She Who Stole Cupid's Arrow

By alyloony

35.3M 1.1M 345K

Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5 (10/30/14)
Chapter 6 (11/8/14)
Chapter 7 (11/10/14)
Chapter 8 (11/11/14)
Chapter 9 (11/19/14)
Chapter 10 (11/24/14)
Chapter 11 (11/25/14)
Chapter 12 (11/27/14)
Chapter 13 (11/28/14)
Chapter 14 (12/1/14)
Chapter 15 (12/05/14)
Chapter 16 (12/6/14)
Chapter 17 (12/9/14)
Chapter 18 (12/17/14)
Chapter 19 (12/23/14)
Chapter 20 (12/29/14)
Chapter 21 (12/30/14)
Chapter 22 (1/2/15)
Chapter 23 (01/07/15)
Next update will be on....
Chapter 24 (2/1/15)
Chapter 25 (02/07/15)
Chapter 26 (2/16/15)
Chapter 27 (3/15/15)
Chapter 28
Chapter 29 (3/25/15)
Chapter 30 (4/2/15)
Chapter 32 (5/6/15)
Chapter 33 (5/19/15)
Chapter 34 (6/9/15)
Chapter 35 (6/14/15)
Chapter 36 (6/16/15)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
The Living Arrow - Book 2 of SWSCA

Chapter 31 (04/18/15)

508K 15.9K 7.7K
By alyloony

Chapter 31

[Jillian's POV]

"Jillian!!! Ikaw bata ka! Tignan mo ang itsura mo! Ang ganda-ganda mo na!" masayang-masayang bati sa akin ni mother superior habang hawak-hawak niya ang mukha ko.

Natatawa-tawa at naiiyak ko siyang niyakap ng mahigpit.

Halos kararating lang namin ni West sa bahay ampunan kung saan ako nakatira dati. Nang makita ko ang gate nito kanina, dali-dali akong bumaba ng kotse at tumakbo papasok.

Sobrang excited akong makita ang mga taong kumupkop sa akin pati na rin ang lugar na kinalakihan ko.

Lalo na si mother superior.

Itinuring niya kasi ako na parang isang tunay na anak.

"Miss na miss ko po kayo. Sorry talaga ngayon lang ako nakadalaw. Sorry. Sorry!!" sabi ko sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

"Ano ka bang bata ka! Okay lang yun. Ang mahalaga nandito ka ngayon.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang kamay ko, "kamusta ka? Anong trabaho mo?"

"Okay naman po ako. Eto, proofreader ako sa isang publishing company."

"Doon ka pa rin ba nakatira sa ama mo?"

"Ama? Meron ba ako nun?" natatawa-tawa kong sabi.

"Jillian," sabi naman niya na medyo may pagbabanta sa boses.

I pout, "hindi po. Hindi ako sa kanya nakatira at never akong tumira sa bahay niya."

"Ha? Aba'y nung kinuha ka niya rito sa ampunan, ipinangako niya sa akin na di ka niya pababayaan!"

"Hindi naman po niya ako pinabayaan. Siya naman nagbayad ng tuition ko at lahat ng mga gastusin ko. Eh, yun nga lang po, nakabukod ako sa kanya. Nung grumaduate na ako ng college, hindi na ako nagpakita pa sa kanya. Ayoko rin naman po. Ayoko siyang kasama. Never ko po siyang kinilalang tatay so okay lang."

Napa-buntong hininga si mother superior, "eh paano kung hinahanap ka pala niya ngayon? Paano kung namimiss siya?"

Medyo natawa ako, "malabo pong mangyari yun. Masyado siyang busy sa trabaho niya."

Tinapik ni mother superior ang pisngi ko, "sige change topic na tayo. Sino yung gwapong binata na kasama mo? Siya ba yung nobyo mo?"

Biglang uminit ang mukha ko sa tanong ni mother superior

"N-naku hindi po! K-kaibigan ko po siya. B-boss ko rin po," I gave her an awkward smile.

"Boss? Kay bait naman ng boss mo. Talagang nag abala pa na dalhin ka sa Baguio para lang makita kami."

Mas lalong nag init ang mukha ko, "hehe o-opo. Matulungin siya sa kapwa."

Napatango si mother superior habang ngingiti-ngiti.

"Sayang. Tingin ko pa naman, bagay kayong dalawa. Isa pa, tignan mo siya oh, gusto siya ng mga bata."

Napatingin ako sa labas ng bintana ng office ni mother superior. Natanaw ko si West na nakikipag-laro sa mga bata. Yung isa naka-sakay sa likod niya habang hinahabol naman niya yung tatlo. Masayang sumisigaw at tumatawa ang mga bata.

"Ang swerte ng magiging asawa niya nararamdaman ko," sabi ni mother superior.

Napatango ako at napangiti.

"Oo nga po eh. Sobrang swerte."

~*~

Halos tatlong oras akong nakipag kwentuhan kay mother superior. Doon na rin kami kumain ni West at gustong-gusto niya ang luto ni mother superior.

Nung medyo pa-gabi na, nag-paalam na kami sa kanila. Pero bago kami umalis, may ibinigay sa akin si mother superior na isang kahon.

"Ito yung mga gamit na naiwan mo bago ka umalis. Itinabi ko kasi alam kong babalik ka rito."

"Thank you po ah? Promise, dadalaw agad ako sa inyo."

"Basta mag-i-ingat ka ah?" hinawakan niya ang pisngi ko at nginitian ako. Sunod naman ay ibinaling niya ang atensyon niya kay West. "Hijo, salamat sa pagdala kay Jillian dito ah? Talaga nga namang miss na miss na namin ang batang 'to! Salamat talaga!"

"Naku wala po iyon!" nilingon ako ni West at nginitian, "worth it naman eh."

Napaiwas ako ng tingin at kinagat ko ang lower lip ko to stop my self from smiling.

Nakakainis! Ang cute niya!

Matapos ng ilang paalala ni mother superior ay sumakay na kami sa kotse ni West at dumiretso sa hotel na tutuluyan niya.

Boyscout ang boss ko. Nag advance booking na siya. Two bed rooms. Ewan pero napailing na lang ako. Paano kasi sa dinami-rami ng manuscript ng romance stories na nabasa ko, pag may hotel scene, asahan, magiging fully booked agad ang mga rooms at isa na lang ang matitira kaya mapipilitan si girl at boy na mag share ng room.

Buset na hotel 'to ba't hindi na fully booked?!

Napabuntong hininga ako.

Bakit feeling ko disappointed ako?!

"Oh, ba't ka nakasimangot? Ayaw mo nung hotel?" tanong ni West habang nasa elevator kami paakyat sa mga kwarto namin.

Nag pout ako, "hindi ah. Gutom lang!"

I heard him chuckled, "okay. Mag-ayos lang tayo ng gamit tas kain na tayo."

Hindi ko siya sinagot at nag pout lang ako hanggang sa makarating na kami sa room namin.

"See you later," ngiting-ngiti na sabi niya while he's opening the door to his room.

"Okay," sagot ko naman at binuksan ko rin ang kwarto ko.

Pagkapasok ko, isinara ko ang pinto ko napa-sandal ako sa gilid nito. Ibinaba ko ang bag ko sa sahig.

"Bwiset na West. Nasobrahan sa pagiging gentleman! Pwede namang isang room lang! May tiwala naman ako sa kanya. Hindi ko rin naman siya pagsasamantalahan! Kainis!"

Bigla akong naka-rinig ng mahinang tawa kaya natigilan ako.

Oh my golly wow! Uso nga pala multo rito sa Baguio! Ba't hindi ko naisip yun?! Pwede kong sabihin kay West na mag-sama na lang kami sa isang room kasi baka takot siya sa multo!

"Sana sinabi mo na lang sa akin na gusto mong sa iisang room lang tayo."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni West. My jaw literally dropped nang makita ko siya na nakatayo sa gilid ko habang naka-ngisi ng malawak.

"B-b-bakit...? P-p-p-paanong...?"

Nag step-aside si West at nakita kong may isa pang bedroom dito sa loob ng room ko.

Itinaas ni West ang keycard niya, "connecting rooms ang kinuha ko," paliwanag niya habang amuse na amuse siyang nakatingin sa akin.

Parang umakyat bigla lahat ng dugo sa mukha ko.

Shet. Shet. Shet.

Ibig sabihin narinig niya yung mga pinagsasasabi ko?!

Ay anak ng pana ni cupid naman oh! Nakakahiya! Ba't ko ba sinabi yun?! My gawd! Bakit?!

"Jillian," naramdaman ko ang kamay ni West sa balikat ko. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.

"B-bakit?"

Mas lumapit si West sa akin and I can feel his breath in my neck.

What the. What theeee!!!

"Tsaka na tayo mag share ng isang room pagka sinagot mo na ako," bulong niya sa akin. Humiwalay siya and I heard him chuckled. "Mag ayos ka na, kakain na tayo," at naglakad na siya papunta sa room niya.

Napa-upo ako sa kama ko.

What the hell.

What the.

At kelan pa siya natutong gumanon? Kelan pa siya natutong mangakit at pabilisin ang tibok ng puso ko?!

What. The. Hell.

~*~

Halos hindi ako makatingin kay West habang kumakain kami ng dinner. Hindi ko rin halos mai-lunok ang mga pagkain ko. Naka buffet pa naman kaming dalawa.

Siya naman, ngiting-ngiti akong pinapanuod. Mabilaukan sana siya!

"Are you still mad at me?" tanong niya sa akin habang nasa veranda kami ng restaurant ng hotel na ito at nagpapababa ng kinain. "I'm sorry for teasing you. Natuwa lang talaga ako na gusto mo akong makasama."

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, "hindi ka mukhang nag-sisisi sa pang-aasar mo!"

Nag lean forward siya sa akin, "I made you blush. That's an achievement!"

Napailing na lang ako habang nakangiti ng malawak.

Hindi ata alam ni West kung ilang beses nang nag-init ang mukha ko at nag blush ng dahil sa kanya.

Hindi ata siya aware kung ano ang epekto niya sa akin.

"This is nice," sabi ni West habang nakatingin sa view at nakangiti.

Napatango ako, "yep. Ang ganda ng view."

"No. Ibig kong sabihin, yung ma-solo kita," nilingon ako ni West at nginitian. "Thank you talaga Jillian ah? Dahil pinagbigyan mo ako."

"Ano ka ba! Dapat ako nga ang mag thank you eh dahil dinala mo ako rito. Nakita ko tuloy ulit yung mga itinuring kong pamilya."

"I'll do everything to make you happy. You know that right?" Medyo umusog papalapit sa akin si West. "Naalala mo yung sinabi mo sa akin dati na hindi ako ang para sa'yo? Jillian, I want to prove that you're wrong. Na pwedeng ako ang maging para sa'yo. Na I deserve to be the one for you."

"W-West..."

"And thank you for giving me a chance to prove myself."

Napalunok ako bigla.

Anong gagawin ko? Bakit minahal ako ng ganito ni West? Bakit sobra-sobra?

Hindi naman ako ang para sa kanya.

At bakit ganun? Ang sakit-sakit.

"W-West, may gusto sana akong itanong sa'yo..."

"What is it?"

"Kelan ka nagsimulang magustuhan ako?"

I braced myself for his answer.

Hindi ko alam kung bakit tinanong ko pa ang bagay na 'yan. Alam ko na naman eh. Alam ko ang puno't dulo.

Pero gusto kong marinig.

Gusto kong magkaroon ng dahilan para tigilan na 'to.

Nakita kong ngumiti si West.

"Ewan. Siguro the moment na nag apply ka sa publishing company?"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"A-ano?"

Napatango siya, "oo nga 'yun yon! Nung second day mo sa trabaho. Tandang-tanda ko yun. Nasa cafeteria tayo tapos may isang business man ang bumangga sa isang matandang babae. Natumba yung matandang babae at hindi man lang pinansin nung business man. Nilapitan mo yung business man at pinagsabihan mo not knowing na isa pala siya sa mga big bosses natin. Muntik ka nang mapatalsik nun."

"But you defended me...." I trailed off.

Dahil natatandaan ko yung pangyayaring yun.I am so scared pero ayokong humingi ng sorry. Mali naman nung business man eh. Pero to the rescue si West nun. Pinagtanggol niya ako. He stood up for me. Hindi niya hinayaang mapatalsik ako. And that time, I thought he is such a cool guy. Yun nga lang, katakot-takot na bulyaw ang inabot ko sa kanya after kaya naman naging mortal enemy ko siya.

"I started noticing you after that," pagpapatuloy ni West. "Kaso nahihiya ako sa'yo eh. Kaya dinaan ko sa pagiging boss ko ang trato ko sa'yo. Lagi kitang pinapatawag sa office ko. Lagi kitang pinapagalitan. Ewan. Ganun ang alam kong way ng pagpapapansin eh. But then, bigla akong natauhan. Kung ipagpapatuloy ko ang ganoong tactics, I might lose you. Ayokong mangyari yun. Because I like you so much Jillian. I love you. Feeling ko guguho ang mundo ko kapag napunta ka sa iba. Kaya sorry nung panahong sinusungitan kita ah? I know, ang stupid move nun. Pero promise, babawi ako--"

Hindi naituloy pa ni West ang sinasabi niya because I grabbed him and kissed him. He froze tapos humiwalay ako sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko.

"Jillian..."

"Ah... ano...uhm I-I'm sorry.. Kasi ano..."

He held both sides of my face.

"Hindi 'to panaginip...." halos pabulong niyang sabi.

Unti-unti ay inilapit niya ang mukha niya sa akin. Pumikit ako. Inaantay ang labi niya na dumikit sa labi ko.

West kissed me gently. Dahan-dahan. At sa bawat pagdampi ng labi namin, parang samu't-saring kuryente ang dumadaloy sa katawan ko.

He's holding my face. My hand is at the back of his neck.

Hindi ito panaginip.

"Jillian, stop."

My eyes shot open ng marinig ko ang boses na 'yun. Sa di kalayuan ay natanaw ko si Cupid na nakatingin sa amin. His eyes is full of sorrow.

"He's not meant for you. You're just going to hurt yourself. Pati siya masasaktan mo ng sobra. Tama na. Wag ka nang gumawa ng bagay na ikasasakit niyo."

Biglang bumagsak ang luha sa mata ko.

Mahal ko si West. Mahal na mahal ko na siya.

Hindi ba pwedeng siya na lang? Please. Siya na lang sana ang para sa akin.

"I'm sorry, Jillian."

Humiwalay ako kay West. He looked me in the eyes at nakita ko ang gulat sa mata niya nang makita niya akong umiiyak.

"J-Jillian? Why are you crying?"

Umiling ako.

"I-I'm so sorry."

"B-bakit ka nag s-sorry?"

Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko magawang sagutin ang tanong ni West. Tanging iling nalamang ang naisagot ko sa kanya bago ako tuluyang tumakbo palayo sa kanya.

Narinig kong hinahabol niya ako. Narinig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko.

Pero hindi ko siya nilingon.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.

Nakita ko si Cupid sa harapan ko. Inilahad niya ang kamay niya at hinawakan ko 'to. Nagliwanag ang buong paligid. Naramdaman ko ang paglutang namin. Napapikit na lang ako.

At nang imulat ko ang mata ko, nandito na ako sa apartment ko.

Napaluhod na lang ako.

"I'm sorry West. Sorry. Sorry. Sorry talaga..."

Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha sa mata ko.

Napahagulgol na lang ako ng iyak.

Tapos na.

Wala na.

Wala na talagang pag-asa.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 219K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
10.5M 481K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
56.2K 705 3
Posible ka bang mahulog sa taong madalas mong makasabay sa pagsakay sa jeep?