Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 8 (03/13/15)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 11 (4/6/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 [6/16/15]
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 10 (3/28/15)

701K 18K 3.8K
By alyloony

Chapter 10

 

[Timi’s POV]

 

“Smile, Timi. Smile,” Ice whispered while a cocky smile spread across his face.

            Huminga ako nang malalim atsaka ngumiti ng malawak to the point na halos mapunit na ang bibig ko.

            Ang daming nakatingin sa amin habang naglalakad kami sa gitna ng mall. Samu’t-saring bulungan ang naririnig ko. Si Ice naman, chill na chill lang na naka-akbay sa akin.

            Bwiset!

            “Shet may girlfriend na si Ice! Magpapakamatay na ako!” dinig kong sabi nung isang bystander.

            “Girlfriend ba siya ni Ice Monasterio? In fairness maganda naman! Bagay sila ah?” sabi pa nung isa pa naming nadaanan.

            “Pre videohan mo! Tas benta natin sa The Buzz!” sabi naman nung lalaki sa likuran namin.

            Anak ng yelo naman oh! Talaga naman! Talaga naman!!

            Maka-alis lang kami sa harap ng mga taong ‘to, bibigwasan ko ang bwiset na lalaking ‘to!

            Nilingon ko si Ice. Diretso lang siyang naka-tingin but he look so amused.

            Nakakapikon na talaga!

            Huminto kami ni Ice sa isang Japanese restaurant. May sumalubong naman sa amin na isang babaeng naka-kimono.

            “Hi Sir Ice and Miss Timi,” bati nung girl while smiling genuinely at us. “I’ll lead you to your private dining place.”

            “Thank you,” naka-ngiti namang sagot ni Ice.

            I raised my eyebrow at him. He just shrugged.

            Limang taon na nga talaga ang nakakalipas.

            Marunong na kasi siyang ngumiti sa lahat ng tao eh.

            Samantalang dati sa akin niya lang ibinibigay ang ngiti na yun.

            Sinundan namin yung babae papasok ng restaurant. Interior design pa lang, halata nang pang elite ang restaurant nito. Medyo dim ang lights. May mga paintings ng temple at cherry blossoms nan aka-hang sa wall. May lantern sa gitna ng bawat table.

            Mababa lang ang table nila. Japanese-style talaga. Sa lapag nakaupo ang mga kumakain.

            Naglakad kami sa may far end ng restaurant at dumaan kami sa isang maliit na hallway. Sa magkabilang side, may mga sliding door. In-open nung babae yung pangalawang sliding door.

            “Dito po tayo,” naka-ngiti niyang sabi at pinapasok kami sa loob.

            Sa loob ng room may isang mababang table sa gitna na katulad noong nasa labas. May lantern din sa gitna habang may cushion naman sa magkabilang side.

            Nag indian seat si Ice doon sa right side while I took the seat on the other side. Inabutan kami nung babae ng menu at sinabihang i-press lang namin yung button na nasa ilalim ng table namin if ready na kaming um-order. After that, iniwan na niya kami.

            “Ice,” tumayo ako at umusog sa tabi niya.

            “Why? Gusto mo akong katabi?” naka-ngisi niyang sabi.

            I gave him my most sweetest smile and then…. I punched his arm

            “AW!” bigla siyang napakapit sa braso niya at hinimas-himas ito. Napa-bend din siya sa lamesa at parang namimilipit sa sakit.

            Hindi porket ganito ako eh ibig sabihin mahina na ako manuntok. Bumalik ako sa pwesto ko at tinaasan ko siya ng kilay.

            “Wag na wag mong matanong kung bakit kita sinapak. Baka gusto mo pang makatikim ng isa.”

            In between pain, na ngi-ngiti-ngiti siya.

            “Ibang klase ka talaga, Timi.”

            “Ano bang gusto mo at ginawa mo yun, ha? Bakit mo ba ako dinala dito?”

            “Wala akong makasama kumain ng dinner eh.”

            I rolled my eyes, “yeah right. Mukhang biglaan nga lang ito. Nakapagpa-reserve ka na eh.”

            He shrugged, “ganun talaga. Alam mo kesa mag taray ka, why don’t you try their foods. Promise ko sa’yo, masarap.”

            Napabuntong-hininga ako.

            Ano pa nga bang magagawa ko? Halangan naman lumabas ako ngayon, mag walk out, at salubungin ulit yung mga bystanders na pinagbubulungan kami matapos kaming rumampa sa gitna ng mall?

            Um-order na lang ako. Dinamihan ko. Siya naman magbabayad eh. Sana mamulubi siya.

            Nung dumating na yung foods,I tried my best na i-ignore siya. Siya naman, nararamdaman kong patingin-tingin siya sa akin habang ngingiti-ngiti.

            “So, kamusta ang pagkain?” he asked after a few moments of silence.

            “Masarap,” matipid kong sabi.

            Masarap naman talaga. Authentic. Tapos fresh ang ginamit na mga ingredients.

            “Are you going to keep on ignoring me?” tanong niya ulit with a playful tone.

            Hindi ko siya sinagot. Itinuon ko lang ang atensyon ko sa pagkain.

            Naramdaman kong tumayo si Ice at nagulat ako nang lumipat siya ng pwesto at tumabi sa akin.

            “What the hell?”

            He shrugged, “gusto kitang katabi eh.”

            He gave me an innocent smile at bumalik na ulit siya sa pagkain.

            Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Medyo nagkakabanggaan ang mga braso namin at para akong nakukuryente everytime na madidikit ang braso ko sa braso niya.

            I hate myself.

            “Timi.”

            Napalingon ako sa kanya and I saw that he is staring at my lips. Masyado siyang malapit.

            “May dumi,” sabi niya then he brushed his thumb below my lips. Pero matapos niyang punasan, hindi niya pa rin inaalis ang daliri niya sa ibaba ng labi ko. Three of his fingers are holding my chin up.

            He is staring at my lips.

            I felt a tight knot in my stomach. Bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong nauubusan ng hininga.

            Tinitigan ko ang mata niya. Medyo natatakpan ng pilik mata niya. Napababa ang tingin ko sa ilong niya, hanggang sa labi niya.

            And I feel nostalgic. Nagbalik kasi sa alaala ko ang lahat.

            Yung time na nasa Tagaytay kami. Yung hinalikan niya ako. Yung sinabi niya na gusto niya rin ako.

            Ang saya ko nun. Para akong lumulutang. Hindi ako makapaniwala na kayakap ko siya nun at hinahalikan niya ako at iisa rin ang nararamdaman namin.

            Ganun pa rin ba siya humalik? Bukod sa akin, may iba ba siyang nahalikan?

            Malamang si Erin.

            Baka hindi lang halik ang ginawa nila sa isa’t-isa.

            Naramdaman ko ang unti-unting pag liit ng pagitan naming dalawa. Dahan-dahang lumalapit si Ice. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa labi ko.

            At ako? Naka steady lang. Hinihintay siya. Pinapakiramdaman ang susunod na gagawin niya.

            Tanga Timi! Wag mo siyang hayaan na halikan ka.

            Pero gusto ko. I want to feel his lips against mine.

            Wag ka nang magpaka tanga!

            Pero ang hirap labanan.

            Masasaktan ka lang.

            Masasaktan lang ako.

            Unti-unti ay lumalapit na ang labi ni Ice sa akin. Unti-unti ay napapapikit na ako.

            Stop it! Stop it! Wag na! Maawa ka na sa sarili mo.

            Nararamdaman ko na ang pag hinga niya.

            Wag mo nang hayaan na saktan ka niya.

            My eyes shot open.

            “Stop,” I told him in a weak voice.

            Napahinto si Ice. Agad akong lumayo sa kanya at iniwas ko ang tingin ko.

            Hindi ko alam pero bakit parang gusto kong maiyak?

            “Don’t you dare try to kiss me again.”

            I felt my lips tremble.

            “But you almost let me kiss you, Timi,” hinawakan ni Ice ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya. I saw his pained expression. “Mahal mo pa ako.”

            “Hindi na.”

            “Hindi ka magaling mag sinungaling! I know you still love me! Ba’t hindi mo na lang aminin sa sarili mo?!”

            “Oo na! Oo na! Gusto pa kita at leche ka nasasaktan ako ng dahil sa’yo! Ano? Happy?! Inamin ko na! Magpapa-party ka na ha? Sasabihin mo na kay Erin ‘to? For sure matutuwa na naman yun! Ayun naman talaga ang gusto niyo ‘di ba? Ang masaktan ako?!”

            Biglang napabitiw si Ice sa akin at napailing siya.

            “No Timi. That’s not true. Alam kong grabe kitang nasaktan at pinagsisisihan ko lahat ng binitiwan kong salita sa’yo noon. Wala akong magawa noon. Pero maniwala ka sa sasabihin ko,” hinawakan niya ang kamay ko. “I love you.”

            Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko then I gave him a frustrated laugh, “wow! You love me, huh? Do you think I’m stupid enough para maniwala sa’yo at magpaloko?”

            “Timi, please--!”

            “No! Tama na yung ginawa mo sa akin nun! At kahit ganito ang nararamdaman ko para sa’yo, gusto kong malaman mo na hinding-hindi ko mapapatawad ang pananakit na ginawa mo! Alam mo bang grabe kong pinagsisishan ‘yon Ice? Yung panahong sinubukan kong angkinin ka. Dahil in the end, ikaw ang umangkin sa akin. At matapos mo akong paglaruan at sirain, itinapon mo lang ako!” napa-hinga ako ng malalim at nararamdaman ko na ang pagkawala ng mga luhang kanina pa gustong lumabas. “Ang sakit sakit nun Ice. Hindi ako maka-move on. Hindi ko magawang mag mahal ulit dahil natatakot na ako.”

            “Timi—“ abang pupunasan ni Ice ang luha sa pisngi ko pero agad kong tinabing ang kamay niya.

            “Don’t touch me!”

            Napa-pikit si Ice at nakita kong nangingilid ang luha sa mata niya.

            My heart almost melt.

            Almost.

            Pero nangingibabaw pa rin ang sakit sa lahat.

            “I love you,” he told me in a weak voice.

            Umiling ako.

            “No, you don’t.”

            After I said that, I grabbed my bag at umalis na ako doon.

            Hindi niya ako hinabol.

To be continued…

***

Author's Note:

Hallo readers! Baka gusto niyo sumali sa FB group na para sa mga readers ko? Search niyo lang sa FB ang "Tambayan ng mga Alyloonytunes" :) Also baka magkaroon ng meetup para sa mga readers ko this April! I'll post the details doon din sa group kaya if di ka pa kasali, sali naaaaa :D

Sa mga members na ng tambayan *kaway kaway* :D

Continue Reading

You'll Also Like

30.8K 289 6
The reason why I'm writing.
42.8M 903K 54
After being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the...
518K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
338K 6.1K 27
The Past Series: Best Mistake