MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL

By marphro24

17.4K 1.1K 193

Who is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure i... More

PROLOGUE
MARPHRO'S NOTE
1st CHAPTER
2nd CHAPTER
3rd CHAPTER
4th CHAPTER
5th CHAPTER
6th CHAPTER
7th CHAPTER
8th CHAPTER
9th CHAPTER
10th CHAPTER
11th CHAPTER
12th CHAPTER
13th CHAPTER
14th CHAPTER
15th CHAPTER
16th CHAPTER
17th CHAPTER
18th CHAPTER
20th CHAPTER
21st CHAPTER
22nd CHAPTER
23rd CHAPTER
24th CHAPTER
25th CHAPTER
26th CHAPTER
27th CHAPTER
28th CHAPTER
29th CHAPTER
30TH CHAPTER
31st CHAPTER
32nd CHAPTER
33rd CHAPTER
34th CHAPTER
35th CHAPTER
36th CHAPTER
37th CHAPTER
38th CHAPTER
39th CHAPTER
40th CHAPTER
41st CHAPTER
42nd CHAPTER

19th CHAPTER

297 34 4
By marphro24

Amethyst's POV

Mabilis ang pagbigkas ko ng mga salita upang mabago ang itsura ko at matakluban ang mukha ko. Sa isang iglap ay ang buhok ko na kulay itim na may kaunting highlight na red at blue ay nabago. Bumalik ito sa dating kulay na golden brown at nadagdagan ang highlight nito, nagkaroon din ng puti puti sa dulo ng buhok ko. Ang natural na buhok ko ay nakatali ng isa lang. Nagkaroon din ako ng maskara na itim na may halong lila na ang natatakluban ay mula sa ilong hanggang sa itaas na parte ng mukha ko. Litaw na litaw ang mga mata at ang mga pangil ko.

Pagkarating ay nakita ko ang isang dalagita na pilit na nanlalaban sa itim na bampira ngunit halata naman na hindi nya kaya. Mukha na lang syang pinaglalaruan ng bampira dahil tuwang tuwa ito na makita ang takot sa mata ng dalagita. Agad na natigilan ang bampira ngunit hindi ko na sya binigyan ng pakakataon para lumingon saakin dahil agad ko na syang sinugod. Parehas lamang ang abilidad namin ngunit mas lamang ako. Hindi na ako nagpipigil ng kapangyarihan kayat alam kong ramdam na ng buong bayan ang presensya ko at alam kong patungo na sila dito.

"Princess Violet..." Nanguuyam na tawag nito saakin. Hindi na ako nagulat ng tawagin nya ako sa pangalan na iyon dahil sa buhok at mata pa lamang ay makikilala na agad ako ng kahit sino na galing sa aming mundo. Ngumisi lang ako at agad na sumugod.

Iwas lang sya ng iwas ngunit nagagawa ko parin syang masugatan gamit ang dagger na binili ko kay lolo Fabian. Sinusubukan nya din ang lumaban ngunit mabilis kong naiiwasan. Pagdating ng mga myembro ng Fightun ay agad ko syang hinila at ibinato sa kinaroroonan nila. Bumigkas ulit ako ng chant upang hindi nya magawang manlaban. Agad naman syang tinalian nila Mark sa kamay at paa para masiguradong hindi sya makakatakas pa.

Nakita kong kumpleto ang syam kabilang na si Hadeus na maiigi akong tinititigan. Kahit ang ibang myembro ng Fightun ay kinikilatis ako sa kanilang tingin at para bang handang sumugod saakin kahit sa isang maling galaw lang.

Ibinaling ko ang tingin ko sa dalagita na muntik ng mabiktima kanina. Nakita ko ang mga sugat nya dulot ng panlalaban nya. Nanghihina sya na nakatingin saakin habang inaalalayan ni Xhyra na makatayo. Ikinumpas ko ng mahina ang kamay ko at mahinang bumigkas ng chant para gumaling ang mga sugat nya.

"S-sa-salamat..." Mahinang bulong nya bago mawalan ng malay. Agad naman syang nasalo ni Peter bago pa man sya bumagsak sa lupa.

"Sino ka? Magpakilala ka!" Utos saakin ni Hadeus ngunit tinitigan ko lang sya, kinikilatis kung sya ba talaga ang nakatadhana saakin.

Ibinalik ko ang dagger ko sa bewang ko habang nakikipagtitigan parin sakanya. Kinakalkula kung magagawa ko ba ang plinaplano ko na nais gawin sakanya. Pagkabalik ko ng punyal sa lalagyan ko ay inisang iglap ko lang ang paglapit at paghalik sa labi nya. Tumagal iyon ng ilang segundo bago ako humiwalay at bumalik sa kinaroroonan ko kanina.

Tumitig ulit ako sakanya ngunit sa pagkakataong ito ay sigurado na ako na sya nga ang destined partner ko. Mahiwaga akong ngumiti labas lahat pati pangil.

"I am your Luna." Saad ko bago tumakbo papalayo sa kanila.

Itinago ko na ang presensya ko at binalik sa dati ang itsura ko. Sa itsura ko na kilala nila dito. Pagkatapos ay tumakbo na ako pabalik sa kung saan ko naramdaman ang panganib kanina at nakunwaring tahimik parin na naglalakad at nagmamatiyag. Ibinalik ko na din ang amoy ko para hindi sila magtaka kung bakit hindi nila ako maamoy.

Ilang saglit pa ay natanaw ko sila na pasalubong habang bitbit ang itim na bampira at ang dalagita. Tumakbo naman ako papunta sa kanila at kunwaring nagtataka.

"Anong meron? Anong nangyari?" Habang ang tingin ay kunwaring kinikilatis ang nakagapos na bampira.

"Bakit ka nandito at bakit ka mag-isa?" balik naman na tanong ni Mark na may pagkaistrikto taliwas sa nakasanayan ko na maloko.

"Nagroronda, kaso ay nahiwalay ako sa mga kasama ko kanina." sagot ko naman at mukhang nakumbinsi naman sya.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanila at nakita ang malalim na pagtitig saakin ni Hadeus. Agad ko namang iniiwas ang tingin ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa babae na natutulog sa braso ni Peter at ang bampira na hawak ni Mark at ng isa pang pangulo na hanggang ngayon ay di ko alam ang pangalan.

Silang siyam na lamang ang kaharap ko maliban sa babae at bampira. Marahil ay inutusan nila ang ibang myembro na maging mas mahigpit sa pagbabantay.

"Sumama ka na saamin pabalik. Delikadong mag-isa ka lang." Saad ni Hadeus kaya nabaling ang tingin ko sakanya. Tumango naman ako bilang ganti.

"Hmmm a human in a pack..." biglang saad ng itim na bampira habang tinitignan ako ng maigi. Nakalabas ang pangil nito at nakangisi saakin. Agad kong iniiwas ang tingin ko at nagkunwaring natatakot sa bampira.

"Tayo na." Saad ni Hadeus at nauna na kaya naman sumunod na din kami.

Tumabi ako kay Mark na may malalim na iniisip. Pusta ko pa na hindi nya namalayan ang paglapit at pagtabi ko sakanya sa palalakad. Pinabayaan ko nalang sya at tumingin sa harapan.

Tahimik kaming naglalakad na pinangungunahan ni Hadeus. Lahat ay may mga iniisip at sa tingin ko ay isang tanong lang ang gumugulo sa isip nila ngayon.

Kung sino ang misteryosong babae na may malalim na kulay lila na mata.

Bigla tuloy akong binagabag ng mga pangyayari ngayong araw. Alam ko na na si Hadeus ang nakatadhana saakin at alam ko na alam nya na ako, si Amethyst, ang mate nya ngunit nasisiguro ko din na naguguluhan sya sa ngayon dahil nagpakilala ako bilang kanilang luna sa katauhan na Violet kahit pa hindi nya nakita ang aking mukha.

Baka naghihinala na sya.

Nag-init ang pisngi ko ng maalala ang ginawa ko kanina para lang mapatunayan na sya nga ang nakatadhana para saakin.

HINALIKAN KO SYA!!!

Jusmiyo marimar! Ang rupok mo Amethyst! Hindi mo manlang pinigilan ang sarili mo! Pwede namang hawak pero bakit kailangang halik pa?

Pero in-fairness malambot ang labi

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko. Grabe ganito ba talaga pag nahanap mo ang para sayo? Nababaliw ka? Napabuntong hininga nalang ako.

Pagkarating sa mansyon ng Fightun ay dinala nila ang babae sa isang silid dito sa ibaba. Mukhang ito ang nagsisilbing clinic ng mga fightun member habang ang bampira ay hinila parin nila papunta sa may hagdanan. Akala ko ay aakyat kami sa taas pero may bumukas na pintuan at patungo ito sa baba.

Para syang yung nasa bahay.

Bumaba sila at sumunod ako kahit walang nang-imbita saakin. Pag-dating sa ibaba ay nakita ko na mukha itong kulungan. Malawak ngunit hindi kaaya-aya ang paligid pati nadin ang amoy. Itinali nila ang bampira  gamit ang mga kadena at siniguradong hindi makakatakas ito.

Inilibot ko ang tingin ko at ininspekyong kung may lihim na pintuan din tulad ng sa bahay na tinutuluyan ko ngunit hindi ko makita ng ayos dahil medyo madilim at hindi ko pwedeng gamitin ang ano mang kakayanan ko. Ibinalik ko ang tingin sa kung ano mang ginagawa nila sa bampira ngunit nagulat ako ng biglang may iwinasiwas na latigo sa Hadeus.

Hindi man lang kakikitaan ng takot ang bampira, sa halip ay humagalpak pa ito ng tawa. Tumawa ito ng malakas at parang baliw.

"Maglaro tayo..." saad ni Hadeus, "isang tanong, isang sagot. Maling sagot, isang hampas ng latigo." Mahinahon na saad ni Hadeus na parang bata lang na nag-aaya makipaglaro at nag-eexplain ng mechanics.

Pero nakakakilabot

Tumawa ng nakakainsulto ang bampira, "Paano kung ayaw kong sumali?" Saad ng bampira

"I'm sorry but you don't have any choice." Saad ni Hadeus at iwinasiwas ang latigo kaya nakalikha ito ng tunog

Tunog palang, masakit na

"Unang tanong, anong kailangan nyo sa bayan namin at hindi nyo kami pinapatahimik?" saad ni Hadeus. Naghintay kami ng ilang minuto pero hindi sumagot ang bampira. "Sagot!" naiinis na utos ni Hadeu sabay hampas ng latigo sa bampira na ikinasigaw nito.

"Ahh!"

"Sumagot ka!" Saad ulit ni Hadeus sabay hampas ulit sa bampira.

"Ahhh!"

Ramdam ko ang sakit sa sigaw ng bampira ngunit ang mga tulad nya ay hindi dapat kinakaawaan.

"Sasagot ka o hindi?!" Nanggigigil na saad ni Hadeus. Akmang hahampasin na sana nya ulit ito ng latigo ng bilang sumigaw ang bampira.

"Sasagot na!" Saad nya kaya ibinaba na ni Hadeus ang kamay nya na akmang hahampas sana. "Nandito kami dahil gusto naming makuha ang mga ginto ninyo, ang mga yaman ninyo!" Saad nito na ikinakunot ng noo ni Hadeus.

"Kaya ba nagnanakaw kayo sa mga mamamayan?" Tanong ulit ni Hadeus na inilingan ng bampira.

"Ang nais namin ay ang mga ginto noon na binawi ninyo. Ang mga limpak limpak na ginto na iyon na magbibigay sa amin ng kapangyarihan at kakayahan para masakop ang iba pang bayan hindi lang dito sa mundo ng mga mortal kundi pati sa mundo ng mga immortal." Saad nya na sinundan pa nya ng pagtawa.

"Sino ang namumuno sa inyo?" Si Mark ang nagtanong.

"Ang panginoong Melciano ang aming pinuno at panginoon. Malakas sya at magiging mas malakas pa! At pag dating ng panahon na iyon ay pamumunuan na nya ang lahat ng mundo! Magiging sunod-sunuran kayo saamin at kayo ay magiging alipin! Hahahaha!!!" parang baliw na saad nito.

Puring puri ng bampira ang kung sino mang Melciano na iyon na namumuno sa kanila. Bigla akong napatigil ng may mapagtanto.

"Melciano? Iyon bang naging mayor dito noon na kurakot at naging dahilan ng pagbagsak ng Heimta?" Naisatinig ko ang tanong na dapat ay nasa isip ko lang.

Napatingin saakin ang bampira pati na ang iba ko pang mga kasama. Gumuhit ag isang nakakakilabot na ngisi sa mukha ng bampira.

"Oo, tama ka binibini." Sagot nito.

Napatigalgal ako at bakas ang gulat sa mukha ko dahil sa bagong impormasyon na nakalap ko. Ang buong akala ko ay simpleng tao na negosyante lamang ang Melciano na iyon, iyon pala ay sya ang tinuturing na pinuno ng mga itim na bampira at bruha. Napapaisip ako kung anong nilalang sya. Nais ko pa sanang magtanong nang magsalita si Hadeus at sinabing tama na at kailangan na naming magpahinga.

Pagkalabas ng silid na iyon ay nagpaalam na ako upang umuwi ngunit hindi nila ako pinayagan. Masyado daw delikado dahil sa mga naganap ngayong gabi. Mayroon naman daw mga kama sa mga kwarto ng bawat grupo kaya pwede daw na doon muna ako matulog dahil walang maghahatid saakin. Napairap ako sa hangin at akmang ipapipilitan ang gusto ko nang magsalita sa Hadeus.

"Amethyst, you'll sleep here tonight. It's an order." Saad nya bago naunang umakyat. Napabuntong hininga nalang ako at napipilitang umakyat dahil wala na akong magagawa sa utos nya. Ang iba ay lumabas at sa tingin ko ay magroronda.

Pagpasok ko sa kwarto ay bumungad saakin ang ilan na nag-uusap ng tahimik at ang ilan na natutulog. Marahil ay pagod sa pagpapatrolya. May isang grupo ang tumayo at nagpaalam na magkakape daw muna sa baba bago magpatrolya. Tinanguan naman sila ng iba samantalang ako ay ipinagsawalang bahala sila at nagtungo sa kama na nasa pinakagilid bago nahiga.

Sa tingin ko ay madaling-araw na dahil sa lamig ng hangin. Ipinikit ko ang mata ko kahit hindi pa naman ako matutulog dahil balak ko pang isipin ang mga naganap ngayong araw. Napakadaming naganap sa isang araw lang. Ang plano ko na hindi paglabas ng bahay at magpahinga ay nauwi sa bakbakan at pagkabunyag ng lihim na katauhan ko.

Iniisip ko ang mga naganap ngayong araw nang maisip ko ang mga myembro ng fightun. Mukhang lahat ay mahal at pinapahalagahan ang pagiging myembro nila. Maaari silang hindi magronda lalo na ang mga nasa centro ngunit nagpapatrolya parin sila para lang masiguro na ligtas ang bayan at mga mamamayan. Napangiti ako dahil dito.

Naisip ko din ang ginto na sinasabi ng bampira kanina na nais nila. Hindi kaya ang tinutukoy nyang mga ginto ay ang ginto sa bahay na tinutuluyan ko? Kung ganoon ay mas dapat kong pag-ingatan ang mga iyon dahil maaring magsimula doon ang gulo sa buong mundo.

Dahil siguro sa pagod at sa dami ng iniisip ko ay di ko namalayan ang pagtulog ko. Huling nasa isip ko bago pa man lamunin ng antok ay ang pagiging mate ni Hadeus.

Kinikilig ako

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
●12/21/21/11:36●

Pasensya na kung ngayon lang, talaga kasing naging busy ako sa modules. Infact, kakain ako ng modules sa pasko haysttt

Advance merry christmas and happy new year!!!

KEEPSAFE!!!

Sorry for the grammatical and typographical errors.
Thanks for reading!

~marphro24~

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
17.6M 660K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
83.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
7.1M 352K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...