Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

Oleh dimples_eyebrow

174K 2.7K 260

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... Lebih Banyak

Disclaimer
Prologue
Pleasure 01
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 7
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 15
Pleasure 16
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 21
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 31
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 36
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41
Pleasure 42

Pleasure 14

2.9K 43 7
Oleh dimples_eyebrow

"Ibigay niyo ang pinag-hinarapan namin." Rinig ko pa ang isang pamilyar na boses.

"Wala na kaming ipapakain sa pamilya namin!" sabi pa noong isa.

Napatayo kaming lahat nang marinig iyon, naunang naglakas sa akin si nanay Ising.

"Jaan kana muna, ako muna ang makiki-usap sa kanila." Pagpipigil niya sa akin.

Pero hindi ako nagpatinag. Gusto ko silang harapin, kahit natatakot ako, kahit hindi ko alam kung paano ko iyon aayusin.

"Sasama po ako." Pamimilit ko.

Humarap sa akin si nanay Ising at sinimangutan.

Lumipat ang kanyang tingin sa aking likuran kung nasaan ang dalawang kabaong ng aking magulang.

"Walang magbabantay sa kanila." Pahiwatig niya sa kabaong.

Hindi iyon sapat na dahilan para hindi ko sila harapin.

Hinarap ko din ang kabaong at nakita ko sa aking likuran si Gino.

I gave him a bow and I know he understood what I mean.

Sinuklian niya lamang ako ng pilit na ngiti at pagtango.

Siya muna ang magbantay para maharap ko ang mga nasa labas. Dahil kailangan ko, kailangan ko silang harapin hindi lang dahil kailangan kundi dahil sa utang na loob. Matagal din silang nag-trabaho sa amin at alam kong malaki ang naitulong nila at sa aming hacienda.

Naunang naglakad sa akin si nanay Ising at nadatnan nalang namin si mang Karding na nakikipag-usap sa grupo ng mga tao sa labas ng aming bahay.

"Pasensya na at hindi pa kayo makakaharap ni Andra, nagluluksa ang bata..." nadatnan ko ang pakikipag-usap ni mang Karding sa mga tauhan namin.

"Ayan na pala siya eh, kausapin mo kami." Matigas na bulyaw sa isa sa mga nagtatrabaho sa amin.

"P-pero..."

"Hindi po mang Karding, kakausapin ko po sila." Walang emosyon kong saad.

Hindi na natuloy sa pagsasalita ang matanda dahil nagsalita na ako.

"A-ano po ang kailangan ninyo?" namalat ang aking boses dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

Bakit kailangan pa nilang kumuha ng barangay.

"Kailangan. Namin. Ng. Pera. Nawalan kami ng trabaho."

My lips parted out of confusion.

"Pero nagbigay na po kami, si mang Karding po ang nag-abot ng pera sa inyo. Para sa kita niyo sa araw na iyon." Paliwanag ko.

"Hindi sapat ang dalawang libo, hindi niyo alam ang hirap namin dahil sa pagkain na iyon!"

Mas lalo lamang ako naguluhan at hindi makapaniwala.

"Paano pong hindi sapat? Apat na araw na katumbas po iyon sa pagtatrabaho sa amin." Paliwanag ko.

Nagbulong-bulongan ang paligid na parang bubuyog. Halos kalalakihan ang mga iyon, nasa benteng tao, nakasuot sila ng karaniwang rattan na sombrero at long sleeve.

"Kung ikaw kaya ang nalason? Baka ipakulong mo pa ang nagpakain sa'yo. Pasalamat kayo at hindi pa naming kayo pina-aresto!" sigaw noong matabang lalaki.

Laglag ang aking panga dahil sa gulat. Namuo ang mainit na luha sa aking mga mata dahil sa emosyon. Hindi dahil sa awa sa kanila kundi sa galit.

"Aksedente po ang nangyari." Mahina kong saad sabay punas ng mga luha sa aking pisngi.

"Hindi kami naniniwalang aksedente!" sigaw noong mga tao sa bandang likuran.

'Hindi po..." pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Sinabi noong nagluto na noong lumapit ka ay may nilagay ka sa niluluto niya. Kaya nga siguro hindi ka kumain dahil alam mong malalason ka!" sigaw pa noong isa.

Doon sunod-sunod na tumagas ang aking mga luha.

Hindi ko makapaniwala sa aking mga naririnig mula sa kanya. Hindi ko lubos akalain na matatanggap ko ang paratang na iyon.

Mabilis akong muling nang sunod-sunod.

"Hindi 'yan totoo! Hindi ko magagawa 'yan!" umiiyak kong saad.

"Huwag niyo na kaming lokohin pa, ginawa mo 'yon dahil gusto mong gumanti, dahil hindi mo matanggap na nalulugi itong letche niyong hacienda!"

Mas lalo akong umiling. Nanginginig ang aking tuhod at nanghihina ang aking katawan dahil sa lakas ng kanilang sigaw. Madami pa ang kanilang sinasabi na masasakit na salita.

"Hindi namin magagawa sa inyo 'yon! Sa ilang taon niyong paninilbihan sa amin wala kayong natanggap na kahit anong masasakit sa amin. At ngayon na nagka-aksedente, ganito pakayo umasta?" mariin kong pagpapaliwanag.

I gritted my teeth because of frustration.

"Ang dami mong sinasabe. Mabuti at nakarma kayo! Kaya nawala ang magulang mo!"

Doon ako napahinto sa sobrang gulat. Tulala lamang ako ng ilang segundo at kumurap-kurap. I turned my head to the one who said that.

Pinaningkitan ko siya ng tingin at marahas na pinagsalubong ang aking kilay.

"Gago ka ba?!" muling sinakop ng mga maiinit na luha ang aking mga mata. Mabilis din itong nagrolyo paibaba sa aking pisngi.

"Paano niyo nagagawa 'yan? Paano niyo nasasabi ang lahat ng iyan matapos ang naitulong ng mga magulang ko sa inyo?" sigaw ko sa kanila.

My heart was pumping so hard.my breathing was getting so tight. Gusto ko silang murahin!

"Isang beses lang kaming nagkamali, kung ano-anong masasakit na salita na ang sinasabi niyo sa amin?"

"Ikaw?" turo ko sa matabang lalaki.

"Noong nagkasakit ang anak mo saan ka sumugod? Inuna mong pumunta dito para humingi ng pera, halos lumuhod ka. Binigay naming ang hinihiling mo. Hindi naming kinaltas sa suweldo mo!" halos malagutan na ako ng hininga dahil sa lakas ng aking pagkakasabi

Napasinghap ako dahil doon sa sinabi ko.

"Tangina, ayaw kong isumbat isumbat sa inyo ang mga ginawa ng magulang ko pero ang sakit-sakit niyo magsalita. Hindi ako ang lubos na nasasaktan, nasasaktan ako para sa magulang ko." Natahimik sila.

"Ikaw, noong nilipad ang bahay niyo dahil sa bagyo, saan kayo tumuloy? Pagkatapos humingi pa kayo ng tulong pampatayo ng bahay niyo. Tapos ang lakas mong sabihin na sinadya namin ang pagkasakit ng tiyan niyo?"

"Ikaw mang Ninyo? Tanda kong lumuhod ka sa harapan ni papa para humingi ng pang-tuition ng anak mong magiging isang teacher na. sinagot niya ang buong taon na tuition niya. Tapos may gana ka pang iwagayway yang pang-rally na ginawa mo?"

Malakas ang aking paghinga kayat nananatili parin sa akin ang samot-saring emosyon na nararamdaman.

Ang iba ay nakayuko na dahil sa sinabi ko. Ang iba naman ay nagbubulong-bulongan parin. At ang karamihan ay matapang parin na nakatingin sa akin.

"Ang dami mong dahilan, ibigay niyo ang perang nararapat sa amin!"

At doon muling nanumbalik ang ingay nila.

"Wala kayong respeto sa magulang ko! Wala kayong utang na loob!" sumabog ang aking damdamin dahil sa sobrang sakit ng aking damdamin.

"Ni hindi naming alam kung sino ang gumawa ng aksedente kay papa, namatay siyang hindi man lang alam kung sino ang pumatay! Si mama, namatay siya ng maaga dahil sa problemang hindi niya inaasahan. Kung umasta kayo parang wala silang nagawa sa inyo!"

"Patay na ang magulang ko. Wala na sila, hindi niyo ba naiintindihan? Dahil ako? Ako? Hindi ko kayo maintindihan! Kung bakit niyo ito ginagawa sa amin! Sa akin!"

"Tangina, hindi niyo man lang bisitahin ang kabaong nila. Hindi niyo man lang silayan kung totoo! Ganoon ba kasakit ang ginawa nila sa inyo para kalimutan ang lahat ng pinagsamahan niyo?"

"Awang-awa ako sa magulang ko! Wala man lang bumibisita. Ni walang nagsabing 'nakikiramay ako'."

"Tingnan niyo ang sitwasyon nila! Ako nalang mag-isa, wala na sila! Wala na ang magulang ko! Wala na ang nagbigay ng letcheng trabaho sa inyo! Sana iyon lang ang isipin niyo! Na kahit papaano ay may ginawang mabuti ang magulang ko sa buhay niyo!"

Hindi ko na inalintanang punasan ang aking mga luha.

Matayog at tapang-tapangan parin akong nakatayo sa kanilang harapan kahit sobrang hina na ng aking tawan.

I fell so tired physically and mentally.

Magsasalita pa sana ako ngunit nahagilap ng dulo ng aking mga ang presensya ni Arthuro.

Palihim ko siyang tiningnan sa mabilis na paraan.

"Umuwi na muna kayo." Sa maawtoridad at malalim na boses ni Arthuro. Halos sabay-sabay na bumilig ang mga ulo nila sa lalaki sa aking tabi.

"Bakit, sino ka ba? Dayo ka lang dito ah?" matapang na saad noong mataba.

"Bakit? Sino ka ba? You're just nobody like me here, so you better get out you fucking as here." Matapang na saad ni Arthuro sa kanyang kausap.

Napakurap-kurap na lamang ang kanyang kausap at hindi na nagsalita. Ang iba at nagsitalikuran na at nagsimula nang umalis sa aming harapan.

"Are you okay? Want to go inside?" pag-anyaya sa akin ni Arthuro.

Suminghap lamang ako ng isang beses at marahang tumango. Hawak-hawak niya ang aking balikan habang itinutungo ako papasok sa aming sala.

Nadatnan ko doon si Gino na tila kanina pa nagaabang sa amin. Sana kanyang tabi ang dalawang kabaong na agaw atensyon.

Hindi matigil ang aking pag-iyak dahil sa masasakit na salita na aking natanggap, madaming emosyon ang nananalaytay sa aking sistema , poot, galit, sakit, pangungilila at madami pa.

Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa mga taong hindi ko pinagisipan ng masama.

Wala silang utang na loob sa magulang ko, matapos lahat ng naitulong ng aking pamilya sa kanila ganito ang gagawin nila sa amin? Hindi deserve ng magulang ako ng trato nila sa amin. Hindi matutuwa sila mama at papa sa mga pinagsasabi nila. Pero kahit ganoon alam kong sila mama at papa pa ang hihingi ng tawad kung buhay pa sila.

Kung sila papa at mama man ay mahihingian nila ng tawad, sa'kin ay hindi, hindi pa ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang galit na aking nararamdaman sa puntong ito.

How they can disrespect my parents like that?

Patuloy na tumatagaktak ang aking mga luha at binabagyo ng samot-saring emosyon ang aking katawan habang ako ay nanghihinang naglalakad palapit sa magulang ko.

Ilang oras akong nakabantay sa kabaong hanggang sa 'di ko namalayan nakatulog na pala ako sa aking inuupuan.

Kinusot ko ang aking mga mata bago ko ibangon ang aking ulo mula sa braso ng kung sino.

Hindi ko mapigilan na hindi isipin na panaginip lang ang lahat ng ito, na sana hindi totoo ang lahat ng aking narinig, na hindi totoo ang dalawang kabaong sa aking tabi, sana...sana panaginip na lang ito. Gusto ko ng gumising sa dati.

"Did I wake you up? I'm sorry..." kaagad na nagtanong sa akin si Arthuro.

Dinapuan ako ng hiya dahil nakatulog ako sa kanyang braso. Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa kanya at umiling dahil sa kahihiyan.

"Do you want something? Are you hungry? Water?" doon lamang ako buong tapang na hinarap ang aking mukha sa kanya.

Kunot ang aking noo dahil sa kanyang tanong.

"Uh..ako na ang kukuha ng pagkain ko, salamat." Pinilit kong ngumiti.

"Samahan na kita," wika niya.

My lips parted, papaningkitan ko sana siya ng tingin ngunit hindi ko na inabala pa.

Tumango na lamang ako at naunang naglakad sa kusina at maghanap nang makakain.

Tahimik ang puong bahay, tila bulungan lamang ang naririnig, dahil sila mang Karding, nanay Ising at Gino lamang ang natira doon. At ngayon ay nasa likuran ko si Arthruo sa aking likuran, tahimik akong sinusundan.

Amoy din mula dito sa kusina ang mababangong bulaklak nanakapalibot doon.

Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa ngunit wala akong nakitang pagkain. Pati sa lababo ay tila walang gumalaw. Muli kong ikinalat ang aking mga mata at nang tumingala ako ay nakita ko ang garapon ng biscuits.

I want to get the biscuits but I can't reach it.

Nagkagat labi ako at tiningnan si Arthuro. Kaagad din siyang nataranta nang dapuan ko siya ng tingin.

"Arthuro..." I'm not sure if he wants me to call him Arthuro. At mas lalong ayaw niyang tawagin ko siyang Dick.

"Puwedeng paabot sa aking nung biskwit? Hindi ko maabot." Sabay ayos nang takas kong buhok.

"Sure..." naglakad na siya palapit sa akin at walang kahirap-hirap niyang inabot ang biskwit dahil sa kanyang tangkad. Muli siyng humarap sa akin at naglakad palapit. Mas lalong nadepina ang malayong agwat ng aming tangkad.

He's so tall and looked intimidating.

"Here." Lahad sa aking sa kinuha niyang garapon.

Tumalik na din ako sa kanya at inihakbang ang aking mga paa patungo sa lamesa. Hinila ko ang isang upuan at marahang umupo.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko siya hinihintay na umupo sa aking harap dahil nakatayo lamang siya na parang guwardya.

"Upo ka..." lahat ko sa upuan sa aking harapan. Mabilis naman siyang umupo roon.

"Sabayan mo akong kumain." Abot ko sa garapon. He just stared at it for two seconds before he gave his nod.

Malakas ang loob ko siyang tinitingnan habang sinusubo ang tinapay. Tumigil lamang siya nang makita niya akong nakatingin sa kanya.

He sexily raised his brows.

"Kuhanan lang kita ng maiinom." Akmang tatayo na sana siya ngunit pinigilan ko.

"Mag-uusap tayo," matapang kong saad.

Natigil ang pagtayo niya at binilik niya ang kanyang puwet sa upuan.

Nanahimik lamang siya, ngunit hindi mo makikitaan ng kahit anong tension sa kanyang mukha. Mas lalong nakakatakot ang kanyan itsura tuwing hindi siya nagsasalita, parang kakainin ka niya ng buhay dahil sa malalamig niyang tingin.

Nainis ako sa aking sarili dahil ako ang kinabahan, halata dahil lumabas ang ilang butil ng pawis sa aking noo.

"Bakit mo 'to ginagawa?" isa 'yon sa mga katanungan na bumabagabag sa akin.

Iit took him a while before gave me his response.

Kumunot ang kanyang noo, nanatiling madilim ang kanyang eksresyon.

"What?" tanong niya. Alam kong narinig niya iyon siguro gusto niya lang ibahin ko ang tanong ko.

"Bakit mo 'to ginagawa? Bakit mo ako tinutulungan? Bakit ka laging nasa tabi ko? Bakit mo ako pinagsisilbihan?" sunod-sunod kong tanong.

Mas lalo lamang kumunot ang kanyang noo. Alam kong mas ayaw niya ang tanong ko dahil nadagdagan pa ito.

"Because...I like what I'm doing." Hindi ko alam kung nagrarason ba siya dahil ayaw niyang sagutin ang tanong ko.

Mas lalo lamang akong naguluhan. I'm confused.

"I won't except that answer; I know you have a reason." Sagot ko.

Hindi siya sumagot kaya ako muli ang nagtanong.

"Wala na siya papa," my voice broke. "at ang alam kong rason mo lang kaya ka nandito ay dahil sa project mo, dahil sa pagbili nung bagong lupa at pag-survey. So, bakit ka nandito pa?" paliwanag ko.

Mas lalo akong kinabahan nang makitang naningkit ang madilim niyang mga mata. Nakita ko din ang pag-igting ng kanyang panga.

"You don't want me here?" matigas niyang saad kayat napatigil ako.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

Naguguluhan lang ako dahil bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.

Kukuha pa sana ako ng tinapay nang mahagilap ng aking mga mata si nanay Ising na naglalakad palapit sa amin.

"Hija, may barangay sa labas, kakasuhan ka daw kung hindi maibigay ang pera."



----------

let see read you thoughts and comment, sige na please para ganahan ako mag-update hahahaha.

don't forget to add this to your library and leave a votes. thank you mga mahal!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...