One Day He Wrote My Name (PUB...

LexInTheCity

402K 9.2K 3.2K

Mek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan... Еще

Copyright Page
Prologue 🎯
1. The Pen 🖊
2. The Resto 🍝
3. The Resumé 📃
4. The Boss 🚘
5. The Maze 🎡
6. The Hoodie ❤️
7. The Chatter 🎠
8. The Skyway 🛵
9. The Workstation 🏙
10. The Coffee ☕️
11. The SMS 📮
12. The Sleepyhead ⏰
14. The Sequel (Part 1) 🎂
15. The Laptop 💻
16. The Condo (Part 1) 🌆
16. The Condo (Part 2) 🌃
17. The Confessions (Part 1) 🍱
17. The Confessions (Part 2) 💋
18. The Letters 📝
▪️A Guide to Readers 💛
19. The Specter (Part 1) 🛍
19. The Specter (Part 2) 👻
20. The Move (Part 1) 🚚
20. The Move (Part 2) 💄
21. The Secret 🙊
22. The Dinner 🍩
23. The Bar 🥂
24. The Book 📖
25. The Kiss (Part 1) 🍷
25. The Kiss (Part 2)📱
26. The Bench (Part 1) 🎟
26. The Bench (Part 2) 🎲
27. The Gift 🎁
28. The Show 📺
Acknowledgment ☺️
◾Prequel: ODHWMS ❣️
◾Book 2: The Name In Your Book 🎉🎉🎉
▪️Special Chapter: ODHWMN Quotes 🧁
◾Dare to Believe! 〽️〽️〽️
◾Take the plunge 🐳
▪️HAPPY 400K READS 💜💛🧡💚
▪️Book Changes 💛
29. The Rendezvous🌂 (Preview)

13. The Treats 🍡

7.5K 216 128
LexInTheCity

"Weh, 'di nga? 'Di ba 'pag retrograde amnesia ang case, sadya namang kusang bumabalik ang mga alaala?"

"Yeah, in my case mas naaalala ko 'yung mga nangyari nang mas bagets pa ako. 'Yung hindi ko maalala e 'yung recent events. Lalo na ang mga pangyayari bago mismo ang aksidente which I don't really want to talk about right now." Seryoso na naman ito at parang nakakatakot nang kausapin pa.

"Sorry, sir. Pero sa tingin ko kasi, kailangang mabigyan ng credit kung sino mang nakaisip nitong project na 'to."

"Okay. Sabi nila her name is Mica." Diretso lamang ang tingin nito sa bakanteng lote at bakas sa mukha niyang ayaw nang magkuwento.

Natahimik ako. Napagtagpi-tagpi ko bigla ang ilang kawing-kawing ng impormasyong gumugulo sa isipan ko noon pa. Totoo pa lang may ibang Mica siyang hinahanap noong mga panahong iniisip kong siya na ang aking one great love. Pero bakit niya nga ba ito hinahanap noong mga oras na 'yon? Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasaktan sa mga sinabi niya.

"Hinire [hire] n'yo lang ba ako dahil naaalala n'yo siya sa'kin?" biro ko rito with my OA facial expression para matawa naman ito.

"No. It's not what you're thinking. P'wede ba Ms. Santos, h'wag kang...?"

"Hindi ako feeler, sir," putol ko rito. "Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit mo siya hinahanap noong una tayong magkita sa bookstore na 'yon."

"I told you, wala akong naaalala. And I don't want to remember her."

Hindi ko rin maintindihan kung bakit iniisip kong may relasyon sila dati ng Mica na 'yon. Pero mas nasaktan ako noong sinabi niyang ayaw na niya itong maalala. 

Tahimik naming nilibot ang buong parke. Hapon na rin at papalubog na si haring araw. Hanggang sa tinanong niya ako kung gusto ko na raw bang umuwi. Hindi agad ako makasagot. May bahagi kasi dito sa puso kong gusto pa siyang makasama, at ang kalahati nito ay gusto na akong pauwiin dahil alam nito ang posibilidad na dudurugin lang nito nang pinong-pino ang kabuuan nito.

"Tapos na ba agad tayo? Itse-tsek lang talaga natin 'yung lote na 'yon?"

"Bakit gusto mo pa bang magtrabaho? Ikaw rin naman ang inaalala ko e," sabi nito.

"Kumain na lang tayo, sir."

"Okay. Libre mo."

Nagulat ito nang hilahin ko siya papalabas ng park. Doon ko siya dinala sa tapat ng park kung saan maraming nagtitinda ng mga kwek-kwek, fishball, isaw, at iba pang street food.

"Oh ano, kumakain ka ba ng gan'yan?" tanong ko rito nang madala ko siya sa isang kwek-kwek booth. Totoong paborito ko ang kwek-kwek nila rito. Siguro dahil sa sauce ni kuyang tindero.

"Hindi. Pagkain ba 'yan?" seryosong tanong nito.

"Grabe talaga. Nakakasakit ka naman ng feelings, sir."

"S'yempre naman, kumakain ako ng street food. Hindi ako tulad ng iniisip mo."

"'Yun naman pala. Go and make tusok-tusok na," asar ko rito.

Sinimulan ko nang kumuha ng stick at magtuhog ng isang pirasong kwek-kwek na lumolobo sa sarap. Pero nakatayo lang siya sa may tabihan ko na parang bata na 'di alam ang gagawin.

"Seriously? 'Di ka pa talaga nakakakain ng kwek-kwek sa tanang buhay mo?"

"Quail eggs 'yan 'di ba? Bakit pa kailangang lagyan ng orange na bread crumbs?"

"H'wag nang maraming tanong. Tikman mo na lang. Masarap kaya. Para lang 'yang pritong manok na nilagyan ng breading, mas lalong pinasarap ang lasa," yaya ko rito habang napapaubo ito dahil sa usok ng mga sasakyang dumadaan sa paligid. Napatitig ako sa maitim na kawaling pinagpiprituhan ni kuyang tindero ng mga kwe-kwek at sabay namanga sa kung gaano na ka-dilaw ang mantika nito, kasama na ang ibang sunog na particles na lumalangoy kapiling ang mga kwek-kwek. 'Yung isa ko pang katabing lalaki ay sinawsaw pa ang nakagatan na niyang kwek-kwek sa bote ng sauce nito. Maitim pa ang dulo ng mga kuko ni kuyang tindero. Hindi ko naman pinapansin ang mga bagay na ito noon. "Okay. I get it. Tara balik na tayo sa park. Sorry, sir," dugtong ko. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Binayaran ko na lang si kuyang tindero para sa isang pirasong kwek-kwek na nakain ko at saka tinangkang bumalik sa park kung saan may mga high-end na kainan. Ipinaalaala lang sa'kin ng sitwasyong ito na magkaiba talaga kami ng mundo ng boss ko. Hanggang sa mapagtanto ko na mag-isa na lang pala akong naglalakad pabalik ng park. Gusto kong maiyak. Ang mga nakakasalubong ko pa ay mga magkasintahang nakakadala ang tawanan habang naglalandian.

"Ms. Santos, pa sa'n ka? Ayaw mo na ba agad? Babayaran mo pa 'tong mga kinakain ko 'di ba? Bumalik ka rito," sigaw nito. Hindi niya pala ako sinundang maglakad at nagpa-iwan siya sa kwek-kwek booth na iyon.

Hindi niya alam kung paano niya ako pinasaya nang mga oras na 'yon. At sabay nga kaming bumalik ng park nang busog na busog. At kahit pa tumataginting na 80.00 pesos ang nagastos ko roon ay 'di ko na naisip pang manghinayang.

"Desserts naman. Libre ko," sabi nito. Hinawakan niya ang kamay ko para hilahin ako patungong Heart's Desire. Bigla nalang gustong sumabog ng mga bituin sa loob ng katawan ko. Parang may koryenteng bumubuhay sa mga ito. In short, ginugulo niya ang universe ko.

Doon kami naupo sa dulong bahagi ng shop na 'yon. At ang binili pa niya ay ang best seller nitong "Couple's Cake" na 800.00 pesos lang naman ang presyo. Napakasarap talaga nito, h'wag ka na lamang titingin sa resibo. May dalawa itong flavor na swabeng-swabe 'pag pinagsabay mong kainin. Isama pa ang dalawang klase ng whipped cream sa ibabaw nito na ipapaalaala sa'yong sadyang kaysarap mabuhay.

"Mica, alam mo ba kung bakit Couple's Cake ang tawag nila sa cake na 'to?"

"Hindi nga sir, bakit nga ba?"

"Ano ba sa tingin mo?" Nakatitig siya sa akin, dahilan para ma-conscious ang pores ko sa mukha.

"Ewan. Siguro kasi perfect 'to para sa dalawang tao lamang. Hindi masarap 'pag mag-isa mo lang itong kakainin. At 'di mo rin naman ito mauubos nang mag-isa ka lang," naiilang kong sagot dito.

"P'wede. Pero ang totoong dahilan niyan ay dahil daw 'pag pinagsaluhan ito ng dalawang tao, mas papatamisin daw nito ang pagsasama nila," saad nito. Seryoso ang mukha niya kaya naman mas lalo akong naguluhan.

"Asus, gawa-gawa mo lang 'yan, sir e."

"Bakit hindi pa ba ako sweet para sa'yo?"

***

Pagkagaling namin sa Heart's Desire ay agad na kaming bumalik sa car park. Naantig ang puso ko nang mag-take out pa ito ng dessert para lamang ibigay kay kuya Marvin, ang aming tahimik at mahiyaing driver.

"Salamat po, sir," sabi nito. Mapapansin mong 'di niya ito ginagalaw. Inisip ko na lang na siguro'y ipapasalubong na lang niya ito sa pamilya niya.

Ngayon ay ihahatid na nila akong pauwi. Tahimik si Sir Aki at sa daan lamang nakapako ang tingin.

"So what's your plan, Mica?"

"Plan for my future?"

"Your dream. Paano mo nakikita ang sarili mo sa mga susunod na taon?"

"I always wanted to be a writer, sir," mabilis kong sagot. "Bata pa lang ako, gusto ko nang makita ang pangalan ko in print. Sa magazine or sa newspaper. O magkaroon ng sariling libro. "

"Cool. Sounds like you're leaving FATE sooner or later."

"No, sir. Hindi iyon ang ibig sabihin ko. Alam ko namang hindi regular na trabaho ang pagsusulat. Alam ko namang magagawa ko pa ring magsulat kahit na may regular akong trabaho. Day job, kumbaga"

"That is so true. You sound like one of my closest friends. Sinabi niya rin 'yan sa'kin last time."

"I should meet him."

"Her." At dito na ulit natapos ang small talk namin. Bukod sa malapit na ako sa inuupahan naming bahay ay pagod na rin ako sa ilang oras naming paglilibot sa buong parke. Gusto ko na lang mahiga sa malambot kong kama.

"Oh, dito ka na ba?"

"Sige, sir. Salamat ha."

"No, thank you." Nakaramdam ako ng kakatwang lungkot habang pinagmamasdang magsara ang pintuan ng sasakyan nito, habang mabilis itong tumatakbo papalayo sa akin hanggang sa wala na akong ugong na marinig. Gano'n talaga siguro 'pag na-enjoy mo nang husto ang isang araw. Ayaw mo na lang itong matapos.

At sadyang 'di pa nga agad natatapos ang araw na ito dahil pagpasok ko sa loob ng aming bahay ay na-sorpresa ako sa taong naghihintay sa akin.

"Kanina ka pa niyang hinihintay, 'nak. 'Di ko naman alam na gagabihin ka," ani mama.

"Mark, bakit? Sana tinext mo ako para nakauwi ako nang mas maaga. Wait, may problema ba?"

"Gusto lang kitang makita," sagot nito.

"Na-miss mo na agad ako? Ikaw talaga."

"O siya anak, iwan ko muna kayo d'yan ni Mark," sabi ni mama.

At doon ko na sinimulang ikuwento kay Mark ang mga nangyari sa akin noong araw na 'yon. Hindi ko alam kung bakit ba ang dali-dali sa aking magkuwento sa kanya.

"So you really like him?"

"Hindi ko alam. Basta masaya ako 'pag kasama ko siya."

"Hindi ka ba masaya 'pag kasama mo ako?"

Продолжить чтение

Вам также понравится

Threats and Unrequited Love yondu

Любовные романы

231K 5.3K 58
Dragomir Series #1 She was talented. He was an overachiever. She lied to him. He forgave her. She hurt him. He hurt her. They knew each other best...
One Word, Two Syllables Ara Panda

Любовные романы

81.6K 2.7K 62
One hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa...
Begin Again (COMPLETED) Binibining Sinaya

Художественная проза

6.9K 442 30
Duology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamily...
22.9K 664 51
Layla Dali Maranda is quite used to hiding her emotions. Maybe it was her own fault anyway for she fed people with the thought that she doesn't fear...