I'm in Love with a DOTA Playe...

By blue_maiden

30.4M 685K 97.9K

Adapted by TV5's Wattpad Presents Starring Mark Neumann and Shaira Mae Dela Cruz. Dota Player? Sus walang ina... More

Intro
Prologue
Chapter 1: Bakulaw ka!
Chapter 2: Ano daw?
Chapter 3: Date o Dota?
Chapter 4: First kiss
Chapter 5: Sorry na
Chapter 6: Ouch!
Cahpter 7: Speechless
Chapter 8: my confession
Chapter 9: i'll wait
Chapter 10: date again
Chapter 11 (part1): inlove na ba ko?
Chapter 11 (part2) : inlove na ba ko?
Chapter 12: can i call you mine?
Chapter 13: meet the brothers
Chapter 14: hello daddy!
Chapter 15: nalilito
Chapter 16: new friends
Chapter 17: welcome home
Chapter 18: kiss under the rain
Chapter 19: basta DOTA PLAYER, sweet lover.
Chapter 20: selos ka?
Chapter 21: bati na kami
Chapter 22: date or disaster?
Chapter 23: ang hirap pala
Chapter 24: protective?
Chapter 25: new love team?
Chapter 26: problema na naman.
Chapter 27: Friendzone?
Chapter 28: DOTA TOURNAMENT
Chapter 29: Happy Monthsarry?
Chapter 30: One more chance
Chapter 31: Hello PARADISE!
Chapter 32: Is it over?
Chapter 33: Say you'll never go
Chapter 34: Spin the bottle
Chapter 35: Mineski ang Boyfriend ko.
Chapter 36: Reminiscing
Chapter 37: Sunset
Chapter 38: Walang tatalo sa pasko ng pinas
Chapter 39: STAR
Chapter 40: Pangako
Chapter 41: Family :)
Chapter 42: The comeback
Chapter 43: LQ kami.
Chapter 44: My kryptonite
Chapter 46: JS prom
Chapter 47: Patay kang bata ka!
Chapter 48: Tapos na ba?
Chapter 49: Cool off
Chapter 50: Take time to realize
Chapter 51: Always and forever [Last Chapter]
Epilogue
I'm in Love with a DOTA Player on TV's Wattpad Presents

Chapter 45: mansanas

373K 8.5K 754
By blue_maiden

Chapter 45: mansanas

---

APPLE POV


"uy shet ang gwapo niya!!!"

"bakit nasa labas siya ng room?"

"baka hinihintay ako? haha"

"waaaa ang gwapo talaga!!"

"ang swerte mo naman kung ikaw yung hinihintay!!"

Ba yan ang aga aga naman! ang lalandi talaga netong mga classmate ko! asan kaya yun si sarah bakit hindi pumasok? wala tuloy akong ka bonding. Si tin sa ibang section eh. Na miss ko na tuloy yung bakla na yun! hayssss.. nakakamiss yung mga bonding namin. Leche kasi busy lagi kay miggy, nilamon na ng pag ibig eh! hahaha!!!

"ayieeeee!!"

"hala tumitingi siya dito!!! ayieeee"

Ano ba yan? ang sakit sa tenga ng mga tili netong mga haliparot na to. Ngayon lang ba nakakita ng lalaki tong mga to? tska sino ba yung tinitignan nila sa labas? gwapo ba talaga yun?

Makalingon nga...

What the.... ano ginagawa niyan sa labas ng room namin? Hay nako! wag kang assuming apple! hindi naman ikaw pinuntahan niyan. ASA KA PA.

"Guys uwian na daw sabi ni mam!!" sabi ni mark. Yung president namin.

Lumabas agad yung mga classmate ko. Ako naman pina una ko na lang sila, hirap makipag siksikan sa mga yan. Nag uunahan pa naman palabas, lalapitan ata siya. Pag kalabas pa lang nila pinalibutan na agad nila si kevin. Sus! malandi talaga tong mga to. Tska ano bang paki alam ko sakanila? Edi landiin nila -___- Maka uwi na nga lang, ay tama punta na lang ako ng park!

"apple teka!!!" nakalagpas na ko sakanila narinig ko pa si kevin.

Nilingon ko siya, nasa likod niya yung mga babae kong classmate, ang sama ng tingin sakin! haha parang ang sarap tuloy nila asarin! wahaha. Kaso ano bang mapapala ko di ba? inirapan ko na lang si kevin tapos nag lakad na ulit ako papuntang gate. Bahala ka dyan!!

"apple teka!!!" bilisan mo apple, takte baka maabutan ka pa nyan!!

Hinawakan niya yung braso ko. Aba lintek naman!

"ano kelangan mo?!"

"pwede ba tayong mag usap? ang tagal kitang hinintay.." aba nang sumbat pa si mokong! sino ba kasing nag sabi na hintayin niya ko? stupid lang? pero sige na nga, para matapos na to!

"okey sige, dun na lang tayo mag usap sa park ok?"

"thank you pol.." ngumiti siya tapos hinawakan niya yung kamay ko. Inalis ko naman agad yung kamay niya. Aba! ano siya sineswerte? wahaha pero parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko nung hinawakan niya ulit yung kamay ko.

Habang nag lalakad kami ni kevin ang tahimik namin. Minsan nakikita ko na gusto niya mag salita pero tinitignan ko siya ng masama kaya hindi siya nakaka sabat. HAHA!! ewan ko ba, naiinis kasi ako sakanya...

Nung last time na mag kausap kami... mas pinili niyang puntahan si maureen.. pero hindi ko naman siya masisi eh.. Mas mahal niya kaya yun.. kung mahal niya ko, mas mahal niya si maureen. Tska Hello? first love niya kaya yun. Bahala siya. Ayoko na umasa ULIT.

"oh ayan.. ano ba sasabihin mo?" umupo ako sa swing. Tapos siya naman umupo din. Parang kinakabahan siya na ewan eh.

"kasi...." kasi ano? "kasi...." luh? ano yan? paulit ulit? UNLI? tinaasan ko na lang siya ng kilay. "ahh kasi gusto ko lang mag sorry!!" hindi na siya maka tingin sakin.

"para san naman?"

"kung nasaktan man kita apple... promise hindi ko yun sinasadya.."

WOW HA? kung nasaktan? so hindi pa pala sure kung nasaktan niya talaga ako? MANHID LANG? hindi sinasadya? pero nung last time na nag usap kami.. may choice naman siya na pumili kung ako ba o si maureen pero mas pinili niya si maureen... ayun ba yung hindi sinasadya? hindi ko tuloy alam yung sasabihin ko.

"ok..." nakatingin lang ako sa harap, hindi ko siya hinaharap, manigas siya dyan!

"yun lang ba sasabihin mo?"

"oo bakit may problema?" ay ang sunget ko -___- hahah!!

"apple, pwede ba tayong bumalik sa dati? yung dating tayo..."

"kevin wala namang tayo..." wew na lang masasabi ko. HAHAH!! parang sa movie lang eh nuh? ang arte ko talaga. Napaka OA ko na ata, baka naman sabihin neto asssuming naman ako.

"i mean.. yung panahon na sobrang close tayo... yung masaya tayo kapag mag kasama tayo... yung araw araw tayong magkasama.. yung panahon na mahal natin yung isat isa..." bigla akong natigilan sa huling sinabi niya, yung panahon na mahal namin yung isat isa? wow as if naman minahal niya ko. Nairita na naman tuloy ako.

"alam mo kevin... walang ganun eh, oo minahal kita pero hindi naman dumating yung panahon na minahal mo din ako.. kaya pwede ba wag na tayong mag bolahan dito? hindi na tayo mababalik sa dati kahit ano pang gawin mo tandaan mo yan ok? at kung totoo man na mahal mo ako, layuan mo na ko please, hayaan mo na ko makapag move on? pwede ba yun?"

Nakatulala lang sya, siguro nagulat siya sa sinabi ko.

"apple... wag mo naman gawin to please..." bigla siyang lumuhod sa harap ko! OMG lang! ang dami pa namang tao sa park, ano ba ginagawa netong lalaki na to? baliw na din e, sige shabu pa -___-

"tumayo ka nga! leche naman kevin eh!"

"hindi ako tatayo dito hanggat hindi tayo nagiging ok.."

so anong akala niya? ganun lang ako kadali na bumigay? na mag papauto na lang ako agad sa kanya? ASA. hinding hindi ko na hahayaan na masaktan pa yung puso ko. wahaha!

"kahit lumuhod ka pa sa harap ko... kahit mag lupasay ka pa dyan... kahit may mangyari pa sayo dyan, hindi niyan mababago yung isip ko ok?" inirapan ko siya tapos umalis nako. Eh di lumuhod ka dyan! mag pakatanga ka, kulang pa nga yan sa pag papaka tanga ko sayo eh.

Naglakad na agad ako papalayo, actually tumatakbo na nga ako eh, gusto ko na umalis dun, mamaya kasi biglang mag bago isip ko, baliw din ako eh, mamaya biglang lumambot yung puso ko, i admit naman mahal ko pa din si kevin, syempre echos lang yun nuh. wahaha!! kelangan ko lang maging pusong bato.

Pagkauwi ko sa bahay pumunta agad ako sa kwarto. Hindi pa nga ko nakaka higa sa kama ko, aba narinig ko agad si tin sa labas ng bahay. Pinuntahan ko naman siya agad sa baba.

"hoy babae! uso mag paramdam ha!!" sabi niya sakin.

"hahah!! baliw ikaw nga dyan eh, nilamon ka na kasi ng pag ibig eh, yan tayo eh!"

"gaga!! uyyy may damit ka na ba para sa JS prom? tara bili tayo mamaya, huhu excited nako eh.."

"nako hindi ako pupunta wag ka na mag aksaya ng panahon sakin, pero sige sasamahan na kita, para makapag bonding naman tayo..." tinaaasan niya agad ako ng kilay.

"hoy ano?! hindi ka sasama? eh kung sabunutan kaya kita? bakit naman? last JS na natin to' gaga! tara na..."

"ayoko nga... ehhh sige bihis lang ako wait ha..." tumakbo agad ako sa taas, haha para hindi na niya ko kulitin, nag bihis agad ako.

"tin tara?"

"alam mo dapat pumunta ka ng JS kung hindi KJ ka! wahaha!!"

"ayaw ko nga kulit, eh si sarah asan? dapat kasi yun na lang niyaya mo eh, baliw ka."

"may date sila ni kuya eh -____-" ay lintek pati ba naman yung babae na yun? nilamon na din ng pag ibig. HUHU! ako na forever alone saming tatlo :-(

"tara na nga... hayss..."

Pag kadating namin sa mall, grabe ang tagal pumili netong babae na to. APAT na orasa lan naman, apat lang. Palibhasa kasi may partner na sa JS eh, eh ako? NGANGA. tska tinatamad din naman ako eh.

"hmm... okey to.." tinapat niya sakin yung blue dress na napili niya.

"hoy bakla bakit sakin mo tinatapat? may salamin naman dun oh! baliw lang?"

"baliw para sayo to.. eto na lang? haha! tama!! okey na.." LUH? baliw din to eh, sabi ng hindi nga ko pupunta. Puge naman. -__- hinatak ko nga siya tapos binalik ko yung damit na yun. Actually masaya ko na bibilhin niya sakin yun ng libre wahaha! pero ayoko kasi maoobliga naman ako na pumunta ng JS nuh. ewww no way!!! haha.

"wag makulit ok?"

"watever.." ang roll eyes lang si tin. haha! ang cute talaga neto ni tin.

Biglang nag ring yung phone ni tin.

"hello?" sino kaya yan? si miggy? nako wag niyang sabihin iiwan niya ko para makipag date kay miggy ah, siya nag aya sakin dito. "ano?! bakit? teka miggy! asan si kevin? okey lang ba siya?" huh? si kevin? bakit kaya? ano kayang nangyare? ay lintek kinabahan ako bigla.

"ano daw nangyare?"

"si kevin daw eh.. nasa ospital... malala daw yung lagay eh..."

Parang biglang gumuho yung mundo ko sa narinig ko. Si kevin? pero bakit? may kinalaman ba to sakin? kapag ako yung dahilan nun, hindi ko mapapatawad yung sarili ko. Ang tanga mo kasi apple, kung ano ano pinag sasabi mo!! hala huhu kevin naman eh!

"asan daw? tara puntahan natin!"

Nag madali agad kami ni tin pumunta dun sa ospital.

Papalapit pa lang kami sa kwarto ni kevin kinakabahan na ko. Argh! ano ba kasi nangyare sa mokong na yun? grabity naman oh.

"miggy anong nangyare kay kevin?!" nakita ko siyang madaming nakakabit na kung ano ano, tapos wala siyang malay, nanghina tuloy ako sa nakikita ko.

"nabugbog kasi siya nung mga ka away namin dun sa may park.. apple.. sorry pero sabi ng doctor, comatose daw si kevin eh.."

Bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Bakit si kevin pa? oo galit ako sakanya, pero hindi ibig sabihin nun hindi na ko nag aalala sakanya. AMP naman kasi eh! siguro kung hindi ko siya iniwan dun sa park hindi siya mabubugbog kasalanan ko to eh!

"kevin..." lumapit ako sa kama niya.. hinawakan ko yung kamay niya.. "kevin gumising ka nga dyan!! akala ko ba malakas ka? tska madami pa tayo pag uusapan eh!! kevin naman!!!" umiyak na ko ng umiyak. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Hindi ko kayang makita siya ng ganto, amp kasi nag papakipot pa ko kanina kay kevin, eh mahal ko naman din talaga siya. Ang stupid ko.

"kevin... gumising ka lang dyan.. promise... magiging katulad na tayo ng dati.. gumising ka na oh please! bati na tayo... ikaw naman kasi hindi ka pa umalis dun eh! kevin gumising ka na please oh.. mamahalin pa kita eh!"

Nagulat ako nung biglang gumalaw yung kamay ni kevin.

"miggy! tawagin mo yung doctor gumalaw na kasi yung kamay ni kevin eh!"

"hindi na kelangan.." ha? eh bakit?

"promise mo yun ah! walang bawian!" nagulat na naman ako nung nag salita si kevin. Hala! ano to? hindi ba siya comatose? niloloko lang nila ko?

"anong ibig sabihin neto?" tumingi ako kay tin pero wala daw siyang alam.

"apple totoong nabugbog si kevin pero hindi siya coma.. sinabi lang namin yun kasi alam naming kasama ka, titignan namin kung anong reaksyon mo.."

"alam mo ang sama niyo! sinungaling!!" bago ako maka alis hinatak ako nu kevin pabalik.

"asan na yung promise mo?"

"tse!! hindi yun valid! nag sinungaling ka eh!"

"ang daya mo! ganyan ka naman eh.. sinabi mo ng mamahalin mo pa ko di ba? kelangan ba muna mamatay ako sa harap mo bago mo ko patawarin?" 

Tumayo siya sa kama tapos lumapit siya sa may bintana, luh? tatalon pa ata to si kevin. Baliw ampotek!

"hoy kevin! tama na nga! oo na pinapatawad na kita!"

Ngumit sakin si kevin nilapitan niya ko tapos niyakap niya ko.

"thanks apple.. i love you.."

"oo na i love you too.." ehhh! ano ba yan! bumigay na talaga ko!

"AYIIEEEE!!" sabay pa yung dalawa! loko to eh' kasabwat pa talaga ni kevin.

"so tayo na?"

"anong tayo?! liligawan mo pa ko nuh!"

"hahaha!!! as you wish.."

"nako apple pakipot pa eh! if i know kinikilig naman!" tignan mo to si tin lakas makalaglag eh.

"tse!"

Tapos nag tawanan kaming lahat.

Ano ba yan! hindi ko expected na magiging okey ulit kami ni kevin. Tama naman si kevin eh, mahal naman namin yung isat isa eh, ako lang talaga yung problema. Natatakot kasi ako na masaktan ulit ako ni kevin. Pero na realize ko na, kung hindi ko ulit susubukan baka mag sisi lang ako sa bandang huli. Mahal ko si kevin, nasasakanya na lang yun kung sasaktan niya ko. Subukan lang niya! lagot siya sakin! haha!! pero ngayon masaya talaga ko kasi okey na kami. Salamat na din sa dalawang baliw na yun, si miggy at tin. Siguro ngayon makakapunta na ko ng JS PROM namin.

- end of chapter 44 -

----

Hello po!

Super sorry! super tagal ng update ko! madami lang kasi akong problema this past few days, and guess what? i will be a mommy soon :) kaya ayun na delay ang pag susulat ko! pero im back na ulit!

Thank you sa lahat ng nag cocommnet para next chapter! at sa mga nag aabang dyan! super thank you! :)

Sige na pabati portion na, alam ko naman yan din hinihintay niyo eh.

Hello kala:

Shane Dela Cruz, Tracyjoy Zorca, Rona Arcala, Marionnes, SelinaGarcia23, nickz_ann_o08, Mharynelle, Calypso_miggY, Sweet_Cherry, Jhalus Coco Salasar, Carmina Mercado, eJeffrey Reyes Soliven, sophia_antonio, nickz_ann, Karla Pauline Caguioa, Gia Gonzales, Dhen Arnaiz, Kyla Rivera, Athenaaaa,

Sorry sa mga nakalimutan ko! msg na lang po kayo! Thanks!! ciao~!

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 181K 27
Unable to move on from the break up, girly and sassy Mika goes through the hoops and pretends to be a boy just to win her ex-boyfriend back. But when...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
12.2M 288K 40
[Book 2 of I'm in Love with a Dota Player] Tama kaya yung desisyon ko na mag mahal ng isang Dota Player? o makaka relate na lang ako sa kantang.. Dot...
13.1M 29.5K 2
Voiceless is now a published book. Where to buy it? Go to this link: bit.ly/hystgbook A story of a superfan and her favorite band. Until when can she...