Fire Of The Burning Sands [Is...

By LadyMoonworth

33.6K 864 134

Isla de Provincia #6: Fire Of The Burning Sands Three words to describe Agleya Caleigh Trinidad; mapaglaro, m... More

Isla de Provincia
Disclaimer
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28

Kabanata 03

1.2K 35 15
By LadyMoonworth

KABANATA 03

My parent's love story is forbidden.

Mama Angeline, and Papa Cesàr are second cousin. My grandparents died back then, and its due to a horrible car accident. That time, Mamita became my mama's guardian. Si Mamita naman ay pinsan ang papa ni mama kaya madali niya lang natanggap si mama para buong pusong patirahin doon sa mansion.

And Mamita's son, papa Cesàr become really close to his second causin. Hanggang sa 'yung simpleng pagkakalapit ng dalawa dahil magkapamilya ay nauwi sa mas malalim na paraan.

They fell inlove.. The forbidden desire bloom.. Pinilit naman daw nila na pigilan ang nararamdaman sa isa't isa. Pero nang ipagkasundo si papa Cesàr sa kalapit pamilya ng mga Trinidad para magpakasal ay lalong tumibay ang loob ni papa para ipaglaban ang nararamdaman kay mama.

Tumanggi siya sa inutos ni Mamita, at nagrebelde para hindi na maituloy pa ang planong pagkakasundo.

Si Mamita naman na nakakaamoy na pala sa relasyon ng dalawa ay nagalit kay mama. Pinalayas niya si mama nang hindi nalalaman ni papa. Pero nang malaman ito ni papa ay walang pagdadalawang isip siyang sumunod kay mama. Sa nangyareng 'yon ay lalong nagalit si Mamita. She threatened my parents that she would disclose their relationship to the whole town if they keep resisting and if they won't follow her commands. Ngunit puno man ng pangamba at takot na sumugal ay sumubok pa rin sila mama't papa. Pinagpatuloy nila ang pagtanan at paglayo sa bayan namin. 

Dahil sa ginawa naman nilang iyon ay tila nawalan na ng puso ang lola ko. Kinumpirma niya sa lahat ang mga haka-haka na nag-iingay sa bayan nung mga panahon na 'yon, at ayon ay ang bawal na relasyon nila mama.

Gaya ni Hope na lagi akong ginagawan ng kwento. Si Mamita ay naghabi rin ng mga kasinungalingan para ang mas pagbuntungan sa nangyare ay ang mama ko. Sinabi niyang nilandi ng mama ko si papa, at isang walang dignidad na babae si mama—Isang kaladkaring babae, at bayaran.

Lahat ng ikasisira nila mama ay ikinalat ni Mamita.

Napuno ng panghuhusga at kahihiyan ang pamumuhay ng mga magulang ko lalo na nang makarating sa katabing bayan kung saan sila nagtanan ang kumalat na balitang 'yon. Sila a'y tinaboy na tila kriminal, at ininsulto. Binato ng mga masasakit na salitang hindi na makatao. Paulit-ulit na na sinubok ang pagmamahalan nila mama at papa—To the point na nag-decide na lamang si papa na tumigil.

He took a risk in fixing their situation lalo na nang makitang nahihirapan na si mama. He returned to the villa, and made an agreement with Mamita. He promised to obey all of his mother's demands for mama's protection. Pero ang akala niyang pagsang-ayon ni Mamita sa deal nila ay hindi nangyare lalo na nang malamang buntis na si mama.. Na nabuo na ako.

Si papa ay muling lumaban sa pamilya Trinidad at tinayo na ang pamilya namin sa ibang lugar. Nagpakalayo-layo sila mama't papa sa bayan namin gamit ang perang ibinigay ng isang kakilala. Dahil doon ay pansamantalang nanahimik ang buhay namin. But in just almost 4 years, Mamita were able to trace our whereabouts.

Papa and mama thought that Mamita had changed. That their not so ordinary relationship and the family that they have built has been accepted. But they are utterly wrong.

Ika-sampu ng octobre taong 2006, pinatuloy kami sa maliit na rest house upang magpahinga matapos ang maliit na salo-salo na inihanda para sa pag-welcome sa pamilya namin. Pero sa kadiliman ng gabi habang mag-isa ako sa silid at mahimbing na natutulog dahil pinauna akong paakyatin nila papa ay isang malaking apoy ang kumalat sa buo kong silid.

Sila mama at papa na papasok pa lamang sa rest house ay kaagad na naalerto lalo na nang makita ang limang magsasaka na tauhan ni Mamita. Sila ay nakapalibot sa buong bahay habang hawak ang mga bote ng alak at nagtatawanan nilang pinapanood ang pagliliyab nito.

Madaling kumilos si papa at walang pagdadalawang isip na pinasok ang bahay para sagipin ako sa itaas. Si mama naman ay napipilitang nagpaiwan sa labas dahil halos matupok na ng apoy ang buong kabahayan. Humahagulgol, kanyang kinompronta ang mga tauhan ni Mamita. At tama nga ang hinala niya, ito ay utos ng matanda.

Inutos ni Mamita na sunugin ang bahay para patayin ang batang anak sa kahihiyan habang pinakikisamahan nila ang mga magulang kong makasalanan.

I can still remember how my mama Angeline broke down while telling me their painful stories. Na maski ako, hindi mapigilang humagulgol at sabayan siya kahit na nasa musmos na gulang pa lamang ako.

Dahil sa boses pa lang ni mama, at sa kasawiang nakapinta sa mga mata niya habang nagkukwento ay ramdam ko agad kung gaano ito kasakit at kahirap.

Mapait akong napangiti habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang blower. Mula sa salamin ay malaya kong nakikita ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa matinding pag-iyak. Maski nga ang labi ko ay nagkasugat na dahil sa diin ng pagkagat-labi ko kanina.

Napailing na lamang ako at winaksi na sa isipan ko ang mga sakit na ala-ala ng nakaraan ko. Tinapos ko ang pag-aayos sa sarili ko saka tumayo na para bumaba at mag-ikot naman dito sa El Grande Paraiso. Tabi ng resort na ito ay ang naggagandang hotel building para sa mga turista at cabin naman para sa may balak magtagal o magbakasyon.

Sa sinabi rin ni Markus sa akin bago niya ako iwanan sa cabin ay may villas din dito sa Isla de Provincia. Sa mga villas naninirahan permanently ang mga taong may registered nang pagkakakilanlan sa El Securidad. Isa sa mga bagay na dapat laging dala ng tao rito ay ang kanilang assigned membership pass. Ang membership pass ay isang card na tila ba identity ng mga taga Isla de Provincia. Mahalaga ito dahil ang QR code na nakatalaga sa card ay ang siyang magiging entry access ng sinoman para sa malayang paggalaw rito sa isla.

Napatingin ako sa red number sa itaas ng bahagi nitong elevator. At nang pumalit na ang 2 sa 1 ay kaagad akong naghanda para lumabas. Ganun din ang mga kasama ko rito. Gaya ko ay may kaniya-kaniya silang gayak para maglibot sa isla.

"Dalawang Tapsilog with brown coffee, please." pormal na sabi ko sa waitress saka naupo sa itim na monoblock.

Sa kakaikot ko sa resort ay nakalabas na ako at sa hindi kalayuan ay natagpuan ko naman ang mga food stall na humilera sa tabi ng mga maliliit na shop rito sa isla. Mga mumurahing souvenir items na hindi tataas sa dalawang daan ang presyo ayon sa price tag na nakalagay sa harapan ng mga ito. Hindi ko nga makuhang tignan ang mga 'yon dahil ayokong lumapit sa tukso.

Kilala ko ang sarili ko, basta mga souvenir item ay bibilhin ko hanggang sa wala na namang matira sa wallet ko. Kaya hangga't nasa proper state of mind pa ako ay hindi ako susulyap doon para makaiwas na sa mga posibilidad nang paggastos. Hangga't kaya ko lalayuan ko ang tukso dahil hindi iyon ang lalayo sa akin.

"165 pesos lang po ma'am," ani ng cashier dahilan para iurong ko ang one thousand pesos ko.

Gusto kong mapahiyaw sa tuwa dahil kaunti lang ang nagastos ko sa araw na ito. Mukhang ito na ang magiging tambayan ko sa araw-araw. Mas makakatipid ako kapag dito ako kakain.

"Thank you po, ma'am. Balik ka po ulit." nakangiting sabi ng babae. Nakaputing polo siya, nakasuot ng berdeng sumbrero at apron.

Simpleng lang ang food stall nila rito ngunit mawalak at maluwag naman. Hindi gano'n kaelegante gaya ng mga restaurant do'n sa loob ng resort pero maganda naman sa paningin. Malinis at mabilis din kumilos ang mga staff.

Napangiti ako.

Masaya ako dahil may ganitong comport place ang Isla de Provincia.

Thick eyebrows, deep pair of eyes, and sharp nose. Talaga bang buko juice vendor lang ang gwapong lalaking ito? Hanggang ngayon ay ayaw kong maniwala pero sinakyan ko na lamang siya.

"So, nagbebenta ka ng buko juice? That's it?" paninigurado ko muna. Pinagmasdan ko ang halos walang tigyawat niyang mukha. Nahiya bigla 'yung isang butlig ko sa kaliwang noo.

Ngumiti siya sa akin. "Yeah, you want to have one?"

"Oh, your bj?" Pinigil kong hindi matawa dahil bigla siyang natigilan sa uri ng pagtatanong ko. "Yeah, my bj."

"Then give me your blow.." I chuckled. "I mean, your buko juice that will blow my mind, Zender." sabi ko na lamang at ayun nga ang ginawa niya.

Inabutan niya ako ng fresh buko juice na nasa coconut shell pa. Perpektong nakatusok ang itim na straw sa bilugang parte ng shell. Mukhang matagal niya nang trabaho ito. Kumuha ako ng pera at akmang magbabayad na nang tumanggi siya.

"Libre ko na lang 'yan sa 'yo, Miss Caleigh."

"Agleya nga.." pigil ko nang marinig ko ang pagbanggit niya sa second name ko. Mukhang napagkamalan niya itong apelyido ko kanina. But he only wiggle his brows. After a while, nagpaalam na siya sa akin dahil biglang may sumesenyas sa kaniya na isang crew.

"Dami pa lang pogi rito e," bulong ko saka inalala ang itsura ni Zender.  "Pati nga buko juice seller, pwede nang maging model."

Napailing ako saka sumimsim na sa straw at nang malasahan kung gaano ito kasarap ay wala sa sariling napangisi muli ako. Zender is may be a type of man that any women can drool about. Pero sa ngayon mas bet ko talaga 'yung trabaho niya. Just imagine this one, Agleya Caleigh selling a buko juice tapos bawat magiging costumer ko tatanungin ko ng, "do you want some bj, sir?".

"Girl, ang harot." Pinigilan ko ang pagbungingis ko. Kung ano-ano itong pumapasok sa isip ko.

Nagtuloy-tuloy na lamang ako sa paglalakad. Pero dahil sinalubong ako ng malakas na hangin ay napatabi ako sa gilid.

"Ay hala," May biglang nag-react sa gilid ko. "Hotness overflowed na naman si Zale kanina!" Napasulyap ako sa kanila. May tinitignan silang larawan do'n sa cellphone ng nasa gitna. I think stolen pictures 'yon ng lalaking ina-admire nila rito sa Isla de Provincia.

Lumayo na ako sa kanila at umalis na sa dalampasigan. Malamang sa malamang ay makikita ko rin naman kung sino iyon. Pagkapasok ko sa comport room ay inilapag ko ang hawak kong buko juice sa mahabang sink na nasa harapan ko. Nasa kanan pa 'yung mga cubicle, at tanging powder area pa lang itong kinatatayuan ko.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Pagkatapos ay bahagya kong binasa ang mukha ko at naghilamos. Ayaw na ayaw kong nadudumihan ang mukha ko sa totoo lang. Bago matulog ay palagi akong nagsusuot ng face mask. Walang araw na hindi ko nagagawa ang skin care at beauty routine ko. Maalaga ako sa katawan ko at ayon naman siguro ang namana ko kay mama.

Kinuha ko ang maroon tint sa wallet ko at dinagdagan ng kulay ang labi ko. Naglabas na rin ako ng blush on at eyeliner saka nagsimula nang magre-touch. Mahilig akong magpaganda, at hindi ko itatanggi 'yon. Oo nga, at naniniwala ako sa natural beauty na tinatawag ng karamihan. Pero naniniwala din akong tumutulong ang cosmetics at make-up products para mas ma-enhance 'yung ganda ng isang tao—mapa-lalaki man o babae.

"Done!" Ngumisi ako sa salamin matapos kong ayusin ang mga nilabas kong gamit kanina galing sa pouch ko. Maya-maya pa ay umalis na ako sa powder area.

Pero ang hindi ko inaasahan nung lumabas ako sa loob ay ang saktong makasalubong ang lalaking mala-greek god ang mukha at katawang nakita ko sa club! Umuwang ang bibig ko at napatulala habang pinagmamasdan siya. Dahil ang tanging suot lamang niya ay manipis na sando, labas na labas ang matipuno niyang katawan. Mukhang kaya akong pabagsakin ng muscles niya. Sa bawat paghangin ay bumabakat naman ang abs niya. Nang pasimple niyang suklayin ang may kabasaan niyang buhok ay nag-init ang magkabilang pisnge ko.

Napaiwas ako ng tingin. Pero kalauna'y napapikit na nang mariin. Sa pangalawang beses na pagkakataon ay muli na naman akong tumalikod sa kanya.

Tang ina. Parang nakakabasa pa rin.

Muli akong bumalik sa powder room. Hindi ako mapakali. Hindi ko na ipagkakaila pa ang matinding atraksyong nararamdaman ko sa estrangherong lalaking iyon. Tuwing nagkakaharap kami ay hindi ko nagugustuhan ang nagiging reaksyon ng katawan at puso ko. Mas pinag-iinit niya pa ako kaysa sa heat index sa metro manila. Hindi ko pa siya nahahawakan pero pakiramdam ko ay unti-unti niya na akong tinunaw. Masyado siyang nakakapaso. Delikado man pero sadyang nakakaakit ang hatid niyang tukso.

L A D Y  M | MOONWORTH

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...