Paint Your Bandages (Junior H...

By Seachy

934 62 1

Lie is a beauty care student. He's a head turner and confident of himself. He is the only man in beauty care... More

Paint Your Bandages
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 27

15 1 0
By Seachy

C H A P T E R 2 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Pagka uwi nila Lie ay naabutan nila na ginagamot ng kanilang tatay ang nanay nila dahil may malaking sugat iyon sa tuhod niya. Ng tinanong naman ni Lie kung ano ang dahilan kung bakit siya nagkasugat, ang tanging sinagot lamang nito ay nadulas daw ito habang naglilinis siya. 

"Feeling ko talaga hindi nadulas si mama eh," seryosong sabi ni Olivia at umupo sa tabi niya. 

Malakas siyang bumuntong hininga at umikot ng upo upang makaharap niya ang kaniyang kapatid. Nasa kwarto na sila ni Lie ngayon at tapos na rin sila kumain ng gabihan. 

"May mali talaga," mariin niyang bulong kaya agad siyang tinanguan ni Olivia. 

"Kung sundan kaya natin bukas si mama? Baka may kakaibang nangyayari na sakaniya sa school, hindi niya lang sinasabi sa'atin." 

Agad na tumango si Lie. "Sige. Sana lang hindi makahalata si mama bukas." 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Kinabukasan ay sinubukan ng dalawa na sundan ang nanay nila ngunit nawala na lang bigla sa paningin nila ito kaya bagsak balikat silang bumalik kina Lia na kumakain. 

"Oh, bakit parang pinagbagsakan kayo d'yan ng langit at lupa?" nakangiwing tanong sakanila ni Nate. 

"Anong nangyari sainyo?" dagdag ni Cary at sumubo pa ng siopao. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong naman ni Lia habang sinisipat ang buong katawan nilang dalawa. 

Sabay silang bumuntong hininga. Hinayaan ni Olivia na bumagsak ang noo niya sa lamesa habang si Lie naman ay pagod na humarap kay Lia. Punong-puno na ngayon ng pag-aalala ang mukha niya. 

"Can I lean on your shoulders?" he softly asked. 

Nabigla naman si Lia at ilang minuto siyang tinitigan ni Lia bago ito tumango. Mabilis naman siyang dumikit sa dalaga at sinandal ang ulo sa balikat nito saka pumikit. 

Lahat ng pangamba, takot na nararamdaman niya kanina ay parang bula na nawala. Sobrang sarap sa pakiramdam ng init ng katawan ni Lia. Nanunuot pa ang natural nitong amoy sa ilong ni Lie kaya halos gusto niya na lang matulog magdamag sa balikat ng dalaga. 

Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng marahang hinawakan ang baba niya upang iayos ang ulo niya na nasa balikat niya. Pinigilan niya ang sarili niya na isiksik ang mukha sa balikat ng dalaga dahil baka bigla na lang siya nito itulak dahil sa gulat. 

"You can sleep for a while in my shoulder," she softly said while patting his head like a puppy.

Tuluyan ng kumalat ang pula sa buong mukha ni Lie kaya mariin na lamang siyang pumikit. Pinagdadasal niya lamang ngayon na sana walang makapansin sa namumula niyang mukha. 

Hindi niya alam kung ilang minuto na sila nagtagal sa ganu'ng posisyon. Basta at naramdaman niya na lang na hindi gumagalaw si Lia, at para na itong nabato sa upuan niya. Kaya mas pinili na lamang ni Lie na umalis sa pagkakahilig kay Lia kahit na talagang ayaw niya pa. 

Gulat naman siyang nilingon ni Lia. "I thought you were already sleeping?"  

Umiling siya at marahang minasahe ang balikat niya. "Sorry. Nangalay pa tuloy 'yang balikat mo dahil sa'akin." 

Mabilis na umiling naman si Lia. "I'm fine. Don't worry. I can't move because I thought you were sleeping and I didn't want to wake you up." 

Nginitian niya ng malawak ang dalaga. "Okay lang kung minamasahe ko 'to?" 

Nakalabing tumango naman si Lia. "Y-you're good at massaging." 

Mariin na nakagat ni Lie ang pang-ibaba niyang labi upang pigilan ang sarili sa pag ngiti niya ng malawak. Baka tuluyan ng mapunit ang labi niya kung hindi niya pipigilan ang sarili. 

"Mula pa lang noong bata ako ay ako na ang nagmamasahe kay mama kapag galing siya sa trabaho. Dahil doon ay na inspire ako mag tayo ng isang salon balang araw. Nakikita ko kasi si mama dati na kinukuluyan niya 'yung sarili niyang daliri gamit ang nail polish kaya gusto ko balang araw, ako naman ang gagawa sakaniya 'nun. Aayusin ko rin 'yung buhok niya tapos ma-make up ko rin siya. Wala akong pake kung sasabihan nila akong bakla. Imudmod ko pa sa mukha nila 'yung mga nail polish ko eh." 

Mahinang natawa si Lia na siya lamang ang nakakarinig. Pero sobrang natutunaw ang puso niya dahil sa narinig. Mas lalo niya pang nakikilala ngayon si Lie. Kung gaano siya kabait, maunawain, ma-alaga na anak, kapatid at kaibigan. 

May kakaibang nararamdaman na naman si Lia ngunit agad niyang inalis iyon. 

Tinapik niya muli ang ulo ni Lie na para bang puppy niya ito. "For sure, your mother is really proud of you. And she's lucky because you're his son." 

"Sobrang swerte ko rin dahil siya ang naging nanay ko 'no." 

Lumabi siya saka tinanguan si Lie. "Parehas kayong swerte sa isa't-isa." 

Hindi maiwasan na makaramdam ng inggit ang dalaga sa pamilya ni Lie. Hinihiling niya na sana iba na lang ang nanay niya. Na sana napunta na lang siya sa nanay na handa siyang alagaan at pasiyahin sa abot ng makakaya niya. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Nag-unat ang dalaga ng sa wakas ay natapos na ang lahat ng gawain sa caregiving lesson nila. Siya lagi ang nahuhuli na umalis sa room nila dahil laging may pa extra na pinapagawa sakaniya ang teacher nila. 

Hindi naman niya magawang mag reklamo dahil may dagdag iyon grades. Isa pa at kailangan niya na talagang bumawi sa lahat ng subject niya, at kasama ang caregiving doon. Ayaw niya na ulit makarinig ng sermon at sumbat mula sa nanay niya. 

Mabuti na 'nga lang at hindi natuloy ang binabalak ng mga classmates niya noon na gagawa sila ng paraan upang bumagsak siya at hindi na siya tuluyang maka graduate. Hindi na rin siya ginugulo ng mga 'to simula noong huling away nila. 

Pero kahit gano'n ay parang may mali siyang nararamdaman. 

Tahimik na naglalakad lamang siya sa walang ka tao-tao na hallway ng bigla na lamang siyang nakarinig ng halakhakan. Hindi niya na sana iyon papansinin pero narinig niya na may pamilyar na nagsasalita kaya dahan-dahan niyang nilingon kung sino iyon. 

Nanlaki ang mata niya kasabay ng pagtakip ng bibig niya upang hindi tuluyang lumabas ang malakas niyang pagsinghap. 

Nakita niya lang naman na pinapalibutan nila Matilda at ang mga kaibigan niya ang nanay ni Lie. Gamit ang mga nanginginig na kamay, nilabas niya ang kaniyang cellphone upang picturan ang bawat scenario na ginagawa nila Matilda. 

Sinasabutan, tinatadyakan at sinasabihan ng kung ano-anong masasakit na salita ang nanay ni Lie kaya hindi maiwasan ng dalaga na masaktan. Parang may kung anong matulis na tumatarak sa puso niya habang pinapanood ang nanay ni Lie na walang ginagawa para lang makalaban. 

Sa hindi malamang dahilan ay bigla niya na lamang nakita ang sarili ngayon sa sitwasyon ng nanay ni Lie. Gan'yan na gan'yan din siya noon, ni wala man lang siya ginawa upang mapagtanggol ang sarili dahil alam niyang wala lang silbi iyon. 

Malakas siyang bumuntong hininga at binulsa na ang phone niya. Nilapag niya ang mga gamit niya sa sahig at tinali ang buhok. Wala na siyang pakialam ngayon kung masusugatan man siya sa gagawin niyang pangengealam, ang mahalaga ay maligtas niya ang ina ni Lie. 

Kinuha niya muli ang phone niya at nag message kay Lie. 

Natalie: You need to go to the grade 9 building. Hurry up before it's too late.

Hindi niya na hinitay pa na mag reply ang binata at mabilis siyang bumababa mula sa second floor. Malamig pa sa yelong tinignan niya si Matilda ng magtama anag paningin niloa. 

"Oh! Bakit nandito ang isang malanding bata?" nakangising tanong ni Matilda kaya lahat sila ay napalingon kay Lia. 

Hindi niya na lang pinansin ang mga ito at mabilis na lumapit sa nanay ni Lie na halata ang gulat at matinding takot. 

Marahan niyang hinila ang braso ng nanay ni Lie at inanalayan ito na makatayo ng maayos. Kita niya ang panghihina ng katawan nito kaya mas lalong lumaki ang galit niya. 

"Iha, anong ginagawa mo dito? Umalis ka na, iwan mo na ko dito bago ka pa mapahamak," bulong nito sakaniya habang nakakapit ito sa braso niya. 

Agad namang umiling si Lia. "I can't leave you here." 

"Pero-" 

"Ano? Ililigtas mo 'tong janitress na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Matilda habang dinuduro pa ang nanay ni Lie. 

Mabilis niyang tinampal ang daliri ni Matilda na nakaduro sa katabi niya kaya nawala na ang ngisi sa labi ni Matilda. 

"Talagang inaasahan ko na ipapagtanggol mo 'tong nanay ni Olie kasi may gusto ka sakaniya, hindi ba!?" seryosong sabi niya kaya mas lalong lumamig ang expression ng dalaga. 

"So you're hurting her because she's Olie's mother?" She asked incredulously.

Tumatawang tumango naman si Matilda. "Alam mo dati gwapong-gwapo ako kay Olie pero ngayon ng makita ko kayo na masaya, naiinis na ko. Imbis na ikaw ang pahirapan ko, ngayon siya naman at ang pamilya niya." 

Nanginginig na ang kalamnan ni Lia dahil sa narinig. Nagsimulang manginig na rin ang mga kamay niya at kating-kati ng sampalin ang pagmumukha ng kaharap. 

"Ilayo niyo 'yang matandang mabaho na 'yan sa tabi ni Lillia." 

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na sipain ang t'yan ng isang babae na palapit sa nanay ni Lie. Gumuhit ang gulat sa mukha nilang lahat pero nag sunod-sunod ang mga ito na sumugod papunta sakaniya. 

Panay naman ang sipa niya sa mga ito at gamit ang malaya niyang kamay ay pa minsan-minsan ay nasasabunutan niya na ito at hinahagis kung saan. 

Agad nanlaki ang mata ni Lia ng mawala na lamang sa braso niya ang kamay ng nanay ni Lie. Natagpuan niya na lamang ito na hawak-hawak ang kamay ni Matilda na nakasabunot sakaniya. 

"Kung ayaw mong masaktan at pahirapan ka ulit, hayaan mo na sa'amin ang nanay ni Olie," nakangising sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa buhok nito kay mas lalong napangiwi ito. 

Kitang-kita niya sa mukha nito ang matinding sakit at panghihina pero pinipilit niya pa rin na magpakatatag. Tuluyan ng nandilim ang paningin ni Lia ng bigla na lamang sinikmuraan ni Matilda ang nanay ni Olie. 

"Kita mo 'yun, Lillia? Ganto ang aabutin mo sa'amin kung hindi ka pa aalis-" 

"I don't care what you're saying, bitch." 

Kahit na mahina lang iyon nakiita niya ang pagbalatay ng takot sa mga mukha ng mga kaibigan ni Matilda. Akmang magsasalita pa si Matilda ng mabilis niyang nilapitan ito at sinabunutan ng madiin ang buhok niya. Sinigurado niya na babaon talaga ang kuko niya sa anit nito. 

"Bitawan mo ko!" galit na sigaw nito at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ni Lia. 

Pero hindi nagpatinag si Lia at mas lalong hinigpitan ang pagsabunot sa buhok ni Matilda. Ginagalaw-galaw niya pa ang ulo nito kaya napapahiyaw si Matilda. 

"Tulungan niyo ko dito!" sigaw niya habang nakatingin sa mga kaibigan niya na halatang nawalan na ng lakas at tapang. 

Malamig na tinignan niya naman ang mga kaibigan ni Matilda. "Subukan niyong lumapit. Hinding-hindi ako magkakamali na pati kayo tatanggalan ko ng buhok." 

Hindi nakasagot ang mga ito at bahagyang umatras pa kaya mas lalong nangalaiti sa galit si Matilda. 

"Mga wala talaga kayong kwenta! Kapag talaga ako nakawala dito susunugin ko kayo ng buhay!" 

Hinila niya pababa ang buhok nito kaya napatingala sakaniya si Matilda. "Stop pestering us and stop being childish." 

Tinaliman siya ng tingin ni Matilda. "Wala akong pake sa sinasabi mo-" 

"Satingin mo may mga nakukuha kang maganda sa pagsira sa mga buhay namin? Hindi ba wa-" 

"Meron! Nagiging masaya ako. Sobrang saya ko habang nakikita kong nasisira ang buhay niyo-" 

"You just want us to be like you, Matilda. Your life is ruined, so you will also ruin us, so that we can feel what you feel. Is that right? " Lia coldly asked. 

Agad natigilan si Matilda at natulala sa kawalan. Nakita niya ang matinding sakit at lungkot sa mga mata nito ngunit agad din namang nawala. 

"But at the end of the day, we will be happy after you ruin us. You want to know why? " Lia bent slightly to be close to Matilda's face. "The more you ruin us, the stronger we will become. We will meet people who will stay with us until our last breath, unlike you."

Nag-apoy naman sa galit ang mga mata ni Matilda. "Are you trying to say that I will never meet people who will stay with me until my last breath!??"

Lia nodded while her lips form a grin. "You will never find people who you can trust. Take a look at the friends you call. They're so scared of being hurt. You're so pathetic."

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 212 54
Latisha's name might be always on the bulletins and hitting the top lists, but all is because she knows she should prove herself in class to never di...
261K 14.5K 36
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
29.2K 825 67
Hi Series #1 Sunny Amora Esmael is like a sun, a bright sun that gives warm to her love ones, can her rays reach her crush's life? ••• An Epistolary...
680 141 29
Would it be possible to savor life while staring death in the face? Dalawang buwan nalang ang hinihintay niyang lumipas, at ang sagot ay matuturang w...