South Boys #2: Heartbreaker

بواسطة JFstories

13.4M 749K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 49

164K 10.2K 6.6K
بواسطة JFstories

PERVERT!


Hanggang sa kwarto, hanggang sa aking kama ay nagpupuyos ang dibdib ko sa inis. Nang marinig kong bumukas ang gate namin ay nagtakip ako ng unan sa mukha.


Nang masiguro ko na wala na siya ay saka lang ulit ako bumangon. Ichinarge ko ang aking phone at pagkatapos ay pumasok ako sa banyo. Hinubad ko ang lahat ng aking suot at sumahod sa shower.


I suddenly felt hot. Tinagalan ko lang ang pagligo nang makaramdam na ako ng ginaw.


Nang umalis ako sa shower ay saka ko naalala na wala nga pala akong dinalang tuwalya. Nasa hamper ang huling tuwalya na ginamit ko kanina. Nakahanger din sa labas ang malinis kong bathrobe.


Yakap ang sarili na humakbang ako papunta sa tapat ng pinto ng banyo. Pagdaan ko sa salamin ay wala sa loob na napatingin ako sa aking sariling repleksyon. Partikular sa aking hubad na dibdib.


Paglabas ko ng banyo ay nagpalakad-lakad ako sa kwarto habang tinutuyo ng kinuha kong tuwalya ang aking basang buhok. Naka-lock naman ang pinto kaya hindi ko inalala kahit nakahubad pa ako.


Sa condo ko sa Singapore ay nag-iisa lang ako. Kahit maghubo't hubad ako maghapon ay walang problema. Nakasanayan ko ang ganoon and I kinda missed it.


Naglakad ako papunta naman sa closet para maghanap ng isusuot. Ang napili kong shorts at sleeveless top ay inilapag ko sa ibabaw ng kama. Sumunod ay pinuntahan ko ang aking naka-charge na phone para i-check kung ilang percent na ba.


Payuko na ako para damputin ang phone nang bigla akong makarinig ng sunod-sunod na malalakas na busina ng sasakyan mula sa ibaba. Muntik na akong mapatalon sa gulat.


Napalingon ako sa bintana at ganoon na lang ang aking panggilalas nang makitang nakahawi pala ang kurtina! Shit! Why didn't I notice it before?


Patuloy pa rin ang malakas at sunod-sunod na pagbusina mula sa ibaba. Ayaw tumigil na sanhi para lalo akong mataranta.


Who the hell was that?!


Kandarapa na mabilis kong dinampot ang kaharap na kumot sa kama at agad na ibinalot sa aking kahubaran.


Dinampot ko ang mga damit sa kama at saka ko dinala sa banyo. Nagbihis agad ako habang pinanginginigan ng kamay. Wala naman sigurong nakakita sa ibaba kanina?


Paglabas ko ng banyo ay atubili akong sumilip sa bintana. Nakabukas ang gate at nasa labas ang puting Porsche na pag-aari ni Jordan. Nanuyo ang lalamunan ko nang makitang lumabas siya mula sa kanyang kotse.


Wait, I thought he already left? Inilabas niya lang pala ang kotse niya.


Ipinilig ko ang aking ulo at tatalikod na sana nang bigla siyang tumingala. Hindi lang siya basta seryoso. Nakasimangot siya.


Umismid ako at hinila na pasara ang kurtina. Pati ang sliding window ay isinara ko na rin.


So what if he saw me naked? Malayo naman kaya malamang na hindi rin klarado kung ano man ang nakita niya kanina.


Matapos magpatuyo ng buhok ay nahiga na ako sa kama para magpahinga. Ngayon na lang ako nag-petiks nang ganito. Madalas kasi akong busy at pagod, sinamantala ko na ang pagpapahinga habang hindi pa ako nagsisimula sa aking planong gnegosyo.


Inalis ko ang pagkakalock ng aking pinto just in case na gustong pumasok ni Mommy. Pero itinext ko na rin siya na hindi ako kakain ng dinner dahil busog pa ako. Sinabi ko na kumain ako sa pinuntahan ko.


Isinuot ko ulit ang hinubad kong wide bangle sa pulso ko kanina. Just to be sure kung sakaling papasok nga si Mommy mamaya rito.


Pagkapikit ko ay nakatulog agad ako. Naalimpungatan lang ako noong may pumasok sa aking kwarto. I think it was Mommy.


Dinampot niya ang nahulog kong unan sa sahig. Huminto siya sa harapan ko pero hindi ko na magawang dumilat. Pagod at inaantok talaga ako. Lahat yata ng pagod at antok na pinigil ko sa loob ng ilang taon ay ngayon isa-isang nagsilabasan.


Kahit nanghihina sa antok ay sinikap kong magsalita. "I won't eat dinner, My..." paungol na sabi ko.


Hindi sumagot si Mommy. Naramdaman ko lang na inayos niya ang kumot sa ibabaw ko.


Tumihaya ako habang nakapikit pa rin. Nang maramdaman ko na hinawakan ni Mommy ang bangle sa aking kaliwang pulso ay muli akong tumagilid para madaganan ko ito. Dahil doon ay pati ang kamay niya ay nadaganan ko.


Hindi ko alam kung gaano katagal na unan ko ang kamay ni Mommy. Hindi naman niya iyon binawi hanggang sa mawalan na ako ng malay sa paligid.


Malalim na ang tulog ko na kinabukasan na ako nagising. Mga beep sa phone ko ang gumising sa akin.


Maliwanag na sa labas. Mataas na ang sikat ng araw. Kinuha ko ang phone ko mula sa bedside table. Naiwan ko pala na nakabukas ang wifi. Mabuti na lang at nahugot ko na sa pagkaka-charge.


Wait, hindi ko matandaan kung hinugot ko ba? Or maybe it was Mommy who did it.


Ang inaantok ko pang mga mata ay nandilat bigla nang makita ang nakabukas na GC sa messenger. Ang GC ng THE SCAMMERS!


Asher: Taena, ano mga tulog pa kayo?!


Miko: Sorry nag-almusal pa kasi kami ng masarap ni Misis. Haha.


Asher: Sana all nakakapagdilig.


Miko: San ka ba ngayon? Akala ko di ka pa makakasampa sa barko kasi bagsak ka sa medical. Di ba di pantay itlog mo?


Asher: Gago, bakit iyo ba pantay? Picturan mo nga send mo rito!


Nakita ni Miko na nare-read ko na ang palitan nila ng message.


Miko: Oy, 'yan na ang pinuno natin!


Nag-backread muna ako. Ngayong araw lang pala ulit nabuhay itong GC namin. Ang tagal na nang huling convo.


Nabasa ko na kakaalis lang pala ni Asher last month. Seaman na ang tukmol. Nakahinto sila ngayon sa bansang India. Single pa siya. Wala kahit GF.


Si Miko naman ay nag-aaral pa. May mga subjects pa siyang naiwan. Ilang beses na pala siyang nag-shift ng course. MBA siya ngayon. Two years na siyang married. Si Zandra nga na kinakapatid ni Arkanghel ang nakatuluyan niya. Magtu-two years old na ang anak nila.


Si Nelly naman ay wala ngayon dahil may pasok sa Epza. Iniiwan daw sa locker ng pinagta-trabahuang pabrika ang phone kaya hindi siya makasabay ng chat.


Si Isaiah ay wala rin. Busy raw dahil kakagraduate lang. Naghahanda sa board exam habang nagta-trabaho. Nasa Manila. Doon siya ngayon nakadestino sa kompanya ng pinsan niyang hilaw na si Arkanghel.


Miko: Wag na muna natin istorbohin si Fafi Isaiah. Sinasabay niya pagta-trabaho saka pagre-review. Alam niyo na, kailangang kumayod para sa ekonomiya.


Asher: May condo na iyon ngayon. Yayamanin si Engineer!


Miko: Niregulahan siya ni Arkanghel ng condo pero di pa fully paid. Tanginang talaga ni Arkanghel, magreregalo lang di pa binuo.


Asher: @Carlyn Mayora, musta ka na?


Binati ako ni Asher. Nag-tipa ako ng chat.


Me: @Asher, hindi rin pala kayo nagkatuluyan ni Lai. Swerte naman niya.


Asher: Ayaw ko na kay Lai. Wala na akong pakialam pa sa babaeng iyon. Basta wag lang siyang papagutom. Teka, di pa yata siya kumakain ngayon. Anong oras na ba? Tawagan ko muna. BRB.


Me: Bakit ba binuksan ko pa itong GC. Na-stress lang ako. Kainis.


Tinawanan lang ako ni Miko. Mayamaya ay nagpaalam na rin siya. May pasok raw siya ngayon. Pinatay ko na rin ang wifi.


Kalalabas ko lang sa banyo matapos maghilamos at mag-toothbrush nang pumasok si Mommy sa kwarto. "Darling, you have a visitor."


"Sino, My?" tanong ko habang itinatali ang aking buhok into a messy bun.


"Schoolmate mo raw noong high school."


Schoolmate? Iilan lang ba ang may alam na nakabalik na ako ng Pilipinas? Saka iilan lang ang may alam kung saan ako nakatira.


Tumingin ako sa aking phone na nasa bedside table. Wala namang text mula kay Sussie. Wala ring chat mula sa The Scammers GC.


Nagpalit ako ng baby t-shirt at maiksing shorts bago bumaba sa sala. Sa hagdan pa lang ay natanaw ko na ang matangkad at guwapong lalaki na nakatayo sa sala. Kulay abo ang suot niyang t-shirt at sa pang-ibaba ay baston faded jeans.


Nang makita ako ay ngumiti agad siya. "Hi."


Kahit nagulat ay ngumiti rin ako. "Charles."


Napahaplos siya sa kanyang batok. "Hindi ko nakuha iyong number mo the last time kaya naglakas loob na lang ako na pumunta ngayon. Istorbo ba? May gagawin ka ba? Sorry. Pwede akong umalis kung busy ka."


"No. It's fine. Wala naman akong gagawin." Iginiya ko siya paupo sa sofa at ako naman ay naupo sa kaharap niya.


"Will you be busy on Saturday?" nag-aalangang tanong niya.


"Yes. Birthday ng kapatid ko."


Napatango-tango siya. "Oh, there'll be a party."


"Yes. Children's party. 6 years old iyong kapatid ko. Gusto sana kitang i-invite kaso sa Muntinlupa gaganapin," out of courtesy ay sinabi ko. "Tagaroon kasi mga pinsan at kaklase sa Kinder ng kapatid ko."


"Oh, sakto. Nasa Manila ako ng Friday until Monday. I guess I can drop by?"


Tumango na lang ako. "Okay. Ikaw ang bahala."


Hinihintay ko na magbukas ng topic si Charles pero panay tingin lang sa akin ang lalaki. Sinisikil ko lang pero gusto ko nang mangiti dahil halatang-halata ko sa kanya na nate-tensyon siya.


Sa ganoong akto nang lumabas si Jordan mula sa kusina namin. Black na shirt at jeans ang suot niya. May suot siyang clear glasses at seryoso ang kanyang mukha. And his eyes, they were glaring daggers at Charles.


What was his problem?


Napatingin naman sa akin si Charles. Hindi naitago ng mga mata niya ang gulat at pagtatanong. Ngumiti lang naman ako nang matipid sa kanya.


Wala akong makitang dahilan para magsayang ng laway sa pagpapaliwanag kung bakit nandito si Jordan. Hindi ko na rin sila pinakilala pa sa isa't isa dahil malamang naman na namumukhaan nila ang isa't isa.


And they didn't have to exchange niceties. Hindi naman sila naging magkaibigan kahit kailan.


Tumikhim si Charles. "Tungkol pala sa pwesto na hinahanap mo," sabi niya sa akin. "Meron akong alam sa Tagaytay. Malapit sa mga turista ang lugar. Baka gusto mong i-consider."


Naghimas ako ng baba. Sa pagme-merienda namin noong nakaraan sa Greenwich ay nabanggit ko kay Charles ang tungkol sa paghahanap ko ng pwesto. Naghanap pala siya.


"Masyadong mahal yata ang pwesto roon," komento ko.


Nag-uusap kami na parang kami lang ang tao sa sala. Parang kami lang naman talaga dahil wala namang imik si Jordan kung saan man siya nakatayo ngayon. Kung nakikinig siya sa usapan namin ni Charles ay nasa kanya na iyon.


"Kaibigan ng lola ko iyong may ari ng pwesto. Baka pwedeng tawaran. Sasamahan kita. Kung gusto mo lang naman."


"Thanks. Mabuti na rin iyong marami akong choices."


"Oo naman." Boyish na ngumiti si Charles. "Hahanapan din kita sa bandang Imus at Dasma. Pwede mo ring i-consider ang malalapit sa schools."


"Thank you so much, Charles."


"No prob. Basta tutulungan kitang maghanap. Kung kailangan mo rin ng designer para sa place, may kilala rin ako. Iyong kapatid ko, nagde-design siya ng mga café."


Napangisi ako. "Siya ba iyong nakasabunutan ko noong high school?"


Napangiwi si Charles. "Yes. Pero nagbago na siya ngayon. May asawa't anak na. Hindi siya nakatapos pero magaling siya sa pagde-design. Iyon ang trabaho niya ngayon, interior decorator ng usually mga café at shop. Gumagawa rin siya ng logo. Iyong husband naman niya ay photographer. Pwede ka rin doong magpakuha ng photos para sa café mo."


"Wow. That's nice to know."


"Kung gusto mo, ako nang bahala para maka-discount ka ng malaki."


Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Charles nang tumikhim si Jordan. Nakataas ang isa kong kilay nang lingunin siya. Hindi siya sa amin nakatingin. Hawak niya ang kanyang phone habang nakasandal sa pader.


"So Charles," balik ko kay Charles. "Kailan ka pala kukuha ng board exam?"


"Next year pa. May inaasikaso pa ako sa school. Ikaw, mukhang desidido ka nang maging business woman."


"Yes. Pangarap ko talagang maging boss."


"Pag hindi ako nakapasa sa board, baka pwedeng sa 'yo na lang ako mag-apply," biro niya.


Nginitian ko lang siya. Hindi na rin siya nagtagal. Nagpaalam na rin na uuwi. Ibinigay ko sa kanya ang number ko at sinabing magpakilala na lang siya kung sakaling magti-text.


Inihatid ko si Chaes hanggang sa tapat ng kalsada kung saan naroon ang kotse niya.


Bumalik na rin ako sa loob dahil nanghahaba na naman ang leeg ng mga kapitbahay namin. Lalo na si Barbie na nakatambay na naman sa labas habang karga-karga ang anak.


Sa garahe naman ay mararamdaman ang tensyon sa mga nakatambay na trabahador. Para bang nakagawa ako ng malaking kasalanan sa kanila kung makatingin sila sa akin. Hindi ko na lang sila inintindi.


Sa pinto ay nakasalubong ko si Jordan at kamuntik pang makabangga.


Hindi ba niya nakita na papasok ako? Hindi ba siya makapaghintay lumabas?


Nang lumingon ako sa mga trabahador ay makahulugan ang palitan nila ng mga tingin sa isa't isa.


Tumaas ang isang kilay ko at tiningala si Jordan. Formal ang ekspresyon niya habang nakatingin sa aking mukha. Nilampasan ko na siya ng walang salitang binibitiwan.


Sa lunch ay kasabay na naman namin siya. Ang pinag-usapan na naman ay ang tungkol sa bahay sa Muntinlupa. Pinag-usapan din nila ang naging ilang beses na pag-stay ni Jordan sa Spain. Kada taon pala ay pumupunta siya roon. Hinahasa siya ng lolo niya sa firm na pag-aari nito. Naging abala talaga siya sa mga dumaang taon.


Nang makatapos kumain ay si Mommy ang nagligpit ng mesa. Inawat ko naman siya dahil baka mangalay siya sa kakatayo. Malaki na ang tiyan niya at sumasagi na sa lababo.


"Dapat isinama natin si Nanette rito," ani Ninong Luis. Isa raw working student ang babae na sa namamasukan bilang kasambahay sa bahay nila sa Muntinlupa.


"Babalik na rin naman tayo roon," nakangiting sabi naman ni Mommy. "Saka gusto ko na ako ang aasikaso rito sa bahay."


Ako ang naghugas ng pinagkainan. Mabuti at sumama si Jordan sa pagpunta sa sala kaya nakakilos ako nang walang inaalala. Pagkatapos kong magligpit ay pumanhik na ako sa kwarto. Ganoon din ang sitwasyon nang kumain kami ng dinner.


Walang katapusan ang pag-uusap tungkol sa gagawing renovation sa bahay sa Muntinlupa. Ang firm din nina Jordan ang kukunin ni Ninong Luis. Hindi naman ako nagko-komento ng kahit ano.


Narinig ko sa kanila na tapos na rin ang rooftop namin. Mabuti naman. Nakakaawa na rin ang architect na mula umaga hanggang hatinggabi ay nakatambay rito.


7:00 pm pa lang nang gumabi ay nasa kwarto na ako. Maaga kaming nag-dinner dahil masama ang pakiramdam ni Mommy. Um-order lang kami ng pagkain sa labas. I think it was Jordan who ordered and paid for the food. Masyadong generous ang architect na ito. Alam kaya iyon ng firm niya? Sana lang hindi sila malugi.


Hindi malalim ang naging tulog ko. Sumasakit ang ulo ko at kumakabog nang matindi ang aking dibdib nang magising. Napadilat ako kasabay nang bigla kong pagbangon sa kama. 2:00 am na sa orasan.


Nanginginig ang mga kamay ko nang tingnan ko ang mga ito. "Oh, shit!"


Hindi ako nakainom ng gamot. Nang mga nakaraan kasi ay iniisip ko na hindi ko na kailangan niyon. Hindi ko akalain na magigising ako ng ganito. Agad kong hinanap ang pouch sa drawer ng bedside table.


Wala akong tubig sa kwarto. Hindi naman pwedeng uminom ako sa gripo kaya bumangon ako para bumaba. Nasa palad ko ang tabletas nang tumungo ako sa kusina.


Madilim ang buong sala pero may malamlam na liwanag na nagmumula sa kusina.


Pumasok ako sa loob at nakita ko nga ang inaasahan. May lalaking nakatayo sa tapat ng island table. Nakatukod ang mga kamay niya sa ibabaw nito. Kahit nakayuko siya ay imposibleng hindi ko siya makilala.


Nag-angat siya ng paningin sa akin nang maramdaman ang aking presensiya. Again, he was still here at this late hour.


Nagdire-diretso ako sa water dispenser nang hindi siya pinapansin. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa pagkuha ng tubig sa baso. Ininom ko ang tabletas na nasa aking palad at pagkatapos ay sinundan agad ng tubig.


I could feel Jordan staring at me but I didn't bother to even spare him a glance.


Inilapag ko ang basong pinag-inuman sa mesa. Sandali lang ay eepekto na iyon pero hindi pa agad-agad ngayon.


"Are you not feeling well?" maaligasgas ang boses na narinig ko.


Kumunot ang noo ko dahil may nakapa akong concern sa tono niya.


Tinapunan ko ng matabang na sulyap si Jordan. Why was he behaving like this? It wasn't like we parted ways as friends before.


May nag-beep na phone.


Gumala ang paningin ko sa paligid hanggang sa mapatingin ako sa phone niya na nasa ibabaw ng island table.


Malapit lang pwesto nito sa akin kaya nakita ko na merong nag-text sa kanya. Hindi ko pinansin kung sino ang sender dahil wala akong pakialam. Mas natuon ang aking atensyon sa screen ng phone.


His wallpaper was a little boy who was around 4-5 years old. Ang kulay ng mga mata ng batang lalaki ay katulad ng sa kanya-kulay malamlam na tanso.


Nang mag angat ako ng mukha ay nakatingin sa akin si Jordan. I could feel that he was waiting for me to ask him who was that kid.


Siya na rin ang naunang magsalita. "He's Hyde. He's four. Going five this year."


Napalunok ako kasabay ng pagapang ng lamig sa aking katawan. Nang salubungin ko ang mga tingin niya napahugot ako ng paghinga.


"He's my... son."


Napahawak ako sa kanto ng island table dahil pakiramdam ko ay bigla akong kinapos ng hangin.


Gusto kong humingal sa galit kahit alam kong wala nang saysay na magre-react ako sa bagay na tapos na at matagal ng nangyari.


But still, I couldn't ignore the fact that I was hurt. Kailan ba nangyari ang lahat?


At sino ang ina ng bata? Was it that Nat?


O may iba pang babae na naging malapit sa kanya noong wala na kami? O matagal nang malapit sa kanya kahit noong kami pa?


Wala na dapat akong pakialam sa sagot dahil kung ano man iyon ay wala na rin namang magbabago.


Tumango na lang ako sa kanya at walang salita na tinalikuran siya. Kaswal na lumakad na ako palabas ng kusina kahit ang aking pakiramdam ay parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko.


Kakalampas ko lang sa pinto patungo sa sala nang marinig ko siyang nagsalita. "I lied."


Nakakunot ang noo na napalingon ako kay Jordan. "W-what?"


"He's my nephew."


Napanganga ako nang makitang nakangiti siya. Nang makabawi ay kumuyom ang mga palad ko. Muli akong tumalikod at tuluyan nang umalis. Asshole. He really was an asshole!


JF

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
46.3M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...
4.9K 278 18
Pagmasdan mo ang timbangan ng buhay. Kapag may pera, angat ka. Kapag mahirap, nasa ibaba ka ng lipunan. Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ni Isabe...