SBMBG 2: The Skater and Balle...

By euzaku35

781K 9.9K 3.4K

BOOK 2: SKATER BOY MEETS BALLERINA GIRL. There are a lot of changes done. Bench Hernandez left Skateboarding... More

SBMBG 2: The Skater and Ballerina's Twisted Fate
Chapter 1: This is Now
Chapter 2: Xionnen's Love (Part 1)
Chapter 2: Xionnen's Love (Part 2)
Chapter 2: Xionnen's Love (Part 3)
Chapter 3: Is she back?
Chapter 4: Just fun. FUN.
Chapter 5: ''MAJO''
Chapter 5: Issues (Part 2)
Chapter 5: Exposed (Part 3)
Chapter 6: Lunch Together
Chapter 6: Relationships
Chapter 6: Temptation (Part 2)
Chapter 7: Inspiring Bench
Chapter 7: News (Part 2)
Chapter 8: Interview (Part 1)
Chapter 8: THE GIRL (Part 2)
Chapter 8: With the Kids (Part 3)
Chapter 9: Ianne's Revelations (Part 1)
Chapter 9: Ianne's Revelations (Part 2)
Chapter 9: Ianne's Revelation (Part 3)
Chapter 10: Bench and Xave (Part 1)
Chapter 10: Bench and Xave (Part 2)
Chapter 11: Hear it from Xionnen (Part 2)
Chapter 12: Still together (Part 1)
Chapter 12: Mom and Son Bonding (Part 2)
Chapter 13: Just Like The Old Times (Part 1)
Chapter 13: Contis Talk (Part 2)
Chapter 14: Face-to-Fate
Chapter 15: Invitation (Part 1)
Chapter 15: Nothing can beat the original (Part 2)
Chapter 17: My Nightmare
Chapter 18: Family Day (Part 1)
Chapter 18: Family Day (Part 2)
Chapter 18: Family Day (Part 3)
Chapter 18: Family Day (Part 4)
Chapter 19: Hearts and Clues (Part 1)
Chapter 19: Plan Success (Part 2)
Chapter 19: Confrontation (Part 3)
Chapter 20: And They Meet Again (Part 1)
Chapter 20: Puppy Love (Part 2)
Chapter 20: Deadly Bite (Part 3)
Chapter 21: Ianne's Decision
Chapter 22: The Three Liars (Part 1)
Chapter 22: Fair Fight (Part 2)
Chapter 23: Coffee-in-can
Chapter 24: Home Sweet Home (Part 1)
Chapter 24: Almost There (Part 2)
Chapter 25: 7eleven (Part 1)
Chapter 25: Déjà vu (Part 2)
Chapter 26: Sorry, korny much lang :"D
Chapter 27: Out-of-Town (Part 1)
Chapter 27: At Last (Part 2)
Chapter 28: It's awkward and tempting
Chapter 28: Forever Yours (Part 2)
Loving A 'G' (MUST READ)
Chapter 29: This I Promise You
BONUS: Do You Know?

Chapter 11: Hear it from Shone. Hear it from Bench.

13.5K 156 37
By euzaku35


PICTURE: Shone- Ianne --- SB <3 PB --- Xave- Ianne --->

***

Chapter 11: Hear it from Shone. Hear it from Bench.

SHONE'S POV

"Anak ninyo ni Bench si Tribal?!! How can that be even possible, Ianne? Paanong bigla na lang nagkaroon ng Tribal?" tanong ko sa kanya. She's serious pero hindi ko alam kung dapat ko bang seryosohin yung sinasabi niya. But honestly, I really have no idea what to think this time.

"Stupid question, Shone! Do I really have to answer that? Like what the hell, merong Tribal sa mundo na ito because I had sex with Bench and I got pregnant. Do I still have to discuss the fertilization cycle to you?" pilosopong sagot ni Ianne. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, wala pa ring pinagbago. Haynako!

"Uhm... Ianne, I hope you don't mind but... sinong Bench ba iyong tinutukoy mo? D-Don't tell me si Bench Hernandez yun???" singit ni Mikee sa usapan, dapat siguro wala siya dito, baka mabulunan na naman sya eh.

"Oh, Mikee dear, I know you're a fan, meron ka pa ngang album ni Bench oh.. but I'm sorry.. sya nga ang pinag- uusapan namin. Can you do me a favor? Please don't tell anyone about this. You're Shone's girlfriend so I trust you." Ianne pointed out to the album that I gave. Mikee's face is epic. Hindi mo alam kung anong una niyang gagawin, kung magugulat ba sya, kung papayag sa gusto ni Ianne o kung iiyak dahil yung idol niya, may anak na pala.

Heesh, hindi ko pa rin ma-gets. Malabo pa rin para sa akin.

"Yeah, Mikee won't talk, don't worry. But please Ianne, would you mind to enlighten me? naguguluhan talaga ako, ang daming tanong sa isip ko na kailangan ng kasagutan." I told her, I'm serious, kilala ko na mula pagkabata si Ianne, hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon. Masyadong magulo.

"All right. Listen... it was Valentine's Day, of course, Bench and I love each other so much.... at that time. We did it, I am not aware of what I'm doing but, seriously, who could resist Bench? So we did it, take note, without any protection. Eh malay ko bang may pwedeng mabuo nun, kaya ayun..." she explained, her eyes looks sad in a moment, sorry pero kahit nasasaktan syang isipin yung mga times na magkasama pa sila ni Bench, I need her to tell me everything.

"And? When did you find out that you're pregnant? Is that the reason why you left?" I asked her. That time, hindi ko maintindihan yung pabigla- bigla niyang desisyon. I know minsan hindi nag- iisip si Ianne kaya nakipaghiwalay sya kay Bench nun and decided to pursue her career. But I really think it was stupid.

"No! of course not, if I know na buntis ako nun, e di sana hindi na lang ako umalis. Nalaman ko na lang na buntis ako ilang weeks after kong makarating sa Germany. The symptoms were there but I'm trying to ignore all of it. I'm in denial. Kapag nalaman ng theater na buntis ako, tatanggalin nila ako and everything will be wasted, pati ang pag- iwan ko kay Bench masasayang... but then.. wala rin akong nagawa..." she answered, biting her lower lip. Siguro iyon ang isa sa mga bagay na labis niyang pinagsisisihan.

"You mean, hindi totoo yung sinabi mo sa akin noon na umalis ka sa Bolshoi Theater dahil ayaw mo na... the truth is, inalis ka nila?" I asked her, naaalala ko pa noon, tumawag si Ianne sakin nang umiiyak, sinabing hindi na daw tuloy yung pangarap niyang maging international ballerina dahil umalis na daw sya sa musical production. I don't know what to say to her, gusto kong sumunod sa kanya nun para patahanin sya but then, hindi ko na ginawa, kasama na naman niya noon si Xave eh.

"Nah, it's true, Shone. Before they found out na buntis ako, umalis na ako. I cannot let them know, siguradong pagchi-chismisan ako ng lahat ng tao doon, and that will totally ruin my name. Gets mo naman ako di ba?" tumingin ako kay Mikee sa tabi ko, tahimik lang syang nakikinig sa pag- uusap namin. Mukhang nag- eenjoy sya tonight ah, para siyang nakarinig ng kwento mula sa isang best seller na novel.

"Yeah, that's very you, Ianne." I answered her. Bata pa lang magkasama na kami, alam kong walang mas mahalaga para sa kanya kung hindi ang sarili niya at ang tingin ng tao sa kanya. I just don't know kung nagbago iyon nung makilala niya si Bench...maybe.

"So, paano naman naging Daddy ni Tribal si Xave?" I asked her again. I think I already know the answer. Pero gusto ko pa ring marinig yung buong kwento mula sa kanya.

"He's there for me when I'm half across the world away from Bench. He saved me from being a laughing stock, not only from the society but from my whole family." She formed a little smile, her eyes glinting like she's thinking of something that she don't want to share with me.

"That's also very Xave-like, Ianne. Yung kapag walang- wala ka na, bigla syang dadating para isalba ka. You mean, ang alam nilang lahat si Xave yung ama ni Tribal?" tumingin na ulit sa akin si Ianne.

"Yes. Pumayag si Xave sa ganong set-up since we will both benefit from it. Ako, hindi ako mapapatay ng parents ko because they both want Xave for me, kilala na kasi nila si Xave, unlike Bench na hindi pa nila nakikilala at hindi man lang nag- abala para magpakilala." She said with edge on her voice. I remember na kinwento niya sakin yun, kung kelan dapat ipapakilala na daw niya si Bench sa parents niya, hindi naman daw sumipot si Bench. Bakit? Ayun, nahuli niyang nakikipaghalikan kay Xionnen sa Park nung New Year's Eve.

At least nagkaayos sila but I think Bench already made a bad impression sa parents ni Ianne. But still, anong malay natin magustuhan din naman nila si Bench diba? Iyon pala eh kung pwede pang mangyari iyon.

"And Xave agreed. He said, he wants to help me... he wants to be with me. I know it's unfair that I'm using him, but wala na akong choice eh. Isa pa... parang mahal ko na rin naman kasi talaga si Xave ngayon. Nawala lang yun dahil kay Bench pero si Xave.... He's still the same guy na kinabaliwan ko noon... mas intense nga lang ngayon. Mas nakilala ko pa kasi sya kasi magkasama na kami palagi eh. He's so nice, sweet... I have no problem with him." she continued, she's giving me that smile again, na parang ang calm ng lahat... sa bagay, mahal naman talaga niya si Xave nung sila pa eh, hindi imposibleng mahalin niya ito ulit, lalo na sa dami ng mga bagay na ginagawa ni Xave para sa kanya.

"Haaay, bobo talaga ni Xave pagdating sayo, noh? Be a father to a child that is not his son? Sya lang yun. Anong sabi nina Tita at Tito ng malaman nila?" I asked her. She smirked.

"Ayun, syempre nasampal ako ni Daddy. Iyak naman ng iyak si Mommy. Wala akong masabi sa kanila kundi 'sorry'... pero after some time, natanggap din nila. Ano pa ba naman ang magagawa nila diba? Nandito na 'toh. Isa pa, ang sabi ni Xave, papanagutan niya ako... they trust him kaya pumayag sila." She shrugged, isang malungkot at pilit na ngiti naman ang pinapakita niya.

She looks like she's been through a lot in the past years... I pity her. Kahit na hindi sya ang pinakamabait na tao sa mundo, she still has a golden heart in her own right.

"Bakit hindi ka na lang bumalik dito noon? Bakit hindi mo pinaalam kay Bench? Mahal niyo pa ang isa't isa, pwede niyo pang maayos iyon. Sana bumalik ka na lang, pwede din naman kitang tulungan kina Tita at Tito eh. Why do you let things be so complicated? Don't you think Tribal will never find out all these lies?" I balled up my fist, Mikee then turned to me and held my hand, she gave me a reassuring smile.

"I know... but do you think kapag bumalik ako noon, things will be the same? Of course not. Siguro nga mahal na mahal ako ni Bench nun.. but until when? Eventually, mapapagod din sya at iiwan ako... I don't want that to happen. At saka, if I didn't leave him, for sure nakabuntot pa rin sa akin si Bench.. he prioritizesme above all.. para sa kanya ako ang pinakamahalaga... hindi na niya napapahalagahan ang sarili niya kahit nasasaktan o nahihirapan na sya... if that's the case, siguro... siguro hindi sya yung Bench na meron ngayon... Hindi sya yung Bench na hinahangaan ng tao... hindi sya satisfied sa buhay niya, baka wala pa siyang nararating sa buhay niya. Look at him now, he's successful." She explained.

And at that moment, she looks like the same Ianne from years ago. She looks hurt but then, trying to form a smile, parang sinasabi niya sa sarili niya na wala siyang dapat pagsisihan

"Ianne naman... stop thinking na iiwan ka ng tao sa paligid mo. I know you grew up alone, your parents are not with you, lagi silang busy... pero di ba, mahal na mahal ka naman nila, tinanggap ka pa nga nila kahit ano pa ang nangyari sayo... at hindi ibig sabihin na iniwan ka ni Xave noon... iiwan ka din ni Bench. Bench loved you, handa niyang gawin ang lahat sayo noon pero binalewala mo lang yung lahat. Hindi mo dapat pinapangunahan ang iba.. yan ang problema sayo, Ianne eh." Para akong tatay na nanenermon sa kanya at tulad ng isang mabuting anak, nakikinig lang sya sakin... bakit? Dahil tama naman ako eh!

"I know... Bench...loved me... pero kasi... tingin ko iyon ang dapat kong gawin. Xionnen was right, sarili ko lang yung pinapahalagahan ko noon... paano naman si Bench diba? Sya lagi yung dehado saming dalawa. Ayoko nun...." She said shaking her head. Mabilis pa rin syang panghinaan ng loob parang nung dati.

"Then don't. Kung dehado man lagi si Bench, find a way para maging patas kayong dalawa. Kung tingin mo lagi na lang si Bench ang nahihirapan, ang nawawalan, ang nagsasakripisyo... then you should've made that all worth it.. hindi iyong iniwan mo sa ere yung tao. And what now, kung kelan masaya na sya, kung kelang nakalimutan ka na niya... bigla ka na lang babalik? And worst.. may kasama pang anak?" I exhaled. Hindi ko gusto magalit kay Ianne, lalo na at ngayon lang kami nagkita pero... what the hell, how can she be so insensitive? She's not using her head!

"Shone! Please?! It's over, okay? Tapos na ang lahat! And who said that I will show up again in Bench's face? No! Pinabalik ako nina Mommy at Daddy dito to fix everything that I left here. Maybe I'll go study or work out my career again.. I don't know... but Bench....? No. He's not part of my plan." She sighed. Parang ayaw niya rin ng sarili niyang plano... but then she has no choice.

"You mean you're not going to tell this to Bench? God, Ianne! I thought you changed but you didn't... Not even a bit. You're still selfish. Bench has the full rights to know about Tribal, ganon din naman si Tribal. Maybe Xave is a good father to him.. pero kailangang makilala ni Tribal yung tunay niyang ama." I explained to her, hindi ko man sinasadya, napapalakas ang boses ko, pinipigilan kong sumigaw. Mabuti na lang kasama ko si Mikee, kaya kong maging kalmado dahil sa kanya.

"I know, I know! But... I need time! I need more time to think of everything! And...Tribal... he's going to know about this... it's just... it's not the right time... maybe when he can finally understand everything, sasabihin ko sa kanya." Parang nadidismaya na ang aura ni Ianne, hindi na niya alam ang dapat niyang sabihin. Napapailing na lang ako.

"You know the world is little for all of you. Malalaman at malalaman din ito ni Bench. Isa pa... kung wala ka na ngang nararamdaman para kay Bench at si Xave na ulit ang gusto mo... hindi niyo naman kailangang magkabalikan eh... lalo na at may Xionnen na si Bench... but still, both of you can still become good parents for Tribal." I advised her. She shook her head, cannot fathom of the idea.

"No, I cannot do that Shone. Kapag nalaman ni Bench na meron kaming anak... what do you think will be his reaction? P-Paano kung... hindi niya tanggapin yung anak ko? I don't want to be rejected. And if ever na kilalanin man niya si Tri... Paano na sya? Lalabas na may anak sya sa pagkabinata... it can ruin his career. I don't want that to happen to him. Masaya na si Bench. He's loved by the people. I'm doing this for him.. I don't want to be selfish anymore." I can now see tears threatening to fall from her eyes, and I know that she is sincere with what she's telling us... she's worried about Bench.

"We cannot say for sure kung ano ang magiging reaksyon ni Bench, but also, hindi din naman natin sya pwedeng pangunahan at pagkaitan. But you already did your part for him, Ianne. You already proved to him kung gaano mo sya kamahal... you can just abort the baby if you really want, you don't need him alive, or... you can just deliver him in an orphanage.. but you didn't. You took full responsibility of him... even if you know the consequences, even if you know you've got a lot to lost... ginawa mo pa rin yung tama, that's all because you love him. You love Bench." Hindi ko inaasahang makakapagsabi ako ng mga ganung bagay kay Ianne. Dala na rin siguro ng labis na simpatya sa kinahinatnan nilang dalawa ni Bench kung kaya ko iyon nasabi. I think they really love each other... si Bench ang nagpabago kay Ianne.

"What's going on here?" hindi na namin natuloy ang pag- uusap namin dahil dumating na si Xave, hawak hawak niya sa kamay si Tribal na mabilis namang tumakbo papunta kay Ianne, naupo na si Xave sa seat niya at nakatingin sa aming pareho.

"Nothing, we're just talking. What took you so long?" Ianne asked him. Iniiwasan niyang tingnan si Xave, she keeps on looking everywhere but Xave. Napapakunot- noo na lamang naman si Xave, pati kaming dalawa ni Mikee, tikom ang bibig.

"The restroom is full of customers. Anyway, shall we eat?" sabi ni Xave, dumating na yung mga foods na inorder namin at unang hinainan nung dalawa si Tribal. Magana naman itong kumain, mukhang gutom nga ito.

While we are silently eating, hindi ko alam kung ramdam ba nila yung tension at wala na lang nagsasalita. Sometimes, Mikee would comment about the food, or just talk about anything under the sun, Xave will respond but Ianne and I speak occasionally, kung kailangan lang talaga.

I stared at Tribal. May hawig sya ng konti kay Xave... but not enough to say na si Xave yung tatay niya... maybe dahil lagi silang magkasama kaya ganoon. But if you will look at the kid longer, mapapansin mo na yung features niya, mixed nung dalawa ni Ianne at Bench... hindi mo kaagad mapapansin sa umpisa because the kid already got a foreigner look, pero kung pagmamasdan mo talaga...mapapansin mo din.

At ito pa ha, left-handed yung bata, and Bench is left-handed. Napapansin ko lang iyon dati nung nakita ko kung paano mag gitara si Bench, atsaka kapag kumakain siya, yung kutsara kasi nya, kaliwang kamay niya yung ginagamit... just like Tribal. It's not really a big deal kung hindi parehong right- handed si Ianne at Xave.

After naming mag- dinner na apat, nagpaalam na si Ianne na aalis na sila, nakatulog na rin kasi si Tribal so sobrang pagod. Mikee is still full of energy, bagong kain eh.. pero kami ni Ianne... parang medyo malayo pa rin ang iniisip...

"Thank you, bro. Mauna na kami ni Tri sa kotse ha? Mukhang may sasabihin pa sayo si Kylie eh." Tinap lang ng mahina ni Xave yung balikat ko, nagpaalam din sya kay Mikee tapos umalis na sila, buhat buhat niya si Tribal na mahimbing nang natutulog.

"It's really nice to meet you, Mikee. Sana magtagal pa kayo ni Shone. Pag pa naman yang si Shone, nagmahal, wagas." Sabi ni Ianne kay Mikee na tumawa naman.

"Oo nga, buti na lang naka-get over sya kay Xionnen, noh? Kaya ikaw Shone pasalamat ka pinagtitiyagaan kita!" sabi naman sa akin ni Mikee pagkatapos akong hampasin ng mahina, natawa na lang ako. Ako kaya itong nagtitiyaga sa kanya! Binabaligtad pa nito.

"Hahahaha! That Xionnen didn't know kung ano ang pinakawalan niya noh? Masyado kasing patay na patay kay Bench... sabunutan ko yun eh. Charot lang! Baka magalit sa akin si Xave pag narinig niya yun comment ko kay Xionnen." sabi ni Ianne tapos tumawa, mukhang kahit paano, gumagaan pakiramdam niya... That's good.

"Bakit naman?" tanong ni Mikee kay Ianne. Mukhang close agad yung dalawa ah? Siguro kung ito yung Ianne mula sa nakaraan, hindi niya pagtitiyagaan si Mikee, makukulitan sya dito.

"Oh, Shone didn't tell you? Kasi magkapatid sila ni Xionnen." she answered, nanlaki na naman ang mga mata ni Mikee. Ilang beses kaya niyang nagawa iyon ngayong araw? Ang dami kasing na-reveal sa kanya eh.

"Talaga ba? Grabe naman iyon! Hindi ko lubos maisip! Sister-in-law mo pala ang bagong girlfriend ng ex-boyfriend mo! My gosh!" sabi niya, ngumiti din naman si Ianne sa kanya.

"Yeah right. Believe me, it sucks! Pero hindi ko naman talaga sister-in-law si Xionnen eh, hindi pa naman kasi kami kasal ni Xave. Anyway, thanks for the night." Sabi ni Ianne at nakipag-beso beso kay Mikee.

"Okay, salamat din ah. Finally, nakilala na kita. It's nice meeting you also. You're very interesting. I really hope na maayos niyo yang magulong sitwasyon niyo ngayon... I can be your friend, if you have problems, you can talk to me." then Mikee smiled. Ianne smiled back then give her a tight hug. After that, she turned to me.

"Shone... I know you're upset, but I really hope that you understand me. It's the only thing that I want to ask you... please understand me. Don't tell Bench... help me to live a peaceful life, that's what I want for my son." Lumapit sa akin si Ianne at hinawakan yung kamay ko. Nakatingin sya sa akin, nakikiusap...

"I cannot promise you that, Ianne. If you want a peaceful life, you need to start all over again...correctly. But... who am I to talk? I don't know how it's like to be in your place...so.....yeah. I won't promise, but I'll try." mali rin ako na basta basta kong hinusgahan si Ianne. I know she sometimes acts like an idiot but she's pure and bright. She only wants the best for Tribal. At sino ba naman ako para kontrahin ang gusto niya? Kung ito ang gusto niyang mangyari, bilang kaibigan.. maniniwala na lang ako sa kanya.

"OMG! Thank you so much, Shone! Thank you! I really really appreciate it! You're the best!" she looks so excited, hugging me tightly. I can see Mikee smiling widely at me. Does she think the same? Siguro, hindi naman kasi ako pwedeng maging pakialamero sa buhay ng iba eh.

"Yeah, yeah... come on, Ianne.. let go now, nagseselos na si Mikee, oh!" natatawa kong sabi kay Ianne, kumalas naman sya ng yakap sa akin at tumingin kay Mikee na parang nang- aasar.

"Parang di naman! Hahaha. But still, don't be jealous of our closeness, ganito lang ako sa kanya... dati ako lang ang nakakaganito sa kanya eh, pero nakalimutan ko, may girlfriend na nga pala sya ngayon. Anyway, I really wish the best for the both of you." She smiled at us. I stepped closer to her and this time, I'm the one who hugged her.

"Happy Birthday, Ianne. I missed you and I'm glad you're back." I whispered to her. She nodded and hugged me back. I can hear her little sobs as she try to stop from crying.

It must be really hard for her. How long she's been keeping it all by herself?

***

BENCH'S POV

Birthday ko ngayon di ba? Kaya anong gagawin ko? E di syempre magpapakasaya! Tinawag ko kaagad yung tropa, sabi ko, punta kami sa isang exclusive club. Hindi na naman nagtanong pa yung mga loko, punta agad!

"Whoooo! Birthday boy! ano ba kasi ang nangyari ha? Biglang nagtawag ng inuman! Parang di ikaw ah!" sabi ni Kurt sabay laklak nung bote ng alak na hindi ko alam kung pang- ilan na niya. Wala, olats 'toh!

"Wala! Uminom ka na lang! wag ka ng magtanong! Hahaha!" sabi ko naman, ay hindi, sigaw ko pala. Di naman kasi kami magkakarinigan kapag di kami nagsigawan eh! Potek ang ingay dito.

"Hahahaha, takte, wala pala 'tong mang- aawit natin dito! Mukhang may problema ang loko!" sigaw naman ni Clyde, tapos nag-cheers silang tatlo.

"Pero totoo nga, tol? Anong meron? Parang sabi mo, hindi ka pwede ngayong araw na 'toh dahil busy ka, tapos ngayon, pinapunta mo kami para makipag- inuman sayo? Pinaglololoko mo ba kami?!" pasigaw na tanong naman sa akin ni PJ. Sya na lang walang tama sa tropa, matibay ang mokong.

"Pakyu ka, PJ! Shinong may shabing lolo na ako? Gago you ha, ni hindi pa nga ako tatay eh! Hahaha! Tangna, speaking op, may mga kasama akong bata buong araw... badtrep mga pre, nakakatuwa yung mga bata, pero hindi ko alam kung bakit nakakatuwa!" tawa ko naman, hindi ko ba alam, pakiramdam ko ang saya saya ko. Pinipilit kong maging masaya. Ayoko makaramdam ng kahit anong sakit. Ayoko na maisip ang mga nangyari kanina.

" Taena, ang bingi ng hinayupak na 'toh! Iuwi niyo na nga 'toh! Walang kwenta kainuman! Maya maya tumba na yan!" sigaw ni Kurt, gago yun ah, sino daw walang kwenta kainuman? Ako? Ako pa? Wala silang ebidensya!

"Shatap ka, Kurt! Baka gusto mo isumbong kita dun sa PB ko! 'langya, wala ka dun, tigasin yung PB kong iyon! Magaling pang mag ballet! Wala ka dun!" pagmamayabang ko sa kanila sabay fly fly away pa ng kamay ko. Gago kasi yung mga gago, inaapi ako! Tangna, bata, nagsumbong?! Nawawala na nga ako sa tamang katinuan.

"Lokohin mo lelang mo, pre! PB PB ka diyan! PB your ass, man! Wala na yung PB mo! Nag fly fly away na! Nakalimutan mo na ba?" Sagot naman sa akin ni Kurt, aba siraulong toh! Nag- iimbento pa ang gago!


"Pakyu ka talaga, Kurt! Anong wala? Sinong niloko mo?! Mahal kaya ako ng PB ko! Di ako iiwan nun! Langya! Siraulo ka talaga!" tawa lang ako ng tawa, pati na rin sila natawa, pero hindi ko alam kung bakit ako natawa... Basta lutang lang. Ganun ang pakiramdam ko.

Ang ingay ingay dito, kahit na kumuha kami ng private space para pag- inuman, ang dami pa ring tao, malamang, marami talaga ditong tao. Bobo Takte, kanina pa ako ha, kanina ko pa binabara ang sarili ko. May tama na nga yata ako.

"Oy pre, tama na yan, nasosobrahan ka na..." tapos, kinuha sakin ni PJ yung bote, sinusubukan kong alisin yung kamay niya para di niya makuha. Ang epal naman eh! Nakitang umiinom yung tao, aagawan? Ubusan na ba ng alak dito? Labo.

"tangna kasi PJ, wag kang epal, tol! Kumuha ka ng sarili mo!" sigaw ko sa kanya, pilit kong pinipigilan yung pagkuha niya ng bote ko, parang tanga kasi, pwede naman siyang bumili ng kanya, aagawan pa ako.

"shit pre, anong nangyayari diyan?" mas kalmado na tanong ni Clyde, itinabi niya muna yung iniinom niya at lumapit sa pwesto namin ni PJ na nag- aagawan pa din sa bote. Si Kurt, ewan ko, di ko makita, masyadong madilim dito tapos kung tinamaan kung magaling, nahihilo na ako na parang gusto kong masuka na parang may dumaang isang batalyon ng kabayo sa tabi ko, sobrang ingay na naririndi na ako. Kaasar.

"Pakshit! Isa!!! Wag nga kayong makialam sakin! Pabayaan nyo ako! Iwan niyo na ako dito! Mga gago! Gumaya kayo dun sa magaling na ballerina na yon, wala din naman kayong kwenta eh! Ang mahalaga lang sa inyo yung sarili niyo! Iwanan tayo sa ere, diba? Tangina. Naalala ko na naman." bumitaw ako sa bote at napahawak ako sa sarili kong ulo. Tangna ang sakit sakit!

"Bench pare, tumigil ka na, masyado ka ng maraming nainom." sigaw ni PJ tapos, tuluyan na niyang nakuha yung bote mula sa akin. Natumba ako sa pagpilit kong paghabol dito, napalapag ako sa may sahig. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak ako. Sinubukan ko ulit, kumapit na ako para sigurado pero yung paligid ko, anong nangyayari sa paligid ko? Shit, nanghihina na yung mga paa ko, hindi na ako makatayo.. parang gusto ko na lang matulog.. pero hindi eh... bakit ganito? Nararamdaman ko pa rin ang sakit? Ang sakit ng pag- iwan niya sakin.

"gago kasi mga pare eh. Minahal ko naman si PB ko ng totoo, seryoso naman ako sa kanya diba? Nakita niyo yon! Lahat ng gusto niya ginagawa ko, wala na nga akong tinira para sa sarili ko pero ano? Iniwan niya pa rin ako. langyang buhay toh! Walang kwenta! Tapos ano? Kung kelang masaya na ako tsaka sya babalik?!!! Paano na si Xionnen! Mahal ko yun eh! Pero si PB ayaw niya tumigil! Lagi niya akong ginugulo! Ayoko na, potek! Paano kung bumalik sya? Anong gagawin ko kung nagbalik na sya?" nanlabo na ang paningin ko at hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha.

Ayokong umiyak, ayoko na siyang iyakan ulit pero habang nakaupo ako ngayon dito sa sahig, nakasandal, patuloy na nagpa-flashback sakin yung itsura ni Ianne... yung mga tawa niya, yung mga pagsimangot niya, kung paano sya magalit... kung paano sya mamula kapag hinahalikan ko sya... lahat... lahat lahat bumabalik. Lahat ng pilit kong tinatago at kinakalimutan mula sa nakaraan. Bumabalik na naman. Nararamdaman ko na naman. 

"Pota talaga mga pre. Dumating pa ang dakilang ex-boyfriend niya! Gago! Isa pa sya, walang ginawa kundi umepal sa love stoy naming dalawa! Kung hindi naman niya sinundan yung PB ko doon di naman sila magkakaaanak eh! Mga walangya! Pamilya na sila? Ganon? Masaya na silang pamilya? Tapos ako, eto! Kulong pa rin sa mga alaala naming dalawa? Ayos mga tol! Hanep! Ang sakit." pinag- sisipa ko na yung kahit anong pwede kong masipa, hindi ko alam kung nasasaktan na ako, at wala rin akong pakialam kung makita nila akong ganito, luhaan at wala sa sarili.

Pero bakit ganon? Hindi ba dapat masaya din ako? Bakit sila masaya tapos ako nagdurusa dito? Si Ianne.... Nakalimutan na niya talaga ako? Wala na ba talaga kaming pag- asa? Pakshit ah, alam kong wala syang kwenta! Totoo! Alam ko yon! Isa siyang tao na makasarili at walang inisip kung hindi ang sarili niya! Hindi sya marunong tumupad sa pangako at gawin ang mga sinasabi niya!

She's the worst person I know in this world. Kung pwede ko lang syang isumpa, baka ginawa ko na. potek, pinag- sisisihan ko talaga na nakilala ko pa sya! Pinag- sisisihan kong minahal ko sya!

Pero bakit mas pinag-sisisihan ko yata ang lahat ng sinasabi ko ngayon? Talkshit na pag ibig yan.

"Come in, Bench! Itigil mo na toh." sinusubukan akong pigilan nung dalawa, mga epal talaga, bakit hindi na lang nila ako pabayaan dito. Palibhasa hindi nila alam ang pakiramdam eh.

"Manahimik nga kayo. Lubayan niyo ako. Wala naman kayong alam eh. Alam niyo ba kung gaano ko kagustong itanong kay Xavier kung nasaan si Ianne? Kung masaya na ba sya? Kung hindi na ba talaga sya babalik sakin? Tangna mga pre, ang sarap bangasan ng mukha eh, akala mo kung sino syang pinili ni Ianne. Isa rin naman syang walang kwenta. Magsama sila!" pagkatapos non, malakas kong sinipa yung nasa harapan ko at sa lakas ng ingay dito sa loob, nangibabaw pa rin yung ginawa kong ingay ng mga nagbagsakang bagay bagay, mga babasagin at hindi.

Nanatili akong nakasandal at nakaupo sa lapag. Yung ulo ko nakatungo at nakapatong lang sa dalawa kong braso. Tuloy tuloy yung pagbagsak- baba ng balikat ko. Tumahimik ang paligid. Pakiramdam ko, lahat sila nakatingin sa akin. Minamasdan kung ano ang sunod kong gagawin.

Kinalimutan na kita Ianne Kylie Alvarez. Hindi na ako magmamahal ng isang babaeng katulad mo. Ikaw na ang magiging una at huli. Minamahal naman kita pero iniwan mo ako. Ano pa ba ang kulang? Akala ko sapat na, akala ko napunan ko na lahat... pero ganyan talaga ang buhay, may mga taong ginawa mo na ang lahat para sa kanya, hindi pa rin matutong makuntento. Mga talkshit na tao. Hanep.

Mabuti pa kay Xionnen. at least iyon, mahal ako ng totoo. Aba syempre ramdam ko. At kay Xionnen, masaya ako. Napapatawa niya ako. Napapasaya niya ako! Nabibigay niya lahat ng gusto ko. Hindi ako binabaliwala non, lahat ng ginagawa ko para sa kanya, gusto niya, wala na syang mahihiling pa, hindi kagaya ng iba.

Dahan dahan akong tumawa, yung mga tao, nag- atrasan, naglakad ako, pinilit kong igalaw yung katawan ko kahit feeling ko gusto ko na lang lumapagi sa sahig kagaya ng ginagawa ni Kurt, nilakdangan ko sya, wala ng malay ang loko, kahiya- hiya. Sya pala itong tumba eh. Tsk,tsk.

"Bench, san ka pupunta?" humabol sa akin sina Clyde at PJ. Tinanggal ko yung kamay nila sa balikat ko, tama na yung istorbong ginawa ko sa kanila, nakatulong na sila ng malaki sa akin, mga kaibigan ko talaga sila. Nandiyan para makinig kahit puro mura at di nila maintindihan yung mga pinagsasasabi ko.

"wala mga pre, uwi na ako." Sabi ko sa kanila, dumiretso ako sa may bar counter, nakatingin lang sakin yung mga tao, tapos inilapag ko yung lahat ng pera na nakuha ko sa pitaka ko, hindi ko na binilang kung magkano, makapal naman, tingin ko kasya na iyon sa lahat ng nainom namin at nasira ko dito.

"Bench! Hindi ka pwedeng magmaneho! Sandali hintayin mo kami!!" bago pa makahabol sa akin yung dalawa, hinarang na sila ng security, hahaha lagot ang mga loko, yaan mo na, kaya namang lusutan ng mga yan yung ginawa kong gulo eh. That's what friends are for.

Dahil hindi ko na mahanap yung kotse ko, nagpasya akong pumuntang kalsada, papara na lang ako ng taxi. Di naman ako bobo, kaya ko pa ring puntahan si Xionnen noh. Gago ko din eh, may usapan nga pala kami na magkikita ngayon sa kanila. Naghintay kaya sya? Magaling Bench! You disappoint her again. Bravo. Walang pinagbago.

May tumigil na taxi sa harap ko. Binuksan ko yung pinto. Nahihilo ako, sobrang sakit ng ulo ko, tapos yung katawan ko, parang nangangatal na gusto na lang humiga habang buhay... pero kahit ganon, sinikap kong paganahin yung mga neurons na natitira sa utak ko, sinabi ko sa driver kung saan ako dadalhin.

Continue Reading

You'll Also Like

806K 17K 56
Miala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right...
1.5M 30.7K 44
I'm just a boy.. Standing in front of a girl.. Asking her to shut up and kiss me. Read the prologue! NO SOFTCOPIES. Currently Editing. BOOK 2: "HE'S...
1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
3.5M 14.4K 4
Prologue: Sabi nila masarap daw maging mayaman.. Yung tipong lahat nakukuha mo.. Pero sa tingin lang nila iyon.. Oo ikaw nga ang pinakamayamang tao s...