I Met A Gangster Whose Name I...

By Momo_Ayren

123K 3.3K 489

Gangster! Gangster! Bwisit na Black sheep! Nagkita kami ng dahil sa isang kuting at na-develop ng dahil sa is... More

Prologue
Attention
Meetup 1
Meetup 2
Meetup 3
Meetup 4
Meetup 5
Meetup 6
Meetup 7
Meetup 8
Meetup 9
Meetup 10
IMAGWNIN Specials (OVA)
Meetup 12
Meetup 13
Meetup 14
Meetup 15
Meetup 16
Meetup 17
Meetup 18
Meetup 19
Meetup 20
Meetup 21
Meetup 22
Meetup 23
Meetup 24
Meetup 25
Meetup 26
Meetup 27
Meetup 28
Meetup 29
Meetup 30
IMAGWNIN Specials (OVA 2)
Meetup 31
Meetup 32
Meetup 33
Meetup 34
Meetup 35
Meetup 36
Meetup 37
Meetup 38
Meetup 39
Meetup 40
Meetup 41
Meetup 42
Meetup 43
Meetup 44
Epilogue
∞Sweet letter∞

Meetup 11

3.6K 86 21
By Momo_Ayren

Meetup 11: Stalker.

Property of Momo_Ayren

Date updated: April 28,2015

(Nike's POV)

"Depende kung kelan ako magsasawang paglaruan ka."

Ouch.

You ouch me Nikko. T^T

Ang sakit nung sinabi ni Black sheep ah na pinaglalaruan niya lang daw ako.

Ganito nalang ba talaga ako kaganda para maging kamukha ng mga manika na pinaglalaruan lang ni Black sheep? xD de joke.

"Ganun ba. Eh bakit ako yung gusto mong maging fake girlfriend mo?" tanong ko.

"As what did I said earliear, I am just toying you ok? And remember may utang ka."

Aray. Ouch. Hang shaket. Di ko keri. You ouch me na naman.

Takte. Ang drama ko eh di naman niya ako totoong girlfriend eh.

"Ok."

Humiga na uli siya sa kama niya at ipinikit na yung mga mata niya.

HA?

Pano ako makakalabas?

"Uhhh. Black sheep hindi mo ba ako papalabasin?"

Teka. Nononono. Wag ka munang matulog Black sheep. Di ko alam kung pano buksan ang pinto!

"Huyy, Black sheep. Gising. Yohooo~ Huyy. Gising"

"Lumabas ka kung gusto mo."

Pano yan?

Iba kasi ang door knob nila ni Black sheep eh. Di ako alam kung paano buksan. Ignorante ako eh.

Sinubukan kong buksan pero ayaw bumukas eh. Pano yan?

Tiningnan ko si Black sheep. Tulog na siya. Nakakahiya naman kung gigisingin ko pa eh baka magalit lang yan.

Nagtataka kayo kung bakit ako dito pinatira ng Dad ni Black sheep? Ganito kasi yan. Tara at magbalik gunita tayo!

Flashback

Nung umalis na si Black sheep sa office ng Dad niya eh may natanong ang Dad niya sa akin.

"Girlfriend ka ba talaga ng anak ko?" Tanong niya.

"Uhhh...naging girlfriend lang dahil po sa utang." sabi ko.

Honesty is the best policy daw eh. xD

"Sabi ko na nga ba. Nakita ko yung kanina eh. Maganda ka para sa anak ko. Dini disiplina mo."

Hihi~

"Ano ang pangalan mo ija?"

"Nike de Castro po."

"Ahhh...ikaw yung bagong transfer diba. Scholar ka. Alam mo bang nakakuha ka ng 100% sa entrance exam mo?"

"Ahe, ganun po ba. Hihi~"

"Uhm...ija. Maaari bang sa bahay ka nalang namin titira?"

"P-po?"

"Titira ka na sa bahay namin. Bayad man lang para sa mga kasakiman na ginawa ng anak ko sayo. Teka, anong utang ba yon?"

"Ahhh...nagas gas ko po kasi yung kotse niya eh. Ummm...di niyo naman po kailangang bayaran ako eh."

"Ganun ba, nang dahil lang sa gasgas? Eh ang laki ng dineposito kong pera sa bank account niya. Hayy. Sige na ija."

"Pero pano po yung mama at-"

"Sa subdivision nalang namin sila papatirahin."

"A-ano po?"

"Sige na ija."

No choice.

"Sige po."

End of flashback

Ang gulo ng paguusap namin kanina no? Bahala na. Kinakabahan nga ako kanina eh kala ko ang terror ng papa ni Black sheep yun pala ang gulo din niya kagaya ko. Uyy, mga green minded jan ah. xD Ahahahaha.

Sinubukan ko uli na buksan yung pinto pero ayaw. T^T pano yan?

Saturday nga pala bukas. Dito nalang siguro ako. Magt-tour. Ang laki laki kasi eh. Mansion eh.

Umupo ako sa sahig at sumandal sa may pintuan. Ina-antok nako. Gusto ko nang matulog.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nakatulog na.

Kinabukasan...

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" May sumigaw.

O____-

-_____O

O_____O

Jusko po.

Pano ko naging katabi sa iisang kama si Black sheep atsaka bakit magkayakap kami?!

"Athena, can you shut up? Gusto ko pang matulog."sabi ni Black sheep.

"Better tell this to Dad." Napabangon ng wala sa oras si Black sheep at hinila ang buhok ni Athena.

"Wag ka nga Athena!" Tapos ni-lock ni Black sheep ang pintuan ng kwarto niya then lumapit sa akin si Athena.

"What did he do to you? Did he make blackmail to you kaya you let him do this? Shh...don't worry pagbabayaran to ni little brother."

HA?

ANONG PINAGSASABI NIYA?

"Are you insane Athena? Walang nangyari sa amin."sabi ni Black sheep.

"LIAR! I WILL SAMPA KASO TO YOU! YOU ARE MAKING ADVANTAGE TO NIKE!" Sigaw ni Athena. Natawa nalang si Black sheep.

"May masakit ba sa katawan mo? What happened?"

"Uhhh...wala namang masakit sa katawan ko at ang pagkaka-alala ko eh doon ako sa may pintuan nakatulog kagabi."sabi ko.

"See? Nothing happened!"

"Then, Bakit andito si Nike sa bed mo and why are you hugging each other?"

"Naawa ako sa kanya kagabi kasi jan siya nakatulog sa may pintuan ko kaya kinarga ko nalang siya papunta sa kama ko. Ang di ko lang alam kung paano kami nagkayakap."

"Eh bakit Nike is here in your room?"

"Itanong mo sa kanya." Sabi ni Black sheep at lumabas sa kwarto niya.

"Did he hurt you?"

OA ni Athena, grabe.

"Hindi naman."sabi ko.

"*sigh*mabuti naman. But, how did you came here in my little brother's room?"

"Ah eh...may narinig kasi akong ingay kagabi eh. Parang sigaw ng isang babae dito sa kwarto ni Black sheep este Nikko."sabi ko.

Napa-gasp naman siya.

"Ano? Ano ba yung mga ingay?"Tanong ko.

"Ummm...It is a girl and a boy who is doing toot toot."

Ha?

Anong toot toot?

"Anong toot toot?"tanong ko.

"Yung...ehem."sabi niya.

Ha?

"Ano naman yung ehem?" tanong ko uli.

"Yung beep beep?"sabi niya.

"Pwede ba sabihin mo nalang."

"Nikko is watching a boy and a girl having sex. In short Nikko is watching porn videos."

O__________O

Nak'ng teteng.

"Sure ka ba?"

"Yes, I caught him yesterday nga eh."sabi niya.

Nanonood ng...toot toot si Black sheep?!

Hindi ako naka salita.

"I don't want to tell it to you but my little brother needs some lessons."sabi niya.

Tofung niluto na kumain ng tofu!

B-baka may nangyari nga sa amin?! Nakuuuuu. Di ko mapapatawad si Black sheep! Ang sama niya! Pinagsamantalahan niya ako eh! Sana di nalang ako nangi-alam sa kanya eh di sana di nawala yung pagkasariwa ko. T^T balak ko pa naman na ibigay yun kay Jong Hun babes ko. Wahhhh~

Natulala nalang ako.

"Miss Athena at Miss Nike, Kumain na po daw kayo sa baba." biglang lumitaw ang isa sa mga alipin nila at umalis na.

"Nike, let's eat na."sabi ni Athena at hinawakan ang kamay ko. Hihilahin na sana niya ako ng ...

"Athena, baka may nangyari nga."sabi ko. Natigilan naman siya.

"Hindi pwede yun."sabi niya.

"Natatakot ako~" sabi ko naman. Wahhhh~ uuwi nako ng bahay!

T^T

"Urrghh...Don't worry Nike. I will give Nikko a kame hame wave and also a crashing nails and fire crisis."sabi niya.

Ahahaha. Alam niya pala ang Dragon ball at Blue dragon na palabas? Ahahahaha.

Teka, nawala na nga yung pagka-ano ko tapos tinatawanan ko lang.

DI MAKATARUNGAN ANG GINAWA SA AKIN NI BLACK SHEEP! LALAYO NA KO SA KANYA! HUHUHUHU~ T^T

Bumaba na kami ni Athena habang ako parang wala pa din sa sarili.

Pano kung nagawa nga namin yun? Pano kung hinalik halikan niya yung leeg ko kagabi tapos hinayaan ko lang? Wahhhh~

Nung nasa lamesa na kami eh kami lang tatlo ang nandoon habang ang mga maid eh nakapalibot sa amin tapos na-upo nalang kami.

Ang ganda talaga ng bahay nila Black sheep. Ang laki ng chandelier tapos puros gold ang nakikita at ang kinang ng sahig.

"Lets eat."sabi ni Black sheep at kukuha na sana ng Bacon ba tawag dun pero hinawakan ni Athena ang kamay niya.

"Athena, Ano ba." sabi ni Black sheep.

"Tell me nga. Did you watched porn videos last night?"

Napa-gasp namin ang mga maid habang ako tinitingnan lang silang dalawa.

Sinamaan naman ng tingin ni Black sheep si Athena at hindi siya nakasagot.

"Sabi ko na nga ba. Eh, did something happened to you and Nike last night?"

Napa-gasp uli ang mga maid at ako nakatitig lang sa dalawa.

"Yes."

O______________O

O______________O

NONONONONONONNONONONONO!!

Sa ngalan ni Ducky Momo, mamatay na sana si Black sheep!

Tinanggal ni Black sheep ang kamay niya sa pagkakahawak ni Athena sa kamay niya at kumuha na ng bacon, hotdog, ham at kanin. Pa-cool lang siya habang kami ng mga maid at ni Athena eh lumaki ang mata.

Panginoon, patawarin niyo po ako sa magagawa ko kay Black sheep ngayon. Amen.

Kinuha ko ang tinidor ko at isasaksak na sana sa kanya ng nakailag siya.

Bwisit!

Napatayo naman siya.

"What do you want?!"

"Walang hiya ka! Kinuha mo na nga first kiss ko, kinuha mo pa ang virginity ko! walang hiya ka! Papatayin kita!"sigaw ko habang tinatangkang saksakin siya ng tinidor ng paulit ulit pero paulit ulit uli siyang nakakailag hanggang sa dumating kami sa isang maluwag na parte ng bahay at maraming tanim.

"KINUHA KO? Baka gusto mong ibalik ko?"tapos ngumuso siya.

Grrrrr. Naiinis na talaga ako.

"WALANG HIYA KAAAAAAAAAAA!" Sigaw parin ako ng sigaw habang tinatangka parin siyang saksakin ng tindor ng paulit ulit hanggang sa nakahiga na siya at nasa itaas niya ako. This time yung ulo niya ang target ko. Tuloy tuloy parin ang pagsisigaw ko at pagtangkang saksakin siya sa ulo ng biglang...

"ANO BA?! WALANG NANGYARI SA ATIN! ANO KA BA!" Napahinto ako.

"SINUNGALING!" Sigaw ko tapos tinuloy ang ginagawa ko pero nakaka ilag pa din siya.

Bwisit siya. Talagang papatayin ko siya!

"ANO BA! SABING WALA NGANG NANGYARI EH!"Sabi niya habang umiilag sa mga pagtangka kong pagsaksak sa ulo niya.

"SINUNGALING KA ! SINUNGALING SINUNGALING!" Sigaw ko uli tapos tinuloy tuloy na hanggang sa nakuha niya ang tinidor. Patay.

Tinulak niya ako dahilan para matumba ako tapos tumayo siya.

"Araayyy. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" sigaw ko tapos nakakita ng walis tingting at kumuha ng isang parte nito.

Ito masakit to. Papahirapan ko muna siya bago ko siya papatayin.

"AHHHHHH!"Sigaw ko tapos pinalo palo siya nun pero nakakailag siya. Bwisit bwisit bwisit!

"SABING WALA NGANG NANGYARI EH! ANO BA!"

"WALANG HIYA KA! WALANG HIYA KA! NAPAKA SINUNGALING MO!" Sigaw ko.

Pinalo niya ang kamay ko kung saan hawakhawak ko ang walis na dahilan para mabitawan ko ito tapos hiniga niya ako sa lupa at hinawakan ang dalawang kamay ko. Oo, nasa itaas ko siya ngayon. Bwisit!

"Walang nangyari ok?"

"Eh bakit 'Yes' ang sinagot mo kanina?"

"Sinabi ko lang yun para di na mangulit si Athena kasi kung hihindi ako eh gagawin nun lahat para mapa-oo lang ako. Atsaka may pruweba ka ba na ginalaw kita? ha? Masakit ba yung ano mo ha? May dugo ba dun sa kama ko ha?"sabi niya.

Hindi naman masakit yung ano ko.

Wala naman ding dugo sa kama ni Black sheep kanina so ...

nag over act lang ata ako.

"Oh, hindi ka makasagot?"

"Sorry naman. Di ko naman kasi alam yung mga bagay na yan." sabi ko tapos tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ngayon, mukhang nabibigatan na kasi ako sayo eh. Pwede bang tumayo kana?"sabi ko.

"kiss muna."

ayy lintek.

asdfghjkl!

"Ano bang pinagsasabi mo? Gusto mong maka tikim?"

"Ng kiss?"

"Wow. kapal."

tapos tinulak ko nalang siya ng buong lakas ko pero ang lakas niya at ang bigat.

"Ano ba!"

"Sabing kiss nga muna eh!" sabi niya tapos ngumuso.

"ANONG KISS ANG PINAGSASABI MO JAN? Hoyy, hindi kita totoong boyfriend kaya umalis ka na nga jan." sabi ko tapos tumayo nalang siya at umalis.

Problema nun? :\

-----

Nung pumasok nako sa loob eh nakita ko si Black sheep na nakabihis panlakad na tapos tinitigan niya lang ako sandali at umalis na. Saan kaya yun pupunta? As if I care. Charot nag english ako eh.

"Ma'am kakain pa po ba kayo?"tanong nung maid.

"Ah, opo. Asan po si Athena?" sabi ko.

"Ah, si Miss Athena po eh nasa dining area parin po. Kumakain pa." sabi niya. Tataba si Athena niyan. Ang tagal kumain. Hahahahaha.

Sinamahan naman ako ng maid papunta doon sa dining area. Siguro kung wala itong maid baka mawala ako dito eh. Ahahahaha.

"Did you kill my little brother?"tanong niya

"Nag overact lang tayo. Wala naman palang nangyari."

After naming kumain eh dinala ako ni Athena sa kwarto niya.

"What do you want to do Nike? Its so boring kasi eh. Oh, I will call Artemis."sabi niya tapos yun tinawagan niya si Artemis.

Hindi nalang ako nakinig at pumunta nalang sa terrace ng kwarto ni Athena.

Wow, ang ganda naman. Ang payapa dito sa subdivision nila. Ang tahimik. Walang gulo. Hayyy. Ang ganda naman dito. Nakakita ako ng bulaklak dito sa terrace. Namimiss ko na yung bulaklak ni Aleng Bebang. Matagal na kaming hindi nakakapagusap eh. Bwisit kasi tung si Black sheep. Kamusta na kaya sila kuya?

"Nike, Artemis is busy daw today eh. She have a date with Apollo daw. She's always busy na kaya kay Apollo. Duh."sabi niya. Di ko nalang pinansin.

Nilapitan ko naman yung mga bulaklak. Ayaw kong makipagusap sa mga bulaklak dito. Mas gusto ko yung mga bulaklak ni Aleng Bebang.

"Hey Nike, Are you listening?"

"Ayyy, Oo. Athena, i-tour mo nalang kaya ako dito sa bahay niyo." sabi ko. Ngumiti naman siya ng malapad at tumango tango.

"Your right. Mmm...tara."sabi niya tapos lumabas kami ng bahay nila. Aba, bakit?

"Bakit moko hinila dito sa labas?"

"We will going to start here. Nike, this is our gate and this is our mailbox and oh, the grass."

-______________-

"Athena, mga walang kwenta naman yan eh atsaka diba sabi ko i-tour moko hindi yung ituturo mo lang yung mga bagay bagay sa akin." sabi ko.

"Ahe, sorry. C'mon, Athena the tourist guide at your service." tapos ayun tumino na siya at tinour ako dito sa mansion nila.

Nung dumating kami sa sala nila eh pumalakpak si Athena ng pangalawang beses at ang lahat ng maid eh nakapalibot na sa amin. Wow.

"What can we do for you miss?"sabi nung babaeng iba ang uniform kesa sa ibang maids.

"Please prepare meryenda for us and Zelland come with us."sabi ni Athena tapos pumalakpak naman ng pangalawang beses yung babaeng k sa kakaiba ang suot at umalis na ang lahat ng maid except dun sa naiiba ang damit.

"Uhh, Nike just wait here. I need to pee."sabi ni Athena. Tumango namn ako tapos yun umalis na siya. Kami nalang ng maid na ito ang naiwan.

Tiningan ako ng maid at umikot siya sa akin atsaka huminto sa harapan ko at tiningnan ako galing ulo hanggang paa.

"Sino ka?" Suplada niyang tanong.

Seryoso siya? Narinig na nga niya pangalan ko eh. -_______-

"Nike po ang panga-"

"Aba aba aba, sumasagot ka pa."

-__________-

"Malamang po eh nagtatanong kayo."sabi ko ng may pagkamagalang effect.

"So, Nike. Nike pala ang pangalan mo. Diba, ikaw yung naka-one night stand ni Sir Nikko?"

ANO?!

"Wala naman pong nangyari sa amin eh."sabi ko.

"Eh bakit um-oo si sir kanina nung tinanong siya ni miss Athena?"

"Aba, malay ko bang di ka nakarinig sa paguusap namin kanina ni Athena nung wala na si Black sheep este Nikko."

"Anong tawag mo kay Sir? Black sheep? Kala ko ba magsyota kayo? Atsaka, bawal kami makinig sa usapan niyo."

"Eh bakit niyo alam na um-oo si Nikko kanina?"

"Nasa akin na ang dahilan."sabi niya tapos umikot uli sa akin at tiningnan ako galing sa paa hanggang sa ulo.

Athena, asan ka na ba?!

Ininom mo ba ang lahat tubig sa inidoro? Ba't ang tagal mo? Natatakot nako sa Zelland na to. T^T Ang suplada niya. Grabe.

"Hey guys! Sorry I'm so makupad maglakad. Is there anything wrong?" Hayyy. Salamat.

"Wala naman po miss."sabi nung Zelland. Ngayon, nagbabait baitan siya ha. Kala niya siya bisita. Hmp!

"Sure?"tanong ni Athena. Sasagot na sana ako ng...

"Opo. Sure po miss Athena, diba ma'am Nike?" sabi niya tapos tiningnan niya ako at binigyan ako ng peke na ngiti.

Ha! Tapos ngayon nagma- ma'am na siya sa akin eh kanina kahit pangalan ko lang eh ayaw niyang bigkasin. Ang tofu!

"Ayyy, Nike. Total I'm pagod na on being a tourist guide mo then punta kaya tayo in my room. Let's have a movie marathon!"

"Ahhh...maganda sana kaso mukhang mas masaya kung meron si Artemis."sabi ko.

Sumimangot naman kaming dalawa. Bakit ba kasi ang busy busy na nun kay Apollo. Mukha naman ata silang ewan na ano noh kasi araw araw nagde-date.

Siya na ang may lovelife!

"Oo, nga eh. Hayy, She's so busy with Apollo na kasi eh. Hayyy."

"Kung patayin nalang kaya natin si Apollo?" pagsu-suggest ko. Agad agad naman akong binatukan ni Athena. Ang sakit nun ah.

"Your so mean Nike! Are you not going to follow the ten commandments? Kahit na Apollo is taking away Artemis to us eh Apollo is part padin of our barkada."

may point siya. Hayyy. Sabihin ko lang ha. Simula't noon pa lang naiinis nako kay Apollo. Pero syempre mas grabe yung inis ko kay Black sheep. Bakit naiinis kay Apollo? Hatak ng hatak kasi kay Artemis eh, maka asta parang boyfriend. Pero kahit ganun eh ok nalang din sa akin kasi mahalagang kaibigan sa akin si Artemis at kung ano man ang kaligayahan niya eh ibabagay ko sa kanya. Eh sa si Apollo yung kaligayahan niya eh kaya gora nalang. xD

"Tara."sabi ni Athena tapos hinila niya uli ako sa kwarto niya.

Pagdating sa room niya eh naupo nalang ako dun sa kama niya. Ang laki ng kama niya. Kasya na ata kami ni mama at kuya nito. Tapos yung room niya airconditioned. Hanep, sana ganito nalang din yung kwarto ko.

"What movie do you like to watch? This or this?"

may dalawang CD siya na hawak. Yung isa eh Barbie and the mermaid tale 2 atsaka yung isa 200 pounds of movie.

Teka, ano bang pipiliin ko?

Ngumuso naman ako doon sa 200 pounds of beauty. Sabi niya eh movie MARATHON eh sa di pa ako nakapanood nung barbie na yun.

"Zelland, I know you know how to do this. Do it for me."sabi niya tapos umupo katabi ko. Nasa harapan lang namin yung TV na malaking malaki at nakadikit sa pader.

May bigla nalang akong natanong kay Athena.

"Athena, bakit di relate ang pangalan niyo ni Nikko? Bakit Athena sayo tapos Nikko lang sa kanya."

"Umm ...ganito kasi yun. My mom and true Dad said that kaya my name and my little brother's name is magkaiba because nung they are thinking daw ng maiipangalan for us eh sabi ni Mom na Nikko nalang daw kay little brother because ipinangalan siya ni Mom sa first love niya and Dad makes his revenge so my name is from his first love too. "

"Ganun ba. Galing ah. Ang hanep ng trip ng mom at dad mo." sabi ko. natawa nalang siya

"Ayan miss tapos na po." sabi ni Zelland tapos nakita nalang namin na naglo-loading na.

"Zelland, please get our meryenda na and oh, bring ka na din ng popcorn. Yung malaki ha with Coke zero."sabi niya tapos tumango naman si Zelland at lumabas na ng room ni Athena. Alam kong naiinis yun. Ahahahaha.

Di nagtagal eh yun. Dumating yung meryenda tapos kumain at nanood nalang kami. Hayyyy, ang ganda talaga ni Kim Ah Joong. For me, magkamukha sila ni Athena. Nakaka- inggit naman. Ang pangit pangit ko sa barkada ata ako lang ang pangit at yagit tingnan. Pano ba naman kasi eh ang yayaman ng mga kasama ko at ako lang ang mahirap.

Hayyy, YAYAMAN DIN AKO XD

Di nagtagal ayun wala na kaming magawa ni Athena. Nakahiga na kami sa kama niya.

"Nike..."

"BONJOUR!"

"AYYY TIPAKLONG NA KUMAIN NG BAGOONG!"- Athena

"Ayyy, meron bang ganun?"-Artemis

"ARTEMIS?! Anong ginagawa mo dito?"- Me

"Ayy, ayaw niyo ba? Sige aalis nako."sabi niya tapos tumalikod na.

"Bakit, may sinabi ba akong umalis ka?" tanong ko. Tumawa naman ang loka loka.

"Kayo talaga..."

"Artemis, I thought busy ka."sabi ni Athena.

"Hmmmm...ano ba naman kayo. Eh matitiis ko ba ang mga gaya niyo?" sabi niya tapos tumayo kami ni Athena at nag group hug.

--

Gabi na. Ang saya saya nga namin kanina eh kasi tung si Artemis ang lokaret. Ahahahahaha. Umuwi.na yung lokaret na yun. Sinundo siya ng papa niya. Napaka-protective nga ng papa niya eh. 10:00 na ng gabi pero wala pa din si Black sheep. Teka, paki ko sa kanya? Pero kung napaano na siya. Hayyy, asan na ba yung Black sheep na yun? Ano ka ba Nike, sanay yun sa labanan noh. Pabayaan mo yun.

30 minutes ago...

Ayun, natutulog na si Athena. Ako, hindi pa din mapakali kaya naman lumabas ako ng kwato ko at tiningnan ang kwarto ni Black sheep eh kaso wala pa siya kaya naman lumabas ako ng bahay. Umupo ako sa isang bench doon. Hihintayin ko yung Black sheep na yun.

30 minutes ago...

Wala pa talaga siya. Madami nang lamok ang dumadapo sa akin. Nakakakaba naman tung si Black sheep eh.

"Kung ako sayo wag na mo na siyang hintayin."biglang sumulpot si Zelland.

"Huh? Bkit?"

"Aabutan ka ng madaling araw jan. Panigurado, uminom si Sir kaya pumasok na tayo."sabi niya tapos pumasok na siya. Hindi nako sumunod basta ako hihintayin ko si Black sheep.


[NP: Di ko alam by Yassi Pressman Ft. Andre ParasDi ko alam kung saan kailan

Pa'no ba nag-umpisa ang lahat (yeah)

Di na mapakali nagkakamali, nabubulol, nauutal (uh-huh)]


Di katagalan may isang kotse ang pumark sa harapan ko. Teka, kotse to ni Black sheep. Tumayo naman ako. May lumabas siya sa kotse niya ng pagewang gewang. Uminom nga ata toh. Pero bakit naman siya iinom? :/

Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko siyang maglakad. Amoy alak siya. Ang baho niya.

"Nike?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko naman tapos hinarap ko siya.

"I love you..."

"Hayy naku Black sheep, lasing kalang."sabi ko pero nabigla naman ako ng halikan niya ako.

*Click*

[Kailan ba napansin na

Nandyan ka lang (I'm just here)

Di ko alam kung saan kailan

Paano ba nag-umpisa ang lahat lahat lahat]

Teka ano yun?

Mas diniinan pa ni Black sheep ang halik pero di ko naman ibinalik ang mga halik niya. Bakit...Bakit parang gusto ko tong ginagawa niya? Parang...parang nakaka-adik. Di katagalan eh ibinalik ko na ang mga halik niya at pumikit nako. Ewan ko ba pero parang gustong gusto ko to eh. Bigla naman umulan...Pumiglas naman kami sa halik at hinahabol ang hininga. Ang lakas ng ulan.

"Black sheep, tara na."nahihiya kong sabi sa kanya.

basang basa na kami. Nakatitig pa din siya sa akin.

"I love you so much. Love me like I do." tapos hinalikan niya pa ako uli. Nakng! Nakakailan na siya ah.

Lasing talaga tung lalaking to.

[Sittin' in a corner with a phone in my earThinkin' of ways to overcome this fear

Yah see I really wanna get very close to 'ya

But I get locked up and tongue tied when I'm around 'ya]

Pero kinikilig ako. A kiss in the rain. Pinapangarap ko to. Nabigla nalang ako nang pumiglas siya sa halik at sinukahan ako.

Aba't lintek!

"BLACK SHEEEEP! NAKAKAINIS KA!"

kinabukasan...

"ARAY! ANG SAKIT SAKIT NG ULO KOOOO!" Kanina pa siya sigaw ng sigaw jan. Karma lang niya yan eh sinukahan ako tapos halik ng halik. Grrr.

"That's a karma for you little brother, why did you drink kasi."sabi ni Athena habang ako tahimik lang. Nahihiya ako sa nangyari kagabi. Eh, baka naaalala niya yun eh baka asarin ako niyan mamaya.

"Nakakatulong ka talaga Athena."sabi ni Black sheep.


[What's a man gotta do to get 'yo attention

Get a chance to show 'ya some love and affectionI'm a shy guy but get this I can fly high

Together we can own the moon and reach the sky]

"Sir eto na po yung kape."sabi ni Zelland.

Uminom naman si Black sheep. Makalabas na nga. Pumunta ako dun sa garden. Gusto ko ng makakausap tungkol dun kagabi. Hayyy, alangan namang si Athena ang kakausapin ko eh di aasarin lang ako nun lalo na si Artemis. Hayyy.

Lumapit ako sa isang bulaklak at umupo sa harapan nito.

"Alam mo, nahihiya talaga ako sa nangyari kagabi. Alam mo yun yung parang gustong gusto mo na yung mga pinanggagawa niya sayo? Kagabi kasi eh hinalikan ako ni Black sheep tapos di ko magawang pumiglas. Mukhang gusto ko talaga ata ang halikan niya ako."

"Eh kung gusto mo halikan pa uli kita ngayon?"

O__________O

Lagot.

[Halina't hawakan ang aking mga kamay

Ating harapin ang bukas nang sabay

Kaya huwag kang matakot

Relax ka lang

Sabay natin tuklasin ang di pa alam]

"A-anong ginagawa mo dito?"tanong ko ng kinakabahan. Umupo siya sa tabi ko.

"Kala ko ba masakit ang ulo mo?!"

"Magaling ba akong umakting?" tanong niya tapos kinindatan ako.

NAKUUUU.

"Konti lang naman talaga ang ininom ko kagabi eh. Hindi sana ako a-acting pero nakita kita sa labas kaya naisip kong gawin yun. Nakaka-adik ba ang halik ko?" tanong niya ng nakangisi.

"Ha! Ang feeler mo naman!"

"Feeler? Yun ba yung pambalat ng prutas?" tanong niya uli ng nakangisi.

"Anong Feeler?! PEELER YUN HINDI FEELER! PEELER PEELER PEELER!!"

*Click*

[Di ko alam kung saan kailan

Pa'no ba nag-umpisa ang lahat (ang lahat)

Di na mapakali nagkakamali, nabubulol, nauutal (yeah)

Kailan ba napansin na

Nandyan ka lang (uh-huh)

Di ko alam kung saan kailan

Paano ba nag-umpisa ang lahat lahat lahat]

-_________-

Ano na naman ba yun?

"Eh ikaw pa ata yung mas nakainom sa atin eh. Sino namang tao ang kakausap sa bulaklak?" tanong niya.

"Ako. Ako yun."Sagot ko.

"Sino si Ako?"

URGGHGHHHHHHHHHHHHHH!

"MAKA-ALIS NA NGA!" Sigaw ko at Natawa naman siya tapos tumayo na ako at aalis na sana ng...

"Pero totoo yung sinabi ko kagabi..."

*Click*

Bahala na nga yung tunog pero what? Totoo?

"He, Nanggu-goodtime ka lang ata."sabi ko tapos iniwanan siya doon. Baliw ata yung lalaking yun. Mokong talaga.

Hapon na...

Dumating ang buong barkada dito sa bahay nila Black sheep. Ang saya saya nga eh. Puros lang harutan at kung ano ano ang pinanggagawa namin.

"Ang pangit mo Athena!" Sigaw ni Black sheep.

"Your pangit din kaya. Heller, were twins. So if I'm pangit your pangit too." tapos ayun nagtawanan kami except lang kay Black sheep. Nainis ata. Alam ko ang bababaw namin kasi yun lang tinatawanan namin. xD

"MI ULTIMO ADIOS XD!" Biglaang sigaw ni Zeus kaya tumawa naman kami pero si Black sheep hindi tumatawa.

HAYYY.

Dumating na yung mga noodles na nanggling sa Noodle shop ng Uncle ni Poseidon akya ayun kumain kami. Mainit siya kayo hinihipan ko tapos may nakalagay sa lalagyan ng noodles na 'Uncle Banri Noodle shop'.

Pagkatapos naming kumain eh bigla namang sumeryoso si Poseidon.

"Hey Nikko, May napapansin ka bang kakaiba this past few days?" Tanong ni Poseidon.

"Ha? Umm..yes. Palaging may namimimicture sa akin. Bakit?"

"Sabi ko na nga ba. May stalker ka."

Huh? may stalker? Si Blacksheep?

Owww kay...ang weird. :/

------

HI GUYYYYSSSSS~!

Sorry Zelland, kung mababasa mo man toh sorry at napagtripan kita. Ahahaha. Naisip ko nga ring pagtripan yung ibang classmate natin eh. Ahahaha.

Dedicated kay @GangstersiBanri.

Ayan naisakatuparan ko na ang wish mo.

SILENT READERS PLEASE MAGSILABASAN NA!!

Sinong na-bwisit sa GMA? Ako na-bwisit ako. xD

Eh kasi naman eh inalis nila ang Fairy Tail. And it means na ang MAGI Nalang pala ang dapat abangan kong anime in weekdays. Haayy. Kainis.

Yun lang. XD

Vote!

Comment and Share!

-Ayrenxx

Continue Reading

You'll Also Like

59.3K 3K 57
Paano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: l...
45.7K 743 41
Kwento ng isang babaeng transferee. Maganda, mayaman, matalino. Ang problema, siya ay isang nerd. Magiging kaibigan niya ang mga magaganda, mayayaman...
1.2M 31K 50
(Edited and Revised) But don't expect too much dahil sinulat ko ito nung kajejehan days ko pa. :p Are you willing to become a maid of 12 handsome, si...
142K 5.9K 103
Dahil sa daming ginawang kalokohan ni Zeira ay napilitang ilipat siya ng kanyang magulang sa ibang Paaralan ,paaralan kung saan dun din nag aaral ang...