Chapter 10 (11/24/14)

627K 17K 4.7K
                                    

Chapter 10

 

[Jillian’s POV]

 

“Jill? Totoo ba ‘to? Ang aga mong pumasok?” hindi makapaniwalang tanong ni Luke sa akin pagkarating na pagkarating niya sa opisina.

            “Miracles do happen,” naka-ngiti namang sagot sa kanya ni Elise na ngayon ay nasa kabilang desk na at nag ta-trabaho.

            “Nangako kasi ako kay Sir West na magiging isang mabuting empleyado na ako.”

            “Wow,” naglakad si Luke patungo sa desk niya. “Katakot-takot na naman bang verbal abuse ang ginawa sa’yo nung monster boss na ‘yun kaya napilitan kang pumasok sa opisina ng maaga?”

            Parang nag-pantig ang tenga ko nang tawagin ni Luke si Sir West na ‘monster boss.’ He’s Luke and I love him at alam kong concern lang siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit ako biglang nairita sa kanya.

            “Mabait naman si Sir West eh! Hindi lang siya…uhmmm… showy!”

            Pinaandar ni Luke ang swivel chair papalapit sa akin at bigla-bigla ay idinampi niya ang likod ng kanyang kamay sa noo ko.

            My heart skips a beat. Ang lapit-lapit kasi niya sa akin eh.

            “What are you doing?”

            “Chine-check ko lang kung nilalagnat ka. Pinagtatanggol mo kasi ang monster boss natin eh.”

            Hindi ko halos naintindihan ‘yung sinabi niya kasi busy na akong matunaw rito sa tingin at ngiti niya.

            Pakshet na ngiting ‘yan oh! Mula umpisa hanggang ngayon lagi na lang akong pinanghihinaan ng tuhod dahil diyan. Tapos yung lips pa niya! My gosh yung lips niya! Kahit wala namang ginagawa eh parang nangaakit na sunggaban mo ito ng halik.

            Bigla akong napalayo kay Luke.

            “Magtitimpla lang ako ng kape.”

            Tumayo ako sa pwesto ko at dali-daling naglakad doon sa may water dispenser.

            Cupid, kill me now! Bakit ganun?! Ang tindi pa rin ng epekto sa akin ng taong ‘yun? ‘Di ba dapat nag m-move on na ako kasi nga may trabaho ako na i-match make siya kay Elise?!

            Napabuntong hininga ako.

            Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat nang ‘to, edi umpisa pa lang nag move-on na ako para mas madali ang trabaho ko ngayon!

            Pero kung umpisa pa lang nag move-on na ako, hindi mangyayari ang lahat nang ‘to.

            Hay buhay.

            Kumuha ako ng isang pakete ng kape at ibinuhos ko ito sa mug ko. Habang nilalagyan ko ito ng mainit na tubig galing sa water dispenser, dumating naman si Elise at nag timpla rin ng kape.

            “Kamusta pala ang lakad niyo ni Luke kagabi?” tanong ko sa kanya.

            “You mean, kamusta ang movie? Maganda naman. Bitin nga lang.”

            “I see.

            Nilingon ko si Elise at pinagmasdan habang nag titimpla siya ng kape. Petit siya. Siguro mga nasa 5’0 lang ang tangkad. May pagka morena ang kutis at meron siyang mahabang buhok na lagi niyang itinitirintas. Sobrang simple lang niyang manumit at mag-ayos but that makes her look attractive. Isa pa, masiyahin kasi si Elise kaya naman madali siyang pakisamahan.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon