Paint Your Bandages (Junior H...

By Seachy

934 62 1

Lie is a beauty care student. He's a head turner and confident of himself. He is the only man in beauty care... More

Paint Your Bandages
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 17

20 1 0
By Seachy

C H A P T E R 1 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Puno ng panghihina niyang pinilit ang sarili na makaayos ng upo. Ngayon ay naka upo na si Lia sa malamig na sahig dahil hindi na kaya ng nanginginig niyang mga paa na magpatuloy sa paglalakad. 

"Iha, ayos ka lang ba?" 

Agad niyang pinunasan ang basang pisngi at tiningala ang nagsalita. Kumunot ang noo niya ng bumungad sakaniya ang isang babaeng janitress. 

"A-Ayos lang po a-ako," magalang niyang sabi at akmang tatayo ng nabagsak muli siya sa sahig. 

Agad naman siyang hinawakan ng janitress sa braso. "Wag ka ng magsinungaling na okay ka, iha. Halata naman sa'yo na hindi ka okay." 

Imbis na sumagot ay napayuko na lamang si Lia. Hindi niya kayang tignan ito dahil nahihiya siya. Feeling niya kasi ay alam ng janitress ang nangyari sa faculty ni Hudson. 

Agad niyang niyakap ang sarili ng maalala ang nangyari sa loob ng faculty ni Hudson kanina. Yes, nangyari na naman ang bangungot niya. At siguradong aaraw-arawin na naman iyon ni Hudson, kaya ngayon pa lamang ay nababaliw na siya. 

Hindi niya na alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. At mas lalong hindi niya alam kung ano na ang uunahin niya ngayon. Kung ang pag-aaral ba o ang pag liligtas sakaniyang sarili. 

Marahan siyang tinayo ng janitress. "Halika. Ihahatid na kita papunta sa sakayan ng taxi." 

Tumango na lamang siya at pinilit ang sarili na maglakad upang hindi mas lalong mahirapan ang janitress sa bigat niya. Muntik pa siyang malaglag sa hagdan, mabuti na lamang at nakaalalay sakaniya ang janitress. 

Hanggang sa nakapunta na sila sa sakayan ng taxi ay inalalayan siya ng janitress. Hindi na siya makalakad ng maayos dahil sa matinding panginginig ng tuhod niya. 

"Hernando, siguraduhin mong ligtas 'yan makakauwi sa bahay niya ah! Malalagot ka sa'akin kung hindi 'yan nakauwi ng ligtas." 

Malakas na tumawa naman ang taxi driver saka sumaludo. "Opo, madame." 

"S-Salamat po u-ulit," magalang niyang sabi kaya nginitian siya ng malawak nito. 

Hinaplos nito ang mukha ni Lia kaya hindi niya maiwasang mapangiti ng tipid. May kung anong humaplos sa puso niya ng makitang parang gusto siya nitong yakapin ng mahigpit. 

"Mag-iingat ka sa susunod, iha." 

Tango lamang ang nasagot niya at umalis na ang taxi. SInabi niya na muna ang address nila bago sumandal sa upuan. Kinuha niya ang phone niya at tinitigan ng matagal ang pangalan ng nanay niya. 

Nag dadalawang isip na naman siya ngayon kung sasabihin niya na ba ngayon ang lahat ng kababuyang ginagawa sakaniya ni Hudson. Pero may kung anong nagsasabi sakaniya na may mangyayaring hindi maganda sa oras na nasabi niya iyon sa nanay niya. 

Namalayan na lamang ni Lia na nakatapat na ang phone niya sa tenga niya. 

"Ano itong nabalitaan ko, Lia!?" 

"Mom..." 

"Bakit sa lahat pa ng subject na pwede kang bumagsak, bakit math pa!?" 

Agad siyang napa-ayos ng upo dahil doon. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa daanan. 

"What do you mean, Mom?" 

"Sinabi sa'akin ni Hudson na bumagsak ka ngayong grading sa math!" 

Naibaba niya na lang ang telepono dahil sa narinig. Para siyang naging bato habang matalim ang tingin sa labas. Kumuyom ang kamay niya na nasa hita niya at marahas na pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya. 

"You will pay for this soon, Hudson," she dangerously whispered. 

 ⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Ang buong akala ni Lie ay maayos na, pero ang akala niya lang pala iyon. Hindi na naman sila pinapansin ni Lia at ang malala pa doon, hindi na muli sila nagkikita.

Sa tuwing sinusundo nila ito ay hindi na nila naabutan si Lia at pag uwian naman ay gano'n din. Malaki ang school nila kaya hindi na siya magtataka kung hindi sila magkita ng aksidente. Pero pinag dadasal niya na sana magkita muli sila.

Isang linggo na naman ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay patuloy lamang siya sa paglakad sa paligid. Uwian na ngayon at wala na masyadong istudyante. Hindi muna siya umuwi at napag desisyunan na tulungan ang kaniyang ina sa paglilinis ng mga banyo. 

Agad siyang napatigil sa paglalakad ng may pamilyar na bulto siyang nakita. Para itong zombie na naglalakad at halatang wala ito sa sarili. 

Hindi maigalaw ni Lie ang kaniyang paa dahil hindi pa rin siya makapaniwala na ang matagal niya ng hinahanap ay nandito na sa harapan niya. Ng maka ipon ng sapat na lakas ay agad niyang tinakbo ang pagitan nila at marahan siyang hinila paharap sakaniya. 

"Lia."

Bigla na lamang bumalik si Lia sa sarili at napatitig kay Lie. Bigla na lamang nabingi si Lie habang nakatitig sa mga mata ni Lia. Ang tangi niya lamang naririnig ngayon ay ang malakas na kabog ng dibdib niya.

"Sorry," bulong ni Lia at agad na lumayo sakaniya. 

"Bakit mo na naman kami nilalayuan, Lia-" 

"Please don't find me and approach me again." 

Uminit naman ang ulo niya dahil sa narinig, ngunit pnilit niyang pakalmahin ang sarili. Puno ng frustasyon niyang ginulo ang sariling buhok. 

"Why? Give me a reason why I should stop chasing you, Lia," seryosong sabi niya. Hindi niya na alam kung nahalata ba ni Lia ang inis sa boses niya. 

Malakas na bumuntong hininga ang dalaga at malamig siyang tinignan. Inaasahan niya na ang gano'ng mukha ni Lia kaya hindi na siya nagulat pa. 

"I don't want to see your face anymore. Nate, Cary, and you are so annoying and I can't bear to be with you anymore. I'm just sick of seeing you three, so get lost."

Sa bawat pagsasalita ni Lia ay parang nagiging matalim na kutsilyo iyon at tumatarak diretsyo sa puso niya. Hindi siya agad nakasagot at sinusuri ang dalaga. 

May parte sakaniya ang nagsasabing hindi totoo ang mga sinabi ni Lia pero meron din namang sa parte niya ang nagsasabing totoo ang lahat 'yun. 

"I mean, all I said was, Olie. So stay away from me because I don't want to be with you again. " 

Kumuha siya ng hangin mula sa dibdib niya upang makahinga siya dahil bigla na lamang sumikip ang dibdib niya. 

Puno ng pagmamakaawa niya naman tinignan si Lia. "Bawiin mo lahat ng sinabi mo Lia. Nagmamakaawa ako sa'yo. Sabihin mo na nagbibiro ka la-" 

"Stop fooling yourself, Olie. Just accept the fact that I don't want to see you anymore." 

Ramdam ni Lie na mas lalong nadagdagan ang mga kutsilyong nakatarak sa puso niya. Alam niya na sa sarili niya na kahit ano pang gawin niyang hakbang ay hindi na muli mababalik ang masaya nilang samahan. Na kahit na sa kaunting panahon lang iyon nangyari, ay parang isang taon na sila magkakakilala. 

Patakbong lumapit si Lie kay Lia ng akma itong tatalikod na upang umalis. Natagpuan na lamang ni Lie ang kaniyang sarili na nakaluhod habang mahigpit na nakayakap sa bewang ni Lia. 

"I begging you, Lia. T-Take back everything you s-said and tell me you're joking. D-Don't leave me and avoid me, Lia. Please, I can't bear to watch you a-all a-alone." Lie was trying his best not to burst out crying in front of Lia.

"But that's what I'm happy about, Olie." 

Agad siyang tumingala kay Lia. Wala pa rin nagbabago, malamig pa rin ang expression niya at wala kang mabasa na kahit anong emosyon sa mga mata niya. 

"T-To be a-all a-alone?" Parang may malaking tinik na humaharang sa lalamunan niya habang sinasabi niya iyon. 

Tumango ito. "That's my happiness. So please, don't take that away from me."

Hindi na napigilan ni Lie ang mga luha na bumagsak sakaniyang pisngi. Huli na upang itago ang mukha niya dahil nakita na iyon ni Lia. Pero wala ka pa ring mababasang emosyon sa mata niya. 

"Lia-" 

"Wag mo kong luhuran, Olie. Stand up." Inalalayan siya nito na tumayo pero nagmatigas siya at mas lalong hinapit ang bewang ni Lia. 

"Don't leave me, please. I really can't stay away from you, Lia. Kung kaya ko matagal ko ng nagawa 'yun," nanghihina niyang sabi ng may halong pagmamakaawa. 

Malakas itong bumuntong hininga at pilit pa rin siyang tinatayo. "Olie stand up-" 

Marahas siyang umiling. "Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo binabawi lahat ng sinabi mo kanina." 

Dahil sa panghihina ng katawan ay bigla na lamang siyang napa higa sa sahig ng lumayo si Lia sakaniya. 

"I don't care if you kneel there all day." Pinasadahan siya ng tingin ni Lia mula ulo hanggang paa. "You look like a fool. Pity you." 

Wala ng ibang nagawa si Lie kung hindi panoorin na lamang ang likuran ni Lia na papalayo. Sobra ng nanankip ang dibdib niya dahil sa mga masasakit na sinabi sakaniya ni Lia pero pinilit niya ang sarili na maniwalang nagsisinungaling lamang si Lia. 

At nasabi niya lamang iyon dahil napilitan siya. 

Hindi na namalayan ni Lie na tahimik na pala siyang lumuluha habang nakatitig lamang sa kawalan. Hindi niya na alam kung saan ba siya nag kulang. Ginawa niya na naman lahat pero bakit gano'n? Bakit ayaw pa rin siya ni Lia?

"Lie!" 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Mukha ng itsek si Lia dahil sa pag singkit ng mata niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Kung nasaktan si Lie sa mga nasabi niya mas doble iyon sakaniya. Dahil hindi niya malayang masabi ang totoo niyang nararamdaman. 

Sobrang saya at sarap nilang kasama, na kahit buong buhay niya ay kaya niyang pakisamahan ang tatlo. Ngunit sa buhay niya, habang nand'yan si Hudson, hinding-hindi siya magiging malaya. 

Kumuyom ang kamao niya at sobrang talin na tumingin sa harapan niya. Sisiguraduhin niya na kapag nakapagtapos na ng junior high school, gagawa siya ng paraan upang malabas lahat ng baho ni Hudson. 

Hindi lang alam ng guro na marami na siyang ebidensya sa phone niya na isang click lamang ay magiging mabaho na ang pangalan niya sa lahat. 

Mabuti na lang at pagpasok niya ay walang nangulo sakaniya kaya naging maayos ang araw niya. Pero pag sapit ng break time, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang siyang kinabahan. 

Panay ang tingin niya sa labas, nagbabakasakali na may pamilyar na tatlong bulto ang magpakita doon. 

Akmang mag re-review na lamang siya ng biglang may nag text sakaniya kaya agad niya itong binuksan. 

Text lang iyon ng teacher niya sa caregiving, na nagsasabing pumunta siya sa clinic dahil kailangan niya ng tulong doon. 

Agad naman niya inayos ang gamit at mabilis na naglakad papunta doon. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay may biglang humawak sa braso niya. 

"Nate?" tanong niya ng makitang puno ng pag-aalala ang mukha nito. 

Bigla naman sumulpot si Cary sa likuran ni Nate na hingal na hingal. 

"Si L-Lie," hinga na sabi ni Cary kaya kumunot ang noo niya. 

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil doon. 

"What happened to Lie?" puno ng pag-aalala niyang tanong. 

Bigla na lamang nagkatinginan ang dalawa na animo'y may pinag-uusapan gamit ang mga mata. 

"Hey, answer me." Kung hindi pa siya nag salita ay matatagalan pa ang dalawa na magtinginan. 

"Sinugod siya sa clinic," sagot ni Nate kaya agad nanlaki ang mata niya. 

"Where's clinic?" 

Dalawa kasi ang clinic nila kaya tinanong niya kung saan doon sinugod si Lie. 

"Sa may mga senior high school." 

"Let's go." 

Habang naglalakad ay nag text siya sakaniyang caregiving teacher na hindi siya makakarating doon dahil may emergency. Marami pa naman sakanilang magagaling na pwedeng tumulong sa guro kaya hindi niya na kailangan pang mangamba. 

Humahangos nilang binuksan ang pintuan ng clinic. Bumungad sakanila ang isang ginang na mahigpit ang hawak sa kamay ni Lie na nakahiga. 

Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga ng makitang maayos naman ang lagay ni Lie. Pero agad nanlaki ang mata niya ng bumungad sakaniya ang isang naka janitress ang suot. 

Hindi siya pwedeng magkamali. Siya ang tumulong sakaniya noong nakaraang linggo. 

"Maiwan na ho namin kayo," magalang na sabi ni Nate at hinila na si Cary palabas. Halatang gusto niya pang manatili, ay wala na siyang nagawa kung hindi sumunod na lamang kay Nate. 

Malakas siyang bumuntong hininga at dahan-dahang siyang lumapit dito. Hindi niya makayanan na tumingin dito dahil nahihiya siya sa hindi malamang dahilan. Gusto niya ng tumakbo paalis pero pinilit niya ang sarili niya na ipagpatuloy ang paglalakad. 

"Iha, ikaw ba si Lia? Ang napupus- este kaibigan ng anak kong si Olie?" nakangiting tanong nito. 

Para namang binuhusan ng napakalamig na tubig ang katawan ni Lia. Hinhiling niya na sana hindi na lang siya nakita nila Nate at Cary sa hallway. 

Continue Reading

You'll Also Like

50K 1.3K 35
Baguio Entry #4 [Completed] Crystal Gem Herrera committed a biggest mistake that she'll regret for the rest of her life. To fix herself, she decided...
44.1K 4.3K 83
SHADE series #1 She told me her worries and thoughts. I am so open to every word that she utters. Accepting all the negativity passing through my vei...
273K 15K 37
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
719 52 50
an epistolary ; michelle & wave