(R-18)A TASTE OF BEBENGKA

By KeichiYeol

57K 2.2K 435

*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GRO... More

PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32

CHAPTER 1

5.3K 150 36
By KeichiYeol

10 YEARS LATER...

("Wow, ang galing. Napaka ganda ng pagka disenyo sa higanteng cake na ito. As expected from the young and handsome professional chef ng isa sa pinaka sikat na Cake Industry sa ibang bansa at pati na rin dito sa pilipinas.") TV VARIETY SHOW

"Hanggang ngayon hindi parin nila pinapakita sa tv ang mukha ng taong yon."Nadismaya na ani lola habang namimitas ng malunggay sa palanggana na nasa harapan nito at ang kanyang atensyon ay sa telebisyon natuon."Inaabangan ko pa naman palagi ang palabas na ito dahil sa gusto kong makita ang gumagawa ng cake na yon pero wala parin."

Napapangiti nalang ako sa inasal ng aking mahal na lola. Di na bago sa'kin na ganyan maging reaksyon niya sa pinapanood nito.

Paano ba naman kasi ganyan nalang palagi palabas nila, ilalabas ang bagong hitsura at desensyo ng cakes pero ni minsan hindi pa nila pinapakilala ang gumagawa ng cake na yon.

Masyadong special ang taong yon para patagalin ang pagpapakilala sa kanya sa mga viewers nila.

"Baka ayaw lang magpakita sa tv ng taong yon la."Saad ko nalang.

Napapailing nalang siya at talagang dismayado.

Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Inihahanda ko lang itong mga bibingka na ginawa ko para ihatid sa maliit naming store na nasa first floor lang naman nitong maliit na apartment na tinitirhan namin.

"Finally tapos na. La, baba na ako ah para dalhin at ayusin tong mga bibingka sa store natin."Agaw pansin ko kay lola na panay lang sa panonood ng tv.

Lumingon siya sa akin at pinilit tumayo para lumapit sa gawi ko. Nakatungkod nalang ngaun ang lola ko dahil na rin sa katandaan. Pero malakas parin naman siya, yun lang nakatungkod nalang siya.

"Kaya mo ba lahat yan? Ang bigat niyan apo. Nasaan pala si Brando?"Ani lola.

"Parating na din yon La, may pinuntahan lang ata siya."Tumayo nako at inayos malaking basket na puno ng bibingka.

"Aba'y kanina pa siya dapat nandito para tulungan ka."Di parin mapakali na ani lola.

Nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang taong kanina pa hinahanap ni lola.

Hinihingal itong pumasok sa loob at halatang sa hagdan nanaman ito dumaan at hindi sa elevator. Like usual gawain na niya yan para daw pagpawisan siya palagi.

Ewan ko ba sa trip ng isang 'toh.

"O, heto na pala siya."Saad ko.

"Saan kaba galing bata ka? At bakit ngayon kalang?"Sunod-sunod na tanong sa kanya ni lola.

"Lolabels naman, saka niyo nalang ako sermonan ah. Huh grabing pawis ko, ang sarap sa pakiramdam."Bagsak siyang naupo sa sahig at panay parin ang paghingal nito.

Kinaltusan siya ni lola sa ulo dahilan para mapadaing ito.

Heto nanaman sila, wala talagang umaga na hindi ito nangyayari sa dalawang ito.

"Lolabels naman masakit yan, nababawasan tuloy ang beauty ko."Maarting saad pa nito."Aaaaray."

Muli siyang napadaing pero this time napatili na siya dahil sa kurot ni lola sa tainga nito.

Ako naman natatawa nalang.

"Oy Brando umayos ka ah, tigilan mo nga yang pagtitili mo. Daig mo pa ang babae. Pati yang klase ng pagsasalita mo ayusin mo. Kalalaki mong tao..."

Hindi na pinatapos ni Brando ang iba pang sasabihin ni lola nang maarte itong humarap kay lola na nakapamewang pa.

"Lolabels naman, sirang-sira na nga beauty ko tapos pati pangalan ko sisirain niyo din. Lolabels, Brenda...it's Brenda at hindi Brando...iww charot lang! Brenda lolabels! Brenda. Okay?"Pagtatama nito sa kanyang pangalan at panay ang suklay niya sa kanyang medyo mahabang buhok at bawat suklay nito sa kanyang buhok gamit ang mga mapilantik nyang daliri ay syang pag-ikot ng bilog mata nito sa kaartehan.

"Sus ginoo kang bata ka!"

Lalong nainis si lola sa pinapakitang kaartehan ni Brando kaya hinampas niya ito ng tungkod niya dahilan para mapalundag si Brando.

Iniwan ko nalang sila dahil asar na talaga si lola kay Brando pero ang shunga tuwang-tuwa pa pag nakikitang naaasar nito si lola.

"Lola alis nako ah, balikan ko nalang kayo mamaya."Tawag pansin ko kay lola na panay lang ang ginagawang paghampas kay Brenda este Brando na panay din ang iwas. "Uy Brando dalhin mo ang isang basket dyan ah. Sumunod kalang."Baling ko naman kay Brando.

Nagulat nalang ako ng nag dash na itong lumabas matapos niyang madampot ng ganun kabilis ang basket.

"Gaga, wag mo akong iwan. Baka mapatay pako ni lolabels eh."Parang bulate sa pagtakbo na saad nito palapit sakin.

Muntik pa siya maabutan ng tungkod ni lola. Pero nagsawa din si lola kakahampas at napahawak nalang sa likod nito.

"Lagot ka sakin bata ka, sa susunod pipilayan na talaga kita."Naubusan na lakas na ani lola kay Brando.

"Naku ang lolabels ko mahal talaga niya ako, i labyutoo lolabels. Babye mwaaah."Malambing at maarte na ani Brando kay lola na may kasama pang flying kiss.

Sa inis ni lola isinara na nito ang pinto."Babalik rayuma ko sa'yong bata ka."

Napailing nalang akong lumingon kay Brando na panay lang tawa dahil asar na asar sa kanya si lola.

"Hot temper talaga ni lolabels sakin kahit kailan, charot."Anito.

"Kung hindi ka ba naman kasi loko-loko eh."Turan ko nalang.

"Eh paano naman gurl, ipinagdidiinan niya ang pangalang Brando, eh hindi naman yon bagay sa'kin. Nasisira beauty ko, mas bagay parin sa'kin ang BREN-DA."NAG ALA MODEL PA ANG SHUNGA sa hagdan habang pinagmamalaki nito ang pangalang Brenda.

Napapailing nalang ako at the same napapangiti rin dahil sa kalokohan niya.

"Honestly, lola is right. At hindi mo na mababago ang katotohanan na may bayag ka dai."Pang-aasar na saad ko.

Mas tumulis pa ang nguso nito but he just roll his eyes at me."Duh, whatever. Anyway, this is who i am."

Siniko ng pabiro ang braso nito sabay sabing..."As long as your happy, dai."I wink at him.

Sumigla ang mukha nito sa sinabi ko and he hug me tight."I have no one else i can trust but you, my dear cousin."

"Asus, nang uto pa. Ahahaha"Natatawang tugon ko at nahawa siya sa tawa ko kaya nagtawanan nalang kami.

Brando is my cousin, anak siya ng tita ko na bunsong anak ni lola. Halos magka edad lang kami. Pero ulila na siya sa magulang kaya sa amin na siya nakatira simula nung makalipat kami dito sa bago naming bahay.

Noon pa man mga bata pa kami halata ko na talaga na binabae ang taong ito dahil sa mga kilos niya. Pero kahit ganyan siya hindi mo mahahalata dahil maganda at malaki pangangatawan niya. Maikukumpara ko siya kay Gerald Anderson sa ganda ng katawan nito, ngunit babae lang talaga ang puso niya.

Nangungupahan lang naman kami sa apartment na ito na pagmamay-ari ng apo ni lola Reposa.

Buti mabait ang apo niya at pinayagan kaming manirahan dito at magtayo ng maliit na store sa first floor. Malaking tulong din yon sa aming pang-araw-araw na pamumuhay.

At malaki din naitutulong nitong pinsan kong binabae dahil magaling siya mag entertain ng customers. Siya na din kasi halos ang nagbabantay ng store namin kapag nasa school ako.

Nag-aaral din siya pero tumigil ito sa kadahilanang mas gusto daw niya mag-aral ng dress making dahil mas comfortable siyang gawin yon.

Masasabi kong talented talaga siya pagdating sa paggawa ng mga dress.

Pero sa ngayon gusto muna niya kaming tulungan sa aming maliit na negosyo.

Kahit papano naman malaki din kinikita namin dahil hindi lang naman bibingka ang binibenta namin kundi nagbebenta din kami ng mga pandesal.

Pero mas mabenta ang bibingka na gawa ko, hindi ko nga alam bakit gustong-gusto ng mga customers ang bibingka na gawa ko eh.

Pagbaba namin sa first floor ay may mga naabutan na kaming iilang customers na naghihintay sa labas.

Inayos na namin ang lahat ng dapat ayusin. Nang matapos na ang lahat ay saka kami nagbukas ng store at dagsaan naman ang aming customers na pumasok sa loob.

May mga mesa at upuan sa bawat sulok ng store na para ding restaurant ang style. Kasi pwede sila dito kumain or magkape, dinagdag na din namin yun sa aming menu.

At patok na patok naman sa lahat. Halos dito rin nakatira sa apartment ang mga customers namin. Ang iba ay sa kabilang apartment nakatira.

Nang masiguro kong ayus na ang lahat ay lumiko naman ako sa loob ng isang hallway papasok sa isang malaking kwarto kung saan naroon ang isa sa napaka importanteng tao sa buhay ko.

Napansin kong wala siya sa room niya. Kaya agad akong lumiko sa kusina kung saan may pinto doon palabas ng backyard.

At paglabas ko ay agad kong nasilayan ang likod niya, napangiti akong nakamasid sa kanya.

Nakaupo lang siya sa wheelchair dahil sa hindi pa niya kayang tumayo. Pero nagagawa na niyang igalaw ang kanyang mga kamay.

Pansin kong abala siya sa pagdidilig ng mga halaman gamit ang hoss.

Masigla akong lumapit sa kanya para batiin ng magandang-umaga.

"Goodmorning kuya, wow mukang nag-eenjoy ang kuya ko sa pagdidilig ah."Masayang bungad ko sa kanya.

Hindi parin niya magawang magsalita ngayon pero alam ko naiintindihan niya ako kapag kinakausap ko siya.

Deretcho lang siyang nakatitig sa halaman na dinidiligan niya pero alam ko kung nakakapag salita lang siya ay babatiin din niya ako ng may masiglang mukha.

Niyakap ko siya at hinagkan sa noo. Minsan kahit nalulungkot ako sa kalagayan niya ay hindi ko iyon pinapakita sa kanya dahil ayokong isipin niyang naaawa ako sa kanya.

Gusto ko lagi niyang nakikita sa amin na andito lang kami para sa kanya kahit anong mangyari.

Isa sa rason kung bakit ako nag-aaral ng mabuti ay para makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho.

Para nang saganon makakaipon nako para maipagamot siya nang tuluyan na siyang gagaling.

Dahil sa totoo lang, namimis kona ang boses ng kuya ko. Sa edad namin na ito ay hangad ko parin talaga na marinig ang boses niya lalo na ngayong nasa wastong edad na siya.

"Halika kuya, pasok tayo sa loob ng makapag almusal. Alam ko gutom kana, tara na."Maingat kong itinulak paharap ang wellchair at pumasok na kami sa loob habang tulak-tulak ko siya sakay ng wellchair.

Nang makahanda na lahat para sa almusal namin ay pinuntahan ko naman si lola sa taas para sunduin pababa. Dahil kailangan sabay-sabay kaming kumain lalo na sa agahan.

Hindi parin maiwasan hindi magbangayan at magkulitan si lola at Brando, sanay naman kami ni kuya sa ganun. Araw-araw nalang ganun sila.

Umalis na din ako matapos namin makapag agahan para pumasok sa school.

***

NAGMAMADALI akong sumakay ng bisekleta para makahabol pa ako ng masakyan na bus papuntang university.

Ngunit napahinto ako nang makitang may dalawang mag-asawang matanda pilit inaabot ang basurahan.

Dahil siguro sa katandaan at mahina na sila kaya kahit pag abot sa basurahan ay hirap sila.

Akma akong liliko doon para tulungan sila, ngunit may isang lalake ang kusang tumulong sa kanila.

Nakasuot siya ng uniporme na para sa mga naglilinis ng high way. Kaya naisip ko na napaka sipag ng lalakeng yon at matulungin pa.

Nakita kong inabutan niya ng pagkain at pera yung matandang mag-asawa. Nag-eenjoy akong pagmasdan ang kabutihang ginawa niya.

"Salamat hijo, napaka laki nitong pera. Sobra naman ata ito hijo"Dinig kong saad nung matandang lalake.

"It's okay grandpa, just take it."Tugon nung lalake.

Mukang naintindihan naman nung dalawa ang sinabi ng lalake kaya di na sila nagpumilit na tanggihan ang tulong ng lalake.

Hindi inalis ng lalake ng tingin sa dalawa hanggat hindi ito nakapasok sa kanilang tahanan.

Nakita ko ang saya sa expression ng lalake ng masiguro nitong safe na ang dawalang matanda.

Ako naman ay napangiti sa tuwa dahil may mga katulad parin pala talaga nila dito sa mundo. Na kahit kapos din sila sa buhay ay nagagawa parin nilang tumulong sa kapwa mahirap.

Ang bait ng taong yon. Sana dumami pa ang kagaya niya.

***

TAPOS na ang first class namin sa English lecture for this morning. Kaya naisipan kong pumunta sa cafeteria para kumain, nagkataon naman na nakasalubong ko ang dalawa kong kaibigan.

Magkaiba kami ng schedule sa class kaya hindi kami magkasamang tatlo.

"Uy Chi, kanina kapa namin hinihintay ah. Bakit ang tagal mo, gutom na kami."Nakabusangot na salubong sakin nitong si Rafaela.

"Naku gutom kapa sa lagay na yan, eh kanina kapa lamon ng lamon ah."Kantyaw naman sa kanya nitong si Joly na may bitbit na makakapal na libro.

Sila ang mga matalik kong kaibigan simula high school hanggang ngayon. Talagang hindi kami pinaghihiwalay ng tadhana.

Rafaela, siya ay malaking babae na mababa ang buhok at sobrang taba. Kaya madaling magutom dahil lamon ng lamon.

Si Joly naman, siya lang naman ang smart kid sa aming tatlo. Sa kapal at dami ba naman ng mga aklat na dala-dala niya saan man kami mapunta.

She's kinda cute, not tall but not small either. Basta cute siya at malakas ang aura pero yun lang may pagka Nerd siya. Dahil sa laki ng eyeglasses na suot niya.

Pero kahit ganyan sila, hindi ko yan sila kayang ipagpalit sa kahit na sino lang dyan.

Napangiti nalang ako sa bangayan nila. Natatawa ako sa isiping nagbabangayan din ang dalawang taong naiwan ko sa bahay, tapos pati dito sa school ay itong dalawa naman na ito ang nagbabangayan.

Haaayyy nalang!

"Sorry girls, matagal kasi natapos ang lecture ko kanina eh. So tara na, pasok na tayo nang makakain. Gutom na din ako."Saad ko sa kanila.

Natuwa naman si Rafaela nang yayain kona silang pumasok sa cafeteria. Kilala ko ang dalawang ito, hindi yan sila papasok sa cafeteria ng wala ako.

One of the reason ay dahil...

Sa loob ng cafeteria

Magulo

As in sobrang magulo.

Dahil sa dami ng college students na nagkalat sa bawat sulok nito.

Umupo na kami sa isang bilog na mesa na para lang sa aming tatlo malapit sa counter area. Talagang nakareserba yan para samin at walang pwedeng umupo dun maliban saming tatlo.

Namalayan ko nalang na nasa cashier na si Rafaela para umorder ng kakainin namin.

"Chi, narinig mo naba ang kwento?"Pabulong na saad ni Joly sa akin.

Nangunot nalang noo ko sa sinabi niya."Marites issue nanaman ba yan Joly?"Walang gana na tugon ko.

"Ano interesado kabang malaman or hindi? Yes or No lang naman."Tugon niya na kunwari nagbabasa ng aklat nito.

Ano naman kaya ang issue ngaun at si Joly pa mismo ang unang magsasabi nun sakin. Eh hindi naman nito ugali mangialam sa buhay ng iba.

"O sige, ano ba yon?"Kunwari interesado ako.

Pero ang totoo nyan wala naman talaga akong paki sa mga issues dito sa school eh.

"Ang sabi nila, magpapatayo ng archery room don malapit sa tambayan natin. Sa likod ng clinic room."Seryosong bulong niya.

Umangat ang kilay ko sa mga sinabi niya.

Pero hindi nalang ako nagsalita at umaktong walang pakialam.

Actually nagulat din ako, kasi special spot area namin yun ng mga kaibigan ko. Madalas dun kami tumatambay dahil maganda at masarap ang view ng nature don.

Umangat ng titig sakin si Joly ng mapansin niyang wala lang sakin ang kunukwento nito.

"Well, bakit pa ako nagsasayang ng laway eh hindi ka naman pala nakikinig. Minus points, tsk."Naiiling na saad niya saka mas tinuon nalang ang atensyon sa aklat nito.

Ako naman ay palihim na napapaisip sa mga sinabi niya. Kung totoo man yon, wala kaming magagawa.

Prente lang kaming nakaupo nang matingala namin si Rafaela na nasa gilid na pala ng mesa namin. Isa-isa nitong inilapag sa mesa ang aming pagkain.

Malapad na ngiti siyang tumingin sa amin at halata talagang kanina pa siya natatakam sa mga pagkain.

"Let's eat na gurls. There's a lot to eat. Eat a lot."Masayang anunsyo pa niya.

"Sure kaba mabubusog ka nyan?"Pamimikon ni Joly na aniya.

Inungusan lang siya ni Rafaela at sabay dampot sa isang burger na nasa plate ni Joly.

"Sige mang-asar kapa at uubusin ko yang pagkain mo."Napipikon na ani Rafaela.

Hindi na nagsalita si Joly sabay hila nito sa plato niya palayo kay Rafaela.

Hahaha.

Natatawa nalang ako sa dalawang ito.

Magsisimula na rin sana kaming kumain ng biglang nagkagulo sa labas ng cafeteria.

Sa curiousity ng lahat ay nagsipag labasan ang mga ito upang maki usisa sa kung anong mga kaganapan sa labas.

Akmang tatayo si Joly at gusto pa ata makisali sa mga marites na nasa labas.

"Kapag iniwan mo yang pagkain mo, asahan mo wala ka nang babalikan."Panay subo ng french fries na banta ni Rafaela kay Joly.

Bagsak na napabalik upo naman si Joly at itinago ang french fries nito upang di maagaw ni Rafaela.

"Takaw mo talaga Rafa, tsk."Naaasar na ani Joly.

Nginisian nalang siya ni Rafaela.

Hindi na ako umiimik nang biglang dukutin ni Rafaela ang drinks ko at kanya itong nilahok.

Napatunganga nalang ako at napapailing.

Hahaha Rafaela talaga.

Sanay naman ako, di na bago yan sakin.

Booggggsss,

Sabay kaming napalingon sa labas ng may parang bumagsak ng napaka lakas.

Kaya dali-dali kaming napatayo at tumakbo palabas para alamin kong ano naba nangyayari.

"Uy sandali, hintayin niyo ako gurls. Chi, ang bag mo. Ahhhray."Nalingon ko pa si Rafaela na nakabangga ng upuan at kamuntikan pa siyang madapa habang yakap nito ang ang backpack ko.

Binalikan pa namin siya ni Joly.

"Kaya paba Rafa?"Mapang asar na saad ni Joly."Sama ka sa'kin bukas ah."Dagdag niya pang aniya.

"Okay kana Rafa? Nasugatan kaba?"Sinuri ko ang kabuuan niya para masigurong ayos lang siya.

And thank god, okay naman siya.

"Okay na Chi, pasensya na ah. Pero okay nako."Masiglang tugon niya na ikinatuwa ko naman.

"Narinig mo ba ako Rafa?!" Nakabusangot na hinarangan ni Joly si Rafa.

"A-ano ba kasi yon?"Nangunot ang noo niya.

"Sabi ko, sama ka sakin bukas."Joly

"Hah? Saan tayo pupunta?"Rafaela.

"Sa amin, sa bundok."Ani Joly.

Nagtaka naman kami ni Rafaela sa sinabi ni Joly.

"Bakit? Anong gagawin natin dun sa inyo?Ako lang ba? Paano si Chi?"Rafaela.

"Malamang ikaw lang! kasi tatakbo tayo dun sa mataas na bundok. Para mabawasan yang taba mo, wag mo mamasamain ah kasi as a friend concern lang ako sayo."Seryosong ani Joly.

Biglang di maipinta ang ekspresyon ni Rafa sa kanyang narinig.

"AYOKO!!!"Pagalit na tugon ni Rafaela.

"Pero Rafa..."Akmang hahawakan niya si Rafaela ngunit padabog na itong naglakad palabas.

Halata talaga na hindi siya sang-ayon sa suggest ni Joly.

"Mukang wrong timing ka Joly."Baling ko sa kanya.

"Concern lang naman ako sa kalusugan niya Chi. Look at her, over weight na talaga siya, hindi kaba nag-aalala na baka magkasakit siya?"Parang maiiyak na ani Joly.

"Naiintindihan kita, alam ko ang gusto mong mangyare. Pero siguro mas mainam na kausapin nalang natin siya kapag kalmado na siya. Wag ngayon, hmm? Isa pa katawan niya yon, alam niya kung paano ingatan ang kanyang sarili."Tinapik ko ang balikat niya para pakalmahin.

Tumango siya bilang pag sang-ayon."Sorry, tama ka."

"Halika na, sundan natin siya. Iba yon magalit, lalo siyang nagugutom at dala pa naman niya ang bag ko. Maraming pagkain don."Saad ko at sabay kami napatakbo palabas.

"Naku naman Rafa!"Saad ni Joly sa gitna ng aming pagtakbo.

Nang makalabas na kami from Cafeteria ay napansin namin na walang tao.

Lumikot ang mata namin sa paghahanap kung nasaan na sila at si Rafaela.

"OMG, help...help."

Napalingon kami banda roon sa likod ng clinic room dahil may mga sumisigaw doon na humihingi ng tulong.

Pagdating namin ay napaatras kami ng makita kong ano ang nasa harapan namin.

May napaka laking sinkhole sa gitna at lahat ng mga kapwa namin students ay nakapalibot doon pero malayo din ang distansya dahil bawat isa ay takot lumapit sa gilid ng sinkhole.

Nataranta na kami ni Joly ng hindi namin mahagilap ang aming kaibigan.

Nagtanong kami sa mga students kong nakita ba nila si Rafaela at ganun nalang pagkagulat namin ng sabay nilang itinuro ang ilalim ng sinkhole.

Napagtanto namin na ang kaibigan pala namin ay andun sa ilalim ng sinkhole. Sa sobrang lalim nun ay kahit ulo niya, hindi namin makita.

Kaya lumapit ako dun sa gilid at nasa likod ko lang si Joly na nanginginig sa takot.

"Rafa? Can you hear me? Andyan kaba sa baba?"Malakas na tawag ko kay Rafaela.

"Chiiiii... tulungan mo ako. Huhuhu nakakatakot dito Chi."Mangiyak-iyak na tugon ni Rafaela.

"Bruha paano kaba kasi napunta dyan?! Kung hindi kaba naman tanga!"Nag-alala man ay nakuha paring maasar ni Joly.

"Jolyyyy!...kasalanan mo ito eh. Kung hindi mo ako ginalit hindi naman ako mapupunta dito! Hindi ko alam na may sinkhole pala dito."Umiiyak parin na ani Rafaela.

"Ang tanga mo talaga! concern lang naman ako sayo eh kanina ah. Pero sige na kasalanan ko na, sorry na."Hindi na din napigilan ni Joly ang kanyang iyak. Humakbang siya sa unahan ko malapit sa gilid ng sinkhole at pilit na sinilip sa baba si Rafaela."okay kalang dyan? Hindi kaba nasaktan...ahhhhhh"

Biglang nadulas si Joly sa madulas na lupa at sakto nahawakan ko ang kamay niya. Ako naman ay napadapa na sa lupa at pilit binabalanse ang lakas ko para dikami mahulog pareho.

Napapasigaw na sa takot si Joly at ganun din si Rafaela na ume-echo ang boses nito mula sa sinkhole.

"Ano ba, manonood nalang ba kayo dyan?! tulungan niyo kami dito."Naiinis na lingon ko sa mga nakapalibot sa amin pero ni isa sa kanila walang nagkusang lumapit upang tumulong.

Pinilit kong higpitan ang hawak ko kay Joly ngunit biglang gumuho unti-unti ang lupang nadadapaan ko.

Hanggang sa tuluyan na nga kaming nahulog ni joly. At sakto naman na nakatayo si Rafaela sa kung saan kami mahuhulog ni Joly.

Napatili sa sakit si Rafaela dahil nadaganan namin siya ni Joly.

"Aarayyyyy"Tili ni Rafaela.

Dali-dali naman kaming napatayo ni Joly at tinulungan makabangon si Rafaela.

Sinuri kong mabuti kong ayos lang ba sila lalo na si Rafaela, but thankfully she is fine. Konting galos lang sa braso nito.

Sobra kaming nag alala kaya napayakap kami sa kanya. At nag-iyakan na din ang dalawa.

Takot na takot ang mga kasama ko na baka daw hindi na kami makaalis dun.

Pero pinakalma ko sila. Sigurado naman ako na may darating na sasagip sa amin.

At ilang minuto pa nga may dumating na rescue. Pero pansin ko na nag-iisa lang yung rescue man. Ni wala siyang ibang tools na makakatulong para mapadali ang pagtulong sa amin maliban sa mahabang tali.

Is he alone?

"Hey girls, are you allright? Is anyone hurt?"Sigaw nung rescue man.

Malayo ang distansya ng gawi namin sa kanya pero parang pamilyar sakin ang boses niya.

"Ayos lang po kami sir, tulungan niyo kami makaalis dito please..."Mangiyak sa tuwa na ani Rafaela.

"Alright, i'm going to save you all don't worry."Kalmado lang na tugon nung lalake.

"Wow ah, pansin niyo rin ba? Inglesero ang peg."Parang natatawang ani Joly.

"Baka sanay sa english kaya ganun. Pero ang mahalaga mailigtas niya tayo."Masayang tugon ni Rafaela.

Yes, tama si Rafaela. Kailangan namin makaalis dito bago pa tuluyang lumalim ang butas na ito.

Kaagad naman gumawa ng aksyon ang rescue man.

Una nitong kinuha pataas si Joly, at pagkatapos ay sunod naman si Rafaela. Nahirapan pa siya dahil sa bigat ni Rafaela.

Nahulog pa ang bag ko na bitbit ni Rafaela, buti nasalo ko din.

Napahinga ako ng maluwang nang masigurong safe na ang dalawa kong kaibigan.

"Now it's your turn"Saad nung lalake.

"Chi...? Okay na kami ni Joly. Nga pala ang cute ng nagrescue sa atin, ang bango pa niya."Halata sa boses ni Rafaela ang sigla at nakuha pang puriin ang nagligtas sa kanila.

"Ang landi mo!"Mahinang saway sa kanya ni Joly.

"Why ba?! Totoo naman ah!"Rafaela.

"Ewan ko sa'yo! Oy Chi ingat sa pag akyat ah. Madulas ang lupa, kapit kalang sa kanya."Sigaw na usal ni Joly.

"Salamat Joly, wait niyo ako ah."Tugon ko.

Akma kong ilalagay sa likod ko ang backback nang bigla nabuhos ang laman nun. Sira pala ang zipper kaya nahulog mga laman nun.

"Kapag minamalas ka nga naman!"Naiinis na sambit ko.

Muntik pang mahulog sa lupa ang nag-iisang bibingka na naipit sa bulsa ng bag ko sa ilalim nito. Buti nalang nasalo ko, kaya isinubo ko iyon sa bibig ko while pinulot ko ang mga gamit na nasa lupa.

Ngunit napatingala ako ng makita ang likod nung rescue man at nagtaka akong napatuwid ng tayo while looking at him going down towards me.

Natulala pa ako ng nakababa na siya at humarap sa akin.

Napaka tangkad niya pala, at napaka laki ng pangangatawan niya. Kaya pala nakaya niyang i-angat si Rafaela eh.

Nagtaka ako ng lumapit ito sa akin. Kasabay nun ang pag alis nya sa suot na shades.

Wow ah, social. Rescue man na naka shades sa gitna ng delikadong trabaho nito.

Hindi ako makapagsalita dahil nasa bibig ko parin ang bibingka. Hindi ko iyon maalis kasi may hawak ang magkabilang kamay ko.

Akma kong iluwa ang bibingka ngunit natigilan ako ng mas lumapit pa ang lalake.

Nang nasa malapitan na talaga siya ay napanganga ako dahil sa taglay nitong kagwapuhan.

Yes, he is so dang handsome. May bigote siya na hindi naman ganun kahaba at kababa. Basta natural lang na bigote at bagay na bagay sa kanya.

Somehow, he looks so familiar talaga and parang napaka bata pa niya. I mean parang nasa 20's age lang siya.

Pero saka ko lang nakilala ang husky voice niya ng magsalita ito sa harapan ko.

"What is that in your mouth?"Tukoy niya sa nasa bibig ko."Is that bebengka?"Ininguso niya ito.

Ako naman ay napatanga. Bebengka?

"Can i taste it? Can i have a bite on it?"He says at nasa harapan kona talaga siya.

Nakadampi na ang dibdib ko sa dibdib niya.

I'm not scared but i'm nervous. Langya, ano bang trip ng taong ito?

Teka naalala kona, siya yung lalake na tumulong magtapon ng basura dun sa dalawang matanda na nadaanan ko kanina sa high way.

But, what is he doing here? Akala ko tagalinis lang siya ng kalsda...

"Just one bite please?"Lumungkot na anito pero ang titig niya ay sa bibig ko este sa bibingka nakatuon na para bang natatakam siya.

Nagtama ang mata namin at ngumiti siya.

My god.

His eyes...

It's blue.

Wow, he is so handsome.

He looks familiar to me talaga for some ways.

Yung titig niya, yung mga mata niya.

At ang ngiti niya.

I don't know pero parang nakita kona siya dati, diko lang alam kung saan at kung kailan.

Who is this guy standing right in front of me?

"Be-benka..."Sambit niya at sunod-sunod ang paglunok niya habang binabanggit ang word na Bebengka.

"C-can i taste that Bebengka?"His eyes were sparkling in excitement.

Sunod-sunod akong napalunok.

"Bebengka ko"Him

"Hmmm?!"Nanlalaki ang mata ko nang...

Inilapit nito sa bibig ko ang kanyang bibig at kasabay nun ang dahan-dahang pagkagat niya sa aking bibig este bibingka.

One bite lang sabi niya pero ang gagu gigil siyang nilantakan ang bibingkang nasa bibig ko.

Ako naman napaatras ngunit ganun nalang pagkagulat ko ng pinalibot nito sa bewang ko ang kanyang magkabilang braso.

Para kaming naghahalikan sa posisyon namin, at ako naman si tanga parang nag-eenjoy pa sa eksena namin pero natauhan ako nang...

Maubos niya ang bibingka sa bibig ko at tanging dahon nalang ng saging ang naiwan.

Napadilat mata ako ng marahan nitong inalis sa bibig ko ang dahon.

Ngunit mas higit na ikinabigla ko ang huling ginawa nito.

He eat the small piece of bibingka na naiwan sa bibig ko and shit, i felt his soft lips against mine.

Dug dug dug

My heart is pumping so hard, my heart is reacting weird.

Naestatwa ako sa ganung posisyon and he stare at me with those smiles.

"Thank you, it's so delicious."He says.

Ako'y nahimasmasan ng kusang umangat ang kamay ko. Lumipad sa mukha niya ang malutong na suntok ng aking kamao.

"Aaahhh..."Daing niya.

"BA-BASTOS!!!"

***MONTERELAOS SERIES;
@KeichiYeol

Anong masasabi niyo sa muling pagkikita nang ating bebengka couple?😊

To be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.6K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...