Fire Of The Burning Sands [Is...

By LadyMoonworth

33.5K 863 134

Isla de Provincia #6: Fire Of The Burning Sands Three words to describe Agleya Caleigh Trinidad; mapaglaro, m... More

Isla de Provincia
Disclaimer
Simula
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26

Kabanata 01

1.8K 48 8
By LadyMoonworth

KABANATA 01

"Nandito na po tayo sa isla.." When I heard those words ay kaagad akong kumilos. I quickly gathered all of my belongings. Akmang bababa na ako mag-isa sa boat nang bigla akong alalayan ng isang lalaki.

Amuse akong tumingin sa kanya. Samantalang ang mga kasama ko namang babae ay mukhang sanay na sanay na. Panay ang ngiti nila pagkalapat pa lang ng kanilang kamay sa maginoong mga lalaki sa aming harapan. They also kept blushing because whether I admit it or not, I knew the men who greeted us were totally good-looking. Halatang batak sa gym at mukhang magagaling sa pagsisid.

"Welcome to Isla de Provincia, ma'am." The man in front of me muttered, grinning pleasingly at me.

"Thank you.." sabi ko naman. Hinayaan ko siyang alalayan pa ang ibang pasahero.

Tumingin ako kabuuan ng isla at napanganga na lamang ako. Nang ilibot ko ang mga mata ko sa paligid ay iniisip ko kung totoo ba itong nakikita ko. Sobrang ganda! Hindi ko na sinearch pa ang lugar na ito kaya ngayon, manghang-mangha ako. Hindi ko nahanda ang sarili ko sa maaari kong masaksihan ngayon.

Wala sa sariling humakbang ako. Pinagulong ko ang maletang dala ko. Nangangati na agad ang mga paa kong malibot ang paligid. Nasasabik akong makita pa ang naggagandahang tanawain dito sa Isla de Provincia. Ang sabi ni Francine maliit lang ang islang ito. Ngayon, gusto ko tuloy matawa dahil mahihiya na lang ang salitang mapa sa lawak ng lugar!

Binilisan ko ang paglalakad ko. Nang hindi ako makontento ay naabutan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo. Nakangiti ako at tila malayang-malaya na. Sumasabay sa akin ang sariwang hangin ng isla na siya namang gumagabay sa dereksyong pinupuntahan ko.

Naglabas ako ng magaang buntong hininga. There is nothing as soft as the fine sand that my feet step on. Kung gugustuhin ko ngang magpaa gaya ng iba ay malamang sa malamang ay mas mararamdaman ko kung gaano ito kalambot at kapino. At ayon nga ang ginawa ko.

Natatawa kong tinanggal ang sandals ko, at humiyaw. Nagawa ko pang magpaikot-ikot sa sobrang saya. Kung iba sigurong nakakita sa ginagawa ko ay iisiping nababaliw na ako. Pero iba ang mga tao rito sa isla. Nang makita nila ako ay natawa sila hanggang sa bigla na lamang nila akong sabayan. Parang tanga kaming naghihiyawan habang nagsisitalunan ngayon.

"Wow! You're great at dancing!" My face brightened as I looked back at the man who spoke behind me.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Who are you, handsome boy?"

"I'm Markus, ganda." Hindi na ako nagulat pa nang halikan niya ang likuran ng kamay ko. "And may I know who's this unbothered woman who keeps dancing like an expert in the middle of Isla de Provincia?"

"I'm Agleya, Markus." I chuckled, nudging his shoulder playfully. "Your sweetest untamed karma."

"Oh, really?" He acts surprised, slowly smirking at me. "I'll take that karma of mine without hesitation then, my sweetest."

I was indeed impressed. Mukhang makakasundo ko ang isang ito. He seems fun to be with, looking carefree and festive like this. Kaya nang ilang pulgada na lamang ang lapit niya sa akin, umiwas ako. Pabiro kong pinalo ang kamay niyang hahapit agad sa bewang ko.

"Hands off." I pointed out, becoming serious all of a sudden. "I like you so I'll keep you, okay?"

Bagaman rumehistro ang bigla sa gwapo niyang mukha ay nagpatuloy siya.

"What do you mean, my sweetest?" he whispered, tucking my hair at the back of my ear. He's really a flirt.

"Offering a friendship, I guess?"

"A friendship huh?" He teasingly wiggles his brows, challenging me. But I remain standing in front of him. Nakaabot na ang kamay ko sa kanya. At hindi nga ako nagkamali sa desisyon ko, ilang segundo lang ang lumipas at tinanggap niya agad 'yon.

"Friendship, then." The moment he agreed, we both had very long eye contact.

Kalaunan ay napangiti ako. Walang pangundangang kumapit ako sa kanya. Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya. Inalalayan naman niya agad ako. At dahil lubos na makapal naman talaga ang mukha ko, pinahawak ko na sa kanya ang mga gamit ko. Kanina pa ako nangangawit sa pagbubuhat no'n.

"I knew it! Katulong ang gusto mo, hindi kaibigan." Tinawanan ko lang siya. Ang hawak-hawak ko na lamang ngayon ay ang tinanggal kong sandals kanina.

"Bakit? Hindi mo ba kaya?"

"Gusto mo ipasan pa kita.." pagmamayabang niya. Bigla niya ring flinex 'yung muscle niya kaya napailing ako.

Napuno ng pagkukwentuhan ang paglalakad namin. Palabiro si Markus at nae-enjoy ko talaga ang presence niya sa tabi ko. Ang dami niyang tinuturong tourist spot at kapag nililingon ko naman, nabubusog agad ang mga mata ko. This island is very eye-catching, and each place impresses every traveller who visiting.

"This resort is called El Grande Paraiso.." Namulsa si Markus. Halatang matagal na siya rito. Gamay niya na ang mga lugar.

Napatango ako.

Pumasok kami sa loob ng resort at wala na talaga akong masabi. Isla de Provincia is a lovely home for everyone. As Markus continuously guided me inside, my stomach suddenly made a sound. At first, hindi ko na muna 'yon pinansin. Pero nang umugong na talaga ito, ang katabi ko na ang nag-react.

Nilingon niya ako at hindi ko mapigilang mamula. Humagalpak naman siya ng tawa. Mukhang kanina niya pa 'yon naririnig pero ngayon lang nagkomento.

"Gutom ka na nga.." ani niya at pinasadahan pa ako ng tingin. Napahaplos ako sa tummy ko. Kanina pa nga pala ako hindi kumakain.

Nang magsimula akong bumyahe kanina, wala na talagang laman ang tiyan ko. Aside from the fact that Francine and I were in a hurry to escape the villa—I had no appetite for dining earlier. Kaharap ko kase sa hapagkainan ang mga pinsan ko no'n, at bagaman wala roon si Mamita dahil may kausap sa itaas ng mansion ay hindi ako komportableng kasama ang pinsan kong patuloy pa rin akong binatikos.

Kung sila naiinis sa presensiya ko, ako naman ay naasiwa nang makita pa ang pagmumukha nila. Nakakaumay kaya silang kasama. Sino ba ang hindi mawawalan ng gana sa ganung pag-uugali nila?

"So how is it?" tanong ni Markus matapos naming kumain. Nakasandal siya sa kinauupuan niya habang nakatingin sa akin.

We are now at Yummy Cafe, and I can say that this cafe is so comfy. It has a friendly environment and relaxing atmosphere. The crew members are approachable. The cafe offers good services and delicious meals.

"Thumbs up.." Napabungisngis ako. "Walang tapon lahat."

"Sabi ko naman sa 'yo e.."

Wala sa sariling napaangat ang tingin ko sa commercial ng cornetto ice cream sa flat screen. Nakalagay iyon sa itaas ng food court na nasa labas nitong Yummy Cafe. Nasa beach 'yung endorser at ipinakita ang twenty pesos. "Hanggang saan aabot ang bente mo?" pagbanggit pa ng lalaki.

"Let's go?" Muling bumalik ang atensyon ko kay Markus nang magsalita siya. Natapos na rin siya roon sa iniinom niya kanina.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Wala na sa kanya ang mga gamit ko. May mga tao kase kaming nakasalubong at doon niya muna pansamantalang pinahawak ang bag at maleta ko. Tumayo ako. This time suot ko na ang sandals ko.

Muntik na kase akong pumasok sa cafe nang nakapaa lang kanina. Mabuti na lang at nakalabit kaagad ako ni Markus. Nakakahiya naman kase sa malinis at halos makintab nilang sahig. Puro buhangin na kaya ang paa ko kanina. Kung hindi nga lang maganda ang paa ko ay nakakasiguradong magmumukha na iyong paa ng construction worker kapag nagtatrabaho.

"So what you were saying is.. you don't just plan to take a walk or vacation here on the island? That you will stay here completely?" Pagkukumpirma niya nang sabihin kong ihanap niya ako ng cabin dahil magtatagal ako rito.

"Parang ganun na nga.." Nilingon ko siya. Pero nangunot lang ang noo niya. "Talaga ba?"

"Why? Ano bang masama sa gusto ko?" Huminto siya sa paglalakad kaya itinigil ko na rin ang paghakbang ko. Hinawakan niya ako sa balikat at pinanliitan ng mata. Mula sa mga paa ko ay pinasadahan niya ako ng tingin, tila ba inoobserbahan ako.

"Ilang taon ka na nga ulit?" tanong niya sa seryosong boses at dinaga ng kaba ang dibdib ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Iniisip ko kung kampante na ba akong magsabi sa kanya ng totoo. Pero nang maalala kong ngayon nga lang pala kami nagkita at nagkakilala—winaksi ko ang una kong pinagpilian.

"Why are you even asking handsome boy?" I shrugged him off. "Why hm? Are you interested in me now? I told you, what I want for you is only for friendship."

I darted my eyes on him again. Although I was truly anxious because of the look he was giving me, I tried to act properly. Mahirap na, baka siya pa ang pumutol sa kaligayang nararamdaman ko ngayon dito sa isla. Baka isa pa siya sa makasira sa planong ginawa namin ni Francine.

Yes, I will admit it, it's true that I'm comfortable with him but that doesn't mean that I can now reveal who I am. Sa pagtatanong niya pa lang ng kung ano ang edad ko ay alam kong suspicious na kaagad siya. At sa mga lalaking kausap niya kanina para kunin ang mga gamit ko, nakakasigurado akong isa siya sa mga taong maraming koneksyon dito sa isla. Dahil kung hindi, bakit isang utos niya lang, sinusunod kaagad siya ng mga ito? Halatang-halata ko 'yon habang naglilibot kami kanina.

"Yeah, right.." Markus sighed, but when he saw that I was still looking at him ay ngumiti siya. "Kung balak mo pa lang manatili na talaga dito, I can lead you to your assigned cabin then."

"Sige." I murmured. "Pero kasya ba 'yan sa cash na meron lang ako ngayon? Sa itsura nitong isla, alam kong gold kayo."

Ngayon ay nag-aalangan tuloy ako. I only had a little money, and if the cabin he was referring to was expensive I might have to suffer tomorrow.

"Nah, I know you can afford that or if you want ako na ang magbabayad—" Kaagad ko siyang pinutol. "I'm just kidding, Markus. I can definitely afford that. Simple man ang suot ko ngayon pero pang-diamond itong mukha ko 'no."

"Mukha nga.." Natawa na siya. "Baka nga mas mayaman ka pa sa akin."

Sa sinabi niyang iyon ay muntik na akong mapangiwi. Kung alam niya lang kung magkano ang laman ng wallet ko sa bulsa! Hindi gaya niya wala akong bank account, or cards. Hindi uso sa akin 'yon dahil sapat na ang wallet ko para i-keep 'yung sarili kong pera. Bukod sa hindi naman 'yon gano'n kalaki, sapat lang talaga para sa akin.

Siguro nga ang pinakamalaking perang nagdaan sa kamay ko ay wala pa sa milyones na nasa kanila.

"Siguro nga maliit lang sa 'yo 'yung monthly rent na 60,000 sa cabin.." ani niya pa dahilan para tuluyan na akong manlata. Umuwang ang bibig ko at umasta pang matutumba. Feeling ko biglang nawalan ng buhay ang katawan ko sa naririnig sa kanya!

"Are you okay, Agleya?" Worry and concern immediately settled on Markus' face when he saw my reaction. Nagawa niya pa akong hawakan sa braso. "Namumutla ka, ganda. Is it because of the price of the cabin?"

"Haha, hindi ayos lang, ano ka ba.. Naliliitan pa nga ako sa 60k." God knows how I wanted to slap my mouth because of that lies.

Tumango si Markus. Pero hindi na nawala ang kunot ng noo niya. Marahil ay pinagdududahan na naman ako. Huminga ako nang malalim. Sinabi ko na lamang sa kanya na gusto ko nang magpahatid sa sinasabi niyang cabin.

"Alright, I'll leave you here." he then typed his number on my cellphone. "If you need anything, just call my number okay?"

"Thank you talaga.." Inipit ko ang hibla ng buhok ko sa tainga ko. Gusto ko na siyang paalisin ngayon sa harapan ko. Sa pinto pa lang nitong cabin, mamahalin nga talaga.

"Goodbye, Agleya."

"See you soon.." I fake a smile on him. Ginulo naman niya ang buhok ko. Kumaway siya sa akin at tumalikod na.

Pumasok na ako sa loob ng cabin.

"Tang ina," Nilibot ko ng tingin ang paligid. Maganda at elegante ang buong kwarto ngunit talagang kakasya lang sa akin.

Napailing ako.

"Tang ina ulit." Ang balak ko kanina ay magpapacabin-mate ako pero mukhang hindi na pwede dahil nag-iisa lang ang kama.

Napapikit ako nang mariin saka napaupo. Nanghihina ako. Pero nang maramdaman ko namang sobrang lambot ng kama, ginashlight ko na lang ang sarili ko. Baka pwede na. Worth it naman siguro ito.

My attention suddenly went to somewhere else. Bakit may tray sa lamesa? Nilapitan ko 'yon at halos manlaki ang mga mata ko nang makitang naglalaman ito ng mamahaling pagkain. Binasa ko ang note na iniwan yata ng informant sa tabi nito at sa dulo, nakatala na kung magkano 'yung bill na magpapadagdag ng mga babayaran ko ngayon.

"Fuck.." Mukhang si Markus ang nag-order nito! Ang gagong 'yon..

Tulala kong inilabas ang pitaka ko. Binuksan ko ang zipper nito at binulatlat ang lahat ng laman. Binilang ko kung magkano ulit ang papel na nakalagay dito. Pero ang inaakala kong sampung libo ay apat na libo lang pala!

"Oh, God.." Inisip ko kung paano nangyareng nabawasan ito pero nang maalala ko ang pagpapahiram ko ng pera kay Francine bago kami maghiwalay ay napatampal na lang ako sa noo.

Namumutla akong napahiga sa kama. Mulat ang matang tiningala ko ang ceilings. Bagsak ang balikat ko. Hindi na rin maipinta pa ang mukha ko. Isang katanungan lang ang namumuo ngayon sa isipan ko.

"Hanggang saan aabot ang apat na libo mo, Agleya Caleigh..?" eskandaherang hiyaw ko, tila nababaliw na.

Hanggang saan nga ba aabot ang apat na libong pera ko sa mahigpit eighty thousands na babayaran ko ngayon?

"Kung minamalas ka naman talaga oh.." Bigo akong napailing. Pinagsisihan ko tuloy na pinaubaya ko kay Markus lahat! Sana pala nang matapos niya akong ilibre sa Yummy Cafe ay humiwalay na agad ako..

L A D Y  M | MOONWORTH

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.8M 61.6K 56
UDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli...