EA II: Battle Between Two Kin...

By CurrentlyUnavailable

292K 10.7K 1K

It's easy to make friends but it's hard to leave them. For the second time, i lost them. Nawala ang dalawa sa... More

Author's Note
chapter 1: start
chapter 2: the orientation
chapter 3: training
chapter 4: Mission
chapter 5:
chapter 6: on our Mission
chapter 7: recruitment
chapter 8: N.O.
chapter 9: birthday part 1
chapter 10: birthday (part 2)
chpater 11: transferee
chapter 12: Unexpected
chapter 13: Why?
chapter 14: Her
chapter 15: warning
chapter 17: death
chapter 18: gone
chapter 19: war?
chapter 20: truth
chapter 21: facing them
chapter 22: betrayed
chapter 23: Glenda
chapter 24: he's back
chapter 25: she's back
chapter 26: compensation
chapter 27: not her!
chapter 28: suspicion
chapter 29: not again
chapter 30: revelation
chapter 31: who's who
chapter 32: air vs. an impostor
chapter 33: the Phantom Queen
chapter 34: the culprit
chapter 35: invitation
chapter 36: Triggering memories
chapter 37: Dumbfounded
chapter 38: the battle between two kingdoms
chapter 39: the final stage
Epilogue
Note note note
CurrentlyUnavailable's Notification
attention! xD

chapter 16: his side

5.7K 238 21
By CurrentlyUnavailable

Chapter 16: his side

Roshan POV

 

Kringgg…

 

Start na ng klase. Malamang sa malamang ay nasa training room na ang mga legendaries. May mga oras na naiinggit ako sa kanila dahil lagi silang magkasama. Pero wala akong magawa dahil isa lang akong minor element holder. And besides, alam kong paulit ulit na ako pero ayoko talagang maging legendary.

 dinala ko nga pala yung black envelope na nakita ko sa may table ko. pero siguro mamaya ko na bubuksan. nanjan na yung teacher namin eh.

“okay class, may ipapapanood ako sa inyo. Watch it carefully because after this movie I will be giving you questions” sabi ng teacher slash instructor namin.

Sky high? Waaah! Isa yan sa mga favorite movies ko at pinlay na ito at pinanood na naming lahat. Matapos ang movie ay agad na nagtanong ang teacher.

“so how can you relate this movie to this class?”

Noong una ay walang tumaas ng kamay hanggang sa naglakas loob si Claire. Remember her? Yeah, Claire the mind reader. I wonder if she used her element.

“ma’am I think you want to tell us na side kicks lang ang kaya naming icontribute. Since andyan na ang legendary element holders, we were just considered as side kicks. But the movie there gave us hope that a side kick can also be a hero. Just like the protagonist. At first he was left under the bunch of sidekicks but he eventually became a hero when he discovered his powers.”  Sabi nya.

“very well said miss Clair. Exactly as what I think, mind reader” sabi ng instructor. Boom haha basag sya.

Hay, tama nga naman. We are all considered as a bunch of sidekicks after all. And the real hero? The legendaries. But we can also be a hero in our own simple ways. Every element has its own use. Kailangan lang namin itong pahalagahan.

Hindi ko namalayan na natapos na pala ang klase. Agad akong nagpunta sa cafeteria. Hindi ko trip ang sweets ngayon. So I ordered junk foods.

Pumunta na ako sa table and pressed the button. I clicked pick-a, Doritos, ruffles, and Pringles pati na din pala popp’n chips. Tapos ang drinks ko ay coke float.

Maya maya pa ay dumating sina kuya Alex at si kuya Arthur. Nakiupo sila sa table ko.

“ o bunso, hindi kaya magka UTI ka nan? Grabe ang dami mo namang pagkain. Pag hindi diabities, UTI. Ano ba talagang trip mo?”

“trip ko nang mamatay”

“masamang biro yan” sabi naman ni kuya alex. Himala at nagsalita sya.

“anong masamang hangin ang nagdala sayo dito kuya alex? Himala at hindi mo kasama si bruhilda”

“sino?” sagot ni kuya Arthur.

“ay este si nana pala” sagot kong muli.

“nana? Sinong may nana?”

“ sino pa ba? Edi yung…” hindi ko na naituloy dahil agad na sumingit si kuya Alex.

“its ana, Roshan. Not nana” parang naiinis na ewan na si kuya Alex. Hindi naman kasi dapat tandaan pangalan non eh. Baka mapollute lang utak ko dahil sa babaeng yon.

Napatawa ako sa isipan ko. Haha nana. Bakit nga ba nana ang naisip ko? Bakit nga ba yon ang nasabi ko? Hahaha.

“where is she? Himala at hindi mo sya kasama” sabi ko tuloy.

“ alam niyo hindi ko na maintindihan sa mga tao. Kapag nandyan siya pinagtatabuyan ninyo siya. Tapos ngayon namang wala hinahanaphanap. Ano ba talaga?” Kumento ni kuya Arthur.

Hay may point sya don. Bakit nga ba? Siguro dahil sa nasanay lang ako na may laging nakabuntot kay kuya alex.

“wala sya ngayon, pinatawag sya sa headmaster’s office.” Sagot ni kuya Alex.

“wow. Kalian nila ipapatupad?” tanong ko na ipinagtaka naman ng dalawa.

“ipapatupad?”

“yeah. Hindi ba kaya pinatawag sa headmaster’s office yang nana este ana na iyan ay para iextend ang parusa nya sa tangkang pagpatay kay Micla?” bitter na sagot ko. Hindi ko alam kung saan lahat nangagaling ang mga pinagsasasabi ko.

“ I can’t take it. Hindi na ikaw ang Roshan na nakilala ko. You became so rude” sabi ni kuya alex at tumayo at umalis na. nag walk out.

“ano bang nangyayari sa iyo Roshan? Bakit ba ang sama mo kay Ana? If you will just give her a chance” sabi ni kuya Arthur.

“I already gave her a chance. I gave her the chance to tell the truth yet she didn’t grabbed the opportunity of our forgiveness.  And besides, sino ba ang unang nagpaka mataray sa aming dalawa? Hindi ba siya? Sino ba ang murderer? Hindi ba sya? if only maayos lang ang turing niya sa akin nung first encounter namin baka hindi ako ganito masyadong mag-isip ngayon. ” mariin kong sabi kay kuya Arthur.

“murderer agad? Bakit? Namatay ba si Micla?”

“fortunately no. pero kung hindi naagapan ay maaaring magkaroon ng blood loss that time si Micla. Maswerte sya at nadala namin sya agad sa hospital.”

By that, natahimik na sya. Mayamaya ay umalis na din sya at iniwan ako. Hindi ako galit kay kuya Arthur o kay kuya Alex. Galit ako kay Ana the Bruhilda na may nana sa baba. Galit ako sa mga taong susunod sa yapak ng mga murderers. Bakit hindi na lang kasi sya pumasok sa diablerie? Mas nababagay siya doon.

ninamnam ko ang mga chichirya dito sa table ko nang maalala ko ang black envelope. inilabas ko ito at dahan dahang binuksan. agad kong nakita ang message dito. 

you are one of us

what the heck? baka namali lang ito ng lagay or bigay. ang lakas naman mang trip nito haha. tinapon ko na lang sa basurahan tutal wala namang kwenta.

Nang matapos akong kumain ay nagpunta ako ng mini house or tree house. Nadatnan ko doon si Pearl. Si Pearl nanaman?

“oy Pearl! Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa training room ka?” tanong ko sa kanya. Lagi ko na lang siyang natityempuhan na mag isa.

“ah, kakatapos ko lang magtraining. Hindi nanaman kami nagkasundo ng trainor ko eh.” Sabi nya. Ano ba ito. Mukhang away aso’t pusa sila. Hindi na ba sila nag kasundo?

“ano yang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya habang papalapit sa kanya na nakaupo sa harapan ng computer.

“ah, ito? Invitation to. Actually nagtatry palang ako mag draft ng invitation card ko sa birthday ko. Don’t worry tayo tayo lang din mag cecelebrate sa bahay sana namin. Ayan tuloy hindi na surprise sayo haha”

Grabe. Haha hindi na nga nagging surprise ang birthday nya haha. Nahuli ko na sya eh

“kelan ba iyan?”

“matagal tagal pa ito haha, mga three months pa. Basta may matatanggap ka na lang na invitation” nakangiti niyang sagot. Sige. Sabi nya eh haha.

Umupo na lang ako sa gilid at nagbukas ng phone. Binuksan ko ang messanger ko at may nakita akong isang unread message galing kay Joachim.

See you soon

 

Huh? What does he mean?

Roshan, nasan ka ba? Pinapatawag ka sa headmasters office

 

Nagchat sa akin yung isa kong kaklase. Haist. Bakit naman kaya? Hindi ko na ito pinag aksayahan ng panahon at agad na nagtungo ng headmaster’s office. Bakit nanaman kaya?

As usual, I knocked three times. And I entered the room.

“sir, sir bakit po ninyo ako pinatawag?”

“take a sit.” And I took the seat. Kinakabahan ako and I guess alam ninyo na kung ano ang nangyayari sa kamay ko ano?

“ I think you better go home” sabi ng headmaster. Wait, go home? Ako? Bakit? Ah I get it. Baka nagsumbong na si Myreana sa masamang pakikitungo ko sa kanya.

“why sir? What have I done?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Malungkot ang mukha ng headmaster ngayon.

“I think you should find out yourself. Nakahanda na ang service para ihatid ka sa inyo.” Wika nya ulit.

“sir. Pwede ko bang malaman ang rason? Nababagabag na po kasi ako. Are you eliminating me already? Why?” sa dami ng tanong na pumapasok sa isip ko ay yan lang ang nasabi ko. Bakit? Sa anong dahilan?

“it’s not like that Roshan. I think its much better if you will go home and find out all by yourself. You better go. Ipinahanda ko na ang service. Nag aantay na sa labas.”

Kaya kahit ang isip ko ay gulong gulo at hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari, napilitan akong lumabas para sumakay sa service at umuwi. Iisipin ko na lang siguro na para ito sa ikakasaya ng mga magulang ko at kapatid ko. Last time ko silang nakita ay nung debut ko pa eh.

Lumabas na ako at nakita ko ang service na nasa tapat na ng pintuan ng academy. Sumakay na ako dito. Nagiisip pa din ako hanggang ngayon kung bakit nila ako pauuwiin.

Sa buong biyahe ay hindi ako nakatulog for the first time. Nakita kong dumaan ang service sa dagat. Ngayon ko lang nalaman na nagiging sasakyang pandagat din pala ito. At ngayon ko lang nalaman na isa lang palang isla ang academy. Sa tinagal tagal kong nagpunta dito sa Enchanted Academy ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na ito.

Along the way, may nakita pa akong isang isla. Malayo ito pero alam kong isa itong isla.

“kuya, ano pong isla iyon?” tanong ko sabay turo sa direction ng isla.

“ah iyon ba? Iyon ang diablerie Academy” wika ni manong driver. Ah, so isla lang din pala ang diablerie. Ngayon ko lang dn ito nalaman.

Mahaba haba din ang biyahe. Nakarating naman kami ng ligtas sa destinasyon namin.

“andito na tayo sa inyo ms. Atkinson. Sya nga po pala, condolence po”

Hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi ni manong driver dahil bumaba na ako sa sobrang excited kong Makita ulit ang mga magulang ko maging ang mga kapatid ko. Pero pagbaba ko, mukhang hindi ito ang lugar namin.

Masyadong mailaw. Puti pa ang ilaw at paniguradong malakas ito sa kuryente. Ayaw ng tatay ng ganito dahil lalaki ang bill namin sa kuryente.

Masyadong madaming tao. Kailan pa nagging lugar sugalan itong tapat ng bahay namin? Ayaw ni tatay ng sugal bakit pinahihintulutan ito? Nagbago na ba sila? Nagbago na ba nung mga panahong wala ako dito?

Unti unti akong naglalakad papunta sa bahay. Ang karamihan ng mga tao ay nakatingin sa akin. Nag scan ako ng paligid. Bulaklak?

Bakit may bulaklak dito? Puti pa, parang pangpatay. Ano ba ito? Lugar ba talaga namin ito? Biglang may tumakbo palapit sa akin. Si aling Delya, ang kapit bahay namin.

“Roshan buti at nakauwi ka. Buti at natanggap ng headmaster mo ang sulat namin.” Wika nya. Huh? Ano ba talagang meron?

“ano pong nangyari dito? Bakit po ganito ang itsura ng bahay namin? Hindi po ba ayaw ng tatay ng ganito?” tanong ko sa kanya.

“hindi pa pala nasasabi sa iyo ng headmaster ninyo.” Huh? Hindi pa nasasabi? Ang alin? Bakit? Ano ba talagang nangyayari? Gulong gulo na ako.

Pumasok siya sa loob at sinundan ko naman siya. Nakakita ako ng kabaong. Hindi ko alam pero biglang namuo ang mga luha ko. Bakit? Sino? Kalian?

Lumapit pa ako ng kaunti at bigla nang sunod sunod na tumulo ang luha ko.

“tay!” sigaw ko sa gitna ng hagulgol. Bakit? Bakit namatay ang itay? Bakit namatay siya ng wala akong kamalay malay? Anong nangyari?

Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao dito. Wala akong pakialam! Kailangan kong malaman kung anong nangyari.

“bakit? Bakit ka namatay itay? Sinong gumawa sayo nito?”

“Roshan, nung isang gabi ay may nagpunta ditong naka itim na kotse. Akala naming lahat ay isa lamang kliyente ng tatay mo. Pero ilang saglit pa lang ay may narinig na kaming kalabog. Nang kami’y lumabas ay nakita namin ang nanay mong nagwawala habang hinihila ng mga taong naka itim na hood.  Isinama nila ang nanay mo papasok ng kotse. Agad kaming tumawag ng pulis matapos ng nasaksihan naming kaguluhan. At nang puntahan nila ang tatay mo sa loob, nakita itong duguan at walang malay. Naisugod pa ito sa hospital pero binawian din ng buhay” malungkot na kwento niya sa akin.

“Plate number. Nakita po ba ninyo ang plate number?”

“gabi noon at hindi ko naaninag”

“ang mga kapatid ko po? Kamusta po sila? Nasaan po sila? Nasaktan po ba sila?” sunod sunod kong tanong.

“nasa mga lolo’t lola mo na sila”

Itim na hood. Itim na kotse. Hindi kaya diablerie ang gumawa nito?hindi ko na ito papatagalin pa. kailangan kong bawiin ang nanay. Kailangang ko. Agad kong hinawakan ang kwintas ko. Alam kong buhay pa ang nanay ko at ililigtas ko siya.

“aling Delya, kayo na po muna ang bahala sa burol ng tatay. Andyan naman po ang Enchanted Academy para tumulong. Kailangan ko pong hanapin ang nanay” sabi ko sa kanya. Mukhang magsasalita na sya pero agad ko itong pinigilan.

“wag po kayong mag alala, mahahanap ko po ang nanay”

At agad na akong lumabas at nagpunta sa may baybayin ng pinanggalingan ko kanina. Nakakita ako ng isang Bangka. Alam ko na kung ano ang gagawin ko.

Nicolo’s POV

 

“ikaw?”

Tumingin sya sa akin pero may takip ang mukha niya ng hood na suot nya. Pano ko nalamang tumingin, based sa tindig nya, sa angulo ng mukha nya. Ngunit hindi ko parin maaninag ang mukha nya.

Tumango sya sa sinambit ko at para bang ingat na ingat sa paggalaw niya dahil baka malaman ko kung sino sya, or maybe yung mukha nya?

“ayos ka din eh. Sino ka ba hah? Sinabi ko lang naman ay ang salitang ‘ikaw’. Hindi ko pa naman natatapos anf sasabihin ko tumango ka kaagad?”

Aish! Sino bang niloloko ko? Sya siguro ang pinagsasasabi nilang Glenda na future predictor.

“manahimik ka ngang bihag ka! Malamang alam na nya ang mangyayari sa hinaharap dahil isa syang future predictor. Alam nya na alam mo na kung sino sya” sabi ng bantay.

Hindi ko nga alam kung sino siya eh. Ako ba pinaglololoko nito? Alam kong siya si Glenda. So ibig sabihin, kilala ko nga kung sino sya. Wait ang gulo!

“sya si Glenda. Sya ang empress dito. Ang empress ang may hawak sa ikaapat na pinaka mataas na pusisyon dito sa diablerie. Ang hari, ang reyna, ang anak nito at ang empress na hindi kadugo ng royal family.”

Sya pala. Siya pala ang sandata ng diablerie. Ang empress ang puso ng diablerie at ang royal family naman ang utak nila. Fvck. Pano na ang Enchanted Academy nito? Pano na sila kung may future predictor na? sa pagkakaalam ko, at base na din sa research ko, sa isang pamilya lang ang naghahawak ng future prediction eh.

“bakit ayaw mong ipakita ang mukha mo? Bakit ayaw mong magsalita? Natatakot ka ba? Hah? Natatakot ka no?” wika ko sa kanya.

Nakakapagtaka kasi na ayaw niyang mareveal yung identity nya . hindi naman ako makakapagsumbong sa EA simply dahil nakakulong ako dito. So kahit na anong gawin ko ay hindi ko maibabalita ito sa kanila.

“may tamang panahon para sa lahat” nagsalita na si Glenda. napanganga ako sa boses nya. At isa lang ang masasabi ko....

Shit.

Continue Reading

You'll Also Like

76.8K 2.9K 55
book 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang...
176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
387K 11K 75
Second Batch of Moonlight High Students! Let's find the key for eternity! *Completed (04.24.2016)
10.4M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...