Pag-iyak lang naman ang kaya kong gawin
kapag ako'y sinasamantala na.
Hindi ko kayang tumakbo sapagkat
ako yata ang bukod-tanging
hinahabol ang pighati kahit hindi ko naman ito
inaasam.
Kaya pakiusap ko sa 'yo,
ingatan mo ako.
Huwag mo ako sanayin sa
dating kinagawian.
Dahil ano pang saysay
ng pagtalikod sa nakaraan
kung ito rin pala ang aking
hinaharap?