Under the clouds (Guevarra Se...

Por binibiningadik

40.1K 2K 776

Someone who will not turn his back to you. Date started: July 16, 2021 Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 14

799 52 3
Por binibiningadik

"Sino ba 'yon? Ang yabang yabang naman." bulong ni Gari sa aking tabi. Parehas kaming natigilan sa inasta ni Jacques kanina. Nagtataka rin ako kung bakit bigla na lang siyang sumulpot sa harap namin. 

Hindi ko na pinansin si Gari dahil hindi naman kami close. Aaminin kong may konting tuwa na nanuot sa dibdib ko nang makita si Jacques. Pero nalulungkot din ako dahil alam kong hanggang doon na lang ang pwede kong maramdaman. There's a thick wall in between us. And even if there's a way to cross it... nararamdaman ko, hindi magiging ligtas ito.

"Saan ba ilalagay ang mga ito?" muntik pa akong mapatalon nang bigla siyang tumigil at lumingon sa akin. He look so pissed. 

"A-ako na." anas ko at hinawakan ang lagayan ng mga mansanas subalit hindi niya ito binitawan. Kinabahan kaagad ako sa kaseryosohan ng tingin niya sa akin ngayon. 

"Saan ko nga ito ilalagay?" sa pagkakataong ito ay mas doble pa ang iritasyon sa tono niya. Mariing nakakunot ang noo at magkalapat na magkalapat ang mga labi.

Natakot ako na baka mas magalit pa siya kaya taranta kong itinuro ang pwesto ni Aling Kata. 

"D-doon, ilagay mo na lang doon."

Pabalang niyang iniwas ang tingin sa akin at muling naglakad patungo sa lugar na itinuro ko. 

Parang buntot na sumunod naman ako sa kaniya kahit nilalamon na ng kaba ang sistema. Napatingin sa amin si Aling Kata at nagtaka nang makita si Jacques. 

"Boyfriend mo?" tanong nito sa akin. 

Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. 

"Hindi-

"Pwede po bang ako na lang ang magbuhat ng mga ito?" pinutol niya ang sasabihin ko at magalang na tinanong si Aling Kata. Parang nataranta naman ang ginang sa kagwapuhan ng kaharap. 

"N-naku, hijo! H-hindi ko na kasi kailangan ng taga-hakot ngayon dahil wala akong maipapasahod. Kung gusto mo naman, maaari kitang irekomenda dito sa ibang mga tindera."

Umiling naman si Jacques sa kaniya.

"Hindi ko po kailangan ng sahod. Gagawin ko na lang… ng libre." mabagal na tugon nito at bumaling sa akin. 

Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. 

"S-sige ikaw ang bahala." 

Lumukot naman ang mukha ko dahil sa malumanay na tono ni Aling Kata. Kapag sa akin palaging pasigaw siya kapag mang-uutos. Pero kapag sa mga gwapo, parang nanlalambing pa ang tono niya. 

Napabuntong-hininga ako at muling bumaling sa lalaki. 

"Ilagay mo na lang diyan." itinuro ang semento sa ibaba ng mga nakahanay na mga prutas. "Ibaba mo na lang dahil aayusin ko pa 'yan."

Kaagad naman siyang sumunod sa mga sinabi ko. Lumapit ako roon upang isa-isang isalansan ang mga prutas sa hanay nito. Ramdam ko namang nanatili lang siyang nakatayo sa likod ko at pinapanood ang mga ginagawa ko. 

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang tumayo ako matapos ang pagsasalansan. 

"Marami pa akong kukuhain doon." itinuro ko ang jeep kung saan naroon si Gari at nakatingin sa amin. 

"Ako na." parang iritado pang anas nito at kaagad na nagtungo roon. Walang kahirap-hirap niyang binuhat ang isang kahon ng mga dalandan. Nakita ko pa ang pagpukol niya ng masamang tingin kay Gari bago siya muling naglakad pabalik sa akin. 

Kaagad ko namang inayos ang mga prutas dahil ang sama rin ng tingin niya sa akin ngayon. Parang may ginawa akong kasalanan kahit wala naman. Ipinagpatuloy niya ang pagbubuhat ng mga kahon habang ako naman ang nag-aayos nito. Nang sumapit ang tanghali, hindi ko maunawaan kung paano ko siya kakausapin. Oras na kasi ng lunch break ko. Hindi ako nagdadala ng pagkain dahil bumibili lang ako palagi sa mga karinderya sa malapit. 

Hindi ko alam kung paano ko siya aakitin pero alam kong obligado ako dahil tinulungan niya ako sa trabaho. 

"Sige na kumain muna kayo riyan at baka napagod kabubuhat itong boyfriend mo." pagtataboy sa amin ni Aling Kata na ngayon lang niya ginawa. Kapag kasi nagpapaalam ako sa kaniya, sisigawan pa ako niyan at sasabihing bumalik ako kaagad. 

"Hindi ko nga po boyfriend." paglilinaw ko. 

Para namang nagliwanag ang mukha niya. 

"Sigurado ka ba? Dahil kung hindi ay ipapakilala ko na lang iyan sa anak kong dalaga. Napapangitan ako sa boyfriend ng batang iyon. Kung kasing gwapo sana nitong kaibigan mo ay baka araw-araw ko pa siyang bigyan ng pang-date." humalakhak pa ito sa harap ko na parang bruha. 

Napangiwi ako at hindi nagustuhan ang ideya. 

"Taken na po iyan. Bawal na dumalawa." sarkastikong anas ko. 

"Asus eh halos lahat naman ng kalalakihan ngayon nagloloko na. Asawa ko nga sumakabilang bahay na eh. Hinayaan ko na lang at baka matigok kapag hindi nakasama kabit niya."

Aminado naman ako na maraming lalaki ang lumilihis ng landas ngayon. Pero ayokong sumang-ayon sa kaniya dahil mas marami pa rin namang lalaki ang nananatiling loyal sa mga babaeng mahal nila. 

Kagaya na lang ni Papa… 

Nagpaalam na ako dahil baka kung anu-ano pa ang sabihin niya. Dumiretso ako kay Jacques na nakaupo sa isang mono block chair na ibinigay ko kanina. 

"Gusto mo maglugaw tayo?" nahihiyang pang-aakit ko rito. Napabaling siya sa akin at kaagad na tumango. Nang makatayo siya ay doon lang ako tumalikod at naunang maglakad patungo sa may likod ng simbahan. 

May malapit sanang fast food dito kaso hindi iyon kaya ng budget ko. 

"Uh…kumakain ka ba ng lugaw? Baka kasi ayaw mo, p-wede naman tayo doon sa kung saan mo gusto." lumingon ako sa kaniya. Sa bilis ng mga hakbang niya ay naabutan niya ako sa paglalakad.

Kumunot naman ang noo nito na parang may mali sa sinabi ko.

"Kumakain ako noon."

"Ah…" tumawa ako upang mabawasan ang kaba sa dibdib ko. "Akala ko kasi hindi."

Naubusan na kaagad ako ng sasabihin kaya hindi na ako nagsalita. Ang kaninang mabibilis kong hakbang ay bahagya kong binagalan upang mas matagal bago kami makarating doon. Kontento na ako dito… kahit tahimik… ang mahalaga nakikita ko siya. Ang mahalaga nandito ngayon siya sa tabi ko.

"A-ano nga palang ginagawa mo rito? Saka wala ka bang gagawin tuwing weekends?" 

Umiwas siya ng tingin sa akin.

"May dinaanan lang." napatango-tango ako at napagtanto na ito rin ang sinabi niyang rason sa akin noong nakaraang linggo nang maabutan niya ako sa waiting shed.

"Ah… sinong dinaanan mo?" kunwari'y pag-uusyuso ko. Hindi ko naiwasang mapangiti nang muling bumaling sa kaniya. "Ako ba?"

Napatitig siya sa akin. Doon din unti-unting nawala ang ngiti ko nang mapagtanto ang sinabi.

"Joke lang." awkward akong tumawa at muling ibinaling ang tingin sa kalsada. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin subalit sa hiya ay hindi ko na siya nakuhang lingunin.

Nagbibiro lang naman talaga ako… kaso alam kong hindi iyon nakakatuwa sa kaniya.

Narinig ko ang pagtikhim niya.

"Sino naman iyong lalaki kanina sa palengke? Patingin-tingin pa sa'yo." siya naman ngayon ang nagsimula ng usapan.

"Si Gari iyon. Katulong ng taga-deliver sa amin ng mga prutas."

"Binata?"

Humarap ako sa kaniya at tumango.

"Mukha siyang binata." kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Masyado siyang matanda para sa'yo, Madelaine." mariing aniya.

Dinapuan naman ako ng pagtataka.

"Mas maganda nga iyong mas matatanda… para mature na mag-isip."

Nagtangis ang bagang niya sa sinabi ko.

"Edi gusto mo pala ang mukhang gusgusin na iyon?" napapikit-pikit ako nang marinig ang panlalait sa boses niya. 

Gusto ko man sabihin na wala akong gusto kay Gari at iritado rin ako sa lalaking iyon, hindi ko magawa dahil parang meron sa loob ko ang natutuwang nakikita siyang ganiyan ngayon. 

"Hindi gusgusin si Gari. Masipag lang kaya palaging pawisan. Kapag naghubad iyon, paniguradong may abs iyon sa tiyan!" napahalakhak ako sa nasabi at ini-magine sa sarili kung meron nga bang abs ang taong iyon. 

"Edi gusto mo nga?" parang galit na anas nito. 

Humalakhak naman ako at umiling. 

"Hindi! Hindi ako magkakagusto ro'n!" kung hindi nga dahil sa kaniya ay baka hindi ko rin magagawang isipin ang tungkol kay Gari. Nagpaparamdam kasi sa akin ito ng panliligaw, pero naiirita ako sa kaniya dahil masyado siyang makulit. 

Parang hindi naman naniwala si Jacques sa sinabi ko. Nanliit lang ang mata niya. 

"Hindi?" nagdududang tanong nito. "Hindi mo pala gusto samantalang nahuhuli ko kayong nagtitinginan kanina." sarkastikong aniya. 

Bahagya namang nanlaki ang mata ko. 

"Hindi kami n-nagtitinginan!" depensa ko sa sarili.

Para akong kinilabutan sa sinabi niya. Nagkakatinginan kami minsan ni Gari pero hindi naman iyon maiiwasan. Nakakatinginan ko rin naman lahat ng nasa palengke pero talagang kay Gari lang ang pinuna niya. 

Iritado siya hanggang sa makarating kami sa lugawan. Hindi ko na siya kinibo pa dahil baka mas lalo lang siyang mairita.  Hindi ko rin maiwasang mapangiti sa sarili kasi pakiramdam ko… nagseselos siya sa lalaki. 

"Alin ang gusto mo? Chicken wings, tokwa or egg-

"Doon ka na, ako oorder." 

Napatigil ako sa pagsasalita. 

"H-ha?" napailing naman ako at kaagad nakabawi. "Hindi na, ako manlilibre dahil tinulungan mo naman ako kanina-

"Ako na nga ang oorder." iritadong aniya. 

Napalabi ako at tumahimik. 

"Sungit." bulong ko pa bago naghanap ng mauupunan namin. Nagtungo ako sa may dulo para hindi masyadong maingay. Medyo maunti rin ang mga kumakain dito dahil tanghaling tapat. 

Saglit kong iginala ang tingin sa paligid at tahimik na naghintay doon. Hindi nagtagal ay natanaw ko na rin si Jacques na paparating dala ang isang tray na may lamang dalawang mangkok ng lugaw. Nanlaki ang mata ko nang maglapag pa ng chicken wings, tokwa at itlog ang babae sa mesa namin. 

"M-magkano po ate?"

"Binayaran ko na." sumulyap sa akin si Jacques saka inayos ang mga pagkain sa harap. 

"B-bakit ang dami? Pwede namang isang ulam lang eh." saka ako dapat ang manlilibre. Bigla tuloy akong nahiya sa kaniya. Ako ang nag-akit na kumain dito tapos siya pala manlilibre. Nakakahiya.

"Kumain na tayo." pormal na aniya nang makaupo sa harap ko. Nahihiyang tumango naman ako sa kaniya. Buong magdamag tuloy ay naging mahinhin ang kilos ko. Kung sina Twelve ang kasama ko ngayon, malamang nakikipag-agawan na ako sa kanila ng pagkain. Pero siempre iba si Jacques. Nakakahiya kung mag-aasal ako ng ganoon sa harap niya. 

Nababahala rin ako sa sinabi ng mga kaibigan ko na para raw akong lalaki kumilos. Tutol ako roon. At hindi rin ako papayag na magkilos lalaki sa harap nito ni Jacques. 

"Uh… pwede magtanong?" pagsisimula ko ng usapan. Bumaling naman siya sa akin at tumaas ang kilay na parang inaantay ang itatanong ko. "Ilan kayong magkakapatid? Nakita ko na iyong si Kahel. Gwapo sana kaso halatang masungit." humalakhak ako dahil dati rin akong nagka-crush kay Kahel noong mas bata pa ito. 

Napatigil lang ako sa paghalakhak nang makita ang kunot-noong mukha ng kaharap. 

"Bakit mo itinatanong?" nagdududang aniya. 

"W-wala naman. Para may topic lang, h-hindi ka kasi nagsasalita." katwiran ko. 

Napabuntong-hininga naman siya at maingat na hiniwa ang karne ng manok gamit ang kutsara niya. Inilagay niya ito sa mangkok ko bago nagsalita. 

"Lima kami lahat."

"Talaga?" manghang anas ko. "Asan 'yong iba? Si Kahel pa lang ang nakikita ko."

Tiningnan niya ako ng masama. 

"Kahel ka nang Kahel may ibang nililigawan iyon." pairitadong anas pa niya. 

Napapikit-pikit ako. 

"N-nagtatanong lang naman ako. Anong masama sa pagtatanong ha? Ayaw mo no'n? Makikilala ko na rin ang pamilya mo-

Naitikom ko ang sariling bibig dahil sa kadaldalan. Huli na sa tuwing mapapagtanto ko na hindi ko dapat sinasabi ang mga ito sa kaniya. Nasanay kasi ako na nakikipagbiruan palagi kina Twelve. Walang kaso sa amin kapag nagbibiruan kami ng ganito. Pero syempre… iba si Jacques dahil iba ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Nanahimik na lang ako imbes na kung anu-ano pa ang masabi kong nakakahiya sa harap niya. Hindi rin naman siya nagsasalita kapag hindi kinakausap. 

Nakatutok siya sa pagkain at sa paghihiwa ng manok pagkatapos ay ibibigay ito sa akin. Kinuha niya ang chicken wings sa mangkok ko at iyon naman ang hinimay. 

Hindi siya nagsasalita habang ginagawa iyon. Nang isang beses akong tumutol ay sinamaan lang niya ako ng tingin. 

"Jacques…" tawag ko rito nang matapos akong kumain. Busog na busog ako sa dami ng kinain. "Ayoko ng tubig." saad ko. Ilang beses na akong kumain ng lugaw at hindi talaga masarap kapag tubig ang gagawing panulak. 

Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya saka tumayo. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang bote ng C-2.

Ngumiti lang ako dahil halatang labag pa sa loob niya ang pagbibigay sa akin nito. Ano namang masama kung flavored drink ang gawing panulak? Eh minsan lang naman. 

Bumalik kami sa palengke makalipas ang ilang minuto ng pagpapahindag. Akala ko nga ay uuwi na siya subalit sinamahan pa rin niya ako hanggang doon. Mamayang 5 pm pa ako uuwi, huwag niyang sabihing hihintayin niya ako hanggang alas singko ng hapon? 

Subalit lumipas ang ilang oras ay nanatili lang siya roon at nakaalalay sa mga ginagawa ko. Kapag alam niyang mabigat ang gawain ay kaagad siyang tumatayo para tumulong. Tuwang-tuwa sa kaniya si Aling Kata pati na rin ang ibang mga tindera ng prutas sa malapit. 

Kaya nga nagtaka ako nang bigyan pa ako ni Aling Kata ng isang plastik ng mga prutas. Siguro para magpa-impress sa lalaki. 

"Oh Madelaine, iuwi mo na ito sa tatay mo para may makain kayo." ngiting anas nito sa akin. Bumaling naman siya kay Jacques. "Babalik ka ba dito bukas? Gusto mo ipakilala kita sa anak ko-

"Mauuna na kami Aling Kata. Mabuhay ka sana ng matagal." pagputol ko rito at kaagad na hinila si Jacques paalis sa harap ng mga tinderang naglalaway sa kaniya. "Salamat sa bigay mo!" pahabol ko pa bago kami tuluyang makalayo ni Jacques.

Binitawan ko lang siya nang makarating na kami sa may kanto. 

"Maglakad na lang tayo ha? Sayang pamasahe." anas ko at ngumisi. Nakatitig lang siya sa mukha ko. 

Magdidilim na pero mas gusto kong maglakad ngayon… lalo na at alam kong sasabayan niya ako sa  paglalakad hanggang sa amin. 

Nagulat na lang ako nang kuhain niya ang supot ng mga prutas sa kamay ko saka niya pinagsalikop ang mga daliri namin. Para akong nakuryente sa ginawa niya. 

"J-Jacques… anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko rito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin nang magtangka akong bawiin ito mula sa kaniya. 

Napapikit ako upang pigilan ang sobrang kaba na namumutawi sa dibdib. Ayos lang sana… ang saya sana sa pakiramdam… kung wala lang siyang girlfriend. 

Kakaibang lungkot ang bumalatay sa sistema ko dahilan upang matahimik ako. Hindi na ako nagtanong… ayokong manumbat kasi alam kong wala rin naman iyong patutunguhan. 

Nakarating kami sa bahay ng hindi man lang nag-iimikan sa isa't-isa. Alam kong napansin din niya ang pagiging matahimik ko dahil maya't-maya ang sulyap niya sa akin. Kaagad kong kinuha ang aking kamay at bumaling sa kaniya. 

Pilit akong ngumiti. 

"Kapag napadaan ka ulit sa palengke, huwag mo na akong lapitan ha? Pagpipiyestahan ka lang doon ng mga tindera." Anas ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa mukha ko na parang sinusuri ang mga reaksyon ko sa mukha.

"Paano kapag… kusa na akong pumunta roon?" tanong niya na nagpatahimik sa akin. 

Pilit ang iginawad na ngiti ko sa kaniya. 

"Baka nakakalimutan mo ang usapan natin noong nakaraan? Itong pakikipagkita mo pa lang sa akin ay mali na… paano pa kaya iyong hinawakan mo kamay ko hanggang dito?" gusto ko ring sisihin ang sarili dahil hindi ko kaagad ito binawi mula sa kaniya. 

"Madelaine-

"Ano ba talaga itong ginagawa mo ha? Pinaglalaruan mo lang ba talaga ako? Kung… g-gusto mo talaga ako, bakit hindi ka makipag-break kay Ezperanza? O kung ayaw mo talaga siyang hiwalayan, bakit sa akin ka nagpapaka-boyfriend at hindi sa kaniya?!" hindi ko na napigilan ang panunumbat. Masyado na rin kasing nakakagago ang lalaking ito. Masyado siyang magulo. Ang hirap niyang basahin. 

Hindi naman siya nakasagot kaya mas lalong uminit ang dugo ko. 

"Wala talaga akong mapapala sa'yo. Mas maigi pa kung umalis ka na lang -

"Ah!"

Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang boses ni Papa sa loob. Mabilis pa sa lunes na tumakbo ako papunta roon upang alamin ang dahilan ng pagsigaw niya. 

Nanlaki ang mata ko nang makita siya sa kusina na nakaupo sa semento, sa harap niya ay naroon ang takure at natapon ang mainit na tubig sa harap. Kinabahan pa ako nang makita ang pamumula ng kamay ni Papa. Natapunan ng mainit na tubig ang kamay niya. 

Kaagad akong lumapit at kinuha ang kamay niya. Nagulat ako nang makita na may umaagos din palang dugo mula roon. 

"P-papa? Anong nangyari rito?" gulat kong tanong. Huwag niyang sabihin sa akin na naglaslas siya. 

Imbes na sumagot ay tinabig lang niya ako kaya ako napaatras. 

"Wala ito." malamig na aniya at inabot ang saklay niya. 

Nakabawi naman ako kaagad kaya mabilis ko siyang dinaluhan. 

"Bakit nagdurugo iyang kamay mo? Anong nangyari diyan?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. 

"Wala nga ito!" galit ng sigaw niya dahilan para muntikan na akong mapatalon. "Naghahanda lang ako ng makakain dahil nagugutom na ako."

Napatango ako kahit hindi kumbinsido. 

"L-linisin natin iyan, Pa."

"Huwag na."

Iniwas niya ang kamay sa akin. Napabuntong-hininga naman ako at hindi na naman alam kung anong gagawin ko sa kaniya.

"Madelaine…"

Napalingon ako sa likuran at nakita na sumunod pala si Jacques hanggang dito sa kusina. Naroon na naman ang hiya sa dibdib ko dahil nasaksihan na naman niya ito. Lumapit siya sa may pwesto namin hanggang sa makarating siya kay Papa.

"Sir…" pagtawag nito sa aking ama. Napalingon naman sa kaniya ang matanda at bahagyang kumunot ang noo. "Mas maganda po kung huhugasan kaagad iyang sugat niyo. Baka maimpeksyon pa kapag tumagal."

Hinanda ko na ang sarili kong makarinig ng sigaw mula kay Papa dahil sa pangingialam niya. Pero lumipas ang ilang segundo… wala akong narinig mula kay Papa.

Nakaiwas pa ito ng tingin at nakatitig sa malayo.

"Hindi naman ganoon kalalim iyan. Ewan ko nga ba kung bakit dumugo ng sobra." kalmadong anas ni Papa.

Napapikit-pikit ako, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Bakit hindi siya nagalit?

Bumaling naman sa akin si Jacques.

"Ako na bahala rito."

Parang wala sa sarili pa akong napatango sa kaniya. Iginiya niya ang kamay ni Papa sa tapat ng gripo at hinugasan ito. Kataka-takang hindi umaangal si Papa o nagalit man lang. Hanggang sa tulungan siya ni Jacques na makarating sa may salas. Maingat niyang pinaupo ito bago bumalik sa akin. 

"May first aid kit ba kayo?" tanong nito. 

Bigla akong nataranta. 

"M-may bulak at betadine kami riyan." anas ko at mabilis iyong kinuha. Nataranta pa ako kung saang parte ng bahay ko iyon matatagpuan. Nang maibigay ko ito sa kaniya ay saka siya bumalik kay Papa upang gamutin ang sugat nito sa kamay. 

Parang wala sa sarili naman akong kumilos upang maghanda ng hapunan. Habang naghihiwa ako ng sibuyas at bawang ay nakatutok ang mata ko sa dalawa. 

Saglit pa akong natigilan nang marinig ko ang halakhak ni Papa. Nag-uusap na sila ngayong dalawa. Gustuhin ko mang making sa usapan nila, hindi ko naman magawa dahil hindi ko maiwanan ang niluluto ko. 

"Kakain na po." pagtawag ko sa kanila makalipas ng isang oras. Nagkatingin kaming dalawa ni Jacques. Maging sa hapag ay tuloy ang pagsasalita ni Papa. Tanong siya nang tanong kay Jacques na sinasagot naman lahat ng isa. Hindi ako nakisali sa usapan at nanatiling nakikinig lang. 

Pagkalipas ng ilang taon, ngayon ko lang ulit narinig ang halakhak ni Papa. Parang bigla siyang bumalik sa dati. Parang bigla siyang naging okay. 

Nang matapos ang pagkain ay doon na nagpaalam si Papa na matutulog. Si Jacques din ang pinakisuyuan nitong ihatid siya sa kwarto na labis kong ikinagulat. Ilag na kasi siya sa mga tao simula nang malumpo siya. 

Pero bakit ngayon… ?

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko nang hindi lumilingon kay Jacques. Naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran habang naghuhugas ako ng pinggan. 

"Mabait ang papa mo." hindi niya sinagot ang tanong ko. 

Napabuntong-hininga ako nang maalala na naman ang mga ikinilos ni Papa kanina. 

"Mabait naman talaga siya… naging mainitin lang ang ulo dahil sa kapansanan."

"Maswerte siya sa'yo." komento niya. 

Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan. 

"B-bakit mo naman nasabi?"

"Hindi lahat ng anak kayang magtiis sa ganoong lagay ng magulang nila." 

Napaisip ako ng todo sa sinabi niya. Totoo nga na masyadong nakakapagod si Papa lalo na at pabago-bago ang ugali niya. Pero hindi naman ako katulad ng ibang anak na kayang abandunahin na lang ang magulang nila dahil lang sa wala na itong pakinabang. 

"Mahal ko si Papa kaya ako nagtitiis. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko siya iiwan kahit pa ganiyan ang lagay niya. Mahal ko siya at sapat ng dahilan iyon para manatili ako sa tabi niya."

Si Papa ang pinakahuli sa mga taong kaya kong bitawan. Parang umiikot na ang buhay ko sa kaniya pero wala akong pinagsisisihan. Mahal na mahal ko ang papa ko.

Natahimik kaming dalawa pagkatapos. Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas ng mga pinggan habang siya ay nasa likod ko lamang at alam kong pinagmamasdan ako. 

Nagpunas muna ako ng kamay bago kumuha ng tubig na maiinon at saka bumaling sa kaniya. 

"Wala ka bang balak na umuwi?" tanong ko ulit habang nakatitig siya sa akin. Alas otso na ng gabi. Paniguradong hinahanap na ito sa kanila. "Ang dami mong oras ah?" pagbibiro ko pa at humalakhak. 

Natigilan ako nang humakbang siya palapit sa akin. 

"B-bakit?" kabadong tanong ko rito. "G-gusto mo rin ng tubig?" napigil ko ang hininga nang lumapit siya sa akin ng todo at itinuon ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Iniwas ko ang mukha dahil sa sobrang kaba. Hindi naalis ang mariing pagtitig niya sa akin. 

"Madelaine…" paos ang boses na pagtawag niya sa akin. Mas lalo akong kinabahan. 

"L-lumayo ka sa akin." itinulak ko siya sa dibdib, subalit dahil sa panghihina ay nabitawan ko ang baso at natapon ang tubig sa damit niya. 

Gulat akong napalayo at nakita na mabilis na kumalat ang tubig sa damit niya. Napatingin din siya roon subalit halatang walang pakialam. 

"S-sorry, i-ikaw kasi bigla-bigla kang lumalapit eh." tarantang anas ko. "May dala ka bang damit?" tanong ko ulit kahit halata namang wala. 

Narinig ko ang buntong-hininga niya. 

"I'm sorry for bothering you.". aniya at bahagyang pinagpag ang damit niya. "Salamat sa pagkain, mauuna na ako." 

Nang tumalikod siya ay bigla akong naguilty. Uuwi siya ng basa ang damit? Paano kung magkasakit siya? 

Kaagad akong humabol bago pa man siya makalabas ng pinto.

"S-sandali lang!" kabadong pigil ko. Mabagal siyang pumihit upang humarap sa akin. "M-may mga T-shirt ako sa kwarto, pwede iyon sa lalaki. Kung gusto mo… magpalit ka muna bago ka umuwi."

Matagal siyang tumitig na parang tinatantiya ang sitwasyon. Kalaunan ay tumango rin. 

"Doon ka na lang sa kwarto, lilinisin ko pa kasi 'yong cr eh."

"Alright." Tumango naman siya kaya mabilis akong nagtungo sa kwarto. Hinalughog ko ang mga t-shirt sa cabinet at inabot sa kaniya ang kulay itim na nahanap. May tatak pa itong 'The Script', isa sa bandang iniidolo ko noon.

"S-sige, lalabas muna ako." Paalam ko saka lumabas ng kwarto. Napabuntong-hininga ako dahil doon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag nang tuluyan siyang mawala sa paligid ko.

Hindi ko pa rin maiwasang maisip ang inasal ni Papa sa harap niya kanina. Bigla siyang naging kalmado lalo na noong ginagamot siya ni Jacques. Humahalakhak din siya kanina na akala ko ay nakalimutan na niyang gawin.

Nakita na rin naman siguro niya si Jacques noong nagpunta rito sina Twelve. Hindi ko pa rin maiwasang mahiya dahil sa inasal niya noong araw na iyon. Pero nakakapagtaka lang na noong si Jacques nalang ay hindi na siya nagwala. Siguro ayaw lang talaga niya sa maiingay.

Lumipas ang higit limang minuto pero hindi pa rin lumalabas si Jacques mula sa kwarto ko. Bakit naman kaya ang tagal niyang magpalit ng damit?

Tumayo ako at naglakad patungo sa kwarto. Kumatok ako roon.

"Jacques? Tapos ka na ba?" Hindi siya sumagot kaya pumasok na ako.

Naabutan ko siyang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko. Tumigil ang paningin niya sa isang garapon na pinaglalagyan ko ng mga ipon para sa pambili ng wheelchair ni Papa. Sa labas niyo ay may nakasulat pang 'Para sa wheelchair ni Papa'.

Nahiya kaagad ako kaya mabilis akong lumapit sa kaniya.

"J-Jacques…" kinuha ko ang garapon at itinabi.

Bumaling naman siya sa akin.

"Kaya ka ba nagtatrabaho? Ibibili mo ng wheelchair ang Papa mo?" Kalmadong tanong niya sa akin .

Nahihiya man ay wala na akong ibang magawa kundi ang tumango. Magsisinungaling pa ba ako? Nakita na niya eh.

"Oo… Saka nasabi ko na sa'yo dati 'diba? Para na rin hindi na kami maging pabigat masyado kay Tita Christine."

"I see… " Tumango siya subalit naroon pa rin ang mariing pagtitig sa akin. "Mahal mo talaga ang Papa mo."

Tumawa ako at takang tumingin sa kaniya. "Bakit? Ikaw ba hindi mo mahal ang papa mo?" Hindi naman ito sumagot sa akin kaya mas lalo akong na-curious. "Anong klaseng tao ba ang papa mo"?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Mabait… pero madalas siraulo." Mahina siyang natawa sa sariling sinabi. Napapikit-pikit ako dahil pakiramdam ko ay ito ang unang beses na nakita ko siyang tumawa sa harap ko.

"Talaga? Paanong siraulo?"

Bumaling siya sa akin at doon ko nakita ang mumunting ngiti na naglalaro sa gilid ng kaniyang labi.

"Hindi siya kagaya ng ibang tatay na masyadong strikto. Siguro sa ate ko lang kasi nag-iisang babae iyon."

Napatango-tango ako, namamangha pa rin dahil ngayon lang siya nagkwento.

"Kapag alam niyang problemado ang anak niya, mang-aasar pa iyon imbes na payuhan ka."

"Ang cool pala ng papa mo." 

Nakangiting tumango pa siya sa akin.

"Si Papa kasi… parang kapatid lang ang turing namin sa kaniya. I respect him as my father though, pero iyong dating niya? Kung paano niya kami kausapin at alagaan? Parang magkakapatid lang. Kaming lima, hindi kami ganoon kalapit sa isa't-isa. Pero pagdating kay Papa, malapit kami lahat sa kaniya. Hindi lahat alam niya, pero palagi niyang iniintindi ang sitwasyon para sa mga anak niya." 

Natahimik naman ako at hindi maiwasang maging emosyonal. Iyong mga sinasabi niya, ganiyang ganiyan din kami ni Papa noon. Close kaming dalawa bago siya maging ganiyan. Nagbago lang talaga ang lahat simula nang mawala si Mama.

Hindi na ako umaasang babalik pa sa amin ang nanay ko… pero kahit papaano, umaasa ako na babalik si Papa sa dating siya.

Huminga ako ng malalim at mas piniling hindi na iyon alalahanin pa.

"You're smiling." Komento ko.

Doon lang tuluyang nawala ang maliit na ngiti sa labi ni Jacques. Muli siyang napatingin sa akin.

"Marunong ka naman pala ngumiti, bakit hindi mo araw-arawin? Hindi iyong palaging nakakunot ang noo mo." Tumatawang anas ko sa kaniya.

Natigil lang ako nang mapansin ang seryosong paninitig niya sa akin. Tingin pa lang niya ay kinakabahan na ako, paano pa kaya kapag tumitig na? Lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko ay nakikita na niya pati ang kaluluwa ko dahil sa lalim ng pagtitig niya.

"B-bakit?" Kabadong tanong ko rito.

Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. 

"J-Jacques…" Iniwas ko ang mukha ko nang lumapit siya ng todo. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Itinuon ko ang kamay sa dibdib niya at akmang itutulak ito nang bigla niya itong hawakan. Ayon na naman ang panlalamig ng kamay ko sa sobrang kaba.

Pinanood ko ang mabagal na kilos niya nang unti-unti niyang dalhin ang kamay ko sa labi niya at halikan ito. Para akong mahihimatay sa kaba.

"I want to kiss you... hindi mo lang alam kung gaano ako nagpipigil." bulong niya na mas lalong nagpakaba sa akin. Ramdam ko ang matinding panginginig ng aking tuhod. Pati ang puso ko ay naghuhurumentado na sa kaba.

Napalunok ako at hindi maunawaan kung anong gagawin.

Para akong nalagutan ng hininga nang mabagal niyang kinagat ang daliri ko habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang manlaki ang mata.

"J-Jacques!" Mariing tawag ko sa kaniya. Pero imbes na sagutin ako ay yumuko lamang siya at saka sinunggaban ng halik ang labi ko. Nawalan na ako ng lakas para itulak pa siya. Napasandal ako sa maliit na kabinet nang itinuon niya muli ang dalawang kamay sa gilid ko.

Doon pa lang, alam kong may kahihinatnan na naman ako.

Seguir leyendo

También te gustarán

19.2K 1.2K 16
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
4.8M 318K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
80.8K 1.4K 83
Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However...
310K 8.8K 35
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...