at Cary doon. Ma, alis na po kami!" 

Hindi na hinayaan ni Olivia na makapagsalita ang kapatid niya at marahan siyang hinila palabas ng bahay. Agad namang humabol si Lie sakanila at tumabi sakaniya habang  naglalakad sila. Tahimik lang nakikinig si Lia sa kwinikwento sakaniya ni Olivia habang si Lie ay panay pangbabara sa kapatid. 

Gano'n ang nangyayari sa pagitan nilang tatlo hanggang sa tuluyan na silang makapunta sa Peryahan. Agad naman nilang nakita doon sina Nate at Cary. 

Lumawak na ang ngiti ni Lie ng sa wakas ay bumitaw na rin si Olivia sa kamay ni Lia. Pero si Lia ay bigla na lamang kinabahan habang pinapanood si Olivia na papalayo. 

Ng makita niya ang buong paligid hindi niya maipagkakaila na maganda at maaliwalas ang buong paligid, ngunit hindi niya pa rin maiwasang matakot dahil masyadong maraming tao. 

Hindi siya sanay na makakita ng ganito karaming tao kaya kinakabahan siya.

"Gusto mo ba hawakan kamay ko?" marahan na tanong ni Lie ng bigla niya na lang napansin na may nabasa siyang takot sa mga mata nito. 

Walang pag-aalinlangan siyang tumango at tinanggap ang kamay ni Lie. Agad na kumalma ang puso niya ng maramdaman ang init ng palad ni Lie sakaniya. 

"Tara na?" nakangiting tanong niya. 

Ilang minuto muna siya napatitig sa maalilwalas na mukha ni Lie bago siya tumango. Hindi na nila nakasabay sa paglalaro ang tatlo dahil bigla na lamang silang nawala. 

"Wag na natin sila hanapin. I enjoy na lang natin 'tong dalawa," nakangising sabi niya kaya mahinang natawa si Lia. 

"Then let's enjoy our time?" patanong na sabi niya kaya mas lalong napangiti ng malawak si Lie. 

Hindi binitawan ni Lie ang kamay ni Lia habang naglalakad-lakad sila para maghanap ng pwedeng malaro. Tumigil silang dalawa sa harapan ng mga may maliliit na balloon. 

"Kuya maglalaro po kami," nakangiting sabi ni Lie at nagbayad muna bago siya bigyan ng pin. 

Akmang aagawin niya na ang kamay niya upang makapaglaro si Lie ng maayos, ng mas lalong higpitan ni Lie ang pagkakasiklop ng kamay nila. 

"You can't play if our hands are intertwined," Lia whispered. She feels shy because other people are looking at them. 

Nakangising tinignan naman siya ni Lie. "Eh ano naman ngayon? Hindi mo ba alam na batang perya ako?" 

Nakangusong umiling siya. "Ngayon ko lang nalaman. Ngayon mo lang sinabi eh." 

Mariin na nakagat ni Lie ang labi saka ginulo ang buhok niya. "Ang cute mo." 

Napayuko na lamang ang dalaga dahil nag init ang buong mukha niya. Ng marinig niya ang isang pagputok ng lobo ay agad siyang lumingon doon. Naiwang naka awang ang mga bibig niya dahil sunod-sunod ang pag hagis ni Lie sa pin, pero halos walang nasayang doon dahil naputok niya ang lobo gamit nag lahat ng pin na hinagis niya. 

Muntik pang mapatalon sa gulat si Lia ng may groupong babae ang nagsigawan. Halata ang iba ay kinikilig pa habang pinapanood ang bawat galaw ni Lie. 

"Pili na ho kayo sir ng gusto niyong kunin na teddy bear," nakangiting sabi ng lalaki. 

"Pumili ka na," nakangiting sabi ni Lie. 

Kunot-noo naman siyang lumingon dito. "Why me?" 

"Marami na kaming teddy bear sa bahay. Saka regalo ko na 'yan sa'yo kaya pumili ka na." 

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin ng maramdamang namula na naman ang pisngi niya. Tinignan niya ng mabuti ang mga teddy bear na nasa itaas. May malalaki at may maliliit. Akmang ituturo niya na ang bunny na teddy bear na nakita niya ng biglang may nakakuha ng atensyon niya. 

"That one monkey teddy bear," she whispered and pointed the monkey teddy bear in the back. 

Nahirapan pang ituro ni Lie sa lalaki ang tinutukoy ni Lia dahil natatakpan iyon ng malalaking teddy bear. Pinigilan ni Lia na tumalon sa galak ng tuluyan ng nakuha ng lalaki ang teddy bear. 

"Ang ganda ng paningin ng girlfriend niyo sir, ah," nakangising sabi nito at binigay na sakaniya ang teddy bear. 

Malakas naman na tumawa si Lie habang si Lia naman ay napayuko na lang sa hiya. 

"Ano ba 'yan sayang. May gf na pala si kuyang gwapo." 

"Well hindi na rin sayang oh, ang ganda kaya ng babaeng katabi niya." 

"Ano naman kung may gf? Mas maganda naman ako d'yan 'no." 

Ng marinig niya iyon ay agad siyang lumingo kay Lie. Mukhang hindi niya ito narinig kaya binaliwala niya na lamang iyon. 

Pero hindi maiwasang kumulo ang dugo niya dahil sa inis. Pinigilan niya lang ang sarili na huwag na lingunin ang babaeng nagsabi 'nun. 

"Hindi ko siya girlfriend kuya, wag kang masyadong advance," natatawang sabi niya at mahinang pinisil ang kamay niya. 

Bigla na lamang may kumirot sa dibdib niya ng marinig iyon. Marahas niyang pinilig ang ulo niya at mahinang tinapik ang dibdib niya. 

"Gusto mo bang mag laro?" nakangiting tanong ni Lie at marahan siyang hinila palakad. 

Tumingin sa buong paligid. Agad nakakuha ng atensyon niya ay ang isang train na may lamang tao. Rinig na rinig niya ang mga sigawan ng tao kapag nakakapasok sila sa isang makapal na kurtina na hugis tunnel. 

"Can you ride there?" she asked, pointing at the people who were shouting while riding the train. It's only afternoon, so it doesn't see much of the shadows inside the big curtain.

Nilingon siya ni Lie na nakahawak sakaniyang dibdib. "Parang sinasabi mo naman sa'akin na hindi ko kayang sumakay doon." 

Lia shrugged. "I'm just making sure you're not scared to ride there."

Dumiretsyo ng tayo si Lie at inayos ang shirt niya. "Syempre hindi ako takot d'yan 'no, mahihina lang ang takot d'yan." 

Pero pakasakay nila Lia ay halos mabali na ang braso niya sa sobrang higpit ng kapit doon ni Lie. Halata na rin ang matinding takot sakaniya dahil ramdam niya na nanginginig ang katawan nito. Kaya hindi na rin maiwasan ni Lia na kabahan pero hindi niya pinahalata. 

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Lia ng magsimulang umandar na ang sinasakyan nila. Mas lalong humigpit ang hawak ni Lie kay Lia ng wala na silang ibang makita kung hindi dilim. 

"Ang panget mo! Lumayo ka 'nga!" sigaw ni Lie ng bigla na lamang lumiwanag ang paligid at may sumalubong sakaniya na manananggal. 

"Shit," mariin niyang bulong ng makita niyang may maliit na tao ang nasa gilid niya. Nagpupumilit ito na pumasok sa train nila. 

Pero alam niyang isa lang 'yun sa mga acting nila. 

Panay na ang sigaw ni Lie habang siya ay panay ang mura ngunit bulong lamang iyon. At sa inaasahan, paglabas nila ng train ay halos para silang nakipag bubugan sa maraming tao. 

Malakas siyang tinawanan ni Lie pagkababa nila kaya agad niyang sinamaan ng tingin ang binata. 

"You still have the courage to laugh at me. You're the reason why I look like a witch," naiinis na sabi niya habang sinusuklay buhok niya. 

Pero agad siyang napatigil siya sa pagsusuklay ng maramdaman niyang si Lie na ang gumagawa 'nun para sakaniya. 

"Sorry na. Nakakagulat kasi 'yung mga manananggal doon, hindi naman sila nakakatakot," natatawang sabi niya kaya mas lalong tumalim ang tingin sakaniya ni Lia. 

"Inaamin mo na ba ngayon na isa ka sa mga mahihinang tao?" 

Agad namang sumingkit ang mata nito. "Anong mahihinang tao?" 

"Sinabi mo kanina na mahihinang tao lang ang natatakot d'yan-" 

"Pero kakasabi ko lang din na hindi ako natakot, nagulat lang ako-" 

"You're shouting like a scared kid. Just admit it, you're mahina," masungit niyang sabi at inunahan ng maglakad ang binata. 

Napa awang na lamang ang labi ni Lie at madramang humawak sa dibdib niya at tumakbo palapit kay Lia. 

"Grabe ka naman sa'akin!? Hindi mo na ko love?" madramang sabi nito kaya agad siyang napangiwi.

Hindi na sana siya sasagot pero naisipan niyang asarin si Lie kaya agad siyang umiling at tumingin sa mga mata nito. 

"Hindi na kita love," mapang-asar na sabi niya at ngumisi pa ng malawak. 

Mas lalo naman napasimangot ang bi9nata. "Grabe ka na talaga, Lia. Ang sakit mo."

Natatawang napailing na lang si Lia at agad na nagtungo sa matandang nagtitinda ng cotton candy. Ng bumili siya ay bumili na rin si Lie. Pagkatapos ay nag lakad-lakad na lamang sila habang nag-aasaran. 

Hindi pa rin naalis sa katawan ni Lie ang kadramahan sa buhay kaya sinabayan niya na lamang iyon. 

"Tara pa picture tayo dito," nakangiting sabi niya. 

Hindi na siya naka angal pa ng bigla na lang siya tumawag ng estrangherong tao at nakisuyo na picturan silang dalawa. Agad namang pumayag ang taong 'yun kaya mabilis na nag-ayos si Lia at tumabi na kay Lie. 

Sa unang take nila ay nakangiti lang silang dalawa. Sa pangalawa ay naka akbay na si Lie sakaniya at naka peace sign naman siya. Sa pangatlo ay ginulo bigla ni Lie ang buhok niya kaya napanguso siya. At sa pang huling take nila bigla na lamang pinantay ni Lie ang mukha niya kay Lia. 

"Pwede ko bang idikit 'yung pisngi ko sa pisngi mo?" marahan niyang tanong. 

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Lia dahil sa narinig. Kahiy na nahihiya ay tumango na lamang siya. Muntik pa siyang mapatalon sa gulat ng maramdaman niya ang pisngi ni Lie sa pisngi niya. 

Hindi na siya nakangiti sa harapan ng camera dahil mulang-mula na ang buong mukha niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 212 54
Latisha's name might be always on the bulletins and hitting the top lists, but all is because she knows she should prove herself in class to never di...
1.4K 122 43
an epistolary ; dulce & jake
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
4.4K 293 106
Eloisa, a high schooler, can't believe her best friend when she said that someone from the class likes him. A story about self-love, self-acceptance...