South Boys #2: Heartbreaker

Da JFstories

13.3M 748K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 29

141K 9.6K 6.7K
Da JFstories

NAKAKALUNOD.

Nalulunod ako sa mga halik Jordan. Hindi na ako makahinga pero ayaw niya pa ring tigilan ang mga labi ko. Ibinaba niya ang katawan ko sa kama at pagkatapos ay dumagan siya sa ibabaw ko.

Doon ako napadilat at marahan siyang itinulak sa balikat. Hindi siya tuminag at hinuli niya lang ang magkabila kong pulso para ilagay sa aking uluhan. Parang magigiba ang dibdib ko sa kaba habang mas lumalalim pa ang mga halik niya.

"Uhmm..." umalpas ang ungol sa akin nang ipinasok niya ang mainit na dila sa bibig ko. Lalo na akong hindi makahinga.

Ang pusok ng bawat atake niya. Ngayon lang niya ako hinalikan sa paraang ganito. Hindi naman siya lasing kaya bakit ganito siya?

Sinubukan kong igalaw ang mga pulso ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga ito. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Natutuliro ako.

Lumipat ang mga halik niya sa aking pisngi kaya nakahinga ako kahit paano. Humihingal ako at muling napahingal nang bumaba ang mga labi niya patungo sa aking leeg. Ang init ng hininga niya sa tumatama sa balat ko, nakukuryente ako.

"J-Jordan..." Nakagat ko ang ibabang labi sa kakaibang sensasyon na gumagapang sa sistema ko.

Siniil niya ulit ng halik ang mga labi ko at naging mapangahas ang mga kamay niya sa aking katawan. Hinahaplos niya ang bewang ko pababa sa aking balakang, at pataas ulit hanggang sa mahawakan niya ang laylayan ng T-shirt na suot ko.

Saglit akong naparalisa nang nasa mismong balat ko na ang mainit na palad niya. Naipasok niya na pala sa loob ng T-shirt ang kamay niya, at ngayon ay nasa tagiliran ko na. Marahan niya akong hinahaplos doon na tila sinusukat niya ang aking bewang.

Hindi ko na alam kung saan magf-focus, kung sa pangahas niyang mga kamay, sa mainit niyang mga labi, o sa matigas na bagay na marahang nakadiin sa isang hita ko. Nangatal ang mga labi ko at hindi ko namalayang nanginginig na rin ang aking katawan.

Huminto si Jordan sa paghalik sa akin at tinitigan niya ang mukha ko. Napakurap-kurap siya at pagkatapos ay nagtagis ang mga ngipin niya.

Ibinaba niya ang T-shirt ko na bahagyang tumaas dahil sa pagpasok ng kamay niya kanina. Nang maiayos ang T-shirt ko ay umalis siya sa ibabaw ko.

"S-saan ka pupunta?" lutang at nagtatakang tanong ko.

"Saglit lang." Hindi niya ako sinagot. Hinalikan niya ulit ako nang mabilis sa labi saka siya tuluyan ng tumayo.

Kinuha niya ang tuwalya niya na naka-hanger sa pader saka siya lumabas ng pinto. Naiwan akong mag-isa sa kwarto niya.

Kahit wala na si Jordan ay ang tagal pa bago bumalik sa normal ang aking paghinga. Naghahalo ang gulat at pagkalito sa aking sistema. Wala sa loob na nakapa ko ang aking mga labi. Mahapdi nang kaunti at bahagyang maga ang mga ito.

Ano ba iyong nangyari kanina? Bigla-bigla na lang. Hindi ko inaasahan. Hindi ko rin masabi na hindi ko gusto. Hindi tumututol ang katawan ko, bagaman iba ang gusto sabihin ng utak ko.

Bumangon ako at inabot ang aking phone sa bedside table. Binuksan ko ito at ang unang message na lumitaw sa screen ay galing kay Isaiah. Tumiim ang mga labi ko agad pagkakita sa message niya.

Isaiah:

Sorry...

Iyon lang at wala na siyang iba pang sinabi. Hindi rin niya sinubukang tumawag o kahit missed call. Alam ko na kung bakit.

Mapait akong napangiti. Akala ko magiging perpekto ang lahat sa amin ni Isaiah kasi nagkakaunawaan kaming dalawa. Alam ko kung paano siya nasaktan kay Vivi at alam din niya ang pinagdadaanan ko. Akala ko hindi kami gagawa ng kahit ano na pwedeng ikasakit ng isa't isa, mali pala. Pareho kaming mahina. Napailing ako.

May message din si Mommy sa akin. Nag-aalala raw siya. Pinapauwi niya na ako. Wala akong maramdamang kahit ano. Kahit iyong pag-aalala na sinasabi ni Mommy, hindi ko magawang paniwalaan sa pagkakataong ito. Pinatay ko na ulit ang phone at saka muling nahiga.

Nakatitig ako sa kisame ng kwarto ni Jordan habang naglalakbay ang isip ko. Hindi ko akalain na dito ako sa kanya dadalhin ng mga paa ko. Na para bang sa mga oras na kailangang-kailangan ko, siya pa na taong aking tinalikuran ang handang saluhin ako.

Sinubukan ko nang umiwas kay Jordan para sa ikabubuti niya, kaya lang heto, nandito na naman ako at nanggugulo. Siya naman ay basta na lang akong tinanggap. Matigas din talaga ang ulo niya kaya bahala siya.

Nakaka-idlip na ako nang maulinigan kong bumalik na si Jordan. Nalalanghap ko sa hangin ang mabangong amoy ng shampoo. Parang Dove for men, ewan ko. Basta mabango. Hindi na ako nakadilat kasi antok na antok na ako. Mayamaya ay lumundo ang kama ng tumabi na siya sa akin.

Sa likod ko siya pumuwesto dahil nakatalikod ako sa kanya ng higa. Naramdaman ko ang paghila niya sa akin paharap sa kanya, pagkatapos ay niyakap niya ako sa baywang. Hindi ko na naalala ang mga sumunod dahil kinain na ulit ako ng pagod at antok.

Lumipas ang mga oras na lumalalim ang tulog ko at humihigpit din ang brasong nakayapos sa akin.

Naalimpungatan ako na may kumakatok mula sa kung saan. May parang tanga na paulit-ulit na tumatawag ng "kuya". Feeling ko panaginip lang so deadma.





NAGISING AKO NA HINDI MAKAHINGA.

Sinubukan kong kumilos pero hindi talaga ako makagalaw. May nakadagan na mabigat sa akin. Dumilat ako at familiar na kisame ang aking namulatan.

At kaya pala mabigat, nakasubsob sa leeg ko si Jordan. Yakap niya ako at tinatandayan din sa hita. Lintek! Ang bigat niya lalo pag tulog.

"Jordan, di ako makahinga..." bulong ko sa kanya.

Pinilit kong lumayo ang kaso ay humigpit lang lalo ang yakap niya sa akin. Pinitik ko siya sa noo pero umungol lang siya at lalong nagsumiksik sa leeg ko.

Napalingon ako sa sikat ng araw na lumalagos sa manipis na kurtina ng glass window malapit sa kinahihigaan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tirik na ang araw. Hinagilap ko ang orasan sa pader at doon nakita ko ang oras, 11:20am.

Shit! Tanghali na at hindi kami nakapasok ni Jordan sa school!

Kahit anong tulak ko kay Jordan, hindi niya talaga ako binibitiwan. Ang ginawa ko, pinisil ko ang matangos niyang ilong hanggang sa hindi na siya makahinga.

Humihingal siyang napabangon. Instant gising siya. Napamura pa siya na ngayon ko lang narinig.

"Anong oras na o!" sabi ko. "Hindi tayo nakapasok!"

Hinagilap ko ang phone namin sa bedside table. Ang kanya ang una kong nakita. Dinampot ko iyon para i-double check ang oras. Umasa pa rin ako na baka mali iyong relo, ang kaso kahit sa phone ni iPhone ni Jordan ay mag-a-alas dose na.

May 3 missed calls at 10 unread messages siya rito mula kay Jillian. Anak ng! Badshot na naman ako!

"Alam kaya ng pamilya mo na di ka nakapasok ngayon?" nag-aalalang tanong ko.

Hindi siya sumagot. Bumalik siya sa pagkakahiga, at hinila ako sa braso sanhi para mapahiga ulit ako. Babangon sana ulit ako nang yakapin niya ako sa bewang.

"Jordan, ano ba? Di ka ba nagwo-worry? Hindi tayo nakapasok!"

"I'll call Jillian later," kalmadong sabi niya na parang di big deal na absent na naman siya.

Kinailangan ko siyang tingalain dahil napasubsob ako sa kanyang leeg nang hilahin niya ako. "Anong sasabihin mo sa kanya? Ano bang pinag-usapan niyo kagabi? Saka alam na ba ng parents niyo na nandito ako?"

Umiling siya at hinigpitan lang ang pagkakayakap sa akin. Sa dami ng itinanong ko ay wala man lang siya kahit isang sinagot.

"J-Jordan, pwede pa tayong pumasok sa tanghali..." Naiilang ako sa pwesto namin lalo nang ibaba niya ang sarili hanggang sa siya na ang nasa leeg ko.

Bumaba pa siya lalo hanggang sa nasa sikmura ko na siya. Sumubsob siya sa tiyan ko habang ang isang braso ay nakayakap sa aking bewang.

"J-Jordan, ano ba?! A-ayaw mo bang pumasok?" Pasimple ko siyang itinutulak.

Bumangon naman siya at tinaasan ako ng kilay. "How can you go to school? Marumi ang uniform mo. Naka-lock din ang kwarto ni Jillian kaya hindi kita makukunan ng damit."

Bumangon na rin ako. "E di ikaw na lang pumasok." 

"And how about you?"

"Uhm, uwi na lang ako." Mas importante na makapasok siya kaysa sa akin. Graduating na siya ng senior high, plus hindi siya sanay na uma-absent.

"Uuwi ka?" Parang hindi siya masaya sa sinabi ko.

"Ewan ko." Nagkibit ako ng balikat. Pwede naman akong magpagala-gala muna sa kung saan, 'tapos kapag feel ko nang umuwi ay saka na ako uuwi.

"Bukas na lang tayo pumasok."

"E absent ka na naman!" 

"Wala kaming exams ngayon." Umalis na siya sa kama. Napaka-kalmado niya na parang ipinararating sa akin na dapat chill lang din ako.

Paano ako magiging chill? Nagsisimula na naman akong ipahamak siya.

Tiningnan ko siya. Cool lang talaga siya. Hinahagod niya ng mahahaba niyang daliri ang kanyang buhok. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.

"Iyong madali na lang lutuin. Kahit instant," tamad na sagot ko. Sakit na ng tiyan ko sa gutom. Mabigat din ang pakiramdam ko.

"May spam diyan. Magprito rin ako ng itlog pandagdag—" Natigil siya sa pagsasalita at napalunok nang mapatingin siya sa kumot na nasa gawing mga binti ko.

"Bakit?" Sinundan ko naman ang tinitingnan niya. Napanganga ako nang makitang may maliit na mantsa ng dugo sa kumot.

Napatalikod agad si Jordan. Ang kalmado niyang aura kanina ay ngayo'y nabahiran ng pagka-tensyon. Kinuha niya ang tuwalya na ginamit niya kagabi at namumula ang mukha niya nang iabot niya iyon sa akin. 

"You should take a warm shower. Uh, ano bang kailangan sa ganyan? Uh, sarado iyong kwarto ni Jillian."

Hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin siya. "Ibili mo na lang ako sa tindahan."

Saglit siyang napatitig sa akin. "O-okay. W-what brand?"

"Kahit ano basta no wings. Nasabit kasi sa underwear pag may wings." Hindi ko alam kung bakit pati iyon ay nasabi ko pa sa kanya.

Napayuko naman siya at napahilot ng mahahabang daliri sa kanyang sentido.

"'Bili mo rin ako toothbrush, ah? May grocery ba rito malapit?"

Tumango siya. Nauna na siyang lumabas ng kwarto. Ako naman ay kumuha ng pamalit sa closet niya. White plain shirt at black na jersey shorts ang pinili ko. Napahinto ako sa pagsasara ng pinto ng closet nang may maalala. Shit! Underwear pala!

"Jordan, saglit!" Hinabol ko siya sa may sala ng bahay nila bitbit ang tuwalya at pamalit na damit.

"Why?"

Napakamot ako ng pisngi. "K-kailangan ko ng panty..." nahihiyang sabi ko.

"Ah..."

Pumunta siya sa likod ng bahay nila at pagbalik niya ay may dala na siyang underwear. Hindi siya makatingin sa akin nang iabot ang kapirasong saplot.

"Uh, malinis ito. Kay Jillian ito."

Tinanggap ko naman. Yellow iyong underwear 'tapos may mukha ni Pikachu sa harapan. Napangisi ako. Ganito pala mga type na panty ni sissy.

"Naglaba siya noong Sunday. M-mabuti hindi pa niya nakukuha sa cabinet sa likod," paliwanag niya kahit di ko naman itinatanong.

"Ah, ibig sabihin maraming mga underwears doon kasi naglaba kamo si Jillian?" tanong ko habang tumango-tango. "So bakit si Pichachu ang napili mo?"

Nagtagis ang mga ngipin niya saka siya tumalikod. "Bibili na ako sa labas."

"Oki!" Pigil ang tawang kinawayan ko na siya. Ang pikon naman talaga.

Sa banyo na nila ako dumiretso. Naghubad na agad ako, may tagos ang underwear ko at iyong shorts ni Jordan. Kaya pala ang init ng ulo ko buong araw kahapon. Pero araw-araw naman talaga mainit ang ulo ko. Minsan naman M-W-F o kaya T-TH-S plus S.

Itinaas ko ang shorts ni Jordan na may stain ng dugo. Napangiwi ako kahit maliit lang naman ang stain dahil pasimula pa lang ang mens ko, nakakahiya pa rin. Nakakainis talaga. Wrong timing.

Irregular kasi ako kaya minsan hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon. Sumakto pa ngayon kung kailan hindi ako nakapag-panty liner, 'tapos iniwan ko pa iyong bag ko sa amin. Hayst.

Kinusutan ko muna sa lababo sa banyo ang shorts saka iyong underwear ko. Ginamit ko iyong Irish Spring soap nila dahil wala namang sabong panlaba rito. Saka sa blood stains, mas mabisa ang mabangong sabon kaysa detergent.

Pagkalaba ay ko sa bathroom towel hooks ang mga nilabhan. Babalikan ko mamaya iyong underwear ko pag pauwi na ako. Tumutulo pa kasi. Nahihiya naman akong ipa-dryer pa iyon sa washing machine nina Jordan.

Tumuloy na ako sa pagligo. Ginamit ko ang heater nila sa shower. Ayoko kasi na malamig ang tubig panligo kapag first day ng period ko.

Ini-enjoy ko ang pagsahod sa shower nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto. Lumapit ako roon at binuksan iyon. Isinilip ko ang mukha ko. Si Jordan ang nasa labas, nakatalikod siya sa akin at nakadukwang ang kamay niya na may hawak na paper bag. Nandoon siguro ang pads at toothbrush ko.

"Thankie!" Kinuha ko agad iyon sa kanya.

Hindi pa rin siya lumilingon hanggang sa maisara ko na ulit ang pinto.

Pagkasara ng pinto ay bumalik na ako sa shower. Nag-shampoo na rin ako at nagsabon, ginamit ko iyong toiletries na nasa basket na pink. Kay Jillian siguro. Ang bango ng sabon niya kaya dalawang beses akong nagsabon.

Habang naliligo ay nag-iisip-isip ako. Ngayon ako nagka-chance na pagnilayan ang mga nangyari. Iyong kina Mommy at Daddy at pati na rin kay Isaiah.

Kina Mommy at Daddy, hindi ko alam kung bakit imbes na matuwa ay na kami na ang napili ni Daddy, kami na ang magiging legal na pamilya, ay kabaliktaran ang nararamdaman ko. Nasusuka ako.

Hindi na kasi ako umaasa na magiging buong pamilya pa kami. Nasanay na ako na kami lang ni Mommy. Hanggang sa lumaki ako at magka-isip, namalayan ko na lang na wala na akong pakialam kung may kompleto ba akong pamilya o wala. Minsan nga, feeling ko mag-isa lang ako sa mundo. Ayos naman ako.

And about Isaiah, nanggigil talaga ako sa lalaking iyon. Gusto ko siyang balatan ng buhay at pagkatapos ay pagulungin sa asin.

Mag-on kami. Mutual ang desisyon namin na maging kami kahit pa sabihing padalos-dalos at mabilis ang pangyayari. Sinikap kong maging loyal sa kanya kahit ang cute-cute ni Jordan noong nag-joyride kami. Pero siya? Lintek siya, nakipagbasag-ulo siya kay Eli para sa ex niya!

Iba ang samahan naming dalawa bago pa ako magka-feelings sa kanya. Bukod sa magkaibigan ay para na rin kaming magkapatid. Open ako sa kanya, at alam niya ang lahat ng insecurities ko.

Pero para siyang others dahil sa ginawa niya. Basta niya ako iniwan sa ere. Kung gusto niya namang magpaka-martir kay Vivi, ayos lang naman sa akin e. Basta sabihin niya lang para masapak ko muna sana siya.

Nang makatapos sa pagligo ay napatitig pa muna ako sa tuwalya ni Jordan. Ginamit niya ito kagabi kaya hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano. Ipinilig ko ang aking ulo at pikit matang ipinamunas na sa basa kong katawan ang makasalanang tuwalya.

Sumunod kong dilemma ay iyong underwear ni Jillian. Walang kamalay-malay si Sissy na gagamitin ko ito. Pero wag siyang mag-alala, isasauli ko naman. Lalabhan ko pa at pakukuluan.

Pagkadamit ko ay nagtoothbrush din ako gamit ang bagong toothbrush. Iyong tuwalya naman ay inikot ko sa aking basang buhok. Paglabas ko ng banyo ay nakahanda na ang pagkain namin. Ang ulam namin ay spam at tortang itlog. Iyong kanin naman ay kanina pa yatang umaga, tira nang almusal ng pamilya niya.

Naglalagay na ng mga plato si Jordan sa mesa, at ang cute niya. May suot siyang kulay light green na apron. Pigil ang ngisi ko na lumapit sa kanya.

Nang mapatingin naman siya sa akin ay ngumiti siya. "Kumain ka muna habang tulog pa ang mga bata. Wala kong pasok ngayon sa opisina kaya pagsisilbihan kita."

Doon na ako natawa. "Okay, ano ba 'yang niluto mo? Dapat masarap 'yan dahil nakasasalay diyan kung makakaisa ka mamaya."

Namumula siya habang naiiling nang ipaghila ako ng upuan. Siya rin ang nagsandok ng kanin para sa akin.

Kumain kami na tahimik lang. Hindi niya na naman ako tinanong kung ano ang nangyari, hindi niya ako inusisa. Nakakatuwa lang. Pagkatapos naming kumain ay ako ang naghugas ng pinagkainan. Siya naman ang nagpunas ng mesa.

Ang towel niyang ginamit ko ay ilalagay ko na sana sa hamper nang kunin niya sa akin. Hindi na ako nakaalma nang pumasok na siya sa banyo para maligo. Iyon din ang gagamitin niya. Shit, basa-basa pa iyon kasi kagagamit ko lang!

Mabubuko niya ako na ginamit ko iyong toiletries ni Jillian!

Ang tagal ni Jordan sa banyo kaya napagpasyahan ko na pumunta sa kwarto niya para kunin ang kumot na namantsahan ko. Pagpasok ko sa loob ay napangiwi agad ako nang makitang nanuyo na ang mantsa.

Agad kong kinuha ang kumot at saka itinupi. Pagkatapos ni Jordan sa banyo ay kukusutin ko sa sabong mabango ang mantsa para maalis agad. Kapag wala nang bakas ay saka ko ilalagay sa hamper nila. Niligpit ko rin ang higaan bago ako lumabas ng kwarto.

Pagbalik ko sa sala ng bahay ay nakalabas na si Jordan sa banyo. Grey na plain shirt ang suot niya at blue jersey shorts. Basa pa at bahagyang magulo ang kanyang buhok. Nasa balikat naman niya nakasampay ang tuwalya.

May tumawag sa kanya sa phone kaya sinamantala ko na pumasok sa banyo. Bitbit-bitbit ko ang kumot para kusutan ang bandang may mantsa.

"No, Jill," naulinigan kong sabi niya sa kausap sa kabilang linya.

So si Jillian ang kausap niya. Ano kayang pinag-uusapan nila? Matapos kong magkusot ay lumabas na ako ng banyo. Na-curious ako sa usapan kaya pasimple akong nakinig.

"Yeah, she's still here. Please, don't tell mom about this."

Napalunok ako.

Matagal ulit bago nagsalita si Jordan. Nagpakawala siya ng paghinga. "Anong 'sabi ni Dad?"

Ha? Nahugot ko ang aking paghinga. Alam ba ng dad nila na nandito ako?!

"Alright. Thanks, Jill. Ako na kakausap kay Dad mamaya. Ingat ka diyan. Kumain ka na ba ng lunch?"

Pinagpawisan ako nang malamig. Hindi ko pa sigurado kung alam ng dad nila pero kinakabahan ako. Kung sakaling alam ni Mr. Herrera, ano ang nasa isip niya? Shit! Shit! Ayaw ko ring i-confirm kay Jordan dahil natatakot akong malaman.

Napalingon si Jordan sa akin matapos niyang ibaba ang phone. Napatingin siya sa hawak-hawak kong kumot.

"Uhm, saan iyong hamper ng mga ganto?" pa-inosenteng tanong ko. Nagpanggap ako na walang narinig sa pakikipag-usap niya kani-kanina lang.

"Akin na." Humakbang siya palapit sa akin at kinuha ang kumot. Sinundan ko naman siya ng tingin kung saan niya dinala ang kumot. Pagbalik niya ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila pabalik sa kwarto.

"Jordan, sa sala na lang tayo..."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Maaga pa. 1:00pm. Pinilit ko pa rin siya na pumasok pero ayaw niya talaga.

Pinaupo niya ako sa gilid ng kama saka siya tumabi sa akin. Isinandig niya ang ulo sa balikat ko. "How are you feeling?"

Nang i-angat niya ang mukha ay may kung anong damdamin akong nakita sa kulay tanso niyang mga mata. Napakurap ako nang marahan niya akong itulak pasandal sa headboard ng kama niya.

Ang isang kamay niya ay itinuro ang ilalim ng aking sikmura. "Di ba ito masakit?"

"Ha?" Muli akong napakurap.

Ang hintuturo niya na nasa aking bandang puson ay marahang dumiin doon. Saka ko na-gets ang pinupunto niya. Pinanlakihan ako ng mata kasabay ng aking pamumula.

"Si Jillian nagho-hot compress bag pag meron siyang ganyan."

Hinawakan ko ang kamay niya na nakaturo sa akin. "H-hindi naman ako nagkaka-menstrual cramps. Mabigat lang pakiramdam ko saka gutumin."

"Then rest here. Kung may gusto kang kainin, sabihin mo sa akin."

Lumabi ako. "Uuwi na ako mayamaya." Ayaw kong maabutan dito ng pamilya niya.

"Ihahatid kita."

Ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya ay ikinulong niya sa kanyang palad. Hindi niya ito pinakawalan. Nang salubungin ko ang mga titig niya ay napaso ako. Umiwas ako ng tingin para lang mabigla nang bigla niya akong halikan nang mabilis sa labi.

Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya. Muli siyang dumukwang para halikan ulit ako. Mabilis lang pero ilang beses.

Sa pang anim yata ay piningot ko na ang tainga niya. "Nakakailan ka na!"

Ngumisi siya. "Then from now on, let's kiss at least once a day."

Bumagsak ang panga ko. Seryoso ba siya roon? E kung sikmurahan ko kaya siya sa lalamunan?

Aawayin ko sana siya nang sumeryoso na ang kanyang ekpresyon. "Carlyn..."

"Hmn?" Umiwas muli ako sa mga titig niya dahil hindi ko kinakaya ang intensidad. Napamulagat na lang ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya. "J-Jordan..."

"Now that you and Isaiah are over..." anas niya sa maaligasgas na boses. Niyakap niya ako sumubsob siya sa aking leeg.

Kusang huminto naman ang tibok ng puso ko.

"Let's be together."

JF

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

4.9K 278 18
Pagmasdan mo ang timbangan ng buhay. Kapag may pera, angat ka. Kapag mahirap, nasa ibaba ka ng lipunan. Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ni Isabe...
46.3M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...
0ne last Cry Da @Che

Storie d'amore

889 228 51
Simula ng makilala ni chichay si gabriel walang araw na hindi siya inaasar para sila mortal enemy, habang si gabriel tuwang tuwa nakikita niya si chi...
1.2K 133 24
Copyright @by:c_sweetlady All Right Reserved First Printing 2021 Edited by: Assisted by: Layout by: Disclaimer: This is work of fiction ,Names,chara...