Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

Av miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... Mer

Disclaimer
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 6

32 6 0
Av miss_reminisce

Kabanata 6




"Eliana pagmasdan mo ang aking bagong ibinurda" tinig ni Binibining Miranda at ipinakita niya sa akin ang ibinurda niyang rosas. Napangiti ako sa kaniyang ibinurda. "Napakaganda Binibini" puri ko. Napangiti siya at nagpatuloy sa pagbuburda.

Kasalukuyan kaming nasa asotea ng mansion. Pagkauwi namin galing sa mansion ng Delos Santos ay dagling pumanhik sa silid si Binibining Miranda, sa kaniya ko na rin ipinaabot ang imbistasyon na binigay sa'min kanina ni Donya Esmeralda bago kami umuwi.

"Aking maalala mamaya ay dadalhin kita sa opisina ni ama." napalingon ako sa kaniya na may halong pangamba at pagtataka. "Ano ang iyong dahilan Binibini?" tanong ko at napatigil siya sandali sa pagbuburda at tumingin sa akin. "Pakikiusapan ko lamang si ama." tugon niya at ibinalik ang tuon sa pagbuburda.

"Ngunit Binibini, marapat niyo ho bang gawin iyon para lamang sa'kin?" nag-aalinlangan kong saad. Napangiti siya at ipinatong ang kaniyang ibinuburda sa lamesa.

"Mapakikiusapan naman si ama, batid kong papayag din siya dahil kilala naman niya ako. Hindi ako makakasama hangga't wala ka," saad niya at ngumiti sa'kin nang matamis.

"At isa pa, nais kong magkaroon ng mabuting ugnayan sa mga Delos Santos kaya inaasahan ko na sa mga ganitong pagtitipon ay doon mas mapapalapit ang loob ko sa kanila." patuloy niya habang nakangiti at nakatingin sa harapan.

Napatango-tango ako. "Mabuti iyan Binibini, masaya ako na nagiging interesado ka na sa mga bagay na hindi mo ginagawa." sagot ko at tumingin na rin sa harapan.

Napatigil kami sa pag-uusap nang bumukas ang kanilang tarangkahan at may pumasok na kalesa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Binibining Miranda at napakibit balikat siya.

"Marahil ay si ama lamang iyan." saad niya.

Napatingin ako sa dalawang kalesa at bumaba ang lulan nito hindi nga siya nagkamali dahil si Don Alonzo nga ito.

"Ama!" masayang saad ni Binibining Miranda at napatayo sa asotea. Napatayo na rin ako nang simulang maglakad papasok sa kanilang bahay si Don Alonzo.

"Ama, may ibabalita ho ako sa inyo mamaya." saad ni Binibining Miranda at umaklay siya sa braso ng kaniyang ama. "Mukhang magandang balita ang iyong sasabihin sa'kin." sagot ng Don.

Napahiwalay sa kaniya si Binibining Miranda at nakangiting bumulong sa kaniyang ama. Umiwas na lang ako ng tingin at pinagmasdan ang ibinuburda niya.

"Ganon ba mabuti iyan anak," sagot ni Don Alonzo. "Mabuti pa ay sabihin mo ang iyong nais sabihin sa'king opisina," saad ng Don at hinalikan ang noo ng kaniyang anak.

"Sige ho ama." tugon niya. Ngumiti ulit ang Don at nabaling ang tingin sa'kin napangiti at napayuko ako kaagad nang magtama ang aming mga mata.

"Hindi mo na kinakailangan gawin ang bagay na iyan Eliana. Kumilos ka ng ayon sa ikinililos din namin." saad niya dahilan upang matulala ako sa kaniya hanggang sa naglakad ito papasok sa kanilang sala.

Sa sandaling ibubuka ko ang aking labi ay hindi ko na nagawa dahil sa hindi maipaliwanag na sinambit ng Don.






"TOTOO ba na may magaganap na pagdiriwang bukas sa Delos Santos. Narinig ko iyon sa pamilihan kanina" tanong ni Manang Linda. Napalingon kami ni Manang Lita sa kaniya samantala patuloy lamang sa pagbabalat ng sibuyas si Rosa. Napatang ako.

"Totoo nga po iyon Manang Linda," tugon ko at kinuha niya ang isang upo at ito'y kaniyang binalatan. "Kung gayo'y imbitado rin sina Don Alonzo at Donya Flora," patuloy niya habang nakatuon ang mga mata sa kaniyang binabalatan.

"Sigurado na sila ay imbitado dahil lubusang kapanalig ni Don Alonzo si Mayor Roman," singit naman ni Manang Lita. Napatango-tango na lamang ako habang patuloy na nakikinitg sa kanilang usapan.

"Ikaw ba Eliana ay kanilang isasama sa pagdiriwang?" napatingin ako sa kaniya nang tanungin niya ako. Sandali akong napaisip sa tanong ni Manang Lita naalala ko na ipapakiusap ako ni Binibining Miranda na sumama sa kaniya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin naman siyang nababanggit sa'kin.

Napakibit-balikat ako "Sa palagay ko po ay hindi.." tugon ko at narinig ko ang biglaang pagsinghal ni Rosa.

"Nakatitiyak naman na walang lugar ang mga katulad nating katulong sa pagdiriwang dahil sino ba naman tayo?" wika niya habang hindi tumitingin sa'min. Napatitig na lamang ako sa kaniya dahil batid ko ang pagkasarkastiko sa kaniyang tinig.

Sinagi ni Manang Linda ang kamay ni Rosa. "Ayusin mo nga ang iyong pananalita at baka may makarinig sa'yo," saad niya.

Napahinga nang malalim si Rosa "Ina? masama bang sabihin kung ano ang totoo?" giit niya. Napailing na lamang si Manang Lita. "Magsitigil na nga kayong dalawa. Bilisan na natin at makapagsimula na tayo sa pagluluto," usisa ni Manang Lita at napatayo ito sa silya at nagtungo sa pugon.

Nang ibinaling ko ang tingin kay Rosa ay nagulat ako nang bigla itong umirap at tumayo na lang bigla. Napabalik ang tingin ko sa harap nang hawakan ni Manang Linda ang kamay ko.

"Iyo na lamang pagpasensiyahan ang aking anak" paumanhing sambit niya. Napangiti ako, "Ayos lamang po wala po kayong dapat ipag-alala, hindi naman ho ako naapektuhan sa mga sinabi ni Rosa," sambit ko habang nakasilay ang ngiti sa aking labi.

Aking nauunawaan ang mga sinambit kanina ni Rosa sapagkat tama naman ang kaniyang mga tinuran. Wala naman akong dapat ikagalit o ikahiya dahil lang sa ako'y personal na soltera ni Binibining Miranda.

"Huwag mo na lamang dibdibin ang mga sinambit sa iyo ni Rosa, marahil ay nasasaktan lamang siya kung paano tayo ituring nang karamihan," saad niyang muli at ngumiti nang mapait sa'kin.

"O siya, tulungan ko lang si Ate Lita," saad niya at napatayo upang magtungo kay Manang Lita. Napatayo na rin ako sa silya at dinampot ang mga pinagbalatan ng gulay. Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang marinig namin ang tinig ni Binibining Miranda.

"Eliana ikaw pala ay narito!" sambit niya. "Magandang araw Binibini" bati sa kaniya ni Manang Lita at Linda.

"Magandang araw rin po sa inyo maaari ko po bang makausap si Eliana?" pakiusap niya. "Oo naman walang problema", sambit ni Manang Lita bahgo napatingin sa akin. "Maraming Salamat po" tugon ni Binibining Miranda.

Napangiti ako kay Manang Lita bago kami lumisan ni Binibining Miranda sa kusina nagtungo kami sa kaniyang silid. At agad na nagtungo sa kaniyang lamesa malapit sa malaki nitong bintana at kinuha ang isang kapirasong papel.

"Eliana, sa iyo ko lamang sasabihin ang bagay na ito" panimula niya at nakatingin lamang sa akin. "Ano po ba iyon Binibini?" taka kong tanong. Napangiti muli ito bago tumugon.

"Kahapon nang aking makita si Ginoong Samuel ay may kakaiba akong naramdaman" panimula niya habang nakangiti sa kawalan. "Siya'y tunay na maginoo at kaibig-ibig, ako'y nabighani sa kaniya Eliana!" patuloy niya habang dahan-dahang naglalakad sa kaniyang silid.

"Ibig niyo po bang sabihin Binibini ay kayo ay may lihim nang pagtingin kay Ginoong Samuel? Hindi ba't matagal na kayong may lihim na pagtingin sa kaniya?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya sa kaniyang dahan-dahang paglalakad. Nahihiya siyang napatango siya sa akin "Oo nga ngunit iba na ngayon at isa pa m-masyado na bang halata ang may nararamdaman ako sa kaniya Eliana?" pag-amin niya.

"W-wala namang masama kung ika'y may nararamdaman na kay Ginoong Samuel Binibini, totoo na kapag pumasok ka na sa pag-ibig ay mahirap na itong ikaila," wika ko at ngumiti sa kaniya.

Napangiti na lamang siya sa sinambit ko at batid kong ang bagay na ito ay akin na ring inaasahan. Hindi ako nakaramdam ng gulat sa kaniyang sinabi sapagkat madali lamang basahin ang kaniyang nararamdaman.

"Ngayon ay mas interesado na akong makilala siya," sambit niyang muli at naupo sa kaniyang katre. Sandali itong napatigil at ipinikit ang mga mata habang ang ngiti nito'y mas lalong lumalawak.

"Makilala siya nang higit at alamin ang mga bagay na nais niya at kinahihiligan niyang gawin." patuloy niya. Napaupo ako sa kaniyang katre at napatingin sa kaniya "Nararamdaman ko na ikaw ay masaya Binibini.." sambit ko at ngumiti nang masilay. Ito'y napatingin sa akin at tumawa nang mahinahin

"Ako'y lubusan ngang masaya Eliana! siya ang matagal ko nang naiibigan noon pa man at hindi ko akalaing makakausap ko siya nang malapitan kahapon," paliwanag niya habang ang kaniyang ngiti'y abot hanggang langit.

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya at napangiti nang palihim. Marahil ay hindi malabong magkamabutihan silang dalawa ni Ginoong Samuel. Magkapanalig ang kanilang mga pamilya at isa pa parehas sila ng antas na kinabibilangan.


"Eliana maaari ba akong makahingi ng pabor sa iyo?" napabalik ang tingin ko sa kaniya nang magsalita ulit siya. Napatango ako "Oo naman binibini kahit ano" sambit ko. Napangiti muli ito at hinawakan ang aking kamay.

"Maaari bang ikaw ang magbigay nito kay Ginoong Samuel" sambit niya at binigay sa akin ang kapirasong papel na sa tingin ko'y isa itong liham.

"Iyan ay aking sulat para kay Ginoong Samuel" saad niya at nagtataka kong inabot ang liham mula sa kaniya. "Ngunit Binibini, hindi ba't mas maganda kung kayo mismo ang magbigay nito sa kani-"

"Hindi ko kaya Eliana, makaharap ko lamang siya tila tumitiklop na ako," putol niya sa'kin at napahinga nang malalim. "Marahil ay mag-iipon lamang ako nang sapat na lakas ng loob bago ko siya muling makausap," saad niya at napatingin sa'kin.

Napahinga ako nang malalim at napangiti sa kaniya. "M-makakaasa ka Binibini na ito'y makararating kay Ginoong Samuel" wika ko. Napangiti muli siya nang malapad at hinagkan ako nang bahagya.

"Maraming Salamat Eliana, ikaw ang aking magiging tulay kay Ginoong Samuel!" nagagalak na saad niya. Hinagkan ko rin sia pabalik at tinapik ang kaniyang likuran hindi ko akalaing magiging mensahera ako para sa kanilang dalawa.








KINABUKASAN, maagang umalis sina Donya Flora at Binibining Miranda ayon sa sinabi sa akin ni Binibining Miranda sila ay tutungo sa pamilihan upang bumili ng maaaring ihandog sa mga Delos Santos mamayang gabi.

Nakapagpalit na rin ako ng aking damit at kasalukuyang nakasakay sa kalesa. Bago tuluyang umalis kanina si Binibining Miranda ay muli niyang ibinilin sa'kin ang liham na iaapaabot ko kay Ginoong Samuel.

Napatingin ako sa liham na nais ibigay ni Binibining Miranda, magaspang ang papel nito at may tuyo pang talutot ng rosas ang nakalagay sa harapan. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ko maibibigay ang liham na ito kay Ginoong Samuel nang walang iniisip na iba ang mga taong maaaring makakita.

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa sandalan ng kalesa. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung paano ko ito maibibigay kay Ginoong Samuel, dahil kapag binigay ko ito nang personal sa kaniya ay maaaring iba ang magiging pahiwatig nito.


Napatigil ako sa pag-iisip at lumiwanag ang aking isipan nang makita kong pumasok sa silid-aklatan si Binibining Solana, sa panahong ito ay isa lamang ang pumasok sa'kin isipan siya ang nakikita kong paraan para maiparating ang sulat na ito sa kaniya.


"Dito na po ako!" sambit ko sa kutsero at ako'y nagbigay ng bayad. Hinawakan ko ang kahabaan ng aking saya at dagling pumasok sa pamilihan ng aklat.


Nang ako'y makapasok sa akalatan ay aking agarang hinanap si Binibining Solana at luminga-linga sa paligid umaasang siya'y aking masisilayan. Patuloy akong naglakad sa gitnang bahagi ng aklatan at natanaw ko siya mula sa di kalayuan.


"Binibining Solana!" sigaw ko. Napalingon ito agad sa akin at bahagyang napangiti, naglakad ito papalapit sa akin. "Binibining Eliana tayo ay muling nagkita!" saad niya. "Sa katunaya'y ikaw ay aking hinahanap" sambit ko habang hinahabol ang aking paghinga. Kumunot ang kaniyang noo "Bakit ako'y iyong hinahanap Binibini? ikaw ba ay may nais sabihin sa akin?" Tanong niya.


"Ako'y may nais ibigay sa iyo" sambit ko at ibinigay sa kaniya ang liham ni Binibining Miranda "Maaari mo ba itong ibigay kay Ginoong Samuel sulat it----"

"Binibining Solana akin na pong nahanap ang iyong pinapahanap na libro" napalingon kami sa tinig ng isang soltera na kasama ni Solana. Napatango si Solana sa kaniya at humarap muli sa akin "Mabuti pa Binibining Eliana ikaw na lamang ang magbigay nito sa aking Kuya sila'y patungo na rin dito ni Kuya David" sambit niya habang nakangiti.

"Maaari bang ikaw na lamang?" muli kong tanong. Palihim siyang napangiti "Mas matutuwa ang aking Kuya kung ikaw ang magbibigay niyan para sa kaniya," sambit niya at sabay taas ng kaniyang abaniko sa kalahati ng kaniyang mukha. Napailing ako " Ngunit Binibini-"


"Maiwan na muna kita rito Binibining Eliana, iyo na lamang hintayin ang aking Kuya Samuel" saad niya at ako'y kaniyang nginitian nang napakatamis.


Napakagat ako sa aking labi at napabuntong hininga, ang batid niya siguro na ang liham na ito ay aking sulat para sa kaniyang kuya Samuel. Wala na lamang akong nagawa kundi hintayin si Ginoong Samuel dito sa aklatan.

Nilibot ko na lamang ang bawat hanay ng mga libro at isa-isa itong tinignan. Kailangan kong maipaabot ang liham ni Binibining Miranda kay Ginoong Samuel sapagkat ako'y nangako sa kaniya.

Napatigil ang aking tingin sa isang libro, ito'y kaparehas ng librong ibinigay sa akin ni Donya Esmeralda. Hinawakan ko ito at binuklat ang pahina, kaparehas nga nito ang librong ibinigay niya sa akin. Hindi ko mawari kung bakit may kopya ang aklatan nito ngunit sa tingin ko'y dito rin ito nabili ni Donya Esmeralda.

"Maganda ang librong iyan Binibini," nabitawan ko ang librong hawak ko at nahulog ito sa sahig dahil sa pamilyar na tinig. Agad akong yumuko upang pulutin ito subalit bago ko pa man ito mapulot ay may nauna nang nakapulot nito sa akin.

Muntikan ko pang masagi ang kaniyang kamay nang ito'y tumayo at agad din nitong binigay sa akin ang libro. Ngayon ko lamang napagtanto na ang nagmamay-ari sa pamilyar na tinig na iyon ay si Ginoong Samuel.

Napapatitig ako saglit sa kaniya ang aliwalas ng kaniyang mukha at medyo basa pa ang buhok niya. Kakaiba rin ang tindig niya dahil sa suot niyang puting damit na hindi kahabaan ang manggas at itim na pang-ibaba.

"Ako raw ay iyong hinahanap ayon sa sinambit ng aking kapatid" wika niya dahilan upang mapaiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang mga libro katabi ko. Hindi ko na rin mawari kung ano ang aking unang gagawin.

"M-magandang araw Ginoo.." bati ko at ibinalik ang librong aking kinuha sa lalagyanan nito, habang hindi nakatingin sa kaniya. Napangiti siya "Magandang araw din sa iyo, Binibining Eliana," tugon niya habang nakatingin sa'kin.

Napahinga ako nang malalim hindi ko alam kung bakit naiilang akong balingan siya ng tingin gayong dapat ay hindi naman.

"Ayos ka lamang ba Binibini?" muli niyang tanong at isinandal ang likod niya sa mga lagayanan ng libro. Nang ako'y sumulyap sa kaniya ay agad na nagtama ang aming mga mata at ang labi nito'y bahagyang nakauwang.

"Ayos lamang po ako Ginoo ako lamang po'y nagulat sa inyong presensiya..." sambit ko. "Ito'y ikaanim na nating pagkikita ngunit ikaw ay nagugulat pa rin sa aking presensiya" tugon niya at napatawa nang mahina.


Napalunok ako, Ito'y ikaanim na naming pagkikita? sandali kong inaalala ang mga pagkakataong nagtama ang aming landas. At limang beses lamang ang aking nabilang .


Napahinga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. Nasa harapan na ngayon ang tingin niya. "Nagugulat pa rin ako sa inyo Ginoo dahil basta-basta na lang din kayong nagpapakita. At isa pa batid naman ho nating hindi kaayang-ayang tignan na nag-uusap tayong dalawa," wika ko at ngumiti nang tipid.

Lumingon siya sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Nakalimutan mo na bang Binibinini, na nais mo akong kausapin?" saad niya dahilan upang mapapikit ako nang mariin.

Umalis na siya ngayon sa pagkakasandal ng libro at parehas na ngayon kaming nakatingin sa mga libro. "Ano ba ang nais mong ipabatid sa'kin binibini, mas lalong tumatagal ang ating pagsasama kung hindi mo pa rin ito magagawang sabihin sa-"

Napalunok ako at humarap sa kaniya at ibinigay sa kaniyang harapan ang liham na ipinabibigay ni Binibining Miranda. Napatingin siya sa'kin at sa liham na inabot ko sa harapan niya. Nakakunot ang noo niya nang una ko siyang nakita ngunit ilang segundo lang ay napangiti siya.

Napahinga ako nang malalim bago nagsalita
"I-yan po Ginoo ay pinapaabot ni Binibining Miranda" huling sambit ko bago ako naglakad palabas sa aklatan. Malalaking hakbang ang aking ginawa upang tuluyang makaalis.

Nang ako'y makalayo nang kaunti ay napalingon ako sa kaniyang kinalalagyan nawala ang ngiti niya kanina sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang liham na nasa kaniyang kamay. Napaiwas ako nang tingin ng sandaling nagtama ang aming mga mata at nagmamadaling umalis.







Nagmamadali,
Eliana

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

11K 1.1K 56
What if you changed the man who was so cold -hearted? | TAGLISH | "A lot has changed in him and he has also learned a lot from her since he met her."...
24.6K 857 46
Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl everyone envies and wants to be, she remain...