The Shattered Vow

By IDreamToBe

348K 7.4K 1.1K

Kristinne thought everything was perfect in her world. She had a loving husband and two sweet children. She h... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
The Shattered Vow
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Sixteen [Part 2]
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
TSV [AN]
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One

Chapter Four

9.7K 242 13
By IDreamToBe

Nakakapanibagong isipin na parang unang araw siyang titira sa bahay nila when in fact he's been living there for two years. Pero ng dahil sa kanyang makasalanang sarili ay nagawa niyang maging awkward ang lahat. Hindi niya alam kung paano umasta na parang walang nagbago sa samahan nila ng asawa. Paano niya ipapakita sa mga bata na maayos pa rin sila ng mama ng mga ito?  

Buong maghapon silang naglaro ng mga bata kasama si Kristinne. For a moment, it was like the past five months never happened. Parang pansamantala ay nakalimutan nila na may problema pala sila. Naramdaman niya ang saya sa piling ng pamilya. Every time na nilalambing siya ng mga bata at nakangiti silang pinagmamasdan ni Kristinne ay nababalik siya sa masasayang panahon na magkasama sila ng mag-anak. At sa bawat ganoong pagkakataon ay napapaisip siya kung nagpadalos-dalos ba siya. Parang noon niya lang na-realize kung ano ang mawawala sa kanya. A loving wife and two beautiful kids for one tempting mistress. What an ass he was.  

"P-papa, thtowy?" halos pabulong na tanong ni Pepper habang nakatingala sa kanya na para bang nahihiya. 

"Yeth! Thtory!" masayang pagsegunda naman ng kambal nitong si Mint. 

Nasa kwarto siya ng mga bata at pinapatulog na ang mga ito matapos ang evening rituals. Ibinaling niya ang tingin sa anak na babae. Mukhang nahihiya pa itong magtanong. For the past five months kasi, kapag natapos na sa kanilang mga rituals ang mga anak ay basta na lang niyang iniiwan ang mga ito sa kwarto para matulog na. Taliwas kay Mint, Pepper had always been quiet and shy. Gusto niyang bugbugin ang sarili kasi mas inuna pa niya ang makamundong pangangailangan kaysa sa mga anak who must've really needed him lalo pa at wala sa tabi ng mga ito ang ina. Kaya gayon na lang siguro ang pag-asta ng anak toward him.  

Natagalan yata siya sa pagsagot dahil nakita na lang niyang nanunubig na ang mga mata ni Pepper at kumibot-kibot pa ang mga labi na parang naiiyak na.  

"B-baby-" tangka niyang pag-alo rito. 

"Mama will tell you a story, baby," salo ni Kristinne na naupo din sa kama. Inabot nito si Pepper at niyakap, "Okay lang ba sayo?" 

Tiningala ng bata ang ina at tumango pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa leeg nito.  

"Mama!" always a happy child, dinamba ni Mint ang ina at niyakap din ito sa leeg.  

Pakiramdam niya ay parang na-out of place siya habang nakatingin sa mag-iina. Parang may sarili silang mundo na hindi siya kasali. And he felt that void in his heart as he watched them hug each other, umaamot ng lakas sa bawat isa. 

Nakatalikod ang mga bata sa kanya kaya si Kristinne ang kaharap niya. Nang dumilat ito ay tinapunan siya ng isang nasusuklam na tingin.

MATAPOS ANG dalawang kwento ay mahimbing nang nakatulog ang kambal. Dumiretso si Kristinne sa kusina at sumunod naman sa kanya si Lawrence. Doon na niya inilabas ang hinanakit dito. 

"Lawrence, before you do anything na makaka-upset sa mga bata, sabihan mo muna ako. Hindi 'yong bigla-bigla mo na lang paiiyakin ang mga anak ko. Mint may be a cheerful child at mahirap hanapan ng bagay na makakapagpalungkot dito but you know very well that Pepper is another matter." Aniya. 

Kumunot ang noo nito, "Anong ibig mong sabihin? What brought this on?" 

"Hindi ba't naglambing ang bata ng kwento? Kung ayaw mong pagbigyan ang anak mo, huwag mo naman sanang sobrang ipahalata. Bata lang siya at walang kamuwang-muwang na may iba nang pinapaboran ang ama kaysa sa kanya," 

"I - I didn't mean to do that-," 

"Save it. I don't need your explanation. Ang gusto ko lang ay ang umayos ka kapag kaharap mo ang mga bata, that's all," saway niya rito bago kumuha ng pinggan at mga kubyertos. 

She set them up on the table at naghain din ng mga pagkain. Napansin niyang kumunot uli ang noo ni Lawrence. 

"Anong ginagawa mo? Gutom ka pa ba?" anito. 

"No," sagot niya without stopping her pace, "Pero ikaw siguro, oo." 

Nagitla ito at patuloy lang na nakamasid sa kanya. 

"Napansin kong hindi mo ginalaw ang pagkain mo kanina," naghugas na siya ng kamay matapos itong ipaghanda, "Kumain ka na. Ayokong magalala ang mga bata kung sakaling magkakasakit ka. Pakihugas na lang ang mga pinagkainan mo pagkatapos," 

Lalagpasan na niya sana ito nang hawakan siya ni Lawrence sa braso. Napapikit siya sa panghihinayang. Hindi kasi ganoon kadali mawala ang pagmamahal sa isang tao. She didn't know what happened with Lawrence pero aminado siya sa sarili na mahal pa niya ito. And that's what pains her. She's still in love with a man who has already fallen out of love for her. Alam niyang maghihilom din ang malalim na sugat na dulot ng pagtataksil ng asawa. Pero kaakibat din noon ang knowledge na malayo pa iyong mangyari. 

Nag-angat siya ng ulo at sinalubong ang mga mata nito. Hindi niya mabasa kung ano ang emosyung nakikita niya doon and she was too exhausted to find out. Ayaw na rin niyang alamin kasi masasaktan lang din naman siya. 

"I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin sa mababang boses. 

Masakit pa rin pero pinilit niyang blangko lang ang makikita sa mukha niya. Ayaw niyang magmukhang mahina, hindi na. She has to put a strong front, a wall for defense, para naman maprotektahan niya ang sarili. 

"H-huwag kang mag-alala," pagpapatuloy nito, "Babawi ako sa mga bata," 

Ikinurap-kurap niya ang mga mata para pigilan ang pagtulo ng mga luha. Yes, it's not about her anymore. It's not even about them. Ang mga bata ang importante. Kaya kailangan niyang maging matatag para sa kanila. 

"Dapat lang, Lawrence. At ngayon pa lang, kailangan mong iparamdam sa kanila na mahal mo sila. Lalung-lalo pa at iiwanan mo na sila," 

At wala nang lingon likod na lumabas siya ng kusina, ignoring his call, papunta sa kwarto niya. She didn't dare turn around dahil hilam na ng mga luha ang kanyang mga mata. Nagbabadya na namang tumulo ang mga iyon. And why wouldn't it? Her dream of a happy ever after was shattering right in front of her.

TAHIMIK NA INUBOS ni Lawrence ang pagkaing inihanda ni Kristinne para sa kanya at niligpit pagkatapos. He was, again, reminded of the beautiful qualities of the woman he married. Amidst the pain she was going through, nagawa pa rin nitong isipin ang kapakanan niya. You'd think na pababayaan na siya nitong asikasuhin ang sarili niya pero hindi, inasikaso pa rin siya nito. She may have been curt pero hindi makikita na napipilitan lang siya. Natural na talaga dito ang mapag-arugang katangian. 

Papunta na siya sa guest room kung saan siya matutulog habang naroroon siya sa loob ng tatlong linggo. Pero napahinto siya kwarto ng kambal nang pumasok sa isip niya ang naluluhang mukha ni Pepper nang hindi niya ito agad na nasagot. 

Tama ang asawa na dapat siyang maging maingat sa mga inaakto niya sa harap ng mga bata. They had to put aside all of their problems at dapat unahin ang mga anak. Sila kasi ang maiipit. 

He let out a heavy sigh bago maingat na binuksan ang pinto ng kwarto ng mga anak. Mahimbing na natutulog na ang dalawa. At hindi niya naiwasang mapangiting pagmasdan ang mga ito. Pepper was curled up to her side with the covers up to her chin yakap-yakap ang panda bear na bigay niya rito habang si Mint naman ay nakalabas ang kalahati ng katawan sa comforter. His son was spread eagled on the bed with his mouth slightly open. 

Inayos niya ito sa pagkakahiga at ginawaran ng halik sa noo bago nilapitan si Pepper. Ang kanyang baby girl na manang-mana sa kanyang ina. Tahimik, mahiyain at napakalambing. Pangit mang isipin pero nabalewala niya talaga ang mga anak noong mga nakalipas na buwan. 

"Patawarin niyo ako mga anak. Babawi si Papa. I love you. Ang laki ng kasalanan ko sa Mama ninyo. Sana mapatawad din niya ako kahit alam kong hindi ako karapat-dapat," bulong niya sa mga nahihimbing na mga anak patungkol sa asawa. 

He chuckled to himself but without humor when he realized that he was still referring to Kristinne as asawa.  

Ang kapal mo, Lawrence! Hindi ka na nararapat na tawagin siya ng ganyan! You've forfeited your rights to that nang tinugunan mo ang kati at libog mo! Kastigo niya sa sarili. 

Napabuntong hininga uli siya. Ginawaran niya rin si Pepper ng halik sa noo bago siya tumayo.  

Palabas na siya ng pinto nang may masagi siya sa desk na naroon sa kwarto ng mga anak. Dahil nakapatay na rin ang ilaw, hindi na niya masyadong napansin ang mga nakausling mga bagay sa silid. Nang yumuko siya, napagtanto niyang parang folder na naglalaman ng mga dokumento ang nahulog niya. Dinampot niya iyon pero hindi niya maaninag kung ano ang nakasulat sa harap ng folder kasi mukhang light gold ang font. Ang ilaw naman na mula sa poste sa labas ay medyo orange kaya parang naging invisible ang nakasulat. 

Medyo nawala sa maayos na pagkasalansan ang mga papeles kaya pinilit niyang iayos ang mga iyon. Pero kumunot ang noo niya ng may mahagip ang kanyang mga mata sa isang papel. What? 

Diagnosis: Colon Cancer, Stage 2 . . . 

Bago pa niya maipagpatuloy ang pagbabasa ay may kung sinong humablot ng mga dokumento mula sa kanya. 

"What the hell do you think you're doing?" 

Pag-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Kristinne. At hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa nakikitang emosyon mula rito. Bakit? Ang tanong niya sa sarili. Bakit mukhang takot na takot ito?

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
604K 41.5K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

110K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...