Sa Taong 1890

By xxienc

86.1K 3.6K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 21

1.2K 66 20
By xxienc

|Kabanata 21|


Disyembre 18, 1889

Gumising ka sa katotohanang hindi lahat ng iyong ninanais ay maisasakatuparan at mangyayari. Dahil hindi iyon ang mangyayari. Hinding-hindi mangyayaring pasunurin ang tadhana at kapalaran. Kung ano ang nakatakda iyon ay mangyayari.

Martina




"'Agustin'?" hindi makapaniwalang usal ni kuya. "Martina, kailan mo pa naitawag ang isang tao sa kaniyang unang pangalan lamang?" dagdag niya.


"Uh, magkakilala po kami Kuya, magkaibigan na rin," sagot ko saka papalitpalit na tumingin sa kanilang dalawa.

Si Agustin pa rin ay nakangiti lang na nakatingin sa akin.


Bigla naman siyang nahampas ni kuya sa braso, "Huwag mo nga titigan ang aking kapatid," aniya saka ito pinandilatan.

Natawa naman ako nang nagbawi ng tingin si Agustin at umayos ng upo.


"Tama siya Lucas. Magkaibigan nga kami ni Binibining Martina," sabi na saka ngumisi uli sa akin. May sayad na ata talaga ito, kanina pa ngisi ng ngisi.


"Talaga? Kailan pa?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. "Kamakailan ka lang naman nakauwi rito at saka hindi rin lumalabas ang aking kapatid," turan pa ni Kuya.

"Uh, noong kamakalawa Kuya, doon sa sentro ng bayan," sagot ko na.

Mukhang hindi pa naman yata sinabi ni Agustin ang nangyari. Mabuti nalang, baka kung hindi talaga, hindi na ako makakalabas pa uli ng mansiyon. Napatango naman si Kuya at ngumiti sa aming dalawa.

Kaya lang biglang na namang ngumisi si Agustin, "Lucas, nababatid mo ba kung paano kami nagkakilala ng Binibini?" pagsisimula niya.

Kaagad itong ikinapamilog ng mga mata ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko saka mabilis na napalingon kay kuya na interesado pang nakikinig sa kaniya.

"Aba ay hindi ka talaga maniniwala kapag inilahad ko sa iyoffpph—" hindi ko na pinatapos si Agustin.

Mabilis ko siyang dinambahan at tinakpan ang bibig niya.

Napakunot naman ang noo ni Kuya na nakatingin sa amin.

"Wala, Kuya. Huwag kang maniwala sa kaniya. Nagsisinungaling siya. Kuya, pakiusap huwag. Kuya, huwag kang maniwala sa kaniya," nakikiusap kong usal sa kaniya.

"Hrmmpff asdfghklm," reklamo naman ni Agustin na namilog pa ang mga mata.

Kaya mas lalo kong diniinan ang pagtakip ko sa bibig niya, "Shh, tumahimik ka," saway ko saka lumingon kay Kuya.

"Ehehe, wala po Kuya. Huwag na huwag kayong maniwala sa kaniya. Sinungaling siya," katwiran ko pa.

Si Kuya naman ay hindi na nakapagsalita at namimilog na ang mga matang nakatingin sa amin.

Napalingon naman ako kay Agustin nang hawakan niya ang magkabila kong mga pulsuhan saka tinanggal ang pagkatakip ko nito sa bibig niya. Tumingin siya sa akin—sa ayos naming dalawa saka siya ngumisi.

"Binibini, nababatid kong ikaw ay nasasabik na ako ay makita," pagsisimula niya. "At handa akong gawin kung ano ang nais mong ating gagawin, ngunit huwag muna ngayon sapagkat... nariyan pa ang iyong kapatid," aniya pa saka lumingon kay Kuya.

Bahagya naman akong napatigil at ipinapasok sa isip ang ibig sabihin niya.

Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaagad akong napasinghap ako at napatakip sa bibig ko.

Nakapatong ako kay Agustin! Nakaupo ako sa hita niya! 

Aaaaackk! AYOKO NA SA MUNDO!

Nakapatong ako kay Agustin. Nakaupo ako sa hita niya. Nakapatong ako kay Agustin. Nakaupo ako sa hita niya. Nakapatong ako kay Agustin.

Nakapatong ako kay Agustin. Nakapatong ako kay Agustin. Nakaupo ako sa hita niya. Nakaupo ako sa hita niya.

Iyon ang mga katagang paulit ulit na tumatatak at ibinubulong sa isipan ko. Ganoon na lamang nakipagkarera ng aking puso na hindi ko na mapigilan sa bilis.

Mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo habang nakatakip pa rin ang aking mga kamay sa sarili kong bibig, at halos mawalan na ako ng hininga.

NAKAKAHIYA!

"Paumanhin! Hindi ko sinasadya. Paumanhin talaga! Hindi ko talaga sinasadya!" natataranta ko ng paliwanag. Saka ako lumingon kay Kuya na nakatitig sa akin.

Bigla na naman uli niyang hinampas ang nakangising si Agustin, "Ikaw ha? Anong huwag ipakita sa akin? Makakatikim ka talaga, Agustino," babala ni Kuya.

Hindi pa rin nawala ang kaba ko at nag-init pa ang mga pisngi ko.

Nakakahiya talaga! Nakapatong ako sa kaniya! Hindi ko lubos akalaing magagawa ko ang bagay na iyon. Kaya naman, bago pa ako makagawa ng isa pang kamalian ay hindi na ako nagpaalam sa halip ay mabilis na tumakbo palabas ng azotea at pumunta sa kwarto.

Pagkarating ko sa loob ay kaagad akong tumalon sa kama at doon inilabas ang pagkairita sa sarili.

"Nakakahiya ka, Chestinell! Ano ba ang ginawa mo?" pagmamaktol ko at pinaghahampas ang higaan.

"Isipin mo nga, nakapatong ka sa kaniya. Nakaupo ka sa kaniya! Mabuti kung nasa hinaharap na kayo, pero hindi eh. Pero hindi pa rin iyon maganda kahit nasa hinaharaaaaap!" daing ko.

"Ayoko na talaga. Wala na akong mukhang maipapakita sa kaniya! Nasira na ang imahe koooo," pagtangis ko.

"Nasaan na ang Kristina na sinanay sa etiketa, ha? Ayoko na. Ayoko ng lumabas ditooooo," halos maiyak na ako sa kakaisip sa kalapastangang ginawa ko. Habang ang Agustino pa namang iyon ay mukhang tuwang-tuwa pa.

Napatili ako sa inis, "Nasa 1890 tayo, Chestinell. Bawal magdikit ang babae at lalaki! Sobra pa sa pagdikit ang ginawa mooooo! Nakakahiya ka talagaaaaaaaa!" nanggigigil ko sabi at piangsasasampal ang sarili.

"Chestineeell, ano na ang gagawin mo ngayon?" naiiyak kong usal at nagtatatadyak sa higaan.

"Paano na ha? Ano na ang gagawin mo? Isipin mo nga iyon. Paano kapag nalaman ito ng iba ko pang mga Kuya, ni Ina, ni Tiya, saka ni Ama–aaaaah! Ayoko na talagaaaaa!"

Pinaghahampas ko na ang mga unan ko para kahit papaano ay mawala na ang inis, pagkairita at hiya ko. Pero kahit ano pang gawin ko ay hindi talaga, wala talagang nangyayari. Mas lalo pa akong nahihiya sa sarili ko.

"Chestinell namaaaan! Bago pa nga lang kayong nagkakilala sinira mo na kaagad? Hindi ka kasi nag-iisip eh. Hindi talaga eh. Nakakainis ka talaga!"

Sinapak ko na ang sarili ko baka sakaling makalimutan ko ang nangyari. Pero ayaw pa rin.

"Lupa, lamunin mo na akooo. O di kaya ay ibalik mo na si Kristina dito. Mas mabuti iyon dahil wala siyang kaalam-alam. Ayoko na talagaaaa," naghihina kong maktol.

Ilang minuto na ang nakalipas pero nakahilata pa rin ako sa higaan at nakatitig lang sa kisame nito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nakakahiya talaga iyon.

Bakit ko pa kasi ginawa iyon? Siya naman kasi, sumbungero eh. Sigurado akong kanina niya pa sinabi kay kuya ang totoo. Ayoko pa namang malaman iyon ni kuya dahil katapusan na ng pangarap kong makalabas ng mansiyon.

Ayaw na nga akong palabasin ni kuya Lucio noong nawala lang ako sa Puente de la Reina kahit ilang oras lang, paano nalang kapag nalaman nilang nakiusyoso ako sa mga magnanakaw na muntik pa akong masaktan. Sina kuya pa naman ay walang sinisekreto sa isa't isa.

Haiish, nakakainis ka talaga, Chestinell. Pahamak at palpak ka talaga kahit kailan.

"Aaaaaaaaahh! Ayoko naaaaaaa!" naiinis kong sigaw saka nagtatatadyak sa higaan. Kainis talaga!

"Sen–senyorita? Ayos lamang po ba kayo riyan?"

May narinig akong kumatok at nagsalitang taga-silbi mula sa labas ng pinto. Ngunit, imbes na sumagot ay napadaing nalang ako sa inis at tumangis.

"Nakakainis ka talagaaaaaaaa."


⋅─────────⊱༺ ·𖥸· ♡⁠ ·𖥸·༻⊰─────────⋅

Naalimpungatan ako nang may narinig akong kumakatok sa pinto, "Senyorita? Kayo'y ayos lamang ba riyan?" sabi pa niyong nasa labas.

"Kayo ay maghahapunan na, Senyorita," dagdag nito.

Dahil sa sinabi niya ay kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon. Ano?!

Doon ko pa lang napansin na medyo madilim na pala sa buong kwarto pati na rin sa labas na tanaw ko mula sa nakabukas na bintana.


Teka? Bakit ang dilim? Anong nangyari? Hindi ba nasa likod-bahay pa ako kanina? Bakit ako nakatulog? Anong oras na ba?


Kaagad akong napatakbo papunta sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang gulat na pagmumukha ni Isay.

"Senyorita? Ano ang nangyari sa iyo? Ayos lamang ba kayo?" mabilis na pagtatanong niya.

Napakunot ang noo ko, "Anong nangyari?" naguguluhan kong usal. "Bakit nandito na ako?"


Bahagya naman siya tumitig sa akin saka mukhang may iniisip, "Uh, kaninang hapon po ay bumalik ka rito sa mansiyon mula sa hardin, at mula noon ay hindi ka na lumabas," sagot niya.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang lahat ng mga nangyari sa buong maghapon—lalo na noong nasa azotea ako.


Nang maalala ko na naman ang nangyari ay bumalot sa buong sistema ko ang hiya at pagkainis sa sarili, na siyang dahilan ng pagtili ko. Napahikbi ako kahit walang luha saka pinag-uuntog ang ulo ko sa pinto.


"Senyorita? Mahabagin! Ano ang nangyayari sa inyo? Mayroon ba kayong dinaramdam? Bakit ganiyan ang iyong inaasal?" natatarantang sunod-sunod na tanong ni Isay.


Bigla naman akong napasinghap nang maalala ko ang limang bata, lalo na si Tinong. Walang isang sigundo ay napaharap ako sa naguguluhang si Isay na nagulat sa biglang paglingon ko sa kaniya.

"Nasaan si Tinong? At iyong apat na iba pa?" kaagad kong usisa.

Nakalimutan kong sabihan si Lola Iluminada, pati na rin ang perang ibibigay ko. Eh, kasi naman may pa-emote emote pa akong nalalaman, ayun tuloy at nakatulog pa ako. Aish. Baka sabihan pa akong sinungaling ng mga batang iyon.


"Naroon pa sila sa imbakan, Senyorita. Ngunit papaalis na rin," tugon niya kaya agad ko siyang hinawakan sa braso.

"Kaagad mong sabihan si Lola Iluminada na pagbalutan silang lima ng pagkain, at ibigay mo sa kanila. Tsaka, bumalik ka muna rito pagkatapos mong sabihan si Lola, may iaabot akong pera na pampagamot ng ina ni Tinong," paliwanag ko sa kaniya.


Mabilis naman siyang tumango at naglakad na pababa. Bumalik naman ako sa kwarto at nagsindi ng isang ilaw sa mesang pang-aral saka tinungo ang aparador sa may higaan at kumuha ng mga barya.


Kaagad na akong lumabas at bumaba na ng hagdan na siya ring pagsalubong sa akin ni Isay.

Inabot ko sa kaniya ang karakot na mga barya, "Ibigay mo ito kay Tinong," binigyan ko siya sa kanang kamay. "At eto, ihati mo ito sa apat na mga bata," abot ko sa kaliwa.

"Opo, Senyorita," saad niya saka mabilis na naglakad uli papunta sa kusina.

Agad rin akong nagtungo sa kainan at nadatnan sila doon na naka-upo na.


Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Ngunit ramdam ko ang sama ng tingin na ibinigay ni Ama sa akin, kaya hindi na ako naglakas loob na tignan siya.

"Por qué vienes atrasado?" (Why are you late?)

Galit na tanong ni Ama nang umupo na ako. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya.

Bakit ba kasi siya nag-eespanyol? Alam kong espanyol siya pero hindi pa naman nasasakop ng husto ang probinsiyang ito ng mga espanyol ah, bakit hindi nalang siya mag filipino?


Tahimik lang sina kuya at nakatingin sa mga plato nila. Tinignan ko naman si Ina na nakatingin pala sa akin at ngumiti kaya agad ko siyang ginantihan.

Mabuti pa itong si Ina talaga, ang bait sa akin.

Si Tiya naman ay tahimik lang din at medyo nakatingin sa malayo habang nakapikit, na para bang hinihiling niyang huwag ng matuloy ang ano mang mangyayari.

"Kristina, tinatanong kita. Por qué vienes atrasado?" puno ng pagtitimpi na ulit niya, kaya naman agad akong napalingon sa kaniya.

Ganoon na lamang ang pagsisisi kong ginawa iyon dahil sobrang sama ng tingin niya sa akin at nagdidilim na ang kaniyang aura.

Minsan naiirita rin ako rito eh. Nagtatagalog nga pero iyong mga salitang importante ini-espanyol naman. Nakakaimbyerna.


"Hayaan mo na, mahal. Ang mahalaga ay narito na siya," paglaban ni Ina sa akin.

Sige Ina, kaya mo iyan!


"Siya ay nahuli, Ama, sapagkat sinabi ng kaniyang taga-silbi na siya ay nakatulog," singit naman ni Kuya Lucio.

"Hindi naman po iyon nararapat na inyong ikagalit, o kaya naman si Martina ang inyong pagbuntungan ng galit dahil sa mga problema sa inyong tanggapan," patuloy niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag na umupo. Mabuti nalang talaga at marami akong kakampi rito. Maraming magtatanggol sa akin.

"Lucio, huwag mo ngang pinagtatanggol iyang kapatid mo," galit na tugon nito, saka matalim na tumingin sa akin.

"Tandaan mo ito, Kristina," usal niya sabay turo sa akin.

"No quiero que esto suceda otra vez," (Ayoko ng mangyari uli ito.)

Napasimangot naman ako. Ayan na naman siya eh! Kaya hindi ko maintindihan talaga kasi ini-espanyol niya. Nakakainis ito.


"Respóndame," (Sagutin mo ako.) aniya na hindi ko talaga maintindihan.

"Hindi na ito mauulit pa, Kristina. Naiintindihan mo?" nagtitimping aniya.

Ah, iyon pala ang ibig sabihin niyon. Kay simple lang naman kasi, ini-espanyol pa.


"Opo, Ama. Hindi na mauulit," mabilis kong tugon.

Natahimik naman siya sa saka pinansingkitan ako ng mga mata. Gusto ko na sana siyang samaan ng tingin, huwag nalang.

Mas malala pa ito kay Lolo Alejandro kaya kapag ginawa ko iyon baka mawasak pa ang buong mansiyon sa galit niya. Sensitibo pa naman ito.


Hindi na uli siya nagsalita at kumain na kami. Wala ni isang sumubok na maglabas ng kahit isang salita man lang. Nagsasalita lang kapag nag-uutos sa mga taga-silbi na nasa likuran nakatayo.

At nang dahil sa katahimikan ay naalala ko na namang ang nangyari sa azotea. Napahagulgol ako ng walang boses at luha.

Nakakahiya ka talaga, Chestinell.


Pasimple naman akong tumingin sa tatlo na nasa harap ko. Sa mga itsura ng dalawa ay mukhang wala sila alam, dahil walang kasuspe-susptesa sa mga galaw nila.

Si Kuya Lucas naman ay biglang napatingin sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Kaagad na nag-init ang mukha ko dahil sa hiya. Wala na rin akong mukhang ihaharap pa sa kaniya dahil nasaksihan niya ang kahihiyang ginawa ko.

Sigurado akong ano mang oras ay sasabihan niya talaga sina Kuya Marco at Lucio. O hindi naman kaya ay sinabihan na niya at binalaan na huwag magpahalata?

Aish, naman kasi.


Nagtuloy-tuloy nalang ako sa pagkain at hindi na tumingin kahit kanino. Naunang natapos si Ama na umalis papunta sa kanilang silid. Kasunod si Ina na nagpunta sa kusina.

Magkasabay sina Tiya at Kuya Lucio na nagpunta na rin sa kanilang mga silid. At ako ang nahuli. Dahan-dahan lang kasi akong kumain dahil hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari.

Kahit anong pilit kong tanggalin sa isip ko, hindi ko magawa. Isang malaking kahihiyan iyon sa buong buhay ko. At mahirap makalimutan ang mga bagay na tulad niyon. Lalong lalo na iyon! Nakakawala ng gana. Kung hindi lang talaga dahil sa misyon at sa buhay ko sa hinaharap, lumayas na ako dito.


Sana huwag ng magpakita sa akin ang Agustinong iyon.

Nasa kalagitanaan na ako ng hagdan upang umakyat na sana ako papuntang kwarto nang bigla akong tawagin ni kuya Lucas.

"Martina, maaari ba kitang maka-usap?"

Teka, akala ko ay nasa taas na siya?


Napalingon ako sa kaniya na nakatayo sa may piyano at seryosong nakatingin sa akin saka naglakad papunta sa azotea. Ang lugar kung saan ayaw ko ng tumapak.

Agad akong napasimangot at humikbi habang tinatanaw siyang maglakad papalayo.

"Wala na talaga. Ayoko na," maiyak-iyak kong usal at matamlay na bumaba upang sumunod sa kaniya ng nakalaylay ang mga balikat.

"Katapusan ko na talaga."

Nakarating ako sa azotea at natagpuan si kuyang nakatingin sa labas ng napakalaking bintana. Napahinga ako ng malalim saka tahimik at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.


"Bakit kuya?" walang sigla kong tanong. Lagot na talaga.

Napalingon naman siya sa akin, huminga ng malalim saka humarap at tinanggal ang pinagkrus na mga braso.

"Martina, ang iyong inasal kaninang—"

"Kuya, hindi ko sinasadya iyon. Pangako," mabilis kong putol sa kaniya.

"Pinagsisihan ko talaga iyon. Hindi na ako nag-iisip sa kinikilos ko. Paumanhin talaga. Kuya, hindi ko iyon sinasadya. Pangako, sa susunod mag-iisip na talaga ako sa mga ikikilos ko," sunod sunod kong paliwanag.


"Mabuti, Martina. At sana hindi mo na uli gagawin ang bagay na iyon. Paano na lamang kung ikaw ay nasaktan?" dugtong kilay na aniya.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong usal. Don't tell me—.


"Martina, huwag mo ng ipagkaila sa akin. Nababatid ko na ang nangyari noong kayo ay nagkita ni Agustino," sagot niya.


"Aish, Agustinong 'yon talaga," napabulong nalang ako sa ere.

"Huwag mong kapootan ng loob ang Ginoo, Martina. Pinilit ko lamang siyang umamin sa akin, sapagkat nababatid kong mayroon kang tinatago buhat na rin ng iyong inasal kanina," paliwanag niya.

"Eh, ayoko ko lang naman na mag-alala kayo sa akin, kaya ayaw kong sabihin sa inyo," matamlay akong ngumiti.

"Tinulungan ko lang naman siya, dahil nakita kong may mga nais na nakawan siya," dagdag ko.


"Pero Martina, siya ay isang Ginoo. Kaya na niya ang kaniyang sarili," buntong hiningang aniya.
"Hindi mo na sila nararapat na pamagitnaan, sa halip ay humingi ka na lamang sana ng tulong."

Nginitian ko siya, "Iyon nga sana ang ginawa ko Kuya, kaya lang hindi ko na alam kung ano na ang nangyari. Paumanhin talaga, hindi ko sinasadya," paghihingi ko ng tawad.


"Hindi ko nababatid kung bakit ngayon pa na ikaw ay lumalabas na ng mansiyon ay ikaw na ay gumagawa ng mga bagay ng padalus-dalos," aniya saka tinitigan ako na parang hindi makapaniwalang si Kristina pa rin ang kaharap niya.

"Naalala ko iyong sinabi ni kuya Lucio na ikaw ay nawala sa Puente de la Reina," dagdag niya pa.

"Ang aking kapatid na si Martina ay hindi naman ganoon ang ugali, siya ay hindi nalang basta-bastang nawawala," binigyan niya ako ng tinging hindi makapaniwala.


Halos lumuwa na mula sa dibdib ko ang puso kong mabilis ang tibok. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko at nangangatog na ang tuhod ko.

Ano mang sandali ngayon ay sasabihin niya sa aking alam na niyang hindi ako ang kaniyang kapatid.


Goodness! Ganoon na ba ako kalayo sa totoong Kristina? Alam niya bang impostor lang ako? Alam niya bang galing ako sa hinaharap? Mabubuko niya na ba ako?


"Ngunit, nababatid ko ring ikaw ay nais na tumuklas ng mga bagay at naninibago ka pa lamang sa labas kaya naiintindihan ko," aniya saka binigyan ako ng malaking ngiti.

Dahil sa sinabi niya ay nakahinga ako ng maluwag, sobrang luwag. Ang akala ko talaga ay may makakaalam na sa sekreto ko.


"Ganoon–ganoon nga kuya, tama ka," tugon ko at kaagad na nginitian siya.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Nang magawa niya iyon ay bahagya pa siyang nagulat at nagtatakang tumingin sa akin.

"Bakit ikaw ay nanlalamig? Mayroon ka bang dinaramdam?" mabilis niyang tanong.


Kaagad naman akong umiling, "Hin–hindi Kuya. Dahil siguro ito sa lamig ng hangin," palusot ko nalang dahil nandito rin naman kami sa may bintana.


"Tama ka riyan. Papupuntahin na kita sa iyong silid," aniya saka tumango.

"Ngunit tandaan mo, Martina, lagi kang mag-iingat. Huwag mo kaming pag-alalahanin, naiintindihan mo ba ako?" aniya.

Halos matanggal na iyong puso ko dahil sa sinabi niya. Tama nga si Kristina, nandiyan palagi ang kaniyang mga kapatid sa tabi niya at hindi niya maiisip ang sariling buhay kung wala sila.


Sana, may mga kapatid din ako sa hinaharap na ganito. Iyong laging nasa tabi ko, inaalagaan, pinoprotektahan at pinapahalagahan ako.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap na siya, "Pangako Kuya, gagawin ko ang lahat upang hindi ako mapapahamak," sambit ko.


Niyakap rin naman niya ako pagbalik, "Huwag kang mag-alala, Martina. Hindi ko na ilalahad ang mga nangyari kina kuya at Marco, pati na rin kina Ina," aniya kaya napabitaw ako sa yakap at napatingin sa kaniya.

"Talaga?!" hindi makapaniwala kong tanong.


Tumango naman siya, "Oo, pangako iyan," ngumiti siya.

Dahil sa saya ay niyakap ko uli siya, "Yeyy, salamat Kuya!"

"Walang anuman, Martina. Basta, ikaw ay nangako na sa akin ha?" pagpapaalala niya. Kaya tumango ako habang kayakap siya.


"S'ya, tayo na sa itaas. Upang ikaw ay makakapagpahinga na rin," wika niya saka bumitaw sa yakap.

Nakangiti naman akong tumango. Inakbayan naman niya ako at naglakad na kami papalabas ng azotea.


Hindi ko alam, ang ganda pala kapag may Kuya ka. May makakaintindi sa nararamdaman saka, ang ugnayan na namamagitan hindi maipaliwanag.


Nasa kalagitanaan na kami ng hagdan nang makasalubong namin si kuya Lucio. Bahagyang nakataas ang kilay niya habang nakangisi sa amin, lalo na sa akin.


"Aba, aba, mukha napakasaya mo yata, Martina," aniya.

Nagkatinginan naman kami ni kuya Lucas na siyang ikinagulo na naman ng reaksiyon niya.

"O bakit kayo nagkatinginan, ha? Mayroon ba kayong mga kalokohan?"

Tinignan naman niya kami ng may paghihinala.

Sabay kaming natawa ni kuya Lucas, "Wala, Kuya," tanggi ko.

"Wala, Kuya. Mayroon lamang akong itinanong sa kaniya," pagsuporta ni kuya Lucas.

"Saan ka naman paroroon? Mayroon kang lakad?" pag-iibang usapan niya.

Napatango naman muna si kuya Lucio bilang pagtugon sa sagot ni Kuya, saka naman siya tumingin sa pinto papalabas nga mansiyon.

"Oo, mayroon lamang akong paroroonan. Babalik rin naman ako kaagad," aniya saka tinapik si kuya Lucas sa braso at hinalikan ako sa noo.

"Ako ay aalis na," sabi niya saka mabilis na naglakad pababa.

"Mag-iingat ka, Kuya," halos sabay pa naming wika ni Kuya Lucas.

Itinaas naman ni Kuya Lucio ang palad niya at winagayway at tuluyan ng nakalabas ng mansiyon habang tinatanaw namin ni kuya Lucas mula rito sa hagdan.

"Sa tingin mo Kuya, saan kaya siya paroroon?" baling ko kay kuya habang nakatanaw sa pintong sumara.

Nagkibit-balikat naman siya, "Hindi ko alam," aniya. "Marahil ay mayroon siya katipan na katatagpuin," natatawang biro niya kaya natawa na rin naman ako.

"May kasintahan na ba si kuya?" kuryuso kong tanong.

Umiling siya, "Hindi ba at nababatid mong wala pa," natatawang aniya.

"Sinabi niyang hindi niya pa nais magkaroon sapagkat hindi pa iyon kabilang sa kaniyang iniisip," dugtong niya pa.

Naalala ko naman iyong sinabi ni kuya Lucio noong gabi ng kaarawan ni Ama, "Oo nga pala. Tama ka," tugon ko at napalingon ako sa kaniya.

"Kuya, tulungan mo naman akong maghanap ng magiging kasintahan niya," alok ko sa kaniya.

Kaya naman natawa siya, ng malakas, na ikinataranta ko at nahampas ko siya sa braso.

"Kuya naman. Bakit ka ba tumawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" naguguluhan kong tanong.

"Oo, mayroon. Iyong buong sinabi mo," natatawang tugon niya. "Paano naman natin gagawin iyon, aber? Hindi ba at ayaw pa niya?" dagdag niya.

"Kuya, kapag darating ang pag-ibig, wala ng makakatanggi pa doon," pagrarason ko naman.

Ipinagtaka ko naman ang biglang pagseryoso ng mukha niya at tinitigan ako, "Martina, aminin mo nga sa akin," aniya pa na ikinakurap ko ng ilang beses.

"Umiibig ka na ba?" pagtataas kilay niya.

Dahil doon ay ako naman ang napatawa, "Anong umiibig? Kuya, nagpapatawa ka ba?" turan ko.

Tinuro-turo naman niya ako at pinansingkitan ng mga mata, "Siguraduhin mo lang, ha? Dahil kapag nalaman ko isusumbong na talaga kita kay kuya Lucio," banta niya pa kaya napasimangot ako.

"Wala nga eh, kahit isumbong mo pa," sagot ko.

Napailing nalang siya saka inakbayan na ako uli, "S'ya, tayo na nga," aniya saka naglakad na uli kami paakyat.

Nadatnan ko si Isay sa loob ng silid na naghahanda sa higaan. Napalingon naman siya sa akin at bahagyang ngumiti.

"Naibigay ko na sa kanila, Senyorita. Labis silang natuwa at sila'y nagpapasalamat sa iyo ng marami," aniya.

"Wala iyon, Isay," usal ko saka naglakad sa higaan at kinuha ang damit na pantulog. "Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Handa akong tulungan ka, kayo," nakangiti ko turan sa kaniya. Napatango naman siya.

Naglakad na ako papunta sa bihisan at siya naman ay nagpatuloy sa pag-aayos.

"Mayroon pa ba kayong kailangan, Senyorita?" tanong niya nang makalapit ako sa higaan.

Nakangiti naman akong umiling, "Wala na, Isay. Maaari ka ng magpahinga. Salamat," tugon ko.

Ngumiti rin naman siya at tumango at pagkuwa'y lumabas na ng silid.

Humiga nalang ako at pumikit. Ngunit sa aking ikinainis ay bigla na namang pumasok sa aking isipan ang tagpo kanina sa azotea.

Napasigaw ako sa inis, "Aaaah! Bakit ba ayaw mong matanggal sa isip kooo?!"

Napabuga ako ng hangin dala ng pagkairita sa sarili.

Kapag nandito lang talaga iyong matandang nagdala sa akin dito, napalo na ako ng dospordos.

Tsaka ano nalang kaya siguro ng magiging reaksiyon ni Lolo Alejandro kapag nalaman niya ang ginawa ko? Sigurado akong matatakwil na talaga ako sa pamilya Del Veriel.

Sa pagsubok kong matanggal iyon sa isip ko ay hindi ko na namalayang unti-unti nang bumibigat ang aking mga pilik mata at nadama ko na ang pagod buhat ng maghapon mga nagawa ko at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.



"Labis kitang minamahal, aking sinta. At gagawin ko ang lahat nang sagayun ay kanilang mabatid kung gaano katotoo iyon," aning lalaking habang seryosong nakatingin sa babae ngunit bahid sa kaniyang mga mata ang sinseridad sa bawat mga salitang kaniyang binibitawan.

"Ngunit, aking sinta, ano ang ating gagawin? Hindi ba at nababatid mong ang ating mga magulang ay tutol sa ating pagmamahalan?" malungkot na tugon ng babae.

"Ikaw ba ay sumusuko na, aking sinta? Ipangako mo sa akin na iyon ay hindi mo gagawin. Ang ating pag-iibigan ay hanggang sa dulo na kahit sino at kahit ano ay hindi makakahadlang niyon," salaysay ng lalaki saka pinahid ang luhang tumulo mula sa mga mata ng babae.


"Pangako iyan, aking sinta. Ang ating pag-iibigan ay hanggang sa dulo ng walang hanggan. Hanggang sa aking susunod na buhay, ikaw pa rin ang aking pipiliin," pangako naman ng babae.


"Martina?" tawag sa akin ni kuya Marco mula sa katapat na upuan.

"Hmm?" tugon ko ng hindi tinatanggal ang tingin sa librong binabasa.

"Ikaw ba ay hindi nalulungkot sapagkat wala ang iyong Dueña?" tanong niya na nagpataas ng kilay ko saka naibawi ko ang tingin ko sa libro at lumingon sa kaniya.

"Dueña?" naguguluhan kong usal.

Anong Dueña? Anong ibig sabihin niyan?

"Oo, Dueña," tumatangong aniya. "Si Hilda," dagdag pa niya.

Mas lalo namang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "Hilda?" paguulit ko sa sinabi niya.

Dahil sa ginawa ko ay natawa sina Kuya Lucas at Lucio na kasama rin namin sa azotea.

Pinasingkitan naman ako ni Kuya Marco ng mga mata saka tinaasan ng kilay, "Bakit mo ba unuulit ang aking mga tinatanong sa iyo?" aniya pa.

Siyempre naman, hindi ko alam kung ano at sino ang tinutukoy mo eh. Sino ba si Hilda at ano ang Dueña?

Nakakainis naman ito. Wala naman din akong nabasang sulat tungkol sa kaniya ah. Matalik ba siyang kaibigan ni Kristina?

"Wala–wala naman," palusot ko. "Napaisip lamang ako kung bakit bigla mo nalang inungkat ang bagay na iyan," dagdag ko saka siya tinaasan ng kilay.

"Mayroon ka bang gusto sa kaniya?"

Dahil sa nasabi ko ay napahagalpak naman ng tawa ang dalawa ko pang Kuya, na halos marinig na ng mga nagbabantay na gwardiya sibil sa may bakod ng mansiyon.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang tawa nila na parang hindi makapaniwala sa nasabi ko at isang napakalaking biro.

Ganoon na lamang rin ang pagkalukot ng mukha ni Kuya Marco at pamimilog ng kaniyang mga mata, "Mahabagin!"

Napasigaw pa siya na halatang nandidiri, gulat na gulat at halos na yata mukha pa siyang masusuka sa sinabi ko.

"Martina, kahit pa siya na lamang ang natitirang babae sa buong mundo ay hindi ko magagawang siya ay magustuhan! Nakakakilabot!"

Ganoon na lamang ang kaniyang paglabas ng kaniyang nandidiring saloobin at reaksiyon habang ang dalawa pa ay tawa pa rin ng tawa.

"Ba–bakit? Wala namang pinipili ang pag-ibig, Kuya," usal ko kahit hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.

Nakita ko na lamang ang pagbigay sa akin ni kuya ng tingin na nakakadiri at hindi na nais marinig pa ang mga sinasabi ko.

"Martina, utang na loob at ako ay nakikiusap sa iyo, huwag mo ng sabihin pa at talakayin ang nakakakilabot at nakakasama ng sikmura na paksang iyan," aniya pa na ganoon na lamang ang pagkaalibadbaran niya.

"Ikaw ay pangilabutan sana sa iyong sinasambit," naririmarim na saway niya pa.

"Oo nga naman, Martina. Maawa ka sa iyong kapatid," singit pa ni Kuya Lucio na pinahiran ang mga luha na nasa gilid ng kaniyang mga mata dahil sa labis na pagtawa.

Nahampas naman ni Kuya Marco si Kuya Lucas na hangggang ngayon ay tawang-tawa pa rin na halos hindi na mapigilan.

"Pati na rin ako ay nangingilabot na rin sa iyong sinasambit," dugtong niya.

Napasimangot naman ako. Grabe naman ang mga reaksiyon nila. Sino ba naman kasi ang Hilda na iyan na ganoon na lamang mandiri sina Kuya?

"Sobra naman iyang mga reaksiyon niyo—"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang marinig namin ang isang taga-silbi mula sa pintuan ng azotea. Sabay kaming apat na napalingon doon.

"Ipagpaumanhin ang pag-istorbo, mga Senyorito, Senyorita, ngunit mayroon pong panauhin," usal nito na bahagyang nakayukod.

"Narito po si Senyorito Primitivo," dugtong niya.

Pagkasabi niya niyon ay kaagad na lumitaw sa tabi niya ang pigura ng binatang si Primitivo na nakasuot ng amerikana at kaniyang panlabas na damit na hanggang gitna ng hita.

Nakangiti siya na mas lalong nagpatingkad ng kaniyang gwapong itsura.

"Mga Ginoo at Binibini, magandang araw sa inyo," nakangiting aniya.

Tumayo naman si Kuya Lucio at tinapik siya sa balikat, "Magandang araw rin sa iyo. Upo ka," imbita ni kuya.

Umupo rin naman siya katapat ni kuya Marco at Lucas at bumalik naman si kuya Lucio sa upuan na katapat sa akin, na nasa magkabilang dulo.

"Ano ang aming maipaglilingkod sa iyo?" usisa ni Kuya Lucas sa kaniya.

Mabuti naman at natapos rin siya sa kakatawa niya, dahil akala ko hindi na talaga eh. Si Kuya Marco naman ay nakatingin lang kay Primitivo.

Nakangiti naman siyang bumaling sa akin, "Ako ay hindi na magpapaligoy-ligoy pa," aniya saka tumingin uli kina Kuya na napatingin na rin sa akin.

Kaagad akong nagkibit-balikat nang taasan nila ako ng mga kilay.

"Nais ko sanang humingi ng pahintulot sa inyo upang yayain sana ang binibini na mamasyal sa sentro ng bayan,"dugtong niya.

At ganoon nalang ang pagpamilog ng mga mata ko at ikinataas ng isang sulok ng labi ko.

Napakunot na rin ang akong noo at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya.

Ano raaaaaw?!



Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

84.6K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
789K 18.9K 43
(Delilah Series # 3) "You were my father's mistress. How else do you want me to treat you?" Halos matumba ako sa bigat na dumagan sa puso ko dahil sa...
58.8K 1.5K 27
(Old story) Si Ava Maria Kristina Block ay gusto maging Secret Agent kagaya ng kanyang mga magulang kaya naging scholar siya sa Secret Academy, isang...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...