Chapter 28

504K 15.4K 3K
                                    

Chapter 28

 

[Jillian’s POV]

 

Naku Cupid! Kung hindi ka lang brokenhearted, baka nasakal na kita! Pasalamat ka hindi ako marunong mag appear-disappear kundi pupuntahan kita diyan sa kinalulugaran mo, itatali sa silya, at hindi kita pakakainin hanggang sa magsalita ka!

            Sinapak-sapak ko yung unan ko dahil sa sobrang inis.

            Seriously, nakakaubos na nang pasensya ang Kupidong ‘yan.

            Hindi man lang niya shine-share sa akin ang mga kaganapan samantalang involved ako!

            Ayokong mag hinala sa kanya. Gusto ko siyang pagkatiwalaan. Pero paano ko gagawin yun kung masyado siyang maraming tinatago?

            Napa-buntong hininga ako. Naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Ayesha.

            Sina Cupid ang dahilan bakit namatay ang soulmate ni Ayesha. Kung totoo man ang sinasabi niya, parang naiintindihan ko na kung bakit siya nagkakaganyan. Kung bakit galit na galit siya kay Cupid. At kung totoo man talaga yun, ibig sabihin ako rin? Ganun din ang gagawin niya sa akin?Kaya ba ako pinili ng compass ay para maging apprentice ni Cupid?

            Ilalayo rin ba niya ako sa soulmate ko? Wala rin ba akong magiging choice?

            Napailing ako bigla.

            No. Hindi ko dapat isipin ‘to. Hindi dapat ako maniwala sa Ayesha na yun. Malamang inuuto niya lang ako!

            Ha! At akala niya magpapauto ako?! Ano ako shunga?

            I chose to believe Cupid at paninindigan ko na yun hanggang huli. Kasi atleast si Cupid hindi nagnanakaw ng jowa nang may jowa!

            Isa pa, sa kanya nakasalalay ang lovelife ko!

            Pero kasi naman. Nasaan na ba yung lalaki na yun?!

            That night,  hindi ako halos makatulog. Baka kasi biglang mag appear si Cupid sa harap ko. Pinili ko mang mag tiwala sa kanya eh ang dami ko paring katanungan na gustong itanong sa kanya. Isa pa nagaalala ako sa kanya. Paano kung sinundan niya si Ayesha para iligtas si Psyche? Paano kung bigla siyang mapahamak?

            At si Psyche, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Hindi naman siguro siya sasaktan ni Ayesha? Pero paano kung oo? Paano kung sa mga oras na ‘to eh tinotorture na ni Ayesha ang asawa ni Cupid?

            Parang mas lalong sumikip ang dibdib ko sa thought na yun.

            Wag naman sana.

            Hindi ko man lubusan na kilala si Psyche, ramdam na ramdam ko kung gaano siyang kamahal ni Cupid. At alam ko na hindi kakayanin ni Cupid kung sakali mang may mangyari kay Psyche.

            Nakakainis talaga ‘tong si Ayesha!

            Kinabukasan, um-absent ako sa work. Una dahil wala akong tulog ni isang minuto. Pangalawa, alam kong lutang ang isip ko at wala rin akong magiging silbi kung papasok man ako. At pangatlo, kailangan ko i-handa ang sarili ko kung sakali man magliwanag ulit ang compass at dalhin ako somewhere kung saan man naghahasik ng lagim itong si Ayesha.

            Pero ngayon, kakain muna ako ng almusal. Gutom na ako! Ni hindi ako nakapag dinner kagabi!

            Dahil ubos na ang stock ng pagkain ko rito (matakaw kasi si Cupid) at hindi pa ulit ako nakakapag-grocery, dumiretso na lang ako sa gotohan para doon mag almusal.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon