LOVE , LIES WITHIN YOU (FRAND...

By Amyfinity_writes09

105K 9.3K 1.1K

LOVING YOU IS A LOSING GAME More

00
C1
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C30
C31
C32
C33
C34
C35
C36
C37
C38
C39
C40
C41
C42
C43
C44
C45
C46
C47
C48
C49
C50
C51
C52
C53
C54
C55
C56
C57
C58
C59
C60
C61
CH61
C62
C63
C64
C65
C66
C67
C68
C69
C70
C71
C72
C73
C74
C75
C76
C77
C78
C79
C80
C81
C82
C83
C84
C85 End

C12

1.1K 110 14
By Amyfinity_writes09

Jaydee's Pov

Nagsimula na yung laro muli at ilang minuto nalang ang natitira , 3:42 to be exact at lamang pa rin yung kalaban namin ng 10 puntos. Okay lang naman dahil bumaba na at may chansa pa kaming makahabol kahit papaano kaso mukhang pagod na pagod na din sila kuya Brei , kuya Abbiel , Gabb , Lance , Dean at Ali. Wala na rin namang pwedeng mag sub sa amin dahil nga injured si Daryl at pati si Ash na siyang kapalitan sana ni Kuya brei. Hawak hawak ko ang bola at nakabantay naman sa akin itong ace player nila na si Tiff , magaling siyang dumipensa at umupensa kaya nahihirapan din si gabb na bantayan siya.

"Kawawa ka naman jaydee! Matatalo na kayo ngayon tapos yung maganda mong ex girlfriend mukhang nasa piling na ng iba at kay kielle pa talaga na kapatid ko ah haha! Yung tumalo sa inyo sa semi finals ng UAAP" pang aasar niya pa sa akin , nag init naman yung ulo dahil sa sinabi niya sa akin kaya nag step back 3 ako. At napa yes naman ako ng mashoot yun , ayan asar ka pa ah! Wag kang mag alala sisiguraduhin kong mananalo kami ngayon sa laban na to.

"Kala mo ba matatalo mo kami? In your dreams napaka weak mo katulad nila gabb?! Naturingang ace player pero tatanga tanga ka lalo na sa pag ibig---" di na natapos yung sinasabi niya nang bigla kong stealin yung bola na hawak hawak niya at tumakbo ng mabilis para ma i lay up yun sa ring. Mas lumakas naman yung cheer ng mga cheerleaders namin dahil doon , lima nalang yung lamang nila sa amin at may natitira pang 56 seconds.

"Ingay mo din no? Magkapatid nga kayo ni kielle kasi sobrang yabang niyong dalawa at iyakin! Saka mo na ako yabangan kapag kapantay mo na yung angking galing ko at yung mga nakuha kong individual awards." Rebat ko sa kanya nginisian niya lang ako sabay nagdribol dribol , pinasa niya na yung bola sa kasamahan niya ngunit naagaw yun ni Kuya brei.

"Brei ipasa mo kay jaydee yung bola! Nasa unahan na siya?!" Sigaw naman nila lara at gabb ngunit nag diretso diretso lang si Kuya brei at natawagan nga ito ng offensive foul.

"Fudge! Sabing ipasa eh! Paikutin niyo yung bola wag niyong angkinin. Back to defense! Bilisan niyo ang galaw niyo!" Sigaw ni coach at napatingin naman ako sa may orasan 30 seconds nalang ang natitira at 5 pa ang lamang ng ateneo sa score na 110-105.

Bumalik nalang kami sa pagdidipensa at sinigurado namin na hindi sila makaka shoot , napatira ng pilit si tiff ngunit na block ko iyun at hinabol ko na yung bola dahil patungo iyun sa court na pag iiskoran namin nang biglang tumumba ako sa may court at isang malakas na pito ang narinig ko.

"Aaahhhh! Damn it!" Sigaw ko nang bumagsak ako , napahawak nalang ako sa bibig ko na nagdurugo ngayon ramdam ko na rin yung pananakit ng paa ko at nagdurugo na din yung mga tuhod ko dahil sa lakas nung impact sa sahig.

"Dong? Okay lang ba? Gagong tiff to ah! Bakit mo ginawa yun ah! Tarantado ka ah? Dapat sayo pinagpipiraso eh! Kasing dumi ng budhi mo yung paglalaro mo ng basketball! Kapag hindi marunong , manuod nalang ah!" sabi ni Gabb at pilit naman siyang inaawat nila Kuya abbiel na puntahan si tiff na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa aming lahat.

"Flagrant foul penalty 2 for number 24 Tiff Jensen , you may go out of the court and go to your locker room" sabi ng referee hindi ko naman maitayo yung paa ko dahil sa sobrang sakit , nanginginig na din yung mga kamay ko ngayon.

"2 free throws plus ball position para sa RTU! Jaydee you may shoot your first ball now" sabi ng referee napatingin naman silang lahat sa akin na nakaupo parin ngayon.

"Coach may time out ka pa diba? I call out muna need ng mapalitan yung tela ni jaydee sa paa ngayon" nagulat naman ako nang biglang magsalita si Kuya abbiel na ngayon ay nakatingin lang nang diretso sa paa ko.

Hindi ko napansin na hindi ko na pala suot yung isa kong sapatos at bumungad na ngayon yung duguang paa ko na napapalibutan ng tela. Nagpito na at agad na akong binuhat nila kuya abbie papuntang upuan , kumuha na sila ng tela at mabilis nang kinuha yung tela sa paa ko at pinalitan ng bago.

"Jaydee? Kaya mo pa ba? Mukhang bumuka na yung tahi mo sa paa , masakit to sobra pag nilagyan pa ng tela. Please ipaubaya mo na to sa amin kung hindi mo na talaga kaya." tanong sa akin ni kuya abbie at nag aalalang tumingin naman sa akin itong mga teammates ko nang may labis na pag aalala.

"Kuya abbie wrap it up na , malapit na matapos yung time out pati yung laro lalaban ako hanggang dulo! Di ba pangarap nating magchampion? Ito na yun Kuya nararamdaman ko na yun sa International League! Mananalo tayo ngayon pangako ko yan!" Sabi ko sa kanya , maluha luhang binalot niya nang mabilisan yung paa ko ngayon , ramdam ko yung sakit at kirot pero 10 seconds nalang ang natitira at matatapos na ang laban.

Napatayo na ako , hindi ko pwedeng indahin to ngayon na mag pi free throw na ako , nakatayo na ako sa line at pumito na yung ref. Tinignan ko nalang yung ring at mabilis na itinapon yung bola at salamat naman ay pumasok iyun. Sa pangalawang hagis ko ng bola ay nag bounce bounce pa siya sa ring pero kinalaunan ay pumasok din. Wala na kaming time out ngunit nasa amin ang ball position , 107-110 in favor of them , si gabb na ang nasa labas at naghahanap ng pwede mapasahan.

Dalawa na ngayon ang nakabantay sa akin at nahihirapan na akong magpatakbo takbo at linlangin sila.

10

Pinasa na kay Kuya brei yung bola at pinasa niya rin kaagad kay Kuya abbiel.

9

Na double team siya kaya napilitan siyang itapon yun kay gabb at ipinasa sa akin kaagad.

8

7

6

Hawak hawak ko na yung bola at ngayon ay tatlong tao na ang nakabantay sa akin.

5

4

Natatakot akong ipasa yung bola baka kasi maagaw ng kalaban.

3

its now or never na jaydee!

2

Shoot it ayan ang naririnig kong sigaw ng mga tao ngayon , mahina kong hinawi ang isang kalaban ko saka nag step back at nag shoot ng 3 points shot.

1

Isang malakas na pito naman ang narinig ko pa bago  yung buzzer at yung hiyawan ng mga tao.

Enk!!!

Sabay sabay na tumakbo sila gabb , kuya abby at lara papunta sa akin upang itayo ako sa pagkakahiga ko ngayon.

"You did it dong! You did it! At may chance pa tayong manalo sa free throw mo ngayon!" Masayang sabi nila nung itayo nila ako , hindi ko man lang nakita na nashoot yung bola sa ring kasi pagkatapos kung itapon yung bola ay napatingin ako kay frances. Naiisip ko na kapag natalo kami ngayon paano ko makukuha ang loob ng Kuya brei niya na pagkatiwalaan akong muli.

"For three! Jaydee Nathaniel Garcia! At may foul pa! Sa free throw na gagawin ni jaydee ang magdedecide sa kapalaran nila! Kapag na shoot ni Jaydee ito ay sila na ang bubuo sa kalahok sa International League at kapag hindi naman ay may Overtime tayo!" Sigaw ng emcee sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao dito ngayon sa court.

"Bonus shot for Jaydee Garcia!" Ang sabi ko wag na buuin ang pangalan ko ngunit madiing ginagamit pa din ng emcee na to? Fudge I hate being called garcia! Napahinga naman ako nang malalim , this is our chance para manalo , shoot it! shoot it! shoot it! ayan lang ang naririnig kong sigawan ngayon dito.

Nagpokus na ako sa may ring at huminga ng malalim muna bago itapon yung bola sa may ring , pagkatapos kung malaman na na shoot iyun ay nag hiyawan lahat ng tao at papunta na ngayon sila coach at Kuya abbiel ngayon sa kinatatayuan ko.

Tumulo naman yung luha ko nang tumingin ako sa lugar kung nasaan sila frances ngayon at nakita kong magkayakapan sila ni kielle ngayon at tuwang tuwa na nanalo kami.

"Jaydee is the best! Jaydee is the best! Jaydee is the best!" Itinaas nila akong lahat at pinag gugulo yung buhok ko , ibinaba naman nila ako nung mapansin na umiiyak ako. Ang akala ng iba ay tears of joy iting nararamdaman ko ngunit hindi , nasasaktan ako makita si frances na kasama ngayon si kielle at nasasaktan din akong isipin na hindi man lang ako nakapunta ng burol ngayon ni mommy.

"Dong?" Napahagulgul na ako sa iyak at nanghihina na ako ngayon , I'm sorry mom if hindi ako nakapunta ng burol mo ni hindi man lang ako nakagawa ng paraan para mapuntahan ka ngayon huhuhuhuh I'm sorry mommy dahil hindi ko natupad yung pangako ko sayo na hinding hindi ko papaiyakin si frances at hinding hindi ako gagawa ng ikakasira ng relasyon namin mom.

I'm sorry mom and i really miss you! Pangako ko mommy na babawiin ko si frances dahil isa din sa pinangako ko sayo na si frances na ang papakasalan ko. Wala ka naman ngayon dito sa lupa pero asahan mo na habang buhay kang nasa puso ko mommy, mahal na mahal kita ma at siguro kung buhay ka pa binatukan mo na ako ngayon dahil sa ginawa kong pagpapakamatay.

"Tahan na dong! For sure na proud na proud sayo si tita na nanunuod ngayon sa langit , hindi ka man nakapunta ngayon sa burol niya pero may pambawi ka naman sa kanya" sabay yakap nila sa aking tatlo , ang bigat sa puso lalo na at sa huling hantungan ay hindi ko man lang nakita yung mommy ko na matagal ko din hindi nakita.

______

"We are the champions! We are the champions!" Pakantang sabi ni gabb binatukan naman siya ni Kuya abbiel dahil doon. Sa wakas at nakatungtong din kami ng international league. Mas madami kaming makakatapat na malakas ngunit naniniwala akong may ibubuga din kami.

"Tanga hindi pa tayo champion! Qualified lang tayo na maglaro sa International League" sabi naman ni Kuya , napahawak nalang sa may ulohan itong si gabb na tila bay naiinis sa lakas ba naman ng pagbatok sa kanya ni kuya abbie.

"Itong si Kuya abbiel panira moment! Btw dong ang ganda nung last shot mo ah pang championship yung datingan" ginagaya gaya niya pa nga yung shooting form ko kanina , baliw talaga tong si gabb.

"Tsamba lang yun baliw!"nakangiting tugon ko gayung hindi ko naman inexpect na papasok iyun sadyang naniwala lang ako na mananalo kami.

"Siya nga pala jaydee may dinner daw mamaya ah , kasama din yung Ibang makakalabas natin sa I.L " sabi ni lara at sabay na binigay sa akin yung trophy ng Mvp nung una nga ay ayaw kong tanggapin iyun dahil nung huli naman na ako sumali ng laro ngunit ipinilit nila pati ni coach na deserve kong makuha to kaya ayun wala na akong nagawa.

"Jaydee , Abbie , Lance At Gabb? Tara na at magtutungo na tayo sa place kung saan gaganapin yung dinner with other teams." Sabi ni coach nag sitayuan na ang lahat at ako naman ay nakatingin pa rin sa mga paa ko ngayon.

"Mauna na kayo doon Kuya abbiel , lara at gabb gusto ko munang mapag isa kahit ngayon lang don't worry at susunod ako kaya ko naman maglakad eh" sabi ko sa kanila tumango nalang sila at umalis na tsaka iniwan ako dito sa may locker room na mag isa. Nanlulumo parin ako ngayon , nalulungkot ako na makita na nailibing na si mommy ng wala ako doon , napayuko nalang ako pinagsasapak yung sarili upuan ko ngayon.

"Tama na yan jaydee , sinasaktan mo lang lalo yung sarili mo at for sure na hindi matutuwa si tita na makitang ganyan ang ginagawa mo sa sarili mo"  napatingin naman ako sa nagsalita , si Kuya Ali na may hawak na med kit. Lumuhod na siya at iniangat yung paa ko at tinanggal yung sapatos ko.

"Wag kang mag alala kung iniisip mo na galit pa ako sayo ay nagkakamali ka , naiinis lang ako dahil wala ka man lang ginagawa para maintindihan ka namin masyado mo kasing sinisisi agad yung sarili mo lag may nangyayaring hindi maganda at ikaw yung may kasalanan" tinurukan niya na ako ng anesthesia at sinimulan niyang tahiin yung sugat ko.

Wala man lang akong mairebat sa kanya ngayon , tama naman siya i took all the blame at hindi na ako nagpapaliwanag pa ng side ko kasi everytime na ginagawa ko yun ay wala namang naniniwala sa sinasavi ko tanging sila ate abby , lara at gabb lang ang nakaintindi sa akin.

"Salamat Kuya Ali!" Pagpapasalamat ko sa kanya gayung isa siya sa naging matalik kong kaibigan.

"Ihanda mo yung puso mo dahil alam kong hindi mo magugustuhan yung makikita mo doon sa dinner natin ngayon , tara na alalayan na kita" sabi pa niya sa akin anong ibig niyang sabihin? Naglakad lakad na kami at medyo naging okay na rin yung pakiramdam ng talampakan ko ngayon thanks to the great nurse / the best defender ng team namin.

Nakarating na kami ng place kung saan daw magdidinner at sobrang dami ng tao dito ngayon , isa naman sa nakaagaw pansin sa akin ay sila frances at kielle na magkatabi ngayon. Kaya pala sinabi ni Kuya ali na ihanda yung puso ko dahil ito palang ang masasaksihan ko , argh hindi naman masakit parang kagat lang talaga ng dinosaur rawr rawr rawr (matulog na kayo mga readers hahaha)




Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

Continue Reading

You'll Also Like

23.1K 2.3K 30
Frances has a terminal illness and she wanted to spend her remaining days with the person that she really loves the most and it is jaydee.
6.2K 172 27
Trapping my wild imagination into one-shots! TOP KOOK | BOTTOM TAE version. Taekook is the main ship while other ships may/may not be present. Upd...
710K 27.7K 40
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
2M 104K 62
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...