Weigh Your Worth (Published U...

By xxialej

64.6K 3K 555

MISFITS SERIES #1 I am not a criminal, but they look at me with a disgusted expression. I am not a clown, but... More

Disclaimer
Misfits Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Note
WYW PREORDER FORM
WYW SHOPEE LINK

Chapter 18

1.7K 83 12
By xxialej

"Babs, I'm really really sorry. Wala talaga akong ideya na gano'n ang sasabihin niya sa iyo. . . kung alam ko lang. . ." Suminghap siya at naiinis na inihilamos ang parehong palad sa kaniyang mukha.

Humakbang ako papalapit at hinimas ang kaniyang braso para pakalmahin. "Okay lang, Brenz. Ano ka ba!" Ginawa ko ang lahat upang hindi ipahalata ang pekeng pagtawa. Umiling-iling pa ako para mas lalo siyang makumbinsi. "Wala kang kasalanan, okay? At saka, sanay na 'ko kaya you don't have to worry about me. . ." dagdag ko pa.

Of course, that was a lie. Because right now, I felt so ashamed and embarrassed. Kung puwede nga lang na tumakbo na ako palayo at huwag nang magpakita pa kahit kanino dahil sa labis na kahihiyan.

Pagak akong natawa sa aking isip. Walang hiya naman, oh. Akala ko'y sanay na ako sa mga ganoong klaseng tagpo. Akala ko'y mas masakit na iyong mga salita ng mga taong mula sa paligid at kilalang-kilala mo. . . pero mali pala ako. Wala rin palang pinagkaiba ang sakit ng talas ng dila ng mga taong ngayon ko lang nakatagpo.

Pero anong magagawa ko, 'di ba? Iyon naman ang totoo.

Nang hindi siya kumibo ay ako na mismo ang humawak sa kamay niya at hinila siya palabas ng gymnasium gamit ang nangangatog na tuhod. Hindi ko na inalintana pa ang mga matang naiiwan sa amin sa tuwing dumadaan kami sa kanilang harapan.

Umakto akong normal at masaya habang tinatahak namin ni Brenz ang direksyon patungong parking lot. Batid kong hindi siya kumbinsido sa mga ikinikilos ko ay hindi na siya nagsalita pa na siyang ipinagpasalamat ko naman.

Bukod kasi sa ayaw kong mag-alala pa siya sa akin ay ayaw ko ring masira ang araw na ito. Dahil kagaya nga ng sinabi ko ay isa ito sa magiging espesyal na araw para sa aming dalawa. Kasi ang totoo niyan ay pina-plano ko na siyang sagutin mamayang gabi, sa mismong oras ng graduation ball.

"So pano ba 'yan, Babs? Susunduin na lang kita mamayang gabi." He smiled at me as we stopped walking.

I nodded my head nonchalantly. "Sige. Congrats ulit sa atin, Brenz."

"Congratulations din, Hadassah. At sorry ulit sa mga nasabi ni Tita. . ." And before I could react, his soft lips landed on my forehead.

Hinalikan niya ako sa noo. . .

Sa harapan ng maraming tao. . .

Sa harap ng Ate Samantha at Daddy ko. . .

Hindi ko nagawa pang makapagprotesta pa hanggang sa tumalikod ang lalaki at maglakad na palayo. Nanatili akong tuod sa aking kinatatayuan habang awang ang labi. Wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib nang maramdaman ang marahas na pagtambol nito. Nakakapigil hininga ang bawat pagpintig. Nakakapanindig balahibo.

"Ano na, Hadassah Marie? Tara na! Gutom na 'ko!"

Kung hindi pa ako kakaladkarin ni Ate Sam patungo sa aming sasakyan ay hindi pa ako babalik sa ulirat. Naiiling ngunit naroon ang ngiti sa labi ni Daddy nang pagbuksan niya kami ng pinto sa backseat at habang nasa biyahe nga ay panay ang talak ng kapatid ko sa akin. Hindi ko na lang siya masiyadong pinansin dahil sa oras na ginawa ko iyon ay mas lalo pang hindi matitigil ang bunganga niya.

"Ako na ang magma-makeup sa 'yo, Hadassah Marie. Ako na rin ang pipili ng isusuot mong dress because knowing your taste. . ." Maarte siyang umirap sa kawalan bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Baka magmukha ka lang katawa-tawa sa party."

"Kailangan ba talagang sa tuwing magsasalita ka ay may kasamang panlalait?" tamad kong tanong ngunit mahihimigan doon ang pagkainis.

She, then, took a quick glance at me as she let out a sarcastic laugh. "Sana kaya mo ring sumagot ng ganiyan sa ibang taong nanglalait sa 'yo 'no?"

Nanlilisik ang mga matang nilingon ko siya. "Anong ibig sabihin mo?"

"Wala." Pinagkrus niya ang mga braso sa ilalim ng kaniyang dibdib at ibinaling ang tingin sa bintana. "Don't talk to me kasi naiirita ako sa 'yo."

"Tama na 'yan. Nandito na tayo."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Daddy. Hindi na ako nag-atubili pang bumaba pagkatigil na pagkatigil pa lang ng sasakyan. All of the people, ang mala-sharingan na bunganga talaga ni Ate Sam ang hindi ko kayang tiisin nang matagal.

Daddy reserved a table for three in one of the fine dining restaurants. The whole place was screaming extravagantly yet solemnly while all the foods brought heaven and ecstasy in the taste buds.

Sa buong oras na magkakasama kaming tatlo ay tanging si Daddy at Ate Sam lang ang nag-uusap. Gustuhin mang makisali ay hindi naman ako maka-relate kaya mas pinili ko na lang ang manahimik.

Hindi rin naman kami nagtagal dahil pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay nagpasya na rin kaming umuwi para makapaghanda na ako sa graduation ball. 7 pm pa ang start ng program at mayroon pa akong tatlong oras para makapaghanda.

Just like Ate Sam said, she did my light make-up. She also straightened my hair and I couldn't help but to feel satisfied and delighted with the result. Wearing my plus size black ruched bodycon dress that my sister chose, I walked nervously towards the full-length mirror.

Napakurap-kurap ako habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Inutusan pa ako ni Ate Samantha na umikot para mas mapasadahan ko nang mabuti ang ganda at detalye ng pagkakaayos niya sa akin. At dahil sa labis na tuwa ay hindi ko nga napigilan ang yakapin siya.

"Thank you, Ate Sam! I look enticing tonight!" I uttered with graceful simplicity.

Though, I am fully aware how aloof she was with me. I wasn't expecting her reply. But then, her words shocked me a lot.

"You're enticing as always. . ." wala sa sariling tugon niya.

Pareho kaming natigilan at gulat na napatitig sa isa't isa. Umawang ang aking labi para magsalita ngunit mabilis niya akong itinulak at walang pasabing lumabas ng aking silid. I didn't know what to feel at that moment. Basta ang alam ko lang ay walang pagsidlan ang saya ko habang papunta kami ni Brenz sa graduation ball.

I poured out a low chuckle. "Ba't ka ba tingin nang tingin sa akin? Eyes on the road, Brenz!" Pabiro pa akong umirap bago ilipat ang tingin sa bintana ng sasakyan.

"Sorry. I just couldn't help it. Sobrang ganda mo. . . I mean, you're always effortlessly beautiful but you glow differently tonight," pambobola pa niya.

Yumuko ako upang itago ang paglawak ng ngisi at maging ang sobrang pag-iinit ng magkabilang pisngi.

"Salamat," sinsero kong tugon at tila ba dahil sa papuri niyang iyon ay mas lalong umusbong ang kumpiyansa sa aking sarili.

He was wearing a black three piece suit. His hair was cleanly brushed up that makes his face more appreciated in every inch of detail.

Dinadaga ang aking dibdib habang tinatahak namin ang daan patungo sa Event Hall na nasa loob lang din ng aming campus. Mula sa labas ay dinig na dinig na namin ang pagdagundong ng malakas na musika. Marami ring estudyante ang nakakalat sa buong paligid suot ang naggagandahan nilang itim na damit. Iyon kasi ang motif ng grad ball.

"Kinakabahan ka?" Brenz asked.

I bit my lower lip and slightly nodded my head. "Medyo. Puwede pa naman sigurong mag-backout, 'di ba?"

"Baliw ka, Babs. Kung uuwi ka, sayang ang cordon bleu. Iyon ang main reason natin kung bakit tayo nandito, baka nakakalimutan mo." He laughed.

"Siyempre hindi! Ano pang hinihintay mo? Pumasok na tayo sa loob!"

He roared with laughter again as his hands gently caressed my back. "Tama kasi baka kanina pa naghihintay si Griven sa loob. He already reserved a table for us."

With my shocked expression, I asked again, "S-Si Griven?"

"Uh-huh. . ."

Pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Marami pa sana akong gustong itanong sa kaniya ngunit mas pinili kong isantabi na muna ang lahat ng iyon.

Halos dumoble ang lakas ng musika nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Nakakahilo ang umiikot na samo't saring ilaw kaya mas lalong humigpit ang kapit ko sa lalaking kasama ko. Mas nagkalat ang mga estudyante at lahat ay abala na sa kaniya-kaniyang kasiyahan.

Dumiretso kami sa medyo gitnang bahagi kung nasaan ang aming lamesa. Nakaupo roon si Griven kasama ang dalawa pa niyang kaibigang babae. Ngumiti silang lahat sa akin at pinaulanan pa ako ng papuri. Sinuklian ko iyon ng tipid at nahihiyang ngiti.

Inalalayan ako ni Brenz sa pag-upo at habang hindi pa tuluyang nagsisimula ang program ay magkasama naming nilantakan ng lalaki ang appetizer na nakahain sa table. Namataan ko pa si Mela at Sav kasama ang grupo ni Moumin. Lahat sila ay nakatingin sa gawi namin ngunit hindi ko sila pinagtuonan ng pansin.

Hiling ko lang talaga ay sana ito na ang huling araw na makikita ko sila at hindi ko na maka-krus pa ang landas nila kahit kailan.

When our Principal officially announced the start of the party, the crowd went wilder. Matapos kumain ay tuluyan nang binuksan ang dancefloor para sa lahat. Marami ang tumungo sa gitna para magsayawan kasabay ng saliw ng masiglang musika. Mayroon pa ngang ilang nagtatalunan at sinasadya pang magtulakan.

Kaya imbis na makisali ay nanatili lamang kaming dalawa ni Brenz sa aming upuan, masayang pinapanood ang mga taong halos magbalyahan na. Mayroon ding ino-offer na wine at beer since hindi allowed ang hard liquor.

Habang abala si Brenz sa pakikipag-kulitan sa kaniyang mga kaklase ay lumilipad naman ang utak ko sa ideya na kung paano ko sasabihin sa kaniya na sinasagot ko na siya. Ang planong naiisip ko ay kapag inaya niya na akong sumayaw sa dance floor ay doon ko na ibibigay sa kaniya ang matamis kong oo.

I was just sitting comfortably here on my seat, waiting for the perfect timing, when suddenly Brenz rose up from his seat. Kunot noo ko siyang tiningala. Bahagya naman siyang yumuko para bumulong sa aking tainga.

"CR lang ako, Babs. Dito ka lang, huh?" paalam niya at agad akong tumango.

"Basta bilisan mo. . ." I reminded him.

"Oo, babalik kaagad ako." Dinampian niya ng mabilis na halik ang aking noo. At bago siya tuluyang tumalikod ay sinabihan pa niya ang isa niyang kaklase na bantayan ako at huwag hahayaan na may lumapit sa akin na ibang lalaki.

Natatawa akong umiling. Ginawa pa niya akong bata! And as if naman na may magkakainteres sa aking ibang lalaki, eh, mukha nga lang akong wallflower sa party na 'to!

Hindi na rin naman ako nagawa pang bantayan ng kaklase niya dahil hinila na ito ng mga kaibigan patungo roon sa gitna para magsayaw. Ilang minuto pa lang na nawawala si Brenz ay naramdaman ko na agad ang presensya ng dalawang taong ayaw na ayaw kong makausap o makasalamuha.

At dahil mag-isa na lamang ako sa table ay malaya nilang naukopa ang bakanteng upuan sa magkabilang gilid ko. Dahil nga ayaw kong masira ang gabing ito ay nagpasya akong tumayo at umalis na lang. Ngunit hindi ko pa man tuluyang nagagawa iyon ay may dalawang kamay na agad na pumigil sa akin.

Bumuga ako ng marahas na hangin bago sipatin sila ng tingin. "Ano na naman bang kailangan nyo sa 'kin, Carmela? Puwede ba? For once, huwag nyong sirain ang araw ko at hayaan nyo 'kong maging masaya?" nagpipigil na galit kong usal.

Sinubukan kong babaan ang aking tono ng pananalita dahil ayaw ko namang gumawa ng eskandalo rito. Mabuti na lamang ay malakas ang tugtugin at libang ang lahat ng tao kaya walang ibang nakakapansin sa amin.

"We're not here to fight, Hadassah," tamad na tugon ni Sav bago sumimsim sa glass wine na hawak niya.

Nagtiim bagang ako at hindi sumagot.

"We're just here to inform you na. . ." Sav trailed off and took a meaningful glance at her friend beside me.

"Ano ba kasi 'yan? Bilisan nyo na dahil baka maabutan pa kayo ni Brenz. Tiyak na magagalit iyon sa inyo–"

"Brenz isn't sincere with his feelings for you. . ." pagputol ni Sav sa sinasabi ko.

Natigilan ako ro'n. Kumurap-kurap, nakaawang ang labi habang hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. Hindi naman niya iyon inatrasan at nagawa pa ngang tumitig pabalik sa akin. Ilang saglit pa'y bumunghalit ako ng napalakas na tawa na kulang na ay gumulong-gulong na ako sa sahig. Walang pakialam sa kung sino man ang mapalingon sa amin at makarinig.

Ano na naman bang trip nila? Talaga bang hindi nila ako titigilan? Gosh! Ang pathetic!

"Why are you laughing? Nagsasabi kami ng totoo!" asik pa ni Carmela na siyang nakapagpatigil sa akin sa pagtawa.

Bahagya kong pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng aking mata bago muling hinarap siya. "And do you think I'll believe you?"

Nalaglag ang panga ni Carmela habang si Savior naman ay pagak na natawa. "Nasa sa 'yo na iyon kung maniniwala ka o hindi. We know the truth, Hadassah. You're nothing but just a bet. Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi mo tanungin si Brenz? O kahit si Griven o Moumin?"

Kumalabog nang husto ang dibdib ko. Natulala ako sa basong nasa aking harapan habang pilit na itinataboy palayo sa aking utak ang mga salitang kanilang binibitawan. Sa pagkakataong ito ay gusto ko na lamang takpan ang aking magkabilang tainga para hindi na marinig pa ang mga katagang kanilang sasabihin.

Hindi iyon totoo. Gawa-gawa lang nila ang kwentong iyon. Knowing Sav and Mela. . . walang dahilan para maniwala sa kanila. I trust Brenz so much. Kahit sa maliit na panahon na pagkakakilala ay alam kong totoo at sinsero ang lahat ng bagay na ginawa niya sa akin. Maging ang samahan namin.

So yes, there's no way I will believe these two bitch beside me.

"Bakit, Hadassah? Sa tingin mo ba ay may magmamahal sa kagaya mo? Look at yourself. Ang taba-taba mo! Ni hindi ka pa maganda at wala ka sa kalingkingan ng mga babaeng talagang magugustuhan nila. Hindi mo man lang ba kung bakit sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang naisip ni Brenz na makipaglapit sa 'yo?" dagdag pa ni Savior at mahihimigan sa kaniyang tinig ang diin at pagiging sarkastiko.

Kumirot ang aking ulo dahil sa mga pinagsasabi niya. Gusto kong maniwala pero ayaw iyong tanggapin ng utak ko. Mas malaki ang pananalig ko sa lalaki but I hate the fact that the two of them were making sense.

Lahat ng mga katagang binibitawan niya ay tila ba isang napakalaking sampal sa akin. Nangilid ang mga luha ko at sumakit ang lalamunan ko dahil para bang may malaking bagay na nakabara roon nang subukan kong lumunok.

Kaya bago pa man nila tuluyan maniwala at magpadala sa mga salita nila ay mabilis akong tumayo at naglakad palayo sa kanila. Hindi rin ako nag-abala pang lingunin sila nang tawagin nila ang aking pangalan.

Naninikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga. Paulit-ulit na umiikot sa aking utak ang mga pinagsasabi nina Savior at Carmela.

"Hindi 'yon totoo, Hadassah. Seryoso sa 'yo si Brenz. Naramdaman at nakita mo 'yon mismo. There's no way he would do such a thing like that," sambit ko sa sarili habang tinatahak ang daan papalabas at patungo sa garden sa likod lamang ng event hall.

Bumuntonghininga ako at tumango-tango. "Tama, Hads. Huwag kang maniniwala sa dalawang babaeng iyon. Kay Brenz ka lang maniwala," I persuade myself again.

Nang tuluyan akong makarating sa garden ay akala ko'y makakahinga na ako nang maluwag. Ngunit gano'n na lamang ang panginginig ng aking buong sistema at maging pagkawasak ng aking kumpiyansa nang sa madilim na bahagi ng garden ay narinig ko ang mga pamilyar na boses na nag-uusap.

"Wala nang next time kasi aalis na 'ko. Tapos na naman ang pesteng laro natin kaya makakahinga na ako nang maluwag." Brenz's laughter echoed the whole place. "Effective ba ang acting ko, ha?"

"Oo, dude. Para ngang totoong-totoo, eh! Ba't hindi ka kaya mag-artista?" This time it was the cocky voice of Griven.

"Oh basta, wala na kaming atraso sa 'yo, ha? Nagbayad na kami. May pa-sobra pa nga dahil magaling ka. So ano, ayaw nyo na talagang sumali ulit sa pustahan? Ang co-corny nyo naman!" It was Moumin.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa pinaghalo-halong emosyon. Mabilis na lumandas ang mga luha mula sa aking mga mata at kasabay niyon ay ang matinding pagguho ng katiting na pag-asa sa aking dibdib.

"I told you, Hads. Ayaw mo kasing makinig sa amin, eh," natatawang bulong ni Carmela na hindi ko namamalayang nasa likod ko na pala.

"My gosh! Up until now, I still can't believe na napaniwala ka niya. Masiyado ka kasing uto-uto, Hadassah. Palibhasa ay hayok na hayok ka sa pagmamahal–"

Hindi ko na pinatapos pa ang mga sinasabi ni Savior. Walang pasabi ko silang tinalikuran at tumakbo palayo sa lugar na iyon. I fought my urge to have a breakdown in front of tons of people. Wala akong ibang naiisip noong mga oras na iyon kung 'di ang umalis na roon.

I couldn't take another embarrassment.

At hindi ko na rin kinakailangan pa ng mga paliwanag at masasakit na salita mula kay Brenz o sa kahit kanino. What I've heard was enough. I'm fucking done with this. I'm fucking tired of understanding everything. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 51.5K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
32.2K 2.2K 33
Mataas ang standard sa lalaki. Check. Gusto ng mala-pocketbook na love life. Check. Medyo may hang-up pa sa past. Check na check. Iyan ang mga dahila...
16.3K 733 57
Agape & Gideon Is it possible for two person to fall in love with each other even if they never felt it before? Agape Lorezein Garcia, never had a b...
1.8M 76.4K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...