Fire Of The Burning Sands [Is...

By LadyMoonworth

33.6K 864 134

Isla de Provincia #6: Fire Of The Burning Sands Three words to describe Agleya Caleigh Trinidad; mapaglaro, m... More

Isla de Provincia
Disclaimer
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28

Kabanata 20

694 21 3
By LadyMoonworth

Happy 1.18k M'ciants!

Maraming salamat sa inyo, uwu!

KABANATA 20

"Ano ba 'yang sasabihin mo, at mukhang napakaseryoso mo ngayon?" naiintrigang sabi ko saka kinunotan siya ng noo.

Ngumiti naman siya at iminuwestra ang kamay na maupo ako sa bleacher which is sinunod ko naman 'agad.

Nangangati na akong malaman kung ano ba ang sasabihin niya dahil mukhang importante iyon sa kanya.

Palihim akong napabuntong hininga at bumaling muli sa kung saan siya nakaupo ngayon.

"Now, care to tell me handsome boy?" Nakataas na kilay na sabi ko at pinablangko ang ekspresyon.

He nodded naman saka sinabi na nga sa akin ang lahat ng gusto niyang sabihin. At nang marinig ko ang mga kwentong gusto niyang maipabatid sa akin ay napanganga nalamang ako.

"Teka lang handsome boy.." pagpapahinto ko sa sinasabi niya. "Anong ibig mong sabihin dyan? Na kilala mo na talaga ako kahit noon pa? And then, nung alamin mo kung sino ako nang magkita tayo dito sa Isla saka mo lang nalaman?"

"Yes. And actually, matagal ka na naming hinahanap. Magkakabata kase tayo noon nila Zarleus," aniya sa seryosong tinig kaya umuwang ang bibig ko sa pagkagulat.

Napatayo ako at nanlalaki ang matang pinakatitignan siya. "P-Paano mo naman nasabi?! I mean.. Paanong magkakabata tayo, eh hindi ko naman kayo kilala?"

"Ewan ko, pero kase masyado pa tayong mga bata noon kaya siguro nakalimutan mo na. Tapos, bigla ka nalang nawala. At nabalitaan nalang namin na bumalik na kayo sa probinsiya kung saan kayo dati nakatira." Nangunot ang noo ko, at hindi mapigilang alalahanin 'yung mga kwento ni mama.

Ang sabi niya noon ay may isang lugar kung saan sila napayapa ni papa. Pero umabot lamang iyon ng limang taon dahil kaagad silang nahanap ni Mamita.

At kung ang sinasabi ni Markus na magkakabata kami.. Dahil dito kami dati naninirahan ay malamang sa malamang—dito nga sa isla de provincia nagsimula muli nang bagong buhay sila mama't papa!

Nanghina ako kaya wala sa sariling napaupo muli ako sa bleacher. Napatingin ako kay Markus na seryoso lamang hanggang ngayon. Wala naman sa ugali niya ang pagsisinungaling kaya alam kong totoo ang sinasabi niya.

"Zale.. Markus.. Neya.. Ley.." pagbigkas ko sa apat na pangalang laging gumagambala sa panaginip ko nitong mga nakaraang linggo.

Napakurap kurap si Markus nang marinig ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin habang nakaawang ang bibig. May kung anong emosyong dumapo sa asul niyang mga mata nang magtagpo na ang paningin namin.

"N-Naalala mo na?" tanong niya pagkaraan lang ng ilang segundo. Umiling ako. "Hindi.. Pero napapanaginipan ko."

Bagaman rumehistro ang panghihinayang sa kanyang ekspresyon ay tumikhim siya at umayos sa harapan ko.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. "What do you mean by that, Agleya?"

"Well, normal nalang sa akin ang nanaginip tuwing natutulog. But the weird thing is.. May mga batang biglang sumasagi sa isipan ko, I think nasa-four or five years old sila. Tapos.. May mga eksena sila na puro kaharuran." hindi ko mapigilang matawa habang inaalala ang mga napanaginipan ko. "Yung Neya, gusto niya si Zarleus which is.. she called as her Zale-tot habang si Ley.."

Nagbaba ako ng tingin dahil biglang hindi ko makayanan 'yung hope na dumapo sa mga mata ni Markus. Idagdag pa ang tila pagbilis ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na paraan. At ang mas nakakatakot doon ay.. alam kong hindi lamang ito dahil sa kabang nararamdam ko mula kanina.

"Agleya.. Tell me, hmm? A-Ano 'yung tungkol kay Leya?" marahan man ang boses niya ay ramdam ko ang panginginig 'nun.

Palihim na napakuyom ang kamao saka kinunotan siya ng noo. "W-Wala.."

"Wala kang maalala sa kanya?" paninigurado niya kaya napalunok ako pero napatango rin bilang pagtugon.

Bumagsak ang balikat niya pero ngumiti rin sa akin nang makitang nakatingin ako sa kanya. Mga ngiting alam kong hindi na umabot sa mga mata.

"S-Sige.. Balik na ako sa trabaho." biglang tayo niya kaya napaangat ako ng tingin sa mukha niya. "Sinabi ko lang ito sa'yo.. Itong koneksyon natin noon kase alam kong ayaw mo sa mga taong naglilihim sa'yo or something.."

Napatango ako. Pinapahiwatig ng mga mata kong naiintindihan ko siya saka ako ngumiti ng sinseryo. "Salamat, Markus."

"Anytime, Ley.." Narinig kong bulong niya at tumitig sa mga mata ko.

Kumabog ang dibdib ko at hindi ko mapigilang mapaiwas ng tingin lalo na nang mabasa ko ang mga emosyon roon.

Sakit.. Panghihinayang.. At paghihirap.

I'm sorry.. I want to say those words but my mouth can't. Mahina akong napabuntong hininga as I just felt him left the gymnasium. At habang tinitignan ang palayo na niyang bulto ay muling sumagi sa isipan ko ang napanaginipan ko kanina.

It's my promise for him.. That one day, I will marry him, yung totohanan na. Dahil sa panaginip ko, kinasal na kami noon, 'yung kasal-kasalan lang.

Pero kahit bata pa lang kami doon sa panaginip ko.. Nakita ko na kung papaano mamuo ang determinasyon sa kanyang mga mata.

Na kahit kasal kasalan lang 'yon ay nangako na kami sa isa't isa.

Siinabi niyang maghihintay siyang lumaki ako kahit na anong mangyare. At kapag nga nasa tamang edad na kami ay pakakasalan niya ako ng totoo.

"Hintayin kita Leya ko.."

"Ikaw lang ang pakakasalan ko paglaki ko Markus ko!"

Napapikit ako ng mariin nang tila magpaulit-ulit sa akin ang mga salita namin nung mga batang kami. Sumabay pa ang tila pagsang-ayon nila mama't papa.

"Aalagan mo ba ako ang anak ko, Markus?"

"Opo, tito!"

"Protektahan mo ang nag-iisang anak namin paglaki niya ah?"

"Secured na po tita!"

Palihim na nanlabo ang mga mata ko. May mga imaheng lumabas sa utak ko at naging dahilan ito para maalala ko muli ang mukha ng mga magulang ko.

Bagaman marami pang ibang tao roon at blurred ay sila lamang ang nakakuha ng atensyon ko. Ang boses lamang nila ang pumuno ng tainga ko.

They keep cheering us..

Markus and I.

Mukhang botong boto sila sa aming dalawa noon.

"Markus!" wala sa sariling habol ko at sinundan siya palabas ng gymnasium.

Nahinto siya sa paglalakad at napalingon sa akin. Halata ang gulat sa mukha niya nang makitang humahabol nga ako. Mukhang hindi niya talaga inaasahang tatawagin ko siya ulit.

"Leya.." mahinang bulong niya at nanlalambot na tinignan ako sa mata.

Napakagat ako sa ibabang labi at ngumiti sa kanya. Masyado akong nahahabag sa nagiging emosyon sa mata niya. Para na siyang maiiyak sa kung saan at hindi ako sanay sa ganuong Markus.

Masyado siyang emosyonal.

"Thank you.." Parang wala pa rin sa sariling bulong niya matapos akong yakapin.

Tumikhim ako at hinawakan ang balikat niya dahil nakalaylay pa rin ito.

"Chin up, Markus!" nangingising salita ko at tinawanan siya.

Napailing siya saka napangisi na nga, parang nagpipigil nalamang kanina. Hinawakan niya ang bewang ko at muli akong niyakap. Kaagad naman akong napasubsob sa dibdib niya.

At dahil ngayon lang siya naging ganito ka-clingy sa akin ay bahagyang umusli ang labi ko. Natawa naman siya at hinigpitan pa ang yakap sa akin na tila ba sinusulit na ang yakap na binibigay ko.

"Bitaw na!" natatawang kawala ko pero hindi siya nakinig kaya hinayaan ko nalamang siya.

Maya maya pa ay muli ko nanaman siyang sinuway dahil masyado ng matagal. Pero hindi pa rin siya nahinto at iginalaw pa ang yakapan namin.

Napailing ako at natawa. Pero nahinto iyon nang may mahagip na ang mga mata ko. Sa harap ng karagatan, sa gitna ng dalampasigan ay malaya kong matatanaw ang likuran ng isang lalaki.

At nang humarap ito at nagtama ang mata namin ay natigilan ako. Pero hindi si Zarleus. Kahit malayo ay tinitigan niya lang ako. Na tila ba kanina pa niya iyon ginagawa kahit hindi ko pa siya nahuhuli.

Napakagat ako sa ibabang labi at umiling sa kanya nang maramdaman kong lalapit na siya sa amin.

Umigting ang panga niya, at nanlamig ang kanyang mga mata pero sumunod rin sa akin kalaunan.

Nakahinga ako ng maluwag kahit alam kong lagot ako sa kanya mamaya. At nang mawala na siya sa paningin ko ay ang sakto namang pagvibrate ng phone ko.

Mukhang nagtext siya.

Ayoko ng may kahati, Caleigh.

Napabuntong hininga ako. "Zarleus.."

"Siya nanaman.." kibo ni Markus sa tabi ko nang matapos naming maglibot dito sa isla.

Sinulyapan ko siya. "Siya naman lagi eh.."

"Kahit.." aniya na tila ba may gustong idugtong pero tinaasan ko siya ng kilay kaya napairap siya.

Mukha talagang baklang ang lalaking ito..

But seriously? The truth is.. Binabagabag ako ng konsensiya ko kaya sinamahan ko muna sa araw na ito si Markus. At siguro, hindi ko na kaylangan pang sabihin iyon dahil alam kong ramdam na niya.

"Siguro makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sa'yo, Markus." salita ko kalaunan nang mapagpasyahan kong buksan na ang usapan.

"Hindi naman ako naghahanap, Agleya." aniya saka ngumisi sa akin. "Ang mga babae ang nagkakandarapa para mahalin ko sila."

"Napakayabang mo.." asik ko at sinuntok siya sa balikat.

Natawa siya at inangat ang sariling kamay para hawakan ang kamao ko. Mula sa balikat at inilipat niya ito sa dibdib niya kung saan nakatapat ang sariling puso.

"Pero seryoso.. Wala na rin naman akong balak maghanap dahil may iba nang tinitibok ang puso ko. At gusto kong magsorry dahil ako 'yung unang nagbago." Natigilan ako. "Matagal ng may iba, Agleya. At naiintindihan ko 'yung nararamdaman mo ngayon dahil ayan din 'yung naramdaman ko nung makilala kita."

"Markus.."

"Na-guilty ako.." aniya habang malayo ang tingin. ".. Dahil naniwala ako sa isang babaeng nagpanggap na ikaw noon."

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig pero hindi na nagtanong pa. Mukha kaseng galit siya sa babaeng tinutukoy niya. At kahit hindi niya sabihin ay alam kong iyong taong 'yon ang sinasabi niyang mahal niya.

Bumuntong hininga siya kaya muling napunta ang atensyon ko sa mukha niya. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahinto ang tingin ko sa mga mata niya.

Weird pero parang iba 'yung sinasabi ng mata niya nang mapatingin sa akin. At pamilyar ako sa tingin na 'yon.

"B-Bakit ba parang iba 'yang sinasabi ng mata mo?!" hindi mapigilang singhal ko at kunwareng natawa dahil kinakabahan na talaga ako.

Natigilan siya, at bigla nanamang sumeryoso. "Why?"

Umiwas ako ng tingin, at inambahan siya. "Tigilan mo ako Markus ah?! M-May iba na akong nagugustuhin!"

"Ano naman kung may iba?" biglang salita niya, at namulsa sa harapan ko. "Tao nga nagbabago, 'yung nararamdaman pa kaya?"

"Hindi magbabago 'yung nararamdaman ko sa kanya, Markus Salcedo!" naiinis nang tugon ko.

Ngumisi lang siya sa akin na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko at umiling.

"Let's see babe.. Let's see.." Umuwang ang bibig ko at napalayo sa kanya. "Markus ano ka ba.."

He stared at me.

"I'm sorry, Agleya. Sa totoo lang, 'di ko rin ito inaasahan. Pero anong magagawa ko?"

Sa sinabi niyang 'yon ay napapikit na ako nang mariin. Namuo kaagad ang kompirmasyon sa isipan ko dahilan para pakatitignan ko siya nang imulat ko na ang mga mata ko.

Bakit.. Bakit hindi ko kaagad nahalata ang bagay na ito?!

"Akala ko nang iwanan at saktan ako ni Neya.. Hindi na ako magmamahal pa ng iba. Na kahit nga nagpanggap siyang ikaw at nagsinungaling ay balewala nalang din sa akin. Pero dumating ka ulit.. Bumalik ka.."

"Markus.. Please 'wag na.." Umiling ako dahil ayoko nang marinig pa ang sasabihin niya.

Natawa siya sa pagmamakakaawa ko. "Bakit Agleya? Ako naman talaga 'yung gusto mo noon diba?"

"Oo p-pero noon na 'yon diba? Noon na 'yon.. Mga bata pa tayo 'nun. Hindi ba pwedeng kalimutan mo nalang?" Kahit nagmumukhang walang puso ang mga salita ko ay nagpakatotoo na ako sa kanya.

"Pwede naman.."

"R-Really?" Nakahinga nang maluwag na paninigurado ko. Pero naging malamig lang ang mga mata niya saka walang kabuhay-buhay na nagsalita. "Kaso ayoko.."

Nahihirapang napahilamos ako sa mukha. "Markus naman, eh.."

He sighed, seeing how frustrated I am. "Seriously, Agleya? Why so affected?"

"Kase magkaibigan tayo.." paalala ko sa kanya dahil baka nakakalimutan niya na.

"Is that so?" humalukipkip siya sa akin matapos makita ang pagtango ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang susunod niyang mga salita, "Let's end our friendship then.."

"A-Ano?! Ulitin mo nga 'yang sinabi mo Markus Salcedo!" galit na tugon ko at sinamaan siya ng tingin.

"I said.. Let's stop being friends Agleya Caleigh Trinidad." he decided as he stared at me with his cold eyes.

Kumabog ang dibdib ko at kaagad na nanlabo ang mga mata ko sa narinig.

"G-Ganun ganun nalang 'yon..?" hindi makapaniwalang salita ko.

Tumango siya habang wala nang emosyon pa ang mga mata. "Yes.. Ganun-ganun nalang 'yon, Agleya."

"M-Markus.." tawag ko at napailing. "B-Bakit?"

"Tinatanong mo pa ba 'yan my sweetest?" aniya at lumapit sa akin habang ang kamay ay nasa bulsa.

Automatikong napaatras ako at wala sa sariling tinalikuran na talaga siya.

Hindi niya ako tinawag kaya nakakasigurado akong desidido na siyang putulin ang pagkakaibigan namin dahil sa nararamdaman niya.

Napaluha ako habang tumatakbo paalis sa kanya. Hindi ko kaya 'yung sakit na biglang ibinato niya sa akin.

Masyadong biglaan at hindi ko inaasahan.

Parang kanina lang ay nagkakaintindihan na kami, at magkaibigan pa rin. Pero ngayon ay hindi na.. wala na.

Ikinuyom ko ang kamao.

Ramdam na ramdam ko kung papaano manikip ang dibdib ko sa sobrang emosyong pinipigilan ko mula kanina.

Parang sasabog ang utak ko sa pag-iisip nang mga dahilan kung bakit kami kaagad humantong sa ganito.

Pero kahit na ano pang isipin ko ay wala rin akong napala.. wala pa rin akong nahita.

"Caleigh.." tawag ni Zarleus pagkaraan ng ilang segundo nang makita ako sa harapan ng mini penthouse niya.

Napaiwas ako ng tingin saka pilit na ngumiti sa kanya. "P-pwede bang patuloy muna?"

Tinignan niya lamang ako. Halata ang gulat sa ekspresyon niya pero kalauna'y kinunotan ako ng noo at tumango.

Pagod akong napabuntong hininga sa harapan niya at pumasok na nga.

Naramdaman ko naman ang pag-aalalay niya sa akin habang tinatahak namin ang loob ng penthouse niya.

Pero nagpaubaya nalamang ako dahil parang wala ako sa sarili sa oras na ito. Masyado kong dinama ang friendship over namin ni Markus.

Dahil bukod sa importante at mahalaga na siya sa akin ay siya lang ang nag-iisang kaibigan na tanggap ako.

Na kahit alam niya na ang pinagmulan ko ay hindi niya ako hinusgahan. Ni isang beses nga na pang-iinsulto ay wala akong narinig mula sa kanya.

And realizing how he became part of my life without me knowing it instantly made my heart warmth. At ayaw kong mawala iyon.

Ayokong mawala 'yung lalaking walang ginawa kung hindi tulungan ako at gawan ako ng mabuti sa kahit na ano mang paraan.

"Zarleus.." pagkuha ko sa atensyon niya matapos kong mapatulala sa harapan nang makaupo kami rito sa couch niya.

"Hmm?" aniya at lumapit muli sa akin. Hawak ng kamay niya ang isang mainit na kape. Mukhang pinagtimplahan niya ako kanina habang binibigyan ako ng oras mag-isip.

At nang makaupo na siya sa tabi ko ay sumandal kaagad ako sa balikat niya. Kaagad naman niyang inilagay ang tasa sa side table na nasa kanan namin at marahan akong hinawakan.

"Agleya.." I heard him whispered while caressing my back, cheering me up for something.

Napasinghot naman ako at inuntog ang ulo sa matigas niyang balikat dahil sa namumuong frustration.

"Stay still.. woman," he silently hissed, seeing me hurting myself habang patuloy sa pag-untog sa balikat niya. 

Pero hindi ako nakinig kaya hinawakan na niya ang balikat ko at ipinaangat ako ng tingin sa kanya.

Bumungad naman kaagad sa akin ang hindi maipinta niyang mukha. Pero nang makita niya ang nanlulumo kong ekspresyon ay wala sa oras na nanlambot ito.

Napabuntong hininga siya at, hinawakan ang pulsuhan ko. Matapos iyon ay napaigtad nalamang ako dahil sa bigla niyang pagkabig sa katawan ko.

Pinaupo niya ako sa hita niya! Habang ang braso niya ay mapang-angking nakapulupot sa bewang ko.

"Now.." he wrapped his left arm tighter than earlier while making me face him because he says so. Napalunok naman ako kaya naging dahilan niya iyon para marahang mahawakan ang baba ko. "Now babe, tell me kung anong nangyare kanina sa usapan niyo.."

Sa narinig kong 'yon ay muli kong naalala ang nangyare sa pagitan namin ni Markus at ang ginawa ng lalaking ito kanina.

"Yung pinsan mo asawa ko.."

"Yeah? Anong meron sa kanya?" he said.

Tumalim ang mga mata ko. "Masyadong paladesisyon!"

"What do you mean by that babe?" tila nahihiwagaang salita niya kaya napangawa na ako. "Friendship over na daw kami asawa kooo!"

"W-what?! But why?" Mas lalo kong isinubsob ang mukha sa dibdib niya habang nakakandong pa rin sa hita niya, at nagsabi na ng totoo.

"Paano ba naman.. Mukhang crush pa rin niya 'ko gaya nung mga bata pa tayo!" himutok ko na ikinatahimik niya kalaunan.

L A D Y  M

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...