Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

By miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... More

Disclaimer
Panimula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 1

80 9 11
By miss_reminisce

Kabanata 1



Kasalukuyang nasa hapag kainan ngayon ang pamilya Villaflores, nakapaghanda na kami ng kanilang hapunan at maayos na ang buong hapag kainan. Pochero at pritong isda ang kanilang hapunan ngayong gabi.

Hindi ko na nagawa pang balikan kung ano ang nangyari sa'kin kahapon sa pamilihan. Pagkamulat ko ng aking mata ay nakasakay na ako sa kalesa habang nakaunan sa hita ni Manang Lita.

Nang tinanong ko si Manang Lita kung ano ang nangyari, ang saad nito ay may nagtawag sa kaniya at siya rin ang tumulong sa'kin na isakay sa kalesa. Laking pasasalamat ko na lamang at galos lang ang aking inabot at hindi ganoon kalala ang naging kalagayan ko.

Maingat akong nagsasalin ng tubig sa baso nila nang magsalita si Donya Flora. "Samahan niyo kami ng iyong ama na dumalo sa pagtitipon ng mga opisyales ngayong gabi. Kasabay na rin ng pagpapakilala sa pangalawang anak ng Mayor." sambit ni Donya Flora. 

Napatikhim si Ginoong Lazaro at ibinaba ang kubyertos na hawak nito. "Pasensiya na ina ngunit ako'y may mahalagang aasikasuhin mamayang gabi." dahilan niya

"Ano ba ang iyong pinagkakaabalahan?" tanong ng kaniyang ina. "Mga dokumento tungkol sa gagamiting materyales at panibagong armas." pagpapatuloy ni Ginoong Lazaro. Siya ang nakatatandang kapatid ni Binibining Miranda ang panganay ng pamilya. Isa itong sa mga heneral sa San Ignacio.

Tumango si Donya si Flora "Pagpaumanhin mo rin po ina kung wala rin po akong balak na dumalo mamayang gabi." singit ni Binibining Miranda.

Napatingin sa kanya si Donya Flora ng may pagtataka. "M-Masama po ang pakiramdam ko ina at nais ko pong magpahinga nang labis" paliwanag nito. At bahagyang napatingin sa'kin.

Tutugon na sana si Donya Flora nang tumikhim si Don Alonzo. "Mahal, huwag mo na lamang pilitin ang mga bata na dumalo sa pagtitipon mamaya." mahinahong saad nito at sumimsim sa kape bago nagpatuloy.

"Marahil batid ko'y marami pang pagsasalusalo ang magaganap na tiyak kong dadaluhan nila." patuloy ng Don.

"Maganda sana na habang maaga pa lamang ay nakikilala na ng ating anak lalo na si Miranda ang pangalawang anak ng  Mayor, nang lubusan na maglapit ang kanilang loob sa isa't isa—"

Hindi na naituloy ni Donya Flora ang kaniyang sasabihin nang biglang magsalita muli ang Don.

"Hindi natin kinakailangang madalihin ang lahat para sa'ting mga anak."

Iyon na ang mga huling tagpo na aking naulinigan bago ako tuluyang lumisan doon at nagtungo sa kusina.



"MAGANDANG umaga ho." bati ko sa mga madreng nagrorosaryo malapit sa altar habang nakaluhod sila at may kaniya-kaniyang hawak na rosaryo.

Binigyan na rin ako ng rosaryo at nakisabay sa pagrorosaryo sa altar. Ito na ang nakasanayan ko tuwing pagsapit ng linggo bagay na itinuro sa'kin ng aking  ina, noong nabubuhay pa siya.

Maya-maya nang kaunti ay natapos na ang pagrorosaryo at nagsimula na rin ang misa, ipinagdasal ko ang mga kaluluwa ng aking ama't inang sumalangit. At nagpasalamat rin ako sa araw-araw na gabay at mga biyaya na aking natatanggap.

Nang matapos ang misa ay hindi na rin ako magtatagal pa dahil wala namang ibinilin sa akin si Manang Lita.  Kasalukuyan akong palabas ng kumbento nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan.

"Binibining Eliana" napahinto ako at napalingon ako sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. Bahagya akong nagulat at napangiti nang makita ko si Solana, ang isa sa naging matalik kong kaibigan, nagkakilala kami rito mismo sa kumbento.

May maliit itong mukha at maaliwalas na hitsura, matangos din ang kaniyang ilong at may nangungusap na mga mata. Tuwid at maiitim ang buhok nito, bagay na mas lalo nitong ikinaganda. Hindi rin halos nalalayo ang aming edad sa isa't isa.

Napangiti ako at lumapit sa kaniya "Binibining Solana?" tanong ko.

"Ako nga ito Binibini." sambit nito at hinagkan ako nang bahagya. Tatlong linggo na ang nakalipas nang huli naming pagkikita.

"Marahil kanina pa kita pinagmamasdan sa loob ng simbahan. Aking hinihintay na lumingon ka sa aking gawi ngunit hindi mo ito ginawa." sambit nito at mapait na ngumiti.

"Pasensiya ka na Binibini, hindi na mauulit" paghingi ko ng paumanhin at ngumiti nang matamis. Napangiti ito sa'kin at yumakap sa aking braso.

"Ikaw ba'y may pupuntahan Binibini?" tanong nito habang nilalakad namin ang daan palabas sa kumbento.

"Wala naman binibini, sa katunayan ay pauwi na ako sa mansion ng Villaflores" tugon ko.

Napangiti siya at napaharap sa'kin "Kung gayo'y maaari ba kitang imbitahan sa aming tahanan?" hiling nito sa'kin.

Sandali akong napatigil sa kaniyang tinuran, ito ang unang beses na makadadalo ako sa kanilang tahanan. Tila nakaramdam ako ng kaba, isang kilalang  Mayor ang kaniyang ama habang ang kaniyang ina'y kilala rin, dahil sa pagiging makatao at matulungin niya sa mga mamamayan.

Napakagat ako sa aking labi bago tumugon. "M-maaari naman binibini, ngunit hindi ba parang nakakahiya iyon?"
nag-aalinlangang tanong ko at tumingin sa kaniyang mga mata.

Napabuntong hininga ito at hinawakan ang magkabilaan kong balikat. "Sino ang nagsabing makaramdam ka ng hiya Binibining Eliana? Ikaw ay matalik kong kaibigan  kung kaya't ang aming tahanan ay bukas para sa iyo." wika niya at ngumiti nang matamis habang nakatingin sa'kin.

Napakagat ako sa aking labi. "Ngunit, Binibini—"

"Wala nang ngunit-ngunit." saad niya sabay hila niya sa'kin patungo sa kanilang kalesa.




"MARAHIL ay ako'y nagagalak ngayon" panimula niya dahilan upang mapasulyap ako sa kaniya at binigyan ito ng isang malaking ngiti. 

"Ano ang dahilan ng iyong kaligayahan binibini?" tanong ko.

Ngumiti ito sa'kin bago tumugon "Sapagkat dumating na ang aking nakatatandang kapatid." nagagalak niyang tugon. Napatango-tango ako at napangiti. 

"Si Ginoong David?" hula ko.

Nagtataka ang mga mata nitong sumulyap sa'kin habang nakakunot ang kaniyang noo. "Binibini iyo na bang nakaligtaan  na dalawa ang aking nakatatandang kapatid" saad nito.

Napasingkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya. Hanggang sa naging malinaw na sa'king isipan kung sino ang binabanggit niya. Si Ginoong Samuel.

Napataas ang dalawa kong kilay nang napatapik si Solana sa kaniyang noo na tila ba may naalala. "Aking maalala, aking hindi nasabi sa iyo binibini na dalawa ang aking nakatatandang kapatid" tugon nito at pilit na ngumiti.

Napangiti ako nang malapad at bahagyang natawa sa kaniyang tinuran. Kahit hindi na niya sabihin sa'kin ay may kaunti na rin akong nalalaman sa kaniyang kapatid.


"Pasensiya ka na binibini, sa ating dalawa marahil ako ang may nakaligtaan" sambit niya at itinaas ang abanikong hawak nito sa kalahati ng kaniyang mukha.

"Wala iyong problema Binibini, hindi mo naman kinakailangan na banggitin sa'kin ang buong angkan at istorya ng iyong pamilya." saad ko at ngumiti nang matamis.

Napangiti ito nang malapad. "Marahil ay hindi mo pa nakikilala ang aking kuya Samuel kung kaya't mamaya ay ipapakilala kita." wika niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya at matulala.

Akmang sasagot ako nang biglang huminto ang kalesa, hindi ko namalayan na narating na pala namin ang kanilang tahanan. Halos mapaawang pa ang aking labi dahil sa laki ng kanilang mansion. Totoo nga ang sabi-sabi na malaki at nakalulugod ang kanilang tahanan.

Nauna akong bumaba kay Binibining Solana at inalalayan ko ito sa kaniyang pagbaba. Hinawakan niya ang aking braso at pumanhik kami sa kanilang tahanan. Halos malula ako sa taas at ganda ng kanilang tarangkahan, napapalibutan ng malilinis at dalisay na mga damo ang harapan ng kanilang mansion. Agaw pansin din ang kanilang hardin at balong.

Halos hindi ko na mabilang sa aking sarili kung gaano katagal nakaawang ang aking labi dahil sa pagkabighani ko sa kanilang bahay. Pumanhik kami sa kanilang asotea at nagtungo sa kanilang sala, lubos na akong nahahalina sa labas ng kanilang tahanan ngunit mas lalong napaawang ang aking labi nang makita ko ang loob ng kanilang mansion.

Bumungad kaagad sa'kin ang kanilang hagdan na tila ba isang salamin sa sobrang kinis at kintab nito. Punong-puno ang kanilang sala ng iba't ibang disensiyo at palamuting babasagin. Halos matulala ako sa malaki nilang kwadro sa gitna ng kanilang sala, sa aking palagay nasa edad labinwalo pa lamang si Solana roon.

Bumagay ang puti nilang makakapal at mahahabang kurtina, mas dumagdag ito sa aaliwalas ng kanilang bahay. Halos maduling rin ako sa laki ng kanilang aranya (chandelier).    

"Magandang Umaga mga binibini" sambit ng isang matanda na wari ko'y isa itong katulong.  Mukha itong mas bata kung ikukumpara kay Manang Lita ngunit kung pagbabasihan ang tindig ay ayos nito'y tila isa itong Mayordoma ng kanilang tahanan.

"Magandang umaga rin po.." tugon ko. "Nasaan ho si Ina, Manang Loring" tanong ni Solana sa kaniya. Napatikhim ito bago tumugon. "Kanina'y nasa silid po siya ni Ginoong Samuel Señora ngunit sa tingin ko'y nasa silid niya na ito.." tugon nito.

Napangiti si Solana sa kaniya at tumango. "Maraming Salamat po sa pagtugon. Kapag ako'y kaniyang hinanap ay pakisabi na kami ay nasa aking silid lamang" pakiusap ni  Solana. Tumango sa kaniya ang katulong at tumango rin sa'kin. Napangiti ako nang matamis at napayuko rin sa kaniya.

Inanyayahan na ako ni Binibining Solana  na magtungo sa kaniyang silid. Halos pitong silid ang aming nadaanan bago kami huminto sa kaniyang silid. "Marahil ay kaya kita inimbitahan sa aming tahanan ay may nais akong ibigay sa iyo" tugon niya pagkapasok namin sa loob.

Bahagya akong nagulat sa kaniyang tinuran pinaupo niya ako sa kaniyang katre habang nagtungo siya sa kaniyang aparador.

Pinagmasdan ko ang kaniyang silid nabubusog ang silid niya ng mga kaniyang burda at larawan nito nang siya'y bata pa lamang. May mangilan-ngilan ding aklat at pluma sa kaniyang silid.

"Ito ang nais kong ibigay sa iyo" napabalik ang tingin ko sa kaniya nang magsalita ito, napatingin ako sa tatlong ipit na nakalahad sa aking harapan. Tatlong klase iyon ng panali ng buhok at iba-iba ang mga disenyo nito.

"Pinabili ko iyan sa'king Kuya Samuel sa Europa ang sabi ko'y nais kong handugan ang isa sa matalik kong kaibigan, at ikaw iyon." masayang wika niya habang nakatingin sa'kin.

Napatitig ako sa panali ng buhok na nais niyang ibigay sa akin kaibig-ibig ang mga ito at tila ba ginto ang mga halaga nito. "Bakit mo ako nais handugan ng ganito Binibini? Hindi mo naman kailangang gawin ito." tanong ko habang sinserisad na nakatingin sa kaniyang mga mata.

Ngumiti ito bago tumugon. "Sapagkat ikaw ay tapat kong kaibigan Eliana, ituring mo ito bilang aking pasasalamat at simbolo ng ating pagkakaibigan." paliwanag niya at umupo sa aking tabi, napangiti ako at kinuha mula sa kaniya ang mga panali ng buhok.

"Maraming Salamat Binibining Solana sa iyong handog ngunit hindi mo naman ako kailangan handugan ng ganito, pinili kong maging tapat na kaibigan saiyo dahil iyon ay ginusto ko..."  saad ko at ngumiti sa kaniya nang matamis

Ngumiti rin ito nang matamis at hinawakan ang aking kamay. "Wala iyon, sa lahat ng aking naging kaibigan ay ikaw lamang ang tumagal at nagbigay halaga sa'kin." wika niya at sumilay ang isang napakagandang ngiti.

"Halika, ipapasyal kita sa'ming hardin. At huwag kang mag-aalala maya-maya lamang din ay ipapahatid na lamang kita sa mansion ng mga Villaflores." patuloy niya, tumango ako sa kaniya bilang pagpapahiwatig na rin ng aking pasasalamat.

Lumabas na kami sa kaniyang silid at nagtungo palabas ng kanilang tahanan.
Pagkababa pa lang namin sa kanilang asotea nang bigla naming narinig ang isang tinig na wari'y may hinahanap ito. 

"Binibining Solana!.." tinig ng kanilang soltera na sa aking palagay ay nasa labing-anim pa lamang ito. "Bakit Anna?" takang tanong ni Binibining Solana.

"Binibini, Ikaw po ay hinahanap ng inyong ina" saad niya habang hinahabol ang kaniyang paghinga. "Pakisabi'y ako'y nariyan na." tugon ni Solana at napatingin sa'kin.

"Maiwan na muna kita rito Binibini Eliana nang ilang sandali. Hintayin mo  lamang ako rito..." saad niya at ngumiti sa'kin. Napangiti ako sa kaniya at napatango.

Bumalik na siya sa loob habang naiwan akong mag-isa sa harap ng kanilang tahanan. Sandaling umihip ang malamig na hangin at inilipad nito ang ilang hibla at talutot ng mirasol na nangagagaling sa kanilang maliit na hardin.

Napangiti ako at pinagmasdan iyon ng tingin hanggang sa hinakbang ko ang aking mga paa upang mas masilayan ang mga ito.

Nang huminto na ang hangin ay kusa na ring tumigil ang pagliparan ng mga hibla ng talutot ng mirasol. Pinagmasdan ko ang hinandog sa'king panali ng buhok ni Binibining Solana, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hinandugan niya ako ng ipit.

Sandaling napakunot ang aking noo nang mapagtanto kong kulang ito ng isang piraso, tatlong piraso itong panali ng buhok na inabot sa'kin kanina. Agad akong napatingin sa ibaba ng aking kinatatayuan at sa paligid. Umaasang makita ang isang panali ng buhok na iyon.

"Ito ba ang hinahanap mo Binibini?"

Agad akong napalingon sa'king likuran nang marinig ko ang baritonong tinig na iyon. Sandali akong natulala dahil sa agad na pagtama ng aming mga mata.

Isang metro ang layo niya sa'kin,  nakasuot siya ng itim na pang-ibaba at kulay asul na pang-itaas. Mababakas sa kaniya ang kaniyang kakisigan ng kaniyang pangangatawan, matangkad ito at may pagkakayumanggi ang kaniyang balat.

Mahirap itanggi sa aking sarili ang katotohanang siya ay kaibig-ibig. Bakas sa kaniyang tindig ang pagkamaharlika. Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya mula sa kaniyang makakapal na kilay niya at nakahahalinang mga mata. Pababa sa kaniyang matangos na ilong at mapulang labi.

"Binibining Eliana narito na muli ako!"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang marinig ko ang tining ni Binibining Solana palapit sa'min. Kitang-kita ko ang pagkagalak nito at ang paglaki ng kaniyang ngiti habang papalapit sa'min.

"Kuya Samuel narito ka pala. Nga pala Binibining Eliana, ipinapakilala ko sa iyo ang aking Kuya Samuel. Kuya Samuel siya naman ang aking kaibigan, si Binibining Eliana." nagagalak na saad nito habang nakangiting nakatingin sa'kin.

Napangiti ako nang tipid at binalingan ng tingin si Ginoong Samuel na ngayon ay nakatingin muli sa'kin at nakakangiti nang bahagya.

"Ikinagagalak kitang makilala, Binibini."



Nabibigla,
Eliana




Continue Reading

You'll Also Like

610K 34.9K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
67.9K 96 1
She's the most feared merciless assassin in the world, Evelyn Anais Fiero known as Dark in the world of assassin's. She was called Dark because she's...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
18.2K 3.7K 58
#1 in HISTORICAL FICTION 11/02/20 March 25 2019 - on going Isang pangkaraniwang estudyante na namuhay sa nakaraan. Babaeng nagmula sa kasalukuya...