When Our Heavens Collide

By russibasco

18.6K 1.8K 847

After her childhood friend left her with no traces, Harley Rose Bartram found herself longing for him. To cha... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
EPILOGUE

CHAPTER 4

418 46 2
By russibasco

Noong gabing iyon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Oliver.

Aaminin ko na sa tagal naming pag-uusap, hindi ko maiwasang magkagusto sa kanya. Pero sa tuwing nararamdaman ko 'yon, iniisip ko si Harl. Iniisip ko na magagalit s'ya kapag nalaman n'ya 'to. Iba rin kasi si Oliver sa lahat ng lalaking nakilala ko, wala man sa kanya 'yong mga hinahanap ko sa isang lalaki ay nararamdaman ko naman 'yung pagmamahal at alaga n'ya, lalo't kaming dalawa na lang ang nag-aalaga kay papa.

Kinaumagahan, pagbukas ko ng pinto ng aking silid, nakita ko siya na may dala-dalang mga gamit.

"Sa'n ka pupunta?"

"Aalis na ako," tugon niya. "W-wala na rin namang dahilan para mag-stay pa 'ko rito, kinuha ko lang 'yong mga gamit ko."

"P-pero hindi mo naman kailangang gawin 'yan," wika ko.

Lumabas ako ng aking silid at isinara ang pinto.

"Kailangan ko 'tong gawin dahil ayoko nang makagulo pa sa mga iniisip mo at sa pamilya n'yo," aniya. "I thank you for everything, Audrey. Pero hindi ko naman basta-basta puputulin ang koneksyon natin. My house is nearby, if you want someone to talk to, just tell me."

Habang bumababa s'ya sa hagdanan ay hindi ko mawari ang susunod kong sasabihin.

"M-mahal kita," sambit ng aking bibig. Kumaripas ang tibok ng aking puso dahil sa 'king nasabi.

Natahimik ang paligid at bigla siyang huminto. Muli siyang humarap sa 'kin, tinitigan n'ya 'ko at siya'y unti-unting ngumiti.

"Talaga?"

Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan siyang pumanhik at lumapit sa akin.

Tumango lamang ako. Hindi ako makasagot dahil may alinlangan pa rin akong nararamdaman na tila ba'y nagkasala ako sa aking kapatid. 

Tumakbo ako at pumasok sa 'king silid. Sinampal ko ang aking mukha.

Hala! Ano ba 'tong pumasok sa isip ko, bakit ko 'yon sinabi?

Kinakamuhian ko ang aking sarili habang malakas pa rin ang kabog ng dibdib at pinagpapawisan.

Umupo ako sa gilid ng kama nang bigla n'yang buksan ang pinto. Nakita ako ni Oliver na nanginginig sa kaba at nagkunwaring ngumingiti.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"You don't have to be afraid, Audrey. I'm so happy," aniya.

"Alam mong mali ito. Paano kung malaman ni Harl. Paano kung bumalik s'ya kung kailan tayo na?" Pag-aalala ko.

Yumuko lamang s'ya at alam kong may bumagabag din sa kanya.

"Minahal ko siya. Pero ayokong habang buhay na maghintay kung babalik pa ba s'ya o hindi. I also want to be happy" saad n'ya. "Sa mga nagdaang taon, tinanggap ko na... na baka ganito talaga ang nakatadhana para sa amin. Naputol ang kwento namin, pero gusto ko itong ipagpatuloy sa 'yo, kasama ka."

Humiga siya sa kama. "Tara rito sa tabi ko," aniya.

Tinabihan ko s'ya at nakita ko na lang ang sarili kong nakayakap na sa kanya.

Pero habang nakayakap sa kanya, iniisip ko kung tama ba ito o naging panakip butas lang ako sa kanyang nararamdaman. Pero sa kabilang banda, iniisip ko rin na ayokong mag-isa, takot akong mag-isa. Kaya natulog kaming magkayap na dalawa.

Magmula noon, habang dumadaan nang mabilis ang panahon, tinanggap ko s'ya nang buong-buo sa puso ko. Naging masaya kami at ipinakita n'yang hindi s'ya nagsisisi na sa 'kin ipagpatuloy ang naudlot nilang kwento ng aking kapatid. 

Isang gabi, dahil sa bugso ng damdamin, may nangyari sa 'min. Nagbunga ito at nagkaroon kami ng isang anak na lalaki.

Sa taong iyon din namatay si papa dahil sa sakit. Ika nga nila, kapag may umalis, may darating.

Hanggang sa dumating ang araw na babago sa 'ming lahat - ang pagbabalik ni Harl.

No'ng gabing iyon, isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Isang eroplano na nagbalik matapos ang dalawampung-taon.

Bigla ko na lamang nabitawan ang hawak-hawak kong kutsara.

Agad kong tinawag si Oliver para malaman n'ya ang nakapangingilabot na ulat. Hindi kami makapaniwala sa 'ming nabalitaan.

Agad-agad siyang tumakbo sa garahe at sumakay sa sasakyan at umalis papuntang airport.

Sa sandaling iyon ay natulala na lamang ako.

Habang hinihintay ko siyang makabalik sa bahay, at habang tumatakbo ang oras ay marami ring katanungan ang sumasagi sa 'king isip.

Paano kung totoo ngang nakabalik si Harl, paano kung malaman n'yang kami na ni Oliver at nagkaroon kami ng anak.

Halos isang oras din ang nakalipas nang makarinig ako ng ingay na nangagaling sa makina ng sasakyan sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana at kumpirmadong kotse nga ito ni Oliver.

Hindi sa malamang dahilan, pero habang papalabas ako ng bahay ay bumibilis din ang tibok ng puso ko.

Kasama n'ya na kaya si Harl?

Paglabas ko ng tarangkahan ay nagulat ako sa 'king nasaksihan.

Sa mga oras na 'yon ay nagagalak ako dahil bumalik na siya. Nangingilid ang aking luha sa tuwa dahil bumalik na ang kapatid ko. Yayakapin ko sana s'ya. Ngunit nagpumiglas s'ya at nagalit sa 'kin. Alam kong mangyayari ito, tahimik lang si Oliver sa isang gilid.

Nagalit siya sa 'kin at pinagtulakan n'ya 'ko hanggang sa ako'y mapaupo sa lupa. Tumulo na ang aking luha hindi dahil sa ako'y nagagalak, dahil nasaktan ko ang sarili kong kapatid na noo'y todo tanggol kapag may nang-aapi sa 'kin.

Nakita ito ng anak ko at pinapasok na muna kami ni Oliver sa loob ng bahay, naiwan sila ni Harl sa labas upang mag-usap.

Galit na galit ako sa mundo, sa sarili ko. Binabawi na ng tadhana ang panandaliang saya na binigay nito sa 'kin, dahil bumalik na ang tunay na nagmamay-ari sa puso ni Oliver - ang aking kapatid.

Muli na naman nanumbalik ang lungkot na naramdaman ko noon. Alam kong kapag bumalik si Harl, may tiyansa na manumbalik din ang naudlot nilang pagmamahalan. Ako ito, muling maiityapwera dahil alam kong hindi akin si Oliver. Ako lang ang nagpuna ng pagkukulang ni Harl noong nawala s'ya.

Masakit ang hampas ng katotohanan. Oliver was never mine, he weren't mine to lose.

Saglit na saya lang pala, akala ko habang buhay na.

Alam kong hindi agad ito maiintindihan ni Harl dahil matagal s'yang nawala o baka hindi rin n'ya alam na matagal s'yang nawala.

Kung ilusyon lamang itong lahat, at kung nasa ibang dimensyon ako, ito 'yung pinakaayaw kong puntahan. Pero may anak kami ni Oliver, kailangan kong sabihin kay Harl ang totoo, kailangan kong ipaglaban kung anong akin.

Noong gabing iyon pumasok si Harl sa bahay. Ngunit tahimik lang s'ya, alam kong galit at masama pa rin ang loob n'ya. Sinubukan ko s'yang kausapin, pero hindi n'ya ako pinapansin.

Hinayaan na muna namin s'yang magpahinga. Alam naming pagod s'ya at baka hindi pa nag sisink-in lahat ng nangyayari sa utak n'ya kaya pinagpahinga na muna namin s'ya.

Pumasok na rin kami ni Oliver sa loob ng aming silid upang makapagpahinga na rin. Pero 'di pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyayari.

Nahiga ako sa kama at tumagilid, samantalang si Oliver naman ay naupo sa tabi ko, tahimik.

Hindi ko namamalayan na may tumutulong luha na pala mula sa mga mata ko.

"Huwag mong isipin na porket bumalik si Harl, babalikan ko s'ya agad," Mahinang sabi niya.

Pero wala akong magawa kun'di humagulgol na lang.

Humiga na rin s'ya sa tabi 'ko at niyakap ako. Hinalikan n'ya rin ang noo ko. Wala na rin s'yang sinabi no'ng gabing iyon.

Alam kong anumang oras, pwede s'yang bumalik kay Harl kapag nanumbalik ang nararamdaman n'ya sa kanya.

Muli na naman ba akong mabubuhay sa kakaasa na may taong mananatili sa 'kin kahit isa? Masakit sa 'kin dahil kung kailan nahanap ko na ang klase ng pagmamahal na gusto ko, saka pa ito babawiin sa 'kin.

Kinabukasan ay may natanggap na sulat si Harl mula kay Oliver. Pero hindi namin alam kung kanino ito nanggaling. Nalaman kong may isang tao na gustong makipagkita kay Harl. Agad naman siyang sinamahan ni Oliver upang kitain ang misteryosong tao na nagpadala ng sulat.

Ilang oras ang lumipas nang makauwi na silang dalawa.

"O, anong nangyari?" Bungad kong tanong.

"Alam ko na!" Sambit ni Harl.

"A-anong alam mo na?" Pagtataka ko. "Nalaman mo na ba kung sino siya?"

"Kilalang-kilala ko," aniya. "Si Nathan."

"ANO?!" Laking gulat ko at nagkatitigan kaming dalawa ni Oliver.
"P-pero paano? Eh, 'di ba matagal ng patay si Nate?"

"Pineke n'ya ang pagkamatay n'ya kasi akala n'ya makukuha n'ya 'ko kay Oliver noon," aniya habang hinihingal pa at basang-basa ng pawis.

"Teka. Maupo nga muna tayo," sabi ko.

Umupo na muna kami sa may sala at saka pinag-usapan ang isa pang nakapangingilabot na rebelasyon ni Harl.

"Naiintindihan ko na ngayon," aniya.

"Ang ano?" Pagkalito ko. "Hindi ka namin maintindihan."

"Ganito. Nasa loob tayo ng isang alternate reality. Ibig sabihin, lahat ng nangyayari ngayon ay hindi totoo," saad n'ya. "Nasa ibang dimensyon ako." Dagdag n'ya pa.

Nagkatingin lang kaming dalawa ni Oliver habang nakakunot ang mga noo.

"Matalino si Nate at maaaring natutunan n'ya ito noong matagal s'yang nawala. Mukhang pinagplanuhan n'ya ito nang mabuti," pagsisiyasat niya.

"Pero a-ano, paanong nasa ibang dimensyon tayo?" Pagtataka ni Oliver.

"Ako lang at hindi kayo," sagot niya naman.

"Nasa alternate reality tayo, ibig-sabihin itong mga pangyayaring ito ay p'wedeng isa lang sa mga outcome ng mga nagiging desisyon natin sa buhay," paliwanag n'ya at saka tumayo.

"Halimbawa na lang ng paano kung hindi ako sumakay sa eroplano? Marami ang magiging resulta ng desisyon na iyon tulad ng baka kaya pala hindi ako nakasakay ay sasabog iyon, o 'di kaya naman ay magka-crash o dito na ako sa bansa natin magta-trabaho. Magulo at mahirap ipaliwanag ang mga nangyayari ngayon."

"Sumasakit ang ulo ko, hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi mo," ani ko na tila ba'y naguguluhan.

"Oo nga," sagot ni Oliver. "At p-paano kang nakulong dito?"

"Si Nate ang may pakana. Dinala n'ya ako sa dimensyon na ito kung saan nawala ako ng 20 years matapos kong sumakay ng eroplano," aniya.

"So ang ibig mong sabihin ay hindi ito ang totoong mundo?" Tanong ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim at tumango.

"Medyo magulo pa. Pero kailangan ko ang tulong n'yo para makabalik ako sa reyalidad," wika n'ya.

Lumunok ako. "Anong pwede nating gawin?"

"Pupunta tayo sa bahay nila Nate dahil doon nagsimula ang lahat," sagot n'ya habang tinititigan kaming dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 196K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
280K 21.1K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
21K 168 2
A compilation of tagalog and english short or one-shot stories. Feel free to read. Disclaimer: If you find my stories familiar or the same with other...