My Girlfriend Is A Mafia Boss

By Lucky_Dark

8.6K 401 8

I never thought that I would love you even you put my life in danger, I never thought of loving and extraordi... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
EPILOGUE

Chapter 17

148 7 0
By Lucky_Dark

CASSANDRA'S POV

Nagising ako sa hindi malamang dahilan, nilinga ko ang paligid at napagtanto kong na sa hospital ako.

Bumangon ako at napansin ko ang dalawa sa gilid, natawa ako sa posisyon nila.

Si Dale ay nakaupo habang nakahilig ang ulo sa sandalan habang si Kevin naman ay nakahiga sa kabuoan ng sofa at ang isang paa n'ya ay nasa balikat ni Dale.

Babangon na sana ako nang maramdaman ko ang kirot sa tagiliran ko kaya hindi na'ko nagbalak na gumalaw muli, narinig ko naman ang mahinang ungot ni Kevin na ikinagising ni Dale.

"Putangina naman Kevin ! Kaya pala parang umaamoy ako ng durian sa panaginip ko?!" Singhal n'ya kay Kevin na ikinatawa ko ng mahina, tinapon n'ya ang paa ni Kevin paharap dahilan para malaglag si Kevin.

"Ano ba Zachary! Natutulog ang tao lumayas ka nga dito!" Inis na ani ni Kevin.

"Ah gusto mo yan ha!" Ani ni Dale saka akmang hihilahin ang paa ni Kevin ng tumikhim ako na ikinatigil nila.

Natatawa akong tumingin sa kanila habang sila ay natatarantang inaayos ang sarili at nag usap sa tingin.

"G-Gising ka na!" Utal na ani ni Dale.

"Bulag ka ba?! Kita mo na ngang deritsyo ang tingin satin di'ba? Tatanga-tanga talaga kahit kailan!" Masungit na ani ni Kevin na ikinatawa ko ng mahina.

"Sa tagal ng panahon ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganiyan." Natigilan naman ako nang marinig ang sinabi ni Dale.

Umiwas ako ng tingin na parang walang narinig, narinig ko naman ang pag kantyaw ni Kevin kay Dale.

"A-Ang kapatid mo Dale?" Tanong ko dito.

"Nand'on s'ya kila Jane, at mukhang ligtas naman sila doon." Ani n'ya.

"Mabuti, pero mas mabuti kung tatawagan mo para sigurado." Ani ko, agad n'ya namang kinuha ang phone n'ya at lumabas.

"May tanong ako Cassandra." Ani ni Kevin, nilingon ko s'ya at hinihintay ang susunod na sasabihin.

"May gusto ka ba kay Zachary?" Natigilan naman ako sa tanong n'ya, ramdam ko ang pagbilis at paglakas ng kabog ng dibdib ko.

Umiwas ako ng tingin at walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Narinig kong tumawa si Kevin kasabay ng pagpasok ni Dale na nagtataka dahil sa tawa ng kaibigan.

"A-Anong sabi?" Tanong ko dito.

"They're fine, wait what's up with you Kevin?" Takang tanong ni Dale pero umiling lang si Kevin habang nagpipigil ng tawa.

"Tch! Dati ka bang siraulo ha?" Inis na ani ni Dale kay Kevin.

"Whatever!" Natatawang ani pa din ni Kevin saka prenteng umupo sa sofa.

"Did Papa and daddy come over?" Tanong ko dito.

"Yep, they said I should take care of you. Like how the hell I will do that? Mas malakas ka pa sa'kin sumuntok." Hindi makapaniwalang ani n'ya na ikinangisi ko.

"Lampa ka kasi, simpleng suntok lang nanlalambot ka pa." Umiiling na ani ko, sinamaan n'ya naman ako mg tingin.

"Masakit pa ba tagiliran mo?" Tanong n'ya, napairap naman ako sa walang kwentang tanong n'ya.

"Barilin kaya kita sa tagiliran tapos tanungin kita kung masakit." Sarkastikong ani ko, ngumiwi lang s'ya.

"Alam mo kahit kailan wala kang kwenta kausap! Hindi ko alam kung bakit nakikipag-usap pa ako sa'yo tch!" Inis na ani n'ya saka tumabi kay Kevin.

"I should go buy some foods, I'm kinda hungry." Ani ni Kevin saka deri-deritsyong lumabas.

"You're lucky to have a bestfriend who will never leave you behind." Ani ko nang tuluyang makalabas si Kevin.

"Kahit gago yun minsan napakswerte ko sa kaniya kahit ata kamatayan sasamahan ako noon." Nakangiting ani n'ya, napatitig naman ako sa mga ngiti n'ya.

"M-May dumi ba mukha ko?" Tanong n'ya na ikinaiwas ko ng tingin.

"A-Ah wala, parang namumukhaan lang kita sa isang kakilala." Palusot ko, naramdaman ko ang paglapit n'ya na ikinaharap ko.

Tinuon n'ya ang braso sa hospital bed at nilapit ang mukha saka ako tinitigan habang ngumingisi.

"May I know who's this person?" Malalim ang boses n'ya nang magsalita s'ya, napalunok naman ako at iniwasan ang titig n'ya.

"A-Ah namukhaan ko sa'yo yung magnanakaw sa palengke." Ani ko, naramdaman ko naman ang pag alis n'ya sa kama kaya nilingon ko s'ya.

Naka crossed arm at masama ang tingin sa'kin na para bang inagawan ko s'ya ng girlfriend.

"Bakit masama tingin mo sa'kin? Galit ka ha?!" Ani ko sa kaniya, sumimangot naman s'ya saka padabog na umupo at nag iwas ng tingin na ikinangisi ko.

"Hey, let's hide from Kevin." Nakangising ani ko na naging dahilan ng paglingon n'ya.

Ngumiti s'ya saka tumayo at paulit-ulit na tumango.

"Doon tayo sa hall! Dali!" Agad akong tumayo habang kapit ang bag at swero na nakakabit sa braso ko.

Lumabas kami at nilinga ang hall, agad kaming tumago sa corner malapit sa kwarto namin at hinintay ang pagbalik ni Kevin.

"Ano sa tingin mo reaksyon n'ya?" Natatawang tanong ko habang sumisilip.

"He'll be confused." Ani niya, maya-maya ay nakita na namin si Kevin na naglalakad palablik sa kwarto dala ang isang plastic bag.

"Shhhh!" Ani ko habang sinesenyasan si Dale na wag gumawa ng ingay.

Nang makita naming pumasok si Kevin ay tumakbo kami patungo sa daan kung saan s'ya ng galing.

"Ang kupad mo ano ba yan makikita n'ya tayo!" Ani ni Dale, naramdaman ko naman ang kirot sa tagiliran ko na ikinatigil ko.

"Teka! Teka! Ang sakit ng sugat ko sa t'yan bwesit! Bakit mo ba ako pinatakbo tatanga-tanga ka talaga!" Inis na ani ko sa kaniya.

"YOU FUCKERS!!!" Rinig naming sigaw ni Kevin kaya agad kong pinilit na tumakbo, lahat ng makasalubong namin ay nakatingin sa'min na puno ng pagtataka.

"Wait! 'Di ko na kaya masakit talaga eh!" Muli kaming natigil, nagulat ako nang bigla n'ya akong buhatin na parang bagong kasal.

Muli ay naranasan ko ang pag bagal ng paligid, tanging s'ya lang ang nakikita ko, ang butil ng pawis sa mukha n'ya ay kita ko—ang buong mukha n'ya ay nakatambad sa harap ko.

Nagulanta ako nang maramdaman ko ang pagdulas ni Dale habang tumatakbo, ramdam ko rin ang pagpilit n'yang palit ng posisyon kadahilanan para bumagsak ako sa katawan n'ya at tapatan ang mukha n'ya.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa mata n'ya, para bang nahihipnotismo ako sa tuwing tititigan ko s'ya.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko, bago sa'kin ang pakiramdaman na ito may kung anong paru-paru akong nararamdaman sa t'yan ko.

"What a romantic moment!" Naka-crossed arm na ani ni Kevin habang nakatingin sa'min.

Agad akong tumayo at pilit na binabalik ang sarili sa reyalidad.

Tumayo naman si Dale at pinagpagan ang damit n'ya saka humarap sa'kin.

"Okay ka lang?" Tanong nito, sa mga oras na yon nakalimutan kong may iniinda ako ngayong nabalik na'ko sa reyalidad ay ramdam ko ang pag kirot nito.

"It really hurts this time, let's go back." Ani ko saka sinimulang maglakad pabalik nang maramdaman kong may bumuhat sa'kin.

"I-Ibaba mo ako Dale!" Ani ko dito pero ngumisi lang s'ya.

"Hindi ka naman gan'on ka bigat, dapat nga matuwa ka pa ang s'werte mo naman na may magbubuhat sa'yong g'wapo na tulad ko." Ani n'ya, inis ko s'yang tinignan.

"Masyado ka atang nag-aangat ng sariling upuan mo." Ani ko, ngumisi lang s'ya at narating namin ang kwarto saka marahan n'ya akong binaba sa hospital bed.

"Thanks." Ani ko, pabagsak n'yang inupo ang sarili sa sofa kasabay ng pagpasok ni Kevin sa kwarto.

"Tell me the truth the both of you! Anong namamagitan sa inyo?" Tahimik kaming nagkatinginan ni Dale saka sabay na tumingin kay Kevin.

"The fuck is going on with you two?!" 'Di makapaniwalang ani n'ya na ikinatawa ni Dale.

"Tch! Mga in-denial halata namang gusto n'yo ang isa't isa!" Maarteng ani ni Kevin saka umupo sa tabi ni Dale.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto at iniluwa nito ang isang lalaking nurse.

"Ma'am check ko lang vital, ang bilin po ni Doc ay stay kayo dito ng 2 to 3 days." Ani n'ya sa'kin.

"Thanks." Tanging sagot ko ngumiti naman s'ya sa'kin at gan'on din kila Dale, nakita ko naman ang matalim na titig ni Dale sa nurse.

"Am I smelling a jelly here?."  Kunwaring nagpalinga-linga si Kevin habang sinisinghot ang paligid, napailing naman si Dale sa kaibigan.

"You should rest Cassandra, it's passed midnight already." Ani ni Dale, tumango ako at humiga.

Nakaramdam na rin ako ng antok kaya ipinikit ko ang mata ko at tuluyan ng nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 4.4K 9
2 tom dylogii ,,Agony"
84.1K 218 36
Other books got deleted, but I'm still just a horny little slut that loves to masturbate and watch porn.
1.2M 56.3K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
37K 999 83
In which Kim Saena is in a groupchat with a bunch of idiots Or In which Bangchan finds himself inside a groupchat with a bunch of delusional fans ~~★...