I.L. : The Beginning (Ongoing)

By K3llmoont

108 17 0

"Aanhin ko ang lalake kung mas lalake pa ako sa kanila?" - Satana Jones Reyes Ocampo Satana, a girl who has n... More

Disclaimer/Pagtatatuwa
01 | Trio's SBH
02 : Science
03 : Partners
04 | ESP
05 : HuRU
06 : Section Picasso
07: Plano
08: Topak
09 : New Acc
10 : You left the group
12 : Block
13: Court
14: Tactic
15: What if
16: Birthday
17: Mr. Virgo

11 : Problem

1 0 0
By K3llmoont

Pinakalma ko ang sarili ko. Inayos ko ang awra ng mukha ko at huminga ng malalim. After kong pakalmahin ang sarili ko saglit ay nag-open ulit ako ng roleplay account ko may bungad na friend requests at messages. Pagkabukas ko ng message ay bigla akong napasimangot dahil sa nakita ko sa messages ko. May paganito pa pala sa RPW? Para saan naman? 

*Navarro SBH* Zishio Navarro: So may activity tayo.                      9:20 a.m.

*Connor SH* Julia Connor: Tomorrow, we will have our first ever activity. Please, be active for more announcement and information. Ariga-Thanks!       9:20 a.m.

Binuksan ko ang message bar ng Connor SH para magtanong. Seryoso ba talaga sila sa pa-activity na 'yan? Akala ko talaga, makakatakas na ako sa gan'yang gawain.

*Connor SH • active now*

Julia Connor: 
Tomorrow, we will have our first ever activity. Please, be active for more announcement and information. Ariga-Thanks!

Santana Connor:
Activity?

Julia Connor:
Yes

Santana Connor:
Akala ko makakatakas na ako sa Activity namin sa school. Meron din pala dito.


Napasimangot pa ako lalo. Bakit may activity? 
Binuksan ko naman 'yung message sa isang group chat, Navarro SBH. Since ang sabi ni Zishio ay gagawa ng activity, napaisip ako kung acad related ba ang gagawin. Activity ba talaga o assignment niya lang 'to, tapos sa amin ipapagawa? 

*Navarro SBH • active now*


Zishio Navarro:
So may activity tayo

Santana Connor:
Anong activity? Hays. Akala ko pa naman, makakatakas na ako sa mga gawin sa buhay. 

Julia Connor:
Kalma. You don't need knowledge here, you just need confidence and creativity.

Confidence and creativity? Paano kung wala ako pareho? Anong mangyayari? Upo na lang ako sa gedli, gano'n?

Santana Connor:
Confidence and creativity? Para saan? Magdo-drawing ba?

Julia Connor:
Nope.

Santana Connor:
Oh sige po Founder, announce mo na lang.

Zishio Navarro:
Good to read that.
So our Activity for today is…

Pagbitin niya sa message niya. Ano ba ang Act for today at kailangang ipabitin ang message? Ano bang gagawin namin? Ano kayang assignment nito?

Mamamo blue:
Pawn? Ano?

Pawn? Saan naman galing ang Pawn? Zishio ang name niya ah. Nickname niya ba ang Pawn? Saan naman nakuha iyon? Cracker ba siya? hipon?

Santana Connor:
Pawn? Hindi naman Pawn ang pangalan niya, 'di ba?

Nakikita ko na na nagtatype ang Founder, pero mukhang hindi niya masend lalo na't may message ako sa group chat. 

Zishio Navarro:
Pawn, short for founder.

Santana Connor:
Ahhh , okay. Salamat sa pagsagot. 

Mga ilang Segundo at wala ng nagmessage sa group chat. Kaya nakita kong nagtatype ulit ang founder ng Navarro. Mga ilang segundo rin ang paghihintay ay nagpadala na siya ng mensahe na tungkol sa activity na gagawin namin. Sana naman, walang acad related. Baliw na ako sa history.

Zishio Navarro:
You need to write a poet about your life, people you love, or any topic you want.

Poet? Ngek. Akala ko ba walang knowledge-knowledge dito? Confidence and creativity lang? 

Santana Connor:
Akala ko ba, hindi kailangan ng knowledge?
J

ulia Connor:
Binabawi ko na.

 Ay... wala ako nu'ng tatlo — knowledge, creativity and confidence. Paano ako makakagawa? "Hayst," sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na minessage sa group chat, sa sarili ko na lang.

Kringg

Tumunog na ang bell na ang ibig sabihin ay oras na muli ng klase namin. Agad akong nag-message sa group chat para i-inform sila na hindi muna ako makakagawa para sa oras na 'to, like mamaya pa. Time na ng klase, e. Ano pa bang magagawa ko? Wala naman sigurong deadline 'to, 'di ba?

Santana Connor:
Mamaya na lang ako gagawa ng Activity. Bye.
Z

ishio Navarro:
Saan ka pupunta?

Iyan na lamang ang message na nakita ko sa group chat namin na isinend ni Zishio bago ko patayin ang cellphone ko. Kailangan niya bang malaman kung saan ako pupunta? Dito lang naman ako, e. Hindi naman ako lalayo ah. "Whoo... grabe naman yu'ng babaeng 'yon. Makasabi ng bo/bo , parang hindi siya, ah," pangangausap ko sa sarili ko nang i-check kong muli ang cellphone ko kung anong oras na saka ko ito muling pinatay.

"Satana, ikaw pa lang?" Nagulat ako nang biglang may magsalita sa loob ng silid. Inangat ko ang aking ulo para makita kung sino ang tao, pagkatingala ko harap ng klase at si sir Scorp lang pala. "Hindi naman po ako bumaba, sir Scorp."

"B-bakit?" tanong niya sa akin muli. "Hindi naman po ako gutom."

"Okay, okay. We'll wait for your classmates. You're the attendance checker in my subject, right?" Yes, I am your attendance checker, sir scorp. Ayokong mang-reject ng request or favor lalo na sa school at teacher iyon. Dagdag grades kaya 'yon. Pero hindi ako sipsip, ah. Ang bait-bait ko, e. "Yes po, sir."

"Good, how's the attendance?"

"Meron na pong attendance for this day at saka po inaayos ko na lang po lahat-lahat. Gumagawa po ako ng file, tapos po doon ko po nilalagay. Sa ngayon po, ang attendees for the whole day of class, is 45 out 50. Ngayong time niyo naman po, sir, wala pa pong update, since kapapasok niyo pa lang po at kabe-bell pa lang po ng ring."

"Okay, that's good and thank you. Good work, Satana," tumango na lamang ako at nagbalik sa pagkayuko, pero may naisip akong gawin habang wala pa ang mga kaklase ko.

Habang wala pa ang mga kaklase ko at naghihintay kami rito ni sir, nagdrawing-drawing muna ako. Inisip ko, ano kaya itsura nung Jake Navarro na 'yon? Gwapo siguro 'yun tapos matangkad. What if matalino rin siya. Lagyan na lang natin ng glasses tapos, tapos na. Nag-imagine ako kung anong pwedeng maging itsura niya. Matangkad, gwapo at nilagyan ko rin ito ng glasses. Pero what if mahilig siya sa sports like, volleyball. Agad ko naman itong iginuhit. Naglagay ako ng Bola na hawak niya tapos, meron pang jersey. 

Pero what if Online player pala siya? I mean Online gamer? Kumuha ulit ako ng isang papel at nagdrawing nang nagdrawing. Hindi ko na natapos ang ginagawa ko nang magsalita si sir. "Okay class. Let's start our lesson for today and our lesson for today is about..." Hala, nandito na pala 'yung iba kong kaklase. Bakit parang ang bilis?

•••

"Kuya!" Sigaw ko kay kuya nang makita ko sila sa may labas ng gate at mukhang ako na lang ang kanilang hinihintay. "Oh, Satana." Oh kuya? "Buti naman at ang aga niyo na," sabi ko sa kanila nang nakangiti. Thank you at at aga nila ngayon! "Oo nga, e."

"Syempre hindi ako ginulo nu'ng Nicole na 'yun," buti naman at hindi na ngayon. Pero what if guluhin ka niya bukas?

"Speaking of Nicole..." napalingon si kuya Simuel kung saan naroon si Nicole, papalapit siya sa amin. Si kuya Sandie ay naglalaro lang sa cellphone niya at naka earphones kaya hindi niya narinig si kuya Simuel nang sabihin niya ang linyang ito. "Aishhh!"

"Hi, Simuel. Hi, Satana," nakangiti nitong bati sa aking napakagwapo ng kuya. Mamaya manghihingi ako ng pera riyan. Na-compliment ko, e. "Kuya, nagugutom na ako. Uwi na tayo," kalabit ko kay kuya Sandie. Narinig naman nito ang sinabi ko at nagrespond siya nang makita si Nicole. "Oo nga, tara na."

"Wait!" Bigla niya akong hinawakan sa braso ko kaya napalingon ako sa kaniya na may halong pagtataka. "Why you don't want to talk to me?" Walang nasabi ang kuya ko. Napansin ko si Nicole na may pasa sa braso niya, pero hindi na ako nag-abala pang tanungin siya. Baka napa-away lang siya kaya gan'yan. Maraming nagkakagusto sa kuya ko kaya sureball na maraming makakaaway 'tong si Nicole. 

"Tara na," pang-aaya ni kuya at naglakad na sila. Sumunod naman ako sa kanila. Kahit na nakasunod ako sa kanila ay nakatingin ako kay Nicole. Papalayo na kami nang papalayo, pero habang umaalis kami, napansin ko ang ngiti ni Nicole na unti-unting nawawala at napapalitan ng lungkot.

Napahinto ako saglit. Gusto kong lapitan si Nicole, pero nanigas lang ang mga binti ko at hindi naglakad papaalis."Tar-" Gusto ko mang tanungin si Nicole, pero naiwan na ako nila kuya. Patuloy lang sila sa paglalakad. Hindi ko alam, pero medyo kinilabutan ako sa pagkakabanggit niya ng pangalan ko kanina.

Bakit gano'n ang boses niya? Parang natatakot at nagmamakaawa? Iyon ang napansin ko kanina. Pumiyok din ito nang banggitin niya ang pangalan ko. Lumingon ako sa mukha niya at nakita ang makapal na make-up. Nakita ko rin na ang ink ng eyeliner niya na unti-unting nabubura dahil sa luhang inilalabas ng kaniya mumunting mga mata. Nagkakalat na ang nga ito at napupunta sa pisngi.

Naisipan kong maglakad patungo kay Nicole. "SATANA!" sigaw ni kuya pero hindi ko siya pinansin. Patuloy ako sa paglalakad patungo kay Nicole hanggang sa marinig ko ang boses ni Nicole, "Satana..."

"Hmm?" Iyan na lamang ang lumabas  sa aking bibig na nasabi ko sa kaniya. Wala akong ibang masabi kundi iyan na lamang.

"I just want to say sorry to all thing that I've ever done to you and to your kuyas. Nang malaman ng parents ko ang tungkol diyan,  gusto na nila ako ipalipat sa ibang school. Can you help me, please? I'll change," nagmamakaawa ang tono nito. Namamaos rin ang boses niya kaya mas lalo akong natatakot. What if may nagtatangkang pumatay sa kaniya? Pero grabe naman 'yun. Papatayin agad siya? What if may boyfriend siya, tapos nabuntis siya then, may gusto siya sa kuya ko and 'yung boyfriend niya is nagselos kaya sinaktan siya? Pero wala naman akong nabalitaang may boyfriend siya. What if may umaabuso sa kaniya? Sino naman?

"Para saan naman ang tulong ko?"

"Sabihan mo sila Mommy na we're friends and you want me to stay here," are we?

"May kaib-" naputol ang sinasabi ko dahil sa kaniya. "I don't have, actually. Can you be my friend?" Weh?! Wala? Seryoso ba 'yan? Bakit parang meron? Kasama mo nga palagi 'yung mga famous na estudyante sa paaralang ito, e."A-ah"

"Satana! Tara na!" Napalingon kami pareho sa sigaw na iyon na tumawag sa pangalan ko. 

Sina kuya Simuel at kuya Sandie ang mga ito. Bakas sa mga mukha nila na unti-unti na talagang nauubos ang pasensya nila sa ginagawa ko. "Amm... d-di k-ko s-" Gusto ko sanang sabihin na hindi ako sigurado baka kasi dahil sa pagiging magkaibigan namin ay hindi ako pansinin nila kuya. Pero pwede naman tayong maging magkaibigan, pero pasikreto lang. "Tara na sabi. Hayaan mo na 'yan." Hinila ako ni kuya Samuel palayo kay Nicole. Ngayon, nakita kong may luhang tumutulo sa kaniyang mga pisngi. "Thanks to your time." Nicole... 

"Kuya , -"

"Sabi ko sa 'yo 'di ba na hayaan na siya? Tara na at uuwi na tayo? Hayaan mo na siya, okay?"

"K-k-"

"Tara na, um-" Naputol din ang sasabihin ni Kuya nang dumating si Quinny. Iyan, ito ang naiinis ako! "Satana!" Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa mata niya at dumapo ang paningin ko sa labi niyang nakangiti. Anong Akala niya, okay na kami? Ma-pride ako.

"S-sorry pala, ah. Pwede mo ba akong tulungan sa Math?" Kung si Nicole nga ay hindi ko natulungan dahil kay kuya, ikaw pa kaya? If pumayag man si kuya, ako hindi. "Hmm tatanggapin ko ang sorry, pero rejected na ang pagtulong."

"A-a-hi q-q-" tsk! Tumigil ka na sa kaniya! Aishh "Uwi na tayo, kuya."

"Wait la-"

"'Di ba ang sabi mo, uwi na?" Inis kong banggit dito. Siya na mismo ang nagsabi na uuwi na, tapos makikipaglandian pa sa mas bata sa kaniya. Wow ha! Wow! "Aishh Tara na nga."

"Ano bang nangyayari sa 'yo at hindi ka gano'n kasaya nung nakita mo si Quinny?"

"Hmm... wala."

"Aishh! Baguhin mo 'yang maskara mo, ang pangit," saad ni kuya. "Ikaw nga, kahit hindi nakamaskara, pangit pa rin."

"H-hoi! Hindi ah!"

"Pshh," saka ko siya tinarayan.

---

Nakauwi na kami nina kuya sa bahay. Sinalubong kami ni papa ng halik sa noo. Si kuya Sandie ay nandiri pa kasi ayaw niya ng hinahalikan hahaha kahit din naman ako, e, ayaw ko pero kapag sa noo? Hihi nakakaramdam ako ng paru-paro sa tiyan ko. Umakyat na ako't nag-open ng account ko. Nakita ko silang nagdadaldalan kaya naisipan kong makisali sa kaniya.

*Navarro SBH • active now*

Santana Connor:
Hello, guys. 

Marami ang nag-seen, marami ang nag-react sa message ko at marami ring bumati sa akin. They say, “hello”, “hi”, “good afternoon”, at ang iba ay iisa lang ang salita, pero maraming letters. Kagaya ng message ni Sofia Connor sa group chat ng Navarro na…

Sofia Connor:
Hhhheeeelllloooooo!!!!!

Zishio Navarro:
Hello, Santana.

Mamamo blue:
Musta ang klase mo?

Ano namang pake niya sa klase ko at pano niya nalaman na nasa klase ako kanina?

Santana Connor:
???

Mamamo blue:
Hindi mo ba naintindihan yu'ng message ko?

Santana Connor:
Naintindihan ko.

Message ko sa group chat at marami ang nag-react ng haha sa message kong iyon. Anong nakakatawa doon?

After ng message ko na kasunod ng message ni Jake ay nag-last chat ako. Mas okay lang ma-reject, huwag lang ma-last chat.

Santana Connor:
Pwede ba akong magtanong?

Chaelie Navarro:
Nagtatanong ka na.

Eh?

Santana Connor:
hindi pa kasi 'yan yu'ng pinaka tanong ko sa inyo.

Zishio Navarro:
Oh sige, what is it?

Santana Connor:
Sino ang Patatawarin at tutulungan mo? Kaibigan mo na kinaiinisan mo hanggang ngayon o yu'ng babaeng naging kaaway mo noon then, nagsorry at need ng tulong?

Gusto kong malaman ang opinion ninyo. Hindi ko alam kung sino ang tutulungan at patatawarin ko. Okay naman na kami ni Nicole. Matagal ko na siyang pinatawad sa mga ginawa niya sa akin saka matagal na iyon. Hindi na niya ako sinisiraan nor sinasaktan. Kay Quinny, hindi naman 'yun masyadong big deal, pero sa ginagawa niya, sumasama lalo ang loob ko. 

Mamamo blue:
Problema mo siguro 'yan, ano?

Santana Connor:
Hindi ah. Nagtanong kasi 'yung friend ko na ganiyan ang sitwasyon kaya nagtanong na ako sa inyo. Wala naman akong alam sa gan'yan kaya sa inyo nalang ako magtatanong.

Pagsisinungaling ko sa kanila.

:
Ahhh for me is 'yung kaaway mo na nagsorry na.

Spicy Chicken Sandwich:
Bakit naman? Nagsosorry tapos need ng tulong? Ang kapal naman ng face nu'n. 

BooDaga:
For me is yu'ng friend. Wala naman siguro siyang ginawang mali sa kaniya, right?

Santana Connor:
Meron raw. Merong sobrang kinaiinisan tapos ginawa niya.

BooDaga:
Ahhh okay, lipat ako sa kaaway tapos need ng tulong.

Miss you:
Kaaway nga e tapos tutulungan mo? Ang kapal naman yata ng mukha niyang taong yan? After awayin, hihingi ng tulong?

Zishio Navarro:
Okay ganito. Ano yu'ng ginawa ng kaaway tapos ano yu'ng ginawa nu'ng friend?"

Santana Connor:
Yu'ng sa kaaway daw ay sinisiraan siya sa kuya niya tapos 'yung sa friend ay ginawa yu'ng pinaka kinaiinisan niya. Like, pinipilit siya sa bagay na ayaw niya pero nakakatuwa para sa friend niya.

Zishio Navarro:
Ahhh, sa kaaway na lang ako.

:
Same

Mamamo blue:
Ahhh, sa kaaway na lang ako. (2)

Julia Connor:
What kind of help ba yu'ng gusto nila?

Santana Connor:
Yu'ng sa kaaway is tulong para magstay siya sa school na pinapasukan namin kasi ililipat na raw siya ng school sabi ng parents niya tapos yu'ng friend is magpapatulong sa math.

Julia Connor:
Ay, sa Kaaway na lang ako. Kung. Ako kasi 'yan, parang mas madaling ipersuade yung parents to make her stay sa school na pinapasukan niyo. Math is hard, so doon tayo sa kaaway. Bukal naman sa puso pagsosorry niya, ano?

Santana Connor:
Oo. Nakita ko pa nga sa mga mukha niya na mukha siyang nagmamakaawa.

S

ofia Connor:
Uy, haaallaaaa!!

Maraming hindi makapaniwala, marami ang nag-chat at nag-react sa message ko. Hindi ko alam kung ayos lang na i-open ko 'to sa kanila.

Chaelie Navarro:
Tsk tsk tsk. Grabe naman talaga.

Mamamo blue:
Kaaway na lang kako ang piliin niya.

Habang nag-uusap-usap kami sa group chat tungkol sa issue at nabago ang topic nang 

wala sa oras, nagulat ako nang may magmessage sa akin through private message. At laking gulat ko ay nag-send ng private message si Founder Zishio.

Zishio Navarro : Hey Ms. Santana.
Zishio Navarro : Is it really your friend's problem or it's yours?                  13:51 

Binuksan ko ang message na iyon to confirm sa kaniya na sa friend ko at hindi sa akin ang problemang iyon. 

Santana Connor:
Sa friend ko.
Z

ishio Navarro:
Bakit parang mas alam mo ang buong kwento ng nangyari?

Santana Connor:
Kasi kasama 'ko doon nung oras na nangyari 'yun.
Z

ishio Navarro:
She's your friend, right?

Santana Connor:
Sinong friend?

Zishio Navarro:
Bakit naman patanong 'yan? Iisang tao lang naman yata ang tinutukoy mong kaibigan sa group chat, right?

Santana Connor:
Hindi ko sure.
Z

ishio Navarro:
Hindi mo sure o ikaw talaga yu'ng friend na tinutukoy mo sa GC?

Ayaw kong sumagot kaya sineen ko na lang at nagbasa sa Wattpad. Nag-umpisa ako sa Chapter 5 at napatingin ako sa title ng chapter, nasa chapter 25 na ako. Wow! ang bilis ko ah. Mas ikinagulat ko pa nang may biglang nagpopped up na message at si Founder iyon. Una, nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ito. Pangalawa naman ay binuksan ko na.

Zishio Navarro: See? Sineen mo lang. Why don't you help her?                14:43 

Santana Connor:
E di ikaw ang tumulong sa kaniya , tutal mukha ka namang matalino.

Zishio Navarro:
Not 'that' friend. What I meant is 'that' enemy. If i were you, I will also choose that enemy. Nagsorry naman na siya and she really need help para makapagstay siya sa school na pinapasukan niyo. For your 'friend',grades ang maaapektuhan, sa 'enemy' na tinutukoy mo, edukasyon niya 'yun.I know that even if she transfer to other school, she can get knowledge… still. And looks like you are the only person trust the most in your school.

Santana Connor:
Bakit hindi kay 'friend'?

Zishio Navarro:
Base on what you've said earlier, na nagsorry siya and nagpapatulong din siya sa math. Hindi makukuha ng simpleng sorry ang kasalanan. Kahit maliit pa 'yan o hindi lalo na kung ma-pride ka. On the other hand, 'that enemy' is bending down his/her knees to you to accept his/her apology and para na rin makapag-stay sa school niyo kaya ikaw ang nilapitan niya. 

Kita ko naman na gusto niya pang dagdagan dahil may tatlong dots na lumalabas sa screen ko na nagpapahiwatig na may idadagdag pa siya. Kitang-kita ko rin sa messages niya na willing talaga siyang tulungan ako despite of my attitude towards his co-member, Chaelie Navarro.

Zishio Navarro:
Choose your enemy, palagi ka namang nandiyan sa tabi ng friend mo, right? I am not forcing you to choose between your friend and your enemy. Choose the person base on what your heart says.

Santana Connor:
Okay, I'll choose her.

Zishio Navarro:
Her? Sinong her?  Babae ba 'yung enemy mo?Or is that enemy a male?

Santana Connor:
Babae siya. Sige, tutulungan ko si Enemy.

Zishio Navarro:
Okay then, good luck.

I reacted sa last message niya sa akin. Binuksan ko ang main account ko at kinamusta si Nicole. Ang nakakatakot pa ay baka pinapagalitan na siya ng parents niya about sa paglipat niya sa ibang school na ayaw naman niya. I also ask her if kailangan niya pa rin ba ng tulong and she said, "no". Nalungkot ako lalo sa naging dahilan niya. Parang mas gusto ko 'yung ginugulo niya ang kuya ko kasi nga mahal niya.

Nicole Natividad: 
Nadrop na ako sa school na 'yon. Isang oras bago mag-uwian is inayos na pala nila mommy 'yung documents para sa paglipat ko sa ibang school.

Satana Ocampo:
Hala. Paano na 'yan?

Nicole Natividad:
Don't worry. Sorry ulit ah dahil sa paninira ko sa iyo sa kuya mo.

Satana Ocampo:
Okay lang. Past na.

Nicole Natividad:
Sabihin mo rin sa kaniya na sorry kasi ginugulo ko siya. And kay Jazmine kasi Solo na niya si Simuel haha

Satana Ocampo:
Hayst. Sakit naman niyan.

Kinamusta ko ulit siya. Sana naman ay maging okay siya, pero ang sinabi niya lang ay hindi. Sabi niya rin sa akin na namamaga raw ang pisngi niya ngayon at kasama niya ang ama niya sa paggagamot dito pati sa pasa niya. Nababasa rin daw ng tatay niya ang mine-message ko at message na isine-send niya sa akin. Sinabi niya rin sa akin na natutuwa raw ang tatay niya for her kasi nandito raw ako. Nag-reply naman ako ng pasasalamat na willing akong tabihan ang mga taong need talaga ng balikat at tulong.

Satana Ocampo:
Sorry ah, hindi ko alam kung paano ka i-co-confort.

Nicole Natividad:
Okay lang. Sige na bye bye na. Ingat ka diyan ah. Pa inform din ako sa kuya mo haha.

Satana Ocampo:
Sure ba haha. Ingat ka diyan ah. Get well soon!

Nicole Natividad:
Sure, I will.

Nalungkot ako at napahiga sa higaan. 'Yun lang naman ang pwede kong gawin dito sa kwarto ko, ang humiga. Wala naman kasi akong masyadong gagawin kaya nagdadrama muna ako. 

Late na late na ako. Sobrang late ko na siyang natulungan. Kung naroon ako sa tabi niya ay kinomfort ko na siya. Gusto ko siyang yakapin para mabawasan 'yung lungkot niya. Ang problema ay malayo siya, at isa pa, ayokong lumabas.

Nag-decide akong mag-open ulit ng roleplayer account ko at i-message si Manong tungkol sa naging conversation namin ni Nicole. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?

*Zishio Navarro • active now*

Santana Connor:
Too late to help.

Zishio Navarro: 
What do you mean? There's no too late. "Too late" is only for weaks.

Santana Connor:
Nailipat na siya ng parents niya bago pa mag-uwian.

Zishio Navarro:
That's Sad. Chair up!

Santana Connor:
Chair up? Itaas ang upuan?

Zishio Navarro:
No, i mean Cheer up. Haha

Santana Connor:
Ahhh okay.

Zishio Connor:
Pahinga ka na muna and take care. But don't forget our activity. Deadline is on friday. There's only 2 days left for you to make our SBH's activity. Post the poem on your timeline and mention mo ko.

Santana Connor:
Ahh sige sige. Hindi ko kalilimutan 'yan. Salamat.

We ended our conversation and parehas kaming lumipat sa GC at ito ang bumungad. Lahat ito ay message ni Jake Navarro at parang kinilabutan ako sa pinagsasasabi niya lalo na doon sa pangatlo.

*Navarro SBH • active now*

Mamamo blue:
Hey! Kanina pa ako nagchachat! Bakit walang pumapansin sa akin? Okay sige, sorry kung ganito lang ako. Hindj ako gwapo ,Opo. Hindi rin ako kamahal-mahal. Sorry, ganito lang ako. 

Spicy Chicken Sandwich:
Si Jake niyo, Sad boy.

Zishio Navarro:
Gawa na kayo ng activity ninyo.

Spicy Chicken Sandwich replied to Zishio Navarro:
Ay, wala na. Sad girl na rin ako. Sorry, ito lang ako. 

Napailing na lang ako sa pinaggagagawa nila sa group chat. Agad akong nag-isip ng topic at gumawa ng poet. Tungkol na lang sa love. Tutal, mas maraming makaka-relate kapag love ang topic. Kumain na rin ako pagkatapos at natulog. Nai-post ko na rin 'yung poet na nagawa ko. After kong gawin iyon, minention ko na si founder and guess what i've received? A compliment. Hindi ko alam na G pala ako sa paggawa ng poetry. Sabi niya, pwede raw akong magpakamanunulat sa social media at ang Navarro — lalo na siya — ang susuporta sa akin sa pagiging writer journey ko. 

Ngayong sinabi niya ang tungkol diyan, napag-isip-isip ko na, pwede rin, tapos pagkakitaan ko. Wala, e. Mukha kasi akong pera.

Yan ang aking hapitot

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
16.2K 350 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
188K 8.3K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...