Paint Your Bandages (Junior H...

By Seachy

934 62 1

Lie is a beauty care student. He's a head turner and confident of himself. He is the only man in beauty care... More

Paint Your Bandages
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 19

17 1 0
By Seachy

TW: Abuse

C H A P T E R 1 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Ilang linggo na ang nakalipas at bumalik na sa dati ang buhay ni Lia. Wala ng tatlong unggoy ang laging sumusundo sakaniya tuwing break time at nangungulit sakaniya. Lagi na lang siyang mag-isa at pero patuloy pa rin ang panghuhusga ng mga classmates niya sakaniya. 

Wala na rin siyang balita pang naririnig tungkol sa tatlo. Kaya hindi niya maiwasang malungkot. 

Mabuti na lamang at hindi siya muli pinipilit ni Hudson gawin ang nakakadiring pinapagawa niya sakaniya. Pero mas lalong nanganganib ang buhay niya sa pang araw-araw dahil lagi na lang nakapaligid ang mga kaibigan ni Hudson sakaniya. 

Ang mga lalaking teachers sa paaralan nila kaya mas lalong umusbong ang mga chismis tungkol sakaniya. 

"Lillia!" 

Mariin siyang napapikit at pilit na umaktong normal na naglalakad. Nagpapanggap siya na hindi niya iyon narinig dahil naka suot siya ng earphone. 

Pero agad siyang napatigil sa paglalakad ng biglang humawak ito sa balikat niya. Wala na siyang ibang nagawa kung hindi harapin ang guro. 

"Gabi na ah. Nasaan si Hudson? Ang akala ko siya ang maghahatid sa'yo?" nakangiting tanong nito habang titig na titig sakaniya. 

Malakas na bumuntong hininga si Lia at marahang hinawi ang kamay nito na nakapatong sa balikat niya. Saka siya umatras ng malayo dito. 

"He was already at home because mom had said they were going to talk. I will go now." 

Akmang tatalikuran niya na ito ng mahigpit siyang hinawalan nito sa braso. "Hatid na kita." 

Hindi niya na naitago ang matinding inis na nararamdaman dito. Matalim niya itong tinignan at sinubukan agawin ang braso niya. 

"You don't need to escort me into my house, I can handle myself." 

Ngumiti ito ng malawak at umiling. "Baka mapahamak ka pa kung mag-isa ka lang uuwi-" 

"Mas lalo akong mapapahamak kung sa'yo ako sasama," malamig niyang sabi kaya tumaas ang kilay nito. 

Biglang bumalatay sa mukha nito ang pagkainis pero pinilit niya pa rin na ngumiti. Napangiwi na lamang si Lia ng maramdamang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. 

"What did you say?" madiin niyang tanong kaya mas lalo niya pang tinalimam ang tingin sa guro. 

"Bingi ka ba?" 

"Sasama ka sa'akin sa ayaw at gus-" 

"Fucking bastard!" 

Bago pa siya nito mahila papunta sa kotse niya ay agad niya ng tinuhod ang pagkalalake nito at mabilis na tumakbo palabas ng gate ng school nila. 

"Bumalik ka dito! Lillia!" 

Imbis na lingunin ang guro ay mas binilisan niya pa ang pagtakbo. Muntik pa siyang mabangga ng tricycle, mabuti na lamang at agad siyang nakaatras. 

Mabilis siyang sumakay dito at nagmamadaling sinabi sa driver kung ano ang street ng bahay nila. Mabuti na lamang at agad itong tumalima. 

Nakahinga na siya ng maluwag ng makitang malayo na siya sa iskwelahan. Sumandal siya sa sandalan ng upuan at nagpakawala ng malakas na hangin habang hawak ang dibdib na kanina pa kumakabog ng malakas dahil sa kaba. 

"Salamat ho." At mabilis na binigay ang bayad sa driver. 

Pagkapasok niya sa bahay nila ay agad kumunot ang noo niya ng maabutan niya ang makalat na sala. May bundok na damit sa isang side habang sa iba naman ay may nakalabas na mga maleta. 

Nilapitan niya iyon at tinitigan. Kung hindi siya nagkakamali iyon ang mga damit ng nanay niya. 

"Oh, nakauwi ka na pala, anak," humahangos na sabi nito at malawak na ngumiti sakaniya. 

Hindi iyon madalas gawin ng nanay niya kaya nagtaka siya. Sinuri niya ang mukha nito. Kita niya na namamawis ito na para bang kakagaling lang sa bakbakan at hindi pa maayos ang pagkakasuot ng damit niya. 

Napansin naman nito na pinapasadahan siya ng tingin ng kaniyang anak kaya agad niyang inayos ang sarili. 

"Hi, Lia!" 

Tumaas ang kilay niya ng makita si Hudson sa likuran ng nanay niya. Hindi pa nito maayos nabotones ang polo na suot at pawis na pawis katulad ng nanay niya. 

Marahas na umiling si Lia upang alisin ang mga negatibong pumapasok sa isip niya. Hindi pwede mangyari iyon. 

"Why are your clothes here, mom?" tanong niya habang nakatingin sa bundok na damit nito na nakakalat. 

"Aalis kasi kami ngayon ni Hudson, anak. Aabutin kami ng ilang buwan doon sa pupuntahan namin," masayang sabi nito kaya mas lalong kumunot ang noo ng dalaga. 

"Where are you going?" 

Palihim siyang umirap ng maramdaman ang kamay ni Hudson na lumapat sa balikat niya at mahinang pinisil iyon. 

"Sa ngayon ay hindi na muna namin sasabihin kung saan kami pupunta," nakangiting sabi ni Hudson. 

Nakangiting humarap naman ang nanay niya sakaniya. "Saka na namin sasabihin kapag nakauwi na kami. Wag kang mag-aalala at papadalahan naman kita ng allowance." 

"Mag-iingat ka dito, iha." Nilapit ni Hudson ang bibig niya sa tenga nito. Akmang aatras pa sana siya ng hapitin pa siya lalo ni Hudson palapit sakaniya. "Wag na wag kang gagawa ng ikaka-ayaw ko, Lia. Alam mo na mangyayari." 

Umirap siya muli at mabilis na siniko ng malakas ang tagiliran ni Hudson. Nakahinga na siya ng maluwag ng sa wakas ay nakalayo na rin siya kay Hudson. 

"Be careful there, mom. Do not tire yourself out, just take a rest and enjoy your vacation," seryosong bilin niya. 

Hindi ito sumagot dahil mukhang ang buong atensyon nito ay nasa mga damit niya lamang. Malakas na bumuntong hininga ang dalaga at agad ng umakyat papunta sa kwarto niya. 

Katulad ng dati, ni lock niya na agad ang kwarto niya at nag palit na kaagad ng damit. Pagkatapos ay umupo na siya sa kama at kinuha ang phone niya. Bumungad sakaniya ang instagram app. 

Parang may mga sariling buhay ang daliri niya at pinindot iyon. Bumungad sakaniya ang blangkong newsfeed dahil wala naman siyang fino-follow na tao. Dumiretsyo na lamang siya sa profile niya at pinalitan iyon ng username saka niya tinignan ang acc ni Lie. 

Kusa na namang gumalaw ang mga daliri niya upang i view ang story nito. 

Napakurap siya ng ilang beses ng makitang may babaeng nakatalikod at naka suot ng uniform nila. Habang tinitigan niya ito ng matagal ay unti-unti niyang napagtanto na siya pala ang nasa picture na iyon. 

Napalabi siya ng may nakitang text na maliit sa may bandang ibaba ng picture.'I miss you so much' ang nalagay doon. 

Malakas siyang napabuntong hininga at nilipat na sa susunod na story ni Lie. 

Bumungad naman sakaniya ang imahe na may mga roller bandages na madalas niyang ginagamit at may nakakalat na iba't-ibang kulay na nail polish. Nilibot niya doon ang paningin at tama 'nga ang hinila niya. May maliit na text na nakalagay sa itaas na bahagi ng imahe. 

'I really miss painting in your bandages, but I hate that you always have bandages.'

Malakas siyang bumuntong hininga upang pigilan ang mga nagbabadyang luha na tumulo. May isa pang story si Lie ngunit mas pinili niya na lamang na patayin ang phone niya saka humiga. 

Sinubukan niya ang lahat na huwag umiyak ngunit hindi na nakayanan ng dibdib niya dahil sa paninikip 'nun. Hinayaan niya na lamang ang mga luha niya na tumulo na parang gripo hanggang sa makatulog ang dalaga. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Bumalik na rin sa dati ang buhay ni Lie. Lagi na muli silang nakatambay sa malapit sa may canteen. As usual ay may ginagawa na naman silang tatlo dahil ang dami ng pinapagawa sakanila ang mga teachers. 

"Nabalitaan niyo na ba?" gulat na tanong ni Nate. 

Sabay naman silang umiling ni Cary. Tinuon muli ni Lie ang pansin sa pag-aayos ng mga fake nails. Pinipintihan niya iyon ng iba't-ibang design dahil iyon ang project nila. 

"Aalis daw muna si sir Hudson sa pagiging math teacher at may ibang papalit sakaniya pansamantala." 

Bigla na lamang napatigil ang binata sa ginagawa niya at hindi makapaniwalang tumingin kay Nate. 

"Seryoso?" gulat na tanong ni Lie. 

"Tignan ko 'nga! Baka mamaya fake news eh," pagduda ni Cary at nilabas ang phone kaya gano'n din ang ginawa ni Lie. 

At napatunayan 'nga nilang tatlo na totoo iyon. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na namang pumasok sa isip niya si Lia. Kating-kati na siya tumakbo papunta sa room ng dalaga at yakapin ito dahil feel niya ay malaya na si Lia sa wakas. 

Hindi niya alam kung bakit iyon ang pumasok sa isip niya ngunit pinigilan niya na lamang ang sarili. Nangako na siya kay Lia na hindi na nila muli ito kukulitin pa at gagawa ng paraan upang makita siya kahit sa malayo. 

"Miss ko na si miss ganda," nakangusong sabi ni Carry kaya agad na tumango si Nate. 

"Kung miss natin si miss ganda, paano pa kaya 'yung isa d'yan," pagpaparinig niya kaya sinamaan niya ng tingin ni Lie. 

"Kung i sumbong ko kayo sa teacher niyo sa drafting na nangopya kayo sa isa niyong classmate na nerd-" 

"Bakit natural lang naman na kumopya ah! Wag mong sabihin hindi ka nangongopya," inis na sabi ni Nate kaya napangisi siya ng malawak. 

"For your information, Nate. Sa'akin po sila kumokopya." 

"Wow ang kapal mo rin 'no!? Palala lang namin na nangopya ka sa'amin 'nung hindi mo na kayang sagutan 'yung math mo-" 

"Mas makapal ka kasi nakalimutan niyo yatang kayo mismo ang nagpakoya 'nun sa'akin," taas kilay niyang sbai kaya natahimik ang dalawa. 

Wala na siyang ibang nagawa kung hindi tawanan ang dalawa at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa niya. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Ang buong akala ni Lia ay magiging matiwasay na ang buhay niya habang wala ang nanay niya at si Hudson. Ngunit doon siya nagkakamali. 

Dahil pagbukas niya ng bahay nila, ang bumungad sakaniya ay walang iba kung hindi ang isa sa mga sinusumpa niyang tao. Ang buong akala niya ay patay na ito pero nauwi na naman siya sa akala. 

"Apo ko!" masayang bati nito at kumaway sakaniya. 

Kumuyom na lamang ang kamao niya na nakahawak sa palda. Paano niya nakuhang ngumiti ng malawak sakaniya na parang wala siyang ginawa kay Lia noong bata pa lamang siya?

"Oh bakit nakatayo ka pa rin d'yan!? Ipaghanda mo na ko ng pagkain dahil nagugutom na ko." 

Imbis na pagtuonan ng pansin ang sinabi niya, nilibot niya ang paningin sa buong sala nila. Pinigilan niyang umirap ng makitang sobrang kalat ng paligid na para bang dinaanan ng bagyo. Sigurado siya na mismo ang lolo niya ang may gawa 'nun. 

"Bingi ka ba!?" sigaw nito kaya bahagyang napatalon sa gulat ang dalaga. 

Malakas siyang bumuntong hininga at lakas loob na tumingin sa matanda. "Why are you here?"

Hindi makapaniwalang tinignan naman ng matanda ang dalaga. Ng tumayo ito at magsimulang maglakad palapit sakaniya habang sobrang lamig ng titig sakaniya, nilabanan niya ang titig niya. 

Kung kay Hudson ay hindi siya makalaban ng maayos pwes dito sa matandang kaharap niya makakalaban siya. 

Hindi dahil matanda na ito, kung hindi dahil may lakas ng loob si Lia na lumaban sakaniya. 

"Nawala lang ako ng ilang taon naging palasagot ka na!? Maling desisyon talaga ang ginawa ng nanay mo na umalis kayo sa poder ko." 

Tumigil na ito sa paglalakad at pumantay sa mukha ni Lia. Walang ginawang hakbang ang dalaga. Tintigan niya lang ito ng malamig. 

Pero agad iyon napalitan ng ngiwi ng marahas hinila ng matanda ang buhok niya. Ramdam na ramdam niya ang kuko nito na bumabaon sa anit niya. 

"Wala kang karapatan na sagot-sagutin ako, Lillia. Dahil ako pa rin ang dahilan kung bakit ka nabubuhay-" 

"Sana hinayaan mo na lang akong mamatay. At never kong itatatak sa isip ko na utang ko sa'yo ang buhay ko sa'yo dahil ayoko ng buhay na 'to!" malakas niyang sigaw at dinuraan ito. 

Sinubukan niyang tulakin ito ngunit hindi niya na nagawa dahil marahas siya nitong hinila papasok sa bahay nila at binitawan ng pahagis. Dahilan para madapa siya sa tiles. Hindi niya na nagawa pang ngumiwi dahil malakas siyang sinipa nito sa tyan. 

Agad naman siyang napahawak doon dahil biglang kumirot iyon. 

"Kahit anong gawin mo hinding-hindi ka makakalaban sa'akin, Lillia. Habang nabubuhay pa ko hinding-hindi ka makakatakas sa imyerno." 

Hindi niya na narinig pa ang iba nitong sinasabi dahil sinusubukan niyang salagin lahat ng suntok at sampal nito kahit na hinang-hina na siya. Mapait siya napangiti ng maramdaman na naman ang malaking kamao na tumama sa pisngi niya. 

Wala na 'nga talaga siyang takas sa impyerno. 

Continue Reading

You'll Also Like

50K 1.3K 35
Baguio Entry #4 [Completed] Crystal Gem Herrera committed a biggest mistake that she'll regret for the rest of her life. To fix herself, she decided...
44.1K 4.3K 83
SHADE series #1 She told me her worries and thoughts. I am so open to every word that she utters. Accepting all the negativity passing through my vei...
683 141 29
Would it be possible to savor life while staring death in the face? Dalawang buwan nalang ang hinihintay niyang lumipas, at ang sagot ay matuturang w...
468 62 37
an epistolary ; luna & reese