Sa Taong 1890

By xxienc

85.8K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 26

1.1K 55 23
By xxienc


|Kabanata 26|

Disyembre 4, 1889

Kahit ano pa man ang kaniyang gagawin sa akin, hindi ako makakapayag na siya ay magtagumpay. Hindi ang kadahilanang siya ang aking Ama ang magiging rason na siya ay hahayaan ko na lamang sa kaniyang mga planong sirain ang aking buhay. Hinding-hindi mangyayari iyon.

Tandaan mo iyan Agaton Del Veriel.

Martina




Ilang sandali rin akong nakaupo doon at pinagmasdan ang buong paligid. Pinagmasdan ko rin ang mga litratong nakasabit sa harapan na bahagi ng kanilang sala mayor. Isa na roon ang litrato na kung saan naroon ang kanilang buong pamilya.

Nakaupo ang mag-asawa sa harapan at ang apat ay nasa likuran nila. Lahat sila ay nakangiti, pero tipid lang ang ibinigay ng Don, ni Leon at ni Joaquin at ang iba ay malalapad na ang ngiti nila.

Seryoso nga talaga ang tatlong ito sa mga buhay nila.

Napako naman ang tingin ko kay Joaquin. May ngiti sa kaniyang labi na kahit matipid ay napakasensiro. Hindi ko pa siya nakitang nakangiti ng malapad at iyong sobrang nakatawa talaga.

Nais kong makita siyang ganoon. Habang nakatitig ako sa kaniya ay bigla akong kinabahan at hindi inaasahang nagtawag ang kalikasan.

Goodness, naiihi ako. Nasaan ba ang banyo rito? Hindi pa naman bumabalik si Donya Victorina. Sana bumalik na siya, gusto ko ng magbanyo.

Naglakadlakad na lang muna ako para kahit papaano ay mawala iyon. Panay rin ang silip ko sa pinto ng kanilang sala mayor nagbabakasakaling makita ang Donya.

Chestinell, huwag mong isipin. Mas lalo lang iyang titindi. Hingang malalim. Wooh! Huwag mong isipin. Huwag na huwag. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko.

“Arrgh! Hindi ko na talaga kaya!” pagtitimping daing ko at mabilis na nagmartsa papalabas ng kanilang sala mayor.

Gusto ko ng magbanyo!

Nagmamadali akong naghanap ng tagasilbi sa buong palapag pero kahit isa ay wala akong nakita.

Nasaan na ba ang mga tao rito? Bakit napakatahimik? Wala ba silang mga tagasilbi?

Napadpad naman ako sa dulo ng palapag na ito, doon sa hagdan papaakyat. Dalawa ang kanilang hagdan na magkatapat at magkarugtong na sila pababa. At ang kanilang hagdan ay diretso lang papunta sa kanilang pinto palabas at pababa ng mansiyon.

Laking tuwa ko nang may nakita akong isang tagasilbi na papababa mula rito na may dalang dalawang magkapatong na kahon.

Mabilis ko siyang sinalubong paakyat na siyang ikinahinto niya at umusog sa gilid na parte ng hagdan para bigyan ako ng daan.

Nginitian ko agad siya, "Ah, maaari bang magtanong? Nasaan dito ang inyong palikuran?" tanong ko rito.

Napatitig naman siya sandali sa akin, "Uh, kayo po ba ay bisita ng Donya?" alinlangan tanong niya.

Kaagad akong napatango, "Oo, tama ka. Ako si Martina Del Veriel," sagot ko habang pinipigilan ang loob ko.

Kagyat namang namilog ang kaniyang mga mata, "MartiD-del Veriel, S-senyorita Martina Del Veriel," gulat na bulalas niya na para bang hindi inaasahang makita ang bisitang kaniyang kaharap.

Nakatikom ang bibig ko habang tumatango. Mukha naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig at mukhang namutla pa siya, "D-dito po, Senyorita, hali po kayo rito sa itaas," nagmamadaling aniya at nahihirapan pa sa dala niyang mga kahon.

Mabilis ko siyang sinundan at tumigil kami pagdating sa ikatlong palapag. "Huwag ka ng mag-abala pa. Ituro mo nalang sa akin ang direksiyon at ako na ang pupunta. Mukhang kailangan mo na rin iyang ibaba dahil ika'y nahihirapan na yata riyan," pigil ko sa kaniya.

Napayuko naman siya sandali, "S-salamat po, Senyorita. U-uh doon po sa dulo ng hanay ng mga silid na ito sa likuran po niyan ay ang palikuran," aniya sabay turo sa hanay ng mga kwarto na nasa kanan namin na malapit lamang sa hagdan.

Pansin kong lahat na ng narito ay mga silid maliban nalang sa isa pang sala mayor nila na pinagigitnaan ng dalawang hagdan na pababa, na nasa kaliwa namin. Kaagad ko namang tinanguan ang tagasilbi, "Sige, maraming salamat," ngiti ko. Mabilis naman siyang yumukod at kumaripas na pababa ng hagdan.

Naglakad na ako papunta doon sa sinabi ng tagasilbi. Napatigil ako sa dulo ng hanay ng mga kwarto. May mahabang pasilyo na kasalungat ng tinatahak ko at katapat ko rin ay ang kwartong nakalinya. Sa tingin ko ang mga kwarto na ito ang siyang nakaharap sa hardin ng mansiyon. Napatingin naman ako sa kanan ko. Ang sabi ng tagasilbi sa likuran ng silid na iyan. Naglakad na ako doon at tumigil sa harap ng pinto nito.
Tama kaya ang pinuntahan ko? Baka naman sa likuran pa nito? Bakit ba naman kasi napakatahimik ng mansiyon nila? Wala man lang katao-tao. Sa bagay, hindi naman kasi pwedeng magpagalagala nalang ang mga tagasilbi rito dahil bawal iyon.

Dahan-dahan ko nalang na pinihit ang tatangnan ng pinto at unti-unti iyong binuksan. Bumungad sa akin ang isang malawak na espasyo sa gitna ng silid. Gawa sa makintab at makinis na kahoy ang sahig. At sa tapat ko ay may isang parang maliit na silid na kahoy ang pinto at parang matupi-tupi ang pinto na iyon. Naglakad na ako papasok at tahimik na isinara ang pinto.

Whoa, ang laki rin ng kanilang banyo.

Sa kanan ko ay may isang pintuan na walang pinto na papasok sa kung saan. At sa kaliwa ko naman ay may makapal at mahabang kurtina na hanggang sa sahig at nakatakip sa kung ano man ang nasa likuran nito. Dito na yata ang kanilang palikuran. Naglakad na ako papalapit doon at hinawi na ang malaking kurtina.

Kailangan ko na talagang maihi.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang hawak pa rin ang kurtina. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kumabog ang aking puso na halos aalingawngaw na yata sa buong silid. Natigil rin ang aking hininga, nanlalamig ang buo kong katawan habang nakatitig sa taong nasa harapan ko. Isang matipunong katawan ang aking nasilayan na halatang kakatapos lang maligo dahil sa mga kaunti tubig na tumutulo mula roon. May maskulado itong mga braso at matibay na katawan. Mayroon pa siyang anim o walo pa yatang mga pandesal. Sa kalahating baba niya ay isang puting tuwalya na maluwag lang na nakatapis doon. Ang kaniyang magulong buhok ay nakakalat sa kaniyang ulo at may mga tubig pang pumapatak mula roon papunta sa kaniyang dibdib. Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa tanawin na nasa aking harapan. Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako ng husto roon.

Ganito pala ang tanawin na kinababaliwan ng ilang kababaihan sa hinaharap-Goodness, Chestinell! Ano ang ginagawa mo?!

“Aking nahihinuhang ikaw ay nasisiyahan sa iyong nakikita, Binibini?” biglang salita ng taong nasa aking harapan at bahagya pang nakataas ang sulok ng kaniyang labi, na walang iba kundi si Joaquin. Mabilis akong napatili at kaagad na napatakip sa aking mga mata.

Waaah! Nakakahiya ka, Chestinell! Nakakahiya ka talaga!

“Patawad, Ginoo! Hindi ko sinasadya, patawad talaga. Lalabas na ako. Huwag mo nalang isiping nangyari ito. Paumanhin talaga! Hindi ko alam. Maaari ka ng magpatuloy. Paumanhin,” paspasan at hestirikal kong paliwanag at kaagad na tumalikod at mabilis na naglakad paalis. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sagot at tinalikuran na siya. Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang nadulas ako dahil hindi ko na namalayan pang may tubig na palang kumalat sa sahig. Mabilis na kumabog ang aking dibdib nang unti-unti akong nawalan ng balanse at natutumba na ako.

Goodness! Isa na naman itong kahihiyan. Kani-kanina lang ay nakita ko siyang nakahubad at ngayon naman ay makikita niya akong nadulas at babagsak sa sahig. Wala ka na talagang reputasyon, Chestinell. Nasira mo na talaga!

Nakapikit nalang ako habang hinihintay na bumagsak sa sahig. Subali‘t parang mayroong kung ano mang biglang pumulupot sa beywang ko at hinapit ako papalapit at napigilan akong bumagsak.

Kaagad akong napadilat at nasilayan ang mukha ni Joaquin ilang pulgada nalang ang layo at kaunti nalang ay maghahalikan na kami. Nakahawak siya sa aking beywang at nakahiga ako sa ere at sa kaniyang braso. Sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa at wala pa siyang damit.

Halos mawalan na naman ako ng hininga at bumilis pa lalo ang tibok ng aking puso. Natatakot akong baka marinig niya iyon. Nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata na mayroong kung ano man ang ipinapahiwatig. Seryoso ito ngunit ang hindi ko mababatid ay kung bakit may nakita akong pag-aalala roon. Ganoon rin naman ang ginawa niya, nakatitig lang sa akin. Ni isa sa amin ay walang kumurap.

Kung maaari lang sana ay ayaw ko ng kumawala pa sa kaniyang pagkayakap sa akin. Hindi ko alam kung anong kaba ngunit may saya na nararamdaman ko ngayon sa aking puso.

Kagyat na bumalik na sa katinuan ang pag-iisip ko at kaagad akong bumawi ng tingin at mabilis na umayos ng tayo at kabadong napatingin sa malayo habang inaayos ang damit at kinakalma ang sarili.

Umayos ka nga, Chestinell. Sumugod ka lang ba rito sa kanila upang ipahiya ang sarili mo?

“Ayos ka lamang ba, Binibini?” pagbasag niya sa katahimikan na bumabalot sa buong paligid.

Napalingon naman ako sa kaniya at mabilis na tumango, “O-oo. Salamat sa p-pag-alalalay sa akin,” mabilis kong tugon saka isang nahihiyang ngiti ang ibinigay sa kaniya at iniiwasan mapatingin doon sa kaniyang katawan na lahad na lahad sa harap ko.

Ayoko ng tumingin pa roon at baka doon nalang dumikit ang mga paningin ko. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at kung ano pa ang magawa ko.

“Paumanhin, Ginoo. Hindi ko sinasadyang pumasok dito. Ang akala ko kasi ay walang gumagamit. Pasensya ka na talaga. Kakalimutan ko ang nangyari. Aalis na ako,” nagmamadali kong paliwanag at mabilis na tumalikod at naglakad palabas ng banyo. Kaagad kong sinara ang pinto at napasandal doon sabay buga ng hangin. Hindi ko lubos akalaing mangyayari ang bagay na iyon.

Nais ko lang naman na gumamit ng palikuran ah. Bakit naman ganoon? Bakit ba lagi nalang akong napapahiya sa harapan niya? Naiinis na ako ha? Ano na ba ang nangyayari sa akin? Parang lagi ko nalang nakikita ang sarili ko sa kahihiyan.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko at pinapanatag ang mabilis na tibok ng puso ko. Winawagayway ko rin ang nanginginig at nanlalamig kong mga kamay.

Ngunit sa hindi inaasahan bumalik sa isipan ko ang sandaling nasa harapan ko siya at ang kaniyang matipunong katawan na nakalahad sa harap ko. Hindi nga lang siya makisig, matipuno pa ang katawan.

Kaagad kong nasapak ang sarili ko dahil sa naisip, “Aush! Ano na naman ba, Chestinell? Nakakainis ka na ha? Kalimutan mo na nga iyon.” saway ko sa sarili.

Pinagsasapak ko ang sarili ko at mabilis na umayos ng tayo at naglakad na paalis doon. Hindi na ako gagamit ng banyo. Nawala na kasi dahil sa kaba at kahihiyan na nangyari sa akin kanina.

Aishh, Chestinell, batid mo bang ang pangyayaring iyon ay isang kalapastanganan? Isa kang babae, at nasa siglo tayo na kung saan napakakonserbatibo ng mga tao? Paano nalang kapag lumabas sa buong bayan ang tungkol doon? Edi tanggal iyang dangal at reputasyon mo. Magiging kahihiyan iyan talaga sa iyo at sa buong pamilya mo.

Eh, hindi ko naman alam na may tao pala roon na gumagamit eh. Isa pa, wala naman kasing ingay na mula sa kaniya kanina kaya akala ko ay walang tao.

Ibig sabihin, hindi ko kasalanan iyon. Aksidente lamang ang nangyari. Tama. Aksidente lang. Aksidente. Napailing nalang ako at inalis ang eksenang iyon sa isip ko.

Nakababa na ako at pabalik na ako sa kanilang sala mayor nang salubungin ako ng nababahalang tingin ng Donya. “Narito ka lamang pala, hija. Ang aking akala ay umalis ka na,” aniya.

Nginitian ko naman siya, “Ah, hindi po. Nagpunta lamang po ako sa palikuran,” paliwanag ko.

Napatango naman siya, “Ganoon ba? Nakagamit ka ba? Ayos na ba ang iyong pakiramdam ngayon?” usisa niya pa.

Napangiti naman ako ng pilit, “O-opo. Ayos na po ako. Ayos na ayos. Sobra,” sagot ko na may bahid ng pagkasarkastiko sa tono.

Malapad na ngiti naman ang ibinigay niya sa akin, na walang kaalam-alam sa nangyari sa akin, “Mabuti kung ganoon,” tugon niya, “Ay halika, paroroon na tayo sa kainan, naroon na rin sina Luis at Gabriel,” aya niya sabay hatak sa akin papunta sa silid na katapat lamang ng kanilang sala mayor.

Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang isang mahabang mesa sa gitna ng silid. Kasya ang sampung tao roon. Maraming mga kubyertos lalo na ang mga mamahalin at makalumang mga pinggan ang nakadesinyo sa dingding ng kainan.

May isang sakto lang ang laki na aranya na nakasabit sa gitnang parte ng silid, katapat ng isang palaso na nakalagay sa mesa na may lamang bulaklak. Nakahain na sa mesa ang iba‘t ibang mga pagkain at kabilang na roon ang dala ko.

At kagaya ng sabi ng Donya ay naroon na nga ang magkapatid sa mesa at nakaupo sa kani-kanilang pwesto. Si Kuya Luis ay naroon sa kanan na parte na karaniwang inuupuan ng mga panganay na anak, katabi ng kanilang ama. Si Gabriel naman ay kahanay niya ngunit may isang upuan sa pagitan nilang dalawa. Napalingon sa amin ang dalawa lalo na sa akin at sabay silang napangiti at napatayo.

“Mga anak, narito na ang Binibini,” wika ng Donya.

Napatango naman ang dalawa at lumapit sa aming dalawa. Sabay naman silang bahagyang napayukod saka sunod-sunod na bumati.

“Magandang araw, Binibini,” turan ni Kuya Luis sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

Ilang segundo rin akong napatitig doon at iniisip kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Nang mapagtanto ko iyon ay mabilis na itinaas ko sa ere ang palad ko na siya rin namang hinalikan ang likuran nito.

Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya, “Magandang araw rin, Ginoo,” bati ko pabalik.

Bumitaw na rin naman siya matapos akong ngitian at ganoon na lamang ang pagngisi ni Gabriel sa akin.

“Magandang araw, Binibini. Ang iyong lingkod, Ginoong Gabriel,” aniya sabay kindat at halik sa likod ng aking palad.

Mahina naman siya pinalo ng kaniyang ina sa braso, “Gabriel, tigilan mo nga ang Binibini,” saway niya rito na tinawanan ko nalang ng kaunti saka siya binati pabalik.

“Magsiupo na kayo roon,” utos ng Donya sa dalawa saka bumaling sa akin, “Halika rito, hija. Tabi tayo sa pag-upo,” aya niya sabay hatak na uli sa akin papunta sa kabilang banda ng mesa.

Itinuro naman niya ang pangalawang upuan mula dulo na hinuha kong siya ang nakaupo sa una. “Rito ka umupo, hija. Halika,” aniya sabay hatak ng upuan.

Napangiti naman ako, “Hindi niyo na po kailangan mag-abala, Donya Victorina, kaya ko na po,” nakangiti kong pahayag.

Napailing naman siya, “Ikaw ay bisita rito, hija. Nararapat kitang asikasuhin. Isa pa, at baka ang iyong Ina ay magtampo pa na ang kaniyang unica hija ay aking pinabayaan,” paliwanag niya kaya bahagya akong natawa at umupo na lamang doon.

“Marami pong salamat, Donya Victorina,” usal ko ng nakangiti.

“Walang anuman, hija. Maya-maya ay paparito na ang dalawa ko pang mga hijo at si Carlos. Ikaw ba ay nagugutom na?” usisa niya pa.

Mabilis naman akong umiling, “Hindi pa po. Ayos lang po ako, huwag kayong mag-alala,” paniniguro ko sa kaniya.

Tumango naman siya, “S‘ya, rito ka muna ha? Ipapatawag ko lamang sila at ako'y paroroon na rin sa kusina,” paalam niya kaya tumango nalang ako bilang tugon. Mabilis naman siyang naglakad paalis.

Nakangiti nalang akong bumaling sa dalawa na nakatingin pala sa akin. Mabilis ko silang binigyan ng ngiti.

“Ganoon talaga si Ina, napakamaalaga. Lalo na at unang beses mo pang maparito ng hindi inaasahan at mag-isa lamang,” biglang paliwanag ni Gabriel.

“At saka, nasasabik siya dahil bihira lamang na mayroong pumaparito na binibini. Nababatid mo naman na lahat kaming magkakapatid ay lalaki kaya nilulubos na niya ang pagkakataon. Sana huwag kang mayamot sa kaniya” dagdag pa niya.

Mabilis akong napailing, “Naku, ayos lang iyon sa akin. Parang siya rin si Ina. Napakamaalaga at maalalahanin sa akin,” tugon ko. Napangiti naman sila at tumango.

“Bakit ka nga pala naparito, Binibini? Kung hindi mo sana mamasamain ang aking tanong,” pansin ni Kuya Luis sa akin.

Napailing ako, “Hindi naman. Ayos lang. Mayroon kasing pinahatid si Ina sa aking pagkain,” sagot ko.

Dahan-dahan naman siyang napatango, “Ah, iyan nga ang sinabi ni Ina kanina,” turan niya. Mabilis naman siyang sinapak ni Gabriel sa braso niya na siyang ikinadugtong ng kaniyang kilay, “Bakit?” maang niyang tanong.

Tinaasan naman siya ni Gabriel ng sulok ng labi saka ngimiwi, “Alam mo naman pala ang dahilan kung kaya‘t bakit mo pa itinanong?” taas kilay na ani Gabriel.

Nagkibit-balikat naman si Kuya Luis, “Ang akala ko naman kasi ay nagbibiro si Ina,” sagot niya.

Nag-uusap ang dalawa nang bigla ko na namang naalala ang nangyari kanina sa palikuran. Hindi ko alam ngunit bigla nalang ako napangiti at pinipigilan iyon dahil naroon ang dalawa sa harap ko. Pasimple nalang akong napayuko habang nakahawak sa noo ko at kunyaring inaayos ang buhok ko roon at pinipigilan ang ngiti ko.

Bakit parang kinikilig pa yata ako? Akalain mo iyon? Ang tikas pala ng katawan ng Joaquin na iyon. Malamodelo ang dating. Perpekto na talaga kapag naroon siya sa hinaharap at mag-aaplay ng pagmomodelo sigurado akong kababaliwan na talaga siya ng mga kababaihan.

Ano ba ang iniisip mo, Chestinell? Nahihibang ka na. Tumigil ka na ha.

Ngunit kahit pa man anong saway ko sa sarili ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti na sumisilay sa aking labi.

“U-uh, ayos ka lamang ba, Binibini?” biglang tanong ni Gabriel na kaagad kong nilingon.

Doon ko nakitang nakatingin na pala silang dalawa sa akin at bahagya pang nakataas ang kanilang kaliwang mga kilay.

Binigyan ko sila ng pilit na ngiti, “Oo, ayos lang ako. Ayos lang, may naisip lang ako,” palusot ko.

Dahan-dahan naman silang napatango bilang pagtanggap sa sagot ko. Napatingin ako sa gilid ko at pasimpleng umirap at kinurot ang sarili.
Umayos ka, Chestinell. Huwag kang hangal.
Pasimple nalang akong ngumiti sa kanila na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

Sa sandaling iyon din ay pumasok si Leon at kasunod niya ang walang iba kung hindi si Joaquin. Pagkapasok niya ay kaagad na nagtama ang mga tingin namin kaya naman bigla na namang kumabog ang aking puso sa loob ko na siyang dahilan ng hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Hindi ko nababatid kung bakit sa sandaling iyon ay mistulang bumagal ang lahat at tanging kaming dalawa na lamang ang nakikita ko.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papalapit sa amin at paupo sa upuan niya. Sa gitna ni Kuya Luis at Gabriel. Ibig sabihin ay nakaupo siya sa mismong harapan ko.

Nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya at patuloy pa rin sa pagtibok ang puso ko ng mabilis. Ganoon rin naman siya sa akin na hindi ko batid kung ano ang iniisip niya at nakatingin lamang ang kaniyang kayumangging mga mata sa akin.

Napatikhim naman si Leon na siyang dahilan ng pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. “Uh, ako ay saan na uupo ngayon?” aniya na natigil sa dulo ng mesa sa may pinto.

Napatingin naman kami sa kaniya at natawa ng bahagya si Gabriel. “Doon ka na lamang sa tabi ng binibini, Leon. Mukhang may kapalit ka na sa puso ni Ina,” asar pa niya sa kapatid.

Sinimangutan naman siya ni Leon at naglakad na papalapit sa akin na siyang nginitian ko naman. Ginantihan naman niya ako sabay upo.

“Aking narinig Binibini, na kaya ka pumarito sapagkat mayroon kang dalang pagkain,” aniya pa at lumingon sa akin.

Nginitian ko naman siya, “Oo, tama ka. Pinabigay kasi iyon ni Ina. Siya ang nagluto,” tugon ko.

Ngumiti naman siya, na bihira ko lang makita, “Talaga? Saan diyan?” usisa niya at sabay tingin sa mga pagkain na nakahain sa harap namin.

Tinuro ko ang sisig at kare-kare, “Iyang dalawa,” sagot ko.

Nakangiti naman siyang lumingon sa akin, “Batid mo ba, Binibini?” ngiti niya. "Hmm?" Turan ko.

“Isa sa paborito ko ang sisig, lalo na kapag sobrang anghang,” kwento niya.

Napangiti naman ako ng malapad, “Talaga?” hindi makapaniwalang usal ko. “Ganoon din ako, alam mo ba? Paborito ko rin ang mga maaanghang na pagkain. Tsaka tsokolate, paborito ko rin,” kwento ko naman sa kaniya.

Napailing naman siya ng kaunti, “Ay, hindi ako masyadong mahilig riyan. Ayaw ko sa matatamis,” lahad niya. Napataas naman ng kilay ko. Ganoon?

“Huwag kang magpaloko riyan, Binibini. Siya nga ang pinakamatakaw sa aming apat eh. Kaya nga siya ang katabi ni Ina sapagkat nais niya makain ang lahat ng gusto niya,” nakangisi pang ani Gabriel. Kaya napasimangot naman si Leon at natawa ako.

Sinamaan ni Leon ng tingin si Gabriel na nakangisi pa rin sa kapatid. “Subali‘t inyo bang nababatid?” biglang pagseryoso niya kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

“Mayroon akong narinig na sigaw ng isang babae kanina na narinig ko habang ako ay nasa aklatan.”

Dahil doon ay bigla akong napaseryoso. Nawala na ang ngiti ko habang tumitibok ang puso ko dahil sa kaba at mabilis na napalingon kay Joaquin na ganoon din ang paglingon niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya, kinakabahan at baka sabihin ni Gabriel na nakita niya kaming dalawa ni Joaquin na magkasama sa palikuran.

Ngunit akala ko ay papagaanin ni Joaquin ang loob ko, pero siya pa mismo ang nag-udyok kay Gabriel na sabihin kung sino raw ba ang babaeng iyon.

“Talaga? Saan mo naman narinig? Nakilala mo ba ang babae?” sunod-sunod na usisa niya. Namumutla akong napatingin kay Gabriel at naghihintay sa isasagot niya.

Lagot na talaga. Mabubuko na ako. Wala na ang reputasyon ko.

Tumingin naman siya sa akin saka napatitig na parang hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi.

Lagot na talaga. Alam na niya.

Napailing naman si Gabriel, “Hindi. Hindi ko nabatid kung sino iyon. Nagmadali akong lumabas ng aklatan ngunit wala akong nakita,” sagot ni Gabriel na ikinaluwag ng paghinga ko.

Wooh! Akala ko talaga ay malalaman ng ako ‘yon.

Lumigon sa akin si Joaquin at itinaas ang dalawang kilay saka nagkibit-balikat. Napatitig nalang ako sa kaniya at hindi na siya kinibo.

Umiling naman si Kuya Luis, “Kung ano ano na lamang ang iyong naiisip, Gabriel. Nakakasiguro na akong iyan na ang kabayaran ng mga ginagawa mo sa mga binibini. Nawawalan ka na ng bait,” pahayag niya.

Napasimangot si Gabriel, “Totoo ang aking sinasabi,” depensa niya. Napailing naman si Leon, “Huwag mo ng ipagkaila pa, Kuya. Nahihibang ka na. Sa harap ka pa mismo ng Binibini gumaganiyan? Nakakahiya ka,” saway pa ni Leon.

Napakunot ang noo ni Gabriel at bumaling sa akin, “Totoo ang aking sinasabi, Binibini,” palaban niya sa akin, lumingon naman siya kay Joaquin. “Totoo ang aking sinasabi Joaquin,” ulit niya pa. At talagang kami pa talagang dalawa ang sinasabihan niya ng ganiyan.

Nanatili naman na tahimik si Joaquin saka kumuha ng isang basong tubig sabay taas niyon upang inumin, “Ewan ko sa iyo, Gabriel. Imahinasyon mo lamang yata iyan,” aniya pa saka ininom ang tubig.

Napapikit si Gabriel sa pagkairita dahil walang nais maniwala sa kaniya. “Totoo nga ang aking sinasabi eh,” rekamo niya.

“Ano ang sinasabi mong totoo, Gabriel?”

Sabay-sabay kaming napalingon nang may nagsalita sa may pinto. Nakita ko ang Don at Donya na magkasabay na pumasok sa kainan. Nakasuot pa ang Don ng kaniyang uniporme na kulay asul na medyo madilimdilim at ginto. Napatayo ang apat kaya pati ako ay nakisali na rin.

“Huwag niyo po siyang pansinin, Ama. Kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa kaniyang kokote,” mabilis na sagot ni Kuya Luis.

Lumingon naman ang Don sa akin at binigyan ako ng ngiti, “Magandang araw, Binibini. Mabuti at ikaw ay napasyal dito,” aniya.

Kaya isang malapad na ngiti ang sinukli ko sa kaniya, “Magandang araw rin po, Don Carlos. Masaya po akong naparito po ako,” tugon ko.

Ngumiti naman siya habang papalapit sa kaniyang upuan. “S‘ya, magsiupo na tayo,” usal niya nang makarating na siya at nauna na siyang umupo.

Sumunod naman ang apat kaya nakigaya nalang din ako. Kasunod naman si Donya Victorina sa pag-upo sa kaliwa ko. Maya-maya pa ay nagdasal na si Donya Victorina at pagkuwa'y nagsipagkuha na sila ng pagkain.

“Halika, hija. Kumain ka na, huwag kang mahiya,” aning Donya sa tabi ko.

Napangiti naman ako saka tumango. Kaniya-kaniya na silang nagsipagkuha ng pagkain. Hinintay ko nalang na matapos si Joaquin para ako na ang sumunod na kukuha ng kanin.

Yiee, mahahawakan ko ang sandok na ginamit niya. Sheesh! Tumigil ka nga, Chestinell.

“Ano ang nais mo, hija? Kanin?” biglang sabi ng Donya na ikinalingon ko sa kaniya at napatingin ako kay Joaquin na tumingin din pala sa akin.

“Ah, opo. Mamaya po, mamaya,” tugon ko saka napatingin sa pinggan ko.

Napatango ang Donya, “Kanin daw. Joaquin, hainan mo ng kanin ang Binibini,” kagyat na nahulog ang puso ko dahil sa narinig.

Nanginginig akong napalingon sa Donya, “Hindi na po, huwag na pong mag-abala. Kaya ko na po, pagkatapos niya nalang,” sunod-sunod ko pang pagpigil.

Napalingon ako nang mapatayo si Joaquin saka yumuko sa direksiyon ko at inabutan ako ng kanin bago pa man ako makapigil sa kaniya. Wala nalang akong magawa kundi ang pagmasdan siyang gawin iyon.

Dahan-dahan niyang nilalagyan ang aking pinggan ng kanin. Maingat niyang ginagawa iyon ngunit may kabilisan. Kitang kita ko ang galaw ng kaniyang kamay na sobrang swabe.

Napatitig naman ako sa kaniyang mukha na seryoso sa kaniyang ginagawa ngunit may kaunting ngiti sa labi. Napadako naman ang tingin ko sa kaniyang lalagukan na gumagalaw sa may ilalim ng kaniyang baba habang lumulunok.

Bakit ba mas lalong kikisig siya kapag nasa malapitan? Iyong parang gusto ko nalang na titigan siya ay ayos na sa akin dahil mabubusog na ako roon.

Agad akong napaiwas ng tingin nang bigla siyang gumalaw at umatras na para bumalik sa kaniyang upuan. “S-salamat,” usal ko saka kinakabahan na tumingin sa kaniya.

Doon ko nasilayan ang kaniyang mukhang may ngiti. Tipid siyang ngumiti sa akin saka tumango. Mukhang hindi siya naapektuhan sa nangyari sa kaniya sa palikuran kanina at parang wala man lang siyang naiilang na pakikitungo sa akin. Nahihiya naman akong ginatihan siya saka umiwas na ng tingin at kumuha na ng ulam. Siyempre iyong sisig na luto ni Ina.

“Kumusta na pala si Floren, hija?” tanong ng Donya ilang sandali matapos akong kumuha ng pagkain.

“Ah, ayos lang naman po si Ina. Naroon po siya ngayon sa tanggapan ni Ama, tinutulungan niya po roon si Ama eh,” tugon ko saka sumubo na ng pagkain.

“Siya ba? Talagang napakabait at maalalahanin nga talaga ni Floren,” pahayag niya na nginitian ko naman saka tumango na rin.

“Oo nga po eh. Sobra,” turan ko.

“Ang iyong mga kapatid, kumusta naman sila? Mayroon na ba silang mga kasintahan? May balak na bang makipag-isang dibdib ang isa sa kanila?” usisa pa ng Donya na mistulang nakikichismis pa.

Natawa naman ako ng bahagya, “Wala pa po, eh. Si Kuya Lucas pa lamang ay may kasintahan at mukhang matagal pa yata silang magpapakasal ni Ate Guada,” pahayag ko.

Tumango naman ang Donya, “Mabuti naman kung ganoon. Hindi madali ang pag-aasawa kung kaya't hindi iyon nararapat na madaliin. Mas mainam na kilalanin muna ang isa’t isa,” wika niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. “Itong aking mga hijo ay wala pang mga kasintahan ang lahat ng ito,” lahad ng Donya.

Napatingin naman ako isa isa sa kanila. Tumingin si Kuya Luis sa akin at bahagyang ngumiti. Sa tingin ko ay wala pa naman yatang balak si Kuya Luis na magkaroon ng kasintahan.

Si Gabriel naman, mukhang ayaw pang magtino at nais pang makipaglaro sa mga puso ng mga binibini.

Si Leon, masyado pang bata si Leon, labing walo pa yata siya at masyado pa siyang bata para sa ganoon.

At si Joaquin, wala pa siyang kasintahan? Eh hindi ba si Clara ang kasintahan niya? Teka, hindi ba nila sinabi sa mga magulang nila ang kanilang relasyon?

Sandali, ito yata iyong dahilan kung bakit sila nag-away noong gabi ng kaarawan ni Ama. Iyon ba?  Iyon nga yata. May kasintahan na ang taong iyan kaya bawal ko na na siyang pagpantasyahan.

“Hindi ko sila pinipilit na magkaroon, lalo na si Leon dahil labin-walo pa lamang siya,” O ha? Sabi ko na eh. “Ngunit, minsan ay nababahala akong baka ay habangbuhay na lamang silang walang kasintahan. Baka hindi man lamang nila mararanasang magkaroon ng kabiyak at mga supling,” nababahalang pahayag ng Donya.

Napatingin nalang ako sa Don nang nakailing siyang ngumiti na tila naaliw sa reaksiyon ng asawa.

Binalingan ko na lamang ang Donya saka ngumiti, “Huwag po kayong mabahala, Donya Floren, hindi naman siguro mahirap iyon,” pagsisiguro ko sa kaniya.

“Mababait naman po ang mga Ginoo at saka...makikisig din po kagaya ng Don kaya naman po darating din po ang araw na may magmamahal sa kanila kagaya po ng pagmamahal niyo sa Don,” dagdag ko na ikinalingon ng Donya at seryosong nakatingin sa akin.

Mabilis akong ngumisi at tumango sa kaniya. Ngumiti naman siya bigla, “Oo nga, tama ka riyan. Ganoon nga ang aking iniisip,” sabi niya. “Kung kaya‘t iyo ng nilahad, ano ang masasabi mo sa aking mga hijo, Binibini? Mayroon ka bang napupusuan,” nakangising ani ng Donya.

Dahil doon ay nawala ang ngiti ko at hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay sa kaniya. Ganoon din yata ang apat na nagulat sa sinabi ng kanilang ina na sabay pang nasamid sa kanilang iniinom at kinakain.

“P-po? Ano pong ib-ibig niyong sabihin?” gulantang kong tanong. Nakakagulat naman itong Donya.

Mas lalong napangisi ang Donya, “Baka sakaling ikaw ay mayroong napupusuan sa kanila o kung hindi naman kaya ay pasok sa iyong pamantayan,” nakangiti pa niyang pag-aalok.

Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Magkasabay naman na nagsipagtikhim ang apat at saka ay inayos ang kanilang mga kubyertos at magkarugtong ang kilay na tumingin sa Donya.

“Ina, kami ba ay inyo ng ibinibenta sa Binibini?” di makapaniwalang usal ni Kuya Luis. Hindi naman siya pinansin ng Donya at sa halip ay nakangisi pa rin habang lumingon sa akin.

“Si Luis, batid mo namang siya ang aming panganay. Siya ay dalawampu’t apat na taon na. Mabait siya, maalaga, maalalahanin, at saka matulungin. Kung siya ang iyong pipiliin, tiyak akong magiging masaya ka sa kaniya. Sa aking palagay ay limang taon lamang ang inyong agwat ngunit hindi naman iyan magiging problema dahil wala sa edad iyan, nasa nararamdaman at sa pagmamahal,”pagsisimula ng Donya.

Nababahalang tingin naman ang ibinigay ni Kuya Luis na may kaunti hiya, “Ina,” pagsaway at pigil niya sa Donya pero hindi siya nito pinakinggan.

“Ang pangalawa ay si Joaquin. Siya ay dalawampu’t tatlong taon. Malapit na rin siyang matapos sa kaniyang pag-aabogasya kaya kapag siya ang iyong pinili, mukhang iilang buwan pa yata kayo marahil na makakaisang dibdib, pero batid ko namang ikaw ay handang maghintay. Mabait rin iyan si Joaquin, maalalahanin at mapagmahal, madalang nga lang siyang ngumingiti sa iba ngunit kapag siya ay ngingiti ay iyong makikita ang pagmamahal niya sa iyo mula roon. Kung kaya’t kapag siya ang iyong pipiliin, ito ay iyong hinding-hindi pagsisisihan,” pahayag pa uli ng Donya habang nakangisi pa rin.

Pilit na ngiti lang naman ang ibinigay ko saka sinulyapan ang tatlo na nasa harap ko na nakayuko lang at umiiling na nagpatuloy sa pagkain.

“Si Gabriel naman ang pangatlo. Madalas iyong pilyo at pasaway ngunit seryoso rin naman iyang sa kaniyang buhay. Nais ko na nga sanang makilala na niya ang binibining magkakapagpatanto sa kaniya sa kaniyang mga maling mga gawi,” may kalungkutan na ani Donya. “Mabait din iyang si Gabriel. Maalalahanin, matulungin, mapagmahal, at maginoo rin,” dagdag ng Donya.

Napangiti naman si Gabriel dahil sa puri na narinig, “Salamat, Ina. Subali’t mahal ko pa ang aking buhay. Ako na ang aayaw sa Binibini,” nakangising aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Wow, ang kapal ha? Siya pa itong nag-iinarte. Parang pipiliin ko naman siya eh hindi naman.

“Hindi bali, itong si Leon naman-”

“Ina, pakiusap. Parang awa mo na Ina, huwag mo na akong isali,” may bahid ng pagmamakaawa ang boses ni Leon nang putulin niya sa pagsasalita ang kaniyang Ina.

Hindi ko lubos akalaing ibibenta pala ni Donya Victorina ang kaniyang mga anak sa akin. Mukha tuloy kaming nagpresyuhan at nagtimbangan sa kanila. Kung maaari nga lang sana ay si-huwag na nga lang. Ano ba ang iniisip mo, Chestinell? Pwede bang magtigil ka na?

“S'ya, Binibini, ano ang iyong pasya? May pumasa ba sa kanila?” ngitingiti pang ani Donya.

Napainom naman ako ng tubig saka nakangiti ng bahagya na lumingon sa kaniya. “A-ah, hindi ko po alam, Donya. Wala pa kasi sa isip ko ang mga bagay na iyan. Ngunit kapag darating naman siguro ang tamang taong para sa bawat isa ay iyon na ang para sa kaniya. Hindi na kailangan pang pumili dahil ang puso naman ang tuturo sa atin kung sino,” tugon ko.

Napaturo naman si Kuya Luis sa hangin, “Iyon ba ay narinig niyo Ina? Narinig niyo po? Tama ang Binibini. Nakakahiya na tuloy sa kaniya, Ina. Ano nalang ang sasabihin sa akin ng kaniyang mga kapatid?” nakasimangot pang aniya.

Bahagya namang natawa ang Donya na nakatingin sa kaniya at lumingon sa akin sabay ngiti, “Tama ka riyan, Binibini. Ipagpaumanhin mo ang akong mga pahayag kanina lamang,” wika niya sabay hawak ng kamay ko.

Napangiti naman ako ng malapad, “Ayos lang po iyon, Donya Victorina. Wala pong problema sa akin iyon. Nakakasiguro akong ganoon din ang gagawin ni Ina kina kuya kapag mayroon lang talagang bibisitang binibini sa bahay,” paniniguro ko.

Umiling naman siya, “Hindi naman. Batid kong hindi pa niya nais na makita kayong maipag-isang dibdib at magkaroon ng pamilya,” depensa niya.

Naalala ko naman ang sinabi ni Ina noong nakabisita ako sa tanggapan nila. Oo nga noh? Naalala kong ayaw pa nga niya talaga.

“Subali’t iyong huwag kalimutan ang aking proposisyon sa iyo ha? Kung mayroon kang napupusuan sa kanila, ako ay iyong kaagad na paalamin,” nakangising aniya. Kaya bahagya nalang akong natawa sa inasal ng Donya.

“Batid mo bang pinahilian ko ang iyong Ina, sapagkat may unica hija siya. Ninais ko ring magkaroon ng anak na babae,” nakangiting aniya habang nakangiting tumitig sa akin. “Ngunit, sila lamang ang ibinigay ng Panginoon sa akin. At laking pasasalamat ko ay sobrang bait nilang mga anak,” pahayag ng Donya.

Halos puputok na yata siguro ang mga ulo ng mga lalaking ito sa laki dahil sa pauli-ulit na pagdinig sa mga pagpuri ng kanilang Ina sa kanila.

“Tama po kayo. Batid po kasi ng Panginoon ang kailangan ninyo, at sila po iyon,” ngiti ko.

Tumango naman kaagad ang Donya. Hinawakan naman siya ng Don sa braso, “Aking pinakamamahal, hayaan mo munang kumain ang Binibini. Masdan mo ang kaniyang pinggan at halos walang naggalaw na pagkain,” singit pa ng Don sabay nguso sa pagkain kong kaunti nga lang talaga ang nakain.

Natawa naman ang Donya at napailing, “Iyong ipagpaumanhin, hija. Nasasabik lamang talaga akong ikaw ay makausap,” pagpaumanhin niya.

“Hindi naman po. Ayos lang po sa akin,” ngumiti ako.

“S‘ya, mamaya na lamang tayo mag-usap. Kumain ka muna. Luto pa naman iyan ng iyong Ina,” aniya saka nilagyan pa ng ulam ang plato ko, “Heto pa. Kumain ka ng marami ha?”

Ngumiti nalang ako habang pinagmasdan siyang lagyan ang plato ko. Kaagad naman akong sumubo dahil nagugutom na rin ako.

Napaangat ang tingin ko habang nginunguya ko ang pagkain at ganoon na lamang ang pagtigil ko nang makita kong nakatingin pala sa akin ang taong nakaupo sa harap ko. Seryoso siya ngunit may ngiting nakasilay sa labi habang nakatingin sa akin at kumakain.

Lumaki naman kaunti ang mga ngiti niya kaya naman agad ko siyang sinuklian bago siya nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko batid kung bakit bumilis na naman ang tibok ng aking puso at pasimple akong napangiti.

Wala na, Chestinell. Malala ka na. Kailangan mo ng pumunta ospital ng mga may problema sa pag-iisip.





Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 1.2K 18
Penful Aqua got accident because she wanted to escape those people who hurt her, and after that incident she met this guy named Ausvein Aphie who hav...
45.6K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...
84.5K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
3.2M 91.4K 86
An unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of...