LOVE , LIES WITHIN YOU (FRAND...

By Amyfinity_writes09

106K 9.3K 1.1K

LOVING YOU IS A LOSING GAME More

00
C1
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C30
C31
C32
C33
C34
C35
C36
C37
C38
C39
C40
C41
C42
C43
C44
C45
C46
C47
C48
C49
C50
C51
C52
C53
C54
C55
C56
C57
C58
C59
C60
C61
CH61
C62
C63
C64
C65
C66
C67
C68
C69
C70
C71
C72
C73
C74
C75
C76
C77
C78
C79
C80
C81
C82
C83
C84
C85 End

C11

1.1K 110 14
By Amyfinity_writes09

Game Day

Abbiel's Pov

"Okay team! Kailangan nating manalo ngayon ah para makapasok tayo sa international league , Brei , Abbiel , Lance Ryan , Gabb at Dean kayo na ang best line up ko ngayon kaya sana magkasundo sundo kayo kahit ngayon lang , okay team enjoy and give your best lang!" Sabi ng coach namin sabay nagyakapan kaming lahat at nagsalita naman tong si brei.

"Yung number 24 yung ace player nila at ikaw ang tatao sa kanya Gabb! Abbiel ikaw naman sa number 13 nila , Lance ikaw sa number 4 at dean ikaw sa number 7" sabi niya sa amin tumango nalang kami at pumunta na sa gitna , isa isa na kaming tinawag sa line up. Napatingin naman ako sa bench nakakamiss si jaydee hays kung pwede lang sana siyang maglaro ngayon eh kaso nga lang hindi pa okay yung lagay niya at ngayon ay nasa hospital pa siya.

Nag jump ball na at kami ang nakakuha ng unang ball position , nagdribble drible lang si gabb na may hawak ng bola saka pinasa kay lara at ibinigay naman ni lara kay brei na open ngayon sa 3 point range. Napahiyaw naman ang lahat nang maishoot niya iyun , napatakbo na kami pabalik ng kabilang court upang dumipensa , ang laking lalaki nitong kalaban ko at nahihirapan akong depensahan siya sa ngayon.

Nag  attempt naman siya na mag so shoot siya at napakagat ako dahil doon kaya na foul ko siya at na shoot pa yung hinagis niya na bola. Damn it! Naisahan ako doon ah tinignan naman ako nila lara at gabb na okay lang look ngunit napayuko naman ako nang makita kong dumudugo yung labi ko , natamaan kasi ako ng siko nitong lalaking to. Bali na double kill pa ako doon ah gayung nagkaroon ako ng personal foul tapos nagkasugat pa yung labi ko.

Nagkaroon naman ng official time out at chineck na ng medic namin yung labi ko at nilagyan na ng gamot at pinabalik na ako sa game. Nagtuloy tuloy lang ang laban at natapos na ang second quarter na lamang nang mahigit sampo ang kalaban namin. Napabuntong hininga naman ako dahil doon , napatingin ako sa mga kasama ko at halatang pagod na nga sila ngayon. May hawak hawak ako na yelo ngayon at nilalagay ko yun sa may labi ko , nagulat naman ako ng may mag abot sa akin ng bottled water.

"Babe okay ka lang ba? Ito binilhan kita ng ointment lagyan mo ng gamot yang labi mo para matigil na sa pagdurugo" nalungkot naman ako nang marinig iyun , dahil despite na nakipag break ako sa kanya ay ganyan pa rin siya sa akin. Di talaga tumatanggap ng break up tong si marsela , hays kaya mahal na mahal ko tong babaeng to eh agad ko na siyang niyakap ng mahigpit sapagkat namiss ko siya sobra.

"I'm sorry and I love you babe! Salamat sa effort mo para bumili ng gamot para sa labi ko" Sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang noo niya tumango nalang siya sa akin at naluluhang niyakap akong muli.

Jaydee's Pov

Nakahiga lang ako ngayon dito sa hospital bed at nanunuod lang ako ngayon sa Netflix ng paborito kong series na Umbrella Academy. Napaisip naman ako ano na kaya ang nangyayari ngayon sa laban nila ngayon? Sana manalo sila dahil malaking opportunity yung makapasok sa International League sayang at hindi pa masyadong okay yung sugat. Napatingin naman ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas at nagulat ako ng bumungad si coleen na hingal na hingal at pawis din.

"O-ohh coleen? Anong ginagawa mo dito sa hospital ah?" Takang tanong ko for sure naligaw lang yan dito , hindi naman yan pupunta dito eh lalo na kapag ako yung pasyente. Mas mauuna pa siyang saksakin ako kesa dalawin.

"Ah j-jaydee kailangan ka ng basketball team niyo ngayon , natambakan na sila at hindi pwedeng matalo sila ngayon gayung malaki din ang nakasalalay doon. Kaya ikaw lang ang alam kong makakatulong sa kanila na makabalik sa laban."  sabi niya sa akin habang naghahabol parin ng kanyang hininga , nagtaka naman ako na tumingin sa kanya ngayon. Hindi niya ba nakikita ang kalagayan ko ngayon? Ni wala na nga akong paglagyan ng sakit gayung okyupado lahat ng sakit ang buong katawan ko. Pati puso ko basag na basag din.

"Paano ako makakatulong sa team, sa sitwasyon ko ngayon coleen? At tsaka magtiwala ka mahahabol nila yun sila Kuya abbiel , Lara at Gabrielle , may lahing never say die yun--- " natigilan ako sa pagsasalita nang biglaang kumunot ang noohan niya mukhang hindi niya nagugustuhan yung sinasabi ko.

"Gusto mo diba na mabawi si frances? Ito na yung paraan mo para makabawi ka sa basketball team at lalo na kay kuya brei! Pag napanalo mo tong laro ay baka mabigyan ka na niya ng chance na mag explain ng side mo! Kaya bilisan mo na jaydee time is ticking! Alam kong kaya mo kahit may mga sugat ka sa paa mo , ako bahala babalutin natin ng tela yan doon sa court mamaya kaya tara na"  napabangon naman ako dahil doon , ito lang ba yung way para makabawi ako kila kuya brei then igagrab ko na. Wala din naman akong magagawa , maglaro man o mahiga ako dito ay masakit pa din ang mga sugat ko.

"Wait lang coleen? Hindi ko ata kakayanin pa na maglakad gayung masakit pa din ang paanan ko" pag iinda ko nung akmang ibaba ko na ito sa may sahig , malalim yung naging sugat kung kaya'y napakasakit talaga. Kahit matapang ako ay napaatras ako nang maramdaman ang labis na sakit na nagmumula sa sugat ko. Ano ba itong kalokohan na pinasok ko , ako din ang nagsuffer sa katangahan ko.

"So hahayaan mo nalang talaga na hindi ka makabawi? Look isipin mo sila Kuya abbiel? Ito na yung chance mong makabawi sa kanila gayung naeliminate sila nang dahil dyan sa kagustuhan mong mapalapit muli kay frances?!" Singhal niyang muli sa akin , tama siya hindi lang pala dapat kay frances ako bumabawi kundi para na din sa mga kaibigan ko na nagambala ko. Napatango na lamang ako saka hinayaan na si Coleen na gabayan ako para makababa , hindi pa sapat itong sakit na nararamdaman ko sa ngayon kumpara sa perwisyong naibigay ko kila Kuya abbiel.

"Wait saan ka pupunta Mr. Garcia? Next week ka pa pwedeng irecharge dito sa hospital" sabi ng nurse nang akmang bubuksan na ni coleen yung pintuan ng room ko at nang makaalis na kami.

"Okay na po ako nurse at kailangan ko nang umalis ngayon dahil babawiin ko pa yung taong mahal ko. Ako na po ang bahala sa medical papers ko. Ipapaasikaso ko sa assistant ko" bahagyang napangiti naman yung nurse dahil sa sinabi ko iika ika man ay pinilit kong maglakad. Nagtaka naman ako kung saan naman nagpunta si coleen parang kanina lang ay nasa harapan ko lang siya na ngayon ay hindi ko na mahagilap. Halos manlaki naman ang mata ko dahil sa gulat nang makita siyang may dalang wheelchair.

"Sakay! Bilisan mo na jaydee dahil mas matatagalan tayo kung ganyan ka maglakad ngayon dinaig mo pa yung zombie eh sa sobrang bagal mo!" medyo naiinis na sabi niya umupo na ako at napahawak nalang ako sa may hawakan ng wheelchair ng biglang tumakbo ng mabilis si coleen.

Fudge hindi nga ako namatay nung nag suicide ako pero mukhang si coleen ang papatay sa akin sa sobrang bilis niyang itulak itong wheelchair. Mabilis lang kaming nakapunta ng School at nakasakay pa rin ako ng wheelchair pinagtinginan naman ako ng mga tao na nandito ngayon sa court nung makita ako na naka wheel chair.

"Oh jaydee anong ginagawa mo dito? Akala ko ba next week pa ang discharged mong bata ka?!" Nagtatakang tanong ni coach habang binabalutan ni coleen ng tela yung paa ko ngayon.

"Coach I want to play! Gusto kong bumawi" Determinadong sabi ko sa kanya tinignan niya naman ako ng may pag aalala , nilagyan na ako ng sapatos ni coleen at tumayo na ako.

Nagpatalon talo pa ako upang malaman kung okay ba at hindi masyadong masakit yung sugat ko , pero fudge sobrang sakit niya pero hindi  ko ipinakita kay coach yung ekspresyon ng mukha ko na masakit sa halip ay ngumiti ako. Kailangan kong tiisin ito nang iilang minuto.

"See coach! I'm okay kaya let me play na 4th quarter na yan coach oh at lamang pa ang kalaban ng mahigit sa 22 , I know na you hate losing coach at ako din I really hate losing lalo na kung hindi ako maglalaro para sa team" seryosong sabi ko napaisip naman siya at bigla siyang nagpatawag ng time out.

"Dong anong ginawa mo dito? Hindi bat hindi pa magaling ang sugat mo ah? Baka mapaano ka! Magpahinga ka na lamang." Sabay na sabi nila lance ryan , gabb at kuya abby sabay yakap nila sa akin , i miss them kahit kanina kanina  lang ay nakasama ko sila sa hospital.

"Rest now dean! Jaydee will play as your substitute! Okay team let's get it on like I said kanina we'll just try our best manalo man o matalo but jaydee hate losing at kayo din kaya let's win this game and lets represent our school to the International league!" Sigaw ni coach bahagyang napangiti naman ako dahil doon , gayung ito na yung tsansa ko para makabawi , I'm not totally okay talaga pero gagawin ko ang lahat para maipanalo ang laban na ito

"Okay kana ba talaga dong? Pwede ka pang umatras ungas. Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa talaga kaya." Nag aalalang saad muli ni Kuya Abbiel at napatango na lamang ako bilang senyales na okay lang ako at kaya ko.

"Yeah I'm okay kaya wag na kayong mag alala , baka jaydee to? Laging strong?!" Napatingin naman ako sa kinauupuan nila coleen at frances magkatabi nga sila ni kielle at nakaakbay pa siya kay queen. Mas masakit pa ata silang panuorin kesa sa sugat ko ngayon na for sure ay nagdurugo na dahil ramdam ko na yung basa sa may sapatos pero anyway I'll do everything para mabawi yung reyna ko at kailangan naming manalo ngayon.




Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

Continue Reading

You'll Also Like

187K 5.3K 44
para ito sa gawong community sana magustuhan nyo. sa gawong tayo. #protectgawongatallcost
4.8K 132 62
A Blind girl getting involved with mafia people and her past enemies... will she be able to bear everything coming her way, or will she give up? What...
7.8K 171 18
Who would have thought, that just a tattoo salon, well a tattooartist could change my life...- felix Who would have thought, that just a new customer...
Yours to revenge By Rami

General Fiction

227K 11.2K 40
Highest Ranking: #8 in General fiction on 05/06/2017 "When you begin a journey of revenge, start by digging two graves: one for your enemy, and one f...