Weigh Your Worth (Published U...

By xxialej

64.9K 3K 555

MISFITS SERIES #1 I am not a criminal, but they look at me with a disgusted expression. I am not a clown, but... More

Disclaimer
Misfits Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Note
WYW PREORDER FORM
WYW SHOPEE LINK

Chapter 17

1.6K 68 4
By xxialej

"Para ka namang others, Babs. Ang pangit mo mag-joke!" he growled at me.

I heaved a soft sigh and caressed his cheek in a gentle manner. "Sorry na nga, 'di ba? Hindi ko naman alam na seseryosihin at iiyakan mo pa 'yong sinabi kong busted ka na. I-I was just joking. I immediately looked away, slightly embarrassed and feeling guilty.

Nang wala akong marinig na tugon mula sa kaniya ay mas lalong bumagsak ang aking balikat. So gano'n? Gano'n talaga katindi ang tampo niya sa akin na umabot pa talaga ng isang araw na hindi ako pinapansin at kinakausap?

I groaned and met his gaze again. Balak ko sana ulit humingi ng sorry at magmakaawa pa nang paulit-ulit, ngunit laking gulat ko nang makitang abot-langit na ang ngiti nito sa labi habang kumikinang ang mga matang nakatitig sa akin.

Nahugot ko ang aking hininga kasabay ng bahagyang panginginig ng tuhod. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa lakas ng aircon dito sa Computer Lab o dahil ba sa mabilis at nakakahingal na pintig ng aking puso.

Gathering all my strength and courage, I spoke up again, "A-Ano? Ba't ganiyan ka makatingin? Sorry na nga, eh!" I irritably muttered and trailed off, "Oh sige, ganito na lang. Bilang pambawi, ikaw na lang ang date ko sa graduation ball? Take it or leave it!"

Matapang at nakapamewang kong sinuklian ang tingin na ibinibigay niya sa akin, kahit na sa loob loob ko'y naghuhumurementado na ang aking buong sistema. Imbis na sumagot ay maingat siyang humakbang papalapit sa akin at ginulo ang aking buhok.

With both hands inside the pocket of his pants, he crouched a little to meet my eyes. "Wala ka namang ibang makaka-partner kung 'di ako lang. Sa tingin mo, Babs, hahayaan kitang mapunta sa iba?" wika niya sa marahan at malambing na boses.

Umawang aking labi at damang-damang ko rin ang pag-akyat ng sariling dugo mula sa paa paakyat sa aking mukha. Na para bang kaunting-kaunti na lang ay sasabog na ako. Mabilis akong umiwas at pasimpleng lumayo sa kaniya. Sinubukan ko pang sunud-sunod na ikurap ang mga mata para bumalik ako sa wisyo.

"Umayos ka nga," kunwaring galit kong saway.

His cocky laugh filled my ears as he watched my every movement. Umayos na rin siya ng pagkakatayo at dahan-dahang dumausdos ang kaniyang malaking palad sa aking nanlalamig na kamay.

Hindi na ako nagpumiglas pa nang tangayin niya ako patungo sa gymnasium kung saan gaganapin ang graduation rehearsal. Halos kasabay lang din namin na magdatingan ang ibang estudyante. Namataan ko pa si Griven na paparating. Nang magtama ang paningin namin ay umukit ang isang matipid at matamlay na ngiti sa kaniyang labi, gano'n din ang ginawa niya kay Brenz at may kasama pa iyong tapik sa balikat.

"Griven, kumusta ka na? Baka gusto mong sumama? Kakain kami mamaya ni Brenz sa labas after practice?" masayang anyaya ko sa kaniya na agad din niyang tinanggihan.

"Maybe next time, Hads. Marami kasi akong gagawin," tugon niya at walang paalam na nilampasan kami patungo sa upuang naka-assign sa kaniya.

Muling bumagsak ang aking balikat. Bumulatay ang lungkot at pagkadismaya sa aking mukha habang hinahabol ng tingin ang kaniyang papalayong bulto. Matunog na bumuntonghininga si Brenz at hinawakan ang aking likod.

"Let's give him more time, Babs," pampalubag-loob niya sa 'kin at wala naman akong ibang nagawa kung 'di ang marahang tumango.

Sana nga. . .

Sana nga ay bumalik na siya sa dati dahil nakaka-miss talaga ang isang 'yon. Magmula kasi noong maghiwalay sila ni Melissa ay medyo dumistansya rin siya sa amin. Though, they were still in good terms, sadyang si Griven lang nagpasyang umiwas at ilayo ang sarili niya sa amin.

And we totally understand him. Pero siyempre, bilang kaibigan ay hindi pa rin namin maiwasan ang mag-alala sa kaniya. Simula rin kasi noong matapos ang relasyon nila ni Mel ay doon na rin nagbago ang lahat sa kaniya. He was once a jolly person, just like Brenz. Masiyahin at palangiti rin siyang tao. . . pero ang lahat ng iyon ay nawala nang maghiwalay sila ng kasintahan.

He became cold and distant to all of the people.

"There's nothing wrong if you choose to isolate yourself. Maybe that was the only way that he thought for him to heal. . ." Brenz explained before sipping on his milk tea. "Though, I certainly hate him for hurting my cousin, wala naman na akong magagawa dahil ang sabi nga ni Melissa ay mutual decision iyon in both parties kaya kahit ayaw man nating silang maghiwalay ay wala na tayong magagawa roon." he went on.

"Let's just hope for their own happiness," dugtong ko pa na sinang-ayunan naman niya.

Matagl-tagal din kaming tumambay at nagpahinga sa coffee shop na tinatambayan namin. Pinag-usapan namin ang mga plano para sa darating na kolehiyo. Tinanong ko siya kung sigurado na ba siyang mag-e-engineering siya kahit hindi naman inline iyon sa kursong kinuha niya, ngunit ang tanging isinagot lamang niya sa akin ay, "Ewan ko. Hindi pa ako sigurado. Bahala na."

Hindi ko na siya kinulit pa tungkol doon kahit na gusto ko sanang i-suggest na sa iisang univeristy na lang kami mag-apply para magkasama pa rin kaming dalawa. God, I'm too attached to him now!

Look what you did to me, Brenz Liam!

Isa pa sa mga napag-usapan namin ay iyong isusuot sa darating na graduation ball. Sa totoo nga ay wala talaga akong balak sumama roon kung 'di lang sana dahil kay Brenz.

Semi-formal lang naman iyon at hindi na kailangang magpa-bonggahan. Mabuti naman dahil hindi ako komportableng magsuot ng mga mabibigat na gown at make-ups. At sana lang din ay hindi ako maging tampulan ng tukso. Na sana ibigay na ang araw na iyon para sa akin, para sa aming dalawa ng lalaking sa tingin ko'y. . . mahal ko na.

Nang dumating ang araw ng Sabado ay tanging si Daddy at Ate Samantha lang ang dumalo sa aking Graduation Day dahil marami raw inaasikaso si Mommy sa trabaho. Though, I'm a bit disappointed and unhappy with it, I still chose to understand her reason.

Ilang oras din ang inabot ng seremonya bago ito tuluyang matapos. Hindi mawala ang ngisi sa aking labi habang kumukuha kami ng maraming larawan. Saka lang kami tumigil nang magmaldita na si Ate Sam dahil naiinip at nagugutom na raw siya.

Bago kami tuluyang umalis ay nilapitan ko muna si Brenz para anyayahan na sumama sa amin na agad din niyang tinanggihan dahil kasama raw niya ang kaniyang Tita at Tito.

"Okay lang ba kung ipakilala kita kay Tita? Si Tito kasi umuna na sa parking lot, eh," sabi niya at walang pagda-dalawang isip akong tumango.

"Oo naman, okay lang. Basta hindi rin ako magtatagal kasi naghihintay na rin sa akin sina Daddy at Ate Sam."

He nodded and guided me towards his Aunt's direction. Abot-langit ang aking ngiti sa pag-aakalang buong puso rin akong tatanggapin ng Ginang kagaya ng pagtanggap na ginawa sa akin ni Tita Conny. . . pero mali pala ako.

Dahil sa unang dapo pa lamang ng paningin niya sa akin ay mababakas na roon ang pagkadisgusto lalo na no'ng pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Tita Rowena, this is Hadassah. Hadassah, this is my Tita Rowena. . ." he introduced me.

"Hadassah Marie Macatangay po. Nice to meet you, Ma'am." Itinago ko ang panginginig ng aking labi at inabot ang kamay sa Ginang.

Binigyan lang niya ako ng tamad na tingin bago ibalik sa lalaki ang atensyon. "Ito na 'yon, Brenz? Nasaan ang taste mo pagdating sa mga babae?"

Unti-unting nawala ang malawak na ngisi sa aking mukha. Gayong ramdam ko rin ang paninigas ng katawan ni Brenz sa kaniyang kinatatayuan. Ibinaba ko ang aking nakalahad na kamay at itinago iyon sa aking likuran. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang pagkapahiya sa aking sistema kaya niyuko ko ang aking ulo.

Batid komg may ibang tao rin ang nakarinig sa kaniyang sinabi dahil napapalingon ang mga ito sa aming direksyon.

"Tita. . ."

"Oh, no offensement, Ija. Nagulat lang ako dahil hindi ko talaga ine-expect na ganiyan pala ang tipo ng pamangkin ko. Though, I must say na maganda ka naman kahit mataba ka–"

Gamit ang nagpipigil na galit na boses, pinutol siya ni Brenz, "Maganda siya kahit mataba, Tita."

"Ayon nga. Maganda siya kaya lang ay mataba," her Auntie fired back.

"No, maganda siya kahit mataba. . ." Dumilim ang mga mata ng lalaki kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. Hinawakan ko ang kaniyang braso para pakalmahin siya pero wala iyong silbi dahil ramdam na ramdam ko ang tensyon sa kaniyang katawan. "And please, she's my woman, Tita. I want you to respect her."

I swallowed the lump on my throat as she groaned and rolled her eyes. "Fine, fine! Mauuna na ako sa sasakyan!" She finally gave up.

At bago nga tuluyang tumalikod ang Ginang ay muli niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na sinundan pa ng matinding pagngiwi.

Continue Reading

You'll Also Like

453K 20.6K 42
Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the only way for him to have the right for his...
16.4K 733 57
Agape & Gideon Is it possible for two person to fall in love with each other even if they never felt it before? Agape Lorezein Garcia, never had a b...
1.2M 51.6K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
How We Unravel By Ysa

General Fiction

418K 15.5K 33
Warning: this story contains dark theme about depression, sex, violence, and language that may trigger emotional trauma to people who experienced the...