Fake Love Turns Into Real

By rachellemunoz_

66.9K 2.7K 213

Ma-inlove sa bestfriend ang isa sa pinakamahirap na sitwasyon, pero para sa'kin ang pinakamahirap na sitwasyo... More

Fake Love Turns Into Real
C H A P T E R 1シ︎
C H A P T E R 2シ︎
C H A P T E R 3シ︎
C H A P T E R 4シ︎
C H A P T E R 5シ︎
C H A P T E R 6シ︎
C H A P T E R 7シ︎
C H A P T E R 8シ︎
C H A P T E R 9シ︎
C H A P T E R 10シ︎
AUTHOR'S NOTE
C H A P T E R 11シ︎
C H A P T E R 12シ︎
C H A P T E R 13シ︎
C H A P T E R 14シ︎
C H A P T E R 16シ︎
C H A P T E R 17シ︎
C H A P T E R 18シ︎
C H A P T E R 19シ︎
C H A P T E R 20シ︎
C H A P T E R 21シ︎
C H A P T E R 22シ︎
C H A P T E R 23シ︎
C H A P T E R 24シ︎
C H A P T E R 25シ︎
C H A P T E R 26シ︎
C H A P T E R 27シ︎
C H A P T E R 28シ︎
C H A P T E R 29シ︎
C H A P T E R 30シ︎
C H A P T E R 31シ︎
C H A P T E R 32シ︎
C H A P T E R 33シ︎
C H A P T E R 34シ︎
C H A P T E R 35シ︎
C H A P T E R 36シ
C H A P T E R 37シ
C H A P T E R 38シ
C H A P T E R 39シ
C H A P T E R 40シ
C H A P T E R 41シ
C H A P T E R 42シ
C H A P T E R 43シ
C H A P T E R 44シ
C H A P T E R 45シ
C H A P T E R 46シ
C H A P T E R 47シ
C H A P T E R 48シ
C H A P T E R 49シ
C H A P T E R 50シ
AUTHOR'S NOTEシ
C H A P T E R 51シ
C H A P T E R 52シ
C H A P T E R 53シ
C H A P T E R 54シ
C H A P T E R 55シ
C H A P T E R 56シ︎
C H A P T E R 57シ
C H A P T E R 58シ
C H A P T E R 59シ
C H A P T E R 60シ
C H A P T E R 61シ
C H A P T E R 62シ
C H A P T E R 63シ
C H A P T E R 64シ
C H A P T E R 65シ
C H A P T E R 66シ
C H A P T E R 67シ
C H A P T E R 68シ
C H A P T E R 69シ
C H A P T E R 70シ
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT!!

C H A P T E R 15シ︎

753 30 4
By rachellemunoz_

(A/N:Another pain para sa mga nagmamahal kay Dalia.)

Dalia's Death

Belle's POV

Agad kong sinundan si Donny sa loob ng kwarto ni Dalia, papasok pa lang ako, nakita kong kausap ni Donny yung Doctor.

"Doc! Doc anong nangyayari?" Umiiyak na tanong ni Donny.

Napatingin kami ni Donny ng may tumunog na matining, yung monitor. Agad na tumama yung mata ko sa monito at sa pahalang na linya nito.

'W-Wala na sya.'

"Time of Death 7:09pm. I'm sorry." Aniya ng Doctor.

"No!! Panong patay?!" Aniya sa Doctor. "Dalia! Hindi totoo yan! Dalia! Gumising ka. Dalia please!" Paghagulgol ni Donny.

Yakap yakap nya ang walang buhay na katawan ni Dalia habang umiiyak. Hindi ko mapigilang hindi maiyak at maawa kay Donny, dahil sa itsura nya.

"Dalia, mahal na mahal kita! B-Bakit mo ko iniwan?" Patuloy sya sa pag iyak.

Hindi kalaunan napag desisyonan ko munang lumabas, hindi ko na kasi kaya yung atmosphere sa loob, kinakain na din ako ng lungkot.

Hindi ko kayang makita si Donny ng ganon, para akong tinutusok ng paulit ulit. Nasasaktan ako sa nangyari sa kanila ni Dalia.

Nang makalabas ako, nakita ko yung mommy ni Dalia sa labas. Umiiyak din sya pero hindi sya pumasok sa loob. Naupo ako sa katabing upuan na inuupuan ng mommy ni Dalia.

"Iha, salamat." Aniya ng makaupo ako.

'S-Salamat?'

"Walang ano man ho. Bakit hindi po kayo pumasok sa loob?" Tanong ko sa kanya.

"Si Donny na muna, hindi pa yata sya tapos eh." Aniya.

'WTF?!'

Gusto kong utusan si Donny na lumabas na, moment na dapat ng mommy ni Dalia bakit nakikiuna sya. Dapat yung mommy ni Dalia ang nasa loob hindi sya.

Tumayo ako at naglakad papasok sa kwarto ni Dalia, nakaupo na si Donny habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha nya.

Tinignan ko sya, ngumiti ako bago naglakad palapit sa kanya. Gusto kong sabihin na tumigil na sya dahil kahit ako nasasaktan na nagkakaganyan sya.

"Bakit naman ganon Belle? Bakit kailangan pang mawala ni Dalia?" Tanong nya sakin.

'Malay ko bakit ako tinatanong mo?!'

Gusto ko syang barahin pero hindi ko na tinuloy. Alam ko kasing wala sa lugar kung gagawin ko yon.

"Isipin mo na lang Donny, na masaya na sa itaas si Dalia. Kailangan nya na ring magpahinga." Aniko. Nagbabakasakaling mapapagaan ko ang kalooban nya.

"Belle alam mo yung masaya na ko kasi muli kaming nagkasama, pero lintik na sakit na yan hindi tinigilan si Dalia. Kaya ayon nawala sya ulit sakin!" Galit na aniya.

"Wala na tayong magagawa Donny." Malungkot na ani ko.

"Dapat siguro hindi ko talaga siya iniwan dati, dapat nalaman kong may sakit sya, para mas naalagaan at nasamahan ko sya." Paninisi nya sa sarili nya.

'Wala kang kasalanan Donny!'

"D-Donny, wag mong sisihin yung sarilli mo. Ginawa mo naman yung lahat sa totoo nga, sa kaunting panahon na nagkasama kayo ni Dalia." Aniya ko huminga ko ng malalim para maiwasan ko ang pagpiyok. "Naramdaman kong sobra mo syang inalagaan at alam kong naging masaya rin si Dalia don."

"Pero sana diba magkasama kami ngayon, sana natutupad pa namin yung mga pangarap namin." Aniya wala pa ring tigil sa pagtulo yung mga luha nya. "Sana, hindi ako nag iisa ngayon." Aniya na dumurog sakin.

"S-So anong tingin mo sakin?!" inis na aniko. "Donny! Nandito ako. Nandito ako sa tabi mo! Sana maisip mo na hindi kita iniwan. Sasamahan kita!" Aniko pinipigilan yung mga luhang nagbabadya ng tumulo. Ang tagal na nga nating magkasama pero p-pakiramdam ko hindi mo ako napapansin!" Ito na naman ako, nagsisimula ng bumalik yung sakit na naramdaman ko nung gabi yon.

"Ano bang pinagsasabi mo Tink?!" Sigaw nya, hindi ko inaasahan. "Syempre alam ko lahat ng ginagawa mo at nagpapasalamat ako na isa kang mabuting kaibigan." Aniya na lalong dumurog sa puso ko. Hindi ko na napigilan pa yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

'Y-Yeah kaibigan!'

"Kaibigan? Kailan mo ba ko matutunang mahalin Donny?" Sabi ko, hindi na napigilan ipakita sa kanyang sobrang nasasaktan na ko. "Papasukin mo naman ako dyan sa puso mo! Ang tagal ko ng kumakatok pero mukhang hanggang ngayon sarado pa rin!" Nagsisimula na kong manghina. Nanlalambot na yung tuhod ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"S-Sorry Belle! Sobrang hirap lang talaga para sakin na bitawan si Dalia." Aniya. Umiling lang ako. "Akala ko, akala ko kasi sya na yung pang habang buhay ko pero hindi pala." Nakatingin sya sakin. Umiwas ako ng tingin bago nagsalita.

"Sana Donny, balang araw matutunan mong pakawalan si Dalia at buksan mo uli yang puso mo kasi Donny ang maraming nagmamahal sayo at isa ko don!" Tinignan ko sya sa mata. Pinakita ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Sorry talaga Belle, sorry. Sa ngayon kasi si Dalia pa rin ang laman nito. Hindi ko alam kung pano sya pakakawalan." Aniya.

Alam kong nahihirapan sya, dahil maski ako nahihirapang pakawalan sya kahit na paulit uli nya kong nasasaktan. Wala na kong nagawa kundi ang lumapit at yakapin sya.

"Okay lang." Aniya ko habang yakap yakap sya.

Matagal kaming nanatili sa ganong posisyon. Masakit para sakin lahat ng nangyari. Dahil alam kong wala na talaga kong pag asa sa kanya.

Ilang oras pa ang lumipas ng maisipan kong magpaalam na kay Donny dahil kailangan ko ng umuwi, hindi na rin ako makakadaan kay Lola Nenita dahil gabing gabi na.

Ilang araw lang ang lumipas, patuloy lang ako sa pagpunta sa burol ni Dalia, gaya ng pinangako ko kay Dalia, hindi ko iniwan si Donny.

Hindi rin nagtagal ay sumapit na ang huling araw ng pagtitiis kong makita si Donny na tulala, nakapagdesisyon na ko na aalis muna ko ng Manila.

Ito ang huling araw na makikita ko si Donny, uuwi na kasi ako ng probinsya. Gusto ko ring kalimutan muna lahat ng nangyari.

Libing ni Dalia ngayon, nasa unahan ko si Donny at ang mommy ni Dalia, habang ang pamilya naman ni Donny ay nasa likod ko, si Donny bahagyang kumalma na, ang mommy naman ni Dalia ay patuloy pa rin sa pag iyak.

Nang matapos ang pagdarasal sa kabaong ni Dalia agad syang ipinasok sa nitso. Hindi rin nagtagal ay bumalik kaming lahat sa bahay nila Dalia.

Nakita ko si Donny na mag isa lang na nakaupo sa isang sulok, gusto kong tanungin kung bakit nandon sya pero hindi ko na ginawa. Nagkaroon ako ng chance na makapagpaalam ng maayos sa kanya.

Wala na kong balak sabihin sa kanya kung saan ako pupunta, gusto ko lang na malaman nyang aalis ako na lalayo na muna ko sa kanya.

"Mauuna na ko Donny." Ani ko.

"T-Teka san ka pupunta?" Tanong nya.

"Aalis na Donny, kailangan ko munang lumayo. Hindi naman pala ako ang kailangan mo, kundi yang sarili mo." Sagot ko, tinignan ko sya mismo sa mga mata. "Sana maka move on ka na rin Donny." Dugtong ko.

"Pati ba naman ikaw Belle? Iiwan ako." Aniya. Nakita kong nagsisimula ng mamuo ang mga luha nya.

'S-Sorry...'

"Kailangan Donny, sa huli ako rin naman yung masasaktan. Kaya mas mabuting lumayo na muna a-ako." Aniko. Napiyok pa ko.

"Tink naman." Pagsusumamo nya.

"Magkikita pa rin naman tayo Donny, lalo na kapag handa ka na." Ani ko.

Nang tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad, ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla nyang hawakan ang pulsuhan ko.

Tinignan ko sya sa mukha at don ko lang nakita ang itsura nya, ang mga mata nyang sobrang lungkot. Hindi na ko na napigilan yung sarili kong hindi maiyak.

'Wag kang ganyan di ako makakaalis kapag ganyan ka.'

Iniiwas ko ang paningin ko, sakto naman tumama yon sa pamilya ni Donny. Yung mommy at mga kapatid nyang babae ay naiiyak na din.

Pilit kong ibinaling yung paningin ko sa iba, tumama naman ito sa sasakyang itim na syang sundo at sasakyan ko pauwing probinsya.

"B-Belle please s-stay." Ani Donny.

'Hindi pwede...'

Hinawakan ko yung kamay nyang naka hawak sa pulsuhan ko gamit ang isa kong kamay. Pilit kong tinatanggal yon. Nang matanggal ko yon nanatili pa rin syang nakahawak sa mga kamay ko.

'Bitiwan mo na ko...'

"I h-have to go..." Ani ko kasabay ng pagbawi ko sa kamay ko at pagpatak ng luha ko.

(A/N:Sorry mapanaket ang Author nyo mweheheh, Bukas I'll try na mag update tom kasi mag dodown yung watty so yeah. Happy Halloween!👻)

Continue Reading

You'll Also Like

11.9K 166 12
I like to be a surgeon, i study medicine at U.P diliman.. When i graduate medicine for my 10 years of study, iam a surgeon now and iam thankful that...
153K 3.4K 60
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
292K 20.6K 153
Tác phẩm: Toàn thế giới đều đang đợi người động tâm. Tác giả: Tố Tây Người gõ: Mia của bạn nè Beta: Hoa Hoa của bạn đây Ý là truyện này gõ nhanh quá...
36.1K 1K 22
Ilang taon mo na syang gusto at ilang taon ka nang nag papaka tanga sa kanya may posibilidad kayang magustuhan ka nya kahit panget ka? or maybe kapag...