My Girlfriend Is A Mafia Boss

By Lucky_Dark

8.6K 402 8

I never thought that I would love you even you put my life in danger, I never thought of loving and extraordi... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
EPILOGUE

Chapter 16

140 8 0
By Lucky_Dark

ZACHARY'S POV

Tahimik kaming kumakain, hindi pa rin ako umimik matapos akong sabihan ni Cassandra sa inasta ko sa kapatid ko.

Nakaramdam ako ng hiya sa puntong ito habang si Dalia naman ay maarteng kumakain habang hawak ang phone n'ya.

Maya-maya ay nagring ang phone ko, agad akong tumayo at sinagot ito.

"Kev, what's up?" Bungad ko dito.

"Bakit hindi ka pumasok Zachary?! At isa pa nas'an ka ba? Walang tao sa condo mo at wala ang mga gamit mo?!" Singhal n'ya sa kabilang linya, napabugtong hininga naman ako bago magsalita.

"Naglipat ako ng tirahan kasama si Dalia at Cassandra, we're at the Pendeloques Village." Ani ko sa kaniya.

"Pendeloques Village?! That's a fucking luxury village! How the hell did you afford that?!" Singhal n'ya, napatingin naman ako kay Cassandra saka pumunta sa labas.

"Actually, si Cassandra ang bumili ng bahay dito sa village na 'to. You can come over if you want to, sabihin mo lang sa guard ang pangalan ni Cassandra." Ani ko.

"Sige, text me the address." Tanging ani n'ya saka binaba ang tawag.

Agad ko namang tinext ang address saka pumasok sa loob.

Kasalukuyang nagliligpit si Cassandra ng pinagkainan namin, agad naman akong lumapit at tinulungan s'ya.

"Ah, Cassandra. Pupunta si Kev dito." Ani ko saka inilapag sa sink ang pinggan.

"Anong tinu-tunganga mo d'yan? Hugasan mo yan." Malamig na ani n'ya, hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"W-What?! Why me?!" Singhal ko sa kaniya.

I know how to wash dishes but, why me.

"Bakit hindi kayo mag jack and poy ng kapatid mo kung sino sa inyo ang maghuhugas?" Sarkastikong ani n'ya, napabugtong hininga na lang ako saka humarap sa sink.

"Bwesit!" Bulong ko.

"Ano kamo yun?" Tanong n'ya.

"Wala! Umalis ka na huhugasan ko na 'to!" Ani ko.

Akmang aalis na s'ya nang tumunog ang door bell.

"Ako na." Ani ni Cassandra saka tinungo ang pinto.

"Si Kev ba 'yan?" Malakas na ani ko pero hindi s'ya umimik, agad kong sinalansan ang mga plato saka tinungo si Cassandra.

Gan'on na lang ang gulat ko nang nakatayo lang s'ya doon at may lalaking nakatutok ang baril sa ulo n'ya.

"Dale, d'yan ka lang. Pumunta kayo sa kwarto n'yo at ilock n'yo ang pinto. Bilis!" Agad akong nagmadali at hinila si Dalia.

"Ouch! Ano ba!" Maarteng ani ni Dalia pero hinila ko pa din s'ya patungo sa kwarto ko.

"What the hell is your problem?!" Inis na singhal n'ya sa'kin.

"Shhhh! Wag kang maingay may mga armadong lalaki sa baba!" Bulong na singhal ko sa kaniya, nanlaki naman ang mata n'ya.

"Yung girlfriend mo! Bakit iniwan mo s'ya doon?!" Bulong na singhal n'ya sa'kin.

"Basta! Mas mahalaga ka sa'kin kaya tumahimik ka na kung ayaw mong tampilungin kita d'yan!" Inis na ani ko sa kaniya.

*BANGGGG!*

Nanlalaki ang mata namin dahil sa alingawngaw ng baril sa labas agad kaming nataranta, hindi namin alam ang gagawin namin.

Nakarinig kami ng yabag papalapit sa pinto ng kwarto ko, agad naming tinungo ang banyo ng kwarto at doon nagtago.

Bumukas ang pinto na lalong kinakaba ko, palapit ng palapit ang yabang.

Nagpipigil na kami ng hininga dahil sa takot.

"Dale." Para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa boses na narinig ko, binuksan ko ang pinto ng banyo at deritsyong bumagsak sa'kin si Cassandra na puro dugo.

"CASSANDRA!!!!" Sigaw ko habang inaalog ito.

"Dalia! Tumawag ka ng ambulance!" Tarantang ani ko dito, binuhat ko si Cassandra papunta sa higaan saka tinignan ang tama ng baril sa tagiliran n'ya.

Nilagyan ko ito ng pressure para mapigilan ang pagdugo, narinig ko naman ang pag-ring ng phone ko.

Kinuha ko ito at sinagot.

"Zach! M-May mga nakabulagta sa address na binigay mo!" Agad king binaba ang tawag at binuhat si Cassandra.

Tinakbo ko ang hagdan palabas saka dali-daling binuksan ang kotse ni Kev at sinakay si Cassandra.

"Dalia! Pumunta ka muna sa bahay na 'yon! Bilisan mo! Tawagan mo ako pag may masamang nangyari!" Ani ko saka sinara ang pinto ng kotse.

"Kev! Sa hospital bilis!" Tarantang ani ko dito, agad n'ya namang pinaharurot ang kotse.

"Anong nangyari?! Bakit duguan si Cassandra ?!" Tarantang tanong ni Kevin.

"Mahabang kwento!" Ani ko nang marating ang hospital ay agad kong tinakbo si Cassandra sa ER.

"Sir paki fill upan na lang po." Hindi ko pinansin ang babae bagkos ay nakatingin pa rin ako sa pinto ng ER.

"I'll do that miss." Ani ni Kevin.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"Zach! She will be alright." Ani ni Kevin, napaupo naman ako sa sahig saka sinabunutan ang buhok ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko.

"Calm down dude! Kaya ni Cassandra yon." Pag c-cheer sa'kin ni Kevin.

Makalipas ang ilang oras ay inilipat na si Cassandra sa isang kwarto, agad akong sumunod sa kwarto saka sinuri si Cassandra.

"Anong lagay n'ya Doc?" Tanong ko sa doctor.

"She will be fine, she just need to rest." Nakangiting ani n'ya, tumango naman ako at sinuri si Cassandra na mahimbing na natutulog.

"You already fall for her don't you?" Biglang tanong ni Kevin na ikinalingon ko.

"N-No." Tanging sagot ko.

"Sus! Tigilan mo ako Zachary, the way you looked at her malalaman ko ng in love ka sa taong yan." Ani n'ya, natahimik ako at muling tinignan si Cassandra.

"I don't know what I feel towards her." Ani ko, naramdaman ko naman ang pag akbay ni Kev.

"You're definitely falling for her." Seryosong ani ni Kevin na nagpagulo ng isip at nararamdaman ko.

Habang titig kami kay Cassandra ay bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Don Lucio at Mr. Clavio kasama ang sandamakmak na tauhan sa likod nila.

Prente silang tumayo sa harap ni Cassandra na para bang normal ang nakikita nila.

Nilingon kami ng mag ama at agad akong yumuko, kalaunan ay sumunod na din si Kev sa ginawa ko.

"Zachary Dale, did you see who did this?" Nag-angat ako ng ulo at hinarap si Don Lucio.

"H-Hindi po, ang nakita ko lang ay tatlong lalaki na nakabonet at nakatutok ang baril sa ulo ni Cassandra." Paliwanag ko, nagtango-tango naman ito, pinasadahan n'ya ng tingin si Kevin at muling humarap sa'kin.

"Who is he?" Tanong nito.

"K-Kevin Flores po, Zachary's bestfriend and a friend of C-Cassandra na din po." Utal na ani ni Kev, tumango naman si Don Lucio.

"Well, now you're a friend of my granddaughter. You'll be part of her hell life, I wish you all a goodluck. Zachary Dale, take care of my granddaughter." Tanging ani nito saka deri-deritsyong lumabas, bago sumunod si Mr. Calvio ay humarap ito sa'kin.

"I don't know what's on your mind Dale, but please take care of my daughter. I'll entrusted her to you." Ani n'ya saka tinapik ang balikat ko at tuluyan ng umalis ng kwarto.

Naiwan kaming tulala at hindi makapaniwala sa lahat ng narinig at nasaksihan namin.

"W-What they mean?" Takang tanong ni Kevin, kumibat balikat naman ako saka umupo sa sofa sa gilid.

"Grabe! Nadamay pa ako sa katangahan mo." Hindi makapaniwalang ani ni Kevin hinampas ko naman s'ya.

"Shut up moron!" Inis na ani ko.

"Kahit naman kamatayan dadamayan kita, magkadugtong na ata bituka natin." Natatawang ani n'ya, napangisi naman ako.

"You should! If I'm dyin' you're dyin' with me." Natatawang ani ko, nagtawanan naman kami at nakalimutan ang nangyare.

'Kahit ga'no kasiraulo itong tao na 'to, thankful akong naging bestfriend ko s'ya.'

Continue Reading

You'll Also Like

22.3K 1.9K 39
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
255K 5.8K 57
โ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. โž kate martin x fem! oc
34.3K 2.3K 56
๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ง๐ ๐›๐จ๐จ๐ค ๐จ๐Ÿ ๐ฌ๐ก๐จ๐ซ๐ญ ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐š๐›๐จ๐ฎ๐ญ ๐จ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐š ๐ซ๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐จ ๐š๐ง๐ ๐ฒ/๐ง'๐ฌ ๐ฆ๐ž๐ž๐ญ-๐œ๐ฎ๐ญ๐ž๐ฌ/๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๏ฟฝ...
139K 5K 25
ููŠุตู„ ุจุญุฏู‡ ูˆุนุตุจูŠู‡ ู†ุทู‚: ุงู† ู…ุงุฎุฐูŠุชูƒ ูˆุฑุจูŠุชูƒ ู…ุงูƒูˆู† ูˆู„ุฏ ู…ุญู…ุฏ ุงู„ูˆุฌุฏ ุจุจุฑูˆุฏ ูˆุนู†ุงุฏ : ุงู† ู…ุงุฑูุถุชูƒ ู…ุงูƒูˆู† ุจู†ุช ุชุฑูƒูŠ !